You are on page 1of 52

Banal na Gawain

Nang Kanyang Banal na Pagpapala

Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip

Ng Kanyang Banal na Pagpapala

Sri Chaitanya Saraswat Math, Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia West Bengal, 741302,
India

Tinipon mula sa mga impormal na pakikipag-usap ng Tagapagtatag at Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math si SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEV-GOSWAMI MAHARAJ Sa ilalim ng pamamahala ng Kasalukuyang Acharyya si SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEV-GOSWAMI MAHARAJ

SRI CHAITANYA SARASWAT MATH,
Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dt. Nadia, W. Bengal, 741302, India

Unang Paglilimbag 1993 Ang lahat ng karapatan sa aklat na ito ay pag-aari ng Sevaite-Tagapangulo at Acharyya ng, Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip Isinalin ni Sri Mahananda Dasa Bhakti Ranjan Unang Inimprenta noong ika 8 ng Nubyembre, 1993 Ang Araw ng Banal na Pagdating ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Isinalin sa wikang Filipino ni Rupa Vilas Dasa noong ika 3 ng Marso 2007 Ang dakilang Araw ng ika 521 Taong Gaurabda, Ang Pagsapit ng Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu Inialay ng mga Filipinong deboto para sa kasiyahan ng Kanyang Banal na Pagpapala si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Inilimbag at Inimprenta Para sa: Sri Chaitanya Saraswat Math, Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia, West Bengal, PIN 741302, INDIA Sa mga taga lokal na nagnanais makipag-ugnayan sila ay maaaring sumadya, tumawag o kaya sumulat sa : SRI CHAITANYA SARASWAT MATH Philippines Sri Nama Hatta Center #66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 Tel. no. 436-6287 Cellphone: 0906-7681814 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com

MGA NILALAMAN
PAMBUNGAD
Banal na Pagbabago . . . . . . . .i

Unang Kabanata
Mga Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook . . .1

Ikalawang Kabanata
Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay . . . . .7

Ikatlong Kabanata
Ang Pagkilala sa Dibinidad . . . . . . . 11

Ikaapat na Kabanata
Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain . . . . . . 19

Ikalimang Kabanata
Ang Pinakadakilang Bendisyon . . . . . . 25

Pangwakas
Ang Pinakabanal na Gawain . . . . . . . 29

Dagdag Pahina I
Sri Rupa Manjari Pada . . .
.

.
.

.
.

.
.

. 33
. 37 . 39

Dagdag Pahina II
Ang May-akda at ang Kanyang Misyon

Paanyaya . . . Listahan ng mga Aklat

. .

. .

. .

. .

. .

. .

.40

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Ang Kasalukuyang Sevaite na Tagapangulo at Personal na Hinirang Ni Srila Govinda Maharaj upang Humalili bilang Acharya nang Sri Chaitanya Saraswat Math

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupada Paramahamsa-Parivrajakacharya-varya-Astottara-sataSri Srimad Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj Humaliling Acharya at Tagapangulo nang Sri Chaitanya Saraswat Math

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Si Om Vishnupada-Paramahamsa-Parivrajakacharya-varya-Astottara-satasri Srimad Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Ang Nagtatag at Unang Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupada Paramahamsa Parivrajakacharya varya-astottara-sata Sri-Srimad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Thakur Prabhupada Ang Maestrong Pang-Espirituwal ni Srila Sridhar Maharaj at Srila A.C. Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupada

Pambungad Banal na Pagbabago
Isang sipi mula sa Ikatlong Kabanata ng Jaivva Dharmma na sinulat ni Srila Bhaktivinoda Thakur [Sinalin sa Wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj]

Isang gabi, makalipas ang ilang oras matapos magdilim, mag-isang nakaupo noon si Sannyasi Thakur, habang umaawit nang Banal na Pangalan. Ito’y nakaupo noon sa isang maliit na tumpok ng lupa sa isang ilang na balag ng halamanan sa kagubatan ng Sri Godruma. Habang ito’y nakatingin sa dakong pahilaga, pumaimbulog ang kabilugan ng buwan, na naglahad nang di-mapapantayang kagandahan sa kabuuan ng Banal na Lupain ng Sri Nabadwip. Sa di-kalayuan, ay natambad ang Sri Mayapur. Napabulalas si Sannyasi Thakur, “Oh! Ano itong kagandahang ito? Isang napakasayang banal na lugar ang nakikita ko. May nakikita akong palasyo, templo, at mga lagusan, na pawang gawa sa mga mamamahaling hiyas. Ang kabuuan ng tabing ilog ay naiilawan dahil sa kanilang kinang. At naririnig ko, ang sabay-sabay na malakas na hiyawan nang Hari-nama Sankirttana mula sa iba’t-ibang lugar, na dumadagundong abot hanggang langit. At ngayon nama’y nakikita ko ang daan-daang deboto na kahawig ng ermitanyong si Narada ang nagpapatugtog nang kanilang vinas, habang sumasayaw at umaawit nang Banal na Pangalan. At sa ibang dako nama’y makikita ang maputing diyos ng mga diyos. Si Mahadeva, habang tangan-tangan nito ang kanyang tambol na Dambaru, at tumataghoy nang, “Oh Visvambhara, maawa po Kayo sa akin! Habang parang baliw itong nagsasayaw, at nagpapagulung-gulong sa lupa. At makikita din sa ibang dako, ang may apat na ulong Panginoong Brahma, na habang kasamang naka-upo ang mga Rishis na palaging umuusal nang mga panalanging Veda, ay umaawit naman ng Vedikong mantra, mahan prabhur vai purusah sattvasyaisah pravarttakah, sunirmmalam imam praptim isano jyotir avyayah.1 “Ang Panginoong Brahma naman ngayon ang nagbibigay nang kanyang transedental na paliwanag tungkol sa mantrang ito. At sa ibang dako, ang lahat ng mga diyus-diyosan na pinamumunuan ng Panginoong Indra ay naglulundagan at nagtatalunan, habang umaawit ng, ‘Jaya Prabhu Gaurachandra, Jaya Nityananda— purihin ang Panginoong Gaurachandra, purihin si Sri Nityananda!’ Samantala ang lahat ng ibon, na nakadapo sa mga sanga ng punong kahoy ay sabay-sabay na umaawit
1

Ang Supremong Katauhan ay si Mahaprabhu; Tanging Siya lamang ang Bukal ng ating kaalaman. Tanging sa pamamagitan lamang ng Kanyang pagpapala maaaring makamit ang busilak na katahimikan. Siya ang Pinaka-Suoremong Katauhan, ang Di-malulupig.”

i

nang, ‘Gaura-Nitai, Gaura-Nitai!’ At ang mga bubuyog, dahil sa pag-inom nang nektar ng Pangalan ni Gaura ay pawang nalasing, at naging abala sa kanilang pag-awit sa buong halamanan. Dahil sa kalasingan nito sa pagtikim nang Estatikong Pag-ibig kay Gaura na tumatagas sa lahat ng direksyon, inilatag naman ng Inang Kalikasan ang kanyang kagandahan sa lahat ng kapaligiran. Pagmasdan mo! Kahit sa araw ay wala pa akong nakitang ganitong bagay sa Sri Mayapur! Ano itong nakikita ko?” At pagkatapos nito’y naalala niya ang kanyang Banal na Maestro, “Panginoon, batid ko ng lubusan na ako’y iyong pinagpala dahil binigyan ninyo ako ng isang sagradong pananaw para makita ang Banal na Mayapur. Kaya magmula ngayon, ako’y lalabas sa mundo gamit ang isang pamamaraan bilang kasapi ng partido ni Sri Gaurachandra. Dito sa Banal na Lupain ng Sri Nabadwip ang lahat ay pawang nakakuwintas nang Tulasi sa leeg, at may tilaka na dekorasyon sa kanilang katawan ng mga Banal na Pangalan bilang mga palatandaan. Kaya, ganito din ang gagawin ko.” Matapos niyang sabihin ito, nawalan nang malay si Sannyasi Thakur. Makaraan ang ilang sandali, ito’y muling nagkamalay. Walang-dudang ito’y may malay, subalit hindi na niya nakita ang napakagandang pangitaing iyon. At ito’y tumangis, at nagwika, “Labis-labis akong pinagpala. Ako ay pinagpala nang aking Sri Guru, dahil napagmasdan ko ang Sri Mayapur Dham kahit sandali, pinagkalooban niya ako ng sagradong pananaw.” Kinabukasan, itinapon ni Sannyasi Thakur ang kanyang mayavada sannyasadanda sa may ilog. At ito ay nagtali nang tatlong paikot na butil ng Tulasi sa kanyang leeg at naglagay nang dekorasyon sa kanyang noo ng tilaka bilang palatandaan ng isang Vaishnava. At ito’y umawit at sumayaw nang “Hari! Hari!” Nang makita ng mga Vaishnavas sa Godruma ang kanyang bagong-silang na kaanyuan at nakakaakit na kasuotan, ito ay nagsipagbigay nang kanilang mga paggalang, at itinuring ito na higit na pinagpala. Medyo nahihiyang nagsalita si Sannyasi Thakur, “Walang-dudang tinanggap ko ang kasuotang ito ng isang Vaishnava, para higit na maging karapatdapat ako sa kanilang mga pagpapala, pero ngayon nama’y nalalagay ako sa balag ng alanganin. Dahil paulit-ulit kong naririnig ang talatang ito mula sa bibig ng aking Sri Gurudeva”: trnad api sunicena, taor api sahisnuna amanina manadena, kirttaniyah sada harih2 [Chaitanya-charitamrta, Anthya lila 20.21]
2

Kapag itinuring mo ang inyong sarili na masmababa pa kaysa sa damo sa lupa, higit na masmapagtiis kaysa sa isang puno, walang pinanghahawakang kahit anumang kahambugan, at handang mag-alay ng kanyang paggalang sa iba—ikaw ay patuloy na makapag-uusal ng Banal na Pangalan.

ii

“Kaya ngayon, anong kapalaran ang maghihintay sa akin kapag ang mga Vaishnavas na ito na itinuturing ko mismo na aking mga Guru ang siya namang nagaalay ng kanilang mga paggalang sa akin?” Habang siya’y nasa ganitong kamalayan, pumunta ito kay Paramahamsa Babaji at nag-alay nang kanyang nakadapang paggalang. Naka-upo noon si Babaji Mahasaya sa ilalim ng mga balag ng baging na Madhavi habang nagdarasal nang Banal na Pangalan. Nakita niya ang ganap na nagbagong kaanyuan ni Sannyasi Thakur, at ang puso nitong namumukadkad sa pag-ibig sa Pangalan, at niyakap ni Babaji Mahasaya ang kanyang disipulo, at pinaliguan ito nang kanyang mga luha. At kanyang sinabi, “O Vaishnava Dasa, ngayon , ang aking ambisyon ay nagkaroon na nang katuparan dahil nadampian ko na ang iyong pinagpalang katauhan.” Dahil sa mga pananalitang ito, ang dating pangalan ni Sannyasi Thakur ay naglaho na. Ito’y naging si “Vaishnava Dasa’ na. Dahil narating na nito ang isang napakahalagang katayuan, isang bagong buhay. Ang kanyang dating kasuotang ermitanyong mayavadi, ang kanyang mapagmataas at palalong katawagan at mga titulo ng ganoong kaayusang sannyasa, at ang kanyang kahambugan---ang lahat ng ito ay pawang naglaho na. Isang hapon, maraming Vaishnavas mula sa Sri Godruma at sa Sri Madhyadwip ang bumisita noon sa Sri Padyumna Kuñja para magbigay nang kanilang mga paggalang kay Paramhamsa Babaji Mahasaya at ito’y nais din nilang makaharap. Lahat sila’y palibot na nakaupo sa kanyang harapan, habang umaawit nang Banal na Pangalan sa kanilang pandasal na butil na Tulasi. Ilan sa kanila ang lumuluha, at nananawagan, “Ha Gauranga, Nityananda,” o kaya umaawit nang, “Ha Sitanatha,” o kaya ng, “He jaya Sachinandana.” Ang ibang Vaishnavas ay nakikipagtalakayan tungkol sa mga espirituwal na bagay. Ang mga bumibisitang Vaishnavas naman ay umiikot sa Banal na punong Tulasi, at nag-aalay nang kanilang mga nakadapang paggalang sa mga naninirahang Vaishnavas. Kasabay nito’y umikot din si Vaishnava Dasa kay Sri Vrndadevi, at inihagis ang kanyang sarili sa alikabok likha ng mga paglalakad nang mga Vaishnavas na ito. Ito ay napansin nang ng ibang deboto, at ang mga matataas at mga iginagalang na Vaishnavas ay napabulalas, “Huwag mong sabihing siya si Sannyasi Thakur—ito’y isang kahanga-hangang pagbabago!” Sa harap nila’y nagpagulong-gulong si Vaishnava Dasa sa lupa. Ito’y pinakiusapang magsalita, at ganito ang kanyang sinabi, “Ngayon, nagkaroon na nang katuparan ang misyon ko sa buhay. Dahil nakamit ko na ang mga alikabok mula sa paanan ng mga

iii

Vaishnavas. Dahil sa pagpapala nang aking Sri Gurudeva, napag-alaman kong wala palang ibang ligtas na lugar para sa isang kaluluwa kundi doon sa alikabok na nasa paanan ng mga Vaishnavas. Dahil ang alikabok sa paanan ng mga Vaishnavas, ang mala-nektar na tubig na ipinanghugas sa paa ng isang Vaishnava, at ang mga tirang pagkain ng isang Vaishnava---ang tatlong ito ang siyang gamot para sa karamdaman ng kamunduhan, at ito ang masustansyang dieta para sa mga may karamdaman nito. At ito’y hindi lamang nagpapagaling nang sakit, kundi ito’y nagkakaloob din ng pinakamataas na ekstasi, kalugud-lugod na kasiyahan sa mga malulusog na kaluluwa. “O mga Vaishnavas, huwag po ninyong isiping ipinagyayabang ko ang aking kagalingan dahil sa ako ay isang iskolar. Napurga na po ang aking kahambugan. Ako’y isinilang mula sa isang pamilyang brahmana, ang lahat ng mga Banal na Aklat ay napag-aralan ko na, at ngayon ay nakapasok na sa ikaapat na kaayusan, ang buhay ng pagiging isang asetiko, buhay ng nagpapakasakit. Dahil dito, higit pang lumago ang aking ego, ang aking kahambugan. Subalit mula nang ako ay maakit sa prinsipyo ng mga Vaishnavas, naitanim sa puso ko ang binhi ng pagiging mapagkumbaba. Dahil sa pagpapala ninyong lahat, Unti-unting nawawala ang aking kahambugan, ang pamilyang aking pinanggalingan, ang kayabangan dahil sa pagiging iskolar ko, at ang karingalan dulot ng pagiging asetiko ko. Subalit ngayon, napansin kong wala pala talaga akong kakayahan, at nakayayamot na kaluluwa. At wala ng masisilungan maliban sa lotus na paanan ng mga Vaishnavas. Ang pagiging brahmana ko, ang pagiging iskolar ko, at ang pagiging sannyasa ko—ang lahat ng ito’y naging dahilan ng aking pagbagsak. Ngayon, ang lahat ng ito’y aking ikinukumpisal sa lotus na paanan ninyong lahat; tanggapin po ninyo ako bilang inyong tagapaglingkod.”

iv

Isang sipi mula sa Sri Dasa-mula Na nilikha ni Srila Bhaktivinoda Thakura

[Isinalin sa wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj]
yada bhramam bhramam hari-rasa-galad-vaisnavajanam kadacit sampasyams tad-anugamane syad ruci-yutah tada krsnavrttya tyajati sanakair mayika-dasam svarupam vibhrano vimala-rasa-bhogamsa kurate [8] Kapag ang isang nagkasalang kaluluwa, matapos itong magpagala-gala sa mga masmatataas at mga mabababang uri ng buhay, ay nabindesyunan nang isang banal na sulyap ng isang vaishnava, na ang puso’y natunaw dahil sa labis na pag-ibig sa Supremong Panginoong Hari, sisibol sa nagkasalang kaluluwang ito, ang kanyang pagkaakit na mamuhay katulad ng sa mga Vaishnavas. Dahil sa kanyang walang-tigil na pag-awit at pag-usal sa Banal na Pangalan at mga Kadakilaan ng Panginoong Krsna, ang kanyang mala-ilusyung kabuhayan ay unti-unting nawawala. Di-magtatagal makakamit din nito ang kanyang katutubong kaanyuan at ito’y maaari nang makihalubilo sa mga pagsasaya sa mga dalisay na Paglilingkod kay Sri Krsna.

v

Makikita sa larawan si Srila Sridhar Maharaj na nagtuturo nang mga banal na aral sa mga debotong taga-Kanluran. Ang mga ganitong pagtatagpo ay nai-rekord nang mga deboto at ng lumaon ay inilapat sa panulat at ginawang aklat. Libulibong mga deboto sa mundo ang ngayon ay nakikinabang sa kanyang mga aral. Minsan mula sa bibig mismo ni Srila A.C. Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupad ay di niya maiwasang mag-wika nang, “si Srila Sridhar Maharaj ay isa sa mga debotong may mataas na kaalaman at kamulatan sa kamalayan kay Krsna, ito’y narinig ko kay Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur mismo. Kung kaya’t itinuturing ko rin siyang aking Maestrong-Pang Espirituwal na nagbibigay nang aral. At higit kayong mabibiyayaan kapag siya’y inyo pang nakasama.”

vi

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Unang Kabanata Mga Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook
Deboto: Maaari po bang sabihin ninyo sa amin ang tungkol sa Sri Nabadwip Dham Parikrama (mga paglilibot). Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj): Kailangang malaman muna natin ng lubusan kung ano ang tunay na pananaw sa Nabadwip. Dahil napakarami ang mga sangay dito sa Nabadwip Dham: siyam na pangunahin. Ito’y sinasabing sila’y kumakatawan sa siyam na bahagi o sekta ng debosyon, ito ang: sravanam kirtanam visnoh smaranam pada-sevanam arcchanam vandanam dasyam sakhyam atma-nivedanam Ang Simantadwip ay kumakatawan sa sravana-bhakti, ang pagdinig ng mga bagay tungkol kay Krsna. Ang kirttan, ang pag-awit nang mga bagay na tungkol kay Krsna, ay natatagpuan sa Godrumadwip; ang paggunita naman sa Panginoon, ang smaranam, ay nasa Madyadwip; ang pada-sevanam, ang paglilingkod sa paanan ng Panginoon, ay nandirito naman sa Koladwip; ang arcchanam, ang pagsamba sa pamamagitan ng lamparang may ghee, atbp., ay nasa Rtudwip; ang mga pag-aalay naman ng mga panalangin, ang vandanam, ay nasa Jahnudwip; ang paglilingkod katulad ng isang katulong, ang dasyam, ay nasa Modadrumadwip; ang paglilingkod naman sa Panginoon bilang isang matalik na kaibigan, ang sakhyam, ay nasa Rudrawip; at ang ganap na pag-aalay nang sariling katauhan, ang atma-nivedanam, ay kinakatawan naman ng Sri Antardwip, ng Mayapur. Ang mga lugar na ito’y nakaugnay sa siyam na pangunahing uri ng ating debosyunal na paniniwala. Habang naglalakbay tayo sa mga lugar na ito, naaalala natin ang mga nakapaloob na kasaysayan sa mga lugar na ito, kung papaano ito kumakatawan sa bawat lugar na iyon. Kapag ang lahat ng ito ay ating ipinagsama-sama, ito ay masasabing tamang debosyon. Ang pinakabasehan nang lahat ng ito, ay ang atma-nivedanam, ang ganap na pagsuko ng ating sarili. At pagkalampas natin sa atma-nivedanam, masasabi nating ang kapatagan ng ating buhay ay talagang nagbago. Ang lahat ng ating gagawin, matapos tayong sumuko sa pinaka-sentro, ay kikilalanin bilang isang debosyon. At Ito talaga ang debosyon. Ang atma-nivedanam ay pagiging di-makasarili at may

1

karagdagang pag-aalay ng ating sarili. Ang pag-aalay nang sarili ay sinasabing isang gawain na di-makasarili. Ang mga makasariling gawain ay nahihinto na at maging ang pagiging di-makasarili ay ating nalalampasan na din, at pagkatapos, ang buhay ng pagaalay ng ating mga sarili ay nagsisimula—at ito ang tamang debosyon. Sa buhay ng isang deboto ay walang pansarili o makitid na interes. Ito’y kumikilos tanging para sa pangsandaigdigang interes ng Di Mapag-aalinlangang Kabuuan. Ang mga deboto’y sundalo nang ganoong kapatagan. Anuman ang kanilang gawin, ang isipan at inspirasyon ay nagmumula sa pinakasentro, doon sa Mabuting Kalubusan. Bagama’t kung ating titignan sila’y kabilang sa kapatagang ito na may pag-aaway away, subalit doon sa loob ng kanilang mga puso ang kuneksyon nila’y nasa Mabuting Kalubusan; kung ganoon ganap na talagang nagbago ang kanilang kulay. Ang mahalaga, iba na ang mga ikinikilos nang mga deboto bagama’t kung titignan natin ang mga ginagawa nila’y katulad din ng mga ginagawa nang mga ordinaryong tao ng mundong ito. Ang mga makamundong tao ay kumakain, at ang mga deboto’y kumakain din, subalit ang totoo’y hindi sila kumakain: sila’y naglilingkod sa mga tirang pagkaing ipinadala sa kanila ng Panginoon. Sa ganitong paraan tumatakbo ang kanilang buhay. tvayapabhukta-srag-gandha-, vaso ‘lankara-carccitah uccista-bhojino dasas, tava mayam jayema hi Sabi ni Uddhava sa Srimad-Bhagavatam, “Ang mapanlinlang na enerhiya (si Maya), sa pamamagitan ng isang bagay lamang, ay aming malulupig. At ano ang bagay na ito? Ang lahat ng bagay ay aming tatanggapin sa pamamagitan ng diwa ng paglilingkod. Ang lahat ng ibibibigay Mo, O Panginoon, ay Iyo natikman na at naibigan, at ang mga tirang ito’y amin namang paglilingkuran at upang ng sa ganoo’y masira na ng lubusan ang mapalinlang na kapangyarihan.” Isa noong magaling na propesor, na aking Kapatid din sa Pananampalataya, ang hinamon noon ng isa niyang nakakabatang kapatid na siguro’y nakapagtapos din ng pag-aaral, “Ano ba ang kaibahan sa mga ginagawa ninyo sa loob ng inyong Math? E pareho lang naman ng ginagawa natin dito. Sumagot ang propesor na ito,”Aba hindi, hindi, iba ang ginagawa ninyo sa mga ginagawa namin sa loob ng aming Math.” “Ang ibig mo bang sabihin hindi kayo kumakain?” “Hindi, hindi kami kumakain.” “Kung ganoon, ano ang ginagawa ninyo? Kasi nakita mismo ng mga mata ko na kumakain kayo.”

2

“Aba, hindi kami kumakain. Hindi kami kumakain katulad ng mga ginagawa ninyo: hindi kami naglalagay ng pagkain sa aming sikmura katulad ng mga ginagawa ninyo. Kami’y naglilingkod sa Maha-prasadam. Ang ginagawa namin ay hindi abot ng inyong kaisipan. Hindi kami kumakain katulad ng ginagawa ninyong pagkain. Wala sa aming isipan ang pagkain. Wala kaming kinakain, kundi, nagibibigay galang lang sa mga tirang pagkain ng Panginoon.” Ganito ang kaibahan sa pagitan ng mga gawain ng mga totoong Vaishnavas at nang mga makamundong tao. Kung ating titignan pareho lamang ang ginagawa ng mga Vaishnavas at ng ibang tao: naglalakad, natutulog, kumakain, kasa-kasama ng ibang tao, naghahanap-buhay, gumagastos, at marami pang ibang animo’y mga magkakatulad na gawain; pero ang paninindigan ay lubos na magkaiba. Dahil ito’y nakaugnay sa pinaka-sentro. Sila’y sumusunod sa direksyon ng pinaka-sentrong paggalaw samantalang ang mga makamundong tao ay nagagabayan nang kanilang pansarili at makitid na interes. Ang kaibahan dito, ang isa ay nagagabayan nang kanyang pansariling interes, samantalang ang isa ay ng Kalubusan, at malayungmaloyo ang agwat sa kaibahan nito. Ang mga Vaishnavas ay nasa bahagi ng pagwawalang-bahala sa sarili, sila’y kabilang sa bahagi ng mga tumiwalag sa materyalistang buhay. Sa pagitan ng mga materyalistang tao at ng mga Vaishnavas ay ang lupain ng ganap na pagtalikod sa materyalistang buhay. Ang isa ay nasa isang bahagi, at ang isa naman ay nasa kabila. Ang dapat nating malaman ay kung ano talaga ang tamang debosyon. Kadalasan kasi, ang nakikita sa mga deboto ay hindi nauunawaan, subalit ito’y mauunawaan din natin kapag inayos natin ang anggulo ng mga pananaw natin. Ang kailangan lang ay baguhin natin ang anggulo nang pananaw natin. Napakaraming mga pangyayari, mga istorya, mga eksenang nakaugnay dito sa Sri Nabadwip Dham Parikrama, subalit ang lahat ng ito’y para tulungan tayong maisaayos ang ating buhay sa kalubusan. Kung ito’y mahuhuli ninyo, ang inyong pagpaparikrama sa iba’t-ibang banal na lugar at marinig ang local na ‘makasaysayang’ kaganapan doon, kayo’y makatatanggap nang eternal na pag-aaral tungkol sa iba’tibang konsepto ng debosyon. Kayo’y makararamdam nang inspirasyon. Ang parikramang ito’y hindi katulad ng mga parikrama nang ordinaryong tao sa bahagi ng mga Hindus na naglalakbay din sa iba’t-ibang banal na lugar. Kadalasan ang mga tao ay nagpupunta sa mga banal na lugar at nakikisalamuha sa mga banal na tao, pero ang tunay nilang pakay ay para matulungan sila sa kasalukuyang buhay nila. Gusto nilang magkaroon sa kasalukuyan nang magandang buhay sa pamamagitan ng tulong ng mga diyus-diyosan. Ang bagay na ito’y punya-karmma—ayon sa kanilang

