i

UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law Enero 2013 Inilathala ng Kilometer 64 Poetry Collective sa pakikipagtulungan ng College Editors Guild of the Philippines Para sa mga katanungan, suhestyon at kopya, maaaring mag-email sa kilometer64@gmail.com at cegpphils@gmail.com Reserbado ang lahat ng karapatan.
Tinipon ni Aris Remollino Inilapat ni Stum Casia

"The Cybercrime Prevention Act, which penalizes sharing and liking of Facebook posts, gives the DOJ the license to close down websites without due process and ultimately suppresses freedom of speech. Clearly the government has no intentions of stopping the controversial law even if the whole nation stood to be against it. We will continue to defend our right to freedom of expression, not just in the cyber world but in the streets as well, until our government spares a moment to notice us and junk the law.” - Pauline Gidget Estella, CEGP National President

Mga Tula

Welcome sa Bayang Malaya
-Jess Ferrera Ito ang bayang malaya. Kung saan ang kalayaang magpahayag Ngayon ay winalang-hiya. Bayang malaya. Kung saan ang mga batas ay tila buhol-buhol na kordon. Magulo. Walang direksyon. Cyberspace--kung saan naiiwang malaya ang mga diskurso. Pagpapahayag ng damdamin. Pagtatampok ng mga hinaing. At paglalantad ng mga suliranin. Sa cyberspace, isa lamang sa mga paraan Kung saan, sa sambayanan ay nailalantad Na ang tinatawag nilang "good governance" Ay isang malaking kalokohan. Sa tinatawag na bayang malaya, Eto ngayon ang cyberspace, Ginagapos ng kinakalawang na kadena Simula ng RA 10175 ay pirmahan. Nang umalma ang sambayanan, Pangulong napapanot ay nanindigan: "Ipatupad ang Cybercrime Prevention Law!" Para sinuman na sa kaniyang Labu-labong pamamahala ay pipintas Malamang ay sa malalamig na rehas hihimas. Sa mga tulisan na nailuklok sa pamahalaan, Kayong mga hungkag at Sa batas na ito ay pumayag, Salamat dahil lalo ninyong pinatunayan Na ang bayang ito ay wala pa ngang kalayaan! Kaya kung gagawin ninyong digital Ang inyong pangbubusal, Maghintay kayo. We will do it the old-fashioned way... Sabay-sabay kaming magooffline.

4

Mamartsa. Sisigaw. Sa lansangan ay magrereklamo. Sa maruming kadena ng RA 10175, Kami ay tiyak na pipiglas. Maninindigan. Kung kailangan ay lalaban. Hanggang maging marapat nang ikabit Sa ating bayan ang salitang Malaya.

5

Hindi Tayo Nanahimik, Hindi Tayo Mananahimik!
-Macky Serrano Salvador Nang dumating dito si Miguel de Legaspi, itinali nila'ng ating mga bisig, ngunit hindi nila tayo napatahimik. Nang dumating dito si George Dewey, nilason tayo ni McKinley, subalit hindi tayo nanahimik. At ngayong ang kanilang nais, ang ating pananahimik, hindi tayo mananahimik! Bago pa nila agawin ang karapatan nating umimik! Shit!

6

Error 404 (Freedom Not Found)
-lenkurt lopez Where is freedom, where is liberty? The righteous way I cannot see The freedom to express is being stopped, they agree to cut the string that holds expression and me just to lead us astray in expressing our thought and the right things that we understand, for which we fought and just the law we should understand and have sought but the truth is in the middle we are just caught they insist the law we should follow and obey but that pushes our rights to decay and now this task I am going to lay for us to fight and shout Freedom we say who do we look up to if one of our leaders plagiarize his speech and prefers to merely sound great and receive cheers now, tell me and do it fast as you can be able to whom the cyber crime law is really applicable?

7

PANAGINIP
-Glen Sales Sa panaginip, Malayang lumilipad sa cyberspace Ang mga salitang Kumawala sa lalake. Mga salitang may bigat, Nakasusugat, Ngunit nakapagpapamulat. Sa pagdilat, Nangusap ang katotohanang Laganap nga pala ang kababawan At kabaliwan. Hinding-hindi nakaranas ng paglipad ang mga salita, Sapagkat mabilis itong tinadtad ng bala At pinagpyestahan ng mga langaw at uod. Ito ang nalabi sa labi ng lalake.

8

e - MARTIAL LAW!
-Angelo Madarang Nagdaan na ang nakaraang taon Dumating na ang bagong panahon Sadyang sa pagkalugmok ay hindi pa rin makabangon Ang bayang iginupo sa pagkagumon Nandiyan na naman ang banta Ng batas militar sa ating bansa Hindi man direktang makikita Mararamdaman natin ito sa midya Matatapos na Temporary Restraining Order niya Papayagpag na naman siya Sa Internet at maging sa midya JUNK Cybercrime Prevention Act of 2012 Yan ang sigaw ng mga tao sa mundo ng internet Dahil ang karapatan nila ay mayuyurakan e-Libel ang isusulong diyan i-unlike natin sa facebook i-unfollow natin sa twitter isigaw ang tunay na karapatan sa bagong midya at sa lansangan hindi tayo susuko hinding hindi tayo susuko Hanggang sa magupo RA 10175 na manloloko! Lungsod ng Batangas, Lalawigan ng Batangas Enero 2, 2012

9

ESKALERA

-emmanuel t. barrameda Sabi ni Ely Bendia, Umiiyak ang umaga, Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan? Sa gintong salamin Hindi na niya mabasa ‘pagkat mayroong nagbura... Muling nagkakalamat ang gintong salamin, nakita niya May bagong gasgas May bagong alingasngas May bagong pintas na huhubad sa kinang ng salamin Pero kahit ano daw ang gawin natin, hindi siya aamin. Kaya, muling umiyak ang umaga Nagsulat si Enteng, Hindi ng kanta Hindi ng iskrip Hindi ng talumpati Isang batas! Batas na uusig sa mga umaagaw ng kinang ng kanyang salamin Kasama ni Enteng si Agimat at ang buong senado Buburahin nila ang mga lumalaban sa estado Hahawakan nila Lilipulin Kokontrolin Sa kanilang mga palad ang mundo. Paiikutin. Paiikutin. Paiikutin

10 Puwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo.
Puwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo. Ang pag-ikot ng mundo (ulitin hanggang mabasura ang CCPL)

At magpapatuloy sa pagkanta si Ely Buendia

BLUE SCREEN OF DEATH
-j luna

NANG MAG-TWEET KAMING PIPIT
-Jonathan Vergara Geronimo Nang ma-inlab sa katotohanan ang madlang pipol, #RA10175 bigla-bigla silang dinampot, ikinulong! #KALAYAAN nga ang lumipad gaya ng laksang ibon, ngunit krimeng ituring ang mag-tweet, laban sa estadong manhid? Ay! #TRO kapag di ka nakinig sa tiririt naming nagsusumamo, #TUWID NA DAAN ay tiyak mapasasabak nang todo; #ANGRY BIRDS kaming kapag sinikil ay mag-aalburoto! @Tiyak na hahagupit sa ngitngit ang banta ng delubyo!

13

NOYNOY AQUINO INVITED YOU TO PLAY FAMILY FARM
-Rustum Casia Paano ka ba namang maniniwalang wala kaming dapat ikatakot kung manggagaling ito sa bunganga ng pangulong pikon at sa spokesperson niyang nakasimangot. Hindi naman sa nababahag ang aking buntot. Mahirap pagtiwalaan ang komedyanteng pangulo. Simula’t sapul na maupo sa trono wala nang tinupad na pangako. FoI bill ang inaasahan namin, ang pandalas na pinirmahan ay Cybercrime bill. Para que? Para tayo sikilin. Parang ganito, Tumanda na ang papel ng poster ng Sogo sa pagkakayakap sa pisngi ng mukha ng post eng LRT sa Recto. Samantalang ang poster para sa dagdag na sa sweldo Di man lang tumagal kahit isang minuto. Na-ge-gets mo? And poste ng LRT ay ang FB wall mo

14 Si Noynoy at ang kanyang kainutilan.
Picture lang ng iyong inalmusal ang kanilang papayagan.

Ayaw nilang aalