You are on page 1of 8

ONE SHOT STORY Crush or Love?

By: Wave

Matalino

Yan ang salitang madalas sinasabi at tingin ng mga classmate ko sa college.... 'Kahit hindi ka na magreview for exam okay lang matalino ka naman' 'tsk. kaw na matalino' 'ayy hindi daw nag aral tapos nakatsamba ng isang mali sa exam?'

Hinid po talaga ako matalino...masipag OO its two different words naman diba... Ako nga pala si Leen Zaranta... 17 years old and second year masscomm student Kung tinatanong nyo po kung single ako... well yeah.. for almost five years na. Bata ko pa nun para mag BF pero nagkaBF ako at take note legal kami..that's my way for my parents to know that I'm against them... Bakit?? family problems... Nakakainis paulit ulit tataas kasi pride nila pareho..anyway yun nga sa college I promise to myself na hindi ako magkaka BF ulit dahil lang sa ganun..gusto ko dahil may LOVE na...

First day of classes...

Syempre wala akong kilala kasi from batangas lumipat ako ng Manila... Tingin tingin lang sa tabi tabi hanap gwapo hahaha kaso wala..tsk sayang..

Then my nag pass na guy sa harapan ko.. Okay..cute sya pero pigil sarili ko..I hate cute guys na..before kasi nagkacrush ako sa isang cute guy and then what? Niligawan ako para lang makalapit sa best friend ko tsk..saklap diba..such a user...

The next day... aga ko pumasok.. ayaw ko maipit sa traffic eh pero T_T I hate waiting talaga.. sige lang ginusto ko to eh.. Atleast di na ako male-late at... at si cute guy again nakita ko..grabe parang mas cute sya ngayon? hahaha pero dedma pa rin natural ganyan talaga.. pero 1 week later lagi ko pa rin sya nakikita minsan nga nagkakasabay pa kami sa hagdan..opo nakahagdan lang ang room nya second floor kami 5th floor oh diba pahirapan sa pag-akyat (-_)

Tapos nainis na ako... kasi naman pag nakikita ko sya alam mo yung feeling na nagbablush ka? Oo ramdam ko yun... kaya super iwas na talaga ako... kaya sabi ko pag sya nakita ko pa rin bukas sya na gagawin ko crush..aba. mahirap ata mag-aral ng walang inspirasyon...

Syempre nakita ko naman sya... Okay sya na crush ko..sya na..sya na talaga.... at take note dali kuha kayo note hahaha.... Dean's lister sya ng course nya which is IT.... Napatayo ako nung tinawag name nya sa stage... diba hiya much ako feeling lang ako eh?

Prelims week....

"Leen ano tinitingnan mo jan?" tanong ni charise..new friend ko sya together with Ivy and Veronica...

"Tinitingnan ko lang sched ni Mr. Anime"

Bakit anime??? eh kasi naman nasa kanya na lahat ng type ko sa isang guy..super perfect to exist..tsk..at minsan kung pumorma sya parang yung mga silent type sa anime... yung mga cool type na kala mo walang paki sayo yun pala lagi ka rin nya tinitingnan..

"Ayyy mala stalker ka na jan ah. Panu mo nalaman year nya?" --ivy

"Well, lagi ko kasi sya nakikita... kabisado ko na nga yung time and place kaya kinonek ko sa sched ng mga IT students..at ayun nalaman ko second year na sya but I'm not sure if he's a reg o irreg student"

"Yun naman oh. pag matalino ka nga naman ang galing mag stalk" -- veronica

"Grabe ka ha..hindi naman..ayaw ko lang sya makita this exam..baka kasi di ako makakoncentrate"

"Crush? diba inspiration? hahaha palusot oh"

sabay siko ni Charise sa braso ko.. ang kukulit ng mga toh...

Seriuosly kapag nakikita ko sya pinangungunahan ako ng kaba ewan ko ba.. kapag dadaan sya halos naririnig ko ang heartbeat ko... at natitigilan ako sa kung ano ginagwa ko..

at kapag kami ang dadaan..... super turbo lakad ang ginagawa ko panu.. di ko mapigilang ngumiti..alangan namang ngumiti ako sa harap nya muntanga lang..

Sa canteen...

"May gf na daw ata yun..diba lagi may kasama pag nakikita natin" --veronica

"So? Crush ko lang sya..inspirasyon... Hindi ko naman aagawin grabe ka"

tapos dumaan sila..kasama nya yung GF daw nya sabi ni Veronica... at sa harap pa namin mismo umupo tsk..

Yun ang GF nya???? ang panget ha!

well hindi po ako pulaera...di naman ako maganda pero may taste pa rin ako kung maganda o panget ang isang girl

"true love tawag jan Leen" tatawa-tawang sabi ni veronica

"Salamat ha" sabay irap sa kanya

"True love ka jan? Gayuma sabihin mo" pagtataray ni Charise..

ayyy bitter? kaw na bitter hahah

muntikan pa nga ako lumapit sa kanila para lang makipagkilala pero the more nakikita ko sila..naiingit ako..ang sweet nila..bawal PDA sa school pero kitang kita yung care nila sa isa't isa.. No.. exaggerated lang siguro talaga ako..

besides hindi pa naman confirm na sila na... yun nga lang hindi ko alam kung paano aalamin ng hindi sya magdududa..

P.E. class

Favorite subject ko..bakit? well magkasunod lang naman ang klase nila sa amin..at dahil alam kong maaga sya pumasok... nagpapahuli ako sa gym para makita sya at damaya ng tropa ko dun...

"Sige kuha kayo ng partner then check natin yung pulse rate nyo pag nasa rest mode kayo"

Si Charise agi partner ko..mas close kami eh. "Sino muna ikaw o ako?"

"Ikaw muna kukunan ko ng pulse rate kasi mamaya dumating si Mr. anime mawala ako sa concentration"

"hahaha adik. sige"

"47 lang per minute? sure ka?"

"Hindi hahahha sige ulitin natin"

"Ayusin mo na yan... nakakagulat ang lumalabas parang dapat 60-70 pag rest diba?"

"Ayun oh..62 per minute hehe"

"Sige ikaw naman"

naka smile pa ako habang pinupulsuhan niya ako ng biglang dumating na si Mr. Anime...

with his GF daw at dalawang guy friend...

May tao sa unahan ko sao pasilip silip lang ako sa kanila..

sheeeeeeeeez ang gwapo nya!!!! naka white sya at parang may black blazer ba..argh!!!

"Leen.... Leen!!!!"

"Ayy ano ba?!"

"Anong nagyayari sayo? bigla bumilis pulse rate mo"

"ha? ah-- ano kasi .. naalala ko yung exercise ko kanina hahaha"

"Ano connect?"

"Ahh anu.. baka.. sige na nga ulitin mo"

inulit nya ulit yung pulse rate ko.. tapos after 1 minute..

"73 per minute"

"Anooooooooooooo?! diba 60-70 lang daw? daig ko pa ang nag exercise ngayon ah"

"Bakit ako tinatanong mo? ikaw itong mabilis ang pulse rate jan eh"

so that means bumibilis talaga ang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya??

tumingin si Charise sa direksyong tinitingnan ko... nakaupo kasi sa dulo ng Gym si Mr. Anime at classmates nya...

"Ahhh..kaya pala..."

"ha? anong-- ahh wala..halika ka na.. nagugutom na ako"

"So ngayon mo lang napansin na nag dismiss na si sir?"

"H-hindi ah... Tara na gutom na ako..asan na ba yung dalawang yun??"

goooooosh bakit kasing bilis ng heart beat ko ang oras? haaaaaaaaaaaaaaayyyyyy

1 year later...

after 1 year ko pa nalaman na american sya.. just don't know if half or full time big time..

kala ko kasi korean dahil ng hairstyle

haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

ayun schoolmate ko pa din sya at lalo syang nagiging cute pag nakikita ko...sad lang hanggang tingin na lang ako pero itong mga sira ulo kong classmate nag start ng lokohin ako pag dumadaan sya...at kumakanta pa sila..

"hey she just met you... and she's leen zaranta..here's her number..call her maybe"

paulit ulit lang yan..

I dont know if nakakahalata sya..

pero sana hindi....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------By the way... bitin ba kayo? click the external link for more.. same story pero iniba ko lang ang name and yun po yung complete detail ng love story ng crush or love?

Vote if you like it

drop comments

leave message

all accepted and appreciated <3