You are on page 1of 11

Si Anto October 1, 2008 by plumaatpapel ni Rogelio L.

Ordonez (Isinalin sa wikang Ingles at inilathala sa TENGGARA-MALAYSIA at iniantolohiya nang malaon sa Stories From Southeast Asia bilang isa sa pinakamahuhusay na kuwe nto sa loob ng 30 taon sa naturang rehiyon, ayon kay Muhammad Haji Salleh, edito r ng nasabing antolohiya.)

SI ANTO NAKILALA ko si Anto sa isang panahon ng paglalagalag. Iyon ay isang panahong ang kaluluwa ko y nilalagnat, nagdedeliryo t nag-aapuhap ng mga bituin habang patuloy akong tinutugis ng karalitaang hindi ko matakasan. Naglalagablab na mga dambuhalang kalansay ang tingin ko noon sa mga gusali ng lungsod at nanlilisik ang mga neon lights; mga nitso ang mga bangketa, mga kabao ng ang mga eskinita, naghuhumindig na kandila ang bawat poste, at prusisyon ng m ga robot at plastik ang nasasalubong ko sa bawat panulukan at lansangan. Iyon a y isang panahong labis kong pinaghihimagsikan ang kawalanghiyaan ng buhay sa siy udad at ni hindi ko na makilala kung sino ang kaaway at kung sino ang kaibigan a t, sa bawat gabi, sa aking pag-iisa sa inuupahan kong marumi t makipot na kuwarto ng nakaluhod na entresuwelo sa gilid ng nangangalingasaw na estero, ang nakikita ko sa tagpi-tagping dingding ay isang matahimik na kapaligirang matagal ko nang pinangungulilahan, at patuloy akong kinakawayan ng mga punong niyog, binubulung an ng mga talahib, at inaawitan ng mga alon. Bitbit ang aking makinilya at isang maletang damit, naisipan kong magtungo, isang mahalumigmig na madaling-araw, sa isang liblib na lugar sa Batangas na hi ndi abot ng atungal ng mga tambutso at ng alimura ng kuwarta at ng tinatawag na makabagong sibilisasyon. Nakipanuluyan ako sa isang kamag-anak ng pamilya, sa i sang karaniwang bahay na pawid sa tabing dagat na niyugan ang paligid. At nadam a ko, sa gayon palang matapat na kapaligiran, sa piling ng mga karaniwang taong walang pagpapanggap, mahalimuyak maging ang karalitaan. Doon ko nakilala si Anto, isang dapithapong umiinom kami ng tuba ng pinsan kong si Mando sa nakatiwangwang na bangka sa pasigan. Malagihay na ako nang map ansin ko ang isang matipunong binatilyong sunog ang balat sa araw na dumaong mal apit sa amin. Parang walang anumang hinila niya ang kanyang bangka, iniahon sa tubig at sa loob ng pasan-pasan niyang lambat, nagkislut-kislot ang huli niyang mga isda na marami-rami rin sa tingin ko at baka umapaw sa isang timba kung isas alin. Ala y marami ka yatang huli ngayon, Anto? bati ng pinsan kong si Mando.

Ala y katamtaman lamang, malumanay na sagot ni Anto sabay lapag ng lambat sa ta bi namin. Kumuha ito ng ilang isda at inilagay sa loob ng inuupuan naming bangk a. Pamulutan man lamang ninyo. Lumulundag-lundag pa ang mga isda. Uminom ka muna, bigan, ma ko iyong iaabot sa kanya. alok ko at pinuno ko ng tuba ang tangan kong baso at ak

Tinitigan ako ni Anto at napansin ko ang malalaking matang iyon na waring l aging nagtatanong, nanunuri, na parang ibinagay sa medyo sarat niyang ilong at m aluwang na bibig na nanatiling nakalapat.

Pinsan ko

yan, Anto, sabi ni Mando.

Si Manong Roger

nagbabakasyon dito.

Saka lamang binawi ni Anto ang pagkakatitig sa akin. Di ako bumabarik, Manong, Sigarilyo, halos pabulong nitong sabi.

muli kong alok.

Ala y di rin ako naninigarilyo, Manong. Ala y walang bisyo yan kundi mangisda at magtanim, pakli ni Mando.

Napatawa ako. Ni hindi man lamang ngumiti si Anto. Dinampot nito ang lamba t, pinasan, sinulyapan kami, at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya naiwasang sundan ng tanaw hanggang sa ikubli siya ng makapal na niyugan sa di kalayuan. Doon lang nakatira si Anto sa kabila ng niyugan, parang nahulaan ni Mando ang iniisip ko. Ala y nag-iisa na siya, Manong. Tumungga ako ng tuba at naglaro ang mga mata ko sa kalawakan ng dagat na ma payapang-mapayapa ngayon at parang isang dibdib na hindi humihinga. Nagulat pa ako nang kumislot sa loob ng bangka sa tabi ng paa ko ang isa sa mga isdang iniw an ni Anto. Ang mabuti pa, Manong, nang mapulutan na natin. sabi ni Mando, ay iuuwi ko muna ang mga yan, maiihaw at

Hindi ako umimik. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, kangina, sa saglit na sandaling iyon, nang titigan ako ni Anto, parang may nakita akong kung anong kah iwagaan sa likod ng malalaking mga matang iyon at sa pagkakalapat ng maluwang na bibig na waring may gustong sabihin at isigaw. Hindi ko namalayan ang pag-alis ni Mando at mapupulang latay na lamang ang sikat ng araw sa kalawakan nang magbalik ito. Nakabalot sa dahon ng saging ang inihaw na mga isda, mainit na mainit pa, mamangu-mango, at naisip kong sa probin siya nga pala ay talagang sariwa ang mga isda, gayundin ang mga tao, di gaya sa siyudad na bilasa ang lahat pati na mga kaisipan at pangarap. Manamis-namis ang mga isda at sana y nakapagpasalamat man lamang ako kay Anto , naisaloob ko. Sabi mo y nag-iisa na siya? ndo. Sinong siya, Manong? Si Anto. Ay, oo, Manong. Ang mga magulang niya? Muling lumagok ng tuba si Mando. Ay, Manong, masaklap ang nangyari sa pamil ya nila. Ay, putang ina, talagang masaklap, Manong. Anong masaklap? Nagsindi ako ng sigarilyo. Napatigil sa paglagok ng tuba si Mando. parang wala sa sariling bigla kong naitanong kay Ma

Nakikita mo ga ang niyugang yon? at itinuro ni Mando ang karatig na niyugang d inaanan kangina ni Anto. Dati, Manong, kanila yon. Ala y may kagandahan din ang ba hay nila noon doon, at muling itinuro ni Mando ang niyugan na nakukumutan na ngayo

n ng manipis na karimlan. E, nasaan ngayon ang bahay? Dumahak si Mando. Ala y di giniba na ng bagong may-ari. Alam mo ga, Manong, patuloy ni Mando, nag isnan ko nang sa ama ni Anto ang niyugang iyon. Ano ga t isang araw, mga sampung taon na siguro noon si Anto, may dumating dito na taga-bayan, nakakotse pa, at p inaaalis doon sina Anto. Kanya raw ang lupang yon. Ala y di nagalit si Ka Basilio, yong ama ni Anto. Kumuha ng gulok. Ay, putang ina, Manong kung hindi agad nakat akbo at nakasakay sa kotse yong taga-bayan, malamang na naundayan ng taga ni Ka B asilio. Pagkatapos? Sinaid ko ang tubang laman ng aking baso.

Ay ano pa ga? patuloy ni Mando. Ala y di nagdemandahan. Natalo si Ka Basilio d ahil wala raw titulo. Mga ilang araw, muling dumating dito yong taga-bayan, may kasama pang mga pulis. Tinaningan sina Anto para umalis doon. Ay, Manong, nagiiyak si Ka Benita, yong ina ni Anto, at sa sama ng loob ay biglang inatake sa pu so namatay noon din. Ala y pagkalibing naman ni Ka Benita, muling lumagok ng tuba si Mando, ay dumating isang araw yong mga tauhan ng taga-bayan, may kasama na namang mga pulis, at gigibain na yong bahay nina Anto. Ala y di sa galit ni Ka Basilio a y binunot ang kanyang gulok. Ay, Manong, nanghabol ng taga. Bago siya nabaril ng mga pulis ay dalawa ang napatay niya. Yong isa, Manong, sana y nakita mo, parang nanghihinayang na patuloy ni Mando. Ay, Manong, laslas ito! sabay turo sa kanyan g tiyan. Inurakan nang inurakan ala y luwa ang bituka at yong isa naman, ala y muntik nang matanggal ang ulo. Di mapuknat-puknat ng mga pulis si Anto sa pagkakayakap sa bangkay ni Ka Basilio at hinimatay yong kapatid niyang dalaga, si Juliana. A y, Manong, ala y magandang dalaga yong si Juliana. Kursunada ko pa nga sana, napabu ntong-hininga si Mando. Sinunud-sunod ko ang pag-inom. Parang wala nang lasa ang tuba. E, si Juliana? Ay, putang ina masaklap din ang nangyari, Manong, parang maiiyak si Mando. Ano ga t nanilbihan siya sa bayan, sa bahay ng isang mayaman, yon gang magandang bahay malapit sa munisipyo. Ala y isang araw natagpuan siyang nakabitin sa silid nagbig ti raw. Ay, putang ina, Manong, aywan ko ga sabi y ginahasa raw ng anak na binata noong kanyang amo. Mabuti na lang si Anto, kinupkop ni Ka Masyong yon gang inuuwi an niya ngayon. Ay, Manong, talagang naguguluhan ako sa nangyari sa pamilyang ya n. Ala y putang ina, yan ga y kalooban ng Diyos, Manong? Matagal akong napatitig sa kawalan. Hindi na manamis-namis ang isdang iniw an ni Anto. Hindi ko na makain. Nang gabing iyon, nakapako sa aking balintataw ang malalaking mata ni Anto at kahit masakit ang aking ulo, kinuha ko ang aking makinilya at sa tulong ng aa ndap-andap na ningas ng gasera, nakasulat ako ng dalawang linya. Ikaw ang mga mata ng budhi ko Ikaw ang bibig ng mga layunin ko. MULA noon, lagi ko nang inaabang-abangan ang pagdaong ng bangka ni Anto sa dalam pasigan at tuwing daratnan niya ang pag-iinuman namin ni Mando sa nakatiwangwang na bangkang iyon, parang naging ugali na niya na bigyan kami ng ilang isda, at naging ugali ko naman ang magpasalamat. Manaka-naka, binibiro ko siya, sinasabi kong sa kanila na ako uuwi upang maging lubos na ang kanyang kagandahang-loob s

a akin. Minsa y tinudyo ko pa siyang baka siya tumandang binata kung pangingisda a t pagtatanim ang lagi niyang inaatupag sapagkat, ayon kay Mando, hindi man laman g daw nanliligaw si Anto, hindi pinapansin at lalong hindi kinakausap ang mga ka dalagahan sa lugar na iyon. Sa kabila ng mga pagbibiro kong iyon, kahit minsa y h indi napatawa, ni ngumiti man lamang si Anto. Isang hapon, nang magpunta sa bayan si Mando at maghatid ng mga gulay at ni yog doon, uminom din ako, kahit nag-iisa, sa tabing dagat. Maagang dumaong si A nto sapagkat maalon ang dagat, waring may nagbabantang sigwa. Luminga-linga ito nang mapansing ako y nag-iisa ngunit hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin upa ng bigyan ako ng ilang isda. Huwag na lang, Anto, tanggi ko. i Mando. Walang mag-iihaw niyan ngayon. Nasa bayan s

Hindi umimik si Anto. Ibinalik nito sa lambat ang mga isdang ibibigay sa a kin. Kumislut-kislot ang mga isda pagsayad sa lambat, waring tuwang-tuwa at hin di ko sila mapupulutan. Walang paalam na umalis si Anto at inisip kong baka ipi naghinanakit niya ang hindi ko pagtanggap sa ibinibigay niya. Dumidilim ang kalawakan at nag-iipun-ipon ang maiitim na ulap. Ang utak ko y unti-unti nang pinamamanhid ng tuba nang gulantangin ako, sa likuran ko, ng malu manay at malamig na tinig na iyon na waring sumasanib sa ihip ng hangin at hindi kayang lupigin ng ragasa ng mga alon. O, Manong pamulutan mo. Nasa tabi ko na si Anto. Ikaw pa ang nag-ihaw ng mga iyan.

Nakakahiya sa iyo,

sabi ko.

Tinitigan lamang ako ni Anto at naupo ito sa gilid ng bangka, sumulyap sa k aragatan at tumingala sa kalawakan. Ala y uulan, Manong. Malakas na ulan niya. Kumurot ako ng isda. Tumatalab ang init sa mga daliri at dila ko. Masarap ka palang mag-ihaw, Anto. Tumingin siya sa akin na waring sinasalamin sa mga mata ko kung totoo sa lo ob ko ang sinabi ko, at napansin ko sa malalaking matang iyon ang bahagyang kasi yahan. Waring ngayon lamang siya nakarinig ng papuri, ng pagpapahalaga sa nagaw a niya. Ala y pagpasensiyahan mo na yan, Manong. Iilan kasi ang huli ko kangina, nahihiya ngunit masiglang sabi ni Anto. parang yan, Manong, parang wala sa sariling sabi

Aba suwerte ko pa nga ito, pakli ko. Alam mo ba, Anto, sa Maynila, laging galu nggong ang kinakain ko, saka tuyo o bilasang bangos kung minsan. Ang pulutan na min doon ay sipol kung may kaunting pera ay inihaw na mabahong tuyong pusit na pa rang kuwero ng sapatos. Parang hindi makapaniwala si Anto sa kanyang narinig, lalo na sa isang gaya kong alam niyang galing sa balitang marangyang lungsod. Akma akong dudukot ng sigarilyo sa kaha ngunit wala na palang laman, at napansin niya iyon. Ala y ako na ang bibili, Manong, at tumayo ito sa pagkakaupo sa gilid ng bangka . Hindi na bale, Anto. Pagdating ni Mando galing sa bayan, tiyak na may uwi i

