You are on page 1of 4

Rizal bilang mangingibig Julia >nagkakilala noong Abril 1877 sa ilog Dampalit, Los Banos,Laguna >16 years old

pa lang si Rizal >nagpakitang gilas si Rizal sa pamamagitan ng paghuli ng paru-paro >paghanga lang ang naramdaman ngunit itoy biglang nawala Segunda Katigbak >dalagang taga-Lipa Batangas >16 years old si Rizal at 14 years old naman si Segunda nang magkakilala ang dalawa (unang taon ni Rizal sa UST) >unang pag-ibig (puppy love lamang) >nagkakilala sa bahay ng lola ni Rizal sa Trozo, Maynila. >si Rizal at ang kapatid ni Segunda na si Mariano ay magkaibigan habang si Olympia at Segunda ay ganun din. >nagpakitang gilas sa pamamagitan ng paguhit niya sa dalaga at pagbibigay ng papel na bulaklak >binibisita siya ni Rizal sa Kolehiyo ng La Concordia >naipagkasundo kay Manuel Luz na kanayang kababayan. >Dis. 1877- huling pag-uusap; Binisita ni Jose si Segunda sa kolehiyo ng La Concordia upang magpaalam dahil aalis siya patungong Calamba at si Segunda patungong Lipa. Leonor Valenzuela >Orang (nickname) >taga-Pagsanjan >ikalawang taon ni Rizal nang pagkakilala >nangupahan si Rizal kay Dona Concha Leyba sa Intramuros na kapit-bahay ni Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela. >binibigyan ni Rizal ng liham na nakasulat sa hindi makitang tinta (invisible ink) na tanging init ng kandila o lampara ang paraan upang mabasa ito. >tutol ang ama ni Rizal sa kanilang relasyon >Bago umalis si Rizal patungong Espanya ay nagpaalam muna ito sa dalaga Leonor Rivera >unang mature love >18 years old si Rizal at 12 years old naman si Leonor ng silay magkakilala > pinsan na taga-Camiling; anak ni Antonio Rivera >isa ring estudyante sa KOlehiyo ng La Concordia > TAIMIS ang inilalagdang pangalan ni Leonor upang maitago ang kanilang relasyon > Tutol ang ina ni Leonor sa kanilang pag-iibigan dahil itinuturing na filibustero si Rizal > kasintahan sa loob ng 11 na taon >Nang nasa Madrid noong Dis. 1890 nakatanggap si Rizal ng liham mula kay Leonor na nagsasabing ikakasal siya kay Henry Kipping isang inhinyerong ingles Consuelo Ortiga y Rey / Consuelo Ortega y Perez >anak ni Don Pablo >nakilala sa Madrid > Agosto 22, 1883 ng handogan ni Rizal si Consuelo ng isang tulang may pamagat na A La Senorita C.O.y.P >lumayo si Rizal dahil sa kasunduan nila ni Leonor at dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete na umiibig din sa dalaga >binibigyan siya ng romantikong berso O-Sei-San >nakilala ni Rizal sa Japan ng maglakbay nito at manirahan sa bansa ng 45 araw. >Seiko Usui ang tunay na pangalan; 23 years old at 27 naman si Rizal >nagkita sa Legasyong Espanyol sa distrito ng Azabu ng Tokyo >hinihintay ni Rizal sa labasan ng Legasyon kasama ang hardinerong Hapon >nag-uusap sa lengguwaheng Pranses at Ingles > Hilig sa sining ang naging susi sa kanilang pag-iibigan >naging tagasalin, guro at gabay ni Rizal >muntik ng manirahan si Rizal sa Japan dahil kay O-Sei-San >1897- ikinasal siya kay G. Alfred Charlton, isang ingles na guro ng kimika sa Peers School sa Tokyo. >nagkaroon ng anak at pinangalanang Yuriko >namatay sa edad na 80 noong Mayo 1, 1947 Gertrude Beckett >17 years old siya ng makilala si Jose > pinakamatanda sa magkakapatid na Beckett(3 sisters) > ingles na dalaga na may asul na mata >Gettie at Pettie ang tawagan nila > umalis patungong Paris si Rizal noong Marso 19, 1889. >iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag-iibigan. . Nellie Boustead >niligawan ni antonio luna >Nakilala ni Jose si Nellie sa Biarritz kung saan ay naging panauhin siya sa Villa Eliada. >inalok ng kasal >Hindi tinanggap ni Nellie ang kasal dahil hindi pumayag si Jose na magpalit ng relihiyon na Katolisismo upang maging Protestantismo at tutol ang ina ng dalaga sa relasyon nila ni Rizal. >naghiwalay sila bilang mag kaibigan. Suzanne Jacoby >1890 umalis si Rizal sa Paris at lumipat sa Brussels kung saan mas mura ang mga bilihin at pamumuhay > Sa Brussels tumira siya sa paupahan ng Jacoby sisters >pero umalis muli si Rizal Josephine Bracken >isinilang noong Okt. 3, 1876 > Irlandes na 18 taong gulang ng mapunta sa Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahang si george taufer kasama si Manuela Orlac >isang buwang pagliligawan nauwi sa hangad ng pagpapakasal > Padre Obach ay tumangging ikasal sila dahil wala silang permiso mula sa Obispo ng Cebu >nagalit ang si G. Taufer kaya nagtangka itong gilitin ang lalamunan(hindi natuloy) > Nagtungo na sa Hong Kong si G. Taufer ng mag-isa at naiwan si Josephine sa Maynila na pansamantalang nakituloy sa pamilya ni Rizal. >Si Narcisa ang naging kaibigan dahil lahat ng nasabahay ng Rizal ay inaakalang espiya siya ng Espanya (Spanish friars) >1896 nabuntis si Josephine ngunit dahil kulang ang buwan (8) ng pagkasilang 3 oras lang ang itinagal ang batang Francisco sa mundo. > Pagkaraang mabaril si Rizal napangasawa ni Josephine si Vicente Abad noong Dec. 15, 1898.

Binibining L >si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal na si Jacinta Ibardo Laza. Nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni Rizal. Madalas dalawin ni Rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay segeunda katigbak lamang. Natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama.

Julia nakilala ni rizal noong abril 1877.Nakilala sya ni rizal sa ilog dampalit, losbanos, laguna.labing anim na taon si Rizal ng makilala ang dalagita. sa pagkakatayo ni rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mga ulo. isang magandang dalagita ang nakita ni rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. ang dalagang narinig ni rizal na nagngangalang julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro bago umuwi ng kanilang bahay. dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si rzal sa paghuli sa paru paro ngunit nakawala ang paru paro. sinikap nyang makahuli ng paru paro at ibinigay ito sa dalaga. nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag lola sa kanilang bahay sa los banos laguna. subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-lipa, batangas. Segunda Katigbak 16 taong gulang si Rizal nang maranasan niyang umibig. Ang unang pag-ibig niya ay si Segunda Katigbak. Una silang nagkita sa tahanan ng kanyang lola sa Trozo,Maynila. Sinamahan siya ng kanyang kaibigan na si Mariano Katigbak. Una niyang napuna ang kagandahan ni Segunda at dahil alam ng mga bisita na magaling sa pagguhit si Rizal ay iginawa niya ng larawan si Segunda. Higit na umigting ang damdamin ni Rizal para sa dalagang 14 taong gulang dahil sa linguhang pagbisita nito sa Kolehiyo ng La Concordia kung saan nangungupahan ang kapatid na si Olympia na malapit na kaibigan ni Segunda. Ang uri ng pag-ibig na naramdaman ni Rizal as isang puppy love at pag-ibig sa unang tingin. Ngunit alam niya na wala itong patutunguhan dahil naipagkasundo na ang dalaga sa kababayan na si Manuel Luz. Huli silang nag-usap noong Disyembre 1877. Binisita ni Jose si Segunda sa kolehiyo ng La Concordia upang magpaalam dahil aalis siya patungong Calamba at si Segunda patungong Lipa. Umaasa ang dalaga na hihingin ni Rizal ang puso nito ngunit hindi niya ginawa dahil sa hiya at ang nasabi na lang ay magkikita pa naman sila kapag dadaan siya sa Calamba. Nang makauwi si Rizal sa Calamba nabatid niyang hindi dadaong ang barkong sinasakyan ni Segunda sa Calamba dahil malakas ang ihip hangin sa halip ay ititigil ito sa binan. Agarang umalis si Rizal at sa kalsada naghintay. Isang parada ng mga karomata mula Binan ang nagdaan at kasama roon si Segunda. Umurong ang dila ni Rizal sa halip na umamin sa nararamdaman ay itinaas ang sombrero. Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa mawala. Bumalik sa Lipa si Segunda at kalaunay nagpakasal kay Manuel Luz. Leonor Valenzuela Isang babaeng taga- Pagsanjan ang napusuan ni Rizal. Ikalawang taon na niya sa UST ng mangupahan siya kay Dona Concha Leyba sa Intramuros na kapit-bahay ni Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela. Niligawan niya ito at pinadadalhan ng liham ng pag-ibig na nakasulat sa tintang hindi makita (invisible ink). Ang tintang ito ay gawa sa asin at tubig. Upang itoy Makita kailangan itong painitan sa kandila o sa lampara. Ngunit katulad ng naunang pag-ibig itinigil ni Rizal ang panliligaw. Bago umalis si Rizal patungong Espanya ay nagpaalam muna ito sa dalagang si Orang(nickname). Leonor Rivera Ang unang mature love ni Jose Rizal ay si Leonor Rivera na kanyang pinsan na taga-Camiling. Ikatlong taon na niya sa UST nang tumira siya sa Casa Tomasina sa Blg. 6 Kayle Santo Tomas, Intramuros kay Tiyo Antonio Rivera. Si Leonor Rivera ay isa ring estudyante ng Kolehiyo ng La Concordia kung saan nag-aaral din si Soledad. Nabuo ang pag-ibig nila para sa isat isa. Nagbibigayan sila ng mga liham at TAIMIS ang inilalagdang pangalan ni Leonor upang maitago ang kanilang relasyon. Tutol ang ina ni Leonor sa kanilang pag-iibigan dahil itinuturing na filibustero si Rizal kung kayat ang lahat ng liham na ipinadadala ni Rizal para sa dalaga ay itinatago ng ina. Kaya namany inakala ni Leonor na nakalimutan na siya ni Rizal na kasintahan sa loob ng 11 na taon. Nang nasa Madrid si Rizal naisipan nilang manood sa teatro Apolo sa kasamaang palad nawala ang gintong relos ni Rizal na may laket na kinalalagyan ng larawan ni Leonor. Mistulang masamang panitain ito, noong Dis. 1890 nakatanggap si Rizal ng liham mula kay Leonor na nagsasabing ikakasal siya kay Henry Kipping isang inhinyerong ingles. Consuelo Ortiga y Rey / Consuelo Ortega y Perez- (Anak ni Don Pablo) Nang nasa Madrid si Rizal nakatagpo niya si Consuelo. Noong Agosto 22, 1883 ay naghandog ng isang tula si Jose para sa dalaga at ang pamagat ng tula ay A La Senorita C.O.y.P. Naging masaya si Rizal kasama si Consuelo ngunit lumayo ito dahil sa kasunduan nila ni Leonor Rivera at dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Eduardo de Lete na umiibig din sa dalaga. Sa banding huli nagpakasal si Consuelo kay Eduardo. O-Sei-San (45 na araw sa Japan pupuntang Espanya) Si Seiko Usui ay 23 taong gulang na anak ng isang samurai ng makilala niya si Jose na 27 taong gulang noon.Nang nasa Japan ay tumuloy si Rizal sa Legasyong Expanyol sa distrito ng Azabu ng Tokyo at napuna kaagad ni Rizal ang ganda ng isang babae. Hindi niya alam kung paano ito makilala kaya naman nagtanung-tanong siya sa mga empleyado ng legasyon at natuklasan na Seiko Usui ang pangalan ng dalaga. Tuwing hapon ay matiyagang nagaabang si Rizal sa labas ng legasyon kasama ang hardinerong Hapon upang maging tagapagsalita dahil hindi pa niya gaanong natututunan ang wikang hapon. Natuwa ang dalaga kay Jose kaya sinagot niya ito sa wikang ingles at nagpatuloy ang usapan gamit ang wikang ingles at pranses. Dahil ngat tuwing hapon ay dumadaan ang binibini sa Legasyon madalas silang magkita at mag-usap ni Jose. Hilig sa sining ang naging susi sa kanilang pagiibigan. Ang kahanga-hanga sa relasyon nila ay hindi lang kasintahan si O-Sei-San ngunit nging tagasalin, guro at gabay siya ni Rizal. Dahil sa sobrang ligayang nararanasan ni Rizal muntik ng manirahan sa Japan ang binata ngunit mas nangibabaw ang umaalab na pag-ibig niya para sa bayan. Nang umalis si Rizal sa Japan naiwang bigo sa pag-ibig si O-Sei-San. Makalipas ang isang taong ng pagbitay kay Rizal (1897) ikinasal siya kay G. Alfred Charlton, isang ingles na guro ng kimika sa Peers School sa Tokyo. Nagkaroon sila ng anak at pinangalanang Yuriko. Ilang taon din ang nakalipas at binawian ng buhay si Charlton noong Nob. 2,1915. At noong Mayo 1, 1947 namatay naman si O-Sie-San at inilibing katabi ng puntod ng asawa. Habang ang anak ay masaya kapiling ang asawang si Yoshiharu Takiguchi. Gertrude Beckett (17 years old) / Gettie Umibig si Rizal kay Gertrude na pinakamatanda sa magkakapatid na Beckett. Isa siyang ingles na dalaga na may asul na mata. Gettie ang tawag ni Rizal kay Gertrude at Pettie naman ang kay Rizal.Ngunit bago pa man lumalim ang kanilang samahan ay lumisan patungong Paris si Rizal noong Marso 19, 1889. iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag-iibigan. . Nellie Boustead (niligawan ni antonio luna) Nakilala ni Jose si Nellie sa Biarritz kung saan ay naging panauhin siya sa Villa Eliada. Niligawan niya ito at napasagot at inaluk ng kasal. Hindi tinanggap ni Nellie ang kasal dahil hindi pumayag si Jose na magpalit ng relihiyon na Katolisismo upang maging Protestantismo at tutol ang ina ng dalaga sa relasyon nila ni Rizal. Hindi man naging maganda ang kinalabasan ng relasyon nila ay naghiwalay sila bilang mag kaibigan. Suzanne Jacoby Nilisan ni Rizal ang Paris at nagtungo sa Brussels noong 1890 dahil sa mahal ang pamumuhay doon. Sa Brussels tumira siya sa paupahan ng Jacoby sisters. Sa mga panahong iyon nabuo ang pagmamahal nila ngunit kailangan ni Rizal na lisanin ang Brussels kaya naman sorbang ikinalungkot ni Suzanne ang pag-alis nito. Josephine Bracken-(isinilang noong Okt. 3, 1876) Nagkakilala si Josephine at Rizal sa Dapitan sa kalagitnaan ng kalungkutan ni Rizal dahil sa pagpanaw ni Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893.Si Josephine ay isang Irlandes na 18 taong gulang ng mapunta sa Dapitan upang ipagamot ang mata ng kanyang ama-amahang si george taufer kasama si Manuela Orlac. Sa unang pagkikita ay nabighani na si rizal kay josephine at ganoon din si joephine kay rizal. Sa loob ng isang buwang pananatili ni G toufer at josephine ay nagpasya si rizal na pakasalan si josephine. Ngunit ang Padre sa Dapitan na si Padre Obach ay tumangging ikasal sila dahil wala silang permiso mula sa Obispo ng Cebu. Nang malaman ng ama amahan ni Jasephine ang kanilang plano ay nagalit ito kaya naman nagtangka itong magpakamay sa pamamagitay ng paggilit ng lalamunan ngunit napigilan ito ni Rizal. Upang wala ng ganitong pangyayari ay sinamahan ni Josephine si G. Taufer sa Maynila, hindi nagamot ang pagkabulag nito dahil wala ng lunas ang sakit na tumama sa kanya, ito raw ay sanhi ng sakit sa babae. Nagtungo na sa Hong Kong si G. Taufer ng mag-isa at naiwan si Josephine sa Maynila na pansamantalang nakituloy sa pamilya ni Rizal. Kinalaunan ay

bumalik din ito sa Dapitan. Kahit na walang kasalang naganap ay para sa kanila iisa na kanilang puso. 1896 nabuntis si Josephine ngunit dahil kulang ang buwan (8) ng pagkasilang 3 oras lang ang itinagal ang batang Francisco sa mundo. Pagkaraang mabaril si Rizal napangasawa ni Josephine si Vicente Abad noong Dec. 15, 1898. Binibining L si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal na si Jacinta Ibardo Laza. Nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni Rizal. Madalas dalawin ni Rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay segeunda katigbak lamang. Natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama.