________________________________________ By ABMCB 3B: GROUP 3

(c) 2012

liezel.annne@gmail.com

INT.OFFICE.DAY CLOSE UP:DALAWANG KAMAY. May inaabot na papel si MAN 1 kay POLITICIAN. POL (V.O.) Minsan, kahit gaano katindi ang paninindigan mo sa isang bagay, hindi maiiwasang umabot sa pagkakataong masusubok ito. Pipiliting timbangin ng iyong konsensya kung saan ka papanig at kung karapat dapat itong panigan. Magiging magulo ang pamantayan ng tama at mali at masusubok kung hanggang saan ang kayang isuko..at ang pinakamahirap na tanong sa lahat, "Ano ang dapat gawin?". CUT TO:MAN STANDING BY THE WINDOW INT.OFFICE.DAY Nakatayo si POL sa may bintana. Nakatingin sa mga dumadaan. Mahahagip ng mata nya ang isang batang mangangalakal na naglalakad. Magfflashback yung pagkabata ni POL. WIDE:NAKATAYO SI POL SA MAY BINTANA. TAPOS SHOT NA PARANG EYE VIEW NYA. TAPOS ZOOM IN:BATA. COLOR CHANGES. MAGSE-SEPIA THEN BACK TO NATURAL COLORS. FLASHBACK STARTS. EXT.STREET.DAY WIDE:BUSY STREET. ORDINARYONG KOMUNIDAD LANG. MAINGAY. POL (V.O.) Sa lugar namin, simple lang. Magka kakilala lahat ng magka kapitbahay. Halos puro barung barong ang makikita. Masikip. Maswerte na kung ang bahay mo, may isang kwarto, sala at kusina. CUT TO: MGA MANGINGINOM AT NAGSUSUGAL. MGA BATANG NAGHAHABULAN AT NAGLALARO.

2. EXT.STREET.DAY Naglalakad ang batang POL. Tinitignan nya yung mga nadadaanang manginginom, sugarol, mga batang nakakalat sa lansangan. Hanggang sa makarating sya sa isang bahay. Mas malaki kumpara sa mga kalapit na bahay. POL (V.O.) Ang mga tao dito, mababait naman-kung may kailangan. Pag tinatanong ko kung bakit, ang laging sagot: bata pa ko. Hindi ko pa daw maiintindihan sabi ng nanay ko. Yung mga bata na kaedad ko, karamihan hindi nag-aaral. Ayaw nila. Hindi dahil sa ayaw nilang matuto o ayaw nila ng asayment at test. Hindi na lang nila ginusto dahil hindi nila kaya. Walang pera. Iiwan nya sa labas ng bahay ang mga dala nya. Papasok sya sa bahay. INT.HOME.DAY May maliit na sala. Uupo sa sofa. Kita yung hapag kainan mula sa pagkakaupo nya. Makikita nya na may tuyo, kamatis at konting kanin sa mesa. Pupuntahan nya ang pagkain. POL (V.O.) Pangkain. Pamapagamot. Panggastos. Problemang kinakagisnan at tinutulugan ng mga tao dito sa’min yan. Bata pa ko. Dapat laro laro lang ang iniisip ko. Edukasyon, mga bagay na dapat matutunan, mga bagay na maghahanda sa’kin para maging matatag at wais paglaki ko. Bata pa ko. Pero alam ko na kung ano’ng importansya ng pera, kung gaano kalaki ang pwedeng maging impluwensya nito. Lalabas galing sa kwarto ang NANAY ni POL. Makikita sya. NANAY O nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba? Kainin mo na yang tinabi naming pagkain para sayo.

(CONTINUED)

CONTINUED: POL (tatayo para magmano) Kadarating ko lang po. Opo, salamat po sa pagkain. NANAY Kaawaan ka ng Diyos. Pagkakain mo, mag-aral ka na. May mga nahingi akong mga dating libro ng mga anak ni Mrs. Reyes. Basahin mo. Para kahit pano, mapunuan yung biglaan mong pagtigil sa pag-aaral. POL Nako, salamat po! Pero pupunta muna po ako sa simbahan pagkakain Nay. Baka maabutan ko pa po yung nagtuturo doon. NANAY O sige. Mag-iingat ka ha! Lalo na sa pagtawid tawid. Mahirap na, ang mga drayber ng jeep ngayon e, kung makapagmaneho, akala mo mauubusan ng pasahero sa kalye! POL (nakangiti) Hindi naman po ako mapapahamak Nay. Bukod sa alam ko po na lagi kong kasama ang guardian angel ko, sa tamang tawiran naman po ako tumatawid.

3.

Matatapos na kumain si POL habang nagsasalita ang NANAY nya. NANAY (yayakapin ang anak) Kung sabagay. Hindi ka naman mapapahamak sa pagsunod. Hindi namin masisigurado ng tatay mo kung mapapamanahan ka namin ng edukasyon. Hirap tayo anak e, alam mo naman yan. Pero iginagapang pa rin namin para kahit papano, makapag-aral ka ulit. Pero bukod sa edukasyon, tanging ang matibay na paninindigan sa tama at pagsunod sa mga alituntunin ang maipamamana namin sayo. Kung sakaling hindi ka man namin mapagtapos ng pag-aaral, sigurado pa rin kaming magiging matagumpay ka kung alam mo kung ano ang dapat sundin at panindigan. (CONTINUED)

CONTINUED: POL (tumatawa) Kayo talaga Nay, masyado po kayong madrama. Alam ko po ang pagod at hirap na pinagdadaanan ninyo ni Tatay para sa ikabubuti ko. Wag nyo na pong intindihin na nahinto ako sa pag-aaral. Ang mahalaga po, lagi kayong nandyan para gabayan ako sa paglaki. O sige po Nay, pupunta na muna po ako sa simbahan. Baka hindi na po ako umabot e.

4.

Magmamano ulit at hahalik si POL sa NANAY. Palabas na ng pinto si POL. NANAY (nakangiti) Anank, salamat! Titigil si POL. Ngingiti at magfflying kiss sa NANAY. Kakaway at tuluyan nang aalis. CUT TO:POL TUMATAKBO. EXT.STREET.DAY TRACKING: POL TUMATAKBO HANGGANG PAPASOK SYA SA SIMBAHAN. TAPOS WIDE NG FACADE NG SIMABAHAN. Lalabas si POL ng simbahan.. FROM WIDE, PAN DOWN SA MGA LABAS-PASOK NG SIMBAHAN. CLOSE UP: MGA PAA. TAPOS FOCUS SA ISANG PARES NG MGA PAA. PAGTUNTONG NG MGA PAA SA LUPA SA LABAS NG SIMBAHAN.SHIFT FOCUS SA PERA SA HARAP NG MGA PAA. Maraming dumadaan. May malalaglag na pera sa harap ni POL. Yuyuko sya para pulutin ang pera. Matatagalan bago sya tumayo ulit. Hawak nya lang yung pera. ZOOM OUT:BINATANG POL. Titingin tingin sya sa paligid. Hahanapin ang nakalaglag ang pera. Makikita nya ang isang lalaki, hanap ng hanap ng pera sa mga bulsa nya. Iaabot nya yung perang napulot. Magpapasalamat ang lalaki. Yuyuko si POL, tapos ngingiti. Lalakad sya. May mga madadaanan syang mga binebentang pirated na DVD. Dinudumog ng mga tao. Lalapitan sya ng naglalako ng DVD, aabutan na sya ng mga sample. May hawak na karatulang BUY 1 TAKE 2. Tititigan nya, gusto nyang bumili. Pero iiling lang sya at tutuloy sa paglalakad. (CONTINUED)

CONTINUED:

5.

Dudukot sya sa bulsa para kumuha ng chewing gum. Kakainin nya. Ibubulsa nya yung wrapper ng kinain nyang chewing gum. May nauuna sa kanyang maglakad, nagtapon ng pinagbalatan ng candy. Mapapailing sya ulit, sabay pupulutin yung tinapon ng ale at itatapon sa basurahan sa malapit. Patuloy pa din sya sa paglakad. Tapos papasok sya sa isang opisina, magbabayad ng tax. Mabait yung kahera. Ngingiti. ZOOM IN:MATA NG KAHERA. CUT TO: MATA NI POL. MAGIGING SEPIA ULIT YUNG KULAY TAPOS BABALIK SA NORMAL. ZOOM OUT TAPOS BACK TO PRESENT POL NA NAKATAYO SA MAY BINTANA NG OPISINA NYA. INT.OFFICE.DAY Nakatayo si POL sa may bintana. Nakatingin sa mga dumadaan. Mangingiti sya sa pagka-alala ng sarili sa nakitang bata. GUEST (O/C) So how do you find the offer Mr. Sta. Cruz? ZOOM IN:POL’S FACE FLASHBACK NG NANGYARI ILANG MINUTO LANG ANG NAKALIPAS. INT.OFFICE.DAY Nakaupo sa loob ng opisina si POL, nagta-trabaho. Ring lang ng ring ang cellphone nya. Hindi nya sinasagot ang tawag ni Congressman Jaramillo. Kakatok ang secretary.. SECRETARY Governor, nasa labas po si Congressman Jaramillo. Hindi daw po kayo sumasagot sa mga tawag nya kaya sinadya na lang po kayo dito sa opisina. Tuloy lang sa trabaho si POL. Kunyari walang narinig. Nang paalis na ang secretary nya.. POL Carmen, sige, papasukin mo si Congressman Jaramillo. Salamat! (CONTINUED)

CONTINUED:

6.

Papasok si Mr. Jaramillo. Tuloy pa rin sa paper work si POL. MR. JARAMILLO (lalapit kay POL, galak na galak at excited makipag-kamay) Kumpadre! Kumusta na? Matagal tagal na rin mula ng huli tayong nagkita! Si kumadre, ang mga bata? Kumusta sila? Malalaki na ba? POL (tahimik lang na titigil sa ginagawa at magalang na tatayo at makikipag-kamay, umiiwas sa mga mata ni Mr. Jaramillo) Mabuti naman congressman! Have a seat. Ano bang atin? MR. JARAMILLO Kumpadre, kumpadre! Alam mo naman kung ano ang pakay ko ngayon. Medyo matagal mo na ring iniiwasan ang mga tawag ko. Bakit kumpadre? Ano ba ang hindi mo nagustuhan sa alok ko? POL Congressman, kung tungkol pa rin yan sa pagkuha mo sa lupa ng mga taga-San Gabriel, pasensya na pero hindi ko kayo matutulungan. MR. JARAMILLO Kumpadre, pag-isipan mong mabuti. Jackpot na jackpot ka dito! Wala kang ibang gagawin kundi palabasin na proyekto ito ng gobyerno. Joint project ng distrito mo at ng distrito ko. Isang recreational center at spa na abot-kaya ang halaga. Nakausap ko na si Mayor Cabral. Nagawan nya na ng paraan. Signal mo na lang ang hinihintay ng mga bata nya. Isipin mo kumpadre, wala kang lugi dito. POL Congressman, hindi makatarungang agawin ang mga pribadong lupa ng mga tao sa distrito ko para lang maipatayo ang recreational center at spa na iilan lang ang makikinabang. (CONTINUED)

CONTINUED: MR. JARAMILLO (mapipikon na) Governor Sta. Cruz, baka nakakalimutan mo kung ano ang mga naitulong ko noon sa pamilya mo. Sa dinami dami ng nilapitan mo, di ba’t ako lang ang nag-iisang tumulong na maipagamot ang asawa mo? At ang pag-usad at pagbilis ng pagkahuli sa rapist ng anak mo, hindi ba’t ako rin ang dahilan? Napakaliit na pabor lang nito Pol, bakit hindi mo mapagbigyan? POL Alam ko Congressman, at hinding hindi ko yun makakalimutan. Malaki ang utang na loob ko sa inyo, oo. Pero hindi sa ganitong paraan ko pinangarap at inisip na makabayad sa inyo. MR. JARAMILLO (galit, magdadabog sa mesa) What on earth are you thinking Pol? Na papadalan mo ako ng regalo tuwing may birthday sa bahay o pasko? Eto na ang pinakamagandang bayad mo sa lahat ng mga nagawa ko noon para sa pamilya mo! Simpleng pirma Pol. Pirma mo na lang ang kailangan! You haven’t been in this business for long, madami ka pang dapat matutunan Pol. And this is a starter for you! POL Kung anuman yang mga bagay na sinasabi mong dapat kong matutunan sa mundong ginagalawan nating dalawa, hindi ako interesado. Congressman, tahimik ang distrito ko. Ayoko ng gulo. MR. JARAMILLO Masyado kang ma-pride Pol! Mapapakain ka ba ng pride mo? Kaya bang buhayin ng pride mo ang mag-iina mo? POL (tatayo, pupunta sa may bintana. titingin sa mga tao sa labas)

7.

(CONTINUED)

CONTINUED:

8.

Hindi ito pride Congressman. Dignidad. Paninindigan. Ito lang ang tanging bagay na nakuha ko mula sa mga magulang ko. Ito ang dahilan kung bakit napagtapos ko ang sarili ko sa kolehiyo. At ito rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Tinatanong mo kung mapapakain ba ako nito? OO. At hindi lang basta mapapakain, bubuhayin at patatatagin pa nito ang pamilya ko. Matitigilan si Congressman Jaramillo. Magiging kalmado ulit. ZOOM IN SA KAMAO NI JARAMILLO. YUNG NARELAX NA KAMAY, MAGMO-MORPH TAPOS KAMAY NA YUN NI POL. INT.OFFICE.DAY CLOSE UP:KAMAY NI POL. INTO FRAME ang kamay ni CONG. JARAMILLO na may hawak na sobre. Ii-ipit nya sa kamay ni POL. Mararamdaman ni POL. Mag-aalinlangan sya kung kukunin nya ba o hindi ang sobre. MR. JARAMILLO (O/C) Alam kong kailangan mo nito ngayon. Nabalitaan kong kailangang kailangan daw ng operasyon ng nanay mo at nasa ibang bansa pa ang kailangang facilities. Tanggapin mo na to kumpadre. Kukunin ni POL ang sobre. Lalabas na ng opisina si CONG. JARAMILLO. Mapapaupo si POL at madidismaya sa sarili. *VO dialogue ng nanay nya tungkol sa prinsipyo at dignidad. Biglang tatayo si POL at pahangos na lalabas ng opisina. Hahabulin si CONG. JARAMILLO. Ibabalik ang sobre at lalakad ng may dignidad pabalik sa opisina nya. Nakatingin lang ang mga tao sa paligid sa nangyari. Gulat sila. POL (V.O.) Lumaki ako sa hirap, pero hindi ako lumaking mahirap. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit iniisip ng marami na kayang kayang manipulahin ng pera ang tao. (MORE) (CONTINUED)

CONTINUED:

9.

POL (cont’d) Di ba tao ang gumawa sa pera? Bakit hinahayaan ng tao na kontrolin at alipinin sya nito? Gobernador ako pero hindi ako mayaman. Gobernador ako, dahil may tiwala sa akin ang mga tao. Nagtiwala sila sa’kin dahil alam nilang matindi ang paninindigan ko sa tama. Hindi ko sisirain ang tiwalang yun. Dahil ang tiwalang yun ang dahilan kung bakit kahit may mga pagsubok ay masaya pa rin kaming nabubuhay ng pamilya ko. Alam kong matutuwa sa akin ang nanay. Dahil tama ang pagtitimbang ko sa sitwasyon. Dahil kahit buhay ng nanay ko ang nalagay sa alanganin, hindi ko pa rin isinantabi ang bagay na tanging pamana nila sa akin ni tatay.. ang aking dignidad, ang aking prisipyo. -END-

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful