You are on page 1of 4

Jerico F.

Austria I-sampaguita

Talambuhay ni Dr.Jose P. Rizal

Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. Asawa at mga naging kasintahan ni Dr. Jose P. Rizal Ang naging asawa nya ay si josephine bracken. Segunda Katigabak unang kasintahan ni Dr. Jose P. Rizal Leonor Valenzuela - mula sa Pagsanjan Leonor Rivera kasintahan ni Rizal sa loob ng 11 na taon; ayaw ng ina ni Leonor kay Rizal dahil sa pagiging pilibustero Consuelo Ortiga - tinigil nya ang kanilang relasyon upang maging tapat kay Leonor Rivera at para hindi masira ang pagkakaibigan sa lalaking may gusto rin Kay Consuelo O Sei San - anak ng samurai; matapat si Rizal sa bansa kaya hindi sila nauwi sa pagpapakasal Gertrude Beckett - mula sa London Nellie Boustead - ayaw ni Rizal maging Protestant at ayaw rin ng ina ni Nellie sa isang doktor *with not enough paying clientele* Suzanne Jacoby - tumira si Rizal sa boarding house ng mga Jacoby sa Brussels Josephine Bracken - isang Irish; pumunta siya sa Dapitan kasama ang amaamahan na magpapagamot sa mata kay Rizal Tungkol sa pangalan ni Rizal Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang katibayan ng kapanganakan at Jos Rizal Mercado y Alonso o simpleng Jos Rizal Mercado (ayon sa mga panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang kapatid na si Paciano Rizal Mercado, pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na paring si Jos Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging Jos Protasio Rizal (rizal = luntian), pinaikling Jos Rizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention [to our second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of an illegitimate child!" ("Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwang apelyidong Rizal], ngunit ngayon'y kailangang kong gamitin ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak sa labas!)

Mga akda Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896. Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp. Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel. Mga pamanang-lahi Si Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Ang kanilang mga mithiin: 1. na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya; 2. na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlamento); 3. na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino; 4. kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag; 5. pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila. lopez jaina Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng

isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig. Pagbitay, kamatayan at pagka-martir Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan. Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong Disyembre 30, 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan. Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng alasiyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...) Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultor escoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."