P. 1
Banghay Aralin Sa Filipino IV

Banghay Aralin Sa Filipino IV

|Views: 4,108|Likes:
Published by Ruth Montano

More info:

Published by: Ruth Montano on May 09, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/20/2013

pdf

text

original

Banghay Aralin sa Filipino -IV

I.

Layunin: 1. Nakapagsasalaysay ng mga kapuna-punang pagbabago sa saloobin at damdamin bilang patunay ng pamamaalam sa pagkabata. 2. Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang salita na ginamit sa akda. 3. Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga piling simbolismo na ginamit sa akda. 4. Nailalarawan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari,kilos,paghahamok o galaw sa tulong ng mga sangkap nito. 5. Nakikilala at nasusuri ang mga tauhan sa akda batay sa kani-kanilang tiyak na saloobin at pangkaisipan ng akda bilang mambabasa. 6. Naipapaliwanag ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akdang binasa.

II.

Paksa: Pagbasa/Pagsusuri sa Akdang Rehiyunal sa Teoryang Humanismo “Paalam sa Pagkabata” Salin ni:Nazareno D. Bas mula sa “Panamilit sa Kabatan-on” ni: Santiago Pepito Mga Kagamitan: Larawan ng Sanggol at Kasalukuyang Larawan,Awitin,cartolina

III.

Pamamaraan/Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain 1. Pagganyak: Palaro- Pahulaan * Pagpapakita ng guro ng mga larawan. * Pagtapat-tapatin ang mga larawan ng sanggol sa kasalukuyang larawan. Guro: Anu-ano ang napapansin ninyo sa mga larawan? Mag-aaral: Ang larawan ng sanggol,bata,nagdadalaga, at nagbibinata,nanay,tatay at matatanda. Guro: Paghambingin ang larawan noong sanggol sa kasalukuyan,mayroon bang mga pagbabago? Mag-aaral: Maraming pagbabago tulad ng pagbabagong pisikal,moral at ispiritwal. 2. Pangkatang Gawain:  Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat.

Pangkat 1- Pagtukoy sa mga laro o gawaing kinagigiliwan sa panahon ng kamusmusan. Pangkat 2 -Paggunita/Pagbabalik –tanaw sa pagkalingang iniukol sa kanyang mga kasambahay. Pangkat 3 -Paglalahad ng mga kapuna-punang pagbabagong pisikal. Pangkat 4- Pagsasalaysay ng mga pagbabago sa saloobin ng damdamin bilang patunay ng pamamaalam sa pagkabata. B. Paglalahad/Pagpapabasa sa Akda Pangkatang Pagpapabasa- Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.Babasahin ng lider ng bawat pangkat ang talata.Sisimulan ng unang pangkat,susundan ng pangalawang pangkat,pangatlong pangkat at pang-apat na pangkat.Tiyaking may angkop na damdamin sa pagbasa.

Pangkat 2- Paglalahad ng mga pangyayari at paglalarawan ng mga katangiang taglay ng mga tauhan sa binasang seleksyon. Pangkat 3- Pag-iisa-isa sa mga bahagi ng akda na nagbibigay-puri sa tauhan. Pangkat 4- Paghahambing ng akda, “Paalam sa Pagkabata” sa iba pang katulad na kuwento batay sa pagkamarangal ng tauhan. 3. Pagkuka ng Feedback ng mga nakinig 4. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa

5. Ebalwasyon

Gawain A: Panuto: Basahin ang mga kaisipan, kilalanin ang mga tauhan na tinutukoy at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1.Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. 2. Wala akong nakikitang pagbabago. 3. Ang nakaalam na wala akong kasalanan. 4. Ang kalawakan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. 5. May karapatang makaalam ng misteryong napapaloob sa lambat. 6. Masasayang nagkukuwentuhan sa dalampasigan habang naghihintay ng mga bangkang galing sa laot. 7. Napalingon nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. 8. “Nariyan na naman siya.”Ang may sabi nito. 9. Inaalipin ng kanyang damdamin sa matagal na panahon. 10. Ginaw,katahimikan,dilim – ang bumubuo ng kanyang daigdig ng kamalayan. Gawain B: Panuto: Mag-isip ng dalawang damdamin na naglalarawan sa mga tauhang sumusunod: Isulat ang mga sagot sa patlang. 1. Celso / Anak 2. Isidra / Ina 3. Ama / Tomas 4. guro 5. mamimili ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________

V.Takdang Aralin: Pagbubuo ng mga clippings ng mga kabataang nakilala at napabantog sa Iba’t ibang larangan.

Inihanda ni:

RUTH G. MONTAŇO SST-I

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->