You are on page 1of 182

My First Love

Written by: JAMIE MORRIS SANTOS Or BlackTearsJAMIE P.S

Sorry, copy paste lang ito sa WATTPAD, waley na akong time para i-edit pa ito. SALAMAT

PLAGIARISM is a crime, dont you dare mess with me BLACKTEARSJAMIE

Haloooo kay SIS SHAM SHAM SHAM ^_______^, lovelove you sis :*

Prologue

4th year high school

panibagong taon.

and at the same time, huling taon para sa high school life.

sa tatlong taon mo sa eskwelahan mo, mga kaibigan ang mga in a relationship mo.

mga kasangga mo, mga ksama mo sa kalokohan mo.

at binigyan ng kulay ang buhay mong walang lovelife, pero masya dahil kasama sila.

sinong makakapagsabi na ang huling taon mo sa high school ang makakapagpabago ng lahat ng ito?

ano nga ba ang pipiliin mo? KAIBIGAN o PAGMAMAHAL?

CHAPTER 1- THE ENCOUNTER

First day of classes, syempre excited ako! at sa sobrang excited ko. hindi ako nakatulog kagabe >.< waaaaaaah. Miss ko na mga friends at bestfriends ko. Yehey! mgkikita kita ulit kami! anu kaya itsura nila? haha. Maaga rin akong nagising kahit sandali lang nakatulog, ganun ako talaga e, hindi ba ganun din kayo? haha. excited e. Ready na ako pumasok, pero nagpalate pa rin ako (JAMIE: kay bait na bata)

BTW. ako nga pala si Antanasia Chloe Emi M. San Diego, or ACE for short. Panglalaki ba? huwag kayong mag alala. Babae ako. Haba no? Iyan daw kasi ang gustong ipangalan ni author sa magiging anak niya. Ayun sakin niya tinry. Ang bait niya no? (JAMIE: may angal ka? HAHA). Kung itatanung niyo kung maganda ako. Hmm, ano ba? kayo na lang humusga. Kasi sabi nila sa akin. Maganda raw ako, haha. So back to the topic. Maaga ako nag ayos pero nagpalate pa rin ako. Pagdating ko sa classroom namin. Halos kumpleto na kami. Same section pa rin. Umupo kami ni Christine sa may pangatlong row, ayaw namin sa una saka sa huli. Unang row, dahil mapapansin ka ng titser, Huling row dahil pag nakinig ka ng klase, wala ka ng maiintindihan. so sa pangalawang row kame. Medyo sa may dulo para makapaghuntahan. Oo nga pla. Star section ako. Consistent from 1st year. Oha, pero hindi ako iyong tipong sobrang talino, ayos lang. TAMAD e. Edi ayun nga, katabi ko ang kaibigan kong si Christine, naghuntahan muna kami ng may napansin ako.

"bakit wala pa si Manilyn?" tanung ko kay christine.

"malay ko dun, sabi niya papasok daw siya e. Baka late na naman iyon. Lagi namang ganun iyon e. Hindi kana nasanay." sagot ni christine.

"sabagay, hmmm. Pagtatabi ko na lang siya ng upuan. Baka kasi mawalan iyon. Kawawa iyon. Maliit pa naman. Haha" so dahil wala pang nakaupo sa tabi ko e kinuha ko na iyon for manilyn.

"sama mo talaga" biro sa akin ni Christine.

"hindi ka na nasanay. Haha."

Maya-maya. Dumating na iyong adviser namin. Kaya napatigil na kami sa paghuhuntahan.

"Goodmorning class, im your titser Agnes and im going to be your adviser. So dahil, 1st day ng class, magpapakilala muna kayo sa isat isa. So by the way, bago ko makalimutan. may bago nga pala kayong magiging kaklase." Titser Agnes.

Doon lang napadako ang tingin ko sa katabi nung adviser namin. So lalaki pala ang magiging new classmate namin. Hmmm, gwapo? pede na. Mukhang masungit naman.

"hi, im Lucious Orl Rafael S. Santos. LOR for short. Galing kami ng states pero nagpasyang umuwi na lang for good. Im staying here for almost 5 months na. So ayun lang, nice to meet you all."

"so ngayon nakilala niyo na si Lor, so pwede ka ng umupo. Tutal dalawa na lang ang bakanteng upuan at iyong isa ay sa pangalawang row at iyong isa ay sa panghuling row. Dun ka na lang sa tabi ni Ace tutal wala namang nakaupo dun. Para na rin hindi ka dulong dulo." titser agnes.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko kaya bigla akong napasigaw.

"MAAM, HINDI PO PWEDE! DYAN PO NAKAUPO SI MANILYN!" dahil sa sigaw kong iyon. Napako ang tingin nilang lahat sa akin. Maski si new classmate. Aww, nakakahiya >.<

"Ms. San Diego, as of now. wala pa si Ms. Regalario(Manilyn). So, gusto ko diyan na lang umupo si Mr. Santos. Saka, late na si Ms. Regalario kaya i wont allowed na siya pa ang masusunod kahit late na siya. kaya sa ayaw at sa gusto mo dyan uupo si Mr. Santos. Mr. Santos, umupo ka na sa upuan mo." Titser agnes.

edi ayun nga, umupo na siya sa tabi ko. nakakainis! Akala niya! hindi ko talaga siya papansinin. Magdusa siya! Pero naawa rin ako kahit konti kasi alam ko nakikipagkaibigan siya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Awww, Ace timpi! Kaaway mo siya!! Kaaway? Sino ngsabe sayo niyan?Wala namang ginawa sayo iyong tao a?Ahh basta! wag ka makelam! grabe, ano nangyayari sa akin. nag uusap usap ang utak ko? UNBELIEVABLE!

Maya-maya. Dumating na rin si manilyn, grabe dun siya npwesto sa dulo. maliit pa naman iyong isang iyon. lagot iyon pag nagdiscuss. Tsk. Dahil mabait ako at mahal ko ang mga kaibigan ko, Kinausap ko si Mr. Maw(short for Halimaw, haha) kahit ayaw ko.

"uyy, Mr. Maw, pali naman kayo pwesto nung kaibigan ko o, hindi mo ba nakikita? hindi ka ba naaawa? maliit siya o? Ikaw matangkad ka naman e! sige na palit na kayo?" pagsusumamo ko kay classmate.

"ano tawag mo sa akin? Mr. Maw? anu yon?" sagot niya.

"ah iyon ba? wala iyon, tawag ko iyon sa mga new friends ko!" kumagat ka! kumagat ka!

"ahh, pero hindi ba ayaw mo makipagkaibigan sa akin? hindi mo nga ako pinapansin kanina e."

Tsk naman to o! Asar. "e ngbago na e, please? palit na kayo nung kaibigan ko."

"huh? ayaw ko nga, mapagalitan pa ako nung adviser natin. sabihin e fisrt day kung anu-ano na ginawa ko. basta ayaw ko."

"ayaw mo talaga?"

"ayaw ko!"

"OK FINE MR. HALIMAW! BWISIT! MAGKAKULUGO KA SANA!" argh . Nakakaasar! First time kong matanggihan! Bwisit!

Chapter 2- What was that?

Recess time. Lumabas muna ako sa classroon namin at nakipag-usap kay Christine at Manilyn.

"kamusta naman iyon? Bakit ka late huh? Yan tuloy, liit liit mo na nga, napunta ka pa sa dulong-dulo! Tsk. Pinagreserve ka na nga ng upuan, pero may umepal pang Mr. Maw! Hayy, nakakainis!" Ace.

"Hayy nako Ace, yaan muna yon, saka hindi mo ba napansin? Ang gwapo kaya nung bago nating classmate! Dami nga naiinggit sayo kasi nakatabi mo eh" Manilyn.

"Anong hayaan? Palibhasa kasi hindi ikaw yong tinarayan kanina! Hinahanap ka na nga ng upuan, siya pa kinampihan mo! Kaibigan ba talaga tayo?" panghinanakit ko kungwari.

"hayy nako Ace, ang arte huh! haha." Christine.

"haha. Maarte talaga yan, hinanakit ka pa! Hindi na tatalab sa amin yan! Sa tatlong taon ba naman na nakasama ka namin ni Christine e no? haha. Ahh basta ok lang sa akin, gwapo un eh! haha" Manilyn.

"ok fine, bahala ka, huwag kang kokopya ng mga lectures sa akin huh Manilyn?" Ace.

"huh? Andaya! Bakit naman?" Manilyn.

"sabi mo ok lang sayo na nasa dulo ka. Edi bahala ka." sagot ko.

"ok fine, pangit si Lor" Manilyn.

"hahahahaha" Ace at Christine.

So after noon, Bumalik na ako sa room namin at sumalampak bigla sa upuan ko without knowing na inurong pala ni Janeth(classmate ko) iyong upuan ko. Kaya ayun, hinintay ko na lang na bumagsak ako. Napapikit na nga lang ako e. Let me correct. Hindi ako nasaktan kasi hindi naman pala ako bumagsak. Ewan ko kung bakit? Kaya binuksan ko na lang yong mata ko. Laking gulat ko ng makita kong nasa mga bisig ako ni Lor. So, kaya pala hindi ako bumagsak, nasalo niya ako. OMG talaga! Hala anung nangyare?

Bakit parang nakakamesmerize ang mata niya? awww. Nagtitigan lang kami nun. Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Bakit naramdaman kong may mga naglalarong butterflies sa tyan ko? anung nangyari? Parehas lang ba kami ng nararamdaman ni Lor? Bakit ang gwapo niya bigla sa mukha ko? Nakakagago ah? Parang telenovela! Awww. Ace magtigil ka! Back to your senses! Kaya bigla akong bumitaw sa

kaniya. Hindi na nga ako nakapagthank you dahil sa sobrang bigla ko at dahil sa bigla kong naramdaman. Kaya binalingan ko si Janeth para mawala ang tensyon ko at sinabing.

"hayop ka arabo(asaran namin)! Ano ang naisip mo at bigla mong hinila ang upuan ko?yan tuloy bumagsak ako! Argh! Asar ka!"

"bakit? Hindi ka naman bumagsak ah? Sinalo ka pa nga ni Lor, ganda nga ng scene niyo kanina e. Titigan pa to the max! Haha! Hindi ka man lang ba magthathank you? Haha!" Janeth.

Bigla naman akong namula sa sinabi ni Janeth. Kaya bigla na lang akong yumuko at nag-ayos. Hindi na tuloy ako makatingin ng diretso kay Lor. Buti na lang at wala pa ganung tao sa room nun dahil recess pa. maya-maya dumating na si titser agnes.

Oo nga nu? Hindi pa ako nakakapagthank you. Hayy. Mamaya ko na lang sasabihin yon sa kaniya.

NAguguluhan talaga ako sa bigla kong naramdaman kanina. What was that feelings?

CHAPTER 3- DEAF? LOL!

So dahil tapos na ang recess namin nagpakilala na kami isa isa. For the sake of our new classmate raw dahil syempre hindi pa niya kami kilala.

Nung turn ko na, pumunta na ako sa harap at sinabing.

"hi! Im Antanasia Chloe Emi M. San Diego, Ace for short. Sabi nila panglalaki raw ang nickname ko pero babae talaga ako. Ahm, anu pa ba. I live in *****, *****, ******. 14 years of age. Birthday? Alam niyo naman na e! Kung hindi niyo alam, alamin niyo! bahala kayo! haha. MAbait naman ako, minsan lang talaga may topak at napakataray. Boyfriend? Wala. NBSB ako e. Kung tatanungin niyo ako kung nainlove na ba ako? hndi pa. As in. So iyon lang! Thank you!"

Pumunta na ako sa upuan ko, hindi ko napansin na iyong siyang pag-upo ko ay makakasabay ang siyang pagtayo ni Lor. Kaya ayun, nagtama ang mga ulo namin. Aww, ang sakit! bakit ba lagi na lang nagkakaganun?

aray! Anu ba naman yan! Tsk!" maktol ko.

"ahm, Ace sorry. Sorry talaga. Anu ba yan! Dame ko ng kasalanan sa iyo. Soory din dun kanina. Sorry talaga" sabi niya.

Nakonsensiya naman ako kasi bigla syang nagsorry kahit ako ang may kasalanan tapos pinaalala pa niya iyong nangyari kanina.

"ahm, ano wala iyon. hehe. Sorry din saka thank you kanina" sagot ko.

"ok Ace edi friends na tayo?" sabay abot ng kamay niya.

"sige Lor, friends" sagot ko.

At tinanggap ko ang kamay niya.

" ok, tapos na ang scene niyo Mr. Santos at Ms. San Diego. Magpapakilala pa uli si Lor kaya sana tapos na ang discussion niyo. May klase pa tayo o. Baka hindi niyo napapansin? mamaya na ulit kayo magusap pede?" pasaring ni teacher agnes. Pero syempre sanay na ako. Ganyan lang talaga yan. pero masarap kasama ang adviser namin. Mabait yan. Pinakafavorite ko nga yan e. Ok, back to the topic.

NAhiya naman ako sa narinig ko. Paglingon ko. Lahat ng mga classmate ko nakatingin sa amin. NAKAKAHIYA!!!!

"sorry Maam" sagot ko.

"sorry din po Maam" Lor

"pk sige. Magpakilala kana ulit Lor" teacher agnes

Pumunta na ulit siya sa harap at nagsalita.

"hi! Im lucious Orl Rafael S. Santos, Lor for short. Kung may gusto kayong itanung, sige itanung niyo lang. sasagutin ko hanggat makakaya ko. hehe"

"may girlfriend ka na ba?" tanung bigla ni Manilyn. Nagulat nga ako eh.

"ahm. Wala pa as in. NGSB ako" Lor

"weeeehhhh?" classmates

"oo nga promise: Lor

"nainlove ka na ba?" manilyn ulit.

"hindi pa. Kya hindi ko alam ang feeling. Pero sabi nila masarap daw ang feeling nun, at gusto ko na ngang maranasan iyon" Lor.

Sabay titig sa akin. Ano gusto niyang palabasin? Ewan ko sa kaniya! Nakakaloka! PAti bestfriend kong si Manilyn nakisali rin! anu ba naman yan!

"sino crush mo dito sa room?" Janeth.

"actually, paano ba. Ahm, may crush ako rito" Lor

"SINO!!!" classmates

"ahm. Si Ace" Lor

"AYIEH!!!! HAHAHAHAHAHAHA. Kaya pala may ganung factor kanina! HAHAHAHAHAHAHAH" classmates.

Nasa pagmumuni muni ako ng mga nangyari ng bigla silang humiyaw. Hala. Bakit bigla nag-ayie ang mga classmate ko? Napapanu ba sila? Baliw ata eh! Mas nagulat ako nung tumingin silang lahat sa akin. Kaya nagsalita ako.

"b-bakit:"

"hindi mo ba narinig ang sinabi ni Lor?" Christine.

"huh? Sinabi? Narinig ko! sabi niya NGSB siya hindi ba? Bakit ba sila nakatingin sa akin?" sagot ko.

"AYYY!!! ANAK NG!!! nalintikan na!! Hindi narinig!" Christine.

"ok lang, mas maganda iyon. Para hindi siya mailang sa akin" Lor

"ayieh!!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA" classmates.

Napapano ba ang mga tao ngayon?nauutugan ba silang lahat? Saka ano iyong sinabi ni Lor kanina? Bakit hindi ko narinig?

BINGI ba ako???

CHAPTER 4- Threat for FRIENDSHIP???

PAgkatapos ng nakakapangilabot(haha pagmamalabis!) na nangyari kanina. Nagpakilala na rin ang iba ko pang mga kaklase. huling-huli si Manilyn na nagsalita.

"hi! Im MAnilyn Regalario! 14 years old. Maganda pero maliit daw sabi ng mga pinakamamahal ko na bestfriends na sila Ace at Christine. MAbabait yan eh! haha" Manilyn.

"talaga namang maliit ka ah! Tanung mo pa sa mga classmate natin! Haha" sigaw namin ni Christine.

"TAMA!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" classmates.

"OO NA! MALIIT NA! Grabe ah, napagtulungan ako. KAinigan ba talaga kayo? Aww. ang drama! Back to the topic! Mabait ako pag tulog! Haha. Jowk lang! Syempre mabait ako! Sweet ako! Syempre lalu sa boyfriend ko. Yups, may bf ako. Sa **** siya nag-aaral. 4th year din. Huwag niyo ng kilalanin. Sila

bestfriends lang nakakaalam nun. Ahm, anu pa ba? MAy crush ako rito sa room. Gusto niyong malaman? Si Lor! Ok iyon lang! Thanks!" Manilyn.

Nagulat ako sa sinabi ni Manilyn. Actually lhat kami. Kilala ko ang babaing iyan. Ska alam ko kilala rin siya ng iba naming mga kaklase sa ugali niya. Kapag sinabi niyang crush niya ang isang lalaki, gagawa at gagawa siya ng paraan para maging boyfriend ito. At kahit may BF pa siya. Ipagpapalit niya ito para lang sa crush. Iyon ang ugaling ayaw namin ni Christine kay Manilyn. Kaya lang, hindi naman na namin mabago ito. KAsi mahal namin siya. At mahal namin ang lahat sa kaniya.

Kaya lang, Bakit dun sa sinabi niya, bigla akong kinabahan? Tumingin ako kay manilyn. Nginitian niya lang ako. Tumingin ako kay Christine, alam ko isa lang ang iniisip namin. At sa huli, tumingin ako kay Lor. Nkatingin din pala siya sa akin. tapos iyong mata niya parang nagtatanung na "bkit? anu problema?" Hindi ko na lang pinansin.

"Ok, dahil 1st day of classes, orientation lang tayo. So dahil tapos na. Pwede na kayong umuwi. Regular classes will start tomorrow. Goodbye class. See you tomorrow" teacher agnes.

"goodbye Maam! Godbless you!" classmates.

Hindi ko na namalayan na apat na lang pala kami na nasa classroom. Kaming magbebestfriends(Christine,ako at si Manilyn) at si Lor. Kung hindi pa ako tinapik ni Christine hindi pa ako matatauhan.

"hoy! Uwi na tayo! Daan muna tayong mall dali!" Manilyn

"ehhh?? MAll? Ano gagawin antin dun?" ako.

"ahh cge guiz, see you tom!" Lor

"bye" christine at manilyn

"bye Lor" ako

"cge bye Ace" Lor

"ano pa ba sa tingin mo> Edi mag boboy hunting!! NAko si MAnilyn pa! Hayy!" Christine.

"hoy hindi ah! Goodgirl na ako simula ngaun. Hindi ba crush ko na si Lor? hehe" MAnilyn

:ano konek ni Lor> hayy nako ka talaga Manilyn. E kung hindi ka magboboy hunting sa mall, ano gagawin natin dun?" Christine.

"ahm, mamamasyal!! HAler! ngaun na lang nga ulit tayo nagkita eh!" Manilyn,

"pagkakatanda ko, nag overnight tayo sa bahay nila Ace noong Sabado so ibig sabihin isang araw lang tayong hindi nagkita kita. Anong matagal ka dyan?" Christine.

"ano na naman kaya ang trip ni Manilyn? Hayy" ako

"Nakakatampo naman kayo eh! Ahmp! Mall lang eh! Ayaw ako pagbigyan!" manilyn.

"e ano nga ba dahilan mo?" ako

"wala lang, mamamasyal lang talaga" Manilyn.

"ok ok sige. Pagbigyan ang maliit" Christine and i said in chorus.

"hayy nako, kelan ba talaga mawawala ang maliit thingy na yan?" reklamo ni Manilyn

"pag tumangkad ka! hahahahahahah" ako a si christine.

"WHATEVER!!! TARA NA NGA!!" manilyn

"so galit ka na niyan?" tanung ko

"hindi no! MAhal ko kayo e! PWE! HMP!" Manilyn

"HAHAHAHAHA. wag ka mag alala, MAGANDA KA NAMAN EH!!" christine.

"awww, yan ang gusto ko e! Tara na bilis!!!" manilyn.

"MALIIT NGA LANG!!! HAHAHAHA" ako at si christine

"GRRRRRRRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Manilyn

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Chapter 5- Craziness

Pagdating sa mall, diretso agad kami sa Blue MAgic. Doon ang tambayan namin eh. Ganda kasi don, hindi ba? Hindi muna kami nag lunch kasi maaga aga pa naman. Nasa hilera ako ng mga stuff toys nung mapadako ang tingin ko sa isang teddy bear na may malaking hat.

"awww, ang cute oh! Haha. Ang ganda! Kaso ang ganda rin ng presyo! hayy. Bibilhin ko ito kapag nagkapera na ako." sabi ko.

"oh hindi ba may sense ang pagpunta natin dito? HAha. Sabi ko naman sayo Christine eh! Ayaw mo maniwala sa akin! Haha!" Manilyn.

"gets ko na ngayon. Haha. Galing mo talaga tangkad!!! Haha!" Christine.

"awww, nangasar ka na naman eh!" Manilyn.

"Haha, natutuwa ako sayo e! Galing mo talaga! Pakiss nga!!" Christine.

"yak! Magtigil ka nga Christine! yan na naman ang mga trip mo a" Manilyn.

"hoy! Ano pinag uusapan niyo? Wala akong maintindihan!!" ako.

"haha. Kami lang ni Christine ang nakakaintindi nun! Huwag ka na lang makisali! Malalaman mo rin naman iyon eh!" Manilyn.

"Nga naman!! Haha. Masaya kaya iyong ganito, may secret. Haha" christine.

"Hayy nako, nagsecret na naman kayo. Ok fine, iintayin ko iyon. Basta ba sasabihin niyo rin agad huh??" paninigurado ko.

"aye aye ace! HAha" Christine and manilyn

"tara kain na tayo" ako

Pagkatapos kumain, umuwi rin kami agad. Para lang kaming sira. Blue magic lang talaga ang pinuntahan naming. Tapos nag aya na silang umuwi. Nagmamadali nga eh! Ewan ko sa kanila! Pag tinanung ko naman, sasabihin secret. Baliw na sila! Bahala nga sila!!!. Sabay sabay pa rin kami umuwi nun. Bestfriends eh! Haha. Saka sila Christine at mainly halos magkapitbahay na. Mga sampung bahay ang layo nila sa isat isa. Ako naman, 2 kanto pa ang layo. Kaya ako tuloy ang huling umuuwi sa amin. Kagaya ngayon, hay. Nakauwi na sila, heto ako naglalakad pa rin. Pag abot ko sa unang kanto, napansin ko na may sumusunod sa akin. Kapag lumilingo naman ako wala naman. Kaya binilisan ko ang paglalakad. Maya maya may humawak bigla sa balikat ko! Nako lord help me!! Sisigaw n asana ako kaya lang bigla siyang nagsalita.

Ace, ako to si Lor Lor

ayy potek ka! Papatayin mo ba ako?!!

hehe. Sensia na

bakit mo ako sinusundan? Saka bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ka pa ba umuuwi? Hala. Hapon na oh. Ano ginawa mo?

hehe. Oo sinundan talaga kita. Actually nun pang nasa sm kayo

bakit mo kami sinusundan?

eh kasi gusto ko sanang ihatid ka sa inyo eh. Kaya lang pumunta kayong sm, kaya sumunod na rin ako sa lahat ng pinuntahan niyo. Hanggang sa ganito, sinabayan na kita sa pag-uwi sa inyo

speechless ako

oy Ace galit ka? Hala, sige uuwi na ako. Hindi na kita susundan. Sorry, sige bye. Tumalikod na siya.

hoy Lor! Ahm ano kasi nabigla lang ako

humarap siya.

sige tara, hated mo na ako sa amin

Talaga? Yes! Haha. Tara na!

bakit ba gusto mo akong ihatid sa amin?

wala lang, Ikaw kasi ang una kong nakilala sa room eh sagot niya

ahh ganun ba? Hehe. Sige tara na aww, bakit parang na disappoint ako? Hay. Yan kasi umasa pa ako! Pahiya lang tuloy ako!!

Awkward naman masiyado, magkasabay nga kami, wala naming nagsasalita. Parang pipi lang ah.

ah Lor ah Ace

Sabay pa talaga kami.

hahahahahahahaahahahaha

ikaw na

hindi ikaw na

Sabay ulit

hay sige na nga ako na mauna. Ahm Lor, thank you sa ginawa mo kanina ah? Tapos sorry kasi lagi kitang tinatarayan, sorry talaga ah. Ganito lang ako. Oh ayan nandito na tayo sa amin. Gusto mo bang pumasok?

hehe. Ok lang iyon Ace, salamat kasi friends na tayo. Sige bye Ace hindi na ako papasok sa inyo. Nakakahiya, uwi na ako

ok sige, iyon lang ba sasabihin mo?

oo iyon lang, meron pa bang dapat sabihin?

ah eh, wala, hehe. Sige bye. Pasok na ako sa amin. Uwi kana malapit lang siguro iyong inyo kaya hinatid mo ako

ah eh. Oo

Isasara ko n asana iyong gate naming ng bigla siyang nagsalita.

salamat Ace at pumayag kang makipag kaibigan sa akin. Kala ko ayaw mo sa akin dahil sa mga nangyari. Nakakatuwa kasi pinansin mo ako, Ang totoo niyan malayo ang bahay naming ditto, pero ok lang. Gusto lang talaga kita ihatid. Sige bye ace.

Tumango lang ako.

sana maging mas close pa tayo Ace, saka ang ganda mo talaga pahabol niya sabay haplos sa pisngi ko saka siya nagmamadaling tumakbo palayo.

Naiwan anamn akong nakaharap pa rin sa kalsada. Hindi pa rin maka get over sa mga sinabi niya. Ano nangyayari? Nakadrugs ba ang mga tao ngayon? Nung una, sila bestfriends sa sm. Ngayon si Lor naman. Mga pinagsasabi nila! Hay life! NAKAKABALIW KA!!!

CHAPTER 6- Discussion

Ilang oras din akong nag stay sa lmay gate namin. Hindi pa rin ako makaget over sa mga pangyayari. Nakatulala lang ako.

hahahahahahha. Jowk lang syempre natauhan agad ako, nakakahiya kaya yun, para akong tanga. hahahahhaha.

(JAMIE: patayin nio na!!! niloloko kayo oh!!!! TSK)

edi wala na kaung bida pag nagkataon???? HUUUU!!!! kailangan nio pa ako!!! (JAMIE: ok lang ,, wahahahahaha)

WHATEVER!!!! >____________<

"nandito na ako mama!" salubong ko kay mama at humalik sa kaniya.

"o kumain ka na ba? Kain ka muna anak"

"hindi na po ma, galing kami sa sm nila christine at manilyn e, busog pa po ako"

:hay, hindi talaga kayo mapaghiwalay magkakaibigan. Masaya ako para sayo anak kasi mababait ang mga kaibigan mo"

"drama ni mama, haha. Sige na po, punta muna po ako sa kwarto ko mama"

"oh sige anak, tawagin na lang kita kapag maghahapunan na"

Pumasok agad ako sa kwrto ko at humiga. Unti-unitng nag flashbacks sa utak ko iyong mga nangyari kanina. Simula sa paggising, pagpasok, pagreserve ng upuan para kay manilyn, bagong classmate, tpos inway ko iyong bagong classmate, bisig portion, untog portion, pakilala portion, sm portion, uwi portion, hatid portion, POTEK!!! puro portion!!!!

Nangyari ba talaga iyon sa loob lang ng maghapon? bakit parang andami naman masyado? hay, nababaliw na ata ako.

bigla sumagi sa isip ko ung mukha ni lor, awww, ano ba ace!!! Naalala ko ung moment na halos magkadikit na iyong mukha namin, bakit kaya ganun iyong naramdaman ko? iba un e, first time un. MAy mali ba sa akin? Kailangan ko na bang magpamental? hayy, lalu na dun sa pakikipagkamay ko sa kaniya. Bakit parang may kuryente iyon? NAgitla nga ako dun e, hindi ko lang pinahalata. Nagkakarun na ba ng electricity ang pakikipgkamay? BAkit kapag kila bestfriends? Holding hands kami minsan pero wala akon nararamdamang ganun? Hmmm, baka nagbago na!!! TAMA!! May naimbento ulit na electricity sa pakikipagkamay! Try ko kila bestfriends bukas !!! haha.

Tapos iyong paghatid sa akin ni lor kanina, grabe akala ko kung sino iyong sum,usunod sa akin, siya lang pla. Anu naisipan nun at hinatid ako? at sinundan pa kami hanggang sa sm hanggang sda mapag isa ako! Saka ano ibig niyang sabihin kanina? Na maganda ako? E totoo naman iyon eh! Ano ba bago dun? HAHAHAHAHAHAHA.

OK, stop it Ace na!! Puro siya na lang ang umokopa sa utak mo! Tigil na! bago mo palang sia na nakilala oh!! KAya tinaklob ko na lang iyong kumot sa mukha ko.

Maya-maya.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzz

-____________-

Mga katok sa labas ng pintuan ko ang nakapagpagising sa akin, tinatawag na pala ako ni mama para kumain,. Ilang oras na ba ako nakatulog? tumingin ako sa orasan. Mga 2 hours din pala. 7pm na eh. Nagbihis na ako kasi nakalimutan ko magpalit kanina dahil sa pag iisip ng mga nanyari kanina. Lumabas na rin ako pagkatapos nun.

"ma! Ano po ulam natin?"

"iyong paborito mo"

"kare-kare ma? Awww, Love it! HAHA!"

"ikaw talagang bata ka, oo tama ka, kare kare nga. Syempre para ganahan kang kumain, alam ko naman na paborito mo iyon e. Sige na pumunta kana sa hapag, nandun na ang papa mo, kain na kayo, sunod na lang ako"

"ok mama"

Kain agad ako kasi paborito ko iyon, wala ng hugas hugas! kain agad! dahil dun pinansin ako ni papa.

ano ba yan Ace, magdahan dahan ka nga sa pagkain mo, parang hindi ka babae" papa

"nako, tigilan mo nga iyang anak mo. Ngayon lang ulit nkakain iyan ng paborito niya, hayaan muna" mama

"buti pa si mama" ako

"ayan na nga ba ang sinasabi ko! Palibhasa nag iisa ka naming anak eh, naspoiled ka masyado ng mama mo, dlaga kana anak! uamyos ka! umakto kang dalaga hindi bata! hindi habang panahon nandito kami para sayo. Tignan mo, hanggang ngayon wala ka pang boyfriend, ni hindi ka pa nga naiinlove eh, alam ko naman na open ka sa amin, at gusto ko iyon. Masaya ka sa buhay mo kasama ng mga kaibigan mo at kami na rin, pero hindi mo napapansin na hindi habang panahon ay nandito kami para sayo, paano ka na lang kapag wala na kami? sino mag aalaga sayo?" papa

"bakit ba papa gusto mo na ako magka boyfriend?"

"Gusto ko lang anak na makita kang maligaya at makita kong sobrang saya ng mga mata mo, masaya na rin kami para sayo ng mama mo"

"papa naman e! bakit niyo po ba ako minamadali na magkaron ng bf? Bakit po ba kayo nagsasalita ng ganyan? Iiwan nio na po ba ako?"

"tignan mo itong batang ito, nilalayo ang usapan! Hindi no! bakit ko naman kayo iiwanan? kayo ang buhay ko" papa

"awww, ang sweet ni papa, haha. sayang akala ko nailayo ko na iyong usapan eh"

"nako anak, sa 14years na kasama ka namin ng papa mo, kilala ka na namin, wala ka ng maitatago, hindi ba papa?" mama

"oo namn ma" papa

"o siya, kumain na tayo ulit, ayusin mo na lang yang pagkain mo para hindi ka na ulit mapansin ng papa mo mama

ok mama! Ok papa! Haha, I love you po! ganito tlaga ako kavocal sa kaniloa.

I love you rin anak mama at papa

Pagkatapos kumain at mag urong pumasok na ulit ako sa kwarto ko at ngpaalam na kila mama. Humarap ako sa salamin at tinanung ang sarili ko.

Bakit nga ba hindi pa ako nagkakabf, naiinlove,at nagkakarun ng magugustuhan? Hindi naman ako man hater, hindi kaya babae ang gusto ko? Ayy erase erase! Grabe kinilabutan ako dun!

Siguro nga tama si papa, nagging sobra akong saya sa mga pangyayari sa buhay ko kasi alam ko lagi lang silang nandian, hindi ko napansin iyong mga bagay na mas mahalaga. Pero hindi a msyado pang maaga? Kasi hindi ba kung meron, meron talga? Drating iyon para sayo? Kahit hindi mo hanapin? Susulpot na lang siya bigla? Hay life! E si loor kaya? Huh? Nbakit nasingit si lor sa usapan? Erase erase! Hay bwisit na lovelife yan! Kahit nakahiga na ako sa kama ko, hanggang medaling araw iniisip ko pa rin iyon! Hindi ako makatulog! Kawawa namn ako! >.<

Ibang iba talaga ito sa DISCUSSION naming pamilya dahil itoy tungkol na sa akin

Chapter 7- Nothing Compares

Kinaumagahan , paggising ko, naligo lang ako at nagbihis. Kumain at pumasok. Nagbbye lang ako kila mama at papa.

Pagdating sa school, nandun na sila bestfriends, and as usual, nilapitan na nila ako.

hoy ano yan Ace? Bakit ang laki ng bags dyan sa ilalim ng mata mo? Christine

huh bags? Awww, peram nga salamin!

Nag abot naman si manilyn. At ayun nga, tadaaaah!! May eyebags ako! Huhu! Ang pangit!! L kaya pala nanlalata ako kanina. Para akong walking zombie. Hay.

bakit? Ano nangyare? May iniisip ka ba kagabi? Hindi ka naman dating ganyan ah? Manilyn

ewan ko ba, hindi agad ako nakatulog. May pinag usapan kami nila papa at mama eh, and it bothers me a lot sagot ko

ano pinag usapan niyo sabay silang dalawa

kailangan sabay talaga? Haha ako

dali ano nga? Ito naman pabitin! Tsk! Christine

oo na eto na! eh kasi naman, si papa, pinagalitan ako kagabi, kesyo dalaga na raw ako pero kung umayos daw ako parang bata. Tapos ginigiit pa sa akin na never pa raw akong naiinlove and at the same time eh nagkakaboyfriend!! Hay Nakakainis! Bakit ba nila ako minamadali? Porket ba si Manilyn ay may boyfriend na? hay ako

nako po! Nadawit pa pangalan ko! Manilyn

alam mo kasi Ace, nag aalala lang sayo ang parents mo, syempre gusto nilang Makita kang super saya hindi dahil sa amin o para sa kanila kundi dahil nagmahal ka. Ganun din kami para sayo. Gusto ka rin naming makitang masaya. Saka pareho lang tayo, minamadali na rin ako nila mommy at daddy Christine

ganun? Paano mo nahandle iyon? ako

natural lang, kasi tulad mo, NBSB din ako, si Manilyn lang naman ang malandi sa atin e! haha, just kidding. Seriously, hindi ko pa kasi namemeet ang para sa akin. Kaya eto papetiks petiks lang muna ako. Ayaw ko madistract kasi alam ko darating at darating din siya. Hindi pa siguro bukas, hindi rin siguro ngayon, malay mo balang araw, darating din iyon, pagdating ng pana Christine

hep! Tama na! kanta na iyan eh! Pagdating ng panahon ni Aiza Seguerra. Stop na OA na eh Manilyn

bakit ba! Nagbibigay lang naman ako ng idea para kay Ace eh!, ikaw ba ano masasabi mo? Christine

oo nga Mane! Ano nman ang sasabihin mo? sagot ko.

katulad ng sinabi ni Christine at ng parents mo, naiintindihan ko sila kasi gusto ka lang naman naming makitang masaya, kasi tignan mo, hindi forever magkakasama tayo. Darating ang point na hindi na tayo madalas magkikita kita. Magkakaron tayo ng kaniya kaniyang buhay at minsan mawawalan ng komunikasyon sa bawat isa. Ano mangyayari sayo kung patuloy kang aasa na nandito kami para sayo forever? Ano gagawin mo? Iyon lang naman ang ibig ipahiwatig ng parents mo eh Manilyn

awww Manilyn! Ganda ng dialog ah! ako

tigilan mo ako Ace, alam mo na seryoso tayo ngayon Manilyn

oo na po sorry na! alam niyo naman na hindi ako sanay hindi ba? ako

exactly! Iyan ang pinakapunto! Paano ka matututo kung ayaw mo masanay? Manilyn

eh kasi hindi ba masyado pang maaga? Bata pa tayo oh? 14 years old pa lang, pwede naman tayong mag isip na kapag nasa 20+ na tayo ako

tama ka nga dyan Ace kaya lang gusto lang din naman naming na maransan mo iyon habang bata pa tayo. Masarap kasi ung feeling na magmahal at mahalin ka ng taong mahal mo Manilyn

.. ako

ayan na Manilyn wala na masabi si Ace, speechless sayo, haha Christine

nagulat lang naman ako kasi parehong pareho sila ng dialog ni papa ako

basta Ace pag isipan mong mabuti Manilyn

hay ok, thanks bests! pano nga kaya pag wala na kayo? ako

hindi naman kami agad mawawala e, nandito pa rin kami kapag dumating ung time na iyon, pero hindi na nga lang tulad nung date na lagi tayong magkakasama Christine

hay, thanks talaga ah? I love you mga bestfriend ko! ako sabay hawak sa mga kamay nila.

hala, bakit ganun? Wala naman kayong electricity sa kamay ah? pagtatanung ko sa kanila. Naalala ko iyong pinagmumuni muni ko bago ako makatulog nung hapon.

huh? Ano pinagsasabi mo? Electricity ka dyan? Christine

electricity ba kamo? Natural walang electricity iyan Ace kasi bestfriends lang ang turingan natin. Hindi mo iyon mararamdaman sa mga kaibigan mo. Dipende na lang kung tibo ka at may gusto ka sa isa sa amin, haha. Jowk lang Ace, bakit? Naramdaman mo na ba iyon? Manilyn

huh? Iyong electricity? Oo naramdaman ko kahapon. Ano ba iyon? ako

hmmm, kasi alam mo Ace alam ko yang kuryente feeling na yan eh. Nararamdaman ko iyan sa twing magkahawak ang kamay namin ng boyfriend ko. Kinikilig nga ako eh! Haha. Para iyon sa mga taong mahal natin. Dun natin nararamdaman iyon

Mahal? Seryoso? Haha. Porket may electricity lang eh Mahal mo na agad iyong tao na iyon? ako

ace, siguro kaya mo nasasabi yan kasi 1st time mo pa lang nararanasan, pero believe me, kung sino man iyang tao na iyon, you are starting to develop some feelings for him kahit sabihin mo pang bago mo pa lang siyang kakilala Manilyn

hindi ko kayo magets!! Argh! Pero atleast may alam akong konti kahit papanu, tanung lang Ace, kanino mo bnaranasan iyang feeling nayan? christine

Sasabihin ko ba? Eh narinig ko kahapon na crush ni Manilyn si Lor e, wag na nga lang muna.

ay wala nevermind. Hindi ko rin naman kilala eh. Nangyari iyon kahapon, nung umuwi na tayo, tatanga tanga ako kaya ayun, nadapa ako. May tumulong sa akin tapos hinawakan kamay ko. Ayun lang ako. Wow ang galling ko gumawa ng story!!

ah ganun ba Christine

hehehehe ako

good morning class! teacher agnes

Buti na lang nandyan na ang teacher namin, hindi na ako mahohot seat! Sana hindi nila nahalata iyon! Hay, kahit alam ko na malakas ang pakiramdam nila lalo na si Manilyn.

Ganun pa rin iyong set up. Si manilyn ang nasa dulo, iyon na raw ang permanent seat naming eh, hindi na raw mababago iyon.

Habang nagtuturo si Maam, iba ang iniisip ko. Kasi

Teka nga teka! Ano sinabi nila best? Feelings? Ang gulo? Starting starting pang nalalaman? Anong kaek ekan iyon? Basta kasi, ang alam ko lang, nung magdaop ang palad namin ni Lor, NOTHING COMPARES sa naramdaman kong hawak nila best sa kamay ko kanina!!

Chapter 8- Lunch Dates?

Habang nagtuturo iyong last teacher naming bago mag lunch, napapansin ko na panay ang sulyap ni Lor sa akin. Kapag tumitingin naman ako sa kaniya, iwas agad siya. Ano problema nun? Lakas tama na naman? Ah ewan! Focus na lang ako.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG

Ayos ngbell na! lunch na! nakakalata eh! Boring ung teacher para sa akin, haha. Palibhasa wala akong tulog kaya siguro ako ganito.

tara na! kain natayo! Haha ako

himala, energetic ka pa rin kahit wala kang tulog Christine

oo nga MAnilyn

eh pagkain eh! Alam niyo naman! Matakaw ako eh! Haha. Nga pla MAnilyn, bilis mo naman! Nakalapit ka agad? Aba! Humahaba na ang biyas mo best manilyn? Haha, jowk lang peace! Haha, I love you! Tara kain na tayo! ako

loko loko ka talaga Ace! Pasalamat ka bestfriend ka namin kung hindi nako pikon na sa iyo si Manilyn Christine

yaan muna yan, haha. Sanay na ako dyan eh, saka parang ikaw hindi nang aasar Manilyn

oh kitam? Haha. Mabait kaya yang si best! Haha. Tara na nga! Kain na tayo! ako

pass muna ako Manilyn

huh? Bakit? kami ni Christne

lalabas ako eh, nag aaya kumain si Harold(bf ni Manilyn) kaya eto, sibat muna ako. Saka 11th monthsary naming ngayon eh MAnilyn

oo nga pla! Happy monthsary sa inyo! Sorry best nakalimutan!! kami ni Christine

thanks! Ok lang hehe manilyn

may gift ka ba? ako

meron syempre! Haha, sige na lalabas na ako

hmp, sige na nga, pero teka, bawal lumabas ah? Christine

gagawan ng paraan yan ni boyfriend ko, haha. Huwag kayo maingay, patutulugin ni Harold yun si manong guard, haha. Tapos sisibat na kami. Bbigyan niya iyon ng pagkain na may pampatulog, kaya panigurado bagsak si kuya! Haha, isang oras din daw iyong pampatulog kaya makakabalik din agad ako bago ulit magklase na walang makakakita Manilyn

ang meanie ng bf mo best! Haha, but I like the plan! Haha ako

oo nga pero nako, baka B.I(bad influence) yan sayo Manilyn a, saka baka mahuli kayo Christine

hindi naman, ngayon lang naman eh. Oh ayan nagteks na si Harold! Napatulog na raw niya! Haha. Bye bye bestfriends! See you mamaya! Sensia a? hindi ko kayo masasamahan ngayon Manilyn

ok lang, haha, enjoy kayo! Minsan sama niyo naman kami! kami ni Christine

syempre kayo pa!! hehe, bff ko kayo eh! Manilyn

naks! Haha, sige bye na! umaandar na iyong 1 hour niyo! ako

oo nga nu? Sige bye na!

Saka nagmamadaling tumakbo si manilyn.

hay, ganun ba talaga ang love? Nako nakakatakot, baka mapabayaan ang studies natin? Christine

heh! Alam mo naman iyon feeling eh! Hindi ba may crush ka? Si aasdfghjkl biglang tinakpan ni Christine ang bibig ko.

oo na, oo na! hindi naman kailangang ipangalandakan hindi ba? Pero iyon crush lang! eh iyong kay manilyn LOVE!

pero aminin mo best, masaya hindi ba? Kasi makikita mo tuwang tuwa si Manilyn tapos pati na rin ikaw

iyon nga lang, hay. Hmmm, tara kain na tayo. Hindi ba gutom ka na?

ayy oo nga pala, tara na! ako

ahm, wait christine, ah eh, ah ah alex, classmate namin.

Napalingon kami ni Christine kasi may tumawag sa kaniya. Tapos si alex lang pala. Ano problema nun? Bakit nauutal?

o bakit? Christine

taray! Haha ako pero pabulong lang

ahh ehhh, ehhh alex

Ako na sumagot para kay Christine, asar eh, nauutal pa.

bakit nga alex? Sabihin mo na pwede? Kasi kakain pa kami oh! ako

ikaw pala mas mataray dyan eh! Christine pabulong lang din

ehh k-kasi ahm, SABAY TAYO MAGLUNCH CHRISTINE!!! alex

awww ang sakit! Kailangang sumigaw? Pero teka? Tama ba dinig ko? Sabay kayo mag lunch ng best ko? Huh alex?

ah ehhh ihhh,, oo eh alex

Tinignan ko si Christine, natameme siya eh. So ako na nagdesisyon. Masaya to! Haha.

iyon lang pala eh! Haha, sige go! Kain na kayo! ako

ah Ace, ano ba? Ayoko! Panu ka? Christine

umoo kana best! Kakaltukan kita eh, pagkakataon muna yan! Hindi ba iyan ang crush mo? Haha ako, pero pabulong lang.

Christine.

Biglang namula eh, haha. Nagugustuhan ko itong araw na ito. Akalain mo iyon? May gusto rin ata si alex kay Christine? Haha. Hindi ko iyon nahahalata ah? Kasi hindi naman kami pinapansin niyang si alex. Matutuwa si Manilyn nito pag knwento ko sa kaniya eto mamaya, haha.

ahm Ace, ok lang ba para sayo? alex

oo naman! Ok na ok lang! haha tuwang tuwa ako.

b-bakit tuwang tuwa ka? alex

wala lang, atleast masosolo ko pagkain ko, matakaw iyang si Christine eh, haha. Cge bye bye na! enjoy kayo! ako

tsk! Ah, wait lang best, huwag mo akong iwan Christine, biglang hinawakan ang kamay ko. kakaltukan kita gusto mo? Just be yourself ok?! ako

eh nahihiya ako e, alam mo naman na crush ko iyon hindi ba? Christine

iyon na nga e! paano ka niyan kapag ganyan ka? Mahahalata ka niyan kapag kumilos ka ng kakaiba! Kaya inhale exhale best ako

ok best! Thanks!

Lumayo na siya sa akin tapos sumama kay alex. Nagbbye naman si alex sa akin tapos hinabol na si Christine. Bilis maglakad e, iniwanan si alex, nahihiya siguro, haha. Ano kaya nangyare? Bakit biglang nag aya iyong si alex? Hindi kasi talaga iyon namamansin lalu kay Christine. Tapos eto namang si best walang knkwento sa amin, hmmmm, I smell something fishy! Haha.

So ako solo flight ngayon? Lungkot pla? Dapat sumama na lang ako kay Christine eh. Ayy mali mali!! Lunch nila iyon eh!! Magiging chaperone lang ako kapag nagkataon. Hay, tinamad na ako kumain, magsasandwich na lang ako.

Lakad

Lakad..

Lakad.

Lakad

Laka

Lak

La

lehhhh?

May sumusunod na naman sa akin? Grabe ah? Paglingon ko si lor lang pala.

sinusundan mo ba ako?

ah eh, oo Ace eh, hehe Lor

ano ba problema mo?

eh wala kang kasabay kumain ng lunch ngayon eh, sasamahan sana kita kung ok lang sayo

hmmm, ok sige tara! Buti nandyan ka! Sandwich lang dapat kakainin ko kasi tinamad na ako e, buti nandyan kana may kasabay na ako! Tara tara!

nako, masama iyong sandwich lang, dapat big meal para busog, tara dun na tayo sa cafeteria? Treat ko

huh? Ok, pero bakit kailangang treat mo pa? may pera naman ako?

wala lang, gusto ko lang tuparin iyong pangako ko sa sarili ko na gusto kitang makaclose

ah hehe, ok sige

bakit parang iba ka ata ngayon? Hindi mo ako sinusungitan? Oo ka lang ng oo? Saka bakit masaya ka ata ngayon?

huh? Huwag mo ng pansinin! Gusto mo bang sungitan kita palagi? Haha, jowk lang, masaya lang ako para sa mga bests ko! Haha

bakit? Ano nangyare?

huwag ka na magtanung, gutom na ako eh, haha

ok sige, tara na Ace?

Taralets! Haha

So ayun nga pumunta na kami ng cafeteria para kumain ng lunch. Nakakatuwa talaga, sila Christine at Manilyn, may LUNCH DATES. Grabe naman ang ngiti ko! Haha. Ako kaya? Kelan magkakaroon nun? (hoy ace! Hindi ba parang lunch date niyo na rin iyan ni Lor? Treat ka pa nga raw niya eh! HELLO!) heh! Isip magtigil ka! Gusto lang daw niya ako makaclose kaya huwag kang epal okie! (taray mo Ace! Haha) Asar ka eh! Binibigyan mo ng malisya! (oo na, hindi na! haha)

Hay nako, eto na namn po tayo. Nagtatalo na naman po ang dalawang side ng utak ko, tsk, pangalawang beses na ito ah? ASAR BWISIT!!!

Sa kain ko na lang ibubuhos ito!

Para akong bipolar! Paiba iba ng mood! Tsk!!!

Chapter 9- He is so kind

Doon kami pumwesto sa pangalawang side ng cafeteria. Para hindi na rin madistract si Christine, haha.

Nakaupo na ako nun, si Lor ang umalis para bumili ng pagkain. Mapilit e, basta siya raw ang bahala. Maya-maya dumating na siya, nung umupo siya, napansin ko, ang dami niyang biniling pagkain. May kasunod pa nga siyang kua na nagbibitbit ng food tray eh, pangtatlo iyon kakain nun, kaya tinanung ko siya.

bakit ang daming pagkain? Ganyan ka ba katakaw?

Tinawanan niya lang ako, maya-maya, inabot niya iyong pagkain dun sa may kashare naming table. Mahaba kasi iyong mga lamesa sa cafeteria naming, wala na ksing bakante para sa pandalawahan.

Doon lang napako ang atensyon ko sa batang gradeschool, mag isa lang siya. Siguro mga grade 5 siya. Hindi siya sa academy naming nag aaral, siguro kaya nandito iyon para sa computer studies nila.

Iyong school kasi naming, gradeschool hanggang high school lang, walang college. Tapos twing tanghale, nagpapapasok sila ng mga taga public schools para maturuan ng tungkol sa computer. Mabait ang school naming e.

Edi ayun nga, inabot niya nga, nung una, ayaw nung bata, pero napilit din ni Lor, tapos tumabi na sa amin iyong bata. Ang bait nga eh, naglead pa nga ng prayer un eh. Tapos nag thank you sa amin ni Lor, nahihiya nga ako kasi pati sa akin nagthank you eh si Lor lang naman ang nag aya sa kaniya. Pero hinayaan ko na lang din, para hindi mailang iyong bata.

Habang kumakain kami, tanung nang tanung si Lor kay harris(nagpakilala na kasi iyong bata sa amin kanina habang ngtatanung sa kaniya si Lor, tinawag niya na rin kaming ate ace at kuya lor, tuwa nga ako kasi ang bait ni harris, wala akong kapatid kaya siguro ako ganun), sagot naman siya ng sagot. Hindi na nga ata nahihiya eh, nakikinig lang ako sa kanila, tapos sasagot kapag tinatanung nila ako.

ahm, mg bf/gf po ba kayo kua lor at ate ace? harris

Nasamid ako bigla sa tanung ni harris kaya ubo ako nang ubo.

tubig oh lor s-salamat ako

Nang mahimasmasan ako, si Lor na ang sumagot.

hindi kami ng ate ace mo harris, magkaibigan lang kami

ah ganon po ba? Bagay po kasi kayo eh! Hehe harris

haha! Talaga? Bagay kami ng ate ace mo? lor

opo! Haha, magkamukha po kayo eh! D ba po ganun po iyon? Destiny po ang magkakamukha? harris

potek! Ano ba yang usapan nay an! Namumula na ako ah, hay.

si ate ace namumula oh! Haha harris

mainit lang harris sagot ko

ah ganun po ba? Hehe harris

Grabe, ang dali talagang mapaniwala ng mga bata. Maya-maya natapos na rin kami kumain.

hoy Ace! Ano yan ah? Lunch date kayo ni Lor? Tapos may bata pang kasama? Ano yan anak niyo? Haha, magkakamukha kayo! Christine

Eto pa isa! Matira nga ito.

hindi ba may lunch date kayo ni Alex? O kamusta na? hindi ka ba nailang? Sinunod mo ba ang payo ko? ako. Haha, gantihan tayo tsong.

. Christine

Tahimik siya e, haha. Sorry ka best, mas magaling ako mang asar, haha.

oh alex, kamusta lunch niyo ni best? ako

ah ok lang, hehe. Lumipat lang kami rito kasi bibili kami ng drinks alex

ah ganun ba? Hehe. Oh harris, si ate Christine at kua alex mo nga pala. Mga kaibigan naming ng kua lor mo ako

hi po! Ako po si harris!

cute naman niya! Hehe, tagasaan kaba? alex

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGG

ay bell na pala, pasensiya kana alex hindi ka na niya masasagot, malalate yan sa com lesson nila e, tapos tayo rin, taralets na ako

ok lang, hehe alex

teka ace, hated muna natin si harris sa computer room ng grade school lor

ok! ako

sige best mauna na kami ni alex, kitakits na lang sa room, at humanda ka sa kain mamayabulong sa akin ni Christine.

oh sure my best! Haha ako

HMP!

tara na ace para hindi na rin tayo malate lor

Umalis na kami at pumunta sa division ng gradeschool, hawak nga naming ang kamay ni harris eh, tag isa kami nil or. Cute talaga ni harris, haha. Nakarating na rin kami sa computer room na papasukan ni harris, tapos iiwanan na sana naming siya ng biglang nagsalita si Lor.

bye harris, kitakits ulit tayo huh? Kapag meron ka ulit na computer studies sabihin mo lang para masamahan ka ulit naming ni ate ace mo, lagi lang tayong magkikita sa cafeteria ah?

ok po kua lor! Salamat po sa inyong dalawa ni ate ace, pasok napo ako sa loob harris

ok pakabait ka huh? ako

ok po! harris

Tapos pumasok na siya sa loob, kami naman naglalakd na pabalik sa division ng high school. mahilig ka ba talaga sa mga bata? ako

oo sobra, kasi nakikita ko sa kaniya iyong pinsan ko, sayang nga lang at nawala iyon

nawala? As in namatay? Sorry ah?

hindi ace, hindi siya namatay. Nawala iyong pinsan ko nung mga 5 months old siya. Nakidnap eh, tapos nung naibigay na iyong pera, nanlinlang iyong mga kidnappers tapos nilayo nila iyong pinsan ko, hanggang sa mawala iyon

sorry, bnring out ko pa iyong topic na iyon

ok lang, it was already 10 years ago, saka nagmove on na kami. Kaya ko lang naman kasi nasabi kasi kasing edad lang din ni harris iyong pinsan kong iyon kung sakaling hindi nawala iyon, tapos siguro kasing gwapo at bibo rin niya iyon, hay lor

Naging sobrang close kayo nung pinsan mona iyon nuh? Kahit sandal mo lang sia nakasama?

oo naman, kasi isa lang ang tito ko, sa father side pa. tapos si mommy only daughter lang. kaya siguro ako sabik sa pinsan, e nag iisa rin naman akong anak eh. Tapos nung magkarun ako ng pinsan, lagi akng nasa tabi niya. At kahit baby pa lang iyon, feeling ko sobrang lapit na kami. O ace, nandito na pala tayo sa room, tara pasok na tayo?

hehe, salamat sa pagshare ah? Sige tara pasok na tayo, mukhang nandyan na ang teacher natin eh. Salamat din dun sa lunch ah? Nag enjoy ako sobra

salamat naman at nag enjoy ka, tara pasok na tayo

goodafternoon maam, sorry were late kami ni lor

AYIEH! HAHA, NAGDATE IYONG DALAWA KAYA LATE!HAHAHAHHAHAHA! classmates

class quiet, ok you may go to your seats now, but be sure not to be late next time, understand?

yes maam, thank you kami ni Lor

Umupo na ako nun, tapos tinignan ko si Christine na may hindi maipaliwanag na ngiti, ewan ko ba dun. Tapos si manilyn, andun na pala, nakangiti rin. Mga baliw talaga ang mga bestfriend ko, huwag mo sabihing naniwala sila? PAMBIHIRA!!! >_________<

Naaalala ko lang iyong mga pangyayari kanina, natutuwa ako. Ang bait talaga ni Lor, napasaya niya ako ng sobra kahit sabihin pang simpleng lunch lang iyon. Sa daming nangyari, nag enjoy talaga ako. Sana nga, maging close kami ng todo.

At sana, kahit nakamove on na sila ng family nila. Mahanap pa rin iyong pinsan niyang niyang nawawala.

Chapter 10- Overnight

Natapos ang buong klasena walng assignment. Haha, assignment talaga e noh ?? jowk lang, pero totoo iyon. So nagpasya na kaming umuwi.

bye sa inyo, Christine at manilyn, mauna na ako. May gagawin pa ako eh Lor ok bye! sila bests

bye Ace, salamat kanina Lor

bye Lor, salamat din, nag enjoy ako ng sobra ako

naks, may special mention pa talaga, baka dagain tayo niyan! Haha Christine

heh! Baliw ka talga! ako

haha! Sige mauna na ako Lor

hoy Ace! Napag usapan naming ni manilyn na mag oovernight kami sa inyo! Nakapag paalam na kami sa parents naming dalawa at pinayagan kami! So tara na! Christine

so ganyan? Ready na? tapos iyong may ari ng bahay iyong huling pagpapaalaman? Tsk! Ano ba gagawin niyo sa amin?

hay nako ang arte! Papaya ka rin naman eh! Alam namen. Ahm, wala lang magkwekwento lang ng mga nangyari sa buong araw manilyn

oo na! matiis ko ba naman kayo! ako

haha tara na! sila bests

Pagdating sa bahay, sunalubong agad kami ni mama.

oh nandyan ka nap ala Ace, ay kasama mo pala sila Christine at Manilyn. O napasyal kayo ulit? Ditto ba kayo matutulog? mama

opo tita! Nakapagpaalam nap o kami, manggugulo lang po ulit sa bahay niyo tita! Haha silang dalawa

Tapos nagmano na ako kay mama, sumunod naman sila bests

Pagpasok sa loob, nagready si mama ng champorado, meryenda raw namin. Buti nga raw at marami ang nailuto niya, mukhang nahalata raw kasi ni mama na pupunta sila bests sa amin. Tawa lang kami ng tawa.

Pagkatapos kumain, nagkwentuhan lang kami sa may sala kasama si mama, habang nanunuod ng tv. oh kamusta naman ang school niyo? mama

ok lang po tita, masaya naman. May nanliligaw na nga p okay Ace eh, haha Christine

Kinurot ko nga ng palihim, daldal e. manliligaw siya dyan. Humanda to sa akin mamaya.

manliligaw? Ikaw anak a, hindi ka nagkwekwento

hindi naman po nanliligaw eh, kaibigan ko lang poi yon. Exagg lang po si Christine, baliw eh ako

haha, opo tita! Tama si Ace, dinagdagan ko lang po Christine

Parang tanga lang ito, kaibigan ko ba talaga ito? Haha.

ah ganun ba? Kayo talagang mga bata kayo oh mama

tita, bakit wala pa po si tito? manilyn

Iyan ang best ko! Magaling mag iba ng usapan! Haha.

ah oo nga nuh? Napasarap tayo sa pagkwekwentuhan, hindi ko namalayan. Dapat nandito na iyon eh, 06pm uwian nun, eh 06:30 na, matawagan nga, excuse lang mga anak ah?

ok mama ako

ok po tita! sila

Maya-maya bumalik na si mama, padating na raw si papa. Nalate lang kasi nag overtime pa si papa sa trabaho.

Naiwan kami sa may sala, ngpreprepare na kasi si mama ng dinner namin. Maya-maya dumating na rin si papa.

nandito na ako Ma at Ace! papa

Papa! Ang tagal niyo po! Gutom na ako! Haha ako

Pasensya na anak, ot si papa mo eh papa

Ok lang po papa, tara po kain nap o tayo ako

Nagmano ako kay papa tapos sumunod sila best. Nabigla nga si papa kasi nandito sila best eh! Haha.

tito naman, para naman pong ayaw niyo kami rito pagtatampo nilang dalawa

hindi naman sa ganun, tignan mo itong mga batang ito. Kaya pala si Ace ganito, mana mana kayong tatlo na mahihilig magtampo! Syempre ok lang sa akin na nandito kayo, mga anak ko na rin kayo eh papa

bait talaga ni tito haha sila

tara na, kain na tayo mama

Pagkakain syempre kami nag urong, aba kapag hindi sila best kakaltukan ko sila! Haha. Pagkatapos, nagpaalam na kami kila mama at papa tapos pumasok na sa kwarto ko.

tara tara higa na tayo! Namiss ko ang kama ni Ace! Haha Christine

sandali sandali! Hay nako po! Sikip na naman ng kama ko,at paggising ko panigurado bukas, masakit ang likod ko at nasa sahig na ako! reklamo ko

haha, sensya na, alam mo naming malikot kami matulog ni christine eh manilyn

ano pa nga ba?

tama na yan! Kwentuhan na tayo bilis! Ahm, anu ano ba? Ah! Simulan natin kay manilyn tapos kay Ace tpos matutulog na tayo! Tama! Christine

hephep! May kulang ata? Pano iyong lunch date niyo ni alex? ako

O MY!! Nag lunch kayo ni alex? Wow! Haha, hindi ko alam iyon ah! Kinikilig ako, haha. Bakit hindi niyo sinabi? manilyn

haha, sasabihin din naman ata ni Christine yan eh, siya ata ang may pakana ng pagpunta rito, ready na sa pagkwekwento haha ako

hay asar, oo na! oo na! mamaya na natin pag usapan ok? Iyong kay Manilyn muna, step by step ok?

ok sige sige ako na mauna, edi ayun nga lumabas kami ni Harold. Don lang kami kumain sa may, ewan, basta hindi ko alam pangalan nung kainan eh, nakalimutan ko. Malayo siya sa school natin, syempre para hindi mahuli. Masarap nga food dun eh, try natin dun kumain minsan Manilyn

oo na, dame pa satsat! Tapos? ako

excited much Ace? Haha, so iyon nga, ayy kinikilig ako!

nako, hindi matatapo usapan nito Christine

may tama ka Christine ako

sige na nga game na. niregaluhan niya ako ng kwintas, bale partner kami, magkadugtong kumbaga. Eto oh, akin iyong papodluck, sa kaniya iyong susi. Para raw malaman ng lahat na akoy kaniya na, haha. Kinikilig ako! manilyn

oo nga nuh? Hindi ko napansin iyan? ako

SHHHHH!! Nagkwekwento pa oh? Bilis na bilis! Christine

atat much talaga ito! Sige go na best! ako

ok tapos ako naman, niregaluhan ko siya ng cd ng A1, addick iyon dun eh. Tuwang tuwa nga ang loko. Pagkatapos kumain, syempre binilisan namin para marami ang magawa. Pumunta kami sa park, holding hands! Haha, tapos nagkwentuhan. Binili niya pa nga ako ng ice cream eh! Parang bata lang, pero ok lang, Mahal ko eh, haha. Excited na nga kami sa 1st anniversary namin eh. Kahit matagal pa, pero akalain mo iyon? Malapit na kaming mag 1 year? Hindi ko namamalayan eh. Pagkatapos nun, bumalik na kami sa school natin, kasi malapit na magi sang oras, tapos siya late na rin. Hay, akala ko nga hindi na kami magkikita eh

bakit naman?

eh paano, nag away kami. Simple misunderstandings lang pero kahit ganun, away pa rin. Ilang araw din kaming hindi nagkakatext at nagpapansinan, kaya nga gusto ko makitulog kila ace noong sabado para makalimutan panandalian iyon weh. Pero thank God kinausap niya ako at nagkasama kami

hay, iba na talaga ang inlababo ako

tama ka dyan Ace, kinikilig talaga ako kapag naaalala iyong mga pangyayari kanina, salamat at ayos na kami. Ok tapos na ako, ikaw naman Christine manilyn

ako agad? Si Ace muna! Christine

anong ako agad? Ikaw kaya ang mas nauna sa akin? Hmp! Bilis na kwento lang eh ako

oo nga! Bilis na! kanina ako minamadali mo eh! manilyn

sige na nga! So iyon nga, lunch daw kami ni alex, hay anoba yan, bumibilis na naman ang puso ko Christine

nako! Iba nay an! Bka love na yan best! ako

nako wag naman! Tsk! So iyon nga, noong umalis ka manilyn dumating naman si alex tapos tinanung ako kung pwede daw bang sabay kami maglunch. Natameme nga ako, kasi nagulat ako. Tatanggi sana ako, kaso eto naming si Ace isinubo ako! Binigay ba naman ako! Palibhasa alam na crush ko iyon eh!

totoo naman eh saka ayaw mo nun? Haha, alam ko naman na kinikilig ka deep inside eh ako

nga naman, kilala ka na naming Christine eh manilyn

oo na! pero syempre dapat hindi ko ipahalata iyon hindi ba kasi baka sabihin nun patay na patay ako sa kaniya!

bakit hindi ba? manilyn

heh! Magtigil ka manilyn! Tsk! Ayoko na nga!

ay tampo? Bilis na kwento na bilis! ako

sige na nga, pipilitin at pipilitin niyo rin naman ako eh. Pagkatapos nun, pumunta na kami sa cafeteria, sa pandalawahan. Tinotoo niya nga natreat niya raw ako, tinanung pa nga ako kung ano ang gusto ko eh, ang kaso ang dami ng pagkain dun. Tahimik lang kami kumain nun, walang gusting magsalita, parehong speechless eh

ano ba iyan? Si alex ba iyon? Iyon ang pinakamagulo sa classroom natin ah? ako

oo nga, ang daldaldaldal nun eh! manilyn

aba malay ko! Eh sa tahimik eh! Pagkatapos kumain, lumipat kami sa pangalawang side ng cafeteria. Don ko naman nakita si lor at ace na magkasabay kumakain ng lunch tapos may kasabay pang bata, cute nga eh, magkakamukha silang tatlo

ok sige tuloy Manilyn, si Ace na bahalang magkwento niyan mamaya manilyn

nako wala talaga akong ligtas! ako

tapos kinausap ko si Ace, natuyo laway ko sa kausap ko eh. Ang kaso etong si Ace, binara ako! Natahimik na naman tuloy ako!

eh paano ikaw e------! ako

oh tama na yan, hindi na naman matatapos iyan eh manilyn

ok ok, sila ace naman pagkatapos mgbell. Nagpaalam, ihahatid na raw si harris ba iyon? Oo tama si harris, so nauna na kami sa room ni alex. Habang naglalakad, nagsalita na rin sa wakas si alex. Sabe pasensiya na raw at hindi siya masyadong nagsasalita. Nahihiya raw siya sa akin eh, saka kahit hindi masyadong , marame ang pinag usapan namin, ok lang daw nag enjoy pa rin daw siya. Tapos, tapos, tapos, tapos..

tapos? ako

tapos, tapos, tapos..

ano nga? Puro tapos na lang ang narinig naming eh! manilyn

TAPOS PAGDATING SA PITUAN NG ROOM SABI NIYA LILIGAWAN NIYA RAW AKO! AT BIGLA SYANG PUMASOK SA ROOM! AYT! Christine sabay hawak sa bibig.

aray! Kelangan sigawan? kami

pero OMO! Tama ba ang dinig ko? OMG! Haha, I like it! ako

kinikilig ako! Magkakabf na si best! manilyn

hay nasabi ko tuloy agad, dapat hindi muna eh! Kasi basta!titiyakin ko kung sigurado siya eh kaso kayo naman minadali ako! Hay, asar. Tapos ikaw manilyn! Heh! BF ka dyan! Agad agad? No way! Kahit crush ko iyon hindi ko agad sasagutin iyon! Manigas siya! Papahirapan ko muna siya! Haha

haha, mas gusto ko iyan! Pahirapan mo muna! Tama yon! Oh sige inaantok na ako tulog na tayo! ako

hephep! Bangon Ace! Tumatakas ka ah? Tapos na ako magkwento! Ikaw naman!

oo nga! Tama iyon! Madaya ka! manilyn

Akala ko ligtas na ako eh! Tsk!

ok fine! Hay, wala na akong ligtas eh. Nung humiwalay naman ako kay Christine, papunta na sana akong cafeteria nun, naramdaman ko may sumusunod sa akin. Pagtingin ko si Lor, tapos ayun, inaya niya ako maglunch. Treat daw niya. Tapos nung umorder siya, ang dami, pangtatlo. Kaya tinanung ko siya kung para kanino iyon. Inabot niya dun sa katabi namin which is si harris nga. Nag aaral siya ng computer studies sa school natin ngayon. Iyon kwentuhan, nagpakilala, tapos dumating si Christine na binara ko naman, haha. Nag bell tapos hinatid na namin sa grade school division si harris. Tapos bumalik na kami dun sa room, iyon lang

Bakit hindi ko knwento iyong tungkol sa pinsan niyang nawawala? Bakit feeling ko, dapat sa akin lang iyon, huwag ko ng ikwento? Iyong alam mo iyon? Knwento niya sa akin, ayaw ko ng sabihin sa iba? At gusto ko sa akin lang siya magkwento ng magkwento? Hay, siguro dahil kay lor iyon at ayaw kong pangunahan siya. Oo tama. Iyon lang iyon.

alam mo, feeling ko, may gusto sayo si Lor manilyn

oo nga Christine

nako! Mali kayo ng inaakala, friends lang yun, saka sabi niya gusto lang daw niya ako makaclose ng sobra ako

sige deny pa, tsk, halata naman eh, pustahan pa tayo manilyn

oo nga, pero teka manilyn, hindi ba sabi mo crush mo si Lor? Bakit pinipilit mo kay Ace? Christine

hindi ah, jowk lang iyon. Nag away lang kami ni Harold kaya siguro sinabe ko na crush ko si lor, pero hindi totoo iyon. Saka kay Ace na iyon, halata naman eh, dont worry best, hindi ko siya aagawin sayo manilyn

o ayan na pala eh, wala ka ng dapat ipagkabahala Ace, hindi naman pala crush ni Manilyn si Lor mo eh, haha. So ikaw na lang, crush mo ba si Lor? manilyn

hmmm, crush? Ewan. Pero hindi siguro, basta masaya lang ako na kasama siya, at nag enjoy ako ng sobra kanina, iyon lang iyon. Hindi siguro crush iyon, malapit lang siguro loob ko sa kaniya ako

ok fine, hindi natin mapipilit iyan Christine, tayo na lang ang mag conclude sa hula natin, hindi ba? manilyn

yeah right christne

tara tulog na tayo, goodnight mga best ko! manilyn

goodnight kami ni Christine

At ayun nakatulog sila agad, ako naman hindi. Bwisit na OVERNIGHT na yan. Ginulo utak ko! Hay! Pero inaamin ko, gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi ni manilyn na hindi niya crush si Lor. Para kasing nakaramdam ako ng uneasy feeling noong una na malaman ko na crush niya si Lor eh, pero ngayon nawala na. wala na akong dapat ikabahala sa dapat kong maramdaman.

ZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Chapter 11- Our Happiest Birthday

1 month had passed.

Waaaaaaahhhhh!!!! Goodmorning sa inyo!!!(with matching kanta pa iyan!) anong date ngayon? Its july 17!! At ano meron?? Birthday ko lang naman!! Haha, excited much akong gumising. Syempre, araw ko ito. At may sikreto ako, mamaya niyo malalaman!haha.

Kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari nung makitulog sila bestfriends sa amin at ang mga nangyari this past 1 month? Kwento ko sa inyo, masigla akong magkwento ngayon eh, haha. Hindi pa naman ako late eh, super aga pa. maaga ako nagising eh..

Kinabukasan nung makitulog sila bestfriends samin, tama nga ako, nasa sahig na ako masakit ang likod. Malilikot kasi matulog iyon eh! Haha. May pasok kami nun, pero dahil nakikitulog naman sila sa amin paminsan minsan may damit na sila sa amin saka pamasok. Oh `di ba? Bongga? Iyan ang mag bebestfriends!!

Tapos iyon naming pangyayari sa loob ng 1 month, ahm, anu-ano ba? Ah! Si alex patuloy pa ring nanliligaw kay Christine. Feeling ko nga may secret iyong si Christine eh. Pero hayaan na nga, masaya naman siya eh. Tapos sabi pa niya, matagal pa raw niya sasagutin si alex, papahirapan niya muna! Haha. Tama iyon!

Si manilyn naman, ahm, going strong daw sila ni Harold, 9 months na nga sila eh. Masaya naman ang best ko, siya na rin ang my sabi. Pero iba ang feeling ko eh, hay huwag na ngang pansinin iyon!

Hmmm, tapos si lor? Huwag na iyon! Haha, jowk lang. siya? Super close na kami ngayon! Hindi ko nga alam kung kalian nagsimula eh. Basta ang alam ko, super duper close na kami. Minsan nga nagseselos na sila best sa amin eh, kasi hindi ko na raw sila pinapansin. Naku! Mga tampururot talaga sila! Siguro kaya nila nasasabi iyon kasi minsan hindi na kami sabay sabay kumaing tatlo. Si Christine kasi, sinasabayan siya ni alex. Kami syempre lumalayo, para may privacy sila. Tapos si manilyn, umaalis din, hindi ko alam kung saan nagpupunta basta aalis daw siya. Ewan ko ba dun, ayaw naman magsalita eh, sinabi nya lang ok lang siya. Edi ayun nga, waa na iyong dalawa, si lo rang nakakasama ko. Kaya siguro nagiging close kami. Paminsan minsan kasabay naming kumain si harris, mas nagiging close rin naming

ung bata. Sabi niya sa ampunan siya nakatira. Kasi raw baby pa lang, iniwan siya dun. Tapos nag aaral silang mga bata sa may malapit na public school. Tapos ditto sa amin nag aaral ng tungkol sa computer. Wala nga siyang close sa ampunan eh, ayaw daw kasi ng mga bata sa kaniya. Hay, kawawa naman si harris.

So ok, nakwento ko na! haha. Sana wala na kong nakalimutan. Kasi akoy ready na maligo, bumaba sa may lamesa para kumain(syempre may regalo sa akin sila mama at papa, narinig ko eh! Haha, ang bait ko nuh? Nakikinig ng usapan!haha) at saka pumasok. Sana maging masaya ang araw nam--! Oops! Araw kop ala! Hahahhahahahaha.

Pagkababa ko galing sa kwarto ko, sumigaw ako.

GOODMORNING MAMA AT PAPA! HAPPY BIRTHDAY TO ME! HAHAHAHAHAHAHA

goodmorning anak! Happy birthday sayo! I love you! mama at papa

I love you too po!

naku ang hyper ng anak natin, palibhasa birthday niya eh! mama

haha, syempre naman po! Saka alam ko may regalo po kayo sa akin! Narinig ko po kagabi! Iyong buong collections pa nga po ng spongebob squarepants eh! Haha, favorite ko po iyon eh! Ooops, ayt! sabi ko sabay hawak sa bibig.

mama at papa

sorry po! Nakinig ako! Haha!

kaya pala Ma ganito kasigla si Ace, ano ba iyan nabuking tayo papa

nako! Mama at papa sorry po! Nabigla lang ako! sabi ko habang tawa ng tawa.

naku, hayaan na nga. Sige na Pa, bigay muna sa anak natin ang BUONG COLLECTION NG SPONGEBOB SQUAREPANTS, hahahahaha mama

hahahahahah papa

Sabay abot sa akin ng cd ng spongebob. Aww favorite ko iyon eh! Pero teka? Hala, O_O napapano sila mama at papa??

hala Ma, kailangan ipagdiinan? Saka bakit po? Napapano kayo ni papa?

wala lang anak, masaya lang kami kasi birthday mo na hindi ba Ma? papa

oo Pa mama

ah ganun po ba? Hehe. Sige po akyat ko nap o itong cd, panunuorin kop o mamaya

sige anak, sama kami sa panunuod mo nyan mamaya ah? mama

AYE AYE CAPTAIN ako

And the pumasok na ako sa academy, awww. Kinakabahan ako, ano kaya surprise sa akin nila best at lor? Haha.

Pagpasok ko sa room, meron ng iba kong mga kaklase. At syempre binati ako. Wala pa nga sila best at lor eh. Siguro nagreready, haha. Tapos pagtingin ko sa upuan ko, WOW! Ang daming gifts!haha. ang saya! Galing siguro ito sa mga classmates ko saka sa ibang year level(SGO secretary ako plus mabait ako kaya ganun! Haha) paglibot ng paningin ko. May kumakanta ng happy birthday sa akin. Pagtingin ko sila best at lor nangunguna na may hawak na maliit na cake, tapos kasama ang iba kong classmates at si teacher agnes. Saya naman ng bungad nila sa umaga ko!

Hindi ko expected to! Akala ko simple surprise lang ang gagawin nila best at lor eh. Kaso bongga! Saya!

happy birthday Ace! silang lahat

thank you po! Saya naman nitong araw na ito!

Lumapit sila best at lor sa akin tapos sinabing blow the candle.

Pumikit naman ako at nagwish sabay blow.

I wish na sana lagging ganito kasaya, soooobrang saya ^______^

RRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGG

ok class, you may go back to your seats na. bell na, proceed na tayo sa pag aaralan natin. Open your book on page 27, by the way, happy birthday again ace teacher agnes

thank you maam!

Ganun lang ako hanggang tanghali, LUTANG. Ang saya ng feeling ko eh. Binabati rin ako ng ibang teachers na papasok.

RRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGG

Ayos bell na! haha. Wala lang, makikipughuntahan lang ulit ako kila best at lor.

Pagdating sa cafeteria, nafocus ang paningin ko sa isang lamesa na may nakasulat na happy birthday ace tapos may gifts na malaking stuff toy mula sa blue magic tapos medyo malaking crosstitch na si spongebob ang nakadrawing.

Tumingin ako sa may likod ko kasi nauuna akong maglakad sa kanila. Tapos nakita ko sila nakangiti sa akin at sinasabing gift naming iyan sa iyo. Naiiyak na lang ako, kaya niyakap ko sila.

thanks sa inyong tatlo ah? Naiiyak ako! Anu ba iyan! Expected ko naman na may regalo kayo sa akin eh. Kaya lang hindi ko expected na ganito kabongga, huhu

naku! Naiyak na! dapat pala hindi na natin niregaluhan eh! Haha manilyn

haha, umooa si ace! Pero pagbigyan! Birthday niya raw ngayon! Haha Christine

Si lor naman ginulo lang ang buhok ko.

Naupo na kami dun sa table na iyon, tapos hinawakan ko lang iyong stuff toy saka iyong crosstitch.

prang familiar sa akin itong stuff toy na ito ah? Parang nakita ko na ako

tama pamilyar nga iyan sa iyo ace. Iyan ung tinuro mo sa blue magic(chapter 5- craziness), sabi mo pag iipunan mo. Pero buti na lang hindi natuloy, haha. Iyan kasi iyong napag usapan naming ni Christine na iraragalo sa iyo eh. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit kami nagsecret at nagmamadaling umuwi huh? Haha. Happy birthday best, I love you manilyn

aww, thanks ah. I love you too mga best ko!

si Lor walang I love you? Christine

oo nga Lor

asan muna ung gift nya? Bigay nya muna sa akin aka ko iyon sasabihin sa kaniya

naku!nakit na naman na eh! Nagbubulag bulagan pa! iyan oh! Si spongebob! Alam ko favorite cartoon character mo iyan eh. Saka gusto mo ang cross titch, buti na lang at marunong ako nun. Aba mga 3 weeks ko rin ito ginawa nuh? Puyat pa ako para lang magawa iyan tapos ganyan lang? lor

hahah, tampo naman ito! Alam ko no! haha. Thanks Lor, I love you! Haha ako

naks lor, I love you raw oh! Kayo na ba? Christine

LOKA! ako

hahahahahhahahahahahahaha kaming apat

Ganun lang kami kasaya maghapon. Tapos nung uwian na, tinext ako ni mama at papa na papuntahin sila best at lor(kilala na siya nila mama at papa kasi nakwento ko na si lor) kasi raw may konting salu salo para raw sa birthday ko. Edi ayun nga pumunta sila sa amin.

Salu salo lang kami pagdating, tapos maya maya kinuha ni mama iyong collection ng spongebob na regalo nila sa akin tapos isinalang sa player.

mama, bakit tayo manunuod ng spongebob? tanung ko

spongebob? Hindi ba tita iyan u manilyn

oo anak, manunuod tayo ng spongebob. Manuod na lang kayo manilyn mama sabay tawa.

so gets ko na! haha. Sige mnuod tayo ng spongebob! manilyn, Christine at lor.

Nung una spongebob nga iyong pinapanuod namin, pero matapos siguro iyong 3 minutes. Biglang lumitaw sila best, nagmemessage sila sa akin. Nagulat nga ako eh, napanganga to be exact. Sunod sunod sila. Si manilyn, Christine at lor. Sumunod naman sila mama at papa, nagmessage rin sila tapos

pinakita nila iyong mga picture nung magkakasama kami nung bata pa ako. Naiiyak na nga lang ako eh. Sobrang speechless ako.

Nung matapos un, lumapit silang lahat sa akin tapos sinabing happy birthday, niyakap nila ako.

present nila tita yan sayo best! Haha. Nagulat pa nga ako kasi bigla pumunta sila tito sa amin, magrerecord daw, haha. Tapos malalaman ko sayo spongebob? Wuuuh! Addick ka talaga dun! Haha Christine

eh kasi narinig ko naman talaga spongebob eh ako

anak, iyon lang tawag namin para kapag narinig mo hindi masyadong buking. Kaya nga kami natatawa ng mama mo kaninang umaga eh papa

andaya niong lahat! Niloko niyo ako! Pero salamat po, kasi mukhang ito na po ang pinakamasayang birthday ko sa lahat. Salamat po kasi lagi kayong nandyan, I love you Christine, manilyn at lor. At syempre I love you po mama at papa sabi ko habang umiiyak.

I love you ace! they all said in unison

Nag dinner naman kami sabay sabay ulit. Pagkatapos napansin ko si lor, lumabas. Nagpaalam ako kila mama, papa at best na saglit lang susundan ko si lor. Umakyat muna ako sa kwarto ko at may kinuhang paper bag saka ko siya sinundan.

Nakita ko siya sa may labas. Yakap yakap niya iyong sarili niya habang nakatingin sa mga bituin.

Napangiti ako.

hoy malamig dyan ako

andyan ka pala. Sige ok lang, pasok kana dun sa loob

naku ito naman! Iiwanan ko ba naman ang kabirthday ko!

Tama kayo ng dinig, magkabirthday nga kami ni lor. Eto iyong sinabi ko kanina na sana maging masaya ang araw naming pareho. Tapos ito naming hawak kong paper bag ang sikreto kong gift para sa kaniya.

Hindi alam nila best na birthday din ni lor ngayon, sinesecret ng loko eh. Buti ako maparaan, haha.

Napatingin naman sa akin si lor, at gulat na gulat.

a-alam mo? P-paano

naalala mo si harris nung may tinanung siya sayo kng kalian ang birthday mo saka anung gusto mong gawin sa birthday mo?

paano mo nalaman? Eh nag cr ka noon?

ako nagsabi sa kaniya eh! Haha. Sabi ko tanungin ka niya, ayaw mo kasi sabihin sa akin eh. So eto lor, kahit gulat ako na magkabirthday tayo. Atleast nacelebrate natin ito ng magkasama. Sinadya ko munang huwag sabihin sa iyo kasi alam kong mangyayari ito. At tama nga ako, sana nga lang napasaya rin kita tulad ng ginawa mong pagpapasaya sa akin

kaya pala ganun ang ngiti ni harris, hay. Huwag ka mag alala ace, dahil ditto nagging sobrang saya ako

hay salamat naman, haha. Kaso ang sabi ni harris ang gusto mo raw gawin sa birthday mo ehmanuod ng stars sa gabi na mag isa. Kaya lor iiwanan muna kita huh?

Tumalikod naman ako kaya lang nagulat ako ng bigla akong yakapin nil or sa likod ko.

hindi ace, ok lang. mas maganda nga iyon eh, ikaw kasama ko

Napangiti naman ako kaya humarap ako sa kaniya at gumanti ng yakap.

salamat naman, hehe. Eto gift ko sayo oh sabay bitaw ko sa kaniya.

Inabot ko iyong gift ko sa kaniya. Actually nakaframe iyon, siya iyong nakaguhit doon, ako nagdrawing. May talent ako dun eh, hidden ba kumbaga. Sila best lang at ang parents ko ang nakakaalam, ngayon isa na siya sa nakakaalam.

salamat ace, salamat. Marunong ka palang gumuhit?

oo, hidden talent ko iyan. Kayo kayo lang nila best at ng parents ko ang nakakaalam. Saka wala iyon, atleast parepareho tayong happy

Mga limang minute kaming tahimik, nakatingin lang kami sa langit. Nakasandal ako sa balikat niya nang bigla syang nagsalita.

alam mo ace, pangarap ko na makasama ang babaing mamahalin ko manuod ng stars sa gabi

talaga? Haha, how sweet naman iyon

alam mo ace, (sigh). Ikaw iyon. Ano ba iyan nakakahiya, 1 time kong gagawin ito eh. Ok, alam ko sandal pa lag tayo nagkakasama. Pero alam mo, kahit sandal lang iyon, marami akong naramdaman na na hindi ko naramdaman nuon kahit kanino. Nakakahiya mang aminin pero ace ikaw ang first love ko, at aaminin ko sayo Mahal kita. Simula pa lang nung 1st day of classes, siguro crush pa lang kasi ang taray mo sa akin nuon. Pero nung maglaon, nung makilala kita. Unti unti minamahal kita kaya ngayon aaminin ko sa iyo ace na Mahal kita, Mahal na Mahal kita. At kung papayagan mo ako ace, can I court you? Hinding hindi ko na palalagpasin ang pagkakataong ito sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

st

Ako naman nakatitig lang din sa kaniya. Gusto ko sanang magsalita pero ayaw bumukas ng mga labi ko.

ok lang naman Ace, ok lang kahit friends muna tayo ngayon. Naiintindihan ko iyon, pero sana ace malaman mo, Mahal kita at hihintayin kita kahit anung mangyari

bakit ba ang hilig mong manguna sa akin? Haha. Papayagan naman kita eh! Pinangunahan mo pa ako! Haha

huh? Talaga ace?

yes Mr. Santos, you can court me. But court pa lang huh? Hindi pa ung, yes you can be my boyfriend.

yes! This is the happiest birthday in my life

At niyakap niya ako, niyakap ko rin siya.

Hay, ganun din ako. This is the happiest birthday of my life. walang paglagyan ang kaligayahan ko, sana tuloy tuloy lang ito.

Masaya akong malaman na Mahal ako ng taong Mahal ko. Yes, I love Lucious Orl Rafael S. Santos.

Chapter 12- Happiness

Nagpatuloy ang mga araw, tulad nga nung hiniling ko noong birthday ko, lagi lang din akong masaya.

Oo nga pala, nalaman na rin nila mama, papa, Christine at manilyn na nanliligaw sa akin si lor. Masaya naman sila para sa akin, pabor pa nga silang lahat kay lor eh. Natutuwa nga ako kasi laging may surprise sa akin si lor, nalaman din tuloy ng mga classmates ko na nanliligaw siya sa akin. Iyan nagging tuksuhan tuloy kami. Pero ok lang, masaya naman ako eh.

Marami ang nagbago ngayon. Positive si Christine. Blooming siya palagi, tapos lagi pa silang magkasama ni alex. Cute nga nilang tignan eh! Parang closena close na sila ng matagal. Hay bagay talaga sila.

Tapos sa negative naman. Si manilyn, palaabsent siya. Tulad na lang ngayon. Hindi naman siya dating ganun eh, ang dahilan niya tinatamad daw siya. Hinahayaan na lang naming ni Christine. Dahilan namain, magkwekwento at magkwekwento rin naman siya eh.

Gayon nasa may bleachers kami ng gym. iniintay ko lang bumalik si lor kasi bumili siya ng drinks namin. Uwian na naming eh, tapos na kasi ang p.e subject namin. Sila Christine at alex naman, nandun sa may kabilang side, nag uusap. Mahilig humiwalay eh. Haha.

ace drinks mo oh, lalim ng iniisip mo. Hindi mo tuloy napansin na nandito na ako sa tabi mo, nakakatampo tuloy lor

thanks. Asus! Nagtampo si manong! Haha. Pasensiya, iniisip ko lang kasi iyong mga nangyari. Ang daming nagbago eh. Lalu na si manilyn, hindi na siya tulad nung date, parang nag iba siya? Basta. Hindi ko maintindihan, pag pumapasok siya lagi siyang mahina, namamayat din. Hay, nag aalala ako sa kaniya. Hindi naman kasi siya nagsasabi eh

huwag ka na mag alala ace, sasabihin at sasabihin din naman niya sa inyo iyon eh, baka lang kasi hindi pa siya ready na sabihin ito. Baka nahihiya lang, baka ganun

baka nga, pero kasi, hay. Tara na nga uwi na tayo

sige tara na, paalam na tayo kila Christine

mauuna tayo sa knila? Hindi tayo sasabay sa kanila?

hindi may pupuntahan kasi tayo

pupuntahan? Saan? O sige tara! Excited na ako!

bye Christine at Alex!mauna na raw kami ni lor, may pupuntahan daw kami eh

ok sige best, sakto may pupuntahan din kami ni alex eh, sige bye! Kitakits bukas! Christine

papakilala kita sa mom ko ace

huh? Sa mom mo? Hala hindi ako ready! Nakakahiya, teka magbibihis lang ako sa amin!

haha, dont worry ace. Ok lang, sa cemetery tayo pupunta

huh? Bakit dun?

its for you to find out

Kahit nagtataka sumunod pa rin ako sa kaniya, syempre kasama niya ako eh! Pagdating dun, tumigil kami sa isang puntod na may pangalang JOCELYN SANTOS

Nagsalita si lor.

mom, siya si ace, iyong knwekwento kop o sa inyong babae nuon? Iyong napakataray? Ero ngayon po Mahal ko na, haha. Mabait po siya mom, saying nga lang po at hindi niyo po siya naabutan kasi po hindi niyo po makikita kung paano niya ako napapasaya. Ace, meet my mom, my very lovable And sweet mom for me.

Kahit nagulat ako sa mga nangyari, nagsalita pa rin ako.

hi po! Ako po si ace, ngayon lang po kayo naikwento sa akin nil or, pero based pos a mga sinabi niya kanina, masasabi ko pong mabuti po kayong ina sa kaniya. He never fails to surprise me po, tulad na lang po ngayon. At masasabi ko pong ang anak niyo ang dahilan ng bawat ngiti kop o sa araw araw

Napangiti naman si lor sa sinabi ko. Umusal lang kami ng mga prayers namin tapos umalis din kami.

sabi ko sa iyo ok lang iyang damit mo eh

ang daya mo! Bakit hindi mo sinabi?

ok lang iyon, pinakilala ko naman na siya sa iyo eh, haha. Actually namatay siya nung pinanganak niya ako

tapos kaya siguro hindi ko sinecelebrate ang irthday ko, saka walang nakakaalam bukod sa family ko. Hate ko na ung birthday ko kasi dahil dun hindi ko nameet ang mom ko. Minsan pa nga nagsisisi ako kung bakit ako nabuhay eh, kahit hindi ako sinisisi nila daddy feel ko ako ang may kasalanan. Kaya lang lahat nag iba, simula nung makilala kita at nung birthday natin na sabay pa. kasi iyon ang dabest birthday for me

napakabolero mo talaga

pero totoo naman iyon eh! Haha. Pero alam mo kaya favorite kong tumingin sa langit tuwing birthday ko kapag gabi? Kasi feeling ko nun nakamasid lang sa akin si mom, nandyan lang siya. Nararamdaman ko siya

huwag ka mag alala lor, nandyan lang ang mom mo, nanunuod sa iyo. Saka maraming nagmamahal sa iyo, tandaan mo iyan

Itinap lang niya ang ulo ko.

sana ganito lang tayo kasaya parati nuh?

huwag ka mag alala ace, gagain ko naman ang lahat para araw araw tayong maging masaya eh

Huminto kami sa may park nun, binili lang niya ako ng ice cream.

alam mo, sana matagal na kaming nagpasya na umuwi ditto, edi sana matagal na kitang nakilala

asus, ok lang iyon, pero bakit ba nagpasya kayong magstay sa states tapos nagpasya ng magstay ditto for good?

kasi nga hindi baalam mo naman iyong nangyari sa pinsan kong nwala? After 2 years nun, nalaman ni daddy na hindi pa rin nakakamove on sila tito at tita, umiiyak pa rin sila sa gabi. Kaya si dad, nagpasya dun na lang kami sa states tumira para kila tito at tita. Feelong ko naman nag success siya eh, kasi hindi na sila tulad nung dati. Tapos after 8 years sa states, nag pasya na kaming umuwi rito, miss na raw kasi nila ang Philippines eh

ah ganun ba? Pero sana mahanap pa rin iyong pinsan mong nawawala nuh?

sana nga, pero teka haha. Ace iyong ice cream mo oh

Tinignan ko nga iyong hawak kong ice cream, natutunaw nap ala siya, tapos tumutlo na sa damit ko.

ah ganun? Haha eto sayo! ako, tpos nilagyan ko siya ng ice cream sa damit

ah iyan ang gusto mo huh? Hahahahahahahahah

hoy huwag dyan! Hala tsk! paano nilgyan ba naman ang mukha ko

haha, cute muna oh! Eto pa!

ai! Ganyanan huh? Eto oh! Haha, mas cute ka lor

Nanggantihan lang kami ng ice cream sa damit at mukha. Kaya ang lagay pareho kaming malagkit. Haha. Nang matapos kaming maglagayan kasi syempre naubos na, pumunta kami sa may public toilet at naghilamos. Pero iyong damit naming malagkit pa rin.

hey ace, tara hatidna kia, lagkit na natin oh!

haha, kaw kasi eh! Iyan tuloy haha sagot ko

Naglakad na kami pauwi nun tapos magkahawak kamay kaming naglakad kahit medyo malagkit pa ang mga kamay namin.

At ngayon, kahit nakahiga na ako sa kama ko at ready na matulog, siya pa rin ang iniisip ko.

How I wish na laging ganito.

Huwag ka mag alala lor, konting tulak pa. konti na lang. masasabi ko na saung Mahal kita at magiging boyfriend na kita.

At nakatulog akong may ngiti sa aking mga labi.

Chapter 13- Vice Versa

1 month and 2 weeks, yan ang eksaktong date ngayon simula nung manligaw sa akin si lor nung birthday namin.

As of now, wala akong masabi. Lagi lang nyang tinutupad iyong sinabi niya na papasayahin niya lang ako palagi. Hindi niya ako lagging binibigo.

Oo nga pala, si manilyn, alam na namin ang dahilan ng kung bakit umaabsent siya ng madalas. Sinabi niya sa amin ng after 1 week na lagi syang ganun. Nagbreak daw kasi sila ni Harold kasi nahuli niya itong may kasamang babae. Naaasar ako kay Harold kasi bakit niya ginawa iyon sa best namin? And at the same time naaawa ako kay manilyn. Parang hindi ko ata kaya iyon, sana naman hindi gawin sa akin nil or iyon. Tinutulungan naming si manilyn, hindi namin hinahayaan na malungkot siya. Kaya lang iba eh, tulad na lang last week, isang lingo syang hindi pumasok. Pumunta naman kami sa bahay nila kaya lang wala naming tao. Kaya we assumed na ngbabakasyon sila. Kaya lang, bakit hindi niya sinabi sa amin? Syemre hindi ba bestfriend kami at mag aalala kami? Hay. Buti na lang, pumasok siya ngayon. Ang sabi niya, nagbakasyon nga raw sila sa probinsya, namatay dawkasi iyong lola niya. Namumugto pa nga iyong mata nung pumasok eh. Inisip ko na lang na Mahal na Mahal niya iyong lola niya.

Nandito kami ngayon sa may library, gumagawa para sa assignment namin.

Mag isa ako sa table ko, si lor kasi umuwi na, may aasikasuhin pa raw kasi siya eh. Nagsorry pa nga kasi raw hindi na raw niya ako maihahatid, pero sabi ko ok lang. sabi pa nga niya sa akin.

bye ace, may gagawin lang akong importante huh? Sana kung ano man ang marinig mo o kung anu man ang mangyari walang magbabago sa atin ah? Tandaan mo Mahal kita

haha. Ang korni mo! Anung mangyayari ka dyan? Umuwi ka na nga! Haha

bye ace, I love you sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

So edi ayun nga, sila Christine at alex, nasa malayong table, gusting gusto nilang magsolo, haha. Peo feeling ko seryoso pinag uusapan nila eh. Kasi hindi ba bakit kailanagn pang lumayo? Baka sasagutin niya na! haha. Tama iyon!

Hindi ko namalayan na tumabi pala sa akin si manilyn.

ace may sasabihin ako sayo

huh? Ah! Nagulat ako sayo best! Haha. Anu ba sasabihin mo?

hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Antanasia Chloe Emi M. San Diego..

Kinabahan ako bigla kasi alam ko seryoso siya, ganun kasi kami kapag buong pangalan na ang sinasabi. Pero mas nagulat ako sa mga sumunod niang sinabi.

mahal ko si lor, siguro nagtataka ka at sinasabi ko ito sa iyo ngayon. Ang totoo nyan ako ang nakipagbreak kay Harold. Kasi sabi ko sa kniya may Mahal na akong iba at si lor nga iyon. At aaminin ko sa iyo, hindi ko magawang maging masaya para sa inyo ni lor dahil Mahal ko siya. Oo alam ko, inamin ko sa inyo na hindi ko crush si lor, pero iyon pala Mahal ko na siya. Sorry ace, Mahal ko talaga si lor, bigay muna siya sa akin, please. Sabi rin naman niya Mahal niya ako eh, naiipit lang daw siya sayo kasi hindi ka raw niya mabitawan

pero sabi niya, sabi niya..

alam ko naguguluhan ka sa mga pangyayari, pero ace manilwala ka. Hindi ka raw talaga Mahal ni lor, ako raw ang Mahal niya, lagi niya iyon sinasabi sa akin tuwing magkatext kami

l-lagi kayong magkatext?

oo ace, dahil dun siguro lalu akong nahulog sa kaniya. Lagi niya ako pinapasaya, inaaliw niya ako palagi. Tapos nitong nakaraang araw, sabi niya Mahal niya ako. Kaya ace, bitawan muna siya, hindi ka niya Mahal. Bigay muna siya sa akin, alang alang sa pagkakabigan natin. Mahal ko siya ace, Mahal ko siya. Kung naguguluhan ka pa rin, sana itong picture na ito ay sapat na para maliwanagan ka"

pagkaabot nung picture, umalis na c manilyn. Ako naiwang naguguluhan at umiiyak. At kahit nanginginig ako, kinuha ko ang picture.

Kahit likod lang nia un, kilalang kilala ko ito. Si lor iyon, nkatalikod sia, habang si manilyn nakaharap, hindi ko alam pero sa tingin ko magkalapat ang mga labi nila, at nararamdaman kong naninikip ang dibdib ko sa isipng iyon. Nsasaktan ako, Ang natatandaan ko lang, umiiyak na ako nun.

Nagising ako sa pamilyar na silid. Nasa kama ko pala ako. Anung oras na? 8pm na pala, makababa na nga. Pero tatayo na sana ako ng biglang nagflashback lahat ng nangyari kanina, naiyak na naman ako.

"kaya pla, sabe niya magready daw ako sa mga mangyayari"

biglang pumasok si mama at papa sa kwarto ko at niyakap ako.

"anak ano nangyare? Hinimatay ka kanina, dinala ka rito nung manliligaw ni christine na si alex. Anak anu nangyare? Sabihin mo sa amin anak"

"ma, pa. Gusto ko po munang mapag isa, iwan niyo po muna ako please"

"pero an--"

"hayaan mo muna sia ma, tara na" papa

umalis na sila nun pagkatapos, ako naman umiyak lang ng umiyak, hanggang sa makatulog. At winish ko na sana panagnip na lang ang lahat. At sana paggising ko ok pa rin ang lahat.

Kinabukasan, hindi nangyari ang pinapanalangin q, kasi kahit ilang beses kong sampalin ang sarili ko, totoo talaga ang mga nangyari, at hindi ko na lang maiwasan umiyak.

Kahit anung tanung ang binibigay ni mama sa akin hindi ako sumasagot, parang feeling ko namamanhid ako, parang ayaw ko pumasok, kaso hindi pwede, may gagawn ngayun e, kaya wala akong ligtas.

Pagdating sa room, late ako, pinagtitinginan tuloy ako ng mga classmates ko. Feeling ko naaawa sila sa akin, feeling ko gusto na naman bumagsak ng mga traydor kong luha.

"ms. San diego, next time that you are late, you are not going to participate again,understand? and that means that you failed my subject" teacher agnes

"yes maam, sorry"

at umupo ako na walang kabuhay buhay. hindi ako nakikinig sa kanila, ayaw makinig ng katawan ko, parang gusto ko lang tuloy umiyak ng umiyak.

Nagulat lang ako ng biglang tumingin ang mga classmates ko sa akin.

"ms. San diego are you ok? Sabe ko para sa play naten ngaun, ikaw ang gaganap sa lead role"

"ah maam sige po,pero excuse lang po maam, punta lang po ako sa clinic, masama po pakiramdam ko eh"

"ok you may go, heres the slip, bigay mo na lang sa clinic para makapagpahinga ka"

umalis na ako nun na nakasunod ang mata nila sa akin, hindi ako makatingin sa kanila. Kila christine, lor lalung lalu si manilyn.

Nagstay lang ako maghapon sa clinic, natulog tapos umiyak.

Mga bandang tanghale, pumunta sa akin c manilyn. Kinausap niya ako kung anu na raw ang desisyon ko. hindi naman ako makasagot, sabe pa niya, ibigay ko raw sa kaniya ang lead role ng babae kasi raw si lor ang lead role na lalaki, nagulat ako dun kasi hindi ko alam na si lor pala ang gaganap dun, kaya umoo na lang ako, nakita ko ang saya sa mga mata ni manilyn kaya hinayaan ko lang siya. Pagkatapos nun. Umalis na rin siya. At ako naman umiyak na naman.

Nung hapon, c christine naman ang pumunta, napansin ko na namumugto ang mata niya, niyakap niya lang ako na para bang alam na niya ang nangyayari, dahil dun naiyak na naman ako.

"best..." Pagkatapos tumulo ulit ang mga luha niya,ako naman, nanatiling nakatingin sa kaniya na parang hirap na hirap siya magsalita.

"..best, huhuh..." iyak lang siya ng iyak,pero iyong mga sumunod na sinabe niya. Mas lalung may dahilan ako para iyakan ito.

"....may cancer pala si manilyn, malapit na siya mamatay best, k-kaya pala lage siyang absent, inaatake raw minsan. Tapos iyong isang linggong absent nya nasa ospital na siya nun, na muntik na raw niya ikamatay. best, si manilyn paano siya? bakit nagkaganun? bakit? bakit si manilyn pa?" tuluyan na siyang humagulgol nun.

Ako naman parang estatwa, napako lang sa kinauupuan ko, parang ayaw maabsorb ng utak ko lahat ng narinig ko, parang ang hirap tanggapin. Ang naiintndihan ko lang, umiiyak na rin ako hindi dahil sa akin kundi para kay manilyn.

"h-huh? Anong ibig mong sabihin? hindi kita maintindihan christine! Sabihin mo nagjojowk ka lang hindi ba?" ako

"sana nga jowk na lang ang lahat. Sana hindi totoo iyon best kasi ako hindi ko rin matanggap" sabe niya habang humahagulgol.

"................................................" ako.

Nagyakap kame at parehong umiyak.

"a-akala ko alam mo..." sabe niya nung mahimasmasan kame pareho.

"..kasi kinausap ka ni manilyn kahapon, baka kako sinabe niya sayo, umiyak kana, hinimatay kapa. tapos ngaun, malata ka pa, tapos nagpapunta ka pa sa clinic, eh ang alam ko kapag ganyan matindi ang problema mo, ganyang ganyan ka nung 2nd year tayo, nung mag away parents mo..."

natatandaan pa pala ni christine iyun. At oo nga, tama ka best, may problema aq, napakabigat.

"..kaya akala ko alam mo na. Pero bakit ganyan reaksyon mo? Bakit wala kang alam? Bakit? Anu dahilan at umiyak ka kahapon? Hinimatay ka pa?"

"a-ah e-eh, hindi ko alam yung sinabe mo tungkol kay manilyn, sayo ko lang nalaman iyon, dun naman sa umiyak ako, ahm eh, hindi ko maalala eh. Sumasakit lang ulo ko, pero christine, kanino mo nalaman yan?"

"ah ganun ba, sumasakit ulo mo, sige hindi na kita kukulitin tungkol dun. Ahm, kay alex q nalaman. natatandaan mo kahapon seryoso kame nag uusap? sinabi raw kasi sa kaniya ni lor ang problema ni manilyn. tapos sinabi niya sa akin, nadulas siya eh, akala raw niya alam ko, kaya nagsalita siya"

"................................

so totoo pala na lagi silang magkatext? Kasi hindi ba alam ni lor? Para na pala akong tanga rito.Pero hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko? Dapat ba akong magalit? O malungkot?

"best, naaawa ako para kay manilyn. ang kailangan siguro natin gawin ngayun, pasayahin siya palagi. huwag natin ipahalata na may alam tayo, kungwari hindi natin alam,tapos gawin natin lahat ng gusto niya, lahat lahat"

para naman akong sinampal sa huli niyang sinabi. Gawin ang lahat para kay manilyn? Ganun ba kadali iyun? Naguguluhan ako, kahit mahal ko si lor, kahit nagagalit ako sa mga nangyayari ngayun, nangingibabaw ang pagmamahal ko sa bestfriend ko. Ganun na ba ako kaselfish sa kaniya? simple lang naman ang hinihiling niya eh? simple na to the fact na halos madurog ng puso ko dun. What if totoo ang mga sinabe niya? Hindi ba dapat maniwala ako sa kaniya kasi nakasama ko siya ng 3 taon samantalang si lor eh buwan pa lang?Kaya lang, may nagtutulak sa puso kong isipin iyong sinabi ni lor na kahit ano mangyari mahal niya ako.

Kaya lang, ang daming kaya lang.

Kailangan kong pag isipang mabuti ito. At habang tinitimbang ko, nasasaktan ako.

Kailangan kong magdesisyon. Kahit anu kahinatnan ng desisyon ko, tatanggapin ko.

Bakit ganun? Iyong winish ko nung birthday ko na sana maging sobrang saya naging panandalian lang? Bakit? Bakit hindi ko naisip na may katumbas na sobrang kalungkutan ang sobrang kaligayahan. VICE VERSA kumbaga? Edi sana, hindi ko na lang winish na sana maging sobrang saya ako kasi ngayun sobrang lungkot ako.

Chapter 14- Decision

Sunday ngayon. Bale, isang linggo ng nakakaraan simula noong hapon na mag usap kami ni christine at maganap ang lahat ng pangyayaring ito.

Wala akong pinapansin sa kanilang lahat. Sila best, maski ang parents ko, lalong lalo si lor. Ang sabe ko kasi, bigyan nila ako ng isang linggo para magdesisyon, hindi naman sila nag usisa pa. Oo tiniis ko talaga silang lahat. Nasasaktan kasi ako. Si lor, hindi alam ang sinabi ko na bigyan ako ng isang linggo para makapag isip. Oo sinadya ko ito sa kaniya, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag kaharap ko siya. Ganun din naman siya eh, kaya siguro hindi na rin ako nahirapang iwasan siya.

Ngayon, inaamin ko hindi pa rin ako makapagdesisyon. Hirap na hirap ako. May igigive up akong isa, kaibigan o pagmamahal?

Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako, bakit kailangan humantong sa ganito? Ok naman dati eh, masaya naman kaming lahat.

Katatapos lang namin magsimba kasama ng parents ko, sinabe kong lahat kay Lord ang mga pinagdadaanan ko at kahi papano gumaan pakiramdam ko.

Wala pa rin akong maisip kung anong pipiliin, pero kahit ganun, may alam na akong paraan para kahit konti masagot lahat ng tanung ko.

Kakausapin ko na sila mama at papa.

Pagkatapos kong mag urong, nadatnan ko sila mama at papa sa may sala, nag uusap. Lumapit ako sa kanila at nagsalita.

"mama, papa. Pwede po payakap?" sabi ko habang unti unting namumuo ang mga luha sa mata ko

"tara dito ace" papa "oh ace, namiss kita" mama

"miss ko rin po kayo, sorry po mama at papa, sorry po" sabi ko habang humahagulgol na.

"tahan na ace, ok lang, hindi kami galit ng papa mo, naiintindihan ka namin, ok lang, mabuti nga at nagsalita kana ngayon eh"

"pero ace, sana kung ano man ang bumabagabag sayo, sana nawala na ito at nakapag isip ka na"

"iyon nga po eh, hindi po ako makapagdecide, nasasaktan lang po ako, paano po ba malaman kung tama ang naging desisyon ko?"

"alam mong tama ka anak kapag naging masaya ka sa desisyon mo, no hard feelings kahit napakabigat ng pinakawalan mo" mama

"parang pagpili anak iyan ng sapatos, hindi ka makakuha kung ano ang gusto mo sa dalawa. Pareho kasi silang maganda tapos pareho rin silang mahal. Kaya lang syempre, kailangan mo piliin iyong mas mapapakinabangan mo, iyong makakasama mo ng matagal, iyon bang hindi ka iiwan kahit sa anong

lakaran ng buhay. Iyong hindi agad msisira. Parang ganyan ace, hindi ka makapagdecide sa dalawa kasi pareho silang mahal mo at mahalaga sila sa iyo. Sa pagtimbang mo ng magiging desisyon mo, isipin mo kung saan ka sasaya at hindi ka iiyak, hindi ka naman mahihirapan anak kung hindi mo nalaman kung ano magiging kapalit kapag pinili mo ang minamahal mo hindi ba?"

"papa, bakit feeling ko po alam niyo na?"

"sabi nga ng mama mo sayo, kilala ka na namin anak, konting galaw mo lang, alam na namin. Kaya kahit hindi mo sabihin nahahalata namin, ikaw lang din naman ang iniintay namin magsalita eh"

sumuko na rin ako at sinabi sa kanila lahat.

"p-papa, a-ano po ba ang pipiliin k-ko?"

"ikaw ang bahala anak, ikaw ang magpapasya, ikaw din ang magdurusa kung sakaling magsisi ka sa magiging desisyon mo, pero tandaan mo, nandito lang kami ng mama mo kahit anong mangyari" papa

"tama ang papa mo, pero anak, sa pagpili kasi, hindi lang dapat kung saan ka masaya, dapat isipn mo kung ano rin ba ang mararamdaman ng ibang tao sa paligid mo, kapag pinili mo ang minamahal mo, mawawalan ka ng kaibigan na matagal mong iningatan, magiging masaya ka nga pero may kulang pa rin kasi may kinalimutan ka para maging masaya ka lang at hindi mo naisip iyong magiging kapalit nun sa kaibigan mo, nailayo mo iyong chance na maging masaya sia, kahit sandali lang. Kapag naman pinili mo ang kaibigan mo, mawawala sayo ang minamahal mo, pero kailangan panindigan mo iyon, at wala kang dapat ipahalata kahit nasasaktan ka kapag harap harapan silang magkasama sa paningin mo kasi iyon ang pinili mo. Pero ace tandaan mo, kung kayo talaga, magiging kayo pa rin kahit ano mangyari, may mga bagay lang talaga na kailangan mong pakawalan para makita mo ang tunay na halaga nito sayo"

"ang ibig niyo po bang sabihin igive up ko ang taong minamahal ko para sa kaibgan ko?"

"anak, ikaw ang makasasagot ng tanung mong iyan, binigyan ka lang namin ng pwedeng mangyari kapag nagdesisyon kang maging makasarili. Basta tandaan mo anak, huwag na huwag kang gagawa ng desisyon kapag galit ka, dahil sa pagtatapos, ikaw din ang talo" papa

Natapos ang usapan namin nila mama at papa. Nasa kwarto ko na ako ngayon, pinapatulog na ako nila papa kasi may pasok na bukas. Ngayon, nakapag DECIDE na ako.

Nung una, kaibgan ang pinipili ko. Kasi pumasok sa puso ko ang mga sinabi nila mama at papa. Pero nung pumunta naman sa utak ko ang mga nangyaring masasayang alaala namin ni lor. Nag iba ito.

Pipiliin ko si lor, kasi alam ko doon ako magiging masaya. Hindi ako selfish, hindi. Wala akong pakelam sa sasabihin nila, ang alam ko mahal ako ni lor, mahal ko rin sya. Gusto ko lang maging masaya. Kakausapin ko naman si manilyn eh. Sasabihin ko hindi ko kaya, alam ko maiintindihan niya. Bestfriend niya ako. At dahil mahal niya ako at mahal ko siya, magiging masaya siya para sa akin. Sana, sana. Ok na ang lahat bukas.

Chapter 15- Final Decision

Masaya akong bumangon kinabukasan. Masarap ang feeling ko. Huuu! Parang im ready to face all the bad vibes that will come on my way! Ready ako! Kasi magiging masaya ako dun! Ready akong harapin si manilyn at sabihin sa kaniya na pinipili ko si lor! Nakangiti lang ako habang nasa bahay pa ako.

Itsura nila mama at papa parang hindi ko maintindihan. Mukha naman silang masaya para sa akin kasi nakangiti rin sila. Pero bakit parang nag aalala ang mga mata nila? Hay, huwag ko na ngang pansinin. Ang mahalaga, alam ko. Magiging masaya ako ngayong araw na ito. Sana ganun din si manilyn.

Pagdating sa academy, umarte muna akong hindi ko sila pinapansin lahat. Haha, paninindigan ko muna ito. Tapos nung magbell na. Tulad nung nangyari ng nakalipas na isang linggo. Inaya nila ako kumain, syempre dahil umaarte pa ako, sabi ko sige mauna na kayo. Tapos sinundan ko sila sa cafeteria. Nasa malayo ako syempre. Haha. Tapos tumayo bigla si manilyn, umalis siya. Kaya nagdecide na akong lumapit sa kanila, bigla kasi akong nahiya kay manilyn eh. I was about to show up to them nang sumunod na tumayo si lor at nagmamadaling tumakbo palayo, my curiosity hits me and i found myself following lor. Huminto siya sa restroom ng girls at naghintay sa gilid nito. Kahit naguguluhan ako kung bakit nandun siya, iyong nakita ko ay sapat na para malaman kung bakit nga siya nandun.

When someone goes outside of the restroom, lor rushed to that girl and hug it tightly.

And i found myself crying and my legs felt so very weak so i decided to run on the corridor and search for an empty room to express all of my tears. Because the girl that lor hug tightly. Was no other than, my bestfriend. Manilyn.

Nagpapasalamat ako at may nakita akong bakanteng room, kung hindi kasi, makikita nila na umiiyak ako. Nang mahimasmasan ako napansin ko na tumutunog ang cellphone ko. Nang kinuha ko ito tumatawag si christine, sasagutin ko na sana ito ng bigla naman ng tumigil ang tawag. Tapos nakita ko, 25 missed calls? Bakit? At bakit hindi ko narinig iyon? Eh pinalitan ko mula silent into general kanina ito ng maglunch, at sa volume 3 ko ito ginawa. Naisip ko na rin ang dahilan agad kasi imposibleng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. The sound of my cries was too defeaning.

Maya maya nagring ulit ang cellphone ko, si christine pa rin ang tumatawag. Sinagot ko na ito.

"thank God ace! Sinagot mo rin! A-Asan ka ba? P-pumunta ka r2 sa hospital! Pls..."

i hear her sobs, i dont know what's happening.

"..Isantabi mo muna iyong hiniling mong isang linggo sa amin. Pumunta ka rito. Kailangan tayo ni manilyn, kasi, kasi, i-inatake ulit siya ng sakit niya, please pumunta ka rito.."

Huminga muna ako para mapigilan ang napipintong pagtulo ulit ng mga luha ko.

"o-ok"

Pagdating ko sa hospital. Nakita ko sila lor, christine at alex. Wala pa ang mga magulang ni manilyn.

Nakita kong balisang balisa si lor. Pabalik balik siya na hindi mo maintindhan. Samantalang iyong dalawa, nakaupo lang. Doon ko naisip na what if ako iyong nasa kalagayan ni manilyn? Magiging ganun din kaya si lor? Pero agad kong inalis iyon. Para lang akong tanga. Pagkatapos ng lahat ganito pa rin ang iniisip ko? Ganito ba ako katanga para hindi pa mahalata?

Maya maya lumabas na ang doctor sa e.r, at hinahanap ang magulang ni manilyn. Lumapit naman sila at sinabing wala pa ang mga magulang nito pero malapit ng dumating.

Sinabi naman na sa kanila ng doctor ang lagay ni manilyn. Salamat daw at nadala agad ito sa hospital dahil baka raw manganib ang lagay nito dahil inatake ulit ito. Pero ngayon stable na ang lagay nito. Pwede na raw pumasok sa loob.

Pagkasabing pagkasabi ng doctor pumasok agad si lor sa loob. Para ulit tinusok ang puso ko ng napakaraming patalim dahil sa nakita ko, hindi ko na napigilan ang mapasinghap. Dahil dun, narinig ako nila christine at alex, hindi pa kasi ako nagpapakita sa kanila. Nanatili lang akong nanunuod sa kanila.

Lumapit naman agad sa akin c christine.

"ace, ok na si manilyn. Ok na siya, huwag ka na umiyak"

kung alam mo lang ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito christine. Pero mas mabuti ng mali ka ng inaakala.

Maya maya dumating na rin ang parents ni manilyn. Nandun pa rin si lor sa loob, ayoko silang silipin dahil baka lalu lang akong masaktan. Sinabi na sa amin ng parents ni manilyn ang lahat lahat tungkol sa sakit

ni mane. Totoo ngang malapit na itong mamatay, pero may paraan pa. Iyon ay magpagamot sa ibang bansa para magpaheart transplant, pero maliit lang ang chance na makasurvive ito.

Hindi ko na naring ang iba pang detalye dahil nagpaalam na ako sa kanila. Ayoko na rin naman kasing makita si lor. Kasi papasok na rin sila tita syempre lalabas na rin si lor nun.

Pagdating sa bahay, ngumiti lang ako kila mama at papa at dumiretso na sa kwarto ko. Inaaya nila akong kumain pero ayoko. Umiyak lang ako ng umiyak.

Tatlong araw ang lumipas bago tuluyang magising si maniyn. Lahat sila nandun, ako wala. Para kasing ayoko munang makita si manilyn eh. Kasi alam ko, nag iiba na ang desisyon ko. At naaawa ako sa sarili ko. Parang ako pa ang dapat kaawaan kaysa kay manilyn eh.

Tinawagan ako nila christine at alex, hinahanap daw ako ni manilyn. Pumunta raw ako. Umoo na ako. Mamayang gabi na lang ako pupunta para atleast siguro wala na dun sila alex, christine at lor.

Pagdating sa ospital, pumunta na ako sa room niya. Nadatnan ko sila tita dun. Nanunuod ng tv habang si manilyn natutulog pa. Nang makita nila ako sinabi nilang hinahanap ako ni manilyn, pagkatapos lumabas na sila.

Ako naman lumapit sa kama ni manilyn.

"b-best" sabi ko habang pinipigil kong tumulo ang luha ko.

"a-ace, nandyan ka na pala. Salamat naman at pumunta ka, miss na kita best. Tara bilis kain tayo may orange dito"

"best..." pinigilan ko siya sa ginagawa niya.

"..Mahal mo ba talaga si lor?"

natigilan siya sa tanung ko pero sumagot din agad.

"o-oo best, mahal ko si lor, mahal na mahal"

huminga muna ako ng malalim bgo mgpatuloy.

"kung ganun, best, sayo na siya, hindi ko naman mahal si lor eh, hindi talaga. Siguro natuwa lang ako sa lahat ng atensyon na binigay niya sa akin kaya siguro hindi ko siya maibigay sayo, pero ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Pinaglaruan ko lang siya dahil alam kong mahal niya ako. Ang sarap pala maglaro no? Haha. So manilyn, nagsawa na ako sa kaniya, sayo na sia..."

pagkatapos tumayo na ako, pero nagsalita ulit ako.

"..pero hiling ko lang, pasayahin mo siya huh? Kasi hindi ko iyon maibibigay sa kaniya, kasi hanggang pakikipaglaro lang ako sa kaniya, sorry na rin para sa kaniya kasi hindi ko siya minahal"

pagkatapos nun tumalikod na ako sa kaniya at nakita ko si lor, nakatingin lalu na sa akin.

Alam kong nandun siya, naramdaman kong bumukas ang pinto kanina at naamoy ko ang pamilyar niyang pabango kaya alam ko. Nandun siya nung mga oras na sinabi ko kay manilyn na sa kaniya na si lor. Sinadya ko talaga ito. Para na rin magalit sa akin si lor, at para na rin madali niya na akong pakawalan. Naniniwala na kasi ako kay manilyn, na nahihirapan na lang akong bitawan ni lor, ngayon kasi malinaw na sa akin ang lahat. Kaya ko ito ginawa kahit masakit.

"lor" tawag ko sa kaniya pero lumabas siya agad.

Lumingon ako kay manilyn tapos sinabi ko sa kanya na

"mahalin mo siya ng sobra manilyn huh? Hindi ko kasi magagawa iyon para sa kanya, saka sana maging masaya kayo at ikaw na rin, i love you best.."

pagkatapos nun tumalikod na ako at pagkalabas na pagkalabas ng pinto, tumulo na ang mga luha ko.

Hindi ko na sinundan si lor, hinayaan ko na ang lahat ng narinig niya. Baka kasi kapag hinabol ko siya, baka bawiin ko lang ito at sabihin mahal ko siya. Kaya hinayaan ko na. Umuwi na lang ako sa bahay. Pagdating, sinalubong ako nila mama at papa. Umiiyak na kasi ako nun eh.

"ma, pa. Ang sakit, ang sakit ng pinili kong desisyon. pero feeling ko naman po tama ito eh. Alam ko, iiyak lang po ako tapos wala na ito"

niyakap lang nila ako. Wala silang sinabing salita. Siguro sapat na iyong yakap nila para masabing nandito lang sila parati sa akin.

Ilang araw na rin ako umiiyak, kailan kaya matatapos ito? Sigurado ako, hindi pa matatapos ito rito. Kasi sigurado, pagpasok ni manilyn, kailangan kong harapin ang katotohanan na hindi na kami ang laging magkasama ni lor.

Chapter 16- hell

Nang pumasok si manilyn, lagi niyang nilalapitan si lor. As in, kulang na lang magtabe na sila sa upuan, pero imposible syempre iyon kasi iba ang seating arrangement namin.

Si lor naman, mukhang gusting gusto niya. Kasi ok lang sa kaniya. Lagi na nga silang magkasama eh. Ako, naiiwanan. Pero eto ang pinili kong desisyon hindi ba? Kailangan ko itong panindigan. Kahit masakit. Kahit unti unting dinudurog nito ang puso ko.

"tara samahan mo ako sa cafeteria...." lor

"..hoy!pansinin mo ako" lor

"huh? Ako ba? Teka wait lang" ako

"sandali lang! Eto naman oh! May ginagawa eh! Tara na ok na" manilyn

"tara bilis may bibilhin ako sayo" lor

"talaga? Tara tara!"

ako naman naiwang nakatingin sa pinto kahit nakalabas na sila. Ang sakit, hindi pala ako ang kinakausap niya. Nasanay kasi ako na ako palagi ang inaaya niyang magpunta sa cafeteria eh. Nakalimutan ko nga pala, marami ng nagbago. Napahiya tuloy ako.

Naalala ko tuloy nung minsan na pumasok ako ng maaga. Feel ko kasi pumasok ng ganun kasi ayaw kong makita na magkatabi sila at nakaupo si manilyn sa upuan ko. Masakit kasi eh.

Pagdating ko dun, as usual konti pa lang ang nandun. Wala pa nga sila christine at manilyn eh. Lalu c lor. Buong oras ko nakatitig lang sa upuan ni lor, inaalala iyong mga nangyaring masasaya nung hindi pa nangyayari lahat ng ito. Nakangiti pa nga ako eh. Pero wala pala akong dapat ikangiti. Kasi iyong napansin ko na dalawang bulto sa may pintuan na pumasok sa room ay sila manilyn at lor. Mukhang sabay ata sila pumasok. Inilayo ko na lang ang mata ko kasi mukhang tutulo iyon kahit anung oras eh. simula nun, mas pinili ko ng pumasok kahit alam kong nakaupo si manilyn sa upuan ko kaysa pumasok ng maaga magkasabay naman silang pumapasok.

Ngayon, sabay sabay kaming naglunch na anim. Ako, christine, alex, manilyn, lor at harris. Kung kami ang dating magkatabi ni lor, ngayon, pumupunta na akong dulo. Ako na mismo ang lumalayo. Habang kumakain nanginginig ang kamay ko. Ewan ko, hindi ako mapakali. Parang nakatingin sa akin si lor.

"kua lor, bakit ka po nakatingin kay ate ace? Saka bakit hindi po kayo magkatabi?" harris

iyan na, iyan na naman ang mga tanung ni harris. Pero totoo palang nakatingin siya sa akin.

"ah ipapaabot ko kasi sa kanya ung tubig" lor

nasaktan ako sa sagot niya, pero pilit nilabanan iyon ng puso ko. Inisip ko na lang atleast tumingin siya sa akin.

"e-eto oh" "salamat ace"

nanginig ako kasi ngaun na lang ulit niya ako tinawag sa pangalan ko. Hindi ko na nakayanan.

"e-excuse lang, cr lang ako"

pagkatapos, tumakbo na ako sa cr. Paglabas ko naabutan ko si lor sa labas ng restroom. Lalagpasan ko na sana siya kasi syempre hindi ba imposible na ako ang sinundan niya. Kaya lang hinawakan niya ako sa mga braso ko ng mariin.

"lor, masakit! Ano ba! Bitawan mo aq!"

"masakit? Marunong ka pala nun? Nakakatawa lang, bakit ka nga pala nagexcuse huh?"

"none of ur business"

pumalag ako sa kaniya pero hindi pa rin niya binitawan ang braso ko.

"ganyan ka talaga kabato no? Wala kang pakelam sa mararamdaman ng tao sa paligid mo, tsk, kawawa ang lalaking magmamahal sayo"

"huh? Haha, nakakatawa ka. Anu naman pakelam mo dun? Bakit? Porket ba hindi kita minahal huh? Pwede lubayan muna ako? Kasi hindi kita mahal, tanggapin mo iyon. hindi kita mahal, pinaglaruan lang kita"

doon umalis na ako,siya naiwan dun. At kahit gusto kong bawiin ang sinabe ko hindi ko na magawa.

mahal kita, Mahal na Mahal kita. patawarin mo ako lor, pero kailangan kong gawin ito

Nahihirapan ako, araw araw parang nasa IMPYERNO pakiramdam ko.

Chapter 17- Another Decision

Nagsimula na rin kaming magpractice para sa taunang play ng academy namin. Hindi ko na tinanggap ang lead role at binigay ko na ito kay mane.

Nakakaloko lang kasi kahit hindi na ako ang lead role, ang papel ko naman eh magkagusto sa lead actor which is si lor. Ang takbo ng role ko ay, Ako ang unang nagustuhan nito pero niloko ko lang, ngaun ako ang naghahabol sa kanya. Pero mahal pa rin naman ako nito eh, nagsisinungaling lang. Pagkatapos kong mamatay dito(oo namatay talaga ako sa script na idudula namin) dun naman niya makikilala si marissa which is si manilyn.

Buti na lang konti lang dialog ko dun, pero kahit ganun, patama pa rin sa akin iyon. At buti na lang din, hindi pa ako iyong naisasalang. Puro sila manilyn at lor palang dahil sila ang bida.

Sa pagdaan ng araw, Kinekwestyon na rin ako ni christine kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo namin ni lor sa isat isa, sabi ko na lang.

"pinabantayan ko muna si lor kay manilyn, kailangan niya kasi iyon eh"

"pero.." christine

"best, huwag ka na magtanung, iyon lang talaga iyon"

"o...kay"

Dumating ang araw ng practice namin, ako na ang sasalang, habang paakyat ng stage, hindi ko maiwasang kabahan. Huminga na lang ako ng malalim.

"Ok, 123 action!" maam

(gawa gawang script written by: blacktearsjamie)

sean:lor angel:ace

"mahal kita sean"

"mahal? Nahihibang kana ba? Pagkatapos ng lahat yan ang sasabihin mo?"

"maniwala ka, mahal kita"

"wala na, i dont trust you anymore. Sinira mong lahat ng tiwala ko sayo. Minahal kita angel, binigay ko lahat sayo, pero ano? Niloko mo lang ako, pinaglaruan mo lang ako, ginago mo ang nararamdaman ko para sayo! Tapos eto sasabihin mo mahal mo ako? Wala na, may mahal na akong iba"

pagkaraan noon, tumalikod si sean. Hinabol siya ni angel at niyakap sa likod.

"mahal kita, please maniwala ka"

tinanggal lang ni sean ang kamay niya mula rito at tinulak sia playo.

Napansin ni angel na may taong babaril kay sean kaya nagmamadali siyang humarang dito.

"seeeeaaann!!! Ahh"

nasalo ni angel ang bala at bumulagta sia sa shig. Si sean naman hinabol siya para makausap.

"sean"

"angel, huwag ka bibitaw, dadalhin kita sa ospital"

"sean.." hinaplos nito ang pisngi ni sean

"..m-mhal kita, m-maniwala ka. May mga bagay lang na dapat kong gawin para sayo para hindi ka mahirapan. Pero sana paniwalaan mo, mahal kita, lahat ng ginawa kong pagtalikod sayo pinagsisisihan ko pero hindi iyong minahal kita, siguro nga nagkamali ako kasi isinuko kita, ppero kahit kailan hindi ko sinukong mahal kita. M-maging masaya ka sana, h-hanggang dito na lang ako. M-magmahal ka, k-kalimutan mo ako. Pero huwag mong kakalimutan na m-mahal kita. M-mahal na mahal kita sean, paalam"

"angel gumising ka, angel! Angel, mahal pa rin kita, mahal kita, sorry. Gumising kana, ok na tayo paggising mo, mahal pa rin kita. Angel, angel, angeeeeelllll!!!!!"

"ok cut! Bravo lor at ace" maam

humiwalay na sa akin si lor nun. Habang nagpapalakpakan ang mga nanunuod. Inaamin q, masyado akong nadala sa script ko. Akong ako kasi iyon eh. Pero hiling ko lang, huwag sana akong mamatay sa tunay. Natawa na lang ako.

"the two of you done a very good job, feel na feel niyo ang emotions! Which is hinahanap ko sa isang character, keep up the good work ace and lor"

"thanks po maam, pwede na po bang umuwi?" ako

"oh yes ace pwede kana. Nagawa mo ng maayos ang papel mo, kaya go ahead" maam

"thanks po"

at umalis na ako dun. Ayaw ko na kasing mapanuod ung next scene dun eh. Iyon na kasi ung scene na magkikita sila marissa at sean sa mall, lagi silang nagkakabangga but they end up loving each other. But no matter how they love each other, syempre marami pa rin ang kumokontra.

Grabe lang ung script, akong ako na nga ung papel ni angel, ako pa rin iyong papel ni marissa sa tunay na buhay. Na lagi silang nagkakabangga nung 1st meeting nila. Nagtapos sa naging sila forever.

Naaalala ko lang iyong acting namin kanina, feel na feel ko iyon. Kung pwede lang dagdagan iyong lines dun para masabi ko lahat ng gusto ko eh. Kaya lang hindi pwede, maraming nanunuod, even christine and manilyn. Mahirap na, mahalata pa nila ang tunay kong nararadaman.

He acts very well kanina, feel niya ung galit sa character ko and at the same time ung pagmamahal na nakita ko sa mata niya nung kunwari na mamamatay na ako. i hope na ganun din siya sa tunay, kaya lang hindi ba, huwag naman magkatotoo na kailangan ko pang mamatay sa dulo.

Sana maging maayos na ang lhat. sana bumilis na ang mga araw, kasi may gagawin ulit akong desisyon na alam ko makakatulong sa akin. Dahil habang dumaraan ang mga araw, hindi ko na nakakayanan ang sakit na nakatago sa puso ko.

Patatapusin ko lang ang play namin, at anniversary ng friendship namin nila manilyn at christine. Magtratransfer na ako sa ibang school. Nasabi ko na ito kila mama at papa. Hindi naman na sila nangelam pa. Sinuportahan lang nila, nauunawaan siguro nila aq.

Sana, tama ako.

Oo alam ko, tumatakas ako, pero iyon lang ang nakikita kong paraan para hindi na masaktan eh.

Chapter 18- The Play

October 18, araw ng play ngayon. Mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Masyado kaming abala sa paghahanda. Narito kami ngayon sa back stage, naghihintay lang sa pagkakataon ko para lumabas.

Nasabi ko na sa mga teachers ko ang gagawin kong pagtransfer. Pumayag naman sila. Sabi ko, huwag nilang sabihin na magtratransfer ako, gusto ko lang mawala pagkatapos nito at ang anniversary namin. Pumayag din sila, hindi na ako kinwestyon ng mga teachers ko. Ok lang sa kanila.

Pinapansin ko pa rin naman silang lahat eh. Pero syempre hindi ba marami ang nag iba. Lahat lahat. Lalung lalu na ako.

Pero atleast pinipilit kong umaktong ok lang ang lahat. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan ko. Kasi ayaw ko rin naman kaawaan.

Masaya akong aalis kasi sila christine at alex, masaya sila sa isat isa. Tapos si manilyn at lor. Kahit alam kong hindi ito nililigawan ni lor, dun din sila magtatapos. Saka si manilyn hindi na ulit siya sinumpong ng sakit niya, siguro kasi kasama niya na iyong taong mahal niya. Ako naman, hahanapin ko ang sarili ko sa bagong school na papasukan ko. At syempre kakaharapin ang bagong ace.

"ms. San diego, ikaw na papasok, get ready" maam

huminga na ako ng malalim, at unti-unting lumabas sa tabing.

"mahal kita sean"

"mahal? Nahihibang kana ba? Pagkatapos ng lahat yan ang sasabihin mo?"

"maniwala ka, mahal kita"

"wala na, i dont trust you anymore. Sinira mong lahat ng tiwala ko sayo. Minahal kita angel, binigay ko lahat sayo, pero ano? Niloko mo lang ako, pinaglaruan mo lang ako, ginago mo ang nararamdaman ko para sayo! Tapos eto sasabihin mo mahal mo ako? Wala na, may mahal na akong iba"

pagkaraan noon, tumalikod si sean. Hinabol siya ni angel at niyakap sa likod.

"mahal kita, please maniwala ka"

tinanggal lang ni sean ang kamay niya mula rito at tinulak sia playo.

Napansin ni angel na may taong babaril kay sean kaya nagmamadali siyang humarang dito.

"seeeeaaann!!! Ahh"

nasalo ni angel ang bala at bumulagta sia sa shig. Si sean naman hinabol siya para makausap.

"sean"

"angel, huwag ka bibitaw, dadalhin kita sa ospital"

"sean.." hinaplos nito ang pisngi ni sean

"..m-mhal kita, m-maniwala ka. May mga bagay lang na dapat kong gawin para sayo para hindi ka mahirapan. Pero sana paniwalaan mo, mahal kita, lahat ng ginawa kong pagtalikod sayo pinagsisisihan ko pero hindi iyong minahal kita, siguro nga nagkamali ako kasi isinuko kita, ppero kahit kailan hindi ko sinukong mahal kita. Naging masaya ako simula nang magkita tayo, siguro nga naaasar ako sayo nung una, pero nung makita ko kung gaano ka magmahal, minahal na rin kita, sorry kasi isunuko kita, peo huwag mong iisipin na-na..." huminga ako kasi nadala na ako ng emosyon ko.

M-maging masaya ka sana, h-hanggang dito na lang ako. M-magmahal ka, k-kalimutan mo ako. Pero huwag mong kakalimutan na m-mahal kita. M-mahal na mahal kita sean, paalam"

"angel gumising ka, angel! Angel, mahal pa rin kita, mahal kita, sorry. Gumising kana, ok na tayo paggising mo, mahal pa rin kita. Mahal kita, ikaw lang ang babaing mamahalin ko ng ganito sa buong buhay ko. Angel, angel, angeeeeelllll!!!!!"

pagkatapos ng part ko, umuwi na ako. Mali kasi iyong ginawa ko eh. Masiado akong nadala sa emosyon ko.

Nagstay lang ako sa bahay namin kahit halos lahat sila tumatawag na sa akin.

Kinakaltukan ko lang ang sarili ko kasi ang tanga tanga ko, bakit ko ginawa iyon? Mali iyon eh! Kaya lang, hindi ko talaga mapigilan eh, masiado ng masakit ang lahat para sa akin at hirap na akong iexpress ito.

Madaling araw na, october 19 na. 3rd year anniversary ng friendship namin nila christine at manilyn. Last day ng pagpasok ko sa school kasi next week, sa ibang school na ako papasok. Ready na ito.

Ngayon, gumagawa ako ng mga gifts at letters para kila christine at manilyn. Gusto kong sabihin kung gaano ako kasaya nung mga panahon na nakasama ko sila, and at the same time, nagpapaalam na ako sa kanila.

Gumawa rin ako ng letter para kay lor. Atleast sa huling pagkakataon, masasabe ko sa kaniya na mahal ko siya, kung gaano ko siya kamahal. At kung gaano ko siya namimiss.

Napatingin ako sa stuff toy na regalo nila sa akin nung birthday ko at pati sa crosstitch na regalo sa akin ni lor. Ito kasi ang huling alaala ko ng huli akong naging masaya sa birthday ko. Napaiyak ako sa paggunita ng mga nangyari nuon.

Sa pag alis ko, hindi ko babaunin ang lahat ng ito. Kakalimutan ko ang lahat. Lahat lahat. Haharapin ko ang bagong ace, as in bagong ace. Atleast, sa pupuntahan kong school, walang nakakakilala sa akin. Walang may alam kung ano meron sa nakaraan ko. Wala maski isa.

Pupunta ako sa maynila. Dun ko hiniling na mag aral. Sa maynila, mamumuhay ako mag isa. Hindi ako sasamahan nila mama at papa. Hiniling ko iyon, at sinabi ko rin na alamin lang nila kung saan ako nag aaral. Pero hindi iyong tutuluyan kong dorm. Hiniling ko rin na huwag na huwag sasabihin kung nasaan ako kahit kanino. Ayoko ng magkaroon ng connections sa kanila. Kahit kanino. Dahil gusto kong hanapin ang sarili ko. Nagpapasalamat naman ako sa parents ko dahil binigay nila lahat ng gusto ko.

Pagdating ng next week. Goodbye old ace, hello new Antanasia Chloe Emi M. San Diego.

Chapter 19- Silent Goodbye

Maaga ako pumasok ngayong araw na ito. Aayusin ko na kasi ang papers ko sa paglipat ko sa maynila. Madali naman na iyon kasi nagawa ko na ito last week. At ngaun na lang kukunin iyong ibang kailangan.

Bandang tanghali ng pumasok ako sa room namin. Sinadya ko ito. Maaga ako natapos sa pag aasikaso ng mga papers ko pero hindi agad ako pumasok. Gusto ko kasing panuorin sa huling pagkakataon sila best lalung lalu si lor sa malayo. Gusto kong makita silang masaya.

Pagpasok ko sa room, wala pa sila best at lor. Lunch time pa kasi eh. Dun ko kinuha iyong chance na ilagay iyong mga letters ko sa kanila. Iniiwanan lang kasi namin ang gamit kapag naglulunch eh. Sana huwag agad nilang mabasa iyon. Sana mamaya ng uwian. Sana sa bahay na lang nila. Kasi uuwi na rin ako agad. At aalis din agad.

Pagdating ni christine, sinalubong ko agad siya.

"happy anniversary best! Gift ko sayo oh! I love you best!"

"salamat ace, i love you rin, happy anniversary din"

"gift ko sayo oh"

"eto naman sa akin"

pagkatapos nun nagyakap kame.

"namiss ko ito best. Namiss kita. Grabe daming nagbago nu? Pero sana ung friendship na meron tayo huwag magbago, mag iingat kayo parate, mahal na mahal ko kayo ni manilyn"

"ano ba iyan ace, nagpapaalam ka ba? Nako tigilan mo ako, haha. Ang drama natin grabe"

niyakap ko ulit siya at sinabing

"mahal kita best, mamimiss kita"

humiwalay ako sa kanya at kahit nagtataka ung tingin niya hindi ko na pinansin. Ok na rin iyon, buti na lang at dumating na si manilyn, kasama si lor.

"hi mane! Happy anniverasary! I love you best!"

"ace! Happy anniversary din! I loveyou rin! Akala ko hindi ka papasok eh, pero kahit ganun ok lang, pupunta rin naman kami sa inyo eh, magcecelebrate tayo, yehey! Haha"

"ahm, pwede favor? Group hug nga tayong tatlo, namiss ko ito eh"

at dun nagyakap kame. Mamimiss ko talaga sila super. Grabe naiiyak ako.

Pagkatapos binalingan ko si lor.

"lor, salamat sa lahat huh? Salamat, mag iingat ka parati"

"RRRRIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG"

dumating agad si teacher agnes sa room.

"goodafternoon class, by the way. Ace kunin mo na lang sa table ko iyong kailangan mo ah?"

"thank you po maam"

niyakap ako ni maam bago ako lumabas ng room. At binulungan niya ako na mamimiss ako ni maam. Ngumiti lng ako.

Tapos i took a last look for manilyn, christine and most especially lor. I know naguguluhan silang lahat kasi niyakap ako ni maam. Binigyan ko sila ng tag iisang tingin and i mouthed the words, i love you.

And then, umalis na ako ng tuluyan.

Goodbye sa inyong lahat. I guess this is it. See you around, soon.

I will miss all the people that became important to my life.

I just need to find myself. Alone.

Chapter 20- Meet Paolo

Inakala ko noon, ang paglayo ang pinakamabisang paraan para matakasan ang sakit na nararamdaman ko.

Tumakas ako para mawala ang sakit, makalimutan ang lahat.

Umalis ako ng walang paalam sa kanila. Hindi na ako nakipagcommunicate sa kanila hanggang ngayon. Tanging ang parents ko lang ang nakakaalam ng lahat ng ito at ang iba kong teachers.

That was before.. And, that was two years ago.

Yeah, two years ago.

Now, ok din pala ang mga nangyari. Dahil...

Kung hindi ko hinanap ang sarili ko noon at hindi ako nagpunta sa maynila..

Hindi ko siya makikilala..

Ang lalaking nagturo sa akin, kung paano magmahal ulit...

Si paolo...

*present time*

"class, i forgot. You are going to have a project, and it will pass on march, before this semester ends. You have 2 months to prepare and at the same time, this project will be your final exam, so your topic will be "mask of yesterday", goodluck! Ok you may go now" prof.

"goodbye sir"

"babe, were going to have a project, cool! Haha. Atleast, no finals. You know how lazy i am in reviewing, major subject pa naman natin iyon" paolo

"hay, kahit kailan ka talaga babe, hahahahaha, saka huwag kana nga ganong magtagalog, ang pangit pakinggan eh, haha"

"argh! Atleast im trying! By the way, lets go to the canteen?"

"ok!"

i forgot to tell you guiz, paolo is my boyfriend. He is a pure filipino, but he use to stay in the states so he is very fluent on it, but then again, he understands our language.. Pero teka! Bakit ba ako nag eenglish? Wapak naman ito! Nakakahawa kasi si babe eh! Hahahahaha.

Habang naglalakad kami sa hallway, nakasalubong namin si edgar.

"hey ace, tara lunch tayo! Mukhang gutom kana eh" edgar

hay, gusto talaga nito ng away.

"hey dude, back off, she's my girl" paolo

"babe, dont mind him, tara na?"

at naglakad na kami palayo.

"tsk. Ace mali ka ng taong sinasamahan, hindi mo pa sya kilala, hindi mo pa kilala ang tunay nyang pagkatao"

nilingon ko sya.

"so? Atleast may tiwala ako sa kanya, at alam ko nagsisinungaling ka lang. Ikaw din naman hindi rin kita kilala ng lubusan eh. Saka pwede ba tigilan muna si paolo" ako

nakakabwisit talaga sya. Lagi na lang yan ganyan eh. Nangingilam simula nung maging kami ni paolo.

"tignan lang natin paolo kapag nalaman na ni ace ang sikreto mo" edgar

pahabol pa ni edgar pero hindi ko na pinansin. Laging ganyan yan eh. Tsk. Nakakainis na.

"babe, dont believe him okay?"

"ofcourse naman noh! Malaki ang tiwala ko sa iyo, tara na, gutom na ako eh"

"talagang pinagkakatiwalaan mo ako ah?"

naglakad na ako palayo. Parang narinig ko syang nagsalita, pero, ewan. Hindi sya iyon, matatas magtagalog eh. Imposibleng si babe iyon, haha. Hirap na hirap magtagalog iyon eh.

Napansin ko hindi sumusunod sa akin si paolo. Naiwan dun. Kaya nilingon ko ulit.

"hey babe! Tara na!"

"ah! Im sorry babe! Wait!"

sumunod naman na sya ulit tapos kumain na kami.

"babe, grabe talaga si edgar no? Tsk. Lagi na lang ganun iyon"

"babe, you said that dont mind him but here, edgar is our topic"

"hay babe pasensya na ah? Nabwibwisit lang talaga ako eh"

pagkatapos kumain, umuwi na kami, tapos hinatid na nya ako sa apartment ko.

Ngayon, nakahiga na ako sa kama ko, pero naaalala ko pa rin ang ginawa ni edgar kanina. Kailan ba talaga nya kami titigilan?

Nanligaw kasi sa akin si edgar simula nung 1st year college pa lang ako. Sinabi ko naman sa kanya na ayoko pero ayaw nya tumigil.

Hanggang sa dumating si paolo sa buhay ko nung 2nd year na kami, transfer student sya. Tapos nanligaw sa akin, nakita ko naman na sincere sya kaya sinagot ko after 4 months.

Saka kahit hindi nya kilala si lor, naturuan nya akong mag move on sa lalaking unang minahal ko. Ngayon, 4 months na kami, at hanggang ngayon din, hindi kami tinitigilan ni edgar. Kasi raw bakit si paolo ang sinagot ko eh sa mas matagal naman daw syang nanligaw. Hay, parang bata lang ang dahilan. Simula nun, lagi na syang nangingilam sa amin ni paolo. Ewan ko kung ano ba talaga problema nun.

Pero hayaan ko na lang. Masaya naman ako sa piling ng taong mahal ko eh. Oo, ng taong mahal ko, because im done on the process of moving on to lor. Kahit naman hindi na naging kami masaya ako kasi nakilala ko si paolo. Kaya kung sila na ni manilyn, ok lang sa akin. Magiging masaya pa nga ako para sa kanila eh. Saka dapat lang no! Haha. Atleast may sense ang pag alis ko. Hay, miss ko na silang lahat.....

ZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz

Chapter 21- Debut of Christine

after 1 month..

"babe, may naisip ka na bang idradrawing para sa finals natin?"

"yes babe, i have my ideas now, all i have to do is to draw it"

"naks babe! Ikaw na! Wala pa kasi ako maisip eh! Hay"

"its ok babe, dont rush yourself. There's still 1 month to prepare"

"yeah right babe! Thanks! Haha, i love you!"

"i love you too babe"

i forgot to tell. Fine arts ang course namin ng babe ko. Oh hindi ba bongga? Sinunod ko kasi ang hilig ko. Tulad nga noong sinabi ko. Ipinakita ko na ngayon sa lahat ang hidden talent ko.

"ay babe oo nga pala, uuwi ako ngayong linggo sa amin, debut ng bestfriend ko ngayon eh. Iyong si christine, iyong knwento ko sayo. Isusurprise ko kasi sya, haha. Aalis na ako mamaya, tapos babalik ako sa sunday"

"hmm, if thats what you want babe. Its okay, go ahead. Im sure, your family and your bestfriend misses you a lot"

"thanks babe, gusto mo bang sumama sa akin?"

"thanks but no thanks babe. Its okay. You dont need to"

"sure?"

"yeah babe, sure"

pagkatapos ng klase namin, umalis na rin ako agad. Baka kasi wala na akong maabutan mamaya sa debut ni christine. Panigurado busy na iyon.

Sa pagbabalik ko sa amin, syempre. Hindi na ako muling tatakas sa kanila. Itutuwid ko na iyong pagkakamali na nagawa ko sa kanila. Hinding hindi ko na gagawin ang pagtakas sa problema dahil alam ko, nalungkot sila sa naging desisyon ko.

Nandito na ako sa harap ng bahay nila christine. Mukhang maraming bisita. Syempre debut ng bestfriend ko eh. Haha.

May naisip na akong plano kung paano sya isusurprise eh. Malalaman niyo maya-maya. Haha.

Nang magsimula na ang 18 roses. Pumwesto na ako sa may mike. Ako kasi magiintroduce sa last rose. At syempre, surprise ko sa kaniya ang boses ko...

18th roses.

"Goodevening to all of you, and goodevening to christine, the debutant. Happy birthday! Ahm, alam ko naguguluhan ka sa boses kong ito, haha. Tama ka ng hula, ako ito. Pero hindi ito record, nasa malapit lang ako ngayon, natatanaw kita. Alam mo, sa loob ng 2 years sa maynila, yeah, nasa maynila ako ng mga panahon na iyon na hinahanap niyo ako. Wala akong kinaibigan, as in wala talaga. Namuhay ako ng mag isa. Malayo sa dating ako, pero ganun pa rin ang ugali. Ngayon, alam ko, 2 years na ang nakakalipas, but, christine my bestfriend, namiss kita. Sobrang namiss kita. I love you best, sorry kung umalis ako. Pero ngayon, huwag ka mag alala. Hinding hindi na ako aalis. Hay, ano ba iyan naiyak na ako, haha. Sige best hanggang dito na lang ang speech ko, kita na lang tayo bukas, kasi ngayon hindi tayo makakapag usap sa ngayon. And syempre, para matapos na ito, the last rose will be belong to Mr. Alex Manuzon, let's give a round of applause!" ako

at kahit nasa malayo ako, kung nagulat sya sa boses ko, mas nagulat sya ng banggitin ko ang pangalan ni alex, haha. Ako pa! Magaling ako magsurprise eh!_

Ay oo nga pala. 2 weeks ago kasi, nakausap ko ang parents ni christine. Nagulat nga sila sa pagtawag ko eh, kasi raw matagal na raw ako hinahanap ni christine, pati rin sila. Tapos, sabi ko isusurprise ko sya, pupunta ako ng hindi nya alam. Tapos nagtanung din ako sa parents nya kung ano ang mga nangyari 2

years ago. Nakwento nila si alex. Nagkaroon daw ito ng hindi pagkakaunawaan at nagalit si christine, hanggang ngayon, hindi pa rin nya kinikibo si alex.

So i decided to search for alex, hindi naman ako nahirapan. At eto nga, bongga ang surprise ko sa kanya!

Kahit hindi ko alam ang punot dulo ng pinag awayan nila. 2 years is enough to forget all those things. Tulad ko, im moving forward para makalimutan ito at magsimula ng bago.

And then, sa party nila. Umalis na ako at umuwi sa amin. Dahil next up naman, ang aking parents. Kahit gabi na, ok lang, mataas pa rin ang energy ko, dahil sobrang miss ko na sila.

Pagdating sa amin, grabe, daming nagbago. Hay, iba na paint ng bahay namin, nakakatuwa. Nagdoorbell na ako sa amin, pagbubuksan kaya ako nila mama? Haha.

Nang magbukas ang pinto, si mama ang sumalubong sa akin. Tapos bigla nyang tinawag si papa. Ayun niyakap nila ako pareho, haha. Nakakatuwa, bait talaga ng parents ko. Hay, sana maging ganyan din kami katatag ng magiging asawa ko.

Nagkwentuhan kami nila mama at papa sa mga nangyari sa akin sa maynila, tapos si paolo tinanung nila kung bakit hindi ko kasama, alam na nila na may boyfriend ako. Sinabi ko na lang na hindi na sumama si paolo, nahihiya.

Pagkatapos nun, pinatulog na nila ako kasi raw panigurado pagod ako sa byahe, tapos nagpunta pa ako sa debut party ni christine.

RRRRIIIINNNNNGGGGG

ay! Nagulat ako, haha. Tumutunog pala cellphone ko. Si babe, tumatawag. Naku, namiss na ako nito. Haha.

"hello? A,T & T may i help you?"

"huh? What? Am i wrong number? But no! This is the number of my girlfriend!! Who is this?"

"babe, ang OA. Haha, ako ito, nag english lang parang call center eh, haha. Pasensya naman, nagpacute lang sayo babe, alam ko naman na miss mo na ako eh, haha"

"tsk! Oh yeah right. That's part of your charm, haha. I miss you already babe, how are you?"

"ok lang babe, nasurprise ko na si christine, ganda nga ng pagkagulat nya eh, haha. Nakakatuwa, sayang hindi ko na nakausap, umalis din ako agad, para syempre magkausap sila ni alex. Tapos dito sa bahay, nagkwentuhan din kami nila mama. Hinahanap ka nga eh, sabi ko nahihiya kang pumunta"

"i feel shy to your parents because of what you told babe"

"ok lang yun, haha. Magkikita rin kayo panigurado ng parents ko"

"definitely right babe, we will gonna meet again"

"again? Bakit? Nagkita na ba kayo?"

"a-ahm, yeah babe, in picture. You showed it to me. Ok babe, im going to hung up now, its already time for you to sleep, i just checked if you are alright, bye babe, i love you"

"ah, oo nga pala, hehe. Ok sige babe, b-bye. I love you too"_

and then tinapos na nya iyong tawag. Hay, sabi ko na nga ba miss na ako nun eh. Haha. Napakasweet talaga ni paolo, grabe. Masaya ako na sya ang boyfriend ko.

Goodnight fellas.

Chapter 22- Conversations

Maaga akong gumising ngayon, pupunta kasi ako kila christine eh, haha. Lulubusin ko na, hanggang bukas na lang ako dito eh, babalik na akong maynila.

Pagdoorbell ko sa kanila, sabi ni tita, natutulog pa raw. Bahala raw ako kung gusto kong gisingin, syempre, gigisingin ko, haha.

Pagpasok ko sa kwarto nya, eto tumambad sa akin.

"wayandyo kha tyayaga, nyakakaashar ka"

"huh? Hoy christine ano yan? Ang alam ko malikot ka matulog, nagsasalita ka na rin pala? Saka anong nakakaasar? Ako? Baka masaktan kita dyan"

"heh! Huwag ka maingay, kaushap ko pha shi ayesh"

"sino yun? Ano ba para kang lasing"

"shabi ko ayesh! Bingi ka ba? Kaushap ko kako sya, huwag ka maingay....."

Ako pa maingay! Tsk. Grabe talaga ito.

"....hoy ayesh, shino nagpapunta sayo sa debut ko? Pampam ka ah! 18th rosh pa kita! Ok na ako eh, 2 yhears na, taposh umepal kapa! Tsk, bahala ka, kuyitin mo sharili mo, hindi kita papanshinin"

si alex pala kausap nito! Haha. Kala ko kng sinong ayesh! Haha. Makausap nga para masaya, para malaman ko na rin ano ang saloobin nya para kay alex.

"mahal mo pa ba si alex christine?"

"iyong yayaking iyon? Psh! Akala ko hinde na! Kaya lang, bigya nagpakita eh, tsk. Oo syempre, sya pha yin pala eh. Peyo ayoko na, tsk. Bhakit ba ako nakikipag usap shayo? Shi alex kausap ko eh! Alish ka na nga!"

"naku! Sasaktan na talaga kita christine, si ace to!"

siguro sa sigaw ko, unti unti syang nagising. tapos dun, unti unting dumilat mata nya, hanggang sa makita nya ako, lumaki. Haha. Kakatuwa talaga sya.

"hoy! Ikaw! Kanina ka pa nandyan?"

"yep! Narinig ko lahat, grabe nagsasalita ka rin pala matulog ngayon?"

"tsk! Ahhh! Nagsasalita na naman ako? Narinig mo ba ace? Nakakaasar! Bakit ba hindi mo na lang ako ginising?"

"nakakatuwa sinabi mo eh, tungkol kay alex, haha"

"h-huh? T-teka! Tsk. Oo nga pala, may atraso ka sa akin! 2 years kang hindi nagpakita! Tapos ikaw pala may pakana ng pagpunta ni alex dito! Tsk! Kila mommy mo nalaman yun no?"

"yep, hahahahaha, mahal mo pa pala christine eh"

"heh! Tumigil ka ace, hmp. Bakit ba kasi nagsasalita ako habang natutulog eh. Teka, liligo muna ako, haharapin pa ulit kita"

"yeah right, iintayin kita best"

"awww, namiss ko yan, hug muna tayo, i miss you ace"

"haha. I miss you too christine, maligo ka na, alis na, haha"

"oo na, haha, wait mo ako"

pagkatapos nya maligo, pumunta kami sa may sala, dun na kami nag usap.

"hoy, kamusta na? Masaya ka ba sa maynila?"

"oo naman grabe, haha. Pero syempre kulang pa rin kasi wala kayo"

"naku, nangbola pa para mawala tampo sayo"

"pero seriously christine, sorry sa pag alis ko huh? Nawala ako na walang paalam sa inyo, iniwanan ko kayo, basta sorry huh? Iyong sinabi ko sa iyo kagabi, i meant it. Hindi na talaga ako aalis, pangako ko iyan sa iyo best"

"salamat ace huh? Hay, namiss kitang babae ka. 2 years! Grabe! Hay"

"ikaw naman magkwento, anong nangyari nung mga panahon na nawala ako?"

"nung araw na nawala ka? Nabasa ko agad iyong letter na ginawa mo. Nag iiyak nga agad ako eh, kaso sila manilyn, pinigilan ako, baka raw kasi kapag pinagpatuloy ko baka wala na raw kaming abutan sa inyo, ayun nga wala na. Tapos maraming nangyari, after 2 months nun, umalis na si manilyn, nagpagamot na sa states. Umiiyak nga ako nun eh, kasi dalawa kayong iniwanan ako, buti nun kasama ko pa si alex, errr, that name, tsk. Ok, edi ayun nga, sya lagi kong kasama, lagi nya akong pinapasaya. Si lor naman, after kang umalis, madalang na lang silang magkasama ni manilyn, tapos lagi na itong tahimik. Ni hindi nga umattend ng graduation yun eh, sayang naman. Tapos, nalaman ko, last year, pumunta ata ng states si lor, dun na tumira. Mukhang sinundan ata si manilyn. Ata lang huh"

"ahh, tapos?" aray, bakit parang may tumusok sa puso ko? Tsk. Imposible namang nasasaktan pa ako sa mga sinabi ni christine eh may paolo na ako.

"pero teka, bakit ba umalis ka nun? Saka bakit bigla sila na lang ang naging magkasama?"

"ahm, malalaman mo rin iyon christine, hmmm. Siguro hindi pa ngayon? Pero malalaman mo rin iyon"

"hmp, huwag mong sabihin na after 2 years ulit?"

"hindi naman nuh, haha. Basta malalaman mo rin yun, bilis kwento kana ulit tungkol sa graduation, kasi nakakainggit eh, hindi ko kayo kasama"

"whatever, ok sige na nga. Ahm, nun graduation, nakakagulat, kami ni janeth naging close, hahahaha"

"si arabong janeth? Hahahahaha, paano?"

"kasi.. Pagkatapos nun JS natin, sa kanya na ako sumasama, tapos si bwisit na si alex, hindi ko na pinansin after JS maski graduation"

"bakit? Ano ba nangyari nung JS?"

"may sinabi sya eh, pero basta, magagalit sa akin si ms. Author eh, may book 2 daw kasi itong my first love, ako raw bida dun, kung gusto mong malaman, basahin mo iyon"

"napakadaya naman, sige na oo na! Huwag na. Hmp"

"hahaha. Tampo much agad? Basta basahin mo na lang yun"

(BLACKTEARS: halata bang nagpopromote? Haha. Sige na basahin niyo iyong my forever bestfriend after nitong my first love, book 2 nito yun, hahahahahaha)

"oo na, ano pa bang magagawa ko? Pareho kayong madaya ni ms. Author eh, haha"

"i dont care ace, hahahaahaha, pero teka, hanggang kailan ka dito? Hindi ba for sure may pasok ka?"

"yep, haha. Tumakas lang ako para sa debut ng aking bestfriend, naks! Haha. Bukas din babalik na ako"

"huh? Madaya! Bukas agad?"

"ok lang yun, haha"

nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan ni christine, mga nangyari sa akin sa maynila, tapos sya naman sa pinasukan nyang school sa college. Tapos nung bandang gabi na, umuwi na ako, dapat nga dun ako matutulog eh, kinukulit ako ni christine, kaya lang sabi ko, hindi pwede, hahanapin ako nila mama. Aba! Namiss din naman ako ng parents ko nuh? Haha.

Pagdating sa bahay, syempre kwentuhan ulit kami nila mama at papa. Kung anong mapaglilibangan para masaya.

Tapos pinatulog na rin nila ako agad.

Pero naalala ko lang yung sinabi ni christine kanina, tungkol kay lor. Tsk. Huwag na nga pansinin!

Chapter 23- Harris Santos

hay, hindi rin ako nakauwi nung linggo sa maynila. Hindi ako pinayagan nila mama eh. Kaya eto, 1 week pa akong magsstay dito sa may amin, pero ok na rin. Masaya naman dito eh, kaya lang namimiss ko na si babe!!!

Katatawag nga lang nya kanina eh, tapos kahapon. Basta maraming beses. Nasabi kong next week pa ako uuwi, ipagpaalam na lang nya ako sa mga teachers namin. Ayun, pumayag naman. Haha.

Nandito ako ngayon sa academy, hindi ko kasama si christine, may klase yun ngayon eh, alangan namang gambalain ko pa.

Ang dami rin palang nagbago sa academy, nadagdagan pa ito ng isa pang annex. Mas lumaki, mas gumanda. Buti naisipan kong bumisita dito, nakakamiss kasi eh.

Naglalakad ako sa corridor ng may maapakan akong manipis at maliit na bagay. Pagtingin ko, id pala ito. Pangalan nito, HARRIS SANTOS. Pagkabasa ko nun, naalala ko bigla si harris, 1st year high school na rin siguro ito ngayon, tulad nung nakasulat sa id na hawak ko.

May nakadikit na sticker sa id nito eh, kaya hindi ko alam kung sino ito, buti may section, malalaman ko. Kaya pinasya ko na puntahan na lang ito para iabot.

After ng maraming pagtatanung, grabe nakakapagod, haha. Nakarating din ako, buti lunch pa, panigurado maaabutan ko ito, para atleast hindi ako sagabal sa klase nila kung nagkataon.

"ahm, hi. May napulot kasi akong id sa may corridor, it says na Harris Santos ang name nito, tapos ito ang section, sino sa inyo si harris?"

"ahm, ate sya po iyon oh, iyong nasa likod nyo po, kanina nya pa po hinahanap iyang id nya eh. Buti po nakita nyo"

"ganun ba? Salamat" pagkaraan nilingon ko iyong student tapos binigay ko na sa kanya iyong id nya.

"a-ate ace?"

"huh?" ako

"ate ako ito, si harris"

"harris? Ikaw na ba yan? Santos pala apelydo mo? Hindi ko alam, haha, magkaapelydo pala kayo ng kua lor mo, pero teka dito ka nag aaral? Paano? Tara cafeteria muna tayo bago mo sagutin mga tanung ko"

after nun, pumunta na kami ng cafeteria at kumain ng snacks.

"ate ace, 2 years ago po kasi, nakilala ko na ang real parents ko po"

"oh really? Im so happy for you harris"

"and then, nalaman ko pong iyong daddy ko eh, iyong tito ni kua lor, so ang labas po, ako po pala iyong nawawalang pinsan ni kua lor"

"t-talaga? I-ikaw pala iyong baby na iyon! Hay! After 10 years nakita ka rin! Grabe, haha, nakakatuwa"

"ate ace, saan po ba kayo nagpunta? Alam niyo po ba nag alala sila sa inyo? Pati si kua lor, todong nag alala sa iyo ate ace"

"ah ganun ba harris? Kailangan lang kasi lumayo ni ate nun eh, sorry huh? Pati ikaw ba nag alala?"

"opo"

"huwag kayong mag alala, hindi na ako aalis pang muli harris, pero syempre kailangan pa rin, pero lagi na akong cocontact sa inyo, nasa maynila kasi ngayon si ate ace mo eh"

"maynila ate ace? Edi nagkita na po kayo ni kua lor?"

"huh? Bakit naman?"

"nasa maynila ngayon si kua lor ate ace eh"

"ganun? Sorry harris, hindi kami nagkikita eh"_

"ay ganun po ba sayang naman po, panigurado po kasi miss kana po nya ng sobra"

"asus, ayan ka na naman harris, iyan na naman mga sinasabi mo, hindi ka pa rin nagbabago, hahahahaha"

"ate ace naman eh"

RRRRRIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG

"oh harris, bell niyo na. Balik ka na sa room mo, sige na. Saka na lang tayo magkwentuhan ulit. B-bye harris"

"sige po ate ace, b-bye!"

nang mawala sya sa paningin ko, umalis na rin ako sa academy at umuwi ng bahay.

"ma, nandito na po ako"

"oh anak nandyan kana pala, kamusta pagbisita mo sa academy?"

"ok lang po mama, nakita ko po si harris, sya po pala iyong pinsan na nawawala ni lor, grabe ngayon ko lang po nalaman, ang dami ko po palang hindi alam nung umalis po ako no?"

"buti nga anak, naisipan mo ng umuwi at itigil ang pagtatago mo eh, sabi naman namin sa iyo ng papa mo, tama na ang pagtakbo, buti nakinig ka na rin sa amin sa wakas"

"tama po pala talaga kayo no mama, hay. Oo nga po pala, sabi sa akin ni christine nasa states si lor, tapos si harris nasa maynila naman daw po si lor, ano ba iyon, ang gulo, pero si harris po ata nagsasabi ng totoo, kasi nung sinabi sa akin ni christine ito, may ata mama eh"

"ewan ko anak, ikaw nakarinig eh"

"hay, kung totoo nga pong nasa maynila si lor, nagkita na po kaya kami?"

*cough* *cough* mama

"mama bakit po kayo nasamid?"

"ah wala anak, nadiretso ko lang ng inom ang tubig"

"ah ganun po ba, mag ingat po kayo mama"

"sige anak, akyat muna ako sa kwarto namin ng papa mo"

"ok mama"

hmmmm, napaisip tuloy ako bigla sa mga sinabi nila christine at harris tungkol kay lor, tsk.

And speaking of lor, mukhang may gagawin na ako for our finals sa major subject. Iyong "mask of yesterday" daw. Haha, may naisip na akong idradrawing.

Kung sino? Malamang si lor, sabi ko nga hindi ba speaking of? Haha. Taray ko! Haha.

Pasok na nga ako sa kwarto ko para maiready mga gamit ko.

Pagkaready ko nun, sinimulan ko na syang idrawing, paunti-unti. Nung mabuo ko ang mga mata nya, naalala ko ang mga mata ni babe, pareho pala sila nu? Haha. Nakakatuwa.

Habang gumuguhit ako, hindi ko maiwasang maalala lahat lahat ng mga nangyari 2 years ago. Pero wala na akong nararamdamang regrets sa puso ko. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.

Siguro nga, were not destined for each other ni lor, hanggang dun na lang iyon.

Pagkaguhit ko ng buong mukha nya, nakuntento lang akong pinakatitigan ito, at maya maya, hinila na ako ng mga paa ko sa kwarto ko at nagpahinga na...

Chapter 24- The Canvass

nasa may terrace ako ngayon ng kwarto ko, nagguguhit. Dinudugtungan ko na ngayon iyong naudlot kong pagguhit kay lor. Kahit naman wala sya para mamodel ito ng maayos, iyong imahe niya na itinatak noon sa puso ko ang kinuha ko para maiguhit sya ng maayos.

RRRIIIINNNNGGG

oh! Si babe, tumatawag na naman! Haha.

"hello babe!"

"hi babe, how are you?"

"gumuguhit ako ngayon babe eh, at last, may naisip na akong iguhit"

"may i know whats your going to draw?"

"hmmm, clue na lang, hindi sya what, who ito, haha"

"who is that?"

"secret na iyon babe, malalaman mo rin iyon sa pasahan, hahahaha"

"haha. Ok babe, i hung it now, bye babe, i thought you were not busy right now"

"ok lang babe, bilis kwentuhan pa tayo"

"just focus on what are you going to draw babe, i dont want to disturb you, actually, im doing the same"

"really babe? Haha. Kita na lang sa pasahan nito huh? Hahahaha"

"bye babe, i love you"

"bye babe, mahal na mahal din kita"

hay, miss ko na si babe! Haha. Buti babalik na ako bukas! Haha.

"mama, penge nga pong juice!"

"madam, eto na po juice niyo"

"huh? Christine andyan ka pala! Loka loka ka! Hahahahahahahaha"

"paano mo ako makikita nakatalikod ka! Psh!"

"taray mo! Meron ka siguro no? Haha, kanina ka pa ba nandyan?"

"paano po kasi si alex kinukulit na naman ako! Hay kainis! Ahm, oo kanina pa, narinig ko may kausap ka sa phone, may boyfriend ka na pala best? Hindi mo nasabi sa akin?"

"huh? Hindi ko ba nasabi? Alam ko nasabi ko na iyon! Tsk. Pero hayaan na nga, oo may boyfriend na ako best, paolo name niya. Sorry nakalimutan kong sabihin"

"ok lang hehe. Sige kwento ka tungkol kay paolo"

"ahm, sya? Super duper bait! Haha, gwapo pa. Tapos hindi sya marunong magtagalog, laki kasi sya sa states, pero sanay naman umintindi ng tagalog iyon. Ahm, nakilala ko sya, last year, 2nd year ako, tayo. Nanligaw sya, tapos after 4 months sinagot ko, ngayon 4 months na rin kami! Haha, nakakatuwa ang bilis ng panahon"

"kita mo nga best, nararanasan mo na ngayon ang gusto mo dati"

"oo nga eh, ngayon sobra sobra pa, kasi sobrang blessed ako sa kanya, super sweet eh, haha"

"maiba tayo, ano ba yang ginagawa mo? Teka parang si lor itong ginuguhit mo ah?"

"hindi ba nasabi ko sa iyo na mayroon kaming finals sa major subject namin sa fine arts? Iyan ang gagawin namin, "mask of yesterday" ang title ng gagawin namin"

"bakit naman sya ang naisipan mong iguhit best?"

"ahm, kasi sya iyong pinakatumatak na "mask of yesterday" sa puso ko eh"

"ahm, ace. Tanung lang, minahal mo ba si lor?"

"hmmm, sige na nga. Aamin ako, oo minahal ko sya ng sobra rin. To the fact na muntik ng maging kami, pero dahil sa sobrang maraming nangyari, nagbago na ito. At bilang clue na rin sayo, isa sya sa mga dahilan kung bakit umalis ako dito"

"ganoon, pero ace, mahal mo pa rin ba sya?"

dug dug dug dug. Pesteng puso ito, bakit bigla tumibok ng malakas?_

"hindi na no! May paolo na ako eh, at mahal ko ang boyfriend ko, dahil tinuruan nya akong kalimutan si lor kahit hindi nya ito nakilala"

"pero kung hindi nangyari ang mga sinabi mo noon, aalis ka ba? Saka hindi ba talaga magiging kayo?"

"syempre hindi ako aalis, saka siguro magiging kami na rin. Mahal ko na rin naman sya nun eh. Kaya lang, siguro, iyong mga nangyari dati, iyon na yung sign na hindi talaga kami para sa isat isa"

"hay, sayang, akala ko magiging kayo, kasi kapag magkasama kayo, sobrang saya nyo eh"

"pero syempre best, lahat tayo mali ng inaakala, pero teka, nakausap ko nung isang araw si harris, sya pala iyong pinsan na nawawala ni lor, tapos sabi nya nasa maynila raw ngayon ito, hindi ko tuloy alam kung sino papaniwalaan sa inyo"

"ganon? Haha, sya na lang paniwalaan mo, baka mali ako eh, haha. Pero kung nasa maynila si lor, posible kayang nagkita na kayo?"

"imposible best, malaki ang maynila. Saka sana nagpakita na sya sa akin hindi ba?"

"sabagay, pero teka, may picture ka ba ni paolo? Curious ako sa itsura ng boyfriend mo eh, alam na ba ito nila tita?"

"oo, alam na nila, teka nandito sa cellphone ko, kaming dalawa, pakita ko sa iyo"

"kung ganun, ako na lang pala talaga hindi nakakaalam, hmp, hayaan na nga. Bilis patingin ako"

"oh hayan"

napansin ko si christine pabalik balik ang tingin sa ginuguhit ko at sa picture namin ni babe.

"teka best, parang magkamukha sila ng mata, tama ba ako?"

"nahalata mo rin pala christine, ngayon ko lang din nga napansin eh, haha. Imagine ilang months na kaming magkasama ni paolo, hahahaha"

"loka ka talaga"

"nga pala christine, babalik na ako sa maynila, may pasok na kasi kami eh, isang linggo na akong hindi pumasok, paano ba iyan, b-bye best ulit?"

"ay gnon? Bitin naman, pero sige na nga, uuwi ka rin naman eh, malapit na magbakasyon, iintayin na lang kita dito, mamimiss kita best"

"haha, mamimiss din ulit kita, parang dialog ko ito nung araw na huli akong nagpakita sa inyo eh, hahahahahahahaha"

pagkatapos nito, nagkwentuhan, harutan, picturan, bonding lang kami ni christine buong maghapon, nilalabis ang buong araw na magkasama kami ngayon.

Hay, sana kasama namin ngayon si manilyn, kamusta na kaya sya? Miss ko na sya.

Miss na namin sya ni christine...

Tulad ko, hindi na rin sya nagparamdam kay christine eh... 2 years na rin...

Chapter 25- First Time

sa wakas! Nasa maynila na rin ako! Haha. Namiss ko ang apartment ko, ang school ko, at syempre si babe! Hahahahahaha.

Matawagan nga si babe para malaman nito na nandito na ako sa harap ng school.

Tatawagan ko na sana sya kaya lang, bigla naman. Sya nauna tumawag, haha. Bilis talaga nito!

"goodmorning babe!"

"goodmorning too, where are you now?"

"nasa may tapat na ng school babe"

"so you are the girl with a short hair?"

"yeah babe! Haha, sorry nagpagupit ako ng buhok, haha. Trip ko lang, si christine kasi ginupitan ako, saka namiss ko na rin ang ayos ko nung high school pa ako"

"its okay babe, actually i missed it too"

"huh? Missed it to? Iyong buhok ko? Anong ibig mong sabihin?"

"i mean, i miss you babe"

"ah, iyon naman pala eh, haha. I miss you too babe, hahahahaha, baba mo na yung phone, lapit kana dito, sabay na tayo pumasok"

"im at your side babe"

"huh?"

oo nga nandito na sya, haha. Hindi ko nahalata eh. Busy ako makipag usap sa kanya. Hindi ko napansin lumapit na pala sya sa akin. Binaba ko na yung phone.

"tara na babe, pasok na tayo sa loob?"

"lets go"

at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng campus.

"ace! Ikaw na ba iyan? Wow! Ang ganda mo lalu!" edgar

"i told you edgar, back off!"

"chill men, chill. Baka kapag sinabi ko kay ace ang sikreto mo eh baka mawala sya sa iyo" edgar

"just try to destroy our relationship, and im going to make your face worst!"

"bakit ka ba english ng english huh paolo? Nakakaintindi ka naman hindi ba ng tagalog? Pare nakakanosebleed eh, hahahahahahahahahahaha"

"edgar ano ba! Tigilan muna kami pwede? Nakakaasar ka na eh! Lumayo ka na please! Huwag mong sirain ang araw ko" ako

"ok ace, pero gusto mo bang marinig kung ano ang sikreto ni babe mo?"

"no need, alam ko naninira ka lang, tara na babe"

"sayang naman, masaya pa naman ito ace, panigurado kapag nalaman mo ito, lalayuan mo sya, at panigurado magb-break kayo"

"sige edgar, pagbibigyan kita. Pero kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka lang, ako na mismo ang babangas sa mukha mo, alam mong black belter ako sa taekwando club dito sa campus, kaya kung ayaw mong mapasama, tigilan muna kami" ako

"no need babe, lets go" paolo

"paano ba iyan ace, ayaw ni paolo, tumatakas sya eh, hahahaha"

"hindi babe, papakinggan ko sya, para tumigil na, wala ka namang dapat itago hindi ba? Sige edgar tuloy"

"ace, kasi ganito iyon, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ang lalaking minamahal mo kasi---"

BOOOOOGGGSSSHHH

"OMG paolo! Ano ginawa mo?" ako

"he dont want to shut up? I shut him up on my own, lets go babe, he ruined my mood"

pagkaraan nyang suntukin si edgar, hinatak nya ako papasok sa campus. Pero ayoko kasi naaasar ako sa ginawa nya.

"bitawan mo nga ako paolo! Sabi ng bitiwan mo ako eh!!!"

SSSLLLLAAAAPPP

oo sinampal ko sya kahit ayaw ko. Ayaw nya tumigil eh, at saka nadagdagan na ang inis ko. Kaya ginawa ko ito._

"bakit mo ba sinuntok si edgar huh? Tapos kakaladkarin mo pa ako rito? Huh? Ano bang problema mo!"

"nothing babe, i just want him to shut up"

"kahit na! Bakit ba huh paolo? Bakit ba ayaw mo syang pagsalitain? Ayaw mo bang marinig ko ang sasabihin nya? Dahil totoo ngang may tinatago ka sa akin? Ano yun paolo! Sabihin mo! Huwag mo akong lokohin! Magsalita ka! Alam mong ayaw ko sa lahat eh iyong niloloko ako! Kaya magsalita ka paolo! Paolo!"

"I TOLD YOU ITS NOTHING ACE! Argh!......"

"....Im sorry babe, i didnt meant to upper up my voice, i just cant control my emotions, sorry babe, sorry ace"

nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses nya sa akin, for the FIRST TIME ito. Alam kong makulit ako minsan pero kahit kailan hindi kami naging ganito, kahit kailan hindi nya ako tinataasan ng boses.

Napaupo na lang ako at napaiyak.

"babe, im sorry, im really really sorry. I didnt meant it, sorry"

tumakbo lang ako palayo sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko, bakit bigla syang nagkaganun? Totoo nga ba na hindi ko pa talaga sya kilala?

Dumiretso lang ako sa bahay ng naging kaibigan ko, dun muna ako nakitulog, kasi alam ko, pupunta si paolo sa apartment, kukulitin lang ako nun. Nakaka 50 missed call at 100 messages na nga sya sa cellphone ko eh.

Naguguluhan ako sa inakto nya kanina, hindi sya iyon eh. Totoo nga kaya ang sinabi ni edgar? Na hindi ko pa talaga kilala si paolo?

Grabe lang talaga, naiiyak ako...

Chapter 26- The Shocking Truth

1 week ko ng hindi pinapansin si paolo, pero lagi rin naman nya akong sinusuyo, hindi ko lang pinapansin.

"ace, tignan mo oh, may bulaklak na naman sa upuan mo, kailan mo ba sya papansinin?" joana

sa kanya ako nakitulog nung araw na nagalit ako kay paolo. Naging kaibigan ko na rin naman si joana eh.

"ewan ko joana, ewan ko, naguguluhan ako"

"alam mo ace, kahit hindi ko alam ang punot dulo ng pinag awayan niyo ni paolo, sapat na ata ang 1 week para mawala iyon, nakikita mo naman ang efforts nya hindi ba?"

napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni joana, parang sinabi ko na iyon. Sa isip ko nung sinurprise ko si christine sa birthday nya. How ironic my life, bumalik sa akin ang mga binitawan kong salita.

"siguro nga joana, tama na ang 1 week, salamat huh? Naliwanagan ako sa sinabi mo"

"hay salamat girl, go na puntahan mo na si babe mo, hindi pumasok ngayon yun eh, binibigyan ka pa ng space, wala naman na tayong klase eh, go na"

"sige joana, b-bye, salamat"

pagkaraan, dumiretso na ako sa condo ni babe, nakarating na ako rito, mga 2 beses. Kaya alam ko na rin ang passcode nitong condo nya.

Magsosorry na ako kay babe kasi hindi ko sya pinansin, at sasabihin ko sa kanya na mas naniniwala ako sa kanya kaysa kay edgar. Siguro nga nadala lang ako ng galit dahil sa pagkabigla ko at tinaasan niya ako ng boses at sinuntok pa nya si edgar.

Nagdoorbell ako sa pinto nya pero walang sumasagot, baka natutulog kaya inenter ko na ang passcode at tuloy tuloy na pumasok dito.

As ussual, malinis talaga ang buong condo ni babe, walang kalat talaga. Nakakatuwa, isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya eh.

Pinasok ko ang lahat ng mayroong pintuan sa condo ni paolo, pero wala sya dun. Hay, saan kaya sya nagpunta.

Umupo muna ako sa couch nya at namahinga, pagkaraan nun, nafocus ang paningin ko sa medyo nakaawang na parang hidden door.

Lumapit ako dito, ngayon ko lang ito nakita dito, wala namang nababanggit na ganito si paolo eh sa condo nya eh.

Inislide ko ang pinto nito at nagulat ako sa nakita kong laman ng loob nito.

Puro ako.....

Kung hindi mga iginuhit nyang mukha ko, puro naman litrato ito buhat sa camera nya, nakikita ko naman ang camera nya pero wala naman akong nakikita na picture ko dun, konti lang. Pero itong nandito, puro ako ito. Ako talaga ang bida ng room na ito.

Naisip ko tuloy, ganito pala ako kamahal ni paolo, nagsisisi tuloy ako sa ginawa ko sa kanya.

BOOOOGGGGSSSHHH ay ano ba iyan, may nabagsak pa tuloy ako, isang frame saka parang notebook.

Nang inangat ko ang frame, nagulat ako sa nakita ko. Itong ito yung niregalo ko kay lor 2 years ago, may pirma pa ako nito bilang patunay na ako gumawa nito. Pero teka! Paano napunta kay paolo ito? Kinakabahan ako.

Napatingin ako sa notebook na nakalagay dito sa ibabaw nitong frame.

Mukhang journal ito.

At namalayan ko na lang na binuklat ko na ito dahil pakiramdam ko ito ang lulutas sa mga tanung sa isip ko_

My journal entry no. 86

ito ang araw na sinagot ako ng babaing pinakamamahal ko. Pero nakakalungkot lang, ibang pagkatao ang nakikita nya sa akin, ibang pangalan, ibang mukha. Tanging mata lang ang tanging totoo sa physical kong kaanyuan. Pinili ko rin ang mag english accent dahil panigurado hindi nya makikilala ang boses ko. Siguro nga panlolokong matatawag ang ginawa ko kay ace, pero mahal na mahal ko sya. 1 year is enough para sa pagtitiis ko, araw araw kinukulit ko ang mga magulang ni ace kung nasaan ito, hanggang isang araw, sinabi nila, nasa maynila ito. Wala akong sinayang na pagkakataon, kahit napakalaki ng maynila, hinanap ko sya sa ibat ibang university, at sa wakas nahanap ko rin sya, nag enrol ako sa class

nya, hanggang sa maging malapit kami at eto nga, kami na. Kahit iba ang pagkakakilala nya sa akin, masaya na ako dun, atleast nakakasama ko sya. Sorry ace kung nagawa ko ito sa iyo, huwag ka mag alala, humahanap lang ako ng tyempo, aaminin ko rin sa iyo ito. Sana, kapag dumating ang araw na iyon, mahal mo pa rin ako. Kasi ako mahal na mahal kita. Sa wakas ace, hindi na lang sa guhit mo na regalo mo sa akin kita makikita, makakasama na rin kita araw araw, mahal na mahal kita ace.

-- Lucious Orl Rafael S. Santos

napaupo ako pagkaraan kong mabasa ito. Umiiyak na naman ako. Ang tagal na nya pala akong niloloko! Hindi ko na kaya ito.

Kaya pala may naramdaman akong kakaiba sa sinabi nila christine at harris, dahil iisa lang sila!

Paolo este lor, kung sino ka man. Super duper galit ako sa iyo!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ending: Part 1

Nasa may daan ako ngayon pauwi sa amin, dito ako hinihila ng mga paa ko eh. Pagkatapos kong magpunta sa condo ni lor, dumiretso agad ako rito.

Pupunta ako kila christine, sya lang ang gusto kong makausap sa ngayon.

Sila mama, kasabwat pala ni lor. Ano ba iyan! Naiiyak na naman ako! Ano ba! Peste kang luha ka! Ako may ari sa iyo ah? Bakit traydor ka? Tulo ka lang ng tulo? Huhuhuhuhuhuhuh.

Umiiyak lang ako buong byahe, muntik pa ngang lumagpas eh, kung hindi lang nagsalita ang driver.

Ilang beses na akong nagdodoorbell sa gate nila christine pero walang nagbubukas sa akin. Pero dahil gusto ko ng makita si christine, tumuloy na ako sa loob.

Nadatnan ko syang nakatalikod, may kasama sya eh, lalaki, nakatalikod din, siguro si alex ito. Ano ba iyan, istorbo pa ako, nakakainis.

Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na ito.

"hindi ko naman intensyon na saktan si ace eh. Sasabihin ko rin naman agad sa kanya, nauunahan lang ako ng takot, baka magalit sya, baka hindi na nya ako pansinin, baka umalis na naman sya. Ayoko nun, sabi ko nga sa iyo christine, ayoko na ng isa pang pagkakataon para umalis si ace sa tabi ko. Ito lang kasi ang paraan na nalalaman ko eh, kaya kahit masakit, nagawa ko ito. Pero christine maniwala ka, mahal ko talaga si ace"

"alam ko lor, nahahalata ko ito, at huwag ka mag alala lor, mapapatawad ka rin nya, maghanap ka lang ng pagkakataon para masabi ito, maiintindihan ka nya, alam ko naman kung gaano ka nya kamahal eh. Kahit hindi nya sinasabi, nahahalata ko sa kilos nya"

"sana nga christine, sana nga"

"so magkakampi pala kayong dalawa huh? Christine at lor?"

"huh? Ace? Mali ka ng iniisip!" christine

"a-ace? Kanina ka pa dyan?" lor

"kadarating ko lang, pero galing ako sa condo mo, at nakita ko ang secret room mo, dun ko nakita lahat. Tapos na ang palabas mo lor, grabe ang galing mo! Hanga ako sa iyo!" pagkaraan nito, hinila ko ang maskara nya na tumatakip sa mukha nya bilang paolo, at nilabas ko ang tunay na si lor.

"ace patawarin mo ako, ace"

SLLAAAAPPP

"tama na lor, tama na! Ayoko ng makinig sa lahat ng sasabihin mo! Kasi puro kasinungalingan na lang lahat ng iyan! At ito ang sasabihin ko sa iyo! Huwag na huwag kang susunod sa akin! At habang nakakapagtimpi pa ako! Baka mabali ko lang ang mga buto mo!"

pagkaraan nito tumalikod na ako at tumakbo palayo.

"ace" christine

"christine, hindi ko naisip na pati ikaw niloko ako, bakit? Bakit ba lahat na lang kayo?"

"ace! Ano ba! Makinig ka muna! FYI, ngayon ko lang din nalaman ito, pumunta lang dito si lor, nagpakilala sya bilang paolo, tapos knwento na nya sa akin ang mga nangyari sa inyo sa maynila. Hindi nya sinasadya ace, may katwiran sya. Hindi ba ace kung malalaman mo ito agad, aalis ka ulit? Tatakbo ka palayo? Tulad na lang ng ginagawa mo ngayon? Tandaan mo, mahal ka ni lor, panghawakan mo ang salitang iyon"

"......................................."_

"siguro nga ace, mali si lor sa ginawa nya para makuha ka ulit, pero hindi ka ba nasisiyahan? Hindi mo nakikita? Ganyan ka nya kamahal!"

"pagmamahal? Aanhin ko iyon? Kung lagi naman nya akong niloloko? Pinaniniwala sa mga kasinungalingan nya? Tama na christine, tama na"

"pero ace..."

"tama na christine, huwag mo sa akin sabihin lahat ng yan, sabihin mo iyan sa sarili mo. May alex ka na dapat patawarin din hindi ba?"

"pero iba sya ace!"

"exactly christine! Please lang. Huwag ka ng mangelam ngayon, dahil baka kapag pinagpatuloy mo iyan, baka pati ikaw, hindi ko na rin pansinin. At alam kong ayaw mong mangyari iyon christine"

"pero ace, tama na"

"christine! Ikaw ang tumigil! Argh! Ayoko makipagtalo sa iyo! Mabuti pa umalis na lang ako dito!"

at habang naglalakad ako palayo, hindi sila tumitigil kakasigaw ng pangalan ko.

Pwede ba? Tama na! Grabe na ito! Lagi na lang ba ako nasasaktan sa bandang huli? Kailan ba talaga ako sasaya ng tunay? Nang walang kapalit!

Ayoko na, huhuhuhuhuhu.

Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon, kung noon, hindi naging kami sobra na akong nasaktan, ngayon triple. Dahil bukod sa nasaktan na nya ako, all the while pala, niloloko lang nya ako!

Sinisigurado ko sa iyo lor, hinding hindi muna ako makikita pang muli...

Ending: Part 2

Kailangan kong umalis, mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Makikita ko pang magkakampi sila christine at paolo? Este lor pala! Tapos pati ang parents ko! Akala ko tapos na ang pagtakbo ko, kasi masaya na ako, tapos ganito? Grabe lang, napakasakit ngayon nito!

Pesteng mga luha ito, tumutulo na naman!

Tapos na akong makapagimpake sa apartment ko, palabas na ako ng marinig ko ang mga katok sa pintuan ko.

"ace, pagbuksan mo ako ng pinto, please, mag usap tayo. Sasabihin ko na rin naman sa iyo eh, alam ko nandyan ka pa, please mag usap tayo"

"wala na tayong pag uusapan lor"

"ace, maniwala ka naman oh, sasabihin ko naman sa iyo eh"

binuksan ko ang pintuan at tuloy tuloy na lumabas. Tinalikuran ko sya.

"ace! Mahal kita! Totoo iyon, siguro nga iyong pangalan na ipinakita ko sa iyo, iyong mukha, hindi totoo, pero lahat ng sinabi ko, pinaramdam ko sa iyo, totoong lahat iyon. Mahal kita ace, mahal na mahal"

"hinding hindi muna ako makikita pang ulit lor, kikilalanin ko bawat taong makakasalamuha ko sa pupuntahan ko para masigurong hindi ikaw iyon. Grabe, sarap na sarap ka siguro sa panloloko sa akin no?"

"ginawa ko lang iyon kasi mahal kita"

"pwede namang magpakita ka na lang hindi ba? Eh kaso ginawa mo, niloko mo ako, kaya please lang lor, lubayan muna ako"

"mahal kita ace, at alam ko mahal mo rin ako"

"mahal? Nababaliw ka na ba? Pagkatapos ng lahat ng ito mamahalin pa kita, mali ka na dun paolo or lor, or whatever you are! Tumabi ka nga! Huwag kang haharang sa dinaraanan ko! Aalis na ako! At sisiguraduhin kong hindi muna ako makikita kahit kailan!"

at naglakad na ako palayo, bwisit! Bwisit! Mga luha tumigil kayo!

"ace, tatakbuhan mo na naman ba ako? Tumakbo ka na dati, tama na iyon"

"bakit? Sino ka para pigilan ako? Pupunta ako sa lugar na wala ka, walang manloloko"

"sige ace, tumakbo ka ng tumakbo. Pero tandaan mo, kahit saan ka pa pumunta, susundan kita, susundan kita kahit anong mangyari. Kahit saan ka mapadpad, kahit sa ibang bansa, susundan kita. At kapag napagod ka ng tumakbo, ibabalik na kita dito. Kasi ace, mahal kita, mahal na mahal, sorry kung nasasaktan ka sa mga ginawa ko"

napatigil na ako sa paglakad ko palayo sa kanya. Ayaw ko mang aminin, mas nakikinig ang puso ko kaysa sa utak ko ngayon...

Pero kailangan ko itong pigilan, kaya naglakad ulit ako palayo kahit nanlalabo na ang paningin ko.

"AAAACCCCCCCEEEEEEEE"

"SSSCCCCRRRRREEEEETTTTTCCCCCHHHHH"

"ace, ayos ka lang ba? Ace sumagot ka"

naiiyak ako, muntik na kasi akong masagasaan, pero eto, sinagip nya ako. Siguro nga, tama na ang pagtakbo ko... Pero syempre, dapat paghirapan nya muna para makuha ako...

"lor..."

"hay, sumagot ka rin, akala ko napano ka na eh"

"nakikita mo ba iyong puno na iyon?"

"huh? Alin? Nasaan?"

"that narra over there, kapag natalo mo ako sa pagtakbo dun, sige, hindi na ulit ako tatakbo palayo sa iyo, pero kung matatalo kita, hahayaan mo akong umalis na palayo sa iyo"_

"huh? Madaya! Mabilis kang tumakbo kaysa sa akin! Hoy teka!"

wala na syang magagawa, tumakbo na agad ako.

Kapag naaabutan nya ako, tinatapunan ko sya ng kung ano ano para mapatid sya, tulad ng bitbit kong sapatos saka bracelet, nakakailag naman sya.

"hoy ace, madaya ka, huwag ganyan"

"bahala ka, maparaan lang ako"

"ah ganun ah? Hoy ano yang nasa may paa mo? Parang ahas oh?"

"ahas? Ahas? Nasaan? Hoy! Ahhh!, pero teka wala naman ah! Niloko mo ako! Madaya ka rin, tsk!"

naunahan tuloy ako. Buti na lang mabagal itong tumakbo. Naabutan ko rin agad.

Kaya lang ang lagay, ng makarating kami sa puno, nabangga ko ang likod nya, kaya tuloy bagsak ako.

"hoy, ace. Hoy, ok ka lang? AHHHH"

niyakap ko agad sya, tapos naiyak na naman ako.

"akala ko kung napano kana, eh! Pero ace, may naalala ako..."

biglang napatawa si lor.

"....paano ba yan, natalo kita, iuuwi na kita"

"oo, alam ko. Siguro nga tama na ang pagtakbo ko sa inyong lahat. Buti na lang mabagal na akong tumakbo, naunahan mo ako. At pasalamat ka pinagbigyan kita"

"asus, mabagal, haha. Pero ace, salamat. Salamat kasi binigyan mo ako ng second chance, salamat ace. Mahal na mahal kita, at bilang lor na ito, hindi paolo. I love you Antanasia Chloe Emi M. San Diego"

"mahal na mahal din kita Lucious Orl Rafael S. Santos"

Its not a happily ever after story. Because i know, marami pang darating sa amin na problema. Pero syempre, hawak kamay naming haharapin ni lor iyon. Dahil pinanghahawakan namin ang salitang PAGMAMAHAL. At habang hawak namin iyon, magiging matatag kami para sa isat isa.

"balik na tayo sa atin babe?" lor

"sige tara babe"

"i love you MY FIRST LOVE" lor

"and i love you too MY FIRST LOVE"

- MY FIRST LOVE - Antanasia Chloe Emi M. San Diego - Lucious Orl Rafael S. Santos and ofcourse... - BlackTearsJAMIE or - JAMIE MORRIS SANTOS -

are now signing off.....

- THE END -

Epilogue

a special chapter to my readers and fans

"The Mask Of Yesterday"

sabi nila, ang kahapon daw, huwag ng balikan, dahil nakaraan na ito. Huwag ng isama sa present dahil makakagulo lang ito. Kalimutan na lang ito hanggat maaari.

Pero hindi nila naisip, na hindi naman lahat ng mga nangyari kahapon ay malungkot hindi ba? May mga masasaya ring pangyayari na gusto nating huwag kalimutan. Tulad na lang ng; nakasama ko ang mga kaibigan ko, nakasama ko ang parents ko, nakasama ko ang mga taong nagbigay kulay sa mundo ko, at kung anu-ano pa. Hindi masamang balik balikan iyon dahil dun tayo mas tumatatag hindi ba? Dun tayo humuhugot sa lahat ng kung ano mang napagdadaanan natin.

Kasi ako, masaya akong balik-balikan ang nakaraan, hindi dahil kay lor, christine, manilyn, sa parents ko o kung sino pa man. Kasi dahil sa aking nakaraan, marami akong natutunan at nalaman para masabi kong kaya ko na ang isang bagay.........

*** "hi ace! Sino yang kasama mo? Bakit kayo magkaholding hands? Huwag mong sabihing boyfriend mo? Nasaan na si paolo?" joana

"babe, nasaan daw si paolo? Haha" ako

"teka baka nasa bulsa ko, haha. Jowk lang, malalaman mo mamaya joana" lor

"huh? Kilala mo ako?" joana

"naman! Haha" kaming dalawa ni babe.

"ace... Break na kayo ni paolo? Pero sino siya? Paano ako ace? Mahal na mahal pa naman kita" edgar

"edgar, you deserves someone better, at hindi ako iyon" ako

"jowk lang ace, haha. Tutal wala naman na si paolo, sasabihin ko na ang secret nya, kaya lang wala na ring kwenta eh, kasi may bago kana"edgar

"sige edgar, ok lang, haha" ako

"ganoon? Hmmm, si paolo kasi narinig ko sanay palang magtagalog, niloloko ka lang pala nun! Tsk. Naalala ko tuloy iyong suntok nya, sakit pa nun ah?"

"ako na nagsosorry para kay babe edgar, haha" ako

"TSK" lor

"sige ace, maghahanap pa ako ng bagong mamahalin, pare kung sino ka man, pasayahin mo sya huh? Sige" edgar

"edgar wait!" joana

tumakbo na palayo si joana, hinabol nya si edgar.

"ano meron sa dalawang iyon?" lor

"hay salamat!Haha,hmmm, basta ako, i smell something fishy, magkakonekta ata utak namin ni ms. Author eh, haha"

(BlackTearsJamie: tama ka ace, may naiisip din ako! Haha, *apir*, gets nyo na siguro readers? May story din ung sila edgar at joana, haha. Mga 5-10 chapters lang siguro, sige na continue reading na! Nagpromote lang ako, haha)

"ok babe, haha. Hindi kasi kami close ni ms. Author eh. Tara na? Pasok na tayo sa room, papakita pa natin ang frame natin eh"

"ok babe!"

***

"ok, its your time Mr. Santos" prof.

"huh? Sino sya? Hindi ko sya kilala?" classmates

"ahm, goodmorning guiz! Alam ko naguguluhan kayo, pero gusto kong sabihin sa inyo na ako ito, si Paolo. Pero ang totoo kong name ay Lucious Orl Rafael S. Santos or lor for short. Nagpanggap akong paolo para sundan ng palihim ang aking mahal na si ace, and the rest was a history. Nakapasok ako rito dahil ninong ko ang may ari ng university, alam ng mga prof ang tunay kong pagkatao, maski ang pagpapanggap ko. Tanging kayo lang mga classmates ang hindi nakakaalam. Pasensya sa inyo ah? Sana maintindihan nyo. Ahm, move on na tayo, ito nga pala ang frame ko. As you can see, tama kayo, si ace ang nasa ginuhit ko. Sya kasi ang mask of yesterday para sa akin. Maraming nangyari 2 years ago, at aaminin ko na iyon ang pinakadabest na nangyari sa buhay ko, dahil nakilala ko si ace, naging magkaibigan kami. Pero maraming nangyari noon, kaya umalis sya. Pero kahit nawala na sya sa buhay ko ng panahon na iyon, hindi ako nawalan ng pag asa na hanapin sya. Ginawa ko ang lahat lahat para sa kanya. Kaya ng makapasok ako sa university na ito, wala na akong sinayang na pagkakataon at nakipagkaibigan at nanligaw agad kay ace. I know masyadong mabilis ang lahat. Nakokonsensya na nga ako nung sinagot nya ako eh. Kaya lang hindi ko naman masabi dahil alam kong magagalit sya. Ngayon, kahit alam na nya ang totoo, worth it lahat ng iyon, dahil kahit 1 year kaming nagkalayo, nahanap ko pa rin sya at ngayon magkasama kami. At itong ginuhit ko na ito ang magpapa alala ng first love ko at first girlfriend ko..." lor

grabe talaga si babe! Haha. Nakakatouch sya ha!

"...kaya ikaw Antanasia Chloe Emi M. San Diego, mahal na mahal kita, babe" pahabol pa nya.

Hiyawan tuloy ang buong klase, hahahaha.

"ok Mr. Santos, masyado kang nadala sa frame mo huh? Dapat pala hindi na ako nagpaganito eh! Makakarating ito sa ninong mo, haha, just kidding. Proceed na tayo sa next, Ms. San Diego" prof

"ahm, ewan ko ba pero pareho kami ni lor. Sya naman ang iginuhit ko. Nung umuwi kasi ako sa amin, aaminin ko wala pa akong naiisip na gagawin para rito. Pero nang makausap ko ang mga taong naging malapit sa puso ko pag uwi, at nasabi nila si lor. Sya na ang iginuhit ko. Tulad nga ng sinabi ko sa bestfriend ko, sya kasi ang pinakatumatak na "mask of yesterday" sa puso ko eh. At ngayon, kahit marami akong nalaman, masaya na ako dahil nalaman ko kung gaano nya ako kamahal. Hay ano ba yan! Parang kwento na ng buhay pag ibig namin ni lor ito eh...." ako

"hahahahahahahahahahahaha" classmates

".....at bilang pagtatapos, mahal na mahal din kita Lucious Orl Rafael S. Santos"

hiyawan ulit ang buong klase...

Pagkatapos namin magsalita lahat. Uuwi na kami ni babe sa amin. Tutal bakasyon naman na eh! Dadaan muna kaming condo ni babe bago umuwi.

*sa condo*

"babe, nagtataka lang talaga ako, bakit ba puro ako laman nitong secret room mo na ito?"

"tinatanung pa ba yan? Ganyan kita kamahal ace"

"ehh, kasi naman eh. Seryoso, alam ko naman na yan eh! Haha" ako

"ahm. Kasi babe, ikaw ang first love ko, ikaw ang babaing mahal ko. Sa paglayo mo sa akin noon, naging napakalungkot ko, hindi ko alam ang gagawin. Pinanghawakan ko lang ang regalo mo sa akin nung birthday natin, iyon ang lagi kong hawak-hawak. At nung makita na kita, lagi na akong kumukuha ng pagkakataon para makuhanan ka ng litrato, dahil feeling ko, dun na lang kita makikita at_ mahahawakan. Ngayon, masaya na ako, dahil kahit nalaman mo na ang totoo, hindi ka na muling tumakbo, i love you babe, i love you my first love, my first girlfriend" lor

"and i love you too, my first kiss" ako

hinalikan ko sya dahil masyado na akong naooverwelmed sa mga sinasabi nya.. ^^

"i love you more babe" lor

hanggang sa huli, ginulo ni babe ang buhok ko. Nakakatuwa.

"tara na babe? Uwi na tayo, iaanounce pa natin sa kanilang lahat na girlfriend na kita for real as lor hindi paolo" lor

"tara! Haha! I love you Lor"

"i love you too Ace" lor

TO INFINITY AND BEYOND.

Written by:

BLACKTEARSJAMIE

Or

JAMIE MORRIS SANTOS

You might also like