ANG KAPANGYARIHAN NG MGA EKONOMIKONG ELITISTA: MAY KAKAYAHANG HUMUBOG NG KAISIPAN NG TAO

Isang riserts na iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Sining at Agham Departamento ng Filipino Pamantasan ng New Era, Lungsod Quezon

Bilang bahagi ng Pagtupad

Sa mga Rekwayrment sa Pagtatamo ng Kursong Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat

ni:

DARMO C. GAYOS III

Ika-10 ng Marso 2004

Pamantasan ng New Era

u. ERLINDA CALDERON MIRAFUENTES-DELA CRUZ Tagapagturo Puna:_____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ .Kolehiyo ng Sining at Agham Kagawaran ng Wika Departamento ng Filipino PAHINA NG PAGSANG-AYON Sa parsyal na kaganapan sa mga rekwayrment sa sabjek na Filipino 2.Pagbasa at Pagsulat. unang taon ng kolehiyo sa kursong Batsilyer ng Sining. Lunes at Miyerkules n. ay inihanda at isinimute ni Darmo C. Prop. ikalawang semestre 2003-2004.. Sinang-ayunan at tinanggap bilang ganap na katugunan sa kursong Filipino 2Pagbasa at Pagsulat na may markang __________. medyor ng Agham Pampulitika (AB Political Science). ang riserts na "ANG KAPANGYARIHAN NG MGA EKONOMIKONG ELITISTA: MAY KAKAYAHANG HUMUBOG NG KAISIPAN NG TAO". Gayos III.

Sa aking ate na si Maria Divina (Babs na lang!). Sa aking ina na si Anita. Placio. ang Itaas. Sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan. sa pagpapatayo ng pamantasang pinakikinabangan ng lahat. at pinagtiyagaan ang aking pangungulit. sa kanyang mahuhusay na pamumuno sa College of Arts and Sciences at mabisang pagtataguyod ng Basic Education Curriculum (BEC). na madalas mapuyat sa kagigising sa akin kapag napupuyat ako sa pag-eencode ng research na ito at may maaga pang klase. at napupuyat din sa kagigising sa akin. sa patuloy na pagbibigay sa akin ng pagkakataong makapag-aral. na nagpagamit sa akin ng kanyang kompyuter na halos umusok kapag binitawan ko na. Filipiniana. sa walang sawang pagtuturo at paggabay sa aming pananaliksik. OIC Dean.__________________________________________________________________________________ PASASALAMAT Ang sulating pananaliksik na ito ay hindi maisasagawa kung wala ang tulong ng mga sumusunod: Dr. at Main Library.at madalas ko ding utangan ng pampa-print (‘wag muna bayad ngayon!). Pedrito B. Higit sa lahat. Propesora Erlinda Dela Cruz. Sa mga Librarian ng CAS. Marami pong salamat sa inyong lahat! . sa matiyagang nagpahiram sa akin ng sangkatutak na libro. mayaman man o dukha. kapatid man o pinsan (tanungin n’yo si Ma’am Dela Cruz kung anong ibig sabihin niyon).

Dcg3 Sa ating Panginoong Diyos… Sa aking mga mahal sa buhay… Sa aking mga kababayan… Sa ating kaawa-awang Inang Bayan… Ang aking hamak na akda ay taos-puso kong iniaalay sa inyo…. .

has control over the means of mental production… The ruling ideas are nothing more than the ideal expression of the dominant material relationships… . is at the same time its ruling intellectual force. which is the ruling force of the society.Karl Marx (1818-1883) "The ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas: i. the class.e. The class which has the means of material production at its disposal..

na maari niyang ipambili ng iba pang commodities na kanyang kinokunsumo. telepono. is to change it. napapataas natin ang halaga ng ating lakas-paggawa. manicure at pedicure. sa kadahilanang sa pamamagitan nito. ang taong nagtataglay nito ay may kapangyarihang ekonomiko. Maari rin itong palaguin o paramihin sa pamamagitan ng pagpupuhunan o pag-iinvest sa negosyo (ang pag-aaral. Sa madaling salita.The German Ideology www." Theses on Feuerbach www. ang sahod ng isang dekano ay higit na mataas kaysa dyanitor dahil dito) At maari rin itong ibenta sa pamamagitan ng pagpapapalit nito sa salapi ng ibang bansa (hal. the point however. pinapalago o muling ipinagbibili.org TSAPTER 1: ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO PANIMULA Hindi natin maitatanggi na sa pamumuhay sa mundong ito ay kailangan natin ng salapi. ng mga serbisyo tulad ng kuryente. gupit. Ito ang ating ipinambibili ng iba pang commodities o ng ating mga pangangailangan tulad ng pagkain.. sapagkat ang lahat ng mga ito ay may katapat na halaga sa salapi. itinatago.$1=P55).org "The philosophers have only interpreted the world in various ways.marxists. . mansiyon at iba pang mga kauri nito. sportscar. ang tinatawag na "all-around commodity". ayon sa kanyang mga pangangailangan o nais. na isang commodity sa ilalim ng kategoryang serbisyo.marxists. at pati na rin ng mga luho tulad ng alahas. tubig. damit at gamot. ay maituturing na isa ring uri ng pamumuhunang intelektuwal.na isa ring commodity. Maari rin itong iimbak sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko.

upang gapiin ang mga kapwa burgis na kalaban nila. ay gumagamit ng mga mahihirap o proletaryo. militar. ang mga mayayaman o mga burgis. At upang maisagawa nila ito. Ang paggamit ng mga ekonomikong elitista ng kanilang mga kayamanan at ariarian ay nakapagbabago ng kaisipan o ideolohiya. lakas at buhay kumita lamang nito . kundi pati na rin ang mga nasa pinakamataas na katungkulan sa ating pamahalaan. Ang tipikal na halimbawa ay ang pamilyang Medici ng Republika ng Florence sa Italya(5:1000-02). ang pagaari at pagkakaroon ng kontrol sa malawak at maraming ari-arian) ay nagdudulot ng katanyagan. maari rin kaya nitong baguhin ang ideolohiya o kaisipan ng mga tao? Ito ang nais alamin ng sulating pananaliksik na ito. "Ang salapi ay Kapangyarihan. moralidad. ang kapangyarihang ekonomiko (hal. lakas. Hindi natin maikakaila ang reyalidad na sa pamamagitan ng ekonomikong kapangyarihang ito ng mga ekonomikong elitista ay napapasunod hindi lamang ang mga nasa pinakamababa. Marami rin tayong madalas na makita’t marinig na mga tao na ibinubuhos ang buo nilang panahon.. Ayon sa isang pulitikal na ideolohista. ugali at mga pulitikal na institusyon. nakapagluklok ng apat na papa sa Roma (Leo X. (2:11). at Leo XI). Isang ekonomista naman ang nagsabi (3:424) na." Madalas ding sabihin sa atin ng mga matatanda na "Pera-pera lang ‘yan!" kapag nagkakaroon halimbawa ng baligtaran sa prinsipyo.Ayon kay Conwell (1:232). ang ating kalagayang materyal at ekonomiko ang humuhubog sa ating pagpapahalaga. Anang mga sosyolohista(4:290). at maging sa litigasyon. sa panahon ng kanilang pamumuno. naging patron sa larangan ng sining at agham. na karamihan ay mahihirap. Sila ay nagkaroon ng kontrol pulitikal at ekonomiko. pulitika. at nakapagmantine ng malaki at tapat na hukbo. kapangyarihan at impluwensiya sa mga taong humahawak nito. Sapagkat ayon kay Karl Marx(6:293): . kanilang tinuturuan ang mga mahihirap ng pulitikal at pangkalahatang edukasyon. Ang pagkontrol ng mga mayayaman sa mga mamamayan ay hindi na isang bagong bagay. Pio IV. At ang lahat ng mga ito ay dahil sa kanilang malaking kayamanan. Clemente VII. Kung ang mga tao ay handang magbuhos ng buo nilang panahon. at buhay magkamal lamang at maparami ito. at nakokontrol ng mga humahawak nito ang mga nagpapatakbo sa ating pamahalaan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ito ang mga katanungan na nais mabigyan ng kasagutan ng panananaliksik na ito: 1. Ano ang isa sa mga halimbawa ng kaisipan na nagsusulong ng mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista? 3. ang nagpapasya ng kanilang kamalayan. kundi ang kanilang panlipunang pamumuhay. Ang mga naghaharing pananaw sa larangan ng moralidad. ano ang isa sa marami nilang pamamaraan ng pagsasagawa nito? 4. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. Ayon kay Will Durant 7:202). batas. ang unconscious o di-namamalayang proseso sa ibaba (pagnanasa o urges) ang siyang nagpapasya sa may-kamalayang itaas (reasoning o pag-iisip). Nasabi tuloy ni Marx (8:424) na: "Ang lahat ng mga uring napunta sa naghaharing posisyon ay nagnanais na mapanatili ang kanilang naging kalagayan at mga naabot sa pamamagitan ng pang-aalipin sa lipunan sa ilalim ng kanilang patakaran sa pagmamay-ari." Sa madaling salita. batas. ang pagtataguyod ng ideya." O sa mas ispesipikong salita. ideolohiya."Hindi ang kamalayan ng tao ang nagpapasya ng kanyang pamumuhay. sa kanilang pansarili at ekonomikong interes. ang mga pagkakahati-hating pang-uri sa loob ng lipunang kinabibilangan nila. o sang-ayon. relihiyon. atbp. Nahuhubog nga ba ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihang ekonomiko? 2. kaugalian. pulitika. ay tumutulong lamang sa pagkamit ng ibang layunin. pilosopiya at sining ay ang pananaw ng mga naghaharing ekonomikong uri. Ano ang ilan sa maraming kaugalian na isinusulong ng mga ekonomikong elitista na sa unang tingin. . Ang pagnanasa sa ganansiya o pakinabang ng mga ekonomikong elitista ay nagbubunsod sa kanila magpalaganap at sumuporta ng mga kaisipan na lalo pang magpapasulong ng kanilang mga interes. ng mga ekonomikong elitista ay depende sa kung ito ba ay salungat. At gayon nga ang nangyayari sa ating panahon ngayon.

pilosopikal. kaugalian at pamamaraan na nagsusulong ng pansarili’t ekonomikong interes ng mga elitista ay ang liberalismo. atbp. sosyolohiya. ang pagiging masunurin sa nakatataas. Ang may-akda ay nilimitahan lamang ang pananaliksik sa mga epekto ng ekonomikong kapangyarihan ng mga ekonomikong elitista. pampulitika. at mga thesis na sumasaklaw sa mga larangan ng pilosopiya. sa kadahilanang kanilang malalaman ang tunay na layunin ng mga ekonomikong elitista sa pagsusulong ng mga ng mga ideyang pangmoral. pangsining. sikolohiya. Kahulugan ng mga Terminolohiya . pangrelihiyon. at mga paraan ng paggamit nila nito sa pagpapalaganap ng kanilang mga pansarili’t ekonomikong interes. kasaysayan. mga pamanahunang papel. Ang makikinabang na higit sa mga pagsasaliksik na tulad nito ay ang mga kumukuha ng kursong Agham Pampulitika. Ang tinutukan lamang ng may-akda na kaisipan. ekonomiks. LAWAK AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang pagsasaliksik na ito ay kumuha ng mga kinakailangang datos sa mga lokal at banyagang mga libro. agham pampulitika.at ang media. ayon sa kanilang pagkakasunod-sunod.ngunit sa katotohanan ay nagsisilbi sa kanilang pansarili at ekonomikong interes? 5. ng kanilang mga kaisipan at institusyon upang magdulot ng kapakinabangan sa kanila. sanhi ng kakapusan ng panahon at panustos. ibang mga sulating pananaliksik. at mass communication. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. paano ito mapipigilan kung sakaling sila’y mang-abuso? KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pagsasaliksik na ito ay mahalaga sapagkat nagnanais itong alamin kung paanong ang mga ekonomikong elitista ay nakapagmamanipula ng mga tao.

balanse ng pagbabayad. Isinama na rin ng may-akda sa kategoryang ito ang mga tinatawag na "latak ng lipunan". ang mga aspetong ekonomiko katulad ng mga estadistika sa GNP (gross national product). Kaisipan o Ideolohiya. Ayon naman kay Zulueta (2:6). na sumasalamin at nagsusulong ng mga interes ng naghahari o nananaig na uri (6:41).at ibabang uri. at iba pang mga kauri nito. kapangyarihan. 3. at iba pang mga kauri nito. Ito ang mga tao/grupo ng mga tao na nagtataglay ng malawak na ekonomikong kapangyarihan. deficits. isnatser. atbp. 7.umiiral na sistema o sitwasyon. o kapangyarihang nakabatay sa salapi at ari-arian. ang mga proletariat.radyo. Media. 2. at taunang .sa madaling salita. diyaryo. savings. Ekonomikong Kapangyarihan. ang mga tinatawag na petty bourgeois. katulad ng pagkakamal ng malaking halaga ng salapi. TSAPTER 2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL LOKAL NA LITERATURA Ayon kina Cordero at Panopio (1:290).kapangyarihang monetaryo. ang pagkakaroon ng kapangyarihang ekonomiko ay nagdudulot ng katanyagan. prostityut. Status quo.1. at credit economic cycles.Ito ang tinatawag ni Marx na mga bourgeoisie.sistema ng mga ideya na pinagpapasyahan ng ekonomikong paglalabanan ng uri. malalaki at malalawak na lupa. o mga lumpenproletariat tulad ng magnanakaw. holdaper. 6.pinagsama-sama na ng may-akda dito ang mga taong nasa panggitna. parika. at impluwensiya sa humahawak nito. 4. pelikula. ang mga nasa itaas na uri. tv. Tao o mga Mamamayan. Mayayaman o mga Ekonomikong Elitista. magasin. opisina. komiks.

Ito ay nakakaapekto ng malaki sa panlipunang norms. work productivity. kalusugan. puhunan. gamot. moralidad. hindi pantay na pagkakabaha-bahagi ng per capita o sahod ng pamilya. ang ganitong sitwasyon ay nagreresulta sa paternalistikong employer-sunud-sunurang empleyadong relasyon. ang pagiging dominante ng mga ekonomikong elitista. kagamitan.kita. ay nang-aaalipin sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pag-aari at tinuturuan ito ng kanilang pulitikal at pangkalahatang edukasyon. komunidad ng mangangaso. Ang mga ekonomikong aktibidad ay malaki ang epekto sa kasanayan. kalagayang industriyal. . Ayon kay Karl Marx (5:424). ng mga ari-ariang pinagkakabuhayan. Makikita rin na ang mga ekonomikong elitista ay may kakayahang hubugin ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. ay sumasalamin sa indibidwal na ugali. Halimbawa. ang isang komunidad ng mga mangangaso. Ayon pa sa kanya. i. Ating makikita sa kanilang pag-aaral na pag-aari o pagkakamal ng salapi at ari-arian ang pangunahing sukatan ng pagtatagumpay ng ating lipunan. mababang pambansang kita. at pansariling pakikipag-ugnayan sa loob ng lipunan.. DAYUHANG LITERATURA Ayon kay Macridis (4:111).. paglilibang. ambisyon.e. at panlipunang mobilidad. ng mga tao. at mga batas o patakaran na angkop sa kanilang komunidad. moralidad at mga batas na kanilang ipinatutupad at sinusunod ay ayon sa kanilang materyal at ekonomikong kalagayan. i. ng pagkakaroon ng impok. i. edukasyon.e. at ideolohiya. pagpapahalaga. Gayundin naman sa isang industriyal na komunidad. institusyonal na istruktura at layunin. kundi man ng imposibilidad. life expectancy. ay may kaugalian. kaalaman. Dagdag pa nina Cordero at Panopio (3:265). Bakit? Dahil sila ang may kontrol sa mga salapi na kanilang ipinambabayad. pakikipag-ugnayan sa ibang mga grupo. ang mga kaugalian. at ang kahirapan. ang ating kalagayang materyal at ekonomiko ang siyang humuhubog ng ating pagpapahalaga.. ang mga nasa dominante o naghaharing posisyon ay nagnanais na mapangalagaan at mapanatili ang kanilang kalagayan at mga naabot.e. motibasyon. moralidad. kawalan ng sapat na probisyon sa pabahay. damit. ang pulitikal na ideolohiya ay isa lamang pangangatwiran sa pagpapanatili ng status quo o ng umiiral na kalagayan(5:2-3). pag-uugali at mga pulitikal na institusyon.

Sa madaling salita. ay kumakatawan lamang sa naghaharing uri at isinasalegal lamang ang kanilang pamumuno. na wala sila. iisa lamang ang nais nilang sabihin: ang mga ekonomikong elitista ay hinuhubog ang kaisipan mga tao upang mapangalagaan ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. ngunit sa katotohanan. ay nagsisilbi lamang upang bigyan ang kanilang uri ng kapangyarihang pulitikal. (6:212). ang teoryang pulitikal ng mga Pranses na burgis (ang liberalismo) ay naghahangad ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. mapagyaman. pilosopiya at sistemang legal na pinapalabas na pangkalahatan at panghabampanahong katotohanan. ng mapanghikayat na relihiyon. Ang mga ideya na ito na mukhang tumutugon lamang sa ispiritwal na layunin ay nagsisilbi upang isulong ang "political quietism" at "passive obedience" sa lahat pinunong sekular. ngunit sa katotohanan.halos siyam sa sampung Amerikano ang naniniwala na ang media ay may malakas na impluwensiya sa opinyon publiko. at mapanatili.halos lahat ng mamamayang Amerikano ay naniniwala na ang media ang may malakas na impluwensiya sa kanilang pulitikal na institusyon.. ang pulitikal na ideolohiya ay pinangangatwiranan ang status quo. Ngunit ano kayang sektor at/o pamamaraan sa media ang kanilang ginagamit sa pagsasagawa nito? LOKAL NA PAG-AARAL . et al. Halimbawa. ang kanilang ekonomiko at pansariling interes. ang "napakalaking mayorya. o ang umiiral na sistema. ang kasaysayan ng kultura ng sangkatauhan ay kasaysayan ng ideolohiya." Ayon pa muli kay Marx (7:295). na mukhang para sa ikabubuti ng sangkatauhan. na itinuturing na pinaging-banal ng Diyos. ang mga ekonomikong elitista ay bumubuo at nagsusulong ng mga kaisipan upang mapangalagaan. Paano kaya nila ito naisasagawa? Ayon kina Janda. Ayon muli kay Macridis (8:2-3).. Kung lilimiin ang ang isinasaad ng mga banyagang awtor. Gayundin naman ang Kristiyanismo (nota: lawakan lamang ng mga mambabasa ang kanilang pananaw) na pinangangaralan ang kanilang mga mananampalataya na sundin ang mga utos ng Diyos at gawing huwaran ang buhay ni Cristo.

Ayon kina Caasi. Ang . na dapat sana ay naghahayag ng obhetibo at unbiased na mga pangyayari sa ating paligid. ang media. pati na rin ang kanilang mga gawi ito ay sa kadahilanang ang [pelikula at] TV ay mas direkta. ang utos ng Korte Suprema sa Meralco na ibalik sa mga mamamayan ang kanilang sobrang siningil sa kuryente). Hindi lamang nito hinuhubog ang buhay ng mga tao. Kapag nagkakaroon ng mga balita o pangyayari na hindi pabor sa kanilang interes (hal. BANYAGANG PAG-AARAL Ayon sa survey na isinagawa nina Nevitte at Gibbins (11:135) sa iba’t-ibang pamantasan sa Australia. kundi pati na rin ang media mismo. Iisa ang kanilang sagot: ang media. ay siya ring nagmamay-ari ng ABS-CBN. Ayon kay Rothman (14:137). ang media ay isang "bantay-pinto na humuhubog ng opinyon publiko. ngunit itinuturing pa rin na napakamaimpluwensiya." Samakatwid. Maynilad Water. Pumapangalawa lamang ang mga negosyante o kapitalista. ANC (ABS-CBN News Channel). ang "nagpapaikot" sa mga pangyayaring publiko ng ating panahon" (13:137). May kakayahan itong maapektuhan ang pang-araw-araw na gawain ng isang tao at idikta sa kanya kung "kailan ang kailan". Cinema One. Ayon kina Talastas. at Meralco. (9:16). Bilang halimbawa. na kadalasan ay sa pamamagitan ng panonood sa telebisyon. ang pagnanais na mapunuan ang pangangailangan ng madla ay hindi lamang nakakaapekto sa mga tao kundi pati na rin sa pamahalaan. at Knowledge Channel. TFC (The Filipino Channel). et al. et al. Canada. (10:10): "Ang telebisyon o TV ay may kakayahang hubugin ang ang buhay ng tao. mas mabilis kaysa ibang medium….. Maari din nitong baguhin ang mga pagpapahalaga at katangian ng mga tao. New Zealand. Britanya. Kaya nitong maghatid ng mensahe sa mas malaking bilang ng tagapanood. ang mga teknolohikal na pag-unlad ay nagdulot ng biglaang paglaki at pagtaas ng kapasidad o kakayahan na magpadala at tumanggap ng impormasyon. ang media ang pinakapangunahing pinagmumulan ng kaalamang pulitikal ng mga kabataan. sa mga media firm (12:137). kundi man direktang pag-aari. at Estados Unidos sa kung ano ang nagungunang sektor sa paghubog at pag-impluwensiya sa mga tao. sa kanilang pagbabalita. ay naghuhubog ng kaisipan ng tao. kung hindi man binibigyan ng ibang kulay. kanila itong itinatago o isinu-suppress. Kung lilimiin. hindi kaila sa atin na ang pamilya Lopez na pangunahing may-ari ng Bayantel. Studio 23. partikular na ang TV. sa kadahilanang sila ay may kontrol.

Ang pananaliksik na ito ay hindi maituturing na kumpleto o perpekto. at nagpapatayan dahil sa mga ismo. tatalakayin naman ang mga isinagawang paraan at pamamaraan ng may-akda sa pananaliksik.posisyon ng media ay istratehiko sa kadahilanang "ito [media] ang nagsasaayos (o sa madaling salita. . Marami pa ang mas malinaw. Tinalakay sa nabanggit na tsapter ang mga literatura at mga pag-aaral na naisagawa hindi lamang sa Pilipinas. TSAPTER 3 PARAAN NG PANANALIKSIK Sa Tsapter 2. tumpak. nagbabaligtaran. pangalagaan. humuhubog) ng napakaraming impormasyon mula sa komplikadong mundo. sa pagnanais na mapasunod sila [tao] ayon sa kanilang pansarili at ekonomikong interes. KAANGKUPAN NG REBYU NG LITERATURA AT PAG-AARAL SA KASALUKUYANG PANAHON Ang kaangkupan ng pag-aaral na ito ay batay sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan. kundi pati na rin sa ibang bansa partikular na sa Amerika at Canada." Ayon kina Iyenga at Kinder (15:33). at kumpletong pananaliksik ang maisasagawa ng iba. mga ideya o kaisipang gustong pababain ang langit sa lupa. Makikita natin sa kanilang mga pag-aaral na hindi na kataka-taka ang pagsisikap ng mga ekonomikong elitista na makontrol ang media. pati na rin ang disenyo ng riserts at paghahanap ng datos. ang pinagkukunan ng impormasyon ng tao. naglalabanan. tumututol. na naglalayon lamang na palaguin. magaling. at panatilihin ang mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista. Maraming tao ang kumakatig. nakita ng mga mambabasa ang mga datos na may kaugnayan sa paksang sinasaliksik ng may-akda. "ang balitang pantelebisyon ay hinuhubog ang pulitikal na prayoridad ng mga mamamayang Amerikano. Sa tsapter na ito.

) . hindi masyadong bago o luma.Pagkatapos na mabigyan ng approval ng kanyang propesora ang naisip na paksa. sa madaling salita. Sa pagsasaliksik sa pamantasan. napilitan na lamang ang may-akda na gumamit ng mga isinalibrong pag-aaral. Kailangan na ito ay akma sa kursong kanyang kinukuha. Siya ay nag-surf din sa internet at nagbasa ng iba pang mga libro upang makakuha pa ng mga mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa paksang kanyang sinasaliksik. sa mga dokumento. Upang hindi makalimutan ang mga mahahalagang datos na kanyang nakalap. ang Das Kapital ni Karl Marx at ang mga akda ni Sigmund Freud. nilimitahan lamang ng may-akda ang mga libro at iba pang babasahin na gagamitin sa pananaliksik ayon sa mga pangunahing kinasasaklawan ng paksa.PARAAN NG PANANALIKSIK Ang paraang ginamit ng may-akda sa pananaliksik na ito ay ang dokumentaryong pamamaraan. halimbawa. o hinalaw. na kung hindi man niya magamit sa mga pagsisitas dito. ay maaari namang makapagpalawak ng kanyang pananaw at kaalaman sa paksang sinasaliksik (Tingnan ang IBA PANG MGA BABASAHIN sa bandang hulihan ng Appendices kung nais na malaman ang mga akda at awtor na binabanggit ng mananaliksik. nakabatay ang pananaliksik na ito sa pagsusuri sa mga libro. Ang kahulugan naman ng terminong dokumento sa nabanggit ding diksyonaryo (2:294)ay nakasulat o nakaimprentang papel na pinagmumulan ng impormasyon o evidensya. Ayon sa The New Grolier International Dictionary of the English Language (1:294). ngunit nakatulong sa pagpapabilis ng paghabol sa deadline ng pagsasaliksik na ito at nakapagpalawak ng pananaw ng may-akda. na kanyang ipinasa sa kanyang propesora para sa approval. Sanhi ng kawalan ng di-isinalibrong pag-aaral. isinulat . Marami ring binasang libro ang may-akda na hindi isinama dito. Sinaliksik ng may-akda ang mga libro. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Ang unang ginawa ng may-akda sa pagsasagawa ng pananaliksik naito ay ang pag-iisip ng maayos at kapaki-pakinabang na paksa. at kailangang mayroong mahahanap na referensiya. at iba pang mga kauri nito. nagsaliksik na ang may-akda sa mga aklatan ng pamantasan. ang terminong nabanggit ay tumutukoy. mga pamanahong papel at thesis ng mga naging mag-aaral ng pamantasang ito. Ang sumunod na ginawa naman ng mayakda ay ang pagsulat ng kanyang naisip na paksa sa ½ crosswise na yellow pad paper. diyaryo. Inabot din ng mga dalawang linggo ang may-akda bago maaprubahan ang kanyang naisip na paksa. magasin.

et al. bilang pagsunod sa paraang ipinahayag nina Belvez. Pagkatapos itong maisagawa. Sa kabuuan.. P.akda ang paggawa ng burador ng Tsapter 2. kanya namang ginawa ang burador ng mga natitirang mga tsapter. inabot ang mananaliksik ng dalawang buwan sa paggawa ng riserts na ito. Upang maging organisado ang mga datos. ang bahaging kinasasabikan nila ng kanyang mga kaklase sa pananaliksik.ito ng may. na ipinasa niya sa kanyang propesora.akda sa 5x8" na index cards. Pagkatapos ng paggawa ng Tsapter 1. Pagkatapos na ito ay maisagawa ng may-akda. DISENYO NG PANANALIKSIK Ang riserts na ito ay may disenyong dokumentasyon. na kanya namang nirebisa. inasikaso naman ng may-akda ang paggawa ng burador ng Bibliografi ng isinagawang pananaliksik. pagkatapos ng pagtatama ng propesora sa ginawang burador.akda ay kailangang magtala ng mga pagyayari at impormasyon may kaugnayan sa kanyang paksang sinasaliksik. sinimulan na ng may-akda ang pagbuo ng burador ng Tsapter 1. upang maaprubahan na ang pagpapa-binding. PAGHAHANAP NG DATOS . (3:235). ito ay tumutukoy sa paggamit ng dokumentaryong evidensiya. agad niya itong nirebisa. kanya itong ipinasa sa kanyang propesora. at malaman kung saang mga tsapter maaring gamitin ang mga ito. Pagkatapos niya itong maisagawa. Narebisa na ng may-akda ang lahat ng tsapter. at ipinasa niya ito sa kanyang propesera. Pagkatapos niya itong maipa-check. pati na rin ang Bibliografi. Ito ay nangangahulugan na ang may. na kanyang ipinasa sa propesora. Pagkatapos ng Tsapters 3-5. Pagkatapos ng pagtatama ng propesera. Kanya itong nirebisa pagkatapos ipa-check sa kanyang propesor. sapagkat ayon muli sa Grolier’s Webster Dictionary(4:294). sinimulan naman ng may. kanya itong nirebisa. Tsapters 3-5. ito ay sinuri at isinaayos ng may-akda.

et al. Matapos nito ay ang marami pang beses na pagrerebisa. kumukuha ang may-akda ng informasyon sa mga libro. na kung saan ay may mga pagkakataong kinakailangan niyang magpuyat upang makahabol sa deadline ng pagpasa ng mga burador.akda ng 5x8" na index card. ANALYSIS. Sinunod ng may-akda ng paraang ipinahayag nina Belvez p. Ang lahat ng burador ng Tsapters 1-5 ng may akda ay kanyang ipinapa-print upang mabasa nang maayos ng propesora ang kanyang gawa. Ang pagsusulat nito ang gumugol ng pinakamalaking bahagi ng panahon ng pagsasaliksik ng may-akda. Kaya hanggang maaari. na kanyang sinulatan ng mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik.akda ay nagsimula na siya sa pagsusulat ng Tsapter 1 ng sulating pananaliksik. Filipiniana. kaya ginamit din ito ng may-akda sa paggawa ng kanyang pananaliksik. Sa kabuuan. at Main Library. gumamit ang may. ito ay tumagal sa buong panahon ng pagsusulat ng pananaliksik. na may pamamamatnubay ng kanyang propesora sa Filipino 2. (5:235) sa pangangalap ng tala. AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS (nota: walang tsapter 4 ang riserts na ito dahil ang mga ito ay para sa thesis lamang) . Hinihingi ng makabagong panahon ang paggamit ng kompyuter at internet. Ang ibang mga imformasyon na kanyang kinakailangan sa pagsasaliksik ay kanyang kinuha sa personal niyang mga libro. TSAPTER 4: PRESENTASYON.. Sa bahaging ito. Ang sumunod na hakbang ay ang pagsasaliksik ng mga impormasyon na may kaugnayan sa paksang pinili. bilang bahagi ng pagsusulat ng Tsapter 2. Mula sa maraming informasyong naitala ay bumuo ang may-akda ng mga konklusyon at rekomendasyon para sa Tsapter 5 ng pananaliksik na ito.Pagkatapos na maaprubahan ang paksa ng may. Malaking bahagi ng mga informasyong kanyang nakuha ay nagmula sa mga librong nasa aklatan ng College of Arts and Sciences. Ngunit may kamahalan ang paggamit ng mga ito.

ano ang isa sa marami nilang pamamaraan ng pagsasagawa nito? . 3. Ano ang isa sa mga halimbawa ng kaisipan na nagsusulong ng mga ekonomiko at pansariling interes ng mga ekonomikong elitista? Konklusyon 2: Ang liberalismo ang isa sa mga isinisulong na kaisipan ng mga ekonomikong elitista upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes (1:201).TSAPTER 5 KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang lahat ng may simula ay mayroon ding hangganan. 2. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. Ang pananaliksik na ito ay hindi isang eksempsiyon. Ito ang mga naging konklusyon ng may-akda sa kanyang isinagawang pananaliksik: 1. Nahuhubog nga ba ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihang ekonomiko? Konklusyon 1: Nahuhubog nga ng mga ekonomikong elitista ang kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. Nawa ay pakinabangan ng mga mambabasa ang mga nilalaman nito.

at ng kanilang mga mahal sa buhay. upang malaman ang katotohanan. gaano man ito kapait. paano ito mapipigilan kung sakaling sila’y mang-abuso? Konklusyon 5: Kailangang magkaroon ng pantay-pantay na distribusyon o pagkakabahabahagi ng mga ari-arian at kayamanan upang mapigilan ang mga ekonomikong elitista sa paghuhubog ng kaisipan ng mga tao kung sakaling sila ay mang-abuso (2:118). kundi sa lahat ng mga Pilipino na nagmamahal sa kapakanan at kinabukasan ng bayan.Konklusyon 3: Ang pangunahin sa marami nilang pamamaraan ng paghuhubog ng kaisipan o ideolohiya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan ay ang paggamit ng media. ngunit sa katotohanan ay nagsisilbi sa kanilang pansarili at ekonomikong interes? Konklusyon 4: Ang pagiging masunurin sa mga nakatataas ang isa sa mga isinusulong na kaugalian ng mga ekonomikong elitista upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. Kung kanila ngang nahuhubog ang kaisipan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang ekonomikong kapangyarihan. 5. Ang tunay na katapangan ay nakabatay sa pagtanggap ng katotohanan. gaano man ito kasakit. Ano ang ilan sa maraming kaugalian na isinusulong ng mga ekonomikong elitista na sa unang tingin. REKOMENDASYON Ang rekomendasyong ito ay hindi lamang para sa mga mag-aaral ng Agham Pampulitika. Ang mga mata ay kailangang buksan. ang isip ay kailangang palawakin. ay tumutulong lamang sa pagkamit ng ibang layunin. 4. ayon man o hindi sa .

ang kanilang mga ekonomiko at pansariling interes. 2. Kailangang higpitan ang media upang maiwasan ang mga ekonomikong elitista na gamitin ito sa paghubog ng kaisipan o ideolohiya ng mga tao maisulong lamang ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. Kailangang piliin ng mga tao ang kanilang sinusunod. ang mabangis at mapangwasak na rebolusyon ay hindi na maiiwasan. maparami. kundi man tuluyang maalis ang masamang epekto. Narito ang mga rekomendasyon ng may-akda sa kanila: 1. sa pamamagitan ng mapayapang paraan hangga’t maaari. Limitahan. ito ay kinakailangan na. Kailangang kondenahin kung hindi man supilin. Ang mga gutom na leon ay maaring makapatay ng tao. ang liberalismo. Ang kanilang ginagawa ay nag-ugat sa kanilang pagnanasa na mapangalagaan. kundi pati na rin ang buong sangkatauhan. 3.ating kalooban. Nawa ay pakinabangan ng lahat ang sulating pananaliksik na ito. 5. na siyang dahilan ng kanilang masakit. ang paggamit ng mga ekonomikong elitista ng kanilang ekonomikong kapangyarihan sa paghubog ng kaisipan ng mga tao. ngunit ang mga gutom at naghihirap na mga tao ay kayang lipulin hindi lamang ang lahat ng mga leon. Kailangang magkaroon ng pantay-pantay na distribusyon o pagkakabahabahagi ng mga ari-arian upang maiwasan ang mga ekonomikong elitista na hubugin ang kaisipan ng mga tao. at kahiya-hiyang pagkalipol. Kailangang magawa rin ng mga tao ang kanilang ginagawa at magkaroon ng anumang mayroon sila upang mabalanse. 4. marahas. . ng kanilang paghuhubog ng kaisipan ng mga tao upang maisulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. sa pamamagitan ng mabagsik at marahas na paraan kung kinakailangan. pati na rin ng mga Romanov. kung hindi man alisin. sa kadahilanang ang kaisipang ito ay ginagamit lamang ng mga ekonomikong elitista upang isulong ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. Huli na nang malaman ito ni Luis XVI at ng kanyang mga asawa. at mapanatili. Ito ay sa kadahilanang kapag umabot na sa sukdulan ang pang-aabuso ng mga ekonomikong elitista sa paggamit ng kanilang kapangyarihang ekonomiko mapangalagaan lamang ang kanilang pansarili at ekonomikong interes. Nawa ay huwag nang hintayin ng mga ekonomikong elitista na mahuli ang lahat para sa kanila. Ang mga taong gutom at hirap ay mas mapanganib pa sa mga gutom na leon. taliwas man sa ating mga paniniwala.

Maraming Salamat Po! "Ideas are deadlier than guns. ___________. Karl H.. ___________.. General Sociology. 2. Quezon City: Ken Inc. 4th ed. Great Books Vol. Macridis. Cordero. Webster’s Pocket Quotation Dictionary of the English Language. USA: Trident Press Int. 3. 5. Manifesto of the Communist Party.50. Friedrich Engels. The New Encyclopaedia Brittanica Vol. 4. Panopio. Chicago: Encyclopaedia Brittanica Inc. Roy C. Foresman & Co. 7. 1989. . Isabel S. Felicidad V. 1982. 1977.. 1977. USA: Scott.. 2000ed. Contemporary Political Ideologies." -Nikolai Lenin (Vladimir Ilich Ulyanov) BIBLIOGRAFI TSAPTER 1 1. Marx. USA: Encyclopaedia Brittanica...

op. 3rd edition. Francisco M. cit 2. 1998. 13. Celeste. Michelle. op. 11. Marx & Engels. Lavine. 4. op. 5. cit. 1990. 12. et al. Macridis. 7. & Motion Picture: A Powerful Medium". Talastas. From Socrates to Sartre: The Philosophic Quest.. TSAPTER 2 1. 8. op.6. 1997. Janda. Quezon City: Pancratius Print Inc. Kenneth et al. 9. The Challenge of Democracy: Government in America. Nevitte & Gibbins. New Elites in the Old States. Canada: Oxford University Press. . cit. op. op.cit. 1992. General Sociology. "Media. T. "TV. Macridis. Cordero & Panopio. cit. Macridis. Cordero & Panopio. The Story of Philosophy. Neville. Will. 14. New Era University. cit. op. Z. Marx & Engels. 1953. et al.. Neil. Durant. op. 1989. 1999. 3.cit. Caasi. Roger Gibbins. Lavine.cit. 6. Zulueta. USA: Washington Square Press. Family & School as Agents for Political Socialization". New Era University. cit. 7. USA: Houghton Mifflin Co. USA: Bantam Books. 10. op.

cit. op. Grolier’s Dictionary. 16. Nevitte & Gibbins. Iyenga.. 2. Gamiting Filipino: Pagbasa at Komposisyon. USA: The English Language Institute of America. Kinder. APPENDICES . 4.cit. 3.. et al. TSAPTER 3 1. 5. Nevitte & Gibbins. op. News that Matters: Television and American Opinion. cit 13.cit. Inc. 1976.. Chicago: Chicago University Press. Belvez. Belvez. cit.. 2. TSAPTER 5 1. op. cit. Durant. Durant. The New Grolier’s Webster International Dictionary. Shanto & Donald R. 1987. op. op. op.cit. et al. op.15. Manila: Rex Bookstore Inc. Paz M. 1996. _______. Grolier’s Dictionary.

Great Books Vol.org (internet website) 6. USA: Harcourt.USA: Harcourt. Karl H. Critique of Political Economy (Zur Kritik der Politischen Öekonomie)..54.C.I. Classics of Western Thought. Karl H. Inc. 4. Adam.. Reason in History (excerpt). & William A. The Politicized Economy.. Freud. 1968. USA: Encyclopaedia Brittanica Inc. Marx. 1968. 9. Great Books Vol. Third Manuscript: The Critique of Hegelian Dialectic and General Philosophy (Kritik der Hegelschen und Deutschen Philosophie). Michael H. Das Kapital (Capital). Brace & World.org (internet website). Ulyanov. the Highest Stage of Capitalism. Vladimir Ilich (Lenin). Marx. Classics of Western Thought: The Modern World. Smith. Marxist Internet Archives. Hegel. Marxist Internet Archives. IBA PANG MGA BABASAHIN 1. Printout from Zodiac@io.. www. 2. 7. www. 1982. Karl H.marxists. 50. The Wealth of Nations. Vladimir Ilich (Nikolai Lenin). www. Heath & Co. 3. Georg Wilhelm. USA: D. 5.USA: Encyclopaedia Brittanica Inc. TUNGKOL SA MAY-AKDA . Economic and Philosophical Manuscripts. 1976.org (internet website).. 8. Connoly.marxists.marxists. Brace & World. Inc. Ulyanov. Best. Marx. 1982. Imperialism. Sigmund.org (internet website) II. Marxist Internet Archives. State and Revolution. Selected Works.

Unang pinasukang pamantasan: Bulacan State Unuiversity. English Quiz Bee Competition. San Jose Del Monte City. 2002 Unang kinuhang kurso: Bachelor of Industrial Technology major in Electronics Hayskul: Francisco Homes Learning Academy. Francisco Homes. AY 2001-02 Mga nakamit: 1st Place.Address: Block 8 Lot 12 Phase C-1. 1991-94 Mga nakamit: 4th Honors. 1993 1st Honors. 1994 . Bulacan Contact No. 1996 Pangalawang pinasukang elementarya: Lagro Elementary School. umaasang magtatapos sa 2007.com/darmoiii/ e-Mail Address: darmoiii@yahoo.com Pamantasan ng New Era: Kasalukuyang nag-aaral ng AB Political Science. 2000 Elementarya: Francisco Homes Learning Academy.freewebs. 2001 News Editor ng student newsletter. 09157066181 (cell) Website Adress: www.

PAGHAHANDOG Panginoon na aming Diyos Nawa po’y iyong tanggapin Ang gawa ng iyong abang lingkod Nawa po’y makapaghatid ito Kahit na kaunting kaluguran sa Iyo.Unang pinasukang elementarya: Jose L. 1990 Philosophy of Life: "Follow your own bent no matter what people say. Basa Elementary School."Karl Marx III. Nawa po Ay patuloy na ipagkaloob sa akin Ang pagkakataon Na makapag-aral Na makakalap Ng maraming kaalaman Ng maraming kasanayan Na aking magagamit Sa buhay na ito .

Gayos III Copyright © 2005 by Darmo C. Sa paghawak Ng Kahalalan Na ipinagkatiwala Mo sa akin. ---Darmo C. Sa aking patuloy na mga paglilingkod sa Iyo. Huwag mo po sanang itulot Na mauwi sa wala Ang aking mga pagpapagal Nawa po’y Ipagkaloob Mo sa akin Ang ibayong pagtatagumpay Sa aking pamumuhay Sa aking pag-aaral Sa buhay pong ito Higit sa lahat. Gayos III .At kung Kinakailangan.

com .Get a free website at Webs.

Master your semester with Scribd & The New York Times

Special offer for students: Only $4.99/month.

Master your semester with Scribd & The New York Times

Cancel anytime.