Privilege Speech Anakpawis Rep. Rafael V.

Mariano Isang Pagpupugay at Pakiisa sa Uring Manggagawa May 16, 2012 (As delivered) Una sa lahat Madam Speaker, mga kapwa ko Kinatawan, nagpupugay ang Anakpawis Partylist sa lahat ng mga manggagawang Pilipino at manggagawa ng buong daigdig sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno. Makabuluhan at matagumpay ang naging pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Pilipinas. Libu-libong manggagawa at mamamayan ang kumilos at sumama sa mga aktibidad ng Kilusang Mayo Uno. Naging tampok na isyu sa nagdaang Mayo Uno ang malakas na panawagan ng mga manggagawa para sa pagsasabatas ng P125 across-the-board dagdag sa arawang minimum na sahod, pagbabasura ng patakaran ng kontraktwalisasyon sa paggawa, panawagan laban sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis, bilihin at serbisyo at ang papalawak na pakikialam ng mga tropang militar ng Estados Unidos sa ating bansa at ang nagpapatuloy na pandarambong ng mga dayuhang kapitalista sa bansa. Makatwiran at balido ang mga panawagang ito na nangangailangan po ng kagyat na tugon mula sa gobyerno. Madam Speaker, tungkulin ng gobyerno na tiyakin na may sapat at nakabubuhay na sahod at seguridad sa trabaho ang mga manggagawa. Ayon nga sa probisyon ng 1987 Constitution Article XIII on Social Justice and Human Rights, Section 3, ganito po ang itinatadhana - ”The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organized and unorganized, and promote full employment opportunities for all. It shall guarantee the rights of all workers to self-organization, collective bargaining negotiations, and peaceful concerted activities, including the right to strike in accordance to law. They shall be entitled to security of tenure, humane conditions of

1

work, and a living wage. They shall also participate in policy and decision making processes affecting their rights and benefits as may be provided by law.” Gayundin, ginagarantiyahan sa ating Kontitusyon na nararapat bigyan ng pagpapahalaga ang mga manggagawa – Article 2. Sec. 18. clearly provides that the State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare.” Ang pamilya po ng mga manggagawa ay may karapatan sa nakakabubuhay na sahod at kita na siyang itinatadhana ayon sa Article XV Section 3. ”The right of the family to a family living wage and income.” Kaugnay nito Madam Speaker, nais kong sagutin ang ilang punto kaugnay sa Labor Day Message ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Kung noong una‟y tagapagsalita lang ng Pangulo ang nagpahayag, nitong Mayo Uno, siya mismo ang nagsabing ang P125 dagdag na sahod ay (a) napakabigat para sa ekonomiya at (b) hindi na magiging kaakit-akit ang bansa sa dayuhang mamumuhunan kumpara sa ibang karatig-bansa. Direktang ibinasura rin ng Pangulo ang anumang panawagang pawiin ang masahol na patakaran ng kontraktwalisasyon sa paggawa. Nagbigay ng kwentada si Pangulong Aquino na sa aming pagtingin ay mali at nakakalinlang sa publiko, laluna sa mga manggagawa. Sa aking narinig sa talumpati ni Pangulong Aquino, inulit lamang niya ang kwentadang inilabas ng Malakanyang sa isang press briefing noong Marso para palabasin na ‟hindi kaya‟ ng lokal na ekonomya at ‟sobra-sobra‟ ang hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa. Noong Mayo Uno, sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang komputasyon, ”125 pesos across the board, i-multiply natin ng 22 araw sa isang buwan na nagtatrabaho ang isang tao, i-multiply natin ulit ng 13 buwan, tapos i-multiply po natin sa 40 million na manggagawang Pilipino. Ang lalabas pong figure dito ay P1.43 trillion—uulitin ko lang po: P1.43 trillion. One point four-three trillion ang ilalabas sa isang ekonomiyang nagkakahalaga ng mga walo hanggang siyam na trillion piso na ‘yung total po ng ating buong ekonomiya.” Ngunit ayon sa sariling datos ng gobyerno sa inilabas na January 2012 Labor Force Survey, 40.3 milyon ang bilang ng total labor force at 37.394 milyon ang kabuuang bilang ng employed o may trabaho. Sa bilang na ito, 54.8% o 20.4 milyon ang wage and salary workers. Umaabot sa 41.6% o 15.6 milyon mula sa employed ang sumasahod sa
2

pribadong kumpanya o empresa; 8.2% o 3.07 milyon ang empleyado o sumasahod mula sa gobyerno; at 3.6% o 1.3 milyon ang may sariling kita ("own account workers") at 11% o 4.3 milyon ang "unpaid family workers." Madam Speaker, ang House Bill 375 na nakahapag sa mababang Kapulungan ng Kongreso mula pa noong 13th Congress at nakamatayan na ni dating Anakpawis Rep. Crispin „Ka Bel‟ B. Beltran ay nagpapanukala ng P125 dagdag na sahod sa mga manggagawa ng pribadong sektor. Hindi kabilang ang mga empleyado ng gobyerno, at ang mga hindi sumasahod o self-employed at mga unpaid family workers. Madam Speaker, mga kapwa ko Kinatawan, malinaw na ang paggamit ng gobyerno ng "40 million workers" o kabuuang “labor force” ay para palobohin o palakihin ang sumatotal ng pinapanukalang wage increase, ay pansindak sa hindi nakakaunawa sa mga termino at abra-kadabrang mahika sa estadistika ng gobyerno, para ipakita diumano na masyadong malaking halaga ang kakailanganin, at walang pagkukunan ang ekonomya para sa dagdag sahod ng mga manggagawa. Madam Speaker, pinalamutian lang ng ‟bagong datos‟ ang mga lumang argumento laban sa panawagan ng dagdag sahod. Nakakalungkot mang sabihin, ngunit muli na namang nakipagkoro ang gobyerno sa mga employer at kapitalista sa paglaban at pagmaliit sa makatwirang panawagan ng mga obrero. Ayaw ng gobyerno na magbigay ng makabuluhang dagdag na sahod sa mga manggagawang Pilipino. Nagkakasya na ito sa pagbibigay ng limos o mumo para sa mga manggagawa. Ang mga regional tripartite wages and productivity boards, halimbawa sa Cagayan Valley, nagbigay ng P10; sa Region 5 o Bicol region P3 to P23; sa Socksargen o Region 12 nagbigay ng P10 hanggang P14 Cost of Living Allowance, na hahatiin pa sa dalawang bigay ngayon taon. Sa Western Visayas o Region 6, nagbigay ng P12; at sa CALABARZON o Region IV-A, nagdagdag ng P2 dagdag sa basic pay at P12 productivity allowance. Nag-uusap pa ang National Capital Region wage board, ngunit inaasahan na kung hindi COLA, maliit na dagdag lamang ang ibibigay nito. Madam Speaker, kung nakakalimutan na ni G. Aquino, nabuo ang mga wage boards noong termino ng kanyang yumaong ina – ni dating Pangulong Corazon C. Aquino. Sa loob ng 23 taong pag-iral ng regional wage boards, pinanatiling napakababa ang sahod ng mga manggagawa. Simula nang itatag ang mga regional wage boards (RWB) noong 1989, pinakamataas nang dagdag-sahod na natanggap ng mga manggagawa ang P36
3

sa isang taon sa isang rehiyon. Barya-barya! Minaliit nito ang kakayahan at pinahina ang pagkakaisa ng mga manggagagawa para sa paglaban sa isang pambansangsahod. Pinagkumpara pa ni G. Aquino na nakakatanggap ng higit na mas mataas na sahod ang mga manggagawang Pilipino kumpara sa mga manggagawa sa Vietnam, Cambodia, Thailand. Ngunit gayundin ba ang sitwasyon sa ibang bansa sa Asya na napakataas ng halaga ng pamumuhay o daily cost of living dito sa ating bansa, lingguhan ang pagtaas ng presyo ng langis at mga batayang bilihin at serbisyio, wala o kulang ang serbisyong panlipunan na natatanggap ng mamamayan, at laganap ang korapsyon? G. Speaker, mga kapwa ko kinatawan, malinaw na ang pusisyon ng Malakanyang sa panukalang dagdag na sahod ay siya ring pusisyon ng mga malalaking lokal at dayuhang kapitalista na ayaw at matigas ang pagtanggi sa anumang dagdag sa sahod para sa mga manggagawa. Malinaw kung sino ang umaayaw at nagla-lobby kontra sa isinabatas na dagdag sahod – ang mga malalaking dayuhang Chambers of Commerce na nagdidikta ng mga panukalang karaniwa‟y anti-manggagagawa at anti-mamamayan. Ayon sa pagtataya ng IBON, kung magbibigay ng P125 across-the-board wage increase, makakatanggap ng dagdag na P3,802 per month kada buwan ang mga manggagawa. Gagastos ng dagdag na P49,427 bawat empleyado bawat taon, kasama na ang 13th-month pay. Madam Speaker, ayon sa Annual Survey of Philippine Business and Industry (ASPBI) ng National Statistics Office (NSO), ang lahat ng empresa sa buong bansa ay nakapagrehistro ng pinagsamang tubo na P1.63 trillion noong 2009. Sa mga empresang may 3.94 million employees, ang kabuuang halaga ng panukalang dagdag sahod ay P194.9 billion. Kung babawasin mula sa kabuuang tubo, may matitira pa rin na P1.43 trilyon o kabawasang 12 porsyento lamang sa kanilang tubo. G. Speaker, ginamit na ng gobyerno ang lahat ng alibi at lahat ng pananakot laban sa panukalang dagdag sahod. Ngunit malinaw, makatwiran at hindi mapapasubalian ang pangangailangan na magbigay ng makabuluhang sahod sa mga manggagawang Pilipino na kabilang sa mga pinakaapektado ng krisis sa ekonomya. Ang hinihingi pong...

4

Sa kabila nito, tumaas ang produktibidad ng mga manggagawa, partikular sa National Capital Region. Mula 2001 hanggang 2009, tumaas ng 97% ang labor productivity batay sa NCR regional gross domestic product bawat empleyado. Subalit sa parehong panahon, sa loob ng siyam na taon, tumaas lamang ng 44% ang sahod. G. Speaker, ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ay isa sa mga konkretong pamamaraan ng paglago ng ekonomya. Kapag binigyan ng dagdag sahod ang manggagawa, gagastusin nila ito at ipambibili, at tataas ang aggregate demand at iikot din sa ekonomiya at merkado ang dagdag sahod. Habang nanatiling nakapako ang sahod ng mga manggagawa, patuloy na kumikita at tumutubo ang mga kapitalista. Tumaas ang pinagsamang annual net income ng Top 1,000 corporations sa bansa mula P116.4 billion noong 2001 ay naging P804.1 billion noong 2010. Katumbas ito ng cumulative na P4.59 trillion sa nakaraang isang dekada mula 2001 hanggang 2010. G. Speaker, halos naging doble naman ang pinagsamang netong kita ng mga pinakakamalaking korporasyon sa bansa noong 2008 kahit pa nagkaroon ng pandaigdigang krisis sa pinasya, ipinakikita lamang ang kakayanan ng mga malalaking kumpanya na magbigay ng dagdag na sahod. G. Speaker, ayon mismo sa mga manggagawa, lalong umiigting ang pangangailangan para sa makabuluhang dagdag-sahod. Sa pagtataya ng Ibon Foundation, sa panahong 2001-2011, tumaas ang presyo ng mga bilihin nang 63% gayung 45% lamang ang itinaas ng sahod. Napakamahal pa rin at nagbabantang tumaas pa ang presyo ng langis. Gayundin ang mga presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo, kabilang ang iba pang public utilities – tubig at kuryente. Hindi kataka-taka na mula sa 9.1 milyong pamilyang nagsasabing nagugutom sila noong Disyembre 2011, higit na mas marami o 11.1 milyong pamilya ang nagsasabing nagugutom sila nitong Marso, taong kasalukuyan.

Samantala, sa gitna ng malaganap na kagustuhan ng mga manggagawa at mamamayan na ibasura ang kontraktwalisasyon, umani ng galit ang paglalabas ng rehimen ng Department Order 18-A Series of 2011 na siyang kapalit ng Department Order 18-02 – lalo na‟t binalot ito sa propaganda na sa pamamagitan nito‟y magiging regular ang mga kontraktwal at matatamasa na nila ang mga karapatan at benepisyo ng
5

mga regular na manggagawa. Lalo pa itong aani ng pagkondena sa tiyak na pagkabigo nitong gawing regular ang mga kontraktwal na manggagawa. (permanenteng kontraktwal). Lalo pa kapag sa halip na regularisasyon ay mas madalas na tanggalan sa trabaho at pleksibleng paggawa ang magiging resulta nito.

G. Speaker, mga kapwa ko Kinatawan, buo ang paninindigan ng mga manggagawa na patuloy na isulong at igiit ang agarang pagsasabatas ng P125 across-the-board legislated wage increase. Ito po ang nilalaman ng HB 375. Mabuhay ang mga manggagawa, mabuhay ang masang anakpawis, mabuhay ang sambayanang Pilipino! Maraming salamat at magandang araw! ###

6