You are on page 1of 18

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Tulong Espirituwal Para sa ating Mga Kaibigan

Ni

Mahamandalesvara Tridandi Swami Sripad Bhakti Ananda Sagar Maharaj

SRI CHAITANYA SARASWAT MATH NABADWIP

Purihin ang Banal na Maestro at ang Supremong Panginoong Sri Krsna Chaitanya

Tulong Espirituwal Para sa ating Mga Kaibigan

Para sa Eternal na Debosyunal na Alaala ng Pinakamaawain sa Lahat ---Ang Nagtatag-Tagapangulo at Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math
ANANTA-SRI-VIBHUSHITA OM VISNUPAD PARAMAHAMSAKULA-MUKUT-MANI JAGAD-GURU SRI SRIMAD BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEV-GOSWAMI MAHARAJ

Sinulat at inilabas sa hangaring makapaglingkod sa Kanyang Pinakamalapit na Kasamahan na Tagapaglingkod at Kanyang Personal na Pinili --Ang Sevaite na Tagapangulo at Acharyya
ANG KANYANG BANAL NA PAGPAPALA PARAMAHAMSA SRI SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEV-GOSWAMI MAHARAJ

ni Mahamandalesvara Tridandi Swami B.A. Sagar Maharaj

SRI CHAITANYA SARASWAT MATH

Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia, W. Bengal, PIN 741302, INDIA

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Pambungad
Ang pangunahing panimula sa relihiyon ay pananalig. Itoy hindi lamang totoo sa Relihiyon ng kaluluwa o sa Vaishnavaismo, kundi ganun din sa bawat konseptong umiiral sa mundo. Sraddhamayo yam lokahang espirituwal na mundo ay nabubuhay sa kapatagan ng mga nananalig. Ang pangunahing pangangailangan sa espirituwal na buhay ay taimtim na pananalig. Ang pagpapala ng Inang Pananalig [Sraddha Devi] ay ating makukuha sa pamamagitan ng kalinisan ng nitya-sukrttiang ating eternal na merito na pinong elemento; at ayon sa mga Banal na Kasulatan ang sinumang mayroon nito ay sinasabing tunay ngang mapalad na kaluluwa. brahmanda bhramite kona bhagyavan jiva guru-krsna-prasade paya bhakti-lata bija [Sri Chaitanya-Charitamrta] Matapos magpagala-gala sa kabuuan ng sanlibutan, mapalad ang isang kaluluwa kung makakamit niya ang pagpapala ng Sri Guru at ni Sri Krsna; dahil makakamit nito, sa pamamagitan ng Kanilang mga pagpapala ang binhi ng baging ng Debosyon. Hanggat matibay ang pundasyon ng inyong pananalig sa Maestrong pang-Espirituwal at kay Krsna, kayo ay higit na magiging karapat-dapat para sa tunay pang mabuting kapalaran. Para sa taong may ganap na pananalig, ang kanyang lubos na pagsuko ay magiging isang pagpapala para makamit ang tagumpay sa kanyang gagawin, at tiyak na siyay makakatuntong sa espirituwal na kalagayan. Dahil sa pagpapala nang Maestrong Pang-Espirituwal madali niyang mapapanhik ang baytang ng ibat-ibang yugto ng banal na dedikasyon, at sa bandang-huli ang kanyang buhay sa gawain ng paglilingkod tulad ng sa kanyang Gurudev ang magbibigay sa kanya ng kapahintulutang makapasok sa masmataas na debosyunal na gawain sa Supremong Katauhan ng Punungdiyos, kay Sri Krsna. diksa-kale bhakta kare atma-samarpana sei-kale krsna tare atma-sama sei deha kare tara chidanandamaya aprakrta-dehe tara charana bhajaya [Sri Chainaya-Charitamrta] Sa panahon ng kanyang pasimulang-pagtanggap bilang kasapi, iniaalay ng deboto ang kanyang sarili sa Panginoon; at siyay tinatanggap naman ni Krsna at inaari bilang sarili Niya mismo. At ang katawan ng kaluluwa ng sumukong itoy nagiging mala-estatiko o kalugud-lugod at nagiging banal ang kaanyuan, at sa kanyang espirituwal na kaanyuan, pinaglilingkuran ng debotong ito ang Lotus na Paanan ni Krsna.

At pagkatapos nito, kapag siyay hitik na sa yaman sa Banal na Pag-ibig, itoy wala nang kinatatakutan. At pagkatapos, dahil sa pagpapala at pagkalinga ng Banal na Maestrong nasa Raganuga, itoy maaari nang pumunta sa Ragamayi Bhakti. Naging malalim na ang sinisisid niya, at ang kanyang paglilingkod ay tuluy-tuloy na umaagos. Marahil ay sapat na ito; ang mga bagay na itoy hindi na natin sakop. Ngayon ay tumbukin naman natin ang pinupunto natin. Kapag nakamit na ng nagkasalang kaluluwa ang kanyang eternal na merito, itoy nakakaakit nang mabuting kapalaran sa kanyang buhay at dahil sa pagpapala ng kanyang Sri Guru at ni Krsna, ang binhi ng Debosyunal na baging ay kanyang natatanggap din. Subalit, hanggat wala parin siyang matibay at matapat na pananalig, itoy may masamang kapalaran parin. At bago niya malaman kung ano ang nangyayari, ang kanyang batang-bata at bagong-sibol na Debosyunal na baging ay maaaring masira ng mga demonyong laging naghahanap ng pagkakataong maisakatuparan ang kanilang masamang gawain. Ang mga demonyong ito ay tinatawag na anti-tesis. Minsan ay maaari din nilang dumihan ang mismong lupang kinatitirikan ng pundasyon ng ating pananalig sa espirituwal na buhay. guru krsna-rupa hana sastrera pramane guru-rupe krsna krpa karen bhaktagane [Sri Chaintaya-Charitamrta] Ayon sa aral ng mga Banal na Kasulatan ang Sri Guru ay hindi kakaiba kay Krsna. Pinagpapala ni Krsna na nasa anyo ng Guru ang mga mapapalad na deboto. Walang-duda, na kapag naririnig natin ang mga ganitong mensahe ay napupuno nang pag-asa ang ating mga puso. Subalit minsan namang ang pagkakasalang nagwawalang elepante sa Sri Guru at sa mga Vaishnava ay pumasok sa mga walang-malay na lupain ng pananaligna ang ibig sabihin, kapag nagkaroon na ng lamat sa lupain ng pananalig sa Sri Guruitoy nakapipinsala sa mga katulad nating makasalanang kaluluwa at itoy hindi na muling maibabalik. Dahil sa ganitong kaisapan, ang maikling artikulong ito ay aming inilabas sa mundo tanging para protektahan ang aming mga kaibigan na batang-bata pa sa pananalig; dahil binabanggit sa mga Banal na Kasulatan bhagne pi kinchid yad ayam pramadat premankuro yojayitum na sakyah Minsang mabali ang bagong-sibol na pag-ibig, itoy hindi na muling maibabalik. nahi kaha savirodha, nahi kaha anurodha, sahaj-vastu kari vivarana [Sri Chaintaya-Charitamrta] Wala tayong kalaban; hindi din natin sila kailangan; ang nais lamang natin ay ipahayag ang payak na katotohanan.

Mga Nilalaman
Pambungad . . . . . . Tulong-Espirituwal para sa ating mga Kaibigan Talakayan tungkol kay Srila Govinda Maharaj Kasama si Dr. Asthana . . . Deklarasyon ng Espirituwal na Paghalili sa Sri Chaitanya Saraswat Math . . . . . . . . . . . . . . . i . 1 . 5 . 9

Inilathala sa wikang English noong ika-7 ng Nubyembre, 1994 Ang Araw ng Banal na Pagpanaw ng Kanyang Banal na Pagpapala Si Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad Sa pamamagitan ni Tridandi Bhiksu Sri B.P. Janardan Maharaj Inedit ni Sri Yudhamanyu Dasadhikari Seva Vikram Prabhu Ang lahat ng Karapatan ay pag-aari ng may-akda Isinalin sa Wikang Filipino ni Rupa Vilas Dasa sa tulong ng mga pinagpipitagang debotong Filipino sina Dina Dayal Prabhu, Radha Krsna Prabhu, Gaurachandra Dasa, Isvarini devi dasi, at Rohini devi dasi at Inialay sa Banal na Lotus na Paanan ng Kanyang Banal na Pagpapala si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj, Noong ika-25 ng Disyembre, 2007 Sa Okasyon ng Pagdiriwang ng kanyang ika 79 na taon ng Banal na Araw na Pagdating Ang sinumang may katanungan o nais makipag-ugnayan ay maaaring sumadya o makipagsulatan sa : Secretariat SRI CHAITANYA SARASWAT MATH Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia, West Bengal, PIN 741302, INDIA O sa lokal na sangay nito: SRI CHAITANYA SARASWAT MATH Philippines Sri Nama Hatta Center 66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Brgy. U.P. Campus, Diliman, Quezon City, Philippines 1101 Cellphone: 0906-7681814 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Tulong Espirituwal Para sa ating Mga Kaibigan


Ang isang tunay na Acharyya ay katulad ng isang napakagandang nagniningning na araw. Noong siyay nagpakita sa atin, itoy katulad ng isang napakagandang pagsikat ng araw, ang buong planeta ay naging masigla at nailawan nang kanyang maningning na sinag nang pagpapala. Muli, ang buong mundo ay nagsimulang maging masigla at masaya sa kanyang paglalakbay pabalik sa mala-nektar na tahanan ng Mapagmahal na Paglilingkod sa Panginoon. Kahanga-hanga talaga siya, at sa oras na iyon dahil sa katusuhan na din ng di-talaga magbabagong Satanas, ang masamang kapalaran, at ang nakakatakot na anino ng pagkakasala sa Vaishnava ay biglang kumalat sa lahat ng dako na parang isang epidemya, at patagong isinalya ang lahat ng mga mapapalad na kaluluwang nagkaroon na ng kaliwanagan ng isipan pabalik sa daigdig ng pagkalimot. Sabagay, si Satanas ay talagang Satanas talaga. Itoy punung-puno ng mga anti-teistikong pandaraya. Sa kabilang banda, hindi nakakagulat makita ang mga demonyong-kwago, na ayaw sa liwanag ng sikat ng araw, ang naging katulong pa ni Satanas. Sa bagay, talagang magkayakap pa sila Satanas at ang mga demonyong ito para biyakin ang ating espituwal na pusogawain naman talaga nila ang lumikha nang mga kaguluhan sa dalisay na lupain ng paglilingkod nang mga nananalig sa lupain ng Debosyon. Ibig talaga nilang sirain ang mga naipon at inalagaang binhi ng Debosyunal na baging ng mga kaluluwang bata pa ang pananalig. Ang bagay na itoy madali nating mauunawaan kapag tinignan natin ang buhay ng lahat ng mga Vaishnava Acharyyas, na ang tanging gusto lamang ay gumawa ng kabutihan sa mundo. Halos lahat ng mga Acharyyas ay dumanas din ng mga paghahadlang mula sa malademonyong si Satanas. Hanggat gumagawa sila ng mabubuting gawain, maslalu namang magpupumilit sila Satanas at ang mga demonyo para gumawa naman ng masama. Ganito talaga sila dahil itoy normal na dumadaloy sa kuta ni Maya. Kapag namukadkad at ipinakita ng tesis ang kanyang dignidad, agad namang sisibol at haharapin ito ng isang anti-tesis. Noong idineklara ni Srila Prabhupad Saraswati Thakur ang kanyang malawakang pakikidigma laban kay Maya at sa kanyang mga kasamahan, agad namang gumanti nang husto ang isang anti-tesis mula sa panig ni Maya, na naging dahilan para malagay sa peligro ang kanyang buhay. Kung gusto ninyong malaman ang kasaysayang ito maaari kayong tumingin sa kanyang tunay na espirituwal na peryodiko, Ang Gaudiya, na labinlimang taong nailathala at ipinangaral noon.

Pagkatapos niya, itoy muling binigyan naman ng hugis ni Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad dahil inisip niyang ito na ang pinagpalang bilin sa kanya at magiging gawain sa buhay. Mag-isa nitong binaha ang dalampasigan ng mundo ng Hare Krsna Mahamantra. Di-mabilang na kaluluwa ang pinagkalooban niya ng kuneksyon, para maligtas sa habambuhay na pagpagala-gala sa sandaigdigan, at kanyang ibinigay din sa kanila ang mala-gintong pagkakataon na makalaro sa karagatan ng Paglilingkod sa malanektar na Banal na Pangalan ni Krsna. Subalit saan tayo ngayon? Marami dyan ang aakalain mo na magagaling talaga sa pagliligtas nang kanilang mga sarili. Pero sa ngayon ay makikita mong nagtatalikuran na at nagtatakbuhan palayo sa pagbaha nang mala-nektar na Pangalan at ngayon ay nahuhulog sa mga pangil ng pesteng dulot ni Mahamaya. Batid nating lahat kung ano ang epekto ng baha. Itoy nag-aalis ng mga dumi at nagbibigay din ng bagong pataba sa lupa. Na ang ibig sabihin, doon sa mga hindi nakalutang, sa mga nasa ilalim, sila ay maaaring makinabang din. Ang mabuting bunga nito ay madali din nating makukuha kung magiging maingat lamang sila sa paglinang ng matabang lupang ito. Subalit ito ay may negatibong epekto din, na talagang nakakalungkot. Ngayon, doon sa mga hindi naging maingat, sila ay nilalamon na ng epidemya ng Vaishnava-aparadha, ang lason sa negatibong bahagi. Patuloy silang nagbubuga nang kanilang nakalalasong pamatay-insekto ng pagkakasala sa Guru at sa Vaishnava. Dahil sa kanyang di-mawawaring kabutihan, ang hayagang deklarasyon nang pakikipaglaban ni Sri Srila Prabhupad Saraswati Thakur ay laban din sa ganitong uri ng karamdaman dulot ng mga makasalanang tao. Kahit ngayon ay muling nauulit parin ang kasaysayang ito, at muling kikilos at gagalaw din ang umiiral na batas ng materyal na mundong ito. Lahat tayo ay halos may kaunting kaalaman tungkol kay Srila Prabhupad Saraswati Thakur, at sa pang-internasyunal na eksena naman siguro ay higit na kilala natin ang kanyang minamahal at malapit na tagapaglingkod na si Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Prabhupad. Dagdag pa dito, sino ang makapangyarihan at mataas na katauhan na may maningning na banal na kapangyarihan ang makikita natin sa likuran ni Srila Swami Maharaj Prabhupad, at sino ang katauhang ito na sinasabi ni Prabhupad na kanyang SikshaGuru? Itoy walang-iba kundi ang pinatungan nang korona ng mga Paramahamsa, si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharajang katauhang sinisinta nang puso ni Srila Swami Maharaj na isa din niyang matalik na kaibigan; siya ang Dakilang Guru ng mga sannyasins; ang Embahador ng Achintya-bhedabheda-Siddhanta ni Mahaprabhu Sri Chaitanyadev; ang diamante sa kwintas na isinusuot at inilalagay sa daigdig ng mga Vaishnavas, ang mga matapat na tagasunod sa linya nina Sri Rupa-Sanatan. Si Srila Guru Maharaj ay kakaiba dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa mga Banal na Kasulatan at sa kanyang lagpas-materyal na kaalaman. Subalit hindi makikilala nang mundo si Srila Guru Maharaj kung hindi sila nabibiyayaan nang mga walang-katapusang bukal ng pagmamahal buhat sa kanyang matalik at mabuting

kaibiganang kanyang pinakamamahal, pinaka-malapit at natatanging tagapaglingkodsi Srimad Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Sino ang makakalimot sa mga matatamis na araw na iyon noong ibinigay ni Srila Guru Maharaj ang kanyang mataas at banal na konsepto sa mga debotong taga-Kanluran? Batid noon ng lahat na ayaw talaga niyang tanggapin ang responsibilidad sa kanila. Itoy nagbago lamang ng siya ay pinakiusapan ni Srila Govinda Maharaj, na kanyang pinakamatalik na alalayna nangako naman para ipagpatuloy ang iiwanang responsibilidad nito-na naging dahilan para tanggapin ni Srila Guru Maharaj ang ating mga paglilingkod at bilang kanyang mga disipulo din. At maging sa ngayon, makikita natin mismo si Srila Govinda Maharaj na kahit mayroong karamdaman ay walang-kapaguran at higit na nagniningning, at buong lakas at pagmamahal na ginaganap parin ang tungkulin. Ang isa pa dito, si Srila Govinda Maharaj ngayon ang nakikita nating taga-pamagitna sa matagal nang hangarin ni Srila Guru Maharaj na dalhin ang kanyang matingkad na sinag nang pagpapala sa lahat ng dako sa mundo. Naaalala tuloy namin ang isang istorya na naganap noong 1947, na direktang narinig namin mismo mula sa lotus na bibig ni Srila Guru Maharaj. Noong makita ni Srila Guru Maharaj ang pagsuko at tuluy-tuloy na masiglang paglilingkod sa katauhan ng labimpitong taong gulang na kabataang ito at napagpasyahan niyang maging kanyang kahalili, marami ang nagselos noon at nanira sa pwestong ibinibigay sa kanya ni Srila Guru Maharaj. Tinangka pa siyang paalisin sa Math. At sa bandang huli, ay, sila na mismo ang umalis sa Math ni Srila Guru Maharaj. Dahil sa kanilang makasariling hangarin, nawalan sila ng pagasang makuha pa ang banal na trono nito; marami silang inilabas na ari-arian ng Math kabilang na ang [nakatagong rehistradong dokumento na nagpapatunay ng bagay na ito]. Sa kabila ng lahat ng, personal na pinangasiwaan parin ni Srila Guru Maharaj ang pormal at espirituwal na pag-aaral ng batang ito, ibinigay nito kay Srila Govinda Maharaj ang lahat ng attensyon para hubugin at ayusin ito sa maraming paraan at maging pangsabak sa larangan ng transedental usapin. Kahit sa hirap at ginhawa ay ipinakita parin ni Srila Guru Maharaj ang kanyang sinumpaang pananagutan hanggang sa katapusan. At ano ang bagay na ito? Itoy para makalikha nang isang transedental na sandatang Brahmastra. At ang sandatang itoy labis na kumikinang sa katauhan ni Srila Govinda Maharaj na siyang Ahente para tagpasin ang materyal na pagkakagapos nang mga nagkasalangkaluluwa, at ngayon, siya ay kinikilala bilang isang tanyag na katauhan na sinasamba nang buong Sandaigdigan bilang Guru [Visva-Guru]. Alam na alam ng lahat ng nakababatid sa kasaysayan ang paglago nang Sri Chaitanya Saraswat Math, ang ipinakitang maningning at tuluy-tuloy at dalisay na halimbawa ng paglilingkod ni Srila Govinda Maharaj [maraming nakasulat at naka-taped na ebidensya mula sa mga kinikilalang disipulo ni Srila Prabhupad Saraswati Thakur, katulad nina Srila Swami Maharaj, Srila Tapasvi Maharaj, Srila Santa Maharaj, Sripad Satish Prabhu at marami pang iba]. Magmula sa Templo ng Magkawalay na Pagsasama ni Srila Guru Maharaj papuntang Sri Govinda Kunda, at ang paglalathala nang maraming maraming bagong

espirituwal na aklatpinasok nang kanyang Dakilang halimbawa sa Paglilingkod ang ating kapaligiran katulad ng isang di-pangkaraniwan at napakagandang bundok ng Himalaya ng Dalisay na Debosyunal na Paglilingkod. Hindi makikita ng mga matang naninibugho, na binulag ng kanilang hangaring mapagsamantala at huwad na renunciation o pagtalikod sa materyal na gawain, ang dakilang bundok na ito na nakatayo sa kanilang harapan. Gayunman, laging naaalala naman ng mga matapat, at di-naiinggit na deboto ang di-mawawaring Kadakilaan ng Pamantayan ng Paglilingkod ni Srila Govinda Maharaj. Sa bagay na itoy wala kayong makikitang anumang pagmamalabis sa katotohanan. Si Srila Guru Maharaj pa mismo ang umakay kay Srila Govinda Maharaj para maupo ito sa pinagpipitagang upuan ng Guru. Masayang inilahad noon ni Srila Guru Maharaj ang kanyang kagalakan na ang kanyang mga matapat na tagasunodang kanyang mga personal na tagapaglingkod at maging ang mga baguhan, ay tapat na sumusunod kay Srila Govinda Maharaj. Hanggang sa araw na ito, bihirang-bihira talaga makita sa kasaysayan ng mundo ang ganitong bagay. Batid nang lahat na kailanman ay hindi talaga ginusto ni Srila Govinda Maharaj na maging Guru, at kahit na noong itoy naging Guru na ay hindi natin nakitang ipinagsisiksikan ang kanyang sarili. Kahit sa ngayon ay makikita nating itoy mapagkumbaba parin at parang walang-halaga. Subalit itoy punung-puno ng dangal habang tangan niya ang maringal na upuan ni Srila Guru Maharaj. At buong-puso niyang pinangangalaan ang dignidad nito. Gusto ni Srila Guru Maharaj na maging dakila ito, at kilalanin ng lahat ang kanyang kagitingan, subalit itoy hindi natin nakitaan kailanman ng kayabangan sa kanyang pag-uugali. Bagamat halos tatlumpung-taon ng gustong ibigay na ni Srila Guru Maharaj ang posisyong ito kay Srila Govinda Maharaj, inakala parin ni Srila Govinda Maharaj na hindi talaga siya karapat-dapat at buong paggalang at pagpapakumbabang lumayo ito sa ganoong ideya. Sa halip, higit pa nitong pinagbuti at nilaliman ang kanyang mga gawain kay Srila Guru Maharaj. Sa bandang huli, matigas na ipinag-utos na ni Srila Guru Maharaj sa kanya na magsannyasa, at iniutos na tanggapin ang upuan ng Maestrong pang-Espirituwal at ang pangangasiwa sa lahat ng kanyang misyon. Noong sinunod ni Srila Govinda Maharaj ang utos ni Srila Guru Maharaj, labis-labis ang naging kasiyahan ni Srila Guru Maharaj, at walang pag-aagam agam na personal na iniupo pa ni Srila Guru Maharaj si Srila Govinda Maharaj sa kanyang maringal na upuan. Dagdag pa dito, para maging malinaw ang kalagayan ni Srila Govinda Maharaj sa kanyang matatapat na disipulo, bahagyang ipinaliwanag ni Srila Guru Maharaj sa kanyang Huling Testamento at Kahilingan kung bakit ginawa niyang Acharyya si Srila Govinda Maharaj. Ditoy babanggit kami ng isang sipi na nagsasabi kung bakit:

Purihin ang Sri-Sri Guru at si Gauranga

Diskusyon nina Doktor Asthana tungkol kay Srila Govinda Maharaj


[mula sa isang recording noong ika-29 ng Abril, 1987] Dr. Asthana: Medyo nag-aalala po ako sa kalagayan ni Srila Govinda Maharaj. Srila Guru Maharaj: Nasa kanya na, binigyan ko na siya nang kapangyarihan, para gawin ang lahat ng bagay sa ngalan ko: Rttvik. Itinalaga ko siya para gawin ang lahat ng espirituwal na gawain sa ngalan ko. Dr. Asthana: Pero mali po ang pagkakaintindi ng maraming tao sa salitang Rttvik. Srila Guru Maharaj: Bayaan mo sila. Dr. Asthana: May mga taong hindi talaga siya kinikilala bilang tuwirang kahalili ninyo; kundi bilang Rttvik lamang. Srila Guru Maharaj: Higit pa siya sa Rttvik. Dr. Asthana: Ano po? Srila Guru Maharaj: Higit pa siya sa Rttvik. Kahit ano pa ito, binibigyan ko siya nang kapangyarihan. Katulad ng sayauva-raja. Kapag iniluklok ng Hari ang kanyang anak at itoy nagretiro na, ano ang tawag dito? Katulad nang ginawa ni Dasarath kay Ramachandra. Ibinigay ng Hari ang lahat ng kanyang kapangyarihan bilang isang hari sa kanyang anak at nagretiro ito sa kagubatan bagamat siyay buhay pa at may sapat na kapangyarihan at karangalan. Dr.Asthana: Marami na po akong nakausap na tao at ayon sa kanila ang Rttvik daw po ay hindi talaga direktang Guru. Ang sabi po nila ang Rttvik ay Rttvik lamang daw. Srila Guru Maharaj: Ang Rttvik ay Rttvik, pero kung ipinapasa ko na sa kanya ang kapangyarihan ano ang masama dito? Doon sa mga wala talagang sraddha, ay maaaring umalis na. Huwag nilang tanggapin kung ayaw nila. Wala akong pakialam. Hindi ko sila tinatanggap. Dr.Asthana: Ang ibig po bang sabihin ng Rttvik ay direktang humalili?

10

Srila Guru Maharaj: Ang ibig sabihin ng Rttvik ay kinatawan. Maaari itong maging pansamantala o kaya ay permanente. Maaaring bahagi lamang o kaya ay lubusan, basta siya ay hinirang at binigyan ng kapangyarihan. Dr. Asthana: Ang ibinigay po bang kapangyarihan kay Govinda Maharaj ay pansamantala o permanente na? Srila Guru Maharaj: Permanente na. Lahat-lahat namga ari-arian at maging ang mga gawainitoy naisalin na. Kung ang sinasabi ko ay hindi ninyo kinikilala, ayaw ko silang tumira dito sa Misyon. Kakaladkarin ko sila palabas. Dr. Asthana: Pero maaari parin po silang gumalaw mula sa labas at kumilos bilang bahagi ninyo? Srila Guru Maharaj: Bilang isang pagrerebelde. Pagre-rebelde itodahil wala itong kapahintulutanmaaring gawin nila ito. Iniwan ko na sila. Maaari nilang gawin ang anuman at ang lahat ng bagay na gusto nila at anihin ang resulta nito na malayo sa espirituwal na mundo, malayo sa Diyos. Itoy labag sa batas. Ang kapangyarihan ay maaaring ipagkaloob at maaaring bawiin dingusto kong ilayo ang aking sarili sa kanila. Ang lahat ng hindi sumasampalataya sa naging desisyon ko, ay iniiwan ko. Hindi ito uso o kalakaran kundi pagsusuri ng paniniwala. Kung wala talaga silang paniniwala sa akin, inaalis ko na ang aking sarili sa kanila. Dr. Asthana: May mga debotong nagsasabi na, Binigyan din ako noon ng kapangyarihan (ng Rttvik) noong 1982 o kaya noong 84, at ang kapangyarihang itoy naipagkaloob lamang sa kanya noong 86 kaya masmatagal ako sa kanya. Srila Guru Maharaj: Walang patagalan dito. Walang patandaan dito. Na kapag masmatagal ka ay ikaw ang pipiliinhindi. Dr. Asthana: Iniisip kong padalhan nang sulat ang lahat ng mga matatagal nang deboto para linawin sa kanila ang bagay na ito para sa darating na panahon ay walang mga kumplikasyon na tulad nito dahil sa panahong iyon ay maaring malito tayo kapag nagkaroon nang mga ganoong interpretasyon. Srila Guru Maharaj: Depende sa kanilang paniniwalaano sa palagay mo? Anong masasabi mo? Sa mga hindi susunod sa akin matapos akong lumisan ay awtomatikong iniiwan ko na. Dahil itoy usapan ng pananalig lamang. Walang karapatan kundi pananalig. Kung wala silang paniniwala sa siinasabi ko, agad silang itinatakwil. Dr. Asthana: May mga taong wala talagang paki sa paniniwala nang iba. Pumupunta-punta sila sa maraming tao para mangalap nang ilang bagay. Interesado lamang sila sa posisyon at kaalaman.

11

Srila Guru Maharaj: Wala tayong pakialam sa kanila. Kinamumuhian natin sila. Galit tayo sa kanila: sa palagay natin ay hindi talaga sila relihiyoso sa buhay. Maaaring kumuha sila ng karunugan doon at dito dahil hindi nila alam kung ano ito. Dr. Asthana: Para po silang mga encyclopedia. Srila Guru Maharaj: Wala silang kakayahan para makita kung saan dumaan ang Diyos. Kung talagang tapat ako sa aking paghahanap sa Diyos, kung ganoon, akoy pupuntahan din nang Diyos, at saanman kami magtagpo, ito ay tinuturing na Guru. Dahil ang ibig sabihin ng Guru ay kinatawan mismo ng Diyos. Dr. Asthana: Opo, lubos po akong sumasang-ayon dyan. Marami din pong butas at mga bitag sa mga ganitong bagay, Maharaj, at mayroon din dyan na buong buhay silang nakikipaglaro lamang. Iniisip kung papaano paiikutin ang sitwasyon. Srila Guru Maharaj: Ang kahalagahan ng buhaynagbibigay-buhay at (kumikitil) ng buhay ay hindi masyadong mahalaga sa kanila. [may maikling bahagi na blangko ang tape] Srila Guru Maharaj: May sinabihan si Govinda Maharaj na, Hindi, mga disipulo kayo ni Guru Maharaj, at akoy Kapatid lamang ninyo sa Pananampalataya. Dr. Asthana: Maaari niyang iwan ang utos na ito at magbigay siya nang panibagong kautusan. O kaya ay maaari din nating tawagin ang mga deboto dito at hilingin sa inyong sabihin ito sa kanila. Srila Guru Maharaj: Maaari ninyo silang hatiin sa dalawa (mga disipulo ko at mga disipulo ni Govinda Maharaj). May mga disipulo din ako, at kung hindi nila tatanggapin si Govinda Maharaj, dapat din silang itakwil. Dr. Asthana: Bagamat tumanggap po ako nang dalawang pasimulang pagtanggap sa inyo, sa ilalim din po ng iyong mga pag-uutos tumatanggap din po ako ng mga kautusan kay Govinda Maharaj. Tinuturing ko pong Siksha-Guru ko din si Govinda Maharaj. Srila Guru Maharaj: Oo, Siksha-Guru. Dr. Asthana: Kaya, dapat lamang nilang (ang mga tumanggap nang pasimulang pagtanggap bilang bagong kasapi) kilalalin siya bilang Diksha-Guru. Pero may mga ilang tao na kaya nilang baluktutin ang mga bagay-bagay para sa kanilang kasiyahan at sa banding huli ay ibagsak si Govinda Maharaj. Srila Guru Maharaj: Eto yung mga ambisyoso at mga taong ang gusto ay magkaroon ng pangalan at maging tanyag kaysa matutuhan ang sunstansyang nilalaman nito.

12

Dr. Asthana: Nais ko pong linawin po ninyong muli ito. Hindi po nila kayo kakalabanin at sa palagay ko itoy makakabuti. Srila Guru Maharaj: Maraming ulit ko nang sinabi ito na, kung hindi ninyo kayang tanggapin si Govinda Maharaj bilang Guru, umalis kayo. Dr. Asthana: Sa palagay po ba ninyo ay tama lamang na sulatan natin ang lahat ng tao at sabihin sa kanila na sinumang ibig kumuha ng panimulang pagtanggap kay Srila Govinda Maharaj ay dapat kikilalanin bilang tuwirang disipulo ni Srila Govinda Maharaj? Srila Guru Maharaj: Para hindi magulo. Kahit anopagwala na ako. [Dumating si Srila Govinda Maharaj at sumali sa usapan] Srila Govinda Maharaj: Walang-alinlanganang ginagalang nila ako, pero para sa akin sila po ay mga disipulo parin sila ni Srila Guru Maharaj. At sa palagay ko poy tama lamang ito. Pero ang sinasabi mo ay tama din. Dr. Asthana: Pero ginawa kang kahalili ni Srila Guru Maharaj para magpatakbo ng Math na ito. Srila GovindaMaharaj: Oo, tama yun Dr. Asthana: Kung ganoon, papaano mo patatakbuhin ang Math na ito? Pagwala na kasi si Srila Guru Maharaj, iiwan ka na nila, paano kung mag-isa ka na lamang? Kaya mo bang patakbuhin ito ng mag-isa lamang? Srila Govinda Maharaj: Hindi naman mag-isa. Srila Guru Maharaj: Sinoman ang gustong tumulong sa kanya, kasama niyang patatakbuhin ang Math. Srila Govinda Maharaj: Kasama ko ang mga Kapatid ko sa Pananampalataya. Hindi ako nag-iisa. Dr. Asthana: Ito nga ang dahilan nang sinasabi ko, dapat may sapat ka talagang bilang na masasabi mong mga disipulo mo. Srila Govinda Maharaj: Yan ay kung may gustong kumuha sa akin ng panimulang pagkilala bilang bagong kasapi, pero lahat ay tagalabas at gustong humingi ng pasimula kay Srila Guru Maharaj at ako ang nangangasiwa sa pagbibigay nito para kay Srila Guru Maharaj. Ito ang nangyayari sa ngayon. Dr. Asthana: Kaya papaano mo ititigil ang kalagayang ito?

13

Srila Govinda Maharaj: Oo, pwede na nating itigil ito, hindi ito problema. Ang problema ay may mataas silang pagtingin at respeto para kay Srila Guru Maharaj. Dr. Asthana: Maaaring may pagtingin ako at respeto kay Srila Bhaktivinod Thakur, pero hindi nangangahulugang maaari akong humingi kay Srila Guru Maharaj nang pasimula sa kanya sa ngalan ni Srila Bhaktivinod Thakur. Srila Govinda Maharaj: Ibang kaso naman ito. Dr. Asthana: Oo nga. Maaaring may espesyal na pagtingin ako kay Srila bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, pero hindi pwedeng pumunta ako kay Srila Guru Maharaj at sabihin sa kanyang, Pahingi po ako ng pasimulang inisasyon para kay Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur. Srila Govinda Maharaj: Hindi. Ganito ang dapat mong isipin: may espesyal silang pagtingin para kay Srila Guru Maharaj kaya sila naparito. Hindi sila naparito para sa akin. Dr. Asthana: Kung hindi sila naparito para sa iyo, huwag na silang pumunta pa dito. Srila Govinda Maharaj: Maaaring yan ang gusto mo. Dr. Asthana: Nais ko sanang madinig kung ano talaga ang gusto ni Srila Guru Maharaj. Sa palagay ko po ay dapat talaga itong linawin ni Srila Guru Maharaj. Srila Govinda Maharaj: Ang sabi ni Srila Guru Maharaj ang sinumang walang respeto o paggalang kay Govinda Maharaj ay hindi maaaring tumira sa Math na ito. Pero kapag sinabi ni Srila Guru Maharaj na, Ang sinumang gustong kumuha nang pasimula sa akin, ay kunin ito kay Govinda Maharaj at ito ang nararapat (sa mga deboto). Ito marahil ang gusto mong sabihin. Dr. Asthana: Ganito ang ideya ko, tinigil na ni Srila Guru Maharaj ang pagbibigay ng anumang pasimulang inisasyon at ang lahat ng kumikilala sa linya ng paghalili ng disipulo ni Srila Guru Maharaj ay dapat lamang na pumunta na ngayon kay Srila Govinda Maharaj. At higit kayong pagpapalain ni Srila Sridhar Dev-Goswami Maharaj kung sasambahin ninyo si Srila Govinda Maharaj kaysa sa tuwirang pagsamba kay Srila Sridhar Maharaj. Itoy parang katulad ng tuwirang pagsamba kay Krsna at ang pagsamba kay Krsna sa pamamagitan ni Radharani. Wala akong pagdududa. Srila Guru Maharaj: Tigilan na niyo iyan. Dr. Asthana: May mga kaguluhan at kalituhan, kaya, maaari po ba Srila Guru Maharaj, na liwanagin ninyo ang bagay na ito. Srila Guru Maharaj: Ayaw natin ng dami ng bilang, kundi katangian.

14

Dr. Asthana: Ipinagpipilitan ko po ang bagay na ito sapagkat alam ko pong di-magtatagal mangyayari ang bagay na ito. Srila Govinda Maharaj: Ang binhi ng pasimulang-pagtanggap o inisasyon ay sraddha lamang. Tanging sraddha lamang ang binhi ng pasimulang-inisasyon. May sraddha sila kay Guru Maharajlubusan silang nananaligkung kayat naparito sila. Kung kayat napakahirap na ilipat sila sa ibang tao. Siguro sa pagtagal ay maaayos din ito. Ngayon ay ibig nang (itigil) ito ni Srila Guru Maharaj. Dr. Asthana: Hindi makakabuti para sa kanila kung gusto nilang maging direktang disipulo ni Srila Sridhar Maharaj. Ngayon ay dapat na silang pumunta kay Srila Govinda Maharaj. At dapat lamang nilang tanggapin ang desisyong ito. Srila Govinda Maharaj: Sinabi na ito ni Srila Guru Maharaj. Dr. Asthana: Higit akong pinagpala dahil ako ay naging disipulo ni Srila Sridhar Maharaj. Higit akong pinagpala niya kaysa sa tuwirang kuneksyon kay Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, sapagkat tinanggap ko siya bilang aking Guru. Itoy katulad din ng sa iyo, dahil kung hindi, papaano magpapatuloy ang linya ng paghalili ng mga disipulo? Srila Guru Maharaj: Tinanong noon ni Parvvati Devi si Shiva, Sino po ba ang pinakamataas na panginoon na dapat nating pagsilbihan? Sagot ni Shiva, Si Narayan. Aradhananam sarvvesam visnor aradhanam param. Parang napahiya si Parvvati Devi dahil naisip niyang, Hindi ko pinagsisilbihan si Narayan. Tasmat parataram devi tadiyanam samarchchanamat ito ang sumunod na linya sa sinabi ni Shiva, na ang ibig sabihin ay, Ang mga taong naglilingkod sa mga tagapaglingkod ni Narayan ay masmagaling na deboto kaysa sa mga debotong direktang naglilingkod kay Narayan. Itoy sapagkat pareho nilang pinagsisilbihan ito. Naiintindihan mo ba? Dr. Asthana: Hindi ko po naiintindihan ang Sanskrit. Srila Guru Maharaj: Ang sinumang nagmamahal sa iyo, at kung sinoman ang nagmamahal sa iyong anak, masasabing higit na minamahal ka nang mga taong nagmamahal sa anak mo kaysa sa mga taong tuwirang nagmamahal sa iyo at walang pagmamahal sa iyong anak. Nasusundan mo ba? Dr. Asthana: Opo, nasusundan ko po.

15

Srila Guru Maharaj: Parang ganito din. Sabi ni Shiva, aradhananam sarvvesam visnor aradhanam paramSa lahat ng mga nananalig, ang pinakamataas ay mga nananalig kay Vishnu. Tasmat parataram devi tadiyam samarchchanamAt maging sa kaso ng mga nananalig sa mga tagapaglingkod ni Vishnusila ang masmataas na nananalig kay Vishnu. Matapos itong mapakinggan ni Parvvati Devi, itoy higit na naging masaya dahil naisip niyang, Nagsisilbi ako sa tagapaglingkod ni Vishnu, sa aking Panginoon, kay Shiva. (May mga English na kasabihan) Kung mahal mo ako, mahalin mo din ang aso ko. atbp.

Srila Guru Maharaj: (Kausap si Srila Govinda Maharaj): Minsan ay iniisip kong mashigit ka pa sa akin, ang bagay na itoy hindi ko nakita sa iba. Srila Govinda Maharaj: Ano po itinuturing ninyong mashigit pa ako sa Inyong Banal na Pagpapala? Srila Guru Maharaj: Oo, maraming pagkakataon na. Maraming ulit nang nararamdaman kong ang mga sinasabi mo ay kakaiba at mahalaga sa akin. Pero hindi ko nakita sa iba ang bagay na ito. Noong una, minsan ay naramdaman ko ito kayVasudev Prabhu. Pero yung bagay na sinasabi kong higit ka pang masmagaling kaysa sa akinay hind iko nakita sa alinman sa mga disipulo ko at maging sa mga Kapatid ko sa Pananampalataya.. atbpa.

16

Purihin ang Sri Sri Guru at si Gauranga

Ang Deklarasyon nang Espirituwal na Paghalili sa Sri Chaitanya Saraswat Math


Ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Ang Nagtatag at Naging Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math [mula sa ginawang recording noong Gaura-Purnima, noong ika-26 ng Marso, 1986] Ayon sa kagustuhan ng aking Banal na Maestro, pinangalagaan ko ang pagkakasunudsunod ng mga humaliling disipulong ito pero itoy hindi ko na kayang gampanan pa, dahil ako ay masyado ng matanda at imbalido pa. Batid na ninyong lahat na pinili ko si Sriman Bhakti Sundar Govinda Maharaj at siya ay ginawaran ko nang sannyasa. Mahal na mahal siya ng lahat ng mga Vaisnavang Kapatid ko sa Pananampalataya at gusto din nilang ibigay ko sa kanya ang pwestong ito. Noon ay sa kanya ko na ipinamahala ang pangangasiwa ng Math at ngayon namay ang lahat ng responsibilidad sa pagbibigay ng Harinam, diksha, sannyasa, atbpa., bilang Acharyya sa ngalan ko din ng Math na ito. Sa sinumang may pagtingin sa akin ibigay ninyo kay Govinda Maharaj ang respeto at posisyon bilang kahalili ko. Kung naniniwala kayo sa katapatan ko, buong katapatang naniniwala din ako na mayroon siyang kakayahan para makapaglingkod sa paraang ito. Sa pamamagitan nito, isinasalin ko na ang mga butil na ito ng pandasal at magmula ngayon siya na ang magbibigay nang pasimulang-inisasyon bilang Rttvik ko. Ang sistema ng Rttvik ay umiiral na dito at maging sa ibang bansa. Ang Rttvik ay ang kinatawan. Kaya kung may kailangan man kayo sa akin, itoy kunin ninyo sa mga kamay niya, na parang kinuha din ninyo ito sa akin. Sa Mahamandala, si Sagar Maharaj at marami pang iba ay naging Rttvik ko din at ni Swami Maharaj. Itoy maaari parin nilang gawin, pero dito sa Math na ito at sa anumang Math na nasa ilalim ng Math na ito, siya ang aking kinatawan. Kung hindi ninyo ito kayang tanggapin, maaari na ninyong lisanin ang Math na ito kaysa sa manirahan parin kayo dito at gambalain ang katahimikan ng Math. Sa pamamagitan ng lahat ng aking katapatan at mabuting kalooban sa Guru-Gauranga, sa mga Vaishnavas at sa mga Acharyyas, kay Mahaprabhu, sa Pancha-Tattva, kina Radha-Govinda at sa Kanilang Parsadas, sa pamamagitan ng aking taimtim na mga panalangin sa Kanila, magmula ngayong araw na ito siya na ang kakatawan sa akin sa gawaing ito simula ngayong pagtitipon. Hanggang dito na lamang ako at siya na ang bahala. Sa ngalan koy siya na ang magbibigay ng Harinanam, ng diksha, sannyasa, at ng lahat-lahat.

17

ailangang ilagay natin ang ating mga sarili sa antas ng realidad, doon sa katotohanan, at itoy ipangaral din natin sa iba. At ito ang dapat nating sabihin: Akoy nananalig sa kamalayan para kay Krsna at akoy labis na nasisiyahan. Naririto pala ang aking kapalaran. Sobrang sarap pala nito, kapaki-pakinabang at kaaya-aya, akoy naparito, aking mga kaibigan para ibigay din ito sa inyo. Hubugin natin ang ating buhay ayon sa prinsipyo ng kamalayan para kay Krsna katulad nang mga itinuturo nang Maestrong pang-Espirituwal. Tanggapin ninyo ang bagay na ito, para maging matagumpay din ang mga hangarin ninyo sa buhay. ---Ang Paghahanap kay Sri Krsna Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj

18

You might also like