yong sigarilyo. Ay, gagabihin yon, Manong, kapag inabot ng ulan. Ala y wala ka nang mahihithit , parang nag-aalaala niyang sabi. Nakakatiis nga akong di manigarilyo kahit ilang araw, paliwanag ko. Alam kon g malayo ang tindahan, mga kalahating kilometro siguro mula kina Mando at, isa p a, wala akong pera sa bulsa. Hindi na nagpumilit si Anto. Muli itong tumingin sa kalawakan ng dagat na n gayo y marahas, dumadagundong sa pagdamba ang naglalakihang alon. Makapal na maka pal na ang maiitim na ulap, nagbabantang bumagsak anumang oras. Katunayan, umaa mbun-ambon na, ngunit hindi ko pa napangangalahati ang isang galong tubang iniwa n sa akin kangina ni Mando bago ito nagpunta sa bayan pero iisa na ang inihaw na isda sa dahon ng saging. Ala y ang mabuti pa, Manong, ay sa bahay ka na bumarik. Mababasa ka dito, kahi ni Anto. Gusto ko ngang maligo sa ulan. Masarap uminom, Anto, sa ulanan. Ikaw kasi, ayaw mong tumikim man lamang. Masarap uminom, Anto, lalo na t itinatanong mo sa sarili kung sino ka, kung ano ka, at kung para ano ka. Tinatangay na ako ng akin g utak dahil marahil sa impluwensiya ng tuba. Matagal akong tinitigan ni Anto, waring inaarok la, bumuhos ang ulan, masisinsin at malalaki ang mga ibininit mula sa kalawakan. Akala ko y iiwan ako ni g sa pagkakaupo, nakamata sa akin habang sinasalinan Lumagok ka nang kaunti para di ka ginawin, Ala y talagang hindi ako bumabarik, Manong. Halos alipin na ako ng bisa ng tuba at ni hindi ako giniginaw sa kabila ng patuloy at malakas na ulan. Namalayan ko na lamang, sa gitna ng ulanan, sa sali w ng dagundong ng mga alon, sa harap ng basang-basa t nakahalukipkip na si Anto, i kinukuwento ko sa kanya ang maraming bagay ang kalupitan at kawalanghiyaan ng bu hay sa lungsod, ang mga pagsasamantalang dinanas ko sa iba t ibang trabahong pinas ukan ko, ang mga pangyayaring nagbunsod sa akin upang talikuran ko ang kursong b inuno ko sa loob ng limang taon sa isang pamantasan at ganap kong harapin ang pa gsusulat ng mga katha, artikulo, komentaryo at mga tula. Naisalaysay ko marahil sa kanya ang lahat, maging ang pagkakatanggal ko bilang kagawad ng patnugutan n g isang pambansang magasin dahil natutuhan kong ipaglaban ang karapatan ng mga k apwa ko trabahador, hanggang sa malimit na ako y napaggugutom. Alam mo, Anto, natatandaan kong nasabi ko noon sa kanya, di ka igagalang ng gu tom, ng kahirapan sa siyudad, kundi ka marunong makibagay sa tugtog at kalakaran ng kaisipan at ng lipunan doon. Hindi ko alam kung gaano kami katagal noon ni Anto sa ulanan ngunit naalaal a ko, matapos ang aking pagkukuwento, namumula ang malalaking mata ni Anto, kiki sap-kisap. Kinabukasan noon, sinisipon ako at nilalagnat, at nabalitaan iyon ni Anto. Agad siyang dumating sa bahay nina Mando, may dalang isang boteng gatas ng kambi ng para sa akin. At, buhat noon, hindi lamang kakilala ko si Anto kaibigan ko n a siya. Ala y nagtataka ako sa iyo, Manong, sabi minsan ni Mando. Ala y naging malapit na malapit sa iyo. Bihira ang kinakaibigan ni Anto dito. Ano ga t parang mailap na ang ibig kong sabihin. Big patak, parang mga palasong Anto, ngunit hindi ito tumina ko ng tuba ang baso. mung

sabi ko sa kanya.

manok-labuyo na napaamo mo. Ako man ay nagtataka rin, sabi ko.

Ngunit ang higit kong ipinagtataka, sa kabila ng mga araw ng pakikisalamuha niya sa amin ni Mando, lalo na t kung ako y malagihay at nagkukuwento ng mga kabalb alan at katatawanan, ni hindi man lamang tumatawa si Anto, ni hindi man lamang n gumingisi o napapangiti. Laging mamata-mata lamang siya sa amin ni Mando,pinapa nood ang aming pag-iinuman, matamang nakikinig sa aming usapan at kapag napansin niyang kailangan namin ang anumang bagay, halimbawa y sigarilyo o inumin, agad si yang kikilos at parang tungkulin na niyang gampanan ang mga bagay na iyon. Kung hindi namin siya kausapin ay hindi siya kumikibo, maliban na lamang kung may in iaalok siya sa akin. At, ni minsan, hindi niya nabanggit ang mapait at malagim na nangyari sa kanilang pamilya na pinakaiwas-iwasan ko ring ungkatin sa kanya. HALOS ISANG buwan na ako kina Mando, sa mapayapang lugar na iyon na paraiso ng m ga punong niyog at kahalikan ng mga alon. At naramdaman kong parang ako y bagong silang, nasalinan ng bagong lakas, ng bagong mumunting pangarap, ng bagong katat agang harapin ang anumang hamon ng buhay. Ang larawan ng iniwan kong lungsod ay malabo na, pira-piraso na lamang at tinangay na ng mga alon. At, isang araw, s a nakatiwangwang na bangkang iyon sa pasigan, sa harap ng isang galong tuba, sa harap nina Mando at Anto, nasabi ko: Baka sa darating na Linggo y magpaalam na ako sa inyo. Nangulimlim ang mukha ni Anto. Ala y di ka naman namin pinaaalis, Manong, sabi ni Mando. dito at hinahanap-hanap mo na ga ang buhay sa siyudad? O baka nalulungkot ka

Hindi naman. Ang totoo nga, ayokong-ayoko nang manirahan sa Maynila. Uuwi na lang ako sa probinsiya ni Itay, sa bukid. Hindi na pinanood ni Anto ang pag-inom namin ni Mando. Malimit na nakatuon ang tingin nito sa kalawakan ng dagat, at parang walang sigla ito sa pag-iihaw ng pulutan. Mayamaya, nagpaalam si Anto, diumano y may bibilhin sa tindahan. Mat agal bago ito nagbalik, halos ubos na ang tubang iniinom namin ni Mando. May da lang isang kahang sigarilyo si Anto at iniabot sa akin. Ito y para sa iyo, Manong, mahinang-mahina ang kanyang tinig.

Pagkaabot na pagkaabot ko ng bigay niyang sigarilyo, agad siyang tumalikod, lumakad patungo sa niyugang dinaraanan niya pauwi. hil sa ong ong Dalawang araw na hindi ko siya nakita at naisip kong hindi siya nangisda da masamang-masama ang panahon, pabugsu-bugso ang hangin at gising ang mga alon karagatan. Ngunit kinasabaduhan, isang araw bago ako umuwi sa kinamulatan k probinsiya, sa Kabite, maaga pa y biglang sumipot si Anto sa bahay ng pinsan k si Mando.

Bitbit ni Anto, sa kaliwang kamay, ang isang galong tuba at pasan-pasan niy a ang isang bagong kapapatay na kambing na hindi pa nababalatan. Sa may tarangk ahan pa lamang ay sumisigaw na siya, at malamig ang kanyang tinig, parang may ki nikimkim na kahiwagaang mahirap arukin. Manong Roger! Manong Roger! Aba y para ano ko. yan? Wala namang handaan dito, bungad ko.

Ala y bago ka man lang umalis bukas ay makatikim ka naman ng isa sa mga alaga Nagniningning ang kanyang malalaking mga mata. Ikakaldereta namin ni Manong

Mando. Mahusay akong magluto ng kaldereta, Manong. Nagpabili pa ng isang galong tuba si Mando. Magkakasarapan ang inuman, sab i niya, at isa pa, ayon sa kanya, kailangang isagad namin ang barikan sapagkat a alis na nga ako bukas. Abalang-abala naman si Anto sa pagkatay sa kambing, si M ando y sa paghahanda ng mga rekado. Sa harap ng dalawang galong tuba at umuusuk-usok at namamangong kaldereta, hindi ko malaman kung paano ko pasasalamatan ang isang taong halos ay paglingkur an ako sa hindi ko maisip na kadahilanan. Aywan ko kung sa mga araw na ikinalap it sa akin ni Anto ay nasalamin niya sa mga mata ko ang aking malalim na pagkaun awa sa trahedya ng kanilang pamilya. Makagaganti rin ako ng utang na loob sa iyo, Anto, balang araw, kanya. nasabi ko sa

Hindi siya umimik, sumulyap lamang sa akin, habang nginunguya niya ang isan g pirasong kaldereta, ngunit napansin kong parang may malalim siyang iniisip, pa tingin-tingin siya sa dalampasigan at, kalimitan, ay matagal siyang napapatitig sa niyugang iyon na dating kanila sa di kalayuan. Marami na akong nainom at tumatalab na sa utak ko ang tuba, maglakad-lakad sa baybay-dagat, suyurin ng tingin ang mapayapang on na mahal ko na ngunit iiwan ko bukas. Napansin kong sinundan nang malayu-layo na kami sa kinaroroonan ni Mando, umagapay siya Manong, ako y may ipakikiusap sa iyo, Napatigil ako. Sa akin ay di mo na kailangang makiusap, nakangiti kong sabi. Ala y talaga ga, Manong? lalong lumaki ang malalaki nang mga mata ni Anto. Tumango ako. Ako ga y puwede mong isama bukas? Iyon lang pala, aba y oo! Ay hindi mo ako naiintindihan, Manong. Napatitig ako sa kanya. Tumungo siya. Ang ibig ko gang sabihin, Manong, ako makikipanirahan. Napanganga ako. KINABUKASAN, hindi pa naglalagos ang sikat ng araw sa niyugan, nasa may hagdanan na ng bahay nina Mando si Anto at bitbit ang isang bayong ng mga lumang damit. Ang suot niyang polong puti, bagaman malinis, ay halos puputok sa kanyang kataw an. Bitin ang kupasin niyang pantalong maong at naka-sapatos na de goma siya, n gunit walang medyas. Gayunman, maayos na maayos ang mahabang buhok ni Anto, sad yang sinuklay, hinatian sa gilid, at nalahiran ng pomada. Bago kami tuluyang naglakad papunta sa kabayanan, pinilit ko muna siyang du maan sa dati niyang tinutuluyan, kina Ka Masyong, upang sabi ko ay makapagbigaygalang man lamang ako sa matanda. parang nabubulunan si Anto, ay ala y sa iyo na at naisip kong kapaligirang iy ako ni Anto at sa akin.

parang nagmamakaawa ang tinig ni Anto.

Ala y utoy, sabi sa akin ni Ka Masyong, ikaw na sana ang bahala sa batang iyan. Ala y hindi ko ga maintindihan kung ano ang nakain niyan at hindi ko mapigil sa p ag-alis. Ala y hindi ko naman iyan kinagagalitan. Kung hindi iyan mawili sa iyo, utoy, ala y ipinakikiusap kong ihatid mo man lamang dito. Nangingilid ang luha ni Ka Masyong nang iwan namin. Napansin ko na matagal na tinitigan ni Anto ang makapal na niyugang iyon na dating kanila karatig ng niyugan ni Ka Masyong. Waring may saglit na balasik n a dumalaw sa malalaking matang iyon na parang laging nagtatanong, nanunuri. BUHAT NOON ay hindi ko kakilala lamang si Anto, hindi lamang kaibigan, kundi kap atid ko na. Ang totoo, ako y talagang walang kapatid at, naisip ko, makatutulong din siya kay Itay sa paghahalaman, sa pagbubungkal ng kapirasong lupang iyon na minana pa namin kay Lolo. Paggising na paggising ni Anto, isang oras makaraang tumilaok ang mga manok sa madaling-araw, nakaugalian na niyang linisin ang bakuran, walisin ang nangal aglag na mga tuyong dahon ng mangga, alisin ang anumang sukal. Pagkatapos, didi ligin niya ang mga tanim na gulay ni Itay at, bago mag-almusalan, napakain na ni ya ang tatlo naming alagang baboy, gayundin ang mga manok. Ako y kalimitang sa ba hay lamang nagbubumabad sa harap ng aking makinilya, habang kasama ni Itay sa bu kid si Anto. Manaka-naka, lumuluwas ako ng Maynila, nagbibigay ng mga katha o a rtikulo sa mga pasulatan at hindi iilang ulit na niyakag ko si Anto upang makara ting man lamang ka ko siya sa lungsod. Ala y dito na lamang ako, Manong. Walang makakatulong si Itay, nadahilan sa buo, ngunit malamig na tinig na iyon. lagi niyang idi

Sa tingin ko, parang nawiwili at nasisiyahan na rin si Anto sa paninirahan sa amin; maganda naman ang pakikitungo sa kanya ni Itay, para na ring anak. Ngu nit sa kabila niyon, hindi ko pa siya nakikitang tumawa ni ngumiti man lamang. Ang maluwang na bibig na iyon ay waring ganap nang inulila ng kahit bahagyang pa gngisi. Masipag na bata yang si Anto, ng tumawa yan? Napansin din ho pala ninyo, Talaga bang ganyan minsang nasabi sa akin ni Itay. Pero di ba maruno

nasabi ko.

yan? parang hindi makapaniwala si Itay.

Matapos kaming makapag-ani noon sa bukid at maibenta ni Itay ang ilang kaba ng palay, gayundin ang tatlong baboy na halos si Anto na ang nagpalaki, bumili s i Itay ng ilang damit para kay Anto saka dalawang daang sisiw upang diumano ay m aging aliwan ni Anto sapagkat ni hindi man lamang nakikibarkada si Anto, ni ayaw manood ng sine sa kabayanan kung Linggo, at lalong hindi nga umiinom. Kung gab i, saglit itong makikinig ng radyo, mga awitan at tugtugan, at pagkatapos ay mat utulog na. Alagang-alaga ni Anto ang mga sisiw, halos ayaw na ayaw niyang gagapangan m an lamang ng langgam ang kulungan o bahay ng mga iyon na mismong siya ang gumawa mula sa mga kawayang siya rin ang pumutol ngunit, isang umaga, halos kagigising ko lamang, narinig ko ang tinig ni Anto, hindi mahina, kundi malakas, hindi mal amig, kundi galit. Ala y putang ina! mga dagang yon! noon ko rin lamang siya narinig magmura. Ala y papatayin ko ang

Mga limang sisiw marahil ang patay sa kulungan, kinagat ng mga daga. At, k

inagabihan, hindi natulog si Anto. Dala-dala ang isang lente at pamalo, nakita kong nagtuloy siya sa kulungan ng mga sisiw, naupo sa madilim na sulok habang ma higpit na tangan ang isang malaki-laki rin namang piraso ng kahoy. Nang magising ako kinaumagahan, ang bumungad sa akin ay si Anto, halos saga d hanggang tainga ang pagkakangisi, parang gustong tumawa, habang hawak sa bunto t ang dalawang malalaking dagang muntik nang malasog ang katawan sa pagkakapalo. Ala y, Manong, napatay ko ang mga putang ina! sabi ni Anto. mga ito? at bahagya pa niyang iwinasiwas ang mga patay na daga. Napanganga ako. Isang hapon naman, pagkagaling ni Anto sa bukid, pinabili ko siya ng hinebr a sa tindahang malapit sa amin. Hindi ko maituluy-tuloy ang sinusulat ko noon, parang tubig na ayaw umagos ang aking utak, parang may mga bakal na dumadagan sa aking dibdib. Ilang saglit lamang, humahangos na dumating si Anto, dala ang is ang boteng hinebra, nakangisi na naman at maligayang-maligaya ang malalaking mga mata. Nabalitaan mo na ga, Manong? agad niyang tanong sa akin. Ang alin? Ala y, Manong, halos lumitaw ang buong gilagid niya sa pagkakangisi, ano pa ga? Ala y namatay si Ka Berta iyon gang usurera sa lugar natin. Binangungot daw at na kangiwi daw. Ay, Manong, kagat-kagat pa raw ang dila. Lalong hindi ko naituloy ang aking sinusulat. Uminom na lamang ako. At na ng sabay-sabay kaming kumain ng hapunan nina Itay, maganang-magana si Anto sa pa gsubo, malalaki t sunud-sunod. Matagal bago ako nakatulog nang gabing iyon. Naglalaro sa utak ko ang ngis i ni Anto. Ang pangyayaring iyon ay naulit isang araw na galing ako sa Maynila matapos magdala ng isang katha sa isang diumano y sikat na magasin. Sapagkat pinalad ako ng makasingil, bayad sa artikulo kong nalathala, naisipan kong ibili ng sapatos de goma at dalawang medyas si Anto upang, naisip ko, kung sakaling maisipan niya ng mamasyal sa kabayanan, may maisuot naman siyang maayus-ayos dahil butas-butas na ang dati niyang sapatos at parang mahihirapan magkahusto sa malalaki niyang mga paa. Agad akong sinalubong noon ni Anto, nakabungisngis siya, waring tumatawa pa ti mga mata. Pasalubong ko sa iyo, Anto. aabot ko sa kanya. Ngunit ni hindi man lamang niya pinansin ang ini Nakikita mo ga ang

Ay, Manong Roger, parang gustong bumunghalit ng tawa si Anto. Ay, Manong tiyak na hindi mo pa alam. Ala y nasunog kangina ang bahay ni Ka Ignacio tupok na tupok . Ano ga t ni damit ay walang nailigtas. Ala y hanggang ngayon daw ay iyak nang iya k si Ka Ignacio para daw maloloko! Ang tinutukoy ni Anto ay isa sa mayayamang propiyetaryo na may-ari ng mga d alawampung ektaryang bukid sa lugar namin na, ayon sa kanyang mga magsasaka, ay napakatuso sa partihan at iniuuwi pati tulyapis at kung maningil ng pautang, hah akutin ang ani ng kanyang mga magsasaka kahit walang matira sa mga iyon makabaya d lamang agad sa kanya.

Ni hindi binuksan man lamang ni Anto ang kahon ng sapatos. Ni hindi man la mang niya itinanong kung ano iyon. ANG KAMALASAN ay ipinagkaloob na yata sa amin, kakambal na namin, at ang karalit aan ay talagang mahirap matakasan, parang isang aninong laging aali-aligid saka biglang sasalakay, walang pinipiling oras ni pagkakataon, at walang iginagalang na damdamin o kaisipan. Biglang-bigla, isang dapithapon, akay-akay na iniuwi ni Anto buhat sa bukid si Itay, namimilipit sa sakit ng tiyan, nanlalamig ang halos buong katawan. Sa pagkat malayo ang kabayanan at ni wala namang doktor sa nayon namin, ipinasundo ko kay Anto si Ka Mentong allbularyo. Nagsangag kami ng bigas, ginawang parang k ape, at ipinainom kay Itay. Nagpakuha pa si Ka Mento ng ilang dahong banaba, si nalab sa apoy, saka itinapal sa tiyan ni Itay. Ngunit nasira ang pagka-albulary o ni Ka Mento. Maagang-maaga pa, kinabukasan, kinuha ko sa munting baul sa sulok ng silid ang kaunting halagang naimpok ni Itay. Umarkila ako ng karitela at pinagtulunga n namin ni Anto na maisakay doon si Itay, dinala namin sa bayan sa isang diumano y mahusay na doktor. Ngunit iminungkahi lamang sa amin ng doktor na dalhin agad sa ospital si Itay, diumano y malala na ang ulser at kailangang operahin. Inihatid ng ambulansiya ng munisipyo sa ospital ng probinsiya si Itay. Nap ilitan naming isangla kay Ka Mamerto, isa ring propiyetaryo sa bayan namin ang k apirasong lupang iyon na minana pa ni Itay mula sa kanyang ama. Napilitan akong pumirma, sa kapahintulutan na rin ni Itay, sa isang kasulatang kung hindi namin matutubos ang lupa pagkaraan ng anihan, may karapatan si Ka Mamerto na ilitin i yon, embarguhin. Maayos na si Itay, nailabas na ng ospital, ngunit kailangan niyang magpahin ga ng mga ilan pang buwan sa bahay kaya si Anto ang bumalikat ng lahat niyang ga wain sa bukid. Nakita ko sa mukha ni Anto ang matibay na kapasiyahang gawin ang lahat niyang magagawa, mapangalagaan nang husto ang mga pananim, alisan ng mga insekto, bunutan ng mapaminsalang mga damo. Laging sibsib na ang araw kung siya y umuwi ng bahay. Mahalimuyak ang magandang ani, mabubulas ang mga palay, malulusog ang mga g ulay, at matataba na ang mga manok ni Anto. Ang pag-asa y naroroon lamang, bibiti n-bitin, at naghihintay lamang ng tamang panahon para pitasin. Kung papalarin tayo, sabi minsan ni Itay isang gabi sa harap ng hapag-kainan, makababayad tayo kay Ka Mamerto. Napakalaki ang utang na loob natin kay Anto. Masiglang-masigla si Anto nang gabing iyon, hindi agad natulog, matagal na nakinig ng awitan at tugtugan sa munti naming radyo. Ngunit, mga isang buwan na lamang bago mag-anihan, ang kamalasan, parang si nasadya ng pagkakataon o kalooban diumano ng Diyos, ay waring dambuhalang buwaya ng nanibasib, sinakmal at nginatngat maging ang kaliit-liitang hibla ng aming p ag-asa. Nanalasa ang isang malakas na bagyo, bumaha, at ganap na napinsala ang lahat ng mga pananim ni Itay at ang matatabang manok ni Anto ay dinapuan ng pest e, isa-isang naghingalo at nangamatay. Hindi bale, matibay pa rin ang loob ni Itay. Makikiusap ako kay Ka Mamerto na sa susunod na anihan na tayo magbabayad. Mauunawaan niya tayo. BUHAT NOON, naging tamilmil na sa pagkain si Anto, sumubo-dili. Kung umaga, hin di na niya pinagkakaabalahang walisin ang bakuran at malimit siyang natitigilan. Sa bukid, kung kasama niya si Itay upang linisin ang mga pininsala ng baha, ma limit ding nauupo lamang siya sa pilapil, tititig sa kalawakan. Hindi na rin si

ya nakikinig ng radyo kung gabi, agad na hihiga at isusubsob ang mukha sa unan. Hindi napakiusapan ni Itay si Ka Mamerto. Ala y paano ga tayo ngayon, Manong? Saan ga tayo lilipat? Hindi na malamig an g tinig ni Anto noong gabing iyon mga tatlong araw bago nakatakdang ilitin ni Ka Mamerto ang lupang iyong waring mahal na mahal na ni Anto. Si Itay ay nasa may bintana, nakapangalumbaba, parang may inaaninaw sa madilim na kalawakan sa laba s. Bahala na, a. Ala y pabarikin mo ako ngayon, Manong mga dalawang tagay lamang, asalita ni Anto at may balasik sa malalaki niyang mga mata. mariin ang pags parang wala sa loob kong sabi. Ang mabuti pa y ibili mo ako ng hinebr

Nakadalawang boteng hinebra ako nang gabing iyon, at hindi ko matandaan ku ng uminom nga o hindi si Anto. Kinabukasan ay kumalat ang balitang pinatay si Ka Mamerto, ginilit ang lee g, nilaslas ang tiyan, at lumuwa, diumano, ang bituka. Buhat noon ay nawala na si Anto. May asawa na ako, at dalawang anak. At magpahanggang ngayon ay hinahanap ko siya.