"Di lang ikaw, di lang ikaw ang nababahala. Di lang ikaw ang nasasaktan.

"

Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga katagang iyan, pampalubag loob ba. Pero sino ba ang nakakaramdam ng sakit na nakapagpapatayo ng mga balahibo sa aking katawan. Henyo ba sila para malaman yan. Ayan, nagiging corny na naman ako. Kakantsawan lang ako ng mga kaibigan ko pag narinig nila yan. Mga kaibigan. Ilan nga ba silang nakakaalam ng tunay kong kalagayan. Mali pala, dahil kahit sa kanila, nagpapanggap pa rin ako. Minsan na din akong nagtiwala, nagpakatotoo, pero anong napala ko? Wala naman di ba, nasugatan lang ako na parang pinukpok ng martilyo ang puso ko. May isang taon na rin siguro ang nakakaraan, sa isang lumang playground kung saan una ko syang nakita, kung saan ko pinangarap na minsan ay mapansin nya, kung saan ako naging pinakamasaya, at kung saan tumigil ang mundo ko- doon nya tinapos ang lahat. Mali pala, doon ko tinapos ang lahat.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful