Si Gerly Daug Esperon, 37 taong gulang, asawa ni Ernesto Esperon, ay isasailalim sa maselang “kidney transplant operation” sa Maynila upang

mabigyang-lunas ang hapding kanyang dinaranas sa ngayon dahil sa lumalalang sakit sa kanyang bato. Halos mahigit nang limang taon na niyang pinaghihirapan ang karamdamang ito na kung tawagin sa

Pinay inayudahan ng pamilyang Qatari para maoperahan
ingles ay “End Stage Renal Failure” (ESRF), isang uri ng sakit sa bato na mapapangalagaan sa pamamagitang ng pag-Dialysis o ang paggamit ng isang instrumentong ikakabit ang tubo sa loob ng kanyang mga ugat upang ang mga maruruming dugo ay dumaloy papalabas at mapalitan ng isang uri ng tubig na may kemikal na magiging panglinis nito. Mahirap ang kalagayan ni Gerly. Sa halos walong taon niYour    Global    Remittance    Partner tong panunungkulan NGAYON  ANG  PALITAN  /  HALAGAHAN sa Sheraton Hotel  NG  PERA  SA  PILIPINAS ay nakukuha pa rin niyang maglingkod bilang isang magiliw na front desk receptionist sa kabila ng kanyang karamdaman. Sa kanyang kasipagan at tapat MGA  PRODUKTONG  AYON  SA  PADALAHAN: sa panunungkulan, pinarangalan siya bilang isang EmpRCBC leyado ng Buwan BANCO DE ORO sa taong 2007 at BPI muling pinangaralan IREMIT matapos ang halos PHILIPPINE NATIONAL BANK dalawang taon biASIA UNITED BANK lang Empleyado ng ZAMAN REMIT Taon 2009. Nagsimula ang METRO BANK kalbaryo ni Gerly MGA  SANGAY  NG  AMING  KUMPANYA: noong taong 2006 Souq Najada Lulu Hyper Market Sanayya(Street 17) Near  Arab  Roundabout D-­Ring  Road Opp.  White  Rose  Hypermarket nang miyembro siya Tel:  +974  44670490   Tel:  +974-­44510088   Tel:+974-­44441448   bilang isang ProtoMob:+974-­66005388 Mob:  +974-­66002133 Mob:+974-­55548977 col Staff ng Asian Al Khor Matar Qadeem Al Meera-­Mansoura Games. Dahil nagAl  Meera  Road  (M  &  J  Building) Near  Ahlibank   Al  Meera Tel:  +974-­44213444 ing matindi ang mga Opp.  Sulaiman  Jewellery Tel:  +974-­44357552 Mob:  +974-­55993103 Mob:  +974-­66002265 Tel:  +974-­44655559   pagkilos ng mga Mob:  +974-­66041377 tauhan sa paghahanda sa isang napakalaking paligsahan sa buong Asya na ginanap sa Doha na kung saan ay di niya makayanang ipagpatuloy pa ang kanyang trabaho sa kadahilanang nakaramdam na siya ng matinding sakit sa katawan. Nang kanya itong ipinasuri ay saka niya lang nalaman ang tunay na karamdaman sa kanyang bato na naging sanhi ng pagiba sa pag-ikot ng kanyang mundong ginagalawan. Mula noon ay naging mahirap na ang kanyang pagkilos sa kanyang pagtratabaho subalit dahil sa pagmamalasakit at sa kagandahang loob naman ng Sheraton Management ay inilipat siya sa isang tungkulin na may mas magaang na gawain. Dahil sa napakabait na pakikitungo sa kanya ng kanyang amo at mga kapwa manggagawa ay muli niyang naipanumbalik ang kanyang sigla sa kabila ng lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Subalit sadyang naging mapaglaro kay Gerly ang paghamon ng buhay. Noong Mayo 2011 sa pandaigdigang labanang Pacquiao – Mosley kung saan isa siya sa karaniwang Pilipino na humahanga sa ating pambansang kamao at dahil na rin marahil sa labis na di maiwasang tuwa at matinding kagalakan sa nasaksihang labanan sa lona, ay na-stroke siya nang matindi. Kaagad siyang itinakbo sa Ospital ng Hamad Medical Center, at dito ay nagkaroon nga ng maraming kumplikasyon ang kanyang sakit at isa na dito ang pagdami ng tubig sa loob ng kanyang puso, may halos isang litro ang dami na may layo sa isang normal na kalagayan. Hindi maubos-maisip ni Gerly kung anong dagok ng tadhana ang nangyari sa kanya. Ganun pa man ay nagpapasalamat pa rin siya ng lubos sa Poong Maykapal dahil ang kanyang kabiyak sa puso ay lagi pa ring nasa kanyang piling. Ipinapakita nang lubos ang kanyang pagmamahal at ito ay nagbibigay-lakas sa kanya upang harapin ang dumating na pagsubok. Ganuon din ang kagustuhan niyang mapaglingkuran mabuti ang kanyang anak na nasa Maynila na maibigay ng lubos ang kanyang pagmamahal dito bilang isang magulang sa mga nalalabi pa niyang buhay sa mundo. Kaya palagi niyang dalangin sa halos araw araw ay madugtungan pa ang kanyang buhay. Maraming pagkakataon naging mahina si Gerly sa pakikibaka sa buhay lalo na’t napag-alaman niyang bubuksan ang kanyang bungo ng isang neuro-surgeon upang mapag-aralan. Gayun din ang magkaibang laki ng kanyang bato na may pitong sentimetro at ang isa naman ay may siyam na sentimentro ang bilog. Bagaman lalong tumindi ang kanyang pagkahabag sa sarili ay ninais pa rin niyang gumaling kahit anong hirap ang kanyang daranasin at ito ay walang alintana sa kanya. Halos hindi naman makalabas ng bahay ang mag-asawa upang makapag-liwaliw kahit panandalian lamang. Ni hindi nga makalabas ng kwarto sa dahilang laging nakakabit sa kanyang tiyan ang tubo ng panlinis nito. Hanggang nang isang araw at magbukas ang kalangitan sa kanilang magasawa, dala na rin ng kanilang mataimtim na mga panalangin at tahasang pananalig sa Diyos ay biglaang may isang mula sa kilala at pinagpipitaganang pamilyang Qatari ang nagmagandang loob na tumulong at magbigay pagasa sa kanya. Siguro nga, sa kabila ng tapat at kabaitang ipinamamalas ni Gerly sa kanyang kasamahan sa trabaho, may isang nilalang na makapupuri nito ng lubos at sila nga ang tumayong kanyang mga sugo upang maitulak ng madalian si Gerly na maipagamot sa mga dalubhasa sa Maynila at kanilang tutugunan ang mga gastusin nito. Isang napakamalaking halaga ang buong pusong ibinigay sa kanila upang tustusan ang napakalaking halaga ding gastusan sa kanyang pagpapagamot. Ganuon na lamang ang lubos na pagpapasalamat ng mag-asawa, kaya noong ikalawa ng Marso 2012, sila’y lumisan upang maisakatuparan ang nasabing transplant. Gugugol ng halos tatlo hanggang apat na buwan kasama ang kanyang pagpapagaling. Muling panalangin na sa araw ng pagbabalik ng mag-asawa sa Doha ay kanilang ikasisiya lalo na’t may maganda silang hatid at dulot na pag-asa lalo na sa mga taong nawawalan nito. Nawa’y sa kanilang pagbabalik ay nariyan pa rin ang ipinangakong trabaho ni Gerly sa Sheraton Hotel. (Halaw sa Balitang Q. Sundan sa www.balitangq.org)

MARSO 16, 2012

MIDDLE EAST NGAYON

3

12.10

Kuha nang pakikipanayam ni G. Flor Cabrito kay Gerly Esperon ang mga pagdanas niya ng kahirapan sa limang taong pakikibaka upang humaba ang kanyang buhay.

www.alzamanexchange.com

Magkakaroon muli ng Health & Safety Seminar para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dito sa Qatar na gaganapin sa Marco 30, 2012, Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon sa Philippine School Doha (PSD) Gymnasium. Layunin ng seminar na mabigyan ng kaalaman ang mga kababayan natin upang laging handa sa anuman sitwasyon at maging ang pagbibigay ng ekspertong pagtuturo ukol sa pamamahala ng tahanan at kalusugan. Ang seminar ay isinasagawa tuwing Marso at sa nakalipas na dalawang taon, naging matagumpay ang programa na may basbas ng Embahada ng Pilipinas at ng Philippine Independence Day Organizing Committee for 2012 (PINOC-2012) sa pakikipagtulungan ng Philippine Association of Safery Engineers (PHASE) Qatar. Piling paksa ang mga sumusunod: Understanding Hazard and Risk, Fire Safety & Prevention, Manual Handling & Back Safety, 5S of Housekeeping, Workplace Ergonomics, Health & Well Being, at Dental Care. Mga piling eksperto at propesyonal sa larangan ng pagtuturo at aktuwal nilang gawain ang mga magsasalita sa sinabing seminar na naglalayong umakit ng mahigit dalawandaang katao. Magkakaroon ng benepisyo ang dadalo kung saan sila ay bibigyan ng sertipiko, at dahil sa ito ay maghapon, mayroong kasamang pagkain sa seminar kit at plano ng organizer na magkaroon ng live streaming kasama ng kanilang media partner na Balitang Q at suportado naman ng Pilipino Star Ngayon ang pagsasapubliko ng pagsasanay. Sa mga nais mag-seminar, huwag pong mag-atubiling tawagan ang sumusunod na numero: Nancy Faurillo 66746758 o 77786963; Sally Dubas 55356749; Engr. Angel Santos 55283574 o 77303599; at Mr. Antonio De Leon 66453089. Dahil sa limitado lamang po ang upuan, ang mauuna pong magparehistro ay mabibigyan ng prayoridad. (Manny Camato)

Safety seminar sa OFW idaraos

Si Gerly habang ipinapakita ang isang instrumento ng kanyang pagda-dialysis dito sa Doha.

Master your semester with Scribd & The New York Times

Special offer for students: Only $4.99/month.

Master your semester with Scribd & The New York Times

Cancel anytime.