You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 1: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig Subject: Araling Panlipunan | Educational level:

Year I More Information

Printer-friendly versionPDF version

I. Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Maipaliliwanag ang papel na ginampanan ng bansang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

B. Maibabahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa.

C. Makapagsusulat ng isang reaction paper tungkol sa pelikulang panonoorin at talakayang kanilang napakinggan.

II. Nilalaman

A. Paksa: Panahon ng Pananakop ng mga Hapones

B. Pagpapahalaga: Kapayapaan, Pagkakaunawaan, Pagbibigayan, Katapangan

C. Kagamitan: VCD, VCD Player, LCD Projector, mga larawan

D. Sanggunian: A History of the World nila Perry, et.al. pahina 708-710 Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino- nila Gonzales, et.al. pah. 339-347

III. Pamamaraan

A. Lunsaran

1. Magpapaskil ang guro ng mga larawan sa pisara at itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang nakikita sa mga larawang ito.

2. Manonood ang mga mag-aaral ng isang pelikulang pinamagatan na Pearl Harbor. Itanong sa mga mag-aaral kung tungkol saan ang pelikula at kung bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.

B. Paglinang ng Aralin

1. Pagkakaroon ng isang talakayang panel tungkol sa mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dito sa Pilipinas at kung ano ang papel na ginampanan ng mga Hapones sa digmaang ito. May mga piling mag-aaral na gaganap na historyador bilang si Douglas McArthur, si Sergio Osmea, Sr., si Jose P.Laurel, si Jonathan Wainright at bilang mga sundalong Hapones sa talakayang ito.

2. Malayang talakayan at tanungan.

Mga gabay na tanong:

a. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?

b. Bakit binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor?

c. Anu-ano ang mga resulta ng ginawang pagbomba ng mga Hapones sa Pearl Harbor?

d. Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa mga bansang sinakop ng bansang Hapon?

C. Pangwakas na Gawain

Gumawa ng isang reaction paper tungkol sa pelikulang inyong napanood at sa talakayang inyong napakinggan.

D. Takdang Aralin Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Sinu-sino ang mga kumandidato sa halalang pampanguluhan noong 1946? 2. Anu-ano ang mga naging isyu sa halalan ng 1946? 3. Anu-ano ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Osmea upang maibangon muli ang ekonomiya ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Nakabuti ba ang mga hakbang na ito sa mga Pilipino? Bakit?

Sanggunian: Mahal Kong Pilipinas- nila Cacanindin, et.al. Pah. 164-165

E. Ebalwasyon 1. Markadong Talakayan 2. Maikling Pagsusulit

You might also like