3

paniniwala, ito’y upang magkaroon nang mabuting merito para maging matagumpay ang kanilang buhay. Ito’y hindi isang Suddha-bhakti. Ang layon ng mga tao ng Gaudiya Math ay medyo kakaiba at hindi maaaring ihambing sa hinahangad ng kahit anumang klase ng edukasyon. Dahil sa kasalukuyan ay hindi mawari ng mga iskolar na maaari pala sa mundong ito ang dalisay na espirituwal na buhay. Ayon sa kanila ang espirituwal na buhay ay likhang-isip lamang kung kaya’t ang iba’y naghihirap. Ayon sa tinatawag na mga siyentipikong iskolar, ang kalaban ng mga naghahanap sa espirituwal ay ang kanila mismong anino, naghahanap nang mga imposible at kathang-isip na bagay. Ayon sa kanilang palagay ang mga deboto ay naghahabol lamang sa isang guni-guni at mga sabi-sabi. ya nisa sarvva-bhutanam, tasyam jagartti samyami yasyam jagrati bhutani, sa nisa pasyato muneh [Srimad-Bhagavad-gita 2.69] Subalit sa kabilang bahagi, sa ating pagkakaalam sa ngalan ng konkretong katotohanan, sila ang naghahabol sa isang guni-guni—sila ang nasa kabaligtaran. Ang ibig nila’y pawang mga mortal na kahilingan. Ayon sa kanilang palagay ang imortalidad ay hindi maaaring makamit, at dahil dito, ito’y kailangang bayaran nang buhay ni Socrates dahil siya ang nagsabing ang kaluluwa ay isang immortal, walang kamatayan. Subalit sila’y hindi naniwala, “Hindi, walang bagay na immortal, kung kaya’t isang kalokohan ang pagbabalewala sa mga mortal na kasiyahan, kaya magsaya tayo anuman meron tayo.” Ito ang kanilang pananaw. Subalit ang normal na pananaw ay ibig nating maging gising sa kapatagan ng buhay na para sa kanila’y isang kadiliman. Ang kaluluwa ay immortal, at ito ang ating basehan at mayroong immortal na mundo—at hindi lamang ito immortal kundi ito’y isang mala-nektar na katotohanan. Srnvantu visve amrtasya puttrah: “O kayong mga anak ng nektar, tandaan ninyo. Kayo ay eternal at kayo ay mga anak ng lupaing iyon. Labis-labis ang inyong mga paghihirap. Kayo’y nabiktima nang mortalidad subalit ang totoo’y hindi. Dahil mayroon kayong nakatagong masmataas na layunin sa buhay. Bumalik kayo. Bumalik kayo sa dati ninyong kalagayan. Bumalik kayo sa inyong tahanan.” Ito ang pangkalahatang panawagan ng Upanishads, ang pinakamatanda at sinaunang hayag na Banal na Aklat. Ang panawagan nang mga tagasunod ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay hindi lamang para sa teistikong buhay, para sa relihiyosong buhay, kundi itoy’nananawagan para sa kalubusan ng teistikong buhay: na tumutukoy sa Diyos bilang bahagi ng ating pamilya—kapamilya ang Maganda at Marikit na Kalubusan. “Tayo’y doon lamang sa

4

kandungan ng mapagmahal na ama, o kaya sa kandungan ng iyong minamahal na konsorte.” “Mamatay para mabuhay” ito ang kasabihan nang mga tagasunod ni Mahaprabhu. Subukan natin. Sikapin nating makamit ang tunay na sariling hangarin natin sa buhay. Walang ibang kompromiso. Walang bigayan, kailangang ipaglaban natin ito hanggang sa katapusan at kailangang maging handa tayo. Ang aming Guru Maharaj, si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ay Acharyya nang buong Gaudiya Math at ito ang kanyang paninindigan. Hindi nagpapadalos-dalos, hindi nagbabaka-sakali o handang makipag-kompromiso—wala, walang ganito. Halos mag-isang nakipaglaban si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur laban sa buong mundo—laban sa lahat ng iba’t-ibang yugto ng kultura ng mundo. Ang tanging supurta lamang niya ay ang Srimad-Bhagavatam at si Sriman Mahaprabhu. Sa pamamagitan ng ‘pusong nasa kanyang kalooban at Diyos na nasa ibabaw, ito’y nagpatuloy.” Nasa kanyang ulo ay si Mahaprabhu at ang Bhagavatam. Mag-isa itong nakipaghamok para sa Kanila. At hindi lamang sa Bengal ibig niyang makipaglaban, dito sa probinsya ni Mahaprabhu, at hindi lamang dito sa India, kundi ibig din niyang makipaghamok sa labas din. Ang gusto niya’y atakihin ang pinakamataas na posisyon ng sibilisasyon—ang Kanlurang bahagi ng mundo, ang mala-siyentipikong sibilisasyon. Dahil sa labis na kahambugan at kalagayan nito, ibig sirain ni Srila Saraswati Thakur Prabhupad ang buong istraktura ng maling sibilisasyong ito. Gusto niya itong sirain at tayuan sa ibabaw nito nang isang banal na templo. Ibig niyang magtayo nang isang templo ng Diyos sa ibabaw ng materyal na mundo. Hindi kalahati sa hatotohanan ang gusto niyang ipahayag, kundi ang kalubusan nito: ayon sa kanyang mga pananalita, “ganap na kalubusan ng teismo” na ayon sa Srimad-Bhagavatam. Hindi tayo dapat tumigil sa kalagitnaan o dili kaya ay magkasya sa kaunting pagsulong, kundi ito’y kailangang maging lubusan lamang, at ito ang sinasabi nang Srimad –Bhagavatam. avismrtih krsna-padaravindayoh Sa mga linyang ito sumusunod ang konsepto ng teismo. Ito’y patuloy na namumuhay sa ilalim ng banal na proteksyon ng Banal na Talampakan ni Krsna: ang tamang kaisipan para maging tuluy-tuloy ang lahat ng ating mga gawain, “Ang gabay ay nasa aking ulunan. Ang Banal na Paa ni Krsna ay nasa aking ulunan.” Sa pamamagitan ng ganitong pag-iisip, di maglalayun ay madali nating maaalis ang mga bagay na kakaiba sa ating kalooban. Ang patuloy na pag-alala sa Lotus na Talampakan ni Krsna, ang ating relasyon kay Krsna, sa sandaling panahon ay makapag-papawi nang lahat ng mga balakid sa ating daraanan, at maging ang lahat ng ating katusuhan

5

at lahat ng hindi marangal. Sabi nga nang aming Srila Guru Maharaj, “Ang Gaudiya Math ay naninindigan para sa lahi ng sangkatauhan.” Mahalagang maunawaan natin kung bakit ang pagpapakaalipin kay Krsna ang pinaka-maringal na kalagayan. At ang lahat ng laban sa pamantayang ito’y masasabing isang katusuhan. Ang tanging pamantayan sa buhay para sa isang maginoo ay ang malaman at tanggapin ang posisyon na nagpapailalim sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan. Ang tumanggap kung ano ang tama at makatotohanan, at sa pamamagitan nito’y isinusulong natin ang ating buhay, ay hindi katusuhan. Ang maunawaan ang tamang kalagayan natin at maunawaan ang tamang tungkulin at ang pagsasagawa nito—ay buhay ng isang maginoo; ang tanggapin kung ano ang katotohanan. Di magtatagal, ang sinasabi nating katusuhan ay mawawala din. At ang mga bagay na para talaga sa ating kabutihan at kapakinabangan, ay magiging malago. Sa kasalukuyan ay nasa maruming konsepto tayo ng ating buhay. Ang ating isipan, ang ating katalinuhan at ang iba’t-ibang klase ng mga pagsasamantala natin ay nagdudulot sa atin nang karumihan. Ang lahat ng iba’t-ibang dumi mo ay mawawala sa iyong buhay. Magiging malinis ang inyong buhay at mababantad ang busilak na kadakilaan nang tunay na sariling nasa kaloob-looban natin, makikita mong mayroon ka palang masayang debosyunal na kuneksyon sa SuperKaluluwa, doon sa Superkaalaman. Makakaharap mo mismo ang karunungan—na isang malinaw, at personal na kaalaman—kasama ang mga kagamitan nito at sistematikong kabuhayan. --- Anuman ang kinagigiliwan mo sa kasalukuyan sa materyal na mundong ito ay malilipat. Madidiskubre mo ang tamang pagmamahal. Sa kasalukuyan, ang inyong pagmamahal, pagkagiliw, at pag-ibig ay nasa maling direksyon, subalit matatagpuan din nito ang tamang lugar at katayuan. Ang isang magandang katangian nito, kayo ay magkakaroon nang isang tunay na lugar at katayuan kung saan ang lahat ng kapangyarihan ng ating pagmamahal at pagkaakit ay makakatagpo nang isang espesyal na tulong, at tamang lugar kung saan maaari itong magtungo. Ito ang debosyon.

6

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikalawang Kabanata Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay

Kailangang higit tayong nakikihalubilo sa mga matataas na saddhus sa halip ng mga ordinaryong tao. Kung tayo ay laging makikihalubilo sa mga ordinaryong tao sa ngalan ng pangangaral o pangungulekta o kahit ng anupamang bagay, ito’y maaaring makasama sa ating hangarin. vaco vegam manasah krodha-vegam jihva-vegam udaropastha-vegam etan vegan yo visaheta dhirah sarvvam apimam prthivim sa sisyat [Upadeshamrtam 1] Dahil sa payo ni Sriman Mahaprabhu, si Rupa Goswami ay naging masigla at kanyang inilagay ang payo Nito sa pamamagitan ng mga makatang pananalita.

Vaco vegam—hindi tayo dapat laging nagsasalita; hindi tayo dapat masyadong
madaldal, kahit sabihin pang ang sinasabi natin ay mabuti o masama, at walang pinipili sa mga sinsabi. At ang isa pa, ang manasah, dapat nating kontrolin ang takbo ng ating isipan. Kadalasan kasi ang laging nasa isipan natin ay pawang pakikipaglaban, pakikidigma, pakikihamok, at tungkol din sa mga kamangha-manghang mga bagay na natuklasan ng siyensya, ang maligalig na paghahanap ng pera, at marami pang iba. Ang gustong makasama naman ng mga sakim ay ang mga milyunaryo, pero hindi natin dapat pahintulutan ang ating isipan na naghahangad nang mga ganoong bagay. Mga magagandang babae naman ang hanap ng mga taong punung-puno ng mga makamundong pagnanasa. Ito ang hanap nila. Pero sa mga taong kontrolado ang isipan, ang laging hanap naman nila ay ang iba’t-ibang konsepto o paniniwala kay Narayan. Kung ganoon, kailangang kontrolin natin an gang ordinaryong pagdaloy nang ating isipan sa pagsasamantala, sa mga bagay na umaakit sa atin. Huwag nating hayaang dalhin tayo ng agos ng ating isipan sa kung saan saang bahagi, sa ganoong bahagi at sa dakong iyon.
7

Krodha-vegam. Minsan tayo ay nagagalit din, subalit ito’y lumilkha lamang ng kaguluhan. Hindi maiiwasang magkaroon ng reaksyon sag alit na ating nararamdaman, kung ganoon kailangang kontrolin natin ang ganitong daloy ng ating isipan na maaaring maging sanhi ng ating ngitngit. Ganunpamandin, gamitin natin ang lahat ng bagay na mayroon tayo para sa paglilingkod kay Krsna. Kama krsna-karmmapane krodha bhakta-dvesi jane. Ang mga pagbabakasakali, ang mga pagpaplano, atbpa, ay maaaring gamitin din sa Paglilingkod kay Krsna. Gamitin din natin ang ating galit sa pagtatanggol sa mga deboto, dahil hindi magtatagal sa pamamagitan ng pamamaraang ito, ang galit na nasa loob natin ay mawawala rin. Ang malayang kaisipan naman natin ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng saddhu-sange harikatha. Ang Prajalpa ay mga walang-bagay na usapan tungkol sa makamundong buhay. Piliin din natin kung sino ang dapat nating makasama kung sila ba’y mga mabubuting tao o hindi.

Jihva-vega ay ating pagka-akit sa isang partikular na lasa. May mga taong ang
gusto ay maanghang, ang iba ay mapait, meron dyan ang gusto ay matamis naman, ang iba ay maasim, atbp. Kailangang pigilan natin ang mga paghahangad nang ating dila na matikman ang ilang partikular na bagay. Ngunit papaano? Ganito ang paraan, habang ito’y iyong tinitikman, isipin ninyong ang bagay na ito’y una munang natikman nang saddhu, ng Guru, o kaya nang Panginoon. Ang mga materyal na bagay ay kailangang nasa ilalim at pinangingibabawan at kailangang nakatuon ang ating isipan sa bagay na nasa ibabaw at ang bagay na ito ay tinitikman nang nasa itaas. Ito ang isang palatandaan kung papaano tayo maaaring makalaya mula sa materyal na panlasa. Si Mahaprabhu ay umiwas sa pagtikim nang mga bagay na matatamis; “Sannyasi Ako. Kaya kailangang ibigay Ko ang halimbawa. Pagpuro masasarap ang tinitikman Ko malamang gayahin Ako at ito’y makasasama sa kanila.” Pero ganito ang sagot ni Swarup Damodara, “Ito ‘yung sa negatibong bahagi, pero doon sa positibong bahagi kailangang kumain tayo ng Prasadam. Kailangang matikman din natin ang inihandang pagkain na kinain ni Jagannath.” Kaya magmula sa objective na mundo, sa layon ng ating mga mithiin, tayo ay tutungo sa subjective, doon sa nagingibabaw na bagay. Ipagsama-sama natin ang lahat ng damdamin at gamitin ito sa masmataas na lupain, at alisin natin ang mga bagay na ito na mula sa masmababang kapatagan.

Udara-vega. “Gutom pa ako. Hindi pa ako busog, kakain pa ako.” Ang ganitong pag-uugali na walang kabusugan ay tinatawag na udara-vega.
8

Jihva-vega ay para sa lasa, sa kalidad, at ang udara-vega naman ay para sa dami. Ang upastha-vega ay isang pag-uugali o pagnanasang makasama ang mga kababaihan. Ayon sa itinuro sa atin ang tatlong ito ay nasa isang linya at sila’y magkakaugnay at nagtutulungan: ang jihva-vega, udara-vega at ang upastha-vega. Kailangang maging maingat tayo sa pag-aalis ng mga bagay na ito. Dahil ang tatlong ito’y nagdadala o nagdudulot nang higit na kapahamakan sa ating buhay. Maraming buhay ang sinira na nila. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pahihikarap natin sa tatlong bagay na ito.
“Etan vegan yo visaheta dhirah, sarvvam apimam prthivim sa sisyat. Ang sinumang makakakontrol nang tatlong mahihirap na bagay na ito ay masasabing tunay na isang Goswami, at maaari niyang kontrolin ang buong mundo. Kaya niyang gawing disipulo ang lahat ng tao sa mundo. Kahit anupamang dami ng bilang ng kanyang mga disipulo ay hindi parin maaaring mabago ang kanyang paninindigan.” Ito ang mga puntong ibinigay bilang babala sa mga saddhus sa ilalim ng watawat ni Sri Chaitanyadeva. Kung ganoon paano natin makakasama ang isang saddhu? dadati pratigrhnati, guhyam akhyati prcchati bhunkte bhojayate caiva, sad-vidham priti-laksanam [Sri Upadeshamrtam, 4] Maaaring mapalapit ang ating kalooban sa isang saddhu sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya nang mga lulutuin at pagtanggap nang kanyang Prasadam— bigayan. Bigyan natin siya nang mga bagay na gagamitin niya, at tanggapin ang anumang bagay na kailangan lamang natin, at hindi bago. Huwag nating tanggapin ang anumang bagay na bago, sa halip hangarin natin ang mga bagay na ginamit na nang Guru at ng mga Vaishnavas, kahit na ito man ay mga buklaklak na isinabit sa leeg, mga damit na nasuot na, mga ginamit na dekorasyon, o kahit anupamang bagay. Kailangang mabuhay lamang tayo sa mga bagay na ginamit na ng mga Vaishnavas. Ibigay natin sa mga saddhus ang mga bagong bagay, at mamuhay sa pamamagitan ng kanilang mga tira-tirahan. Guhyam akhyati—Dapat nating ilahad sa saddhu ang nilalaman nang ating damdamin: Buhat sa kaloob-looban nang aking damdamin ganito ang aking nararamdaman. Masama po ba o mabuti ang nararamdaman kong ito? At kung ito po’y masama, ano ang lunas dito?” Kailangang ilahad natin sa kanya ang nilalaman nang ating puso upang ito’y kanyang masuri at maging maayos ang ating pagsulong.
9

Prcchati—magtanong tayo sa saddhu, “Ano po ba ang sikreto nang inyong kabanalan? Sabihin po ninyo at ito po ang gagawin ko para makawala ako sa kinalalagyan ko. Papaano kayo nakalaya?” Kaya kailangang kolektahin natin sa saddhu ang mga sikreto ng kanyang tagumpay sa buhay. Bhunkte bhojayate caiva—pakainin natin siya, at tanggapin ang kanyang Prasadam. Kapag nasunod natin ang mga tagubiling ito tayo ay mapapalapit sa taong ito. Kapag masamang tao ang nakasama natin tayo ay magiging masama din, at kung mabuting tao naman ang makakasama natin, tayo ay magiging mabuti din. May dalawang uri ng tubig: malinis at marumi. Ang maruming tubig ay maaaring linisin. Kayang alisin nang mga matataas na saddhus ang mga masasamang isipan ng tao nang hindi sila nahahawa. Dahil naninirahan sa kanilang puso si Govinda. Si Govinda ay walang-hangganan at kahit anumang dami ng maruruming bagay ay kaya Niyang inumin, samakatuwid ang puso ng mga saddhung ito ay hindi nadudumihan. yare dekha, tare ‘krsna’—upadesa amara ajnaya guru hana tara ei desa [Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128] “Sinuman ang makaharap mo, sinuman ang makausap mo, si Krsna lamang ang ikwento mo.” Ito ang dapat nating maging motto, o sawikain. Ang sinumang makasusunod sa kautusang ito ay tunay na tagasunod ni Mahaprabhu—at hindi ni Krsna. Si Krsna ay halos naroroon lamang sa Kanyang mga ka-grupo subalit noong Ito’y pumanaog bilang si Mahaprabhu ang Kanyang pangunahing layunin ay buksan ang daan patungo sa Kanyang Lupain. “Sige ipagsabi ninyo. Sige ikalat ninyo. Sa umpisa’y ikalat ninyo ang Aking katauhan bilang isang tunog. Dahil napakalawak ang bagay na ito, pino at epektibo. Ang lahat ng bagay doon ay unti-unti ninyong makikita. Ito’y matatagpuan ninyo sa umpisa sa pamamagitan ng Aking katauhan bilang isang tunog.” Ang Kanyang katauhan bilang isang tunog ay yumayakap sa lahat ng bagay. Kahit mula sa napakalayong lugar ito’y nakararating, at pagkatapos ang Kanyang Pigura, ang Kanyang Kulay, at pagkatapos ang Kanyang Katangian, at ang Kanyang mga Kasamahan, at pagkatapos ang Kanyang mga naging Aliwan. At sa panahong iyon ang deboto ay napapalapit sa isang partikular na gawain kung saan siya ay sumasali sa Lila ng Panginoon.

10

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikatlong Kabanata Ang Pagkilala sa Dibinidad
Deboto: Noong naririto pa po ang aking Diksha-gurudeva ako po ay kanyang espirituwal na inatasan, kung kaya’t siya din po ay aking sikha-guru. Noong siya po ay pumanaw na ako po ay kanyang ginabayan sa pamamagitan ng kanyang mga aklat at mga naka-tape na aral. Siya parin po ba ang aking Sikha-guru? Ang kanya po bang mga aklat at mga tape recordings ay Siksha-guru ko din? Srila Guru Maharaj (Srila Sridhar Maharaj): Oo naman, pero ito’y passive, hindi nakakausap. Kadalasan ay masmabuti pa ang galaw ng Chaittya-guru. Minsan kasi hindi tayo makausad kapag hindi natin maintindihan ang isang talata. Dahil ito’y walang-imik na iniharap sa atin, at kailangang kunin pa muna natin ang katas nito bago natin ito maintindihan; at maaaring iba din ang nakikita ng ibang vaishnava. Kung kaya’t sinasabi sa atin, ‘Jaho bhagavata pada vaisnavera sthane.’ Kung magbabasa ka nang Bhagavatam magpatulong ka sa isang Vaishnava Acharyya, sa isang titser na Vaishnava, at basahin ito sa ilalim ng kanilang patnubay, dahil maaaring magkamali ka sa pag-unawa sa tunay na pananaw nito. Basahin ninyo ang Banal na Aklat na Vaishnava sa pamamagitan ng tulong ng isang Vaishnava Acharyya. Maaaring paalalahanan ka nang walang-imik na Siksha-guru, pero papaano kung hindi mo ito maunawaan, hindi ka pupuntahan nang libro para pawiin sa iyong isipan ang maling konsepto. Kundi ang buhay na Siksha-guru, ang saddhu, ang siyang magpapaliwanag sa inyo at magtuturo para itama ang mga maling pag-uunawa ninyo. Ang saddhu at ang shastra ay kapwa mahalaga, pero ang saddhu masmahalaga. Kung walang buhay na Banal na Aklat—kung walang buhay na saddhu—naririto ang walang-imik na Banal na Aklat—ang ating shastra—para tulungan tayo. Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay passive, hindi nakakausap o walang-imik din? Srila Guru Maharaj: Ito’y hindi passive o hindi nakakausap, kundi, ito’y isang bagay na nasa sa loob natin na hindi medyo malinaw at kadalasan ang mga payo nito ay hindi natin napapansin. Talagang napakahirap unawin ang kanyang mga payo. Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay maaaring manipestasyon din ng ating Gurudeva at ni Krsna?
11

Srila Guru Maharaj: Oo. Kahit nasa harapan tayo nang ating Gurudeva at internal na nagtanong tayo sa kanya nang, “Ano po ba ang dapat kong gawin. Pagpayuhan po ninyo ako.” Sa bagay na ito’y makararamdam tayo: “Ito ang sinasabi nang aking Gurudeva.” Kung malinis at dalisay tayo madali nating makukuha ang tunay na solusyon sa sinasabi niya. Kahit habang nagbabasa tayo nang Bhagavad-gita ay maaari nating tanungin si Krsna, “Ano po ba ang tunay na kahulugan ng Iyong mga sinabi? Hayaan po Ninyong ito’y maunawaan ko.” Ayon sa ating kalagayan maaari nating maunawaan kung ano ang sinasabi ni Krsna, “Ito ang ibig sabihin ng mga sinasabi Ko….” Pero ang bagay na ito’y malabo, hindi malinaw at ito’y depende sa inyong kakayahang umunawa. Deboto: Marami sa amin ang hindi pa po nakakausap o kaya ay nakita na nang aming Gurudeva, kung ganoon, papaano po nalalaman nang Maestrong pang-Espirituwal ang mga ginagawa nang kanyang mga disipulo? At minsan ang Maestrong pangEspirituwal ay malayo pa sa kanyang mga disipulo, kaya papaano po sila nagkakaugnayan? Srila Guru Maharaj: Sa pamamagitan ng mga sulat sa kanya ng kanyang mga disipulo siya’y magkakaroon nang pangkalahatang pananaw, sa pamamagitan ng mga pananalita nito at maging mula sa ibang tao. Mula sa isa o kaya ay dalawang tao ay maaaring magkaroon siya nang mga pala-palagay sa disipulong ito at kung ano ang kanyang mga ginagawa. Sa pamamagitan ng kanyang mga Gawain, kanyang mga pahayag, at maging sa kanyang adhikain, hindi mahirap para unawain ang kanyang kalagayan at katayuan. Napakaraming mga pamamaraan para sa mga pagsusulit. Kadalasang sinasabi natin na hindi natin maaaring husgahan ang isang tao kung sino siya sa pamamagitan ng kanyang kasuotan, kundi sa pamamagitan ng kanyang mga pananalita. Subalit doon sa debosyunal na buhay ang isang tao ay maaaring husgahan sa pamamagitan ng kanyang kasuotan at maging sa kanyang mga pananalita, mga Gawain, mga kinagigiliwan, atbp. Batid nang isang computer expert kung ano ang sira nang isang computer. Katulad din nito, ang makikilala natin ang katayuan ng isang tao sa pamamagitan nang kanyang mga pananalita at mga gawa. Ang kanyang mga pagkamasigasig at pagkaakit sa iba’t-ibang gawain ay ilan lamang sa mga palatandaan kung saan ito nakalagay. Kadalasan, may mga taong gusto nang renunsiasyon, o pagtalikod sa mga material na gawain, may mga taong gustong magsamantala, at may ilang tao na

12

naaakit sa larangan naman ng debosyon. Sa bahagi ng mga nagde-debosyon may mga taong ang debosyon ay nagagawi sa pagsamba sa mga Imahen, may ilan naman ay debosyon sa mga Vaishnavas, meron din sa debosyon sa Guru. Maaari nating suriin ang kalagayan ng isang deboto ayon sa kanyang natural na pangangailangan. Ano ba ang ibig nitong malaman? Sa shastras ay nakalista ang iba’t-ibang yugto ng mga pagtatanong at mga tagubilin. Deboto: Sa pagpanaw nang Maestrong pang-Espirituwal, nananatili parin po ba ang kuneksyon ng kanyang disipulo sa kanya? Alam parin po ba nang Maestrong pangEspirituwal ang mga gawain ng kanyang disipulo? Srila Guru Maharaj: Dapat palagi nating isipin na tayo’y kanyang nakikita mula doon sa itaas. Hindi natin ganap na kilala ang ating Gurudeva. Isang deboto na labinlimang taon ng tuluy-tuloy na lagsilbi bilang isang sannyasi ang pinagsabihan noon nang aming Guru Maharaj, si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, “Hindi mo ako pinansin. Ni hindi mo ako tinignan o hinarap.” Sa pamamagitan ng halimbawang ito, napakahirap para sa mga disipulo ang unawain kung ano ang kalagayan ng ating Gurudeva. Ang sannyasi na ito ay isa sa mga sikat na sannyasis noon sa disipulo ni Srila Prabhupada, pero noong huling araw dito ni Srila Prabhupad ang sannyasing ito ay may ginawang kakaibang bagay at pinagalitan nang aming Guru Maharaj, “Hindi mo ako nakita; hindi mo alam kung sino talaga ako.” Sa madaling salita nabatid din namin kung ano talaga ang gusto ni Guru Maharaj, “Mahilig kang humingi sa mga grhasthas—at hindi para maging katulong ko. Alam kong may tao at pera ka at binibigyan mo ako. Bakit, sa palagay mo ba ay pagaari mo ang mga taong ito at ang perang hawak mo? Binibigyan mo nga ako pero alam kong ito’y isang suhol, para ikaw parin ang humawak nang mga lupain mo. Ang gusto ko ay maging tao kita at siyento-por-siyentong magtatrabaho para sa akin, at hindi kailanman naaakit nang kahit anumang kariktan mayroon sa materyal na mundong ito. Gusto ko siyento-por-siyento kang maging katulong ko. Anuman ang gawin mo ay kailangang malaya ka sa kaganapan sa labas ng mundong ito. Walang dapat na umiipluwensya sa iyo. Kailangang maging malinaw ka sa bagay na ito. Gumalaw ka sa mundong ito, pero huwag kang maaakit o makikipag-ugnayan sa mundong ito. Dapat siyento-por-siyentong akin ka. Ito ang tamang damdamin natin. Ikaw ay tao ko at wala kang obligasyon sa labas ng mundong. Huwag mong gamitin ang salitang Debosyon at makiusap sa kanila para sa akin. Kailangan siyento-por-siyento munang maging akin ka, para makakilos ka sa labas ng mundo—kasama ang ibang tao, pera,
13

katanyagan, o kahit nang anupamang bagay. Hindi dapat maging maluwag ang ating kuneksyon.” Sa kabilang panig naman, sa ngalan ng tao, sinabi ni Vasudeva Datta kay Mahaprabhu, “Tanggapin Mo po sila. Ako nap o ang tumitiyak sa kanilang kalagayan. Kung gugustuhin Ninyo, kahit habambuhay na ilagay pa ninyo ako sa impiyerno, basta tanggapin Mo lamang sila.” Pero ito’y ibang klaseng pag-uugali naman. Naririto ang kaniyang pananalig sa pinaka-sentro; sa halip ipinakita pa niya ang kanyang matinding pananalig sa pinaka-sentro; katulad ng mga binitiwan niyang pahayag, bagama’t animo’y parang nagmamakaawa pa para sa tao kahit malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Deboto: Sinasabing, caksu-dana dila yei, janme janme prabhu sei—na ang ibig sabihin itinuturing kong aking panginoon, sa tuwing ako’y muling isisilang ang taong makapagbibigay sa akin nang transedental na pananaw. Kaya, ibig sabihin po ba nito ay eternal din ang kuneksyon namin sa aming Maestrong pang-Espirituwal, tuwing kami ay muling isisilang? Srila Guru Maharaj: Oo naman. Pero huwag natin siyang kilalanin sa nakikita ng ating pisikal na mata. Mahalagang makilala siya sa kanyang panloob na pagkatao, at ang pananaw na ito’y lalago ayon sa ating panloob na paglaki. Madadagdagan at lalago ang ating pananaw at magmula sa prakrta ito’y magiging aprakrta, mula sa materyal na kalagayan ito’y magiging transedental. At habang nagbabago ang ating pananaw, mag-iiba din ang ating pananaw sa ating Gurudeva. Kadalasan ang isang tao ay nakikilala natin ayon sa kanyang panlabas na kasuotan, at pagkatapos ay sa kanyang katawan, sa kanyang kaisipan, at sa kanyang dunong. Hangga’t lumalawak ang nakikita nang ating mga mata, nagbabago din ang mga nakikita natin.

Acaryyam mam vijaniyat—Sabi nga nang Panginoon, “Sa banding huli’y Ako parin ang makikita mong Acharyya. Ito ang gawain Ko na makikita mo sa iba’t-ibang yugto at kaanyuan.” Kaalinsabay din nito’y makikita natin ang iba’t-ibang Acharyyas
na iisa ang gawain. Iisa lamang ang kanilang paniniwala sa kanilang Sri Gurudeva, pero, katulad ng mga sanga sa isang punung kahoy, mayroon silang mga pagkakaibaiba din. Ganunpaman, ang pamantayan ay nasa acaryayam mam vijaniyat. Ang pamantayan ay nagmulala sa makapal na kalagayan hanggang sa pinaka-pino. Depende sa lalim ng pananaw ng tumitingin, may makakahalintulad na pananaw at may ilang pagkakaiba din. Huwag nating hayaang mabitag tayo sa pagkilala sa ang mga bagay na nakikita natin sa pamamagitan ng kanilang pisikal na kaanyuan. Dahil an gating mataay mapanlinlang; hindi nito makita ang tamang kaanyuan. Ang tainga din natin ay

14

mapanlinlang. Ang katauhan ng isang Acharyya ay hindi indriya-grahya, kayang tanawin nang ating mga pandama; dahil ito’y indriyatita, higit pa sa karanasan ng ating mga senya, mga pandama. Dahil tayo ay nasa masmababang kalagayan kailangang unti-unting tumuloy tayo sa panloob na mundo sa pamamagitan ng tulong ng katauhang nakikita natin sa ating harapan. Dito’y higit na bibigyang diin ang kahalagahan ng pagsipat nang malalim. Minsa makikita nating nakasuot ang Acharyya nang pang tag-lamig na kasuotan at pagpanahon naman ng tag-init iba naman ang kanyang damit, pero huwag natin siyang tignan sa kanyang mga kasuotan bagama’t ito’y hindi natin maaaring ihiwalay sa kanyang katawan. Kaatulad din nito, minsan ay nakikita natin ang ating Acharyya na bata pa pero sa pagtagal ito’y nagiging matanda na. Kagaya din nito, sa isang panahon ang Acharyya ay may partikular na katauhan at sa ibang panahon nama’y iba naman. Siya rin ang Acharyya na dumadating sa magkaibang panahon. Kaya mula sa panlabas tayo ay papasok sa internal, sa panloob. Ganun din tayo. Kapag nawala na ang katawang ito na na gawa sa laman at dugo at pinong katauhan na lamang ang natitira, makikita ko din ang Gurung ito sa kanyang pinong katauhan, at hindi sa katulad na pisikal nakatauhang ito. May mga Guru din ang mga Devatas, ang mga Gandharvvas, at ang mga Siddhas, subalit ang mga katawan nila at ganun ang kanilang Acharyyas ay mayroong materyal na katawan. Kaya dapat lamang naalisin natin ang panlabas na konsepto at pumasok tayo doon sa panloob na konsepto, dahil ito ang pinakamahalaga sa lahat para sa isang disipulong may matibay na paniniwala. Subalit hindi nangangahulugang huwag na nating pansinin ang pisikal na katauhan ng ating Gurudeva, kundi tignan lamang natin ang tunay na kahalagahan at tunay nakatauhang nasa sa loob nito. Sambahin din natin ang mga kagamitan ng ating Acharyya—katulad nang kanyang balabal, kanyang sapatos, kanyang sandalyas, atbp.—subalit hindi nangangahulugang ang mga bagay na ito’y higit na masmahalaga pa o kaya ay massuperyor pa sa katawan nito. Katulad din nito, halimbawa namang gusto natin siyang hilutin o kaya ay masahiin subalit ayaw naman niya, ito’y huwag na nating gawin. Gusto man nating masahiin ang kanyang mga paa pero ayaw naman niya, “Huwag, huwag, huwag na. Ayoko,” Ito’y huwag na nating gawin pa. Dapat lamang na mangibabaw ang internal na kagustuhan niya. Kaya sa paraang ito magmula sa magaspang tumungo tayo sa pino, pero hindi nangangahulugang dapat lamang na kasuklaman natin ang lahat ng nasa labas na bagay. Igalang din natin sila, pero higit nating bigyan nang importansya ang mga bagay na internal dahil ito’y masmataas, at malalim ang inilalarawan. Eho bahya, age kaha ara. “Mababaw pa, laliman mo pa.” Sumige parin tayo hangga’t lumalalim pa ang ating pananaw. Deboto: Sa kaso naman po ni Bilvamangala Thakur, nangusap ang kanyang guru sa pamamagitan ni Chintamani na isang babaeng kaladkarin, at nakita niya dito ang kanyang Guru.

15

Srila Guru Maharaj: Subalit ito’y hindi nangangahulugang muli siyang bumalik kay Chintamani. Si Chintamani ay tinanggap niya bilang kanyang unang Guru. Dahil sa mga naging payo nito siya ay lumapit kay Somagiri at ito’y nagpunta sa Vrndaban, at iniwan ang nauna niyang gabay. Kinikilala niyang kay Chintamani siya nag-umpisa subalit hindi siya namalagi dito at pinaglingkuran ito. Eho bahya, age kaha ara. Ang ibig sabihin ng pagsulong ay pagbabawas. Ang progreso ay parang isang uri din ng pagbabawas, mga pagbabago nang konsepto o kaisipan, dahil kung hindi ito’y nananatiling di-umuusad at nakapirmis lamang. Deboto: Ibig po bang sabihin nito’y magmula sa Santa patungo sa Dasya sa Sakhya ay itinatapon na nang progresibong deboto ang mga nasa ibabang Rasas? Srila Guru Maharaj: Kapag nakita na niya ang kanyang internal na hinahanap doon na siya. Hindi na siya maghahanap pa nang masmataas na Rasa dahil narating na niya ang kanyang huling hantungan. Sa lahat ng dako ay makikita natin ang iba’t-ibang grado. Kagaya din nito may iba’t-ibang uri din ng enerhiya: may Goloka-shakti, Vaikuntha-shakti, at mayroong Shivaloka, Brahmaloka, Viraja; at pagkatapos, dito sa materyal na mundong ito’y may mga pag-uuri din—pero ito’y depende sa bigat nito o kapal. Dito sa materyal na mundo ang pag-uuri ay ginagawa mula sa makapal hanggang sa pa-pino. Doon naman sa bahagi ng jivas ay may mga pag-uuri at grado din. May humahantong sa relasyon ng Dasya sa Vaikuntha. May mga nakakatawid sa Vaikuntha-dasya at nakakapasok sa Dasya ng Krsnaloka, kung saan ay matatagpuan ang Madhura-rasa-dasya, Vatsalyarasa-dasya, mga pangkalahatang uri ng dasya, atbp. Makikita doon ang mga walanghanggang pag-uuri. Ang kaluluwa ay walang-hangganan at doon ang lahat ng bagay ay pawang walang-hangganan. Ang mga bagay na ito’y tinatanaw natin mula sa malayo (dig-darshan) pero ang lahat ng ito’y kabilang sa mga walang-hangganan. Ang bawat bahagi ng isang walang-hangganan ay walang hangganan din, kung kaya’t madalas na sinasabi sa atin, “Mag-umpisa na kayong magtrabaho. Magsimula na kayong maglingkod. Dahil walang katapusan sa kaalaman, walang katapusan sa pagaaral, kaya umpisahan na ninyong maglingkod—magsimula na kayong magdebosyon.” Jñane prayasam udapasya—walang katapusang mga pagtatanong. Walang kasiyahan. Walang katapusan. Pranipata, pariprasna, sevaya. Ang ibig sabihin ng pranipata ay punung-puno ng pagtitiwala; ang pariprasna naman ay tapat na pagtatanong; at ang seva, ay paglilingkod, at ito ang siyang lahat-lahat. Kung wala kayong seva hindi ninyo maaaring sabihing narating na talaga ninyo ang Kalubusan. Dumulog ka at maglingkod, at mula sa loob ninyo’y malalahad ang tamang direksyon. Magsimula na kayong maglingkod. Saanman kayo naroroon, isang napakalaking
16

pagpapala para sa inyo ang makapaglingkod. Ang pagkakataong ito sa pamamagitan ng Kanyang mga sugo ay maaaring makamit din doon sa buhay ng mga puno at hayop. Ang paglilingkod ay siyang lahat-lahat. Ito ang konkretong kabuuan; ang lahat ng iba pa ay pawang bahagi lamang. Kung kayo’y hindi magpapasakop, kayo’y hindi maaaring makapagtanong. Dahil ang pagtatanong ay hindi kaganapan ng ating kasiyahan. Ang ating kasiyahan ay ang makapaglingkod. Ito ang realidad, ito ang katotohanan at ito ang magibigay nang sukli sa inyo.

Bhaktya sañjataya bhaktya. Bhakti, at hindi jñana o ng kahit anupamang bagay ang maaaring magbigay nang Bhakti. Hindi kayang ibigay nang jñana ang bhakti, dahil ang bhakti ay malaya. Tanging ang Bhakti lamang ang maaaring magbigay nang Bhakti, kaya masasabing ang jñana ay nasa negatibong bahagi. Ang Bhakti ay malaya. Ang Bhakti ay kalubusan. Ito’y hindi nakasandal sa jñana o kaya sa karmma. Tanging ang Bhakti lamang ang isinisilang nang Bhakti. Bhakti ang produkto ng Bhakti. Wala nang iba. Ahaituky apratihata. Ito’y hindi bunga ng anupamang bagay. Ito’y hindi rin maaaring likhain. Subalit maaaring palawakain ng Bhakti ang kanyang sarili. At ang salitang apratihata—at walang sinuman ang maaaring pumigil sa paglago ng Bhakti maliban sa Vaishnava-aparadha, ang magkasala sa mga deboto ni Vishnu, ni Krsna. Ang Vaishnava-aparadha ay maling konsepto ng Bhakti, ang maling paggamit sa Bhakti. Ang jñana at ang karmma ay hindi makapipinsala o makaka-apekto sa Bhakti dahil ang Bhakti ay apratihata, pero ang anti-Bhakti ay isang aparadha at ito ang dapat nating pag-ingatan. Yadi vaishnava-aparadha uthe hati-mata. Partikular na kailangang higit tayong maging maingat sa paggawa nang Vaishnava-aparadha.
May mga grado din sa Vaishnava-aparadha. Walang masyadong epekto kapag hindi nasiyahan ang mababang klaseng Vaishnava, pero kapag may mga dipagkakaunawaan sa pagitan ng mga Vaishnavas, mahalagang tignan muna natin kung sino sa kanila ang pinapaboran nang nasa itaas. Dapat maging masmatimbang ang pinaka-sentrong diwa. Harapin natin ito sa pamamagitan ng ganitong isipan. Si Ambarisa Maharaj ay isang deboto, si Durvvasa Muni ay may debosyon din, pero tignan natin sino sa kanila ang maybasbas mula sa itaas. Si Duryodhana ay isang deboto at si Arjjuna ay ganun din, pero sila ay naglalaban. Minsan ay nakikita natin ang mga ganitong bagay. Si Bhisma ay isang deboto—isa siya sa labindalawang debotong mahajans—si Arjjuna ay deboto din, pero ang alam natin may alitan din silang dalawa. Minsan ang mga pag-aaway na ito ay dulot nang kanilang mga pagpapasikat lamang at minsan naman depende sa sitwasyon. Pero kanino tayo kakampi? Kung sa palagay natin ay hindi na maaaring maiwasan pa ang ganitong pangyayari, kailangang komunsulta
17

muna tayo sa matataas sa atin. Dahil ito’y buhay na bagay, at hindi patay at magulong batas. Hindi napakadaling bagay ang gumawa nang Vaishnava-aparadha. Ito’y isang aparadha kung ito’y ginawa sa isang Vaishnava, pero kung ang pag-aaway na ito’y bunga nang isang anartha sa pagitan ng mga gitnang-uring Vaishnava, ito’y hindi masasabing isang pagkakasala. Ang isang siyento-por-siyentong vaishnava ay maaaring may mga anartha pa, at kapag may sumasalungat sa kanyang anartha, ito’y nagagalit. Sa kasong ito masasabing hindi talaga sa isang vaishnava kundi sa kanyang isipan—sa mental na kaisipan ng isang Vaishnava at hindi sa kanyang espirituwal na elemento. Masasabing ito’y hindi talaga isang aparadha kung ang dahilan ng kanyang ngitngit ay dahil napakialaman lamang ang kanyang materyal na interes. Maaaring suriin muna natin at tignan ang mga bagay na ito, pero makikita din natin sa Banal na Kasulatan: “Na hi kalyana-krt kascid, durgatim tata gacchati—Ang gumagawa nang mga kabutihan ay hindi napupunta sa impiyerno o napapahamak.” Kung ikaw ay matapat at hindi niloloko ang sarili, walang sinuman ang maaaring lumoko sa kanya. Kailangang maging tapat tayo sa ating espirituwal na kalooban. Kailangang maging tapat lamang tayo sa ating paghahanap, upang nang sa ganoo’y tulungan din tayo nang Panginoong nasa sa loob natin. Dahil lagi Siyang tumutulong sa mga matatapat na kaluluwa. Siya ay nasa lahat ng dako at Siya ay matulungin.

na hi kalyana-krt-kascid, durgatim tata gacchati
Ang nais ko ay makamit ang pinakamataas na kabutihan, at ang Pinakamataas na Kabutihang ito ang Siyang tutulong din sa akin.

18

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikaapat na Kabanata Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain
Sa konsepto dinala ni Sanatana Goswami si Krsna sa Mathura, at mula doo’y muli naman niyang ibinalik Ito sa Vrndaban. Hindi niya pinayagang lumabas si Krsna sa Mathura. Ang mga bagay na ito’y ating makikita sa kanyang mga sinulat. Subalit nakita nating iniugnay naman ni Rupa Goswami ang Vrndaban-lila sa Dvaraka-lila. Ipinakita niyang ang lahat ng nasa Vrndaban-lila ay nailipat sa Dvaraka-lila maging ang mga Reyna nito. Noong tinanong si Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur tungkol sa mga bagay na ito, ganito ang kanyang naging tugon, “Bakit sinasabing ang mga bagay na ito’y adhoksaja—di-abot nang ating kaalaman? Kung ang lahat ng bagay ay pwede nating malaman at ilagay ito sa ating kamao, ito’y hindi isang adhoksaja—acintyah khalu ye bhava, na tams tarkena yojayet.” Ito kasi ang matamis Niyang kalooban. Hayaan natin ang lahat ng ito sa Kanyang matamis na kalooban. Kung ang lahat ng karunungan ay maaari nating bihagin, kapag nagkaganoon, magkapareho lamang pala kami ng katauhan. Samakatuwid, jñane prayasam: huwag mo nang pag-aksayahan ng panahon na alamin pa ang lahat ng bagay at mga bagay na tungkol sa Kanya, kundi ang kailangang ay magpasakop ka. Dahil sa pamamagitan ng pagpapasakop at ayon narin sa hangarin mong makapaglingkod, ang lahat ng mga bagay na tungkol sa Kanya ay unti-unti mong malalaman. Ikaw ay mayhangganan, kaya huwag mong ‘lamunin’ ang WalangHangganan—dahil ito’y hindi kanais-nais. Hindi lamang pagsasayang ng ating enerhiya kundi mapipinsala din ang ating layunin kapag nilamon natin ang lahat ng ito at inilagay sa ating sikmura. Kapag ginawa natin ang bagay na ito, masasabing limitado lamang pala ang pananaw natin dito, dahil naging mapahangas tayo at ibig nating kilalanin Siya ng lubusan. Maaaring sa ilang bagay ay magkaroon tayo ng ‘ganap’ na kaalaman tungkol kay Maya, pero hindi kailanman sa Adhoksaja, kay Krsna. Wala kang karapatang maghangad nang ganitong kaalaman. Hindi ka uunlad kapag tinahak mo ang landas na ito. Yam evaisa vrnute tena labhyah—ito’y kailangang manggaling muna mula sa itaas. Ang maaaring masabi mo lamang sa negatibong bahagi ng sarili mo ay: “Isang hamak lamang ako, isang mababang uri. Higit na nangangailangan sa lahat.” Kailangang ito’y maging isang taimtim, tapat—at hindi pakitang-tao lamang.

19

Ang ating pagsulong ay nakasalalay sa ating matapat na kalooban, “Ako ang higit na nangangailangan, ang pinakamasama, ang pinakawalang-kwentang tao.” Ganito ang gawin nating paraan. Kaya jñane prayasam udapasya. Ating iwaksi at kamuhian ang mga ganoong pag-uugali na ‘malaman’ Siya. Namanta eva, jivanti sanmukharitam bhavadiya-vartam—sa halip, mas dapat pa nating saluhin ang mga bagay na lumalabas sa bibig ng mga deboto, dahil ang karunungan ay kusang lumalabas mula sa positibong direksyon. Siya ay aking tatanggapin at yayayain. At ito ay kusang dumarating. Malaya itong pupunta sa atin, at hindi sa pamamagitan ng pagpapakahirap maaari natin Siyang makilala. Saan man ito manggaling, tatanggapin ko ang mga ganoong mga paglalahad, at hindi ko Siya aabalahin dahil lamang sa aking kahilingan, “Kayo po ang bahala kung ano po ang gusto Mong ilahad sa akin.”

Sthane sthitah—at hindi mahalaga kung saanman tayo naroroon. Maaaring
maging isang ibon o kaya ay hayop, pero ito’y hindi rin mahalaga. Si Hanuman ay hindi tao, si Garuda ay ganoon din, pero marami silan kaalaman. Sabi ni Krsna, “Maaari silang pumasok sa Aking Lupain at sa loob ng Aking puso. Debosyon ang tamang landas papunta sa Akin, sa pamamagitan ng serbisyo, sa pamamamagitan ng paglilingkod. Ang lahat ng sinumang ibig Akong ‘makilala’ at iniwan ang landas ng paglilingkod, labis-labis ang kanilang magiging kahirapan para lamang magkaroon sila ng ilang konsepto at palagay tungkol sa Akin. Ang pabuya nila ay pawang paghihirap lamang. Tanging hirap at sakit lamang ang mararamdaman ng mga taong aalis sa landas ng paglilingkod, sa landas ng serbisyo para makilala Siya. Bakit ka nagtatanong? Katulong Kita, kaya huwag kang pupunta sa iba. Huwag mo muna Ako masyadong hanapin, kilalanin mo muna Ako. Sa halip, bigyan mo Ako nang kasiyahan. Oo, paligayahin mo Ako. Ako ang Anandam, ang ekstasi, ang kalugud-lugod na kasiyahan. Ito ang pinakamataas na bahagi Ko, halika at sumama ka.” Hanapin mo ang Krsna-santosa, ang pamamamaraang nagbibigay sa Kanya nang kasiyahan, pero ang bagay na ito’y balewala sa iyo, nagpapakahirap ka para lamang magkaroon nang kasiyahan sa iyong hinahanap, sa iyong halaw na kaalaman. Samakatuwid ikaw ay isang manloloko.

sreyah-srtim bhaktim udasya te vibho klisyanti ye kavala-vodha-labdhaye tesam asau klesala eva isyate nanyad yatha sthula-tusavaghatinam [Srimad-Bhagavatam 2.416]
Papaano? Isang halimbawa ang ibinigay, kapag giniik mo ang palay ang lalabas ay bigas, pero kung ipa lang ito’y parang pagtatangkang makilala si Krsna. Ang gusto natin ay bigas at hindi ipa. Sayang lamang ang inyong pagpapakapagod kung ipa lang

20

ang igigiik mo. Pagod lamang ang mahihita mo. Katulad din nito, saying lamang ang pagpapakapagod ng isang may-hangganan kung aalamin niya ang Walang-hangganan. Sabi nga ni Krsna, “Anoman meron ka, gamitin mo ito para sa Aking kasiyahan, bilang paglilingkod sa Akin, sa Anandam.” Ito ang tama, ang tunay na damdamin. May apat na slokas sa Srimad-Bhagavatam ang bumabatikos sa jñana. Ang isa dito ay:

naiskammyam apy acyuta-bhava-varjjitam na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12] Naiskarmmam paramam siddhim. Ang ideya na nagsasabing kailangan ka
munang maghirap para mabuhay ay malaking kahihiyan. Para mabuhay, kailangang maghirap; kahiya-hiya naman ito. Dahil dito, nagsaliksik ang mga sinaunang iskolars natin, ang mga paham, para hanapin ang isang kalagayan kung saan maaari tayong mamuhay ng hindi naghihirap, at walang dinadanas na sakit o kirot. Sinimulan nila ang kampanyang ito para tuklasin o kaya mag-imbento ng mga ganoong kalagayan. Minsan kasi ang naiskarmma ay higit na katanggap-tanggap pa sa ating lipunan. Ayaw nilang maghirap, kaya gumamit na lang nang mga computers at ng iba’t-ibang makina ang mga kapitalista kapalit ng mga taong nagtatrabaho. Naging bastos na kasi ang mga manggagawa kaya gusto silang alisin ng mga kapitalista. Naging masyadong abala ang mga sinaunang iskolar noon sa pagtuklas nang isang panlipunang kalagayan para sa lahat ng mga kaluluwa kung saan sila’y maaaring mamuhay nang hindi naghihirap, walang karmma: kundi naiskarmma. Dumating sa kanila ang paniniwalang ang kasiyahan ng ating sarili, ang atmarama, ay maaaring makamit sa pamamagitan ng ganap o lubos na paglisan o pag-alis. Para paniwalaan ang konseptong ito naniniwala silang si Buddha at si Sankara ay naparito para tulungan tayo at ituro sa atin ang antas ng samadhi katulad ng mahimbing na pagtulog. Ayon sa kanilang paliwanag kapag narating na natin ang kapatagang iyon, kung saan walang nararanasang paghihirap, masaya tayong makapamumuhay doon dahil walang kaguluhan. Sumang-ayon si Sukadeva Goswami, “Oo, meron nga din ditong naiskarmma.” Pero doon sa Srimad-Bhagavatam ay ibinigay niya ang bagong anyo ng naiskarmma: “Ang sabi ninyo mahirap ang magtrabaho, nakakapagod ang magtrabaho. Ang sabi ninyo ay nakapanghihina ang magtrabaho. Pero ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang
21

isang panuntunan sa buhay kung saan hindi ka manghihina, hindi ka manglalata. Gagalaw ka, magtatrabaho ka, pero hindi ka manghihina.” Papaano iyon?

“Yatra jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmyam aviskrtam—natuklasan na namin, na-imbento na namin, ang isang uri ng naiskarmma: ang jñana-viraga-bhakti.”
Dinala ng jñana at ng viraga sina Buddha at Sankara sa samadhi, pero ang sabi naman ng paaralang Bhagavata, “Naku hindi, hindi. Huwag kang pabibihag dyan. Huwag kang pumayag na kapalit ng naiskarmma ay ang iyong buhay, walang gawaing-buhay. Sa samadhi, hindi mo makikita ang iyong sarili, ito’y parang isang pagpapatiwakal sa bibili ng ganitong uri ng naiskarmma sa samadhi. Ang ibibigay namin sa inyo ay isang walang kahirap-hirap na gawain, dahil doon sa Raga-marga ito ang gawain sa larangan ng pag-iibigan. Doon sa Srimad-Bhagavatam ang atma (ang kaluluwa) ay tinitiyak bilang eternal, walang kamatayan, at doon sa eternal na kapatagan ikaw ay mayroong sariling katauhan, at doo’y gagalaw ka, kikilos ka. Ang atma ay masmataas pa sa mortalidad, sa kamatayan, kaya kapag gumalaw ka sa lugar na iyon, doo’y hindi ka mahihirapan. Magkakaroon ka ng sariling katauhan, sariling pagkakakilanlan at kalagayan, at doo’y magiging mabuti ang iyong buhay.” Madalas noong magbigay sa amin nang halimbawa ang aming Srila Guru Maharaj. Kapag nasusunog ang silungan ng baka, syempre ang mga baka ay nahihintakutan at gustong magtakbuhan palabas, at dahil sa karanasan nilang ito, minsan kapag nakakakita sila ng mapulang kalangitan sa madaling araw o kaya sa takip-silim, ito’y natatakot parin. Ang sabi sa amin nang aming Guru Maharaja ganito din ang nararamdamang takot ng mga Buddhist at nang paaralan ng Sankarite katulad ng mga bakang nakakakita ng mapulang kalangitan. Ayon kasi sa kanilang paniniwala, ang isang tao kapag naging malaya na, ang kanyang espirituwal na buhay ay sumisigla subalit ito’y maydalang kahirapan parin. Ang hindi nila alam, ito’y bunga ng isang pag-iibigan, at itoy’ nagpapalakas ng ating ekstasi, nang anandam. Hangga’t lumalakas ka, tumitindi din ang anandam mo, at hindi nasasaid ang enerhiya mo dahil ito’y eternal na kapatagan, eternal na lupain; at ikaw ay eternal din. Ang lahat ng bagay doon sa eternal na kapatagan ay walang pagkasaid ang enerhiya at doo’y mayroon kang idibidwal, masaya, at mabuting buhay. Doo’y magiging masaya ang iyong kabuhayan. Doon ang buhay ay maunlad. Makakamit mo ang lahat ng bagay, huwag kang matakot at mangamba dahil hindi mauubos ang iyong lakas hindi ito katulad sa mortal na mundo. Doo’y makapaglalaro ka nang husto at hindi ka mapapahamak na maaaring ikamatay mo.

jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmayam aviskrtam
22

Hindi paghihirap ang maglingkod sa Panginoon. Ito’y mapagbigay pa, nakapagbibigay pa nga ng buhay. Ito’y hindi umuubos ng lakas, kundi nagbibigay pa ng higit na lakas. Nagbibigay pa nang buhay. Ang isang dalisay na paglilingkod ay nakapagbibigay nang buhay, ito’y hindi kumikitil; hindi din pumapatay ng lakas, kundi nagbibigay pa nang lakas. Doon sa eternal na kapatagan, ang lahat ay kabaligtaran, lalu na doon sa bahagi ng Goloka kung saan ang lahat ng bagay ay kumikilos dahil sa pag-ibig. Ang isip nang mga residente ng Goloka kapag sila’y walang ginagawa, sila’y nag-aayuno, at kapag sila’y mayroong ginagawa sapat ang kanilang kinakain. Dahil ang paglilingkod ay napagbibigay nang buhay, nang sustansya. Walang pagkasaid sa paglilingkod; at ito’y hindi din nakamamatay. Kung ganoon, huwag na tayong masyadong maghangad nang karunungan, para alamin lamang ang lahat ng bagay, kundi dapat nating ituon ang ating mga sarili kung papaano magagamit ang ating mga sarili para sa pinakamataas na gawain: ito’y ang paglilingkod, serbisyo.

naiskarmmyam apy acyuta-bhava-varjjitam na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12]
Ang naiskarmma ay masyadong kilala at tanggap nang maraming iskolar, pero ang naiskarmmang ito, katulad ng sinasabi nang mga nagpapataas dito sa materyal na mundo, ay wala talagang lugar sa paaralang Bhagavata. Maging ang naiskarmma, na ginagalang ng mga matataas na lider katulad nina Buddha at ni Sanakara ay ating itinatapon—tahasang binabalewala at itinatapon. Maglingkod, maglingkod, maglingkod. Natatakot kayong maglingkod dahil akala ninyo ito’y nakakapagod, nakapanghihina. Ang paglilingkod ay nakapagbibigay– buhay. Ito’y nagbibigay sa atin nang pagkain. Magserbisyo! Mamatay para mabuhay. Kailangang maging matapang tayo at handang mamatay para kay Krsna, makikita ninyong ang kaluwalhatian nang lahat ng bagay ay nagniningning. Kaya, maglingkod kayo; ito kasi ang pangunahing bagay. Walangsaysay ang kilalanin pa Siya. Hindi natin Siya maaaring maging object o pakay ng ating pag-aaral ng kaalaman. Dahil Siya ay isang adhoksaja. Bakit magkaiba ang ibinigay sa atin nina Sanatana Goswami at ni Rupa Goswami? Kapwa sila nagkakaisa, pero bakit magkaiba ang kanilang inilabas? Ang sabi sa amin nang aming Guru Maharaj, “Ito’y isang adhoksaja. Kaya huwag mo nang
23

unawain pa, dahil ito’y Maya.” Ito’y ating igalang. Ito hindi natin kilala at hindi maaaring kilalanin. Subalit tutulungan tayo ng ating pananalig para ‘mamatay’ at para mabuhay.

Ang Banal na lawa nang Sri Govinda-kund, ay ang Gupta-Govardhan, ang nakatagong Govardhan na nasa loob nang banal na lupainj ng Sri Chaitanya Saraswat Math. Sa bandang gitna ay ang Sri Giriraj Mandir, sa tubigang ito naglalaro si Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ang nasa dulong kanan naman, ay ang banal na Templo ng Poong Sri Sada-shiva.

24

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Ikalimang Kabanata Ang Pinakadakilang Bendisyon
Satyam priya-hitam ca yat. Mangusap ka nang makatotohanan. Magsabi ka
nang totoo, at hindi kasinungalingan, at ilagay mo din sa iyong isipan, huwag kayong magsasalita nang mga nasasakit na katotohanan. Subalit hindi nangangahulugang kailangang magsinungaling kayo dahil masmabuti pa ito. Dapat pawang katotohanan lamang ang sinasabi natin pero ito’y kailangang nakalulugod, kung hindi man lang kailangan, huwag na tayo masyadong magsalita nang mga bagay-bagay. Ang ibig sabihin ng priya ay masarap, nakalulugod. Ang katotohanan ay maaaring hindi din kalugud-lugod o kasiya-siya, kaya saan natin maaaring ilagay ang salitang ‘kalugudlugod?’ Ito’y masmataas pa sa katotohanan. Dahil ito’y maawain. Ang katotohanan ay parang hustisya, parang katarungan, parang isang paglilitis, pero ang pagiging ‘nakakalugod’ ay nasa kategorya ng pagiging mahabagin—na higit pa sa katarungan. Mayroon palang hihigit pa sa katotohanan. Ito’y ang pakikiramay, ang pakikisimpatya, ang pagiging mahabagin, ang pagiging mapagpala, pag-ibig, kariktan, at kagandahan, ang mga ito’y pawang higit pa o masmataas pa sa hubad na katotohanan. Kapag inalis mo ang lahat ng katangiang ito ang katotohanan ay magiging parang isang batas lamang, walang lasa, walangsarap, at sa banding huli ay humahantong sa konseptong Brahma na pantay-pantay ang kalagayan. Ang ibig sabihin ng Lila ay maganda, nagbibigay-buhay, mga Pagsasaya na puno ng pagmamahalan. Ang Lila, kapag walang umiiral na pag-iibigan, ay nagiging balewala, walang silbi, dahil ganito si Maya. Kapag tinanggap natin ang konseptong ang habag o awa ay higit na masmataas pa kaysa sa katarungan, magkakaroon tayo ng positibong konsepto o paniniwala tungkol sa pinakamataas na realidad, doon sa pinakamataas na katotohanan. Malalaman nating napaka-dakila pala nang Kanyang kabutihan. Tayo ang mga makasalalang laging pinupuntahan ni Nityananda Prabhu at kinakatok sa bawat pintuan at pinapakiusapan, “Tanggapin ninyo ang katotohanan. Ang katotohanan ay napakaganda dahil ito’y mayroong awa, mayroong habag.” Hindi man tayo karapat-dapat, pero may pag-asa tayo dahil meron palang mahabaging lupain. Dumaan man sa atin ang dapat dumating, darating din sa atin ang habag. Malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan. Ang tawag dito ay Prema. Bagamat kinalaban at minaltrato si Nityananda Prabhu nina Jagai at Madhai, sila’y Kanyang kinahabagan parin. Hindi ba’t ito’y di-masusukat na kabutihan!
25

Nilapitan sila ni Nityananda Prabhu para sa kanilang kabutihan subalit Siya ay kanilang kinalaban at sinaktan pa. Subalit Siya’y nagtyaga pa din. May pag-asa tayo dahil meron palang pagpapala, mayroon palang habag, awa! At ito’y masmataas pa sa katotohanan. Ito ang tinatawag na Banal na Pag-ibig. Ito ang sundaram. Ito ang ibig sabihin ng kariktan, nabighani at pagkaakit sa Di-mapapasubaliang Lupain, sa lupain ng Kalubusan. Ito’y tuluy-tuloy at awtomatiko, at ito ang pangunahing bagay sa pinaka-ugat ng lahat ng bagay. Mabuting kalooban. Ang lahat ng ito’y nakasalalay sa mabuting kalooban. Iba’t-iba ang anyo ng habag at pagpapala. Noong bago mag-sannyasa si Mahaprabhu, tinawag Niya noon ang lahat ng malalapit sa Kanya at Kanyang kinausap. Sa panahon kasi ng digmaan ang bansa ay nasa maselang kalagayan, at kagaya din nito ang mga bilin ni Mahaprabhu ay maselan ang kahalagahan: “Lagi ninyong isipin si Krsna. Kahit habang kumakain, natutulog, o kaya gising; maging araw man at gabi lagi parin ninyo Siyang iisipin. Dahil nasa peligro kayo. Delikado ang inyong kalagayan dahil anumang sandali kayo ay maaaring kunin ni kamatayan. Lagi ninyong ilagay sa inyong isipan na delikado ang inyong kalagayan kaya alamin ninyo ang kamalayan kay Krsna, ang Krsnanusilana—ang patuloy na kamalayan kay Krsna.” Ito’y hindi katulad ng pagsimba isang beses isang Linggo, o kaya ay pagdasal nang limang beses isang araw, o kaya ay isipin ang Diyos tatlong beses sa isang araw, kundi ang gunitain at paglingkuran si Krsna palagi. Ganito din ang inihabilin ni Mahaprabhu noong naglibot Ito sa Katimugang bahagi ng India para mangaral:

yare dekha, tare kaha ‘krsna’-upadesa amara ajñaya guru haña tara ei desa [Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128]
Sinuman ang makaharap mo, sabihin mo sa kanila ang tungkol kay Krsna. Ito ang kahilingan Ko at kautusan Ko sa inyong lahat. Iligtas ninyo ang mga naghihirap na kaluluwa dahil sila ay nasa peligro. Tulungan ninyo sila dahil nalulunod sila sa kamang-mangan at ilusyon. Gawin ninyo ang lahat para lamang mailigtas sila mula sa pagkakalunod. Iligtas ninyo ang mga nalulunod. Magbakasakali ka, lundagin mo sila sa dagat at iligtas ang mga nalulunod sa kamang-mangan at nasa ilusyon. Hilain mo sila sa liwanag mula sa kadiliman.”

26

Katawa-tawa siguro na kailangang ipaalam pa muna sa punung-tanggapan ng pamatay-sunog na may sunog na nagaganap, at mag-antay nang utos bago kumilos, bago muna sugpuin nang mga bumbero ang isang sunog. Sabi nga ni Mahaprabhu, “amara ajñaya guru haña tara ei desa: Ibinibigay Koa ng lahat ng tulong sa lahat ng mga nalulunod sa karagatan ni Maya. Kaya tumulong na rin kayo.” Noong nasa sangay ako ng Gaudiya Math namin sa Madras kinausap ko noon ang Ministro para sa Edukasyon para humingi sa kanya nang sulat na inirerekumenda kami para makatulong sa aming pangangaral sa lugar na kanyang nasasakupan. Sabi niya sa akin, “Swamiji, Tamil ang salita ng lahat ng mga tao dito. Wala silang alam sa salitang English o kaya Bengali o Sanskrit, kaya sa palagay ko ay kailangang mag-aral muna kayong magsalita nang Tamil para makapangaral kayo dito.” Sinagot ko siya, “Papaano halimbawang naglalakad ako sa kalye dito sa baryo nyo at nakita ko ang isang batang nalulunod sa ilog, dapat bang mag-aral muna ako nang salitang Tamil at pagkatapos ay sabihin sa mga taong naririto na may batang nalulunod sa lugar na iyon? O sabihin sa kanila sa pamamagitan ng mga senyas at kumpas na may nalulunod na bata?” Sabi nang ministrong pang-edukasyon noon, “Masyado ka naman?” “Oo. Ganun ang kahalagahan nito. Ito’y mahalaga kaya kailangang ibigay namin ang kamalayan kay Krsna kahit sa papaanong paraan, marunong man siya magsalita nang English, o salitang-Hindi o kahit ng anupaman. Basta kailangang maibigay namin ito sa kanila.” Ito ang ipinag-uutos ni Mahaprabhu, “Yare dekha, tare kaha ‘krsna’—upadesa. Kagipitan na ito. Kailangang-kailangan na ito. Sinuman ang makita mo, sabihin mo sa kanila ang tungkol kay Krsna. Huwag ka nang mag-antay ng sertipiko o katibayan mula sa mga awtoridad. Lahat kayo’y binibigyan Ko na nang sertipiko, sulat para sa inyong lahat na nagpapahag nang kapahintulutan.”

27

Ang Banal na Templo ni Sri Giriraj. Na matatagpuan sa kalagitnaan nang lawa ng Sri Govinda-kund, sa loob nang banal na lupain ng Sri Chaitanya Saraswat Math, ang Gupta-Govardhan, ang nakatagong Sri Govardhan.

28

Purihin ang Kadakilaan nang ating Sri Guru at ni Sri Gauranga

Pang-Wakas Pinaka-Banal sa Lahat ng Gawain

“Matalik Kitang kaibigan, hindi Kita lolokohin. Maniwala ka sa Akin. Sumpa man.” Hindi nahihiyang ipinahayag pa ni Krsna ang Kanyang sarili! Nagpunta pa Siya dito para ipagmakaawa ang Kanyang sarili, para lamang sa ating kapakinabangan. Ang bagay na ito’y naka-rekord sa Srimad Bhagavad-gita para maging gabay natin. Higit pa dito, si Krsna ay naparito bilang si Mahaprabhu para ipangaral ang Kanyang sarili. Nagpunta Siya kasama ang Kanyang mga kasamahan para ipangampanya ang Kanyang sarili at dinala pa Niya si Srimati Radharani: “Kung kinakailangan ipapakita Ko pa kung bakit kaakit-akit ang nasa Debosyunal na Paglilingkod. Ipapakita Ko kung bakit napakaganda at kapita-pitagan ang paglilingkod. Halikayo at sumama sa Akin.” Naparito din si Baladev bilang si Nityananda para mangampanya. Magkasamang dumating sina Krsna at Balaram para ipangampanya ang Kanilang mga sarili bilang sina Mahaprabhu at Nityananda. Naparito din ang Vrndaban para ipangampanya ang sarili bilang Nabadwip. Masmalaki ang pinagkakautangan natin ng loob sa nangampanya kaysa sa aktwal na ka-grupo nito. Una sa lahat, higit na masmalapit ang ating kalooban at kinikilala ang kabutihan nang nangampanya, lalu na nang mismong Panginoon pa ang nangampanya. Kayganda, napakadakila, at handang magsakripisyo! Ito ang makikita nating uri ng Pag-ibig na Banal!


Tayo’y naparito para humanap nang isang bagay na mabuti, at si Mahaprabhu naman ang nagsabi sa atin kung papaano. Medyo naakit ako, at nakaramdam nang ganito, “Oo, kaakit-akit pala ito, napakaganda, at nakakabighani.” At hinahanap ko ang taong maaaring magbigay sa akin nito para magkaroon nang kasiyahan ang aking puso, at natagpuan ko nga ang aking Maestro. Si Mahaprabhu lamang ang kanyang ikinakampanya, at matinding ikinakampanya pa—Punung-puno siya nang walang katapusang enerhiya para kumilos kay Sri Gauranga. Ganito katindi ang kanyang
29

kasiglaan. At siya’y aking tinanggap at inialay ang aking sarili para kunin niya at kupkupin. Sa abot nang aking makakaya buong buhay kong sinunod ang kanyang mga kautusan, ganito pa din ang pakiramdam ko nasa ilalim nang kanyang pangangalaga at ginagampanan ang mga tungkuling iniatang niya sa akin. Lumilipas ang aking mga araw para makita ang kanyang mga payo sa iba’t-ibang Banal na Kasulatan katulad ng Srimad Bhagavad-gita at Srimad-Bhagavatam, at hanapin dito ang sukdulan sa mga ipinahayag ni Mahaprabhu at nang aking Gurudeva. Habang lumalalim ang aking isipan, unti-unti din akong nasisiyahan. Hindi kasi makatwiran para sa aking Gurudeva at sa kanyang mga kasamahan kapag hindi ko sinabing nasisiyahan ako. Dahil wala nang iba pang bagay ang maaaring umakit sa akin. Sa halip, maslalu pa ngang tumitibay ang aking paniniwala sa araw-araw sa mga aral ni Mahaprabhu, ni Vyasadeva, sa Vraja-lila, atbp. Bagama’t masasabing Sila’y walang-hangganan, Sila’y higit pang tumitibay sa puso ko, at masaya ako kahit kakaunti lamang ang nakukuha ko. At ang isa pa, dahil sa aking paniniwala naramdaman kong kailangang ibigay ko din ang buhay na ito sa iba. Ganito ang aking ginagawa sa araw-araw. Walang masama sa ginagawa nating pagpapalaganap nang mensahe ni Mahaprabhu, subalit ayon sa ating paniniwala ito ang pinaka-banal na gawain. Ito ang pinaka-banal sa lahat, kaya ipagpatuloy natin ang programang ito na maging mabuti sa lahat, dahil ito ang pinakamainam sa lahat, at para din sa ating sarili. Walang nang ibang banal na gawain kundi ito lamang. Ito ang pinakabanal na Gawain at ito’y may bendisyon nang Panginoong Nityananda at ng Panginoong Sri Gauranga. Ito an gating tungkulin sa Kanila. Ito ang Kanilang departamento. Ang pinaka-espesyal na departamento nina Sri Gauranga at Nityananda Prabhu ay ang pangangaral. Ang Nabadwip Dham ang lugar na Kanilang pinagpala. Ang dalangin lamang natin sa Kanila, sana’y patawarin Nila ang lahat ng ating mga pagkakasala, at tayo’y maaari Nilang gamitin. Dito sa Koladwip, Nabadwip, dito sa lugar na ito kung saan ang lahat ng mga pagkakasala ay pinapatawad, aparadhabhanjan-pat, dinadalangin namin na sana’y patawarin Nila ang lahat ng ating mga pagkakasala at sana’y makapaglingkod tayo sa kanila na maikalat ang kamalayan kay Krsna at ang kamalayan kay Gauranga.

30

srimac-caitanya-sarasvata-mathavara-udgita-kirtir jaya-srim bibhrat sambhati ganga-tata—nikata-navadvipa-koladri-raje yatra sri-gaura-sarasvata-mata-nirata-gaura-gatha grnanti srimad-rupanuga sri-krtamati-guru-gauranga-radha-jitasa “Sa tabing-ilog ng Ganges bandang Koladwip, Nabadwip, Maningning na nakatayo ang Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang bandila nito’y mataas na nagwawagayway, Habang ang kadakilaan nito’y inaawit sa buong mundo. Doon ang mga kadakilaan nang Panginoong Gauranga Inaawit ng mga naninirahan dahil mithi nilang makapaglingkod kina Sri Sri Radha-Govinda sa linya ni Sri Rupa.”

31

matala-harijana-visaya ranghe pujala-raga-patha gaurava bhange “Ang mga tagapagsilbi ni Hari ay abalang-abala sa kanilang gawain, lahat nang magagandang bagay ay kanilang ginagamit sa paglilingkod sa Panginoon. Ang gaurava-bhange (ang labis na pagiging mahiyain at magalang), ang landas nang tuluy-tuloy at walang-tigil na debosyon ay labis nilang pinapahalagahan, dahil ang raga-patha ay masmataas sa ating lahat [nasa itaas natin], kung kaya’t pinili na lamang nilang manatili bilang mga tagapaglingkod, at nananatiling naroon lamang sa ibaba, patuloy na nananalangin upang muling makapaglingkod, at hindi upang maging matalik na kaibigan – hindi upang ibaba sa mundong ito ang pinakamataas na banal na pag-iibigan, kundi ang ilagay ito sa kanilang ulo.”

32

Dagdag Pahina 1

Sri Rupa Mañjari Pada
Nilikha ni Srila Narottama Dasa Thakur Binigyan nang komentaryo ni Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj)

Sri Rupa Mañjari Pada

sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana sei mora prana-dhana, sei mora abharana sei mora jivanera jivana sei mora rasa-nidhi, sei mora vañcha-siddhi sei mora vedera dharama sei vrata, sei tapa, sei mora mantra-japa, sei mora dharama-karama anukula ha’be viddhi, sei-pade ha’be siddhi nirakhibo e dui nayane se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi, praphullita habe nisi-dine tuwa adarsana-ahi, garale jaralo dehi, ciro-dina tapita jivana haha rupa doya, deho more pada-chaya narottama loilo sarana

33

Sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana—ang lahat-lahat
para sa akin ay ang Banal na Paanan ni Sri Rupa Goswami. Pag-usapan natin ang napakaraming klase at posisyon ng Rasa: ang Santa, Dasya, Sakhya, Vatsalya, Madhura. At doon sa Madhura-rasa ang kampo ni Srimati Radharani ay espesyal. At muli ay maraming grado ng mga Sakhis. Mayroong mga Mañjaris din, mga batang babae, at sila’y malayang nakakalapit. Kapag magkasama sina Radha at Krsna sa isang pribadong lugar ang nakakalapit ay mga Mañjaris; malaya silang nakakalapit. Kapag mayroong gustong ibigay ang mga Sakhis kina Krsna at Radharani, ang pinapapapunta nila ay ang mga Mañjaris. Hindi kasi lumalapit ang mga Sakhis doon. Dahil dito higit na pinagkakatiwalaan ang mga Mañjaris. Mga Mañjaris ang gumagawa kapag kailangan nang patagong serbisyo para sa Kanilang dalawa. Doon sa pinakamataas na kalagayan sila’y malayang nakakapunta, at ang lider nila ay si Rupa Mañjari. Siya ang kinikilalang lider ng buong grupo ng mga batang kababaihan, nang mga Mañjaris, samakatuwid doon sa Madhura-bhajan si Rupa Mañjari ang lahat-lahat. Ito ang itinuro sa atin ni Srila narottama Dasa Thakur. Para sa ating lahat—at doon sa mga bagong dating na kabataan—siya ang pinakamataas na sandalan ng lahat.

Sei mora sampada—ang yaman ko’y nasa kanyang paanan. Sei mora bhajanapujana—ako’y nanampalataya at maglilingkod sa kanya. Sei mora prana-dhana, sei mora abharana—siya ang tanging pinakayaman at buod ng buhay ko; at ang palamuti ng buhay ko, anuman mayroon ako, ito’y dahil sa kanyang pagpapala. Sei mora jivanera jivana—tunay ngang, ang pinaka-buhay nang buhay ko, kung mayroon man,
ay siya lamang. Ako’y para sa kanyang kasiyahan.

Sei mora rasa nidhi—tanging sa kanya lamang makikita ang lahat ng mga
katakam-takam na ekstasi o kalugud-lugod na kasiyahan. Ang mina, ang pinanggalingan, at ang pinakabukal nang lahat ng Rasa ay nasa kanyang paanan. Sei mora vancha-siddhi—at kung mayroon pa akong hinihintay na iba pang kasiyahan sa buhay, ito’y naroroon lamang sa kanyang paanan. Sei mora vedera dharama—kung bibigyan ako ng iba pang gawain ng Vedas, gusto ko’y gawin ito sa kanyang paanan, ang mga gawaing tulad ng pagpepenitensya o pag-aayuno, ay matatagpuan din dito— sei mora mantra-japa—at dito nagtatapos ang paulit-ulit na pag-usal nang japa. Iisa lamang ang kinauuwian ng lahat ng ito; at ito’y nagtatagpo-tagpo sa paanan ni Rupa Mañjari. Kapag siya’y aking napaligaya, magiging maligaya din ang iba’t-ibang debosyunal na gawain ko. Sei mora dharama-karama—ang lahat ng magiging gawain ko ay humahantong lamang sa iisang lugar: doon sa banal na paanan ni Rupa Mañjari.

Anukula ha’be viddhi, se-pade ha’be siddhi—mananalangin ako sa
Kumukontrol at pinaka-ugat ng lahat ng ito sa mundo, “Sana’y makasama ko siya. O aking Di mapag-Aalinlanganang Kalubusan, aking Manager, pakinggan Mo ang aking panalangin na sana’y basbasan niya ako sa lahat ng aking gagawin.” Nirakhibo e dui

34

nayane—at magiging matibay ang aking pananaw sa kanya na parang nakikita talaga
siya nang aking mga mata. Hindi ito magiging malabo, hindi halaw, o gawa-gawa kaya nang aking imahinasyon, kundi ito’y magiging isang pinakamatibay na paniniwala dahil sa pagpapala nang Di Mapag-aalinlanganang Kalubusan, nang aking Manager.

Se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi—napakataas ang kagandahan ng
kanyang banal na paanan! Gusto kong lumundag. Gusto kong maging lotus ang aking puso. Dalawang klase ng lotus: puting lotus na nanggaling sa araw at pulang lotus na buhat sa buwan. Ang kuvalaya ay pinaghalong lotus na ito. Araw at gabi akong bubusugin nang kaningningan ng kanyang katawan at ito ang aking buhay katulad ng isang kauvalya. Ang kauvalya ay kumakain at nabubuhay sa pamamagitan ng kaningningan ng buwan, at ang kanyang banal na paanan ay ang buwan, at ang lakas ko mismo ay katulad ng isang lotus. Sana’y bigyan nang buhay at alagaan nang kaningningan ng kanyang kagandahan ang puso ng aking mga puso. Praphullita habe nisi-dine—at ang lotus ng aking puso ay lalago sa pamamagitan ng sinag na iyon, at ito’y sasayaw.

Tuwa adarsana-ahi—ito nga ang aking panalangin, pero nasaan ba ako? Ako’y
nasa negatibong bahagi, doon sa aking kulasisi. Nasusunog ang aking puso, dahil hindi kita nakikita Iyong Habag, ito ang kalagayan ko ngayon. Ganito ako. Garalejaralo dehi—ito’y parang kamandag nang kobra na nararamdaman ng puso ko. Ako’y natuklaw nang isang ahas, at anong ahas? Ito’y ahas ng pagkakawalay ko sa iyo. Hindi kita makita, Iyong Habag. Nabihag nang kamandag ang aking puso at ako’y malapit nang mamatay. Ciro-dina tapita jivana—at ito’y hindi ngayon ko lamang naramdaman, ang hapdi at kirot nang pagkakawalay ko sa isang napakaganda at masayang buhay ay naramdaman ko na noong simula pa lamang.

Ha ha rupa koro doya, deho more pada-chaya, narottama loilo sarana—
sukdulan na ito at sa huling sandaling ito ako’y nagmamakaawa para sa iyong pabor, dahil malapit nang matapos ang aking buhay.


Ito’y sinulat ni Srila Narottama Dasa Thakur bilang papuri kay Srila Rupa Goswami. Dahil dito ipinakita niya sa atin ang liwanag mula sa masmataas na lugar ng buhay bhajan. Ang ating sampradaya ay pinangalanan na Rupanuga-sampradaya, at ang ating Guru-parampara at ang lahat ng ito’y nakaayon dito. Marami siyang sinulat na awitin at ito’y punung-puno nang mga masusustansyang kalangitan, na labis na kalugud-lugod, at may malalim na paniniwala.
35

Dagdag Pahina II Ang May-akda at ang Kanyang Misyon

Si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj ay isang beteranong ermitanyo na nagpapatupad nang isang tuntunin sa buhay mula sa orihinal na kinaugaliang banal na pagsasalin-salin na pinasimulan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, at siya din ang Tagapagtatag at Acharyya nang banal na templo ng dalisay na debosyon sa Nabadwip, na nasa Kanlurang bahagi ng Bengal, India, kilala sa tawag na Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang banal na lugar na ito ng ating pananalig ay itinayo ni Srila Sridhar Maharaj noong 1941, at naging hiyas para sa mga perigrinong deboto sa mundo na tunay na naghahangad na makapasok sa loob ng banal na lupain ng mga nagpapailalim sa Mabuting Kalubusan. Ang kanyang espirituwal na paglalarawan ay kinilala sa kabuuan ng kasaysayan ng espirituwal na India, at hindi lamang tungkol sa kanyang mala-encyclopedia na kaalaman sa mga hayag na Banal na Kasulatan, kundi maging sa kanyang di mapag-aalinlanganang matalas na pag-iisip bilang tunay na komentarista ng mga tinipong makasaysayang yaman ng mga banal na kasulatan na hinayag nang mga kapuri-puring banal na santo ng Katimugan. Isa siyang walangkaparis na orakulo, na kayang pumiga sa panloob na kahulugan at sustansya ng mga Banal na Kasulatan at magbigay nang malago, malawak, buhay na konsepto nito. Noong 1985, tatlong taon bago siya pumanaw sa materyal na mundong ito, binigyang-katuparan ni Srila Srdihar Maharaj ang kanyang personal na kagustuhan na apatnapung taon na niyang minimithi, kanyang iginawad noon ang banal na kaayusan ng sannyasa sa kanyang pinakamamahal, kapalagayang-loob at pinakamataas na naglilingkod na kaibigan, si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Nakita ni Srila Sridhar Maharaj, na kilala sa kanyang matalas na kaisipan at espirituwal na pananaw, ang matinding pangangailangan ng kanyang Misyon sa hinaharap. Kung kaya’t pinili niya si Srila B.S. Govinda Maharaj bilang kahaliling Acharyya at Presidente niya para sa kanyang Math, ang Sri Chaitanya Saraswat Math, at ang mga kaanib na sangay nito.

36

Ang elixir o toniko ng Nektar na kumalat sa mundo buhat sa Sri Chaitanya Saraswat Math ay patuloy na dumadaloy pa din dahil sa pagpapala ng Sri Guru at ni Gauranga sa katauhan ni Srila Govinda Maharaj, at dahil sa kanya, ito’y higit pang naging doble sa katamisan. Ipinakilala sa atin ni Srila Guru Maharaj—na kinikilala nang lahat bilang “Tagalikha ng Guru”—ang kanyang pinakamamahal na hiyas sa katauhan ni Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Ayon nga sa kanyang pananalita, at sinasabi din natin, “Salamat sa mabuting kapalaran natin!”

37