P. 1
Jose Rizal Ang Buhay ng Isang Bayani Reaction Paper

Jose Rizal Ang Buhay ng Isang Bayani Reaction Paper

|Views: 25,668|Likes:
Published by Hezekiah Cua
A reaction paper about the documentary "Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani"
A reaction paper about the documentary "Jose Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani"

More info:

Published by: Hezekiah Cua on Apr 29, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/03/2015

pdf

text

original

Cua, Hezekiah Kursong Rizal Reaksyon: “Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani”

COM13 April 30, 2012

Sa aming pinanood na dokumentaryo patungkol kay Dr. Jose Rizal, marami akong nalaman na mga detalye upang lalo pang makilala ang ating pambansang bayani hindi lamang kung paano siya tumulong maisulong ang nasyonalismo ng Pilipinas, maging ang personal niyang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral Aking nalaman na pinagdaanan rin ni Rizal ang mga problemang pinagdadaanan ng isang normal na taong katulad ko kahit na siya ay isang kilala bilang matalino at talentadong tao.

Ang buhay ni Rizal ay hindi pangkaraniwan kung ikukumpara sa atin, dahil kung tutuusin masasabi nating siya ay isa sa mga tinawag ng Diyos upang magsakripisyo para mapawala ang ating bansa sa pagmamalupit ng España noong 1900s. Hindi naging madali ang buhay ng mga Pilipino noon, maaaring swerte si Rizal dahil ang ninuno ng kanyang pamilya ay sadyang mayroon ng kaya sa buhay. Ngunit dahil sa pribilehiyong iyon na napagkaloob sa kanya, ginamit niya ito upang mangibang bansa, magsulat nga mga nobela at maipamulat sa mga Pilipino kung ano nga ba ang ating estado at kung ano nga ba ang dapat nating gawing aksyon. Hindi nasayang ang pagiging mayaman nila Rizal, naglibot siya sa iba’t ibang panig ng mundo, nakakilala ng iba’t ibang klase ng mga tao at higit sa lahat, minahal niya ang edukasyon hindi tulad ng ibang mayayamang mga Pilipinong pinili na lamang manahimik at magpakasarap samantalang ang mga kapwa nila mga Pilipino ay naghihirap sa pang-aabuso ng mga Español. Nakakalungkot mang isipin, sa dami ng mga binigay na sakripisyo ng ating bayani ay napabayaan na niya ang kanyang sarili. Maraming nasayang na pagkakataon sa kanyang buhay na sana ay magpapasaya sa kanya ng lubos, ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon bigyan pa ng kulay ang kanyang buhay dahil pasan niya ang obligasyon sa ating bansa na nagpasiklab sa ating damdamin. Pagkatapos kong mapanood ang dokumentaryo ang laki ng panghihinayang na nabuo sa akin, dagdag pa ang kanyang buhay pag-ibig na tangi na lamang na nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang magtrabaho, magsulat muli at manggamot ay nawala pa sa kanya. Masasabi kong ang tibay rin talaga ni Rizal, dahil sa mga napagdaanan niya mga kabiguan, pagsubok muli at tagumpay nananatili ang kanyang pagkakaroon ng mahinon na damdamin. Hindi lahat ay kayang panatiliin iyon sa kanilang sarili, lalo pa’t ang kanyang mga naranasan ay hindi biro.

Balang araw nais ko rin masulat ang sarili kong buhay tulad ni Rizal, dahil gusto kong malaman kung may naibahagi ba ako sa mundong ito pag nabasa ko ang sarili kong kwento. Siguro nga hindi talaga si Rizal ang unang napili upang maging bayani, pero ang kanyang buhay, katalinuhan at prinsipyo ay mananatiling modelo ng bawat Pilipino.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->