SANTILLAN, POLL ANTHONY R. (jinette_26@yahoo.

com)

Bakla Bakla.....bakit nga ba ganoon na lang ang paningin sa kanila ng karamihan? Mga BULOK at SALOT ng lipunan; mga sakit na hindi matanggal-tanggal at hindi na kailanman matatanggal pa. Namumuhay kasi ang lahat sa mundong umiikot lamang ang KAGANDAHAN, hindi ang KAMALIAN, KAPUSUKAN, at hindi ang KAGALINGAN. Tamang-tama lang ang mundong PERPEKTO at ayaw tumanggap ng kahit konting DEPEKTO. Ganito.....ganito ang mundong ginagalawan ng lahat. Madaling tanggapin ng mga ito ang mga KUTYA at LAIT sa kanila, madali silang MA-UTO ng tadhana. Kahit ano nga ay tatanggapin nila, SUSUNGGABAN nila para matamo lamang ang RESPETO at PAGTANGGAP sa kanila ng lipunan, kahit ang katumbas pa nito’y ang KAHIHIYAN na binibigay nila sa mga sarili nila. Dapat ba o di dapat itakwil ang mga BAKLA? Ngayon pa ba ninyo itatakwil ang mga bakla. Ngayon na marami na silang naipapamahagi’t naitutulong sa lipunan. Sa ngayon, marami nang mga bakla ang nagsisilbing katulong sa pagpapayabong sa lipunan, marami sa kanila’y PROPESYUNAL na maituturing. Parang kay liit nila kung inyong nilalait at kinukutya ngunit sila’y may angking talino’t talento na wala sa iba. Karamihan sa kanila’y propesyunal na doktor, inhinyero, fashion designer, nars,

abogado, guro, at kung anu-ano.
Ang mga bakla’y katanggap-tanggap sa lipunan dahil sa mga naaambag ng mga ito. Hindi ba’t mas nakakahiya yong mga taong ni isang aksyon ay hindi maibigay upang tulungan ang kumunidad o lipunan? Hindi ba’t mas nakakahiya yong mga taong sarili nilang kapamilya’y kinakahiya nila? Kahit ano pa o sino pa ang isang taong kapamilya mo, ikaw dapat ang unang umunawa at tumanggap sa kanila dahil kung ikaw man ang itakwil ng sarili mong pamilya’y magugustuhan mo kaya? O ano, itatakwil mo ba ang mga BAKLA? Kaya mo ba? Tao rin sila’t nasasaktan, may puso’t dumurugo kung nasusugatan, nilalait at nakukutyaban. Ano ba ang mayroon sa iba na hindi matatagpuan sa kanila? Hindi mo man napapansin sa kanilang mga mukha, isipin mo na nasasaktan din sila sapagkat lahat naman ay nakararanas ng matinding pagluluksa. Eh kung ito rin ang gawin nila sa iyo. Kaya mo ba’t matitiis mo ba? Base nga naman sa isang kasabihan. Wag mong gawin sa iba, ang ayaw

mong gawin nila sa iyo......

AVOID PLAGIARISM

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful