P. 1
Ang Hele Hele Bago Quiere

Ang Hele Hele Bago Quiere

|Views: 1,009|Likes:
Published by Mila Diciano Yango

More info:

Published by: Mila Diciano Yango on Mar 31, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

12/11/2013

pdf

text

original

ANG HELE HELE BAGO QUIERE. Kunwari pa si Julia, ngunit yon pala ay mahal na mahal niya ni Tenyong.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ang kulturang Pinoy na ito ay nagkaroon na nang lamat sa panahong ito. Marahil ang pagbaba ng moralidad at pag-aabo ng mga valyus ng buhay ang dahilan. Idagdag mo pa ang paghihigpit ng sinturon na siyang nagtulak nang iba na kumapit sa patalim. Ano nga ba ang hele hele bago quiere? Ito ay tradisyunal na paraan ng pag-iibigan noong araw. Dapat ang mga babae ay di agad sasagutin ang manliligaw. Kailangan muna niyang pag-aralan ang pagkatao ng manliligaw, kung tapat ba ang layunin o nagkukunwari lamang o kaya ay may iba pang dahilan. Dapat ang babae ay timbangin mabuti ang kanyang nararamdaman bago sasagutin ang manliligaw. [1]

Subalit, sa pagdaan ng panahon, nag-iba na ang ihip ng hangin. Napakarami nang tubig ang dumaan sa ilalim ng tulay at ang dating tahimik na ilog ay umaalingawngaw na ngayon. Bumaliktad ang sitwasyon. May mga babae ngayon ang siyang kusang nanliligaw sa lalaki. Basta gwapo, aprubado. Basta nakalalaglag ng paningin cool na rin. Basta makapal ang bulsa, akin ka. Tama ba ang nangyayari? Siguro. Karapatan ang bigyan laya ang damdamin. Tama lang na may karapatan din ang mga kababaihan na magpahayag ng kanilang damdamin. Malaya ang bawat ninoman. Bakit, pati ba pintig ng puso’y pakikialaman mo? Ngunit, hindi ba paglaglag ng nakagisnang valyus ng buhay ito? Hindi natin kultura ito. Impluensiya ito ng mga dayuhan. At dahil mahihilig tayong mga Pinoy na manggaya sa mga dayuhan, lalo namang dumilim ang larawan ng dalagang Pilipina. Nadumihan na ang larawan ng kababaihan Pinay dahil sa tinaguriang mga super maid ng mundo, mga mail order bride at iba negatibong pananaw. Bumabaha ang dugo ng lahi mula sa ugat ng mga kababaihang Pinay. Mapapaaray ka at mapapangiwi ka nang hapdi at kirot. Sige, subokan mo ngang tumawa ngayon? (MAY KARUGTONG...)

Paglisan by color it red
Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng butuin Di mo man silip ang langit Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Sa pagbuhos ng ulan, sa haplos ng hangin Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit Di man umihip ang hangin, (ah...) Di man umihip, ika'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan

Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Ay pag-ibig Ay pag-ibig

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->