LOVE ENEMY

By sassyshane

Prologue: I never really thought that I would fall for him...He's not even my friend. In fact, he used to be my best enemy. I used to hate Kai so much that I dreaded to see him every day. But I had to, because he's my classmate. I was friendly to him once, that was when we were in first year high school. Syempre first day sa school kaya friendly dapat sa lahat. Kaso kakaiba si Kai lalo na pagnang-aasar na siya. Sobrang inis at init ng dugo ang nararamdaman ko pag-inaasar niya ako. Ewan ko ba. Kakaiba kasi ang mokong mang-asar at lagi na lang akong nasasapol idagdag pa ang pagiging antipatiko at mayabang nito na lalong ikinaiinis ko. Marami rin naman ang nang-aasar sa akin pero iba talaga si Kai, siguro na rin dahil sa hindi ko agad nailalabas ang inis ko sakanya. Kai had a leukemia, kaya I had no choice kundi tiisin na lang ang lahat ng pang-aasar na ginagawa niya saakin. I tried to avoid him para maiwasan ang gulo, baka kasi pag hindi ko napigilan ang sarili ko ay mahampas ko siya ng bonggang-bongga…kasalanan ko pa. Hirap naman ng life ko.

Chapter 1 Trixia

Monday…. “Morning Trix!”nakangiting bati saakin ng bestfriend ko na si Anne pagpasok ko palang sa classroom namin. Since elementary hanggang ngayong nasa fourth year high school na kami ay classmates pa rin kami kaya nga kami naging best of friends. Daig pa nga namin ang magkapatid kung magturingan. “Morning din mommy Anne”nakangiti ko namang sabi. “Mommy” ang tawag ko sakanya kasi kahit magkasing-age lang kami eh mature na mature na siya. Habang ako eh maya pagka”immature” pa rin. Magkaibang-magkaiba ang ugali namin pero kahit ganun lagi naman kaming nagkakasundo. Never pa yata kami nag-aaway o nagkatam,puhan man lang. As usual dahil sa wala pa naman ang teacher namin sa first subject at maaga pa naman ay nagkuwentuhan na lang kami. Kung anu-ano ang pinagkuwentuhan namin para ngang ang tagal na naming di nagkita kung makapg-usap kami. Haha. Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ng may bigla na lang nagsalita sa kung saan.

“Oh andiyan na pala si pangit oh!”nakangising sabi ni Kai, my enemy since first year... Hindi ko na lang siya pinansin. Baka kasi masira lang ang araw ko….Isang malaking asar pa naman sa buhay ko ang lalaking ito. “Best, ba’t bigla lumakas ang hangin?Nilalamig tuloy ako”sabi ko naman habang nakatingin pa rin sa bestfriend ko… Inilagay ko pa yung kamay ko sa braso ko. “Nagpaparinig si pangit ah…”nakangisi pa ring sabi ni Kai pero wala talaga akong balak pansinin ang loko. Bahal siya.Hmfp.!! “Ang lamig talaga best..grrr..”sabi ko pa rin. Kitang-kita ko naman ang palipat-lipat na tingin ng bestfriend ko sa aming dalawa ni Kai. “Sus, gusto mo lang yata akong yakapin eh…”sabat naman ni Kai na nakangisi pa rin. Nainis na ako kaya nilingon ko na siya. “Ako bang kausap mo?”pagtataray ko. “Eh sino lang ba ang pangit dito?”balik na tanong naman saakin ng antipatiko. Asar!Tawagin ba naman akong pangit. “Bahala ka nga sa buhay mo Kai, wala akong oras para makiapag-asaran sayo dun ka na nga sa mga kaibigan mo”pagtataboy ko. “Ayoko nga, gusto kitang asarin eh wala ka namang magagawa”sabi pa rin ni Kai. Inirapan ko na lang siya. “Best ano na nga yung pinag-uusapan natin kanina?”tanong ko nalang sa bestfriend ko at di na pinansin ang asungot na nasa harapan ko. Sira na naman ang araw ko for sure kapag pinansin ko pa! “Ah tungkol yun sa—“ “Aminin mo Trix, gusto mo akong yakapin ano?”sabat uli ni Kai. Inis na nilingon ko naman siya. “Ba’t ka ba sabat ng sabat?Di naman ikaw ang kinakausap ko ah, Alis na nga!”sabi ko at itinulak siya papalayo. “Sus, kung di ko lang alam, matagal mo na akong pinagpapantasyahan…sa gwapo ko ba namang ito..diba girls?”pagmamayabang nito. Kinilig naman yung mga classmates ko na babae. Uminit na naman ang ulo ko.Ang yabang talaga! Tiningnan ko yung bestfriend ko at nakitang panay lang ang ngiti na para bang kinikilig din habang yung iba naman naming kaklase na nakikinig din eh kinikilig na rin sa “away” namin. Early in the morning ay center of attraction naman kami. Asar…

“Kung yan ang definition mo ng gwapo..buti pa sa pangit na lang ako papatol”sabi ko naman. “Para namang sa itsura mong yan may papatol pa sayo”nang-aasar na sabi naman ni Kai at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Narinig ko naman ang tawanan ng iba naming kaklase dahil sa sinabi ng mokong. Namula naman ako. Ang yabang talaga! Napatayo na ako sa sobrang inis. “Ikaw! Punung-puno na talaga ako sayo!”galit na sabi ko kay Kai. Tila nagulat naman ito sa ginawa ko, pati rin ang iba naming kaklase na kanina lang ay kinikilig at nakangiti ay nagulat rin sa ginawa ko. Susugurin ko na sana siya ng maramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko... “Best wag…”awat ni Anne. Tiningnan ko muna siya at nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig saakin. Hindi ko nga pala pwedeng saktan ang asungot na ito dahil sa may leukemia ito. Asar. Pabagsak na umupo na lang uli ako sa upuan ko habang si Kai naman eh nakatayo pa rin sa harap ko. Parang naestatwa na ewan. Nakatingin lang saakin. Yung iba naman naming kakalse ay tila gulat pa rin. Pero bahala sila. Asar na talaga ako. Maya-maya ay umalis na rin si Kai at pumunta na sa upuan niya dahil dumating na ang teacher namin. Buti naman....

Chapter 2 Tip…Toe…Tip..Toe…

Im bored, as in very bored. Sitting for almost 2 hours, di ko yata carry yun. Sana naman mag ring na ang bell. Please..please lang...Ang sakit-sakit na talaga ng puwet ko… Kring…Kring..! Gotcha!Sa wakas tapos na rin ang mahaba-habang discussion. Ewan ko ba parang wala man lang ni isang pumasok sa utak ko sa mga pinag-aralan naming ngayon. Hahays. “Class dismiss”sabi ng Math Teacher namin.. “Best punta tayo ng cafeteria?”yaya ko agad kay Anne pagkaalis palang ng Math teacher namin. Gutom na gutom na kasi ako . “Sige best”

Tumayo agad ako at nagmamadaling lumabas ng room. Malapit na ako sa pintuan ng room namin ng bigla na lang akong tumama sa isang malaking bulto. What the…muntik na akong ma out balance dun ah. “Ouch”sabi ko sabay tingin sa nabunggo ko. And to my surprise I saw Kai standing infront of me. Siya pala yung nabunggo ko. Blank lang yung expression niya habang nakatingin saakin habang ako naman eh parang natulala. Ang lapit-lapit ng mga mukha namin at ngayon ko lang napansin …may hitsura din pala ang antipatiko. Hmmmm.. “Oh pangit…alam kong gwapo ako pero sana wag ka namang obvious “ nakangising sabi saakin ni Kai. Dahil dun ay naitulak ko siya. “Kapal!”namumulang sabi ko at mabilis na naglakad papalayo. Trixia,ano bang nangyari sayo?Argh! As usual narinig ko na naman yung mga kantiyawan ng mga classmates kong tsismosa at tsismoso. Asar naman bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng mabunggo siya pa talaga.Hmp! “ Trix wait!”narinig kong may tumawag saakin.Lumingon naman ako at nakita si Anne na hinahabol ako. OMG nakalimutan kong kasama ko pala yung bestfriend ko. Ano bang nangyayari saakin? “You’re blushing…”nakangiting sabi saakin ni Anne ng maabutan niya ako. “Anne!Pati ba naman ikaw!?”sabi ko sabay irap. Pati bestfriend ko tinutukso na rin ako sa lalaking iyun. “Eto naman oh, sinabi lang na nag blush galit na agad!"natatawang sabi ni Anne. I just gave her a bad look. Nagpatiuna na rin ako sa paglalakad dahil bad mood ns talaga ako. “Hey Trix, joke lang..."pahabol pa na sabi ni Anne. Pero di ko na muna siya pinansin. Naiinis na talaga kasi ako. "Whatever"sabi ko na lang and rolled my eyes. Matapos ng 30 minutes of snack ay bumalik na rin kami ni Anne sa room namin para sa last subject namin that morning. Ayun pagpasok ko pa lang pagmumukha na naman ni Kai ang nakita ko. Nakangiti saakin, inirapan ko na lang. I'm sure nagpapacute lang yun dahil napagtripan na naman ako. Halos whole day ko rin siyang hindi pinansin, asar na asar talaga ako. Ang bata-bata ko pa feeling ko hina-high blood na ako ng dahil sa lalaking yun. "Ah..i really hate him Best!"naiinis na sabi ko kay Anne.Nasa loob pa kami ng room

namin.Katatapos lang kasi ng last subject namin that afternoon kaya nagkuwentuhan muna kami ng bestfriend ko tutal maaga pa naman para umuwi. Konti na lang kami sa loob ng room, yung iba kong classmate umuwi na at yung iba naman eh ewan ko kung saan nagpunta. Wala na rin si Kai kaya mailalabas ko yung inis ko sakanya ng bonggang-bongga.At kung saan mang lupalop yun nagpunta..ewan ko na lang. "Ows?Talaga..."di makapaniwalang sabi ni Anne. "Promise...Kung pwede nga lang magtransfer ako sa ibang school para di na makita ang pagmumukha ng mayabang na yun!gagawin ko talaga..."sabi ko pa. "Hay naku Trix, tiisin mo na lang tutal malapit na rin tayong grumaduate sige ka..." "Ano pa bang magagawa ko kundi ang magtiis ng magtiis.."sabi ko. Totoo naman kasi ang sinabi niya,wala akong magagawa kundi ang magtiis. Apat na buwan na lang ay gagraduate na rin kami at di ko na rin makikita ang pagmumukha ng lalaking yun. Konting tiis na lang. Natiis ko nga siya ng halos apat na taon ngayon pa kaya ako susuko?Never! Napansin ko na lang nakatingin si Anne saakin na para bang may gustong sabihin. "What?"nagtatakang tanong ko. "Best wag kang magalit ha, pero I think Kai likes you"dire-direchong sabi ng bestfriend ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya at marahang natawa. "What?okay ka lang Anne?Yun magkakagusto saakin?eh lagi nga akong inaasar"natatawang sabi ko. Di naman ako naniwala sa sinabi niya. Unbelievable naman kasi. "You know ginagawa lang niya yun para magpapansin sayo, kaw kasi lagi mong sinusungitan"seryosong sabi pa rin ni Anne. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang seryoso nga ang bestfriend ko ah... "Pano ko ba naman di susungitan eh lagi na lang akong inaasar at pinagti-tripan"depensa ko naman. "Kasi naman ikaw di mo pinapansin. Pansinin mo na kasi para di ka na asarin" “Ayoko nga” “Sige na…” “Best ano ba?I don’t like him okay.” “Pero--

"Whatever best"putol ko sa kung ano pang sasabihin ni Anne”Punta muna ako ng cr" Tumayo agad ako pagkasabi ko nun. "Gusto mong samahan kita?" "No need I can manage"sabi ko na lang. Napansin ko na napailing na lang yung bestfriend ko dahil sa sinabi ko. Siguro nagmumukha na naman akong “immature” dahil sa ginawa ko…pero bahala na.Lumabas na nga ako ng room...pero actually di naman talaga ako pupunta ng comfort room. I just use it as an excuse para di na marinig ang kung anu-ano pang sasabihin ng bestfriend ko about Kai and me. Imposible naman kasi na magkagusto yun saakin...hindi naman dahil sa pangit ako kasi hindi naman talaga ako pangit...kasi...kasi.. basta. Naglalakad na ako sa hallway ng building namin ng biglang... "Bulaga!"sabi ng lalaking nakasuot ng maskara na bilga na lang sumulpot mula sa kung saan. Napasigaw naman ako dahil sa sobrang gulat. Feeling ko aatakihin ako sa puso ng dahil dun. Sino naman kaya tong nanggulat saakin? Maya-maya pa ay biglang tinanggal ng lalaki yung maskara at bumungad sa akin ang tawang-tuwang mukha ni Kai. Si Kai na naman!Bad mood again…Grrrr…. "Kai!ikaw na naman?!"inis na paniniyak ko. Wala na talagang ginawang maganda tong lalaking to kundi ang sirain ang araw ko. "Anong ako na naman?"painosenteng sabi naman ni Kai. "Papatayin mo ba talaga ako sa takot?"naiinis pa rin na sabi ko. "Sorry na...at isa pa wag ka naman masyadong exaggerated alam kong wala kang sakit sa puso kaya ko ginawa yun"natatawa pa ring sabi ni Kai. Inirapan ko na lang siya. Kahit makipagtalo pa ako sakanya alam kong di pa rin niya ako titigilan. "Oo na, panalo ka na...So anong kailangan mo at kailangan mo pang manggulat ha?" "Galit ka ba saakin?" "Bakit may dahilan ba ako para magalit sayo?"sarkastikong sabi ko. "Hmmm..wala" "Yun naman pala wala...dyan ka na nga"sabi ko. Ang manhid talaga ng lalaking yun!Sa dinamidami ng kasalanan saakin ni isa walang naalala!Pasalamat siya di ko siya papatulan dahil sa pesteng sakit niya na yun. Argh! Tatalikuran ko na sana siya ng bigla na lang niyang hinawakan yung kamay ko.

"Wait lang..."sabi ni Kai. Napaharap naman ako sakanya. "Bakit na naman?"sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Ewan ko ba, pero di ko gusto yung pakiramdam habang hawak niya yung kamay ko kanina. Maya-maya ay may inilabas si Kai na stoptoy mula sa likuran niya at iniabot iyon saakin. "Ano to?"nagtatakang tanong ko. Wala naman kasi akong maalalang okasyon para bigyan niya ako ng stoptoy...or maybe part na naman ito ng panggugudtime niya saakin...hmmmm “Ikaw talaga, stoptoy na lang di mo pa alam,”natatawang sabi ni Kai. Inirapan ko na lang uli siya. Pilosopohin ba naman ako.Hmp! “Okay seriously, Peace offering ko yan sayo.."nakangiting sabi ni Kai na di man lang yata umabot sa mga mata niya. "Ha?"naguguluhang tanong ko pa rin. Peace offering para saan? "Di naman kasi ako manhid tulad ng iniisip mo"sabi ni Kai at napansin ko ang biglang paglungkot ng mukha niya.Habang ako naman ay speechles at medyo naguguluhan dahil sa sinabi niya. Ano raw?Hindi daw siya manhid tulad ng iniisip ko?

Chapter 3 “Kai…….” “Trix…” Ilang saglit kaming nagkatitigan. Naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi saakin ni Kai. I want to ask him about sa sinabi niya pero I can’t find any words to say. Parang na-stuck yung dila ko sa loob ng bibig ko. Ewan! “Oh ba’t ganyan ka makatingin?Siguro inlove ka na saakin no?”pambasag ni Kai sa katahimikan. Pinisil din niya yung ilong. “Kai…”hindi ko na lang pinansin yung sinabi at ginawa niya. Mas interesado pa rin ako sa narinig ko kanina. “Oh sige alis na ako pangit…may pupuntahan pa kasi ako..kitakits na lang bukas”nakangising sabi ni Kai at naglakad na papalayo habang ako naman ay naiwang nagtataka pa rin. Ang labo talaga ng lalaking yun kahit kailan.

“Hey trix!”nagulat na lang ako ng may biglang tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Anne. “Ano ba naman Anne…ba’t ka ba nanggugulat?”sabi ko sabay irap. “Kanina pa kasi kita hinahanap, pinuntahan na kita sa cr wala ka naman, ba’t ka pala nandito?at ano yan?”sunud-sunod na sabi ni Anne sabay turo dun sa hawak-hawak kong stoptoy. Tiningnan ko naman yung stoptoy na binigay saakin ni Kai kanina and ewan ko ba, di ko napigilang mapangiti. “Stoptoy, kaw naman best ito na lang di mo pa alam”natatawang sabi ko sa bestfriend ko. “Hello!Alam ko naman na stoptoy yan no! What I mean is kung kanino yan galing..” “Ah wala, napulot ko lang…”sabi ko sabay smile ulit. “Anong wala?Kung napulot mo lang yan ba’t ganyan ka kung makangiti?”nagduduang tanong ni Anne. “Hay naku tumigil-tigil ka na nga dyan buti pa uwi na tayo”yaya ko na lang kay Anne para tumigil na sa pangungulit. “Sus, eto naman oh..ayaw pa sabihin. Sihe, ganyan ka lang malalaman ko rink o rin ”nagtatampong sabi ng bestfriend ko. “Wala nga kasi, halika na nga”sabi ko na lang at hinila na siya.Inirapan naman niya ako. Sumakay na nga kami sa taxi pauwi and as usual, panay pa rin ang pangungulit ng bestfriend ko about dun sa stoptoy. Pero ako naman panay lang ang deny… Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumnunta sa room ko at nahiga sa kama. I was very very tired and duh, I want to sleep pero ewan ko ba nakatingin lang ako dun sa stoptoy na binigay sa akin ni Kai at para akong tanga kasi ngiti lang ako ng ngiti. Ewan!Ano bang nangyayari saakin?Nababaliw na ba ako ng dahil lang sa isang stoptoy? ************** Tuesday , as usual school na naman at makikita ko na naman ang pagmumukha ng lalaking kinaiinisan ko. “Good morning Trix”nakangiting bati saakin ni Kai pagpasok ko pa lang sa classroom namin that morning. Medyo nanibago ako kasi hindi niya ako tinawag na pangit. Simula kasi first year eh yun na talaga ang “tawag” niya saakin kahit hindi naman talaga ako pangit. Sa ganda kong to, dami ngang nanliligaw saakin eh…Campus sweetheart yata ako since first year

“Good morning best!”bati saakin ni Anne. “Morning din best”nakangiti ko ring bati. Ilang minute din kami nag-chikahan ng bestfriend ko about sa kung anu-anong topic, yun na yata ang daily routine naming eh. And one more thing I’m very thankful kasi di na niya ako kinulit about dun sa stoptoy na yun ni Kai. Nakahinga rin ng malalim. Habang nag-uusap kami di ko maiwasang tingnan si Kai and minsan napapansin ko na nakatingin rin si Kai saakin. Ang weird, everytime na nagtatama yung mga mata naming biglang bumibilis yung heartbeat ko. Di ko maexplain…di naman ako ganun dati eh. Bakit kaya?Hmmm Maya-maya pa ay dumating na yung teacher namin sa first subject...and after 1 hour yung teacher naman namin sa 2nd subject and Snack time again!! My favorite subject haha.. “Trix, cafeteria tayo?”yaya saakin ni Anne. “Sure…”I said and tumayo na. Malapit na kami sa pinto ng biglang humarang si Kai. Nakatingin lang siya saakin. Sinubukan kong dumaan sa tabi pero hinarangan na naman ako. Ayaw yata akong palabasin ng mokong ah. “Ui….Trix hinaharangan ka oh”nanunuksong sabi ni Jake, bestfriend ni Kai. Iningusan ko lang siya. Tuksuhin ba naman ako. “Kai, ano ba…alis ka nga dyan dadaan ako”naiinis na sabi ko. Short-tempered pa naman ako. Pero patuloy lang si Kai sa kakaharang saakin. Si Anne naman ay nasa likuran ko lang at parang kinikilig na ewan. “Pansinin mo na kasi Trix, kanina pa yan may gustong sabihin sayo eh”sabi naman ni Mark . Inirapan ko naman siya. “Oo nga…”sang-ayon naman ng iba pa. “Oo nga best pansinin mo na si Kai, baka may gusto lang sabihin sayo”dagdag pa ni Anne. “Pwede ba wag niyo nga akong ipe-pair sa pangit na to”naasar naman na sabi ko. Gawin ba naman kaming loveteam. Yucks. “Trix naman easy, ang cute cute niyo ngang tingnan eh”sabi naman ni Reema at ngumiti ng nakakaloko. Si Kai naman tahimik lang at nakaharang pa rin sa daan. “Oo nga lalo na pag nag-aaway kayo, ang sweet sweet”sabi naman ni Kristine. “Whatever”Hindi ko na lsng pinansin yung mga pinagsasabi ng mga classmates ko dahil for sure

matatalo lang ako. “Kai…tabi na sabi eh!”Sa sobrang inis ko eh tinulak ko na si Kai. Bigla naman siyang napasandal sa dingding dahil sa ginawa ko. Nagulat naman ako, eh sa pagkakalam ko di naman siya ganun kahina para madala dun sa tulak ko eh. Nakita ko na lang na napahawak siya sa dibdib niya. OMG!nalimutan ko na may sakit pala siya. Bigla tuloy akong kinabahan. “Best…si Kai”sabi ni Anne. Nataranta din yung ibang classmates namin na kanina lang ay kinikilig. “Kai…pare okay ka lang?”sabi ni Mark at lumapit. “Kai..wag ka ngang magbiro ng ganyan…”kinakabahang sabi ko naman at lumapit na rin para tingnan siya. Nakaupo na siya sa sahig noon. “Kai ano ba…magsalita ka nga, tinatakot mo naman ako eh”sabi ko pa rin pero di pa rin siya nagsasalita. “Trix naman, kita mo nasaktan na yung tao tinatarayan mo pa rin”sabi ni Jake. Di ko na lang pinansin yung sinabi niya. Kinakabahan at nag-aalala ako kay Kai. Hahawakan ko na sana siya sa kamay ng biglang…. “Sabi na nga ba you care for me eh kunwari ka pa”nakangising sabi ni Kai sabay hawak sa kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Napansin ko rin na nagtawanan yung mga kaibigan niya. It only means pinaglaruan lang nila ako? “You!”paniniyak ko. Bigla naman tumigil sa kakatawa si Kai at parang nagulat sa ginawa ko. “Ang sama-sama mo talaga!” parang naiiyak na sabi ko at tumakbo papalabas ng room. Narinig ko na lang na tinawag ako ni Anne pero di ko na siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Habang tumatakbo naramdaman ko na lang na parang tutulo na yung mga luha ko pero pinipigilan ko. Narinig ko na may tumawag saakin at paglingon ko ay nakita ko si Kai na sinusundan ako. Nasa school ground na kami nun at konti na lang yung mga estudyante sa paligid. Binilisan ko lang yung pagtakbo ko para hindi ako maabutan ni Kai . Pero mabilis talaga ang mokong tumakbo at ayun naabutan pa rin ako. Hinawakan niya yung kamay ko at napaharap naman ako sakanya. “Trix..” Para naman siyang natigilan ng makita niya yung mukha ko. Hindi niya sigro expected na iiyak ako ng dahil sakanya. “Trix your crying let me-“ PAK! hindi ko na siya pinatapos pa at sinampal ko siya ng malakas..Nakita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko. Pero sobrang nasaktan talaga ako sa ginawa niya. Nag-aalala pa naman ako sakanya tapos lolokhin lang pala niya ako.

“Masaya ka na!Eto ako umiiyak ng dahil sayo!Ang sama-sama mo talaga!”tumulo na yung mga luha ko. “Trix..Im sorry..it’s not like—“ “I don’t need your explanations Kai, tama na!I don’t wanna see you leave me alone!”I said and wipe my tears. Bakit ba ako umiiyak?Hindi ko dapat iniiyakan ang isang lalaking katulad niya. Agad ko siyang tinalikuran at tumakbo uli. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang naman ay mawala siya sa paningin ko. I don’t wanna see him. Naiinis ako sakanya. Bakit ba lagi na lang niya ako sinasaktan?Wala naman akong ginawang masama sakanya ha…I really hate him!

Chapter 4 Kai After she slapped me...my world began to stop. Nakita ko na lang siya na umiiyak and it's all because of me. I hate myself for making her cry. Hindi ko naman talaga naisip na magiging ganoon ang reaksyon niya dahil dun sa ginawa ko. After all, it's not my idea na ipahiya siya... ang totoo medyo masakit talaga yung pakiramdam ko nung ntinulak niya ako kanina. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko pa siyang biruin ng ganun. Siguro dahil nakita ko yung pag-aalala niya saakin kaya ko yun nagawa. I was really happy to see and to know that she care for me kahit lagi ko siyang inaasara. Pero dahil naman dun ay nasaktan ko siya. I hurt the girl I love because of my stupidity. And now she's running away from me. Hindi ko na siya sinundan. I just let her go. Alam kong sobrang sakit ng ginawa ko sakanya at yung sampal na binigay niya saakin, I think I deserved it. Naramdaman ko na lang na tumulo yung luha sa mga mata ko. I decided na wag munang bumalik sa room at pumunta na lang muna sa gym tutal wala naman yung teacher namin for the next subject. Dun binuhos ko lahat hg inis at galit ko sa sarili ko. Pinagod ko yung sarili ko sa kaka shoot ng bola pero lagi namang sumasablay. Naiinis ako sa sarili ko. Paano ko pa kaya masasabi sakanya ngayon na mahal na mahal ko siya ngayong galit na galit na siya saakin?

Trixia Tumigil na rin ako sa kakatakbo, napagod na ako. Pagod na rin akong umiyak...Nasa ilalim ako nun ng puno, wala ng estudyante sa paligid kasi end na ng recess. Hindi muna ako bumalik sa classroom kasi wala naman yung teacher namin for our next subject that day kasi may seminar ito sa other school kaya vacant time namin. Umupo muna ako at nag-isip. Naalala ko yung mukha ni Kai matapos ko siyang sampalin, and ewan ko ba kahit galit ako sakanya nagiguilty pa rin ako sa ginawa ko. I dont think he deserved what I did, pero sobrang nasaktan talaga ako dun

sa ginawa niya.Ilang minuto din ako nag-isip and I decided na bumalik na sa room. Malapit na kasing mag next subject kaya kahit ayoko ko pa, I don't have any other choice. Inayos ko muna yung sarili ko, pumunta muna ako sa comfort room para maghilamos. For sure namumugto na yung mukha ko sa kakaiyak. Pagbalik ko nga sa classroom eh biglang natahimik yung mga classmates ko at nakatingin lang saakin . I know di pa rin sila nakakaget over sa mga nangyari kanina pero I dont care. Umupo kaagad ako sa upuan ko at lumapit naman agad yung bestfriend ko. I know gusto niyang malaman yung mga nangyari. "Best..Are you okay?"nag-aalalang tanong saakin ni Anne. I just gave her a faint smile. I'm not in the mood to talk at that time. Napansin naman niya siguro na wala ako sa mood kaya di na lang siya nagtanong. I look around, and guess what hindi ko nakita ang pagmumukha ni Kai. Teka nga bakit ko ba siya hinahanap? Galit ako sakanya as in. After niya akong ipahiya at pagmukhaing tanga...never in my life that I would forgive him. Malapit na mag-end yung vacant time namin at darating na rin yung next subject teacher namin nang dumating sa room si Kai. Seryoso lang yung mukha niya at pawis na pawis. Agad naman siyang nilapitan nila Mark at Julius. Napansin ko naman na napatingin saiya saakin,iniiwas ko naman agad yung tingin ko. Hanggang nga sa natapos yung day na yun ay hindi kami nagpansinang dalawa. Ilang araw din ang lumipas na hindi ko siya pinapansin....sobrang naiinis pa rin talaga ako sakanya. Pauwi na kami that afternoon ni Anne ng bigla nalang siyang may iniabot saakin na red rose . "Ano to?" "Pinabibigay ni Kai, peace offering niya daw sayo"sabi ni Anne. Lumingon ako at ayun nga nakita ko nga si Kai sa gilid habang seryosong nakatingin saakin. Hinihintay siguro niya yung sasabihin ko. "Sabihin mo sakanya hindi ko kailangan ng rose niya, and tell him na kahit anong gawin niya hindi ko siya patatawarin!"sabi ko at itinapon yung rose . Lumabas agad ng room. Hindi ko na hinintay pa ang sasabhin ni Anne. Alam ko na nagulat yung bestfriend ko sa ginawa ko pero bahala na. Anong akala ni Kai?Bigyan lang niya ako ng peace offering eh okay na lahat?No way.Hindi na ako bata at saka hindi ako utu-uto! Kai "Sorry Kai,..pagpssensyahan mo na si Trix ha"pagpapaumnahin ni Anne sabay abot saakin ng red rose na pinabibigay ko sana kay Trix kaso hindi naman tinanggap at ang masama eh tinapon pa. Ang mahal mahal pa naman nun pero okay lang basta para sakanya gagawin ko lahat.

"Its okay Anne. Hindi ko naman siya masisisi. After what I did, I know hindi ganun kadali para mapatawad niya ako"malungkot naman na sabi ko habang nakatingin dun sa rosas na hawakhawak ko. Wala na yata talagang pag-asa. "Wag kang mag-alala, yun pa. Patatawarin ka rin nun just give her more time. I know my bestfriend, kahit mataray yun at may pagkaisip bata minsan hindi yun marunong magtanim ng galit. Dont loose hope okay?"Nakakngiting sabi saakin ni Anne. Napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. Napangiti naman ako kahit papaano. "Sana nga..." "Mapatawad ka rin nun. Oh sige Kai, I'll better go na baka iwanan ako nun eh"pagpapaalam saakin ni Anne at umalis na. Habang ako naman ay naiwan na malungkot. Mapapatawad pa kaya niya ako?Sana...sana nga..Sana hindi pa huli ang lahat at sana habang may oras pa...masabi ko na sakanya na mahal na mahal ko siya...

Chapter 5

Trixia Paglabas ko nga ng room ay naglakad-lakad muna ako at umupo sa bench sa may lilim ng puno. Alam ko medyo rude yung ginawa ko kay Kai...pero nasaktan ako eh. Naramdaman ko na lang na tumulo na yung mga luha ko, asar naman oh!Ayoko ng umiyak lalo na kung dahil lang kay Kai...and besides ba't ko ba siya iniiyakan? "Best..."naramdaman ko na lang na may tumabi saakin. Lumingon ako at nakita ko yung bestfriend ko na nakatingin saakin. Agad ko namang iniiwas yung mukha ko at pinahid yung mga luha ko. Ayoko kasi na makita niya akong umiiyak. "Oh andyan ka na pala uwi na tayo"yaya ko sakanya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Trix, ba't mo naman ginawa yun?" "Alin?"napalingon naman adahil sa sinabi ni Anne. "Ba't mo naman tinapon yun rose na binigay sayo ni Kai?" "Bagay lang yun sakanya" sagot ko naman. "Best, sana naman hindi mo yun ginawa. Nagsosorry na nga sayo yung tao sana naman

tinanggap mo na"sabi ni Anne saakin. Medyo nakaramdam ako ng guilty dahil sia sinabi niya. "Pero sinaktan niya ako best eh"sabi ko pa rin. "I know naman, pero nagsorry na siya sayo. Di pa ba sapat yun?And beside sbakit ba super affected ka?"natahmik ako sa sinabi ng bestfriend ko.| "Best patawarin mo na siya..okay?please?" "I'l try...but not now"nasabi ko na lang. Ayun nga after ng heart-to-heart talk namin ng best friend ko ay umuwi na kami. Pag-uwi ko sa bahay ay pinag-isipan kong mabuti yung mga sinabi niya saakin. I realized na tama nga siya, wala ring ,mangyayari kung magagalit pas rin ako kay Kai. Naisip ko bakit nga ba super affected ako dahil sa ginawa niya?Ay ewan ko...Hmmm. So the next day,pagapsok ko sa school I decided na patawarin na si Kai. Pero dmating na yung teacher namain eh wala pa rin siya. Ano kayang nangyari sa lalaking yun?Kung kailan patatawarin ko na siya sakan nama umabsent...ang labo talaga. Maya-maya ay dumating yung adviser namin, siy kasi yung teacher namin for our first subjec that morning. "Good Moring Class"nakangiting bati saamin ni. Mrs. Reyes, ang superbait naming adviser. "Good morning Ma'am!"masayang bati naman namin. "Class i have a bad news to tell, yung classmate niyong si Kai ay na-confine sa hospital kahapon. Tumawag saakin yung mommy niya kanina. Inatake daw ng leukemia........."Hindi ko na naintindihan pa yung ibang sinabi ng adviser namin. I was really shocked. Si Kai...nasa hospital? Ewan ko ba pero bigla akong nalungkot dahil sa narinig ko. Nakaramdam din ako ng guilt. After ng announcement na yun ay nagsimula ng magdiscuss yung adviser namin about sa lesson namin kaso ako shocked pa rin. Kahit yung mga classmates ko rin, na shocked sa nangyari. Parang lumulipad yung utak ko na hindi ko alam kung bakit. Di rin ako makapag-concentrate sa lesson. Hindi mawala sa isip ko si Kai, kahapon lang eh malakqs yun tapos ngayon nasa hospital na. Ano kayang nangyari sakanya?KahiKahit super kulit at malakas mang-asar yun hindi ko naman ginusto na may mangyaring masama sakanya. Alam ko na maysakit siya pero di ko naman alam na malala na pala. "Best..Trix are you okay?"nakakunot-noong tanong saakin ni Anne habang nasa gitna ng discussion yung adviser namin. "Huh?" "Kanina pa kasi tulala diyan..okay ka lang ba?"

"Ah okay lang ako"sagot ko naman. "Sure ka ba?" "Oo"i said at ngumiti ng pilit. Natapos lahat ng subjects namin that day pero shocked na shocked pa rin talaga ako sa nangyari kay Kai. Di ko nga alam kung bakit super affected ako.Ewan ko ba... "Trix sama ka saamin?"tanong saakin ni Anne matapos ang last subject namin ng hapong yun. "Ha?Saan?"nagtatakang tanong ko naman. "Dadalawin namin nila Jess si Kai..sama ka?"tanong ni Anne. Medyo nag-aalinlangan naman ako kung sasama ba ako o hindi. "Uhmm..kayo na lang busy kasi ako"sabi ko na lang. Ewan ko ba pero pakiramdam ko hindi pa ako handa na makita si Kai. "Best, galit ka pa rin ba sakanya?Best naman.." "Best busy tlaga ako sige mauna na ako"sabi ko sabay kuha sa mga gamit ko at lumabas na ng room. Hindi ko na hininhtay yung sasabihin ni Anne, alam ko kasi na pipilitin lang niya akong sumama. Mabilis na lumipas yung mga araw, halos 1 week na ring hindi nakakapasok si Kai, 1 week na rin siyang naka-confine sa hospital and 1 week ko na rin siyang hindi nakikita. Kahit medyo nakakaasar yun at kahit madami siyang atraso saakin, sa totoo lang namimiss ko rin yung kakulitan niya. 1 week rin walang tumatawag saakin na pangit at medyo naninibago ako. Hayss..May times nga na gusto ko na siyang dalawin, minsan nga niyayaya pa ako nila Anne pero lagi naman akong tumatanggi..ewan ko ba, pero natatakot akong dalawin siya. Hindi dahil sa ayaw ko siyang makita siya at hindi rin dahil sa may phobia ako sa hospital..basta ang alam ko lang natatakot ako. This past few days, lagi ko rin siyang naiisip...ewan ko ba kung bakit, siguro nagiguilty lang ako sa mga nagawa ko sakanya. Naalala ko pa yung sinabi saakin ni Anne nung araw na niyaya niya ako na dalawin si Kai pero tinaggihan ko naman 'Trix, kung gusto mo dalawin si Kai, just go to room 106'. Nag-isip-isip rin ako ,dadalawin ko ba siya o hindi?Ewan ko. Bahala na. At ayun nga di ko na rin napigilan pa. Saturday afternoon, pumunta aako ng St. Paul Hospital para dalawin si Kai. Bumili pa ako ng fresh flowers para sakanya. Pagdating ko dun sa hospital ay hinanap ko agad yung room number na sinabi ni Anne saakin nun at ayun natagpuan ko rin naman. Kumatok ako at pinabuksan ako ng mommy ni Kai. Ngayon ko lang nakita in person yung mommy niya, alam ko kasi nasa Canada ito at may business na inaasikaso. Mayaman kasi yung pamilya ni Kai kaya laging out of town yung parents niya. Wala rin siyang kapatid kaya siguro may pagka KSP lagi.

"Ahm good afternoon po, pwede pong dalawin si Kai?"nakangiti kong sabi. "Good afternoon din iha, tulog pa si Kai eh pero pasok ka "nakangiting sabi saakin ng mommy ni Kai at pinapasok ako sa room. Agad ko naman nakita si Kai na mahimbing nga na natutulog. "Ahm ako nga po pala si Trixia Montez classmate ko po si Kai.." pagpapakilala ko. "I know..."nakangiting sabi ng mommy ni Kai. Naguluhan naman ako. "Huh?pa-" "Lagi ka kasing kinukwento ni Kai saamin."hindi ko naman alam ang irereact sa narinig.Bakit naman kaya ako ikwekwento ni Kai sa mommy niya. Bigla naman akong kinabahan, di kaya sinabi ni Kai sa mommy niya yung mga ginawa ko?Naku naman... "Ah..." "I know medyo naguguluhan ka pero thank you dahil dinalaw mo siya. Tiyak matutuwa si Kai... alam mo ba lagi ka niyang kimukwento saamin ng daddy niya? Lagi siyang masaya kapag kinukwento ka niya saamin. Kahi hindi niya sabihin saakin, I know he likes you Trix...Thank you talaga"naiiyak na pahayag ng mommy ni Kai. Totoo ba ang narinig ko?Kai likes me?...Pero..imposible naman yata yun. "Ah eh.."hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Niyakapa ako bigla ng mommy ni Kai. Kahit medyo naguguluhan ay niyakap ko na rin yung mommy ni Kai. Alam kong masakait sa family niya lalong lalo na sa mommy ni niya yung nangyari sakanya. Nag-iisang anak pa naman siya. "Oh sige alis muna ako Trix ha?,Iwan muna kita .. bibili lang ako ng pagkain"paalam saakin ng mommy ni Kai matapos akong yakapin. "Sige po"sabi ko na lang at ayun nga lumabas na ng room yung mommy ni Kai. Shocked pa rin ako dahil sa revelations ng mommy niya. Inilagay ko yung flowers na binili ko dun sa table malapit sa kama. Pagkatapos ay lumapit ako sa kinaroroonan ni Kai. He was sleeping like a baby...as in tulog na tulog. Pinagmasdan ko lang siya, at napansin ko na nangayayat siya. Medyo namumutlka rin siya. Nalungkot naman ako dahil sa nakikita ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko nung mga oras na iyon at hinawakan ko yung kamay ni Kai. Basta ang alam ko lang kailangan ko yung gawin. No more whys and buts... "Kai magpagaling ka ha?Marami ka pang atraso saakin at sige ka di mo na maririnig na pinapatawad kita"naramdaman ko na lang na naiiyak na ako. Hindi kasi ako sanay na makita ang "worse enemy" ko na nakahiga lang dun. Kakaibang Kai kasi ang nakikita ko. Kung totoo man yung sinabi ng mommy niya kanina saakin, bakit di niya saakin sinabi? Pero kung sinabi naman niya saakin, ano namang isasagot ko?Hindi kom alam. Hmmm. Basta ang alam ko lang lahat ng inis at galit ko sakanya, naglaho na lang bigla.Ang gusto ko lang ay gumaling na siya.

Makita uli yung mga ngiti niya... Halos 30 minutes din akong nanatili dun sa room niya. Nang dumating na yung mommy niya ay nagpaalam agad ako at umuwi na. Wala akong pinagsabihan na dinalaw ko si Kai, buti na rin yun para walang mangulit saakin. Kahit papaano ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Nakita ko na rin kasi siya. Hindi ko alam pero ang saya-saya ko pero sakabila nun ay malungkot naman ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kay Kai. Kung gagaling pa ba siya sa sakit niya na leukemia o hindi na... Sa pagkakaalam ko kasi bibihira o walang nakakaligtas sa sakit na yun. Pero kahit ganun di pa rin ako nawawalan ng pag-asa ,alam kong gagaling si Kai. Masamang damo yun,hindi pa yun mamatay. Naiiyak na naman tuloy ako. After two weeks... Papasok na ako sa classroom that morning ng napansin ko na parang nagkakagulo sa loob. Nacurious naman ako. Nasa may pintuan na ako ng salabungin ako ng bestfriend ko. Napansin ko lan na nagkakatipon-tipon yung mga classmates ko na parang may something na nagaganap. "Anong meron dito at nagkakagulo kayo?"nagtatakang tanong ko naman. "Best si Kai, bumalik na!"masayang sabi ni Anne. Ako naman di makapaniwala sa narinig. "Ha anong sabi mo?"paniniguro ko. "Sabi ko si Kai nandito na" pag-uulit ni Anne sabay turo sa kinaroroonan ni Kai. Lumingon ako at ayun nga nakita ko si Kai...naramdaman ko na lang na bumilis yung tibok ng puso ko...

Chapter 6

I look around and saw Kai staring at me too. Nakita ko yung pagkagulat niya habang ako naman naestatwa na parang ewan. Di ko alam kung ano yung narararamdaman ko ng mga oras na yun basta ang alam ko lang masaya ako na makita siyang muli. Medyo pumayat siya at parang namumutla pero okay na yun basta okay na siya. Ilang saglit din kaming nagkatitigan pero siya na rin yung unang bumawi at pinagpatuloy na ang pakikipag-usap sa iba naming classmates. Napayuko naman ako. Niyaya ako ni Anne na lapitan siya pero tumanggi ako. Hindi ko naman kasi alam kung ano yung gagawin o sasabihin ko sakanya pag nilapitan ko siya kaya buti pa wag na lang. Maya-maya dumating na rin yung adviser namin at si Kai. Sabi ni Kai okay lang daw siya at ang loko nagawa pang magbiro. Ang lakas talaga ng topak. Habang ako naman tahimik lang sa upuan ko habang pinagmamasdan siya. Minsan nga nahuhuli ko rin siyang nakatingin saakin at kapag nangyayari naman yun ay biglang bumibilis yung heart beat ko na di ko naman maintindihan. Hindi naman ako ganun dati sakanya eh. Dedma na nga lang..hmmm.. Ilang araw din yung lumipas na di kami nagpapansinan at never pa kami nag-usap. Nagkakailangan pa rin

kasi kami eh. After ba naman ng mga nangyari saamin before siya na-hospital talagang magkakaganun. Until one day sa Physics namin nagkaroon kami ng activity by pair at sa kinamalas-malasan... "Mr. Montero and Ms. Montez kayo ang partner.."sabi ni Mrs. Sebastian, ang physics teacher namin. Dahil dun ay nagsimula na namang magtuksuhan yung mga classmates namin. Kung dati eh umaangal agad ako pag ganun pero ngayon hindi ko na magawa. Yumuko lang ako, napansin ko rin na tahimik lang rin si Kai. Lumapit siya saakin para gawin yung activity namin na yun. Medyo nagkakailangan kami. Hindi ko nga siya matingnan eh, feeling ko namumula na yung mukha ko dahil dun pero no choice. Maya-maya lumapit yung teacher namin para ibigay yung activity sheet and OMG sabay pa kaming kumuha nun. Nagkahawak tuloy yung kamay namin pero agad naman naming binawi yun. Napayuko na naman tuloy ako, buti na lang walang nakapansin kasi busy na rin sakanya-kanayang task yung mga classmates namin. Napatingin naman ako sakanya at nakita kong nagblush siya. Gosh! now ko lang na-realize ang cute pala niya pag-nagba-blush. Mukha siyang bata na ang sarap kurutin sa cheeks. Teka teka, kung anuano ng iniisip ko. Hay naku! Mabilis na lumipas yung one hour and nasagutan naman namin yung activity sheet. Nag-usap na rin kami sa wakas and dahil yun sa activity na yun. Pero mostly ang pinag-uusapan namin ay abaout lang sa acitvity na yun. Natapos ang araw na yun at uwian na naman hays. Hindi ko kasabay si Anne kasi may pupuntahahan p adaw ito at ang mommy niya kaya mag-isa lang akong uuwi. Okay lang, keringkeri ko naman eh pero ang hindi ko makeri ay nung naglalakad na ako sa hallway ay nakita ko si Kai na nakasandal sa dingding at parang may hinhintay. Bumilis na naman yung heart beat ko dahil dun at naaasar na naman ako. Bakit ba ako nagkakaganito pag nakikita ko si Kai?para akong ewan. Kinakabahan din ako, para naman akong timang. Nung papalapit na ako sakanya ay yumuko agad ako ,nahihiya ako eh. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang...

"Trix...wait"narinig kong tawag saakin ni Kai. Napalingon naman ako sakanya. Unti-unti siyang lumapit saakin habang nakayuko na para bang nahihiya. "Ah-eh ba-akit?"nabubulol na sabi ko. Obvious na obvious naman noh na kinakabahan ako. Tugs..tugs..ang l;akad lakas ng hearbeat ko. "Ahm..ah eh.."napansin ko pa na napalun ok si Kai. Hinintay ko lang yung sasabhin niya, maski ako kinakabahn din. "Ah..I-I j-ust w-ant t-o give thi-s t-o you"sbi niya abay abot saaki9n ng red rose. Tiningnan ko siya pero nakayuko na siya pero kahit ganun pansin ko pa rin na nagblush siya. "Ah..thank you..b-akit pala?"sabi ko matapos abutin yung flower. Naalala ko tuloy y8ung rose na peace offering niya saakin pero tinapon ko naman.

"Ah...I just want to say sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon, Im really sorry Trix. SZorry kung lagi kitang inaasar please for--forgive me."I can feel his sincerity, at nagulity na rin ako. I think its time for me to forgive him na and say sorry too. "Kalimutan na natin yun, past is past na eh. Dapat nga ako ang magsorry sayo"nakangirti kong sabi. "Trix.."Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. Di niya siguro expected na yung dating tigre eh bigla na lang naging maamo at nagso-sorry na ngayon. Time ko naman para mag-blush at yumuko. "Sorry ha?Kung lagi kitang sinusungitan noon. Ang kulit kulit mo rin kasi eh. Sorry talaga"sabi ko. Napansin ko na napangiti siya ta parang kumikislap pa yung mga mata niya. "Trix...."parang hindi pa rin siya makapaniwala na okay na kami at pauli-ulit pa ring sinasabi yung name ko. Medyo nainis naman ako. "Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi ang pangalan ko?"nakanagiti kong sabi. "Trix.." "Ayan na naman, pang-isang daan mo na yata yan" "Ah..I-I j-ust d-on't know w-hat t-o say.But..I-mm"Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap. Pero hinayaan nko na lang siya. I hugged him back too. Ramdam ko yung saya niya at masaya na rin ako. "Thank you talaga Trix...Thank you!" After nun, back to normal na uli kami. Di na kami nag-aaway.Nagulat nga yung mga friends namin eh kjung bakit daw nagkaganun. Nang-aasar pa rin si Kai pero in a sweet way na, at di na rin ako naiinis pag inaasar niya ako. As usual, lagi na naman kaming tinutukso ng mga kaibigan namin lalo na pagmagkasama kami. Kasi naman si Kai kung anu-anong ginagawa.Minsan binibigyan ako ng flowers, minsan naman chocolates at minsan kung anu-ano pa...di ko nga alam kung bakit niya ako binibigyan ng mga ganun eh. Pagtinatanong ko naman siya,sagot naman niya bumabawi lang daw siya sa four years na pang-aasar niya saakin.Hay ang labo talaga,pero yun ang sabi niya eh. Sabi naman ni Anne at ng iba ko pang friends nililigawan na daw ako ni Kai, pero tinatawanan ko lang sila. Imposible naman kasi yun eh. Pero imposible nga talaga kaya?Ewan,. kahit sarili ko di ko maintindihan. Basta ang alam ko pagkasama ko siya masaya ako at laging nakangti.In love na ba ako sakanya? Days ansd weeks passed hanngang sa dumating yung birthday ko. Excited na excited ako pumasok ng araw na yun pero pagapasok ko sa room wala yung mga clasmates ko. Nagtaka

naman ako kung bakit wala sila, nandun naman yung mga bags nila ah. Saka di pa naman ako late. Pumunta ako sa seat ko at napansin ko na may pulang rosas na nakalagay at may nakalagay pa na happy birthday. Kahit nagtataka ay kinuha ko yung rosas at yung card. Mayamaya ay may n arinig na lang ako na parang may tumutunog na gitara sakung saan at parang may kumakanata. Lumingon ako at nakita ko si Kai na papalapit saakin. Siya pala yung tumutugtog at kumakanta. Speechless naman ako. Favorite song ko pa yung kinakanta niya, ang "No One Else Comes Close". Kahit speechless ako, kinikilig ako ng sobra. Ang gsnda pala ng boses niya. Nakatingin lang ako sakanya. Nang matapos n siyang kumanta ay lumapit siya saakin at may hawak pa siyang dalawang red roses. "Kai...ano to?" "Trix...Happy Birthday"he said while smiling. Iniabot niy saakin yung dalawang rosas at kinuha ko naman yun. "Trix..may gusto akong sabihin sayo...at matagal ko na dapat to sinabi" "A-no yun?"Tugs...tugs..tugs..Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Ano kaya ang sasabihin niya? "Trix..A..I--- I love you" "K-ai?" "Matagal na...Since first year mahal na kita pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin o ipaparamdam sayo yun kaya dinaan ko na lang sa pang-aasar. Mahal na mahal kita Trix..." "Kai..I dont know what to say" Im speechless. Di ko akalain na magtatapat na siya at maririnig mula sa bibig niya ang words na "I LOVE YOU". "Ssh...Hindi ko naman hinhingi na mahalin mo rin ako, masaya na ako na nasabi ko na sayo yung nararamadaman ko na mahal kita. Hindi kita pipilitin pero sana wag kang magalit saakin. Sana magkaibigan pa rin tayo"sabi niya at ramdam ko yung lungkot sa tinig niya. Ano nang sasabihin ko?Aamin na rin ba ako na..na mahal ko rin siya?Hindi ko alam pero siguro ito na yung tamang panahon..baka magsisi pa ako... "Mahal din kita Kai... "i said while smiling..Nakita ko na nagulat siya. "Ha?An-ong sabi mo?" "Sabi ko mahal din kita" "Trix...I--" "Matagal na rin kitrang mahal at now ko lang narealize yun, Kung di mo sana ako dinaan sa

pang-aasra baka matagal ko ng narealize yun" "Trix!"niyakap niya ako ng mahigpit.Halos di na nga ako makahinga. "Kai, di na ako makahinga..."Bigla naman niya akong binitawan at tiningnan ako. "Oh Im sorry Trix...masaya lang talaga ako dahil mahal mo rion ako. Promise hinding-hindi kita sasaktan.I love you very much..." "I know..dahil pag sinaktan mo ako makakatikim ka saakin" biro ko. "Wow ang sweet naman!Effective pala ang plano !"nakapasok na pala sa loob ng calssroom yung iba kong classmates., Napatingin naman ako kay Kai at pinandilatan siya. "So, pinagpalunhan pala niyo to ha?"sabi ko. "Sorry, mahal lang talaga kasi kita.."sabi ni Kai at napakamot sa ulo. "Its okay di naman ako galit, ang sweet nga eh.."sabi ko sabay pisil sa ilong niya . '"Uy!Ang sweet naman Bestfriend!sabi na nga ba kayo rin talaga eh.."sabi ni Anne na kinikilig. Napangiti na lang ako. Ayun nagsimula na naman ang tuksuhan pero okay lang. Ito na yata ang pinaka the best birthday ko ever...Ang saya saya ko talaga. Naging masaya yung mga araw na kasama ko si Kai. Pinakilala niya ako sa family niya at masaya naman akong tinanggap ng parents niya. Pinakilala ko rin siya kina daddy and mommy aand botong-boto naman sila kay Kai. Lagi rin niyang pinaparamdam saakin na mahal na mahal niya ako at ganun rin ako sakanya. Hanggang sa naka-graduate kami ng high school ay sa iisang university pa rin kami nag-aral. He took up engineering habang ako naman Business Managment yung kiunha ko. Kahit college na kami di pa rin siya nagbabago. Lagi pa rin niya akong hatid-sundo sa school, daig pa nga niya yung daddy ko eh sa pagiging protective eh. Ginagawa rin niya lahat para lang mapasaya ako. Mahal na mahal ko si Kai at wala na akong ibang mahihiling pa. Basta kasama ko siya masaya na ako. Hanggang sa dumating na naman uli yung birthday ko and at the same time ay si-nelebrate din namin yung first year anniversay namin together. Kung anu-anong effort yung ginawa niya sa espesyal na araw na yun mapasaya lang ako . Wala pa nun yung prof namin para sa first subject, magkaiba kami ng class kasi nga magkaiba kami ng course. Bigla na lang pumasok si Kai sa room ko habang kumakanta at tumutugtog ng guitar. Kinanata niya yung fav song ko ang "No One Else comes Close". Kinilig talaga ako at sobrang saya pa. Kahit yung mga girl classmates ko kinilig rin. Naalala ko tuloy yung b-day ko nung 4th year high school pa ako,ganun din yung ginawa niya. Sobrang saya talaga ng b-day ko na yun. Feeling ko nga eh ang b-day ko na ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko kasi yun din yung day na naging kami ni Kai. Until dumating ang isang araw, nagkaroon kami ng outing kasama yung mga friends namin nung sa high school, parang reunion. We went to tagaytay para dun mag-celebrate. Masaya kaming nagkukwentuhan ng

bigla na lang nahimatay si Kai. Dinala namin siya agad sa hospital at dun nalaman namin na lumalala na naman pala yung leukemia niya. Akala ko nun wala na yun at okay na siya pero hindi pa pala. Hindi niya sinabi saakin na lumalala na naman pala yung sakit niya. Para namang dinudurog yung puso ko dahil dun. Matagal rin siyang na-confine sa hospital, syempre di na siya nakapasok nun sa school. Lagi ko siyang binabantayan at di ko siya iniiwan. Minsan nga di na ako nakakapasok dahil sa pagbabantay ko sakanya pero okay lang, basta para sakanya. Minsan nagagalit na siya saakin kasi napapabayaan ko na daw yung pag-aaral ko pero sabi ko okay lang. Wala na rin siyang nagagawa. Magkasama kaming lumaban sa sakit niya, di ko siya iniwan. Kung anu-ano ng ginwa ng family niya para lang maligtas siya. Hindi talaga kami sumuko. Hanggang sa napagdesisyunan ng family niya na sa US na siya ipagamot. Ayaw sana niy dahil iiwan niya ako pero pinilit ko siya. Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Gusto ko mang sumama pero hindi pwede, dahil sa studies ko. "Hihintayin kita Kai...mahal na mahal kita"I hug him so tightly, yung tipong di na siya makakahinga pa. Gusto ko sulitin yung moment na kasama ko pa siya. Masakit man isipin pero baka ito na yung huling pagkakataon na makakasama ko pa ang taong mahal ko. Siguro nakapanegative ko pero who knows kung ano bang mangyayari. Pero di pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa alam kong gaghaling siya at magihintay ako sa pagbabalik niya. "Mahal na mahal din kita Trix, I promise babalik ako"He said and kissed me. I felt my world begun to stop for a while. And that was our last kiss. Kinabukasan ay lumipad na siya papuntang US. Lagi ko siyang sinusulatan at lagi rin niya akong sinusulatan. Months passed... I waited for him to come back..pero... pero hindi na siya bumalik . He didn't survive the operation. Nang mga panahon na yun i felt my world began to crashed. Yung taong mahal na mahal ko wala na. Inuwi siya ng family niya dito para ilibing and nung nakita ko yung bangkay niya, parang nadurog yung puso ko. Gusto kong mag magalit sakanya dahil hindi niya tinupad yung promise niya na babalik siya pero hindi ko magawa. Mahal na mahal ko siya at di ako makapaniwala na wala na ang mahal ko. After ng libing niya, may ibinigay na sulat saakin yung mommy niya at isang maliit na box. I opened the box and i saw a ring on it. Di ko napagiliang umiyak kahit mugto na mugto na yung mga mata ko. Inopen ko yun letter niya saying... Dear Trix Mahal na mahal kita, wag mo yan kakalimutan ha?Tanggap ko na na wala na akong pag-asa pero masaya na ako dahil nakilala kita. Hinding-hindi kita makakalimutan Trix. Lagi kang nasa puso ko. Siguro pag nabasa mo to isa lang ang ibig sabihin nito, wala na ako. Sana kahit wala na ako, ipagpapatuloy mo pa rin ang buhay mo. Isipin mo na lang na lagi akong nasa tabi mo. Hinding-hindi kita iiwan. I will be your guardian angel. Sayang hindi ko na maibibigay pa sayo ang singsing na matagal ko ng balak ibigay sayo. Gusto ko na sanang yayain kang magpakasal bago ako umalis...pero natakot ako. Ayokong masaktan ka lang kaya di ko na tinuloy. Masaya na ako na naging bahagi ka ng buhay ko. Just always remember...I love you so much...and I will never ever forget you. You will always be my sweetheart...Good bye...

After I read his letter, bumuhos uli yung mga luha ko . Kinuha ko yung singsing na ibibigay nya sana saakin at isinuot ko yun sa daliri ko. Isa lang ang alam ko nun..kahit wala na siya..alam kong hindi niya ako pababayaan. I will miss him, my greatest enemy and love. And now, Im here in his grave. It was his fourth year death anniversary . Miss na miss ko na siya.Matagal na rin simula ng mawala siya sa buhay ko. But still Im not yet over him. I tried to move pero hindi ko kaya, hindi ko pa rin matanggap na mawala siya. My friends told me na dapat tanggapin ko na nawala na si Kai. Siguro nga tama sila. Hanggang ngayon suot-suot ko pa rin yung singsing na binigay niya saakin. I really miss him. Im just very thank ful na minsan sa buhay ko ay nakilala ko yung isang tulad niya. Because of him marami akong narealize . I realized na dapat wag i-take for granted ang mga bagay-bagay kahit sila pa yung worst enemy mo. Learn to value them. Kung nasaan man siya ngayon I know masaya na siya. At ako naman dapat ayusin ko na rin yung buhay ko dahil alam kong malulungkot lang siya pagnakita niyang malungkot ako. Basta isa lang ang alam ko,.. I will never ever forget Kai...I will love him forever....Maybe he's not here anymore..pero yung love namin nandito pa rin. Sa puso ko. Kahit makahanap man ako ng ibang mamahalin balang araw, siya pa rin ang greatest love ko...

THE END

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful