You are on page 1of 2

ANYONG LUPA:

Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Bundok isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. Bulkan isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbwa nito ay ang bulkan ng Pinatubo. Burol higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tagaraw ay nagiging kulay tsokolate. Lambak isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Talampas patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. Tangway isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig. Baybayin bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig.

ANYONG TUBIG: Karagatan-Ang pinakamalaking anyong tubig. Dagat- Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa Karagatan Ilog-Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa a itaas ng bundok o burol. Golpo-Bahagi ang golpo ng dagat. lawa-Isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.

Look-Tinatawag na look ang isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan. Bukal-Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Kipot-Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. Talon-Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok. Batis-Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos. Sapa-Maliit na anyong tubig. Kadalasang natutuyo pag tag-init.