P. 1
FIL012

FIL012

|Views: 2,463|Likes:
Published by Qlyn EF

More info:

Published by: Qlyn EF on Jun 07, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/09/2013

pdf

text

original

KASANAYAN NG MGA MANGGAGAWANG PINOY NA GUMAGAWA NG MGA TRABAHONG HINDI NAAAYON SA KURSONG NATAPOS

Isang Pananaliksik na iniharap sa kaguruan ng Departamento ng mga Wika at Kumunikasyon Cagayan de Oro College-PHINMA

Isang Bahagi ng Gawaing Kailangan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino 012 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

nina

Queelyn E. Fabiano Jhonrex H. Asok Christopher A. Ermac Ronald G. Abella Aloha Mae S. Panes Rheangel C. Villamero

Marso 2012

Pasasalamat Sa simula ng paggawa hanggang sa mabuo ang pamanahong papel na ito, ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod: Una, kay Gng. Marilou D. Inesin, punong-guro ng asignaturang Filipino 012 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik), sa walang sawang paggabay at tiyagang ibinigay sa amin, at ang mga kaalaman na naipamahagi upang mabuo ang pananaliksik na ito. Maraming salamat po! Pangalawa, sa aming mga magulang dahil sa suportang pang-pinansyal sa paggasta para sa mga materyales na nagamit sa paggawa ng pamanahong papel na ito. At sa pag-intindi din sa sitwasyong mas malaking oras na naigugol namin sa proyektong ito dahil alam naman nila na ito‟y para din sa kinabukasan ng mga anak. Pangatlo, kinikilala din ang paggamit ng mga gawa ng mga awtor ng reperensyang nakalap na siyang naging batayan sa pagtugon ng mga katanungan at ang pagbibigay linaw nito upang mabuo ang pananaliksik na ito. Pang-apat, sa mga kapwa mag-aaral sa asignaturang ito na naging malaking hamon para sa amin. Dahil sa ipinakitang pagpupursigi sa kani-kanilang mga pananaliksik na siyang nag-udyok sa amin upang mas lalong paghusayan din ang aming pananaliksik. At lalong-lalo na sa ating Poong Maykapal, sa panalanging ibinigay.

Introduksyon Panimula Ang United Nation o UN ay inilista ang edukasyon at trabaho bilang dalawang napakaimportante para sa mga kabataan. Ito ang palagiang kaso para sa mga kabataan taun-taon sa buong mundo. Ang gobyerno ay naiintindihan na ang kinabukasan ng ekonomiya ng isang bansa ay naka-depende sa kapabilidad nitong makapag-prodyus ng mga mahuhusay at may angking kakayahan na makapagtrabaho na mga mamamayan (Gavina, 2007). Ayon sa datos ng DepEd, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementarya, anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag-aaral na nararanasan nila, nagiging sanhi ito upang sila‟y maghanap ng trabaho o di kaya nama‟y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kaya naman kung susumahin lahat ng datos ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyanteng may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral (http://www.scribd.com/doc/37623694/Bakit-Patuloy-ang-Kahirapan-sa-Pilipinas). Sa kabila ng kahirapang kinakaharap ng bansa ngayon ay pilit paring iginagapang ng mga magulang ang kanilang mga anak na makapagtapos sa kolehiyo. Ang isang taong nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring ituring na malaking karangalan sa lipunan. Ika nga ng mga matatanda, “Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi

mananakaw ninuman”. Ito rin ang inaasahan ng bawat magulang para sa kanilang mga anak dahil naniniwala silang ito ang makakapag-ahon sa kanila sa kahirapan. Tinatayang 400,000 Pilipino ang nagtatapos ng kolehiyo taun-taon. Magkakaiba man ng kursong tinapos, pinagbubuklod ang mga ito ng iisang layunin – ang makahanap ng matinong trabaho matapos ang halos 15 taong pag-aaral. Subalit, sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya dahil sa iba‟t ibang kadahilanan tulad ng terorismo at kawalang kasiguruhan sa pulitika, tiyak na higit na maraming Pilipino na naman ang walang trabaho dahil sa pagdagsa sa merkado ng mga nagsipagtapos (Jabeguero at Pua, 2011). At dahil dito, mas lalong naghihirap ang bansa na kung saan ang mga Pilipino ay napipilitang magtrabaho sa isang kumpanya na taliwas naman sa kursong natapos. Marahil narin ang mga mamamayan ay ginagawa itong praktikal na pamamaraan upang makaahon sa pang-araw-araw na buhay. Ngunit sapat ba itong rason para gawin ito? Hindi ba‟t sayang naman ang mga napag-aralan kung hindi rin nagagawa ang mga bagay na naaayon sa kursong natapos?

Teyoritikal na Balangkas Ang nilalaman ng araling edukasyon sa paaralan ay dapat nakalinya sa trabahong binibigay ng kasalukuyan. Dapat ang mga unibersidad at teknikal na paaralan ay isanay ang mga kabataan sa mga kahusayan nito o kakayahan para sa trabahong kinakailangan ngayon. Ang estudyante ay dapat makakonek at magamit ang mga natutunan niya sa paaralan sa naturang trabaho (De Leon, 2005). “Ang isang institusyon ay dapat makilala sa buong mundo bilang sentro ng kahusayan sa isang partikular na kurso. Sa kasamaang palad, bawat unibersidad sa Pilipinas ay ginagalingan ang lahat ng kursong binibigay nito na kung saan ang suporta ay napapamahagi sa lahat ng kurso”, ayon kay Dr. Andrea Santiago na isang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) senior research (Lopez, 2009). Ang dating kalihim ng edukasyon na si Juan Miguel Luz sinabing ang Presidente Macapagal-Arroyo ay gumasta ng bilyong piso sa walong taon na panunungkulan upang itaas ang sistema ng edukasyon pero naging “marginally better” lamang ang resulta ng pagpupursigi nito. Aniya, maganda naman ang nagawa ng administrasyon – ang pagbibigay nito ng dagdag silid-aralan, mga libro, pati mga guro. Dagdag pa niya na hindi isyu ang paggasta. Pero sa kinalabasan, hindi tayo gano‟n ka buti kaysa nakalipas na sampung taon (Tubeza, 2009). Karamihan sa mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso ay nagtratrabaho ng „di tugma sa kursong natapos na tinatawag na “underemployed”

(http://www.scribd.com/doc/37623694/Bakit-Patuloy-ang-Kahirapan-sa-Pilipinas).

Para matugunan ang pagdami ng mga gradweyt sa partikular na mga kurso, ang Commission on Higher Education (CHED) ay pansamantalang pinasususpende ang mga kursong Nursing, Business Administration, Teacher Education, Hotel Restaurant and Management, at Information Technology. Ito ay tugon ng gobyerno na kung mapapabayaan ay baka lalong makasama sa kalidad ng mga nakapagtapos dahil sa pagdami ng partikular na kurso na kung saan nagresulta sa paghina ng Business Administration at Teacher Education, at ang pagbaba ng passing rate sa Licensure Examination ng mga nars (Marcelo, 2011). Sa bawat dalawang bagong gradweyt na napro-prodyus sa nakalipas na walong taon, isang trabaho lamang ang tugma sa kakayahan at kwalipikasyon ng mga degree holders na naidagdag sa “domestic labor market”. At kakumpitensya pa nila sa naturang trabaho ang mga “unemployed” na gradweyt ng kolehiyo sa mga nakaraang taon (Padilla, 2010). Ang edukasyon at kasanayan ng nag-a-apply, kinaugaliang pagtanggap ng mga kumpanya, pati ugali ng manggagawa sa trabaho nito ay mga “factors” na nakapagdagdag sa hindi tugmang edukasyon at kasanayan ng isang estudyanteng nakapagtapos na napro-prodyus ng bansa (Miguel, 2012). Ayon sa statistika sa taong 2011, ang labor force ay tinatayang 39.2 milyon na kung saan ang total na may trabaho ay 36.3 milyon at ang walang trabaho ay 2.9 milyon. Sa 2.9 milyon nito ay 564,000 ang mga gradweyt ng kolehiyo na walang trabaho (Quodala, 2011).

Sa pagbaba ng demand sa mga nars at ibang serbisyong pangkalusugan sa buong mundo, karamihan ng mga nagtapos at lisensyadong nars na kung hindi man nanatiling walang trabaho ay kumukuha naman ng mga “odd jobs” na tinatawag ng TESDA na “skills-jobs mismatch”. Karamihan sa mga nars nito ay nagtratrabaho ng libre o kaya nama‟y nagbabayad sa mga ospital para lamang makakuha ng kasanayan sa pag-qualify nila sa trabahong papasukan sa ibang bansa, ito ay ayon kay Marco Sto. Tomas ng PRC‟s Board of Nursing (People‟s Journal, 2011). Ang ganitong pangyayari sa bansa ay nakakaapekto sa lagay ng ekonomiya sa pamamagitan ng hindi nagagampanan ng maayos ang papel na dapat naging bunga ng tinapos nilang kurso upang mapakinabangan sila sa dapat nilang kontribusyon sa bansa. Kaya kahit na may trabaho sila ngunit taliwas naman sa kursong kinuha ay kinokonsidera silang “unemployed” sa larangan ng ekonomiks (Guevara, et al., 2010). Ang mga kumpanyang call centers sa Pilipinas ay mas tinatangkilik ng mga mamamayan sa paghahanap ng trabaho dahil sa mataas na pasahod nito. Ayon pa kay Karl Mark (hindi tunay na pangalan) ay maliban sa malaking pasahod, ang mga ahente nito ay mga “overqualified” sapagkat nakapagtapos ang mga ito ng kursong Engineering, Nursing, Computer Science, pre-law, psychology, at iba pa – na nasa linya ng trabahong ito dahil sa hindi sila nakakahanap ng ibang trabaho. Hindi na nasasanay ang mga kaalaman nila sa natapos na kurso dahil sa ang trabaho nila sa call center ay nakatutok lamang sa customer service (Remollino, 2006).

Sa pagpasok ng programang Technical and Vocational Education and Training (TVET) noong 2002-2003, ayon sa tala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nagpapakita na ang nagpapa-enroll sa mga vocational courses ay lumago ng 116.6%. Pero bumaba ito noong 2004-2005, at tumaas ng 14% at 25% noong 2005-2006 at 2006-2007, ayon sa pagkakasunod (Domingo, 2008). Dahil sa kakulangan ng magandang trabaho sa bansa, karamihan sa mga guro ay naiingganyong mangibang-bansa. Ang mas nakakaalarma ay ang pagbibitiw nila sa kanilang propesyon upang mangibang-bansa bilang katulong lamang. Ayon sa report ng Migrante International, nagpapakita na iilang 20% sa tinatayang 160,000 Pilipino na nagtratrabaho bilang domestic helpers sa Hongkong, Singapore at mga bansa sa Middle East ay dating mga guro o kaya nama‟y may karanasan sa pagtuturo bago mangibangbansa (Ramota, 2005). Ang pangingibang-bansa ay sa kadahilanan ng malaking kita at binipisyo na makukuha. Kaya ang OFW na degree-holder ay mas kikita ng malaki sa isang “bluecollar job” kaysa kikitain ng isang propesyonal sa bansa (Tullao at Rivera, 2008). Ayon kay Atty. Manuel Beaniza, director ng Human Resources Development (HRD) ng UST, kailangan maunawaan ng mga aplikante ang kahalagahan ng unang “pagpapakitang-gilas” sa kompanya base sa pag-interbyu sa kanila. Dagdag pa niya na ang positibong bunga ng pagkakaroon ng katangi-tanging rekord sa paaralan ay higit na pinapaboran ng mga may-ari ng kompanya sapagkat sinasalamin nito na isang

responsableng tao na gustong magtrabaho sa kabila man ng hirap o balakid na kakaharapin nito (Jabeguero at Pua, 2011). Paglalahad ng Suliranin Ang problemang kinakaharap ng ating gobyerno, hindi lamang ng mga nagsisipagtapos, ay kung paano masusulusyonan nito ang pagkakaroon ng mga “unemployed” na mamamayan na nagtatapos taun-taon. Sa pananaliksik na ito ay tinatalakay ang isang suliranin na kung saan ang mga nagtatapos ay nagtratrabaho na hindi naman akma sa kursong natapos. Tinutugunan nito ang mga sumusunod na mga katanungan: 1. Ano ang posibleng epekto ng “unemployment” sa ekonomiya ng bansa? 2. Ano ang maaaring solusyon sa “unemployment” sa bansa? Saklaw ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ginawa dito ay ibenase sa mga nakalap na datos sa taong 2005 hanggang taong 2012 upang magiging akma ito sa napapanahong suliranin. Tinatalakay dito ang lagay ng edukasyon sa tersiyaryo sa Pilipinas, ang ekonomiya nito, ano ang magiging epekto nito sa bawat isa, at ang pagbibigay ng mga posibleng solusyon sa problema. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay nagbibigay ng maaaring solusyon o binepisyo ayon sa mga sumusunod na mga taong naaapektuhan ng suliraning ito:

Gobyerno. Ang paksang ito ay layong makapagmulat sa mga kinauukulan na ang pagtratrabaho na taliwas sa kursong natapos ng mga mamamayan ay isang seryosong suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Mahalaga ang pagtukoy ng mga problema upang masulusyonan ang pagtaas ng “unemployment” sa bansa ng mga nakapagtapos. Magulang. Dahil sa mga magulang ay maraming mga anak ang nakapagtapos sa pagaaral. Kaya sa mabuting pag-aaral nasusuklian ang lahat ng kanilang sakripisyo. Sa paraan ng pananaliksik na ito, nabibigyan sila ng gabay para sa pagpapaaral sa kanilang mga anak kung anong kurso ang nararapat na kunin sa kasalukuyan dahil masasayang lamang ang pinaghirapan nila kung hindi rin naman makakapasok ang mga anak sa isang propesyon na ayon sa kursong natapos, o „di kaya nama‟y pagiging “unemployed” ng mga ito sa kadahilanang marami pa ang mga naunang nagtapos na naghihintay o naga-apply din sa naturang trabaho. Mag-aaral. Ang kahalagahan nito sa mga mag-aaral ay ang kaalaman ng kursong pipiliin ayon sa kinakailangan ng bansa sa kasalukuyan. Kung sa tingin ng mga mag-aaral na nagkakaroon na ng “oversupply” na mga estudyante sa naturang kurso, makikita na nila na may malaking posibilidad ng mahigpitang kumpetisyon sa trabaho pagdating ng pagtatapos sa pag-aaral. Ang pinakamahalaga nito ay maintindihan ng mga mag-aaral ang importansya ng magandang marka sa pag-aaral dahil ito ang malaking batayan ng mga kumpanya sa pagtanggap ng isang aplikante sa trabaho.

Metodolohiya Ang mga nalikom na mga datos ay galing sa iba‟t ibang babasahin tulad ng libro at dyaryo na nakuha sa loob silid-aklatan ng paaralan at karamihan nito ay galing sa internet. Bagama‟t hindi man personal na na-interbyu ang mga nabanggit na mga

taong may karanasan sa pagtratrabaho na taliwas sa kursong natapos, ito nama‟y galing sa mga artikulong nagpapatunay na sila‟y na interbyu. Buod Ang paghahanap ng trabaho ay isa sa mga layunin ng nakapagtapos sa kolehiyo. Isa itong paraan upang maiangat ang antas ng pamumuhay sa lipunan. Upang makakuha ng magandang trabaho, nagsisimula ito sa maayos na edukasyon na siyang batayan ng magandang pundasyon sa paghubog ng mga kaalaman at kasanayan sa pagtratrabaho. Dito nasusukat kung ano at saan ka naaayon sa antas na iyong natapos sa pag-aaral. Ngunit dahil sa pabago-bago sa lagay ng ekonomiya sa bansa, marami ang naapektuhan nito. Kabilang sa mga naapektuhan ay ang kalidad ng edukasyon ng mga estudyanteng kinukuha, at ang pagdami ng mga “unemployed” na mamamayan. Ang resulta o magiging bunga nito ay kahirapan sa bansa na kung saan karamihan sa mga nakapagtapos ay napipilitang maghanap ng trabahong hindi naman akma sa kursong natapos. Konklusyon Ang sitwasyong kinakaharap ng mga nagsisipagtapos ng kolehiyo na

nagtratrabaho na hindi naaayon sa kursong natapos ay dahil sa iba‟t-ibang kadahilanan

– hirap at pagtitiis sa trabahong maliit ang sahod upang makaahon lamang sa pangaraw-araw na buhay; pangingibang-bansa at pagtratrabaho sa isang “blue-collar job” dahil naman sa mataas na sahod na maibibigay ng ibang bansa; at ang pagsulputan ng mga call centers sa bansa dahil sa kakayahan ng mga Pilipino sa wikang Ingles – ay iilan sa mga rason na nagtutulak sa mga Pilipino para magtrabaho kahit taliwas sa kursong natapos. Ito ay mga praktikal na pamamaraan ng kahit sinong naghihirap. Gayunpaman, ang pagdami ng mga kumpanyang call centers sa Pilipinas ay nangangahulugan ng maraming trabaho at kabawasan ng “unemployment” sa bansa. Pati rin padala ng mga OFW‟s kung saan patuloy ang pagpasok ng dolyar sa bansa. Ito ay mga bagay na nakakatulong sa pagbuti kahit papaano sa ekonomiya ng bansa. Rekomendasyon Batay sa mga nabasang artikulo, ang mga mananaliksik ay nakapagbigay ng mga rekomendasyon o maaaring solusyon ukol sa suliraning kinakaharap ng mga nagsisipagtapos at makapagbigay din ng ideya sa mga naaapektuhan nito. At ito ay ang mga sumusunod: 1. Reporma sa edukasyon sa pagbibigay ng mas kalidad na edukasyon sa mga estudyante ng bawat paaralan at unibersidad upang makahanay ang Pilipinas sa mga mauunlad na bansa sa Asya. Kinabibilangan nito ang pagbibigay pansin sa mga sumusunod:

a. Pagbibigay ng mas mataas na alokasyon ng badyet ng bansa sa edukasyon para sa mga bagong libro, silid-aralan at makabagong mga pasilidad. b. Mataas na pasahod sa mga guro upang hindi na sila mag-abroad na kung saan ibang bansa ang nakikinabang ng kanilang mga kagalingan. c. Pagpapatupad sa programang K+12 sa edukasyon dahil ang sistemang sampung-taon meron ang bansa ngayon ay nakakapagtapos ng mga hayskul sa edad 15-16 taong gulang. Sa edad na ito ay masyado pang bata para makapasok ng trabaho, at matatandaan na sa sampung estudyanteng nag-aaral ay anim lamang ang nakakapasok sa hayskul at tatlo lamang nito ang nagpapatuloy sa kolehiyo. Ibig sabihin, maraming kabataan ang mahihirapan maghanap ng trabaho pagdating sa legal na edad. 2. Itaguyod ang mga kursong vocational dahil sa demand nito sa loob at labas ng bansa. Sa ganitong paraan, maibaba nito ang “unemployment” sa bansa at hindi mauubusan ng magagaling na mga guro, inhinyero o nars ang Pilipinas upang magamit ang mga kapabilidad at kasanayan ng mga ito ng bansa. 3. Ang pagtangkilik sa kursong pang-agrikultura dahil bagama‟t nagbabago ang panahon, dapat paring tandaan na ang Pilipinas ay isang pang-agrikulturang bansa na kung saan sa taniman kumukuha ang mga mamamayan nito ng ikinabubuhay.

4. Isulong ang turismo ng bansa upang makalikha ng trabaho para sa lokal na mamamayan. Ang Hotel and Restaurant Management (HRM) ay pangalawa sa kursong kinukuha ng mga kabataan ngayon. Dahil dito, maraming nakapagtapos ng kursong ito na akma naman sa trabahong maiibigay ng turismo ng bansa. 5. Dapat tanggalin ang “lakasan-system” ng mga kumpanyang pampribado at lalong-lalo na sa ahensya ng gobyerno na kinaugalian na nito sa pagtanggap ng aplikante. Isa itong dahilan kaya‟t nagkakaroon ng „di tugma sa trabaho at kursong natapos. Ang isang kwalipikado sa isang trabaho ay hindi mabibigyan ng tyansa para makapaglingkod at maipakita ang kahusayan nito. Kaya‟t hindi nakakapagtaka na hindi umuunlad ang Pilipinas dahil marami ang mga ito ay nasa posisyon sa gobyerno. 6. Dahil sa mahigpit na kumpetisyon sa paghahanap ng trabaho, mas maganda kung mag negosyo. Nandiyan ang iba‟t-ibang kooperatiba ng lokal ng gobyerno at pampribadong sektor na makakatulong sa pagpapatayo ng isang negosyo. Sa ganitong paraan, natutulungan ng isang mamamayan hindi lamang ang sarili pati narin ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay trabaho sa kapwa mamamayan.

Bibliografi Aklat De Leon, Hector S., Textbook on the Philippine Constitution. Manila: Rex Book Store, Inc., 2005. Pahayagan Lopez, Edu “How to Become Competitive in Educaton Services”, Manila Bulletin. Vol. 416 (16), August 16, 2009. Syjuco, Augusto “The Technical Vocational Profession: The Path Less Travelled is Now Getting a Second Good Look”, Manila Bulletin. Vol. 454 (24), October 24, 2010. Tubeza, Philip C. “Education: What Matters Most”, Philippine Daily Inquirer. Vol. 24 no. 173, June 1, 2009. Internet Domingo, Estrella V. (2008). Pinoy Graduates: Wither Thou Goeth?.

http://www.nscb.gov.ph/headlines/StatsSpeak/2008/031008_pinoy_graduates.asp. Gavina, Jason C. (2007). Educational Reform and Employment Opportunities. http://www.cipe.org/programs/women/EssaysForWeb/Gavina.pdf. Guevarra, Coleen, et al. (2010).Pagtratrabaho na Taliwas sa Tinapos na Kurso sa Kolehiyo. http://hacogatrimanne.blogspot.com. Jabueguero, Rose A. at Jerry V. Pua (2011). Hanap-buhay.

http://www.varsetarian.net/filipino/batingawan/hanap_buhay. Jaymalin, Maylen (2012). DOLE: 4 Million Overseas and Local Jobs Await Jobseekers in 2012.

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=767072&publicationSubCategoryId =63. Lagrama, Diane (2010). Bakit Patuloy ang Kahirapan sa Pilipinas.

http://www.scribd.com/doc/37623694/Bakit-Patuloy-ang-Kahirapan-sa-Pilipinas. Kaimo, Jillian Christine C., et al. (2009). Baha sa Nursing.

http://www.bahasanursing.wordpress.com/. Marcelo, Pepper (2011). After College, Now What?.

http://www.pacificbridge.com/publication.asp?id=10. Miguel, Jose (2012). Number one problem in the Philippines.

http://wiki.answers.com/Q/Number_one_problem_in_the_Philippines. Padilla, Arnold (2010). A Radical's Nut: Notes on Philippine Economy and Politics on College Graduates and the Labor Market.

http://arnoldpadilla.wordpress.com/2010/03/27/on-college-graduates-and-thelabor-market/. People‟s Journal (2011). Course correction.

http://www.journal.com.ph/index.php/news/editorial/20393-course-correction. Quodala, Schatzi (2011). 2011 Labor Statistics in the Philippines.

http://www.adlsu.com/2011/05/01/2011-labor-statistics-in-the-philippines/. Ramota, Carl Marc (2005). Maids Work to Teach, Teachers Work as Maids. http://bulatlat.com/news/5-11/5-11-maids.htm. Remollino, Alexander Martin (2006). Call Center Jobs: Hope for the Unemployed?. http://pinoytambay.blogspot.com/.

Tullao, Tereso S. Jr. at Jhon Paolo R. Rivera (2008). The Impact of Temporary Labor Migration on the Demand for Education: Implications on the Human Resource Development in the Philippines. http://www.eadn.org/tullao_phil.pdf. Villafania, Nenet L., Bilang ng mga Walang Trabaho Lalong Lumolobo, 2011. http://www.remate.ph/2011/05/bilang-ng-mga-walang-trabaho-lalong-lumolobo/. http://www.indexundi.com/Philippines/population.html. http://www.nationmaster.com/country/rp-philippines/edu-education. http://www.scribd.com/doc/46202560/Siliraning-Kinakaharap-ng-atingBansa%E2%80%9CUnemplyment%E2%80%9DDapat-Bigyang-Pansin-Pananaliksik.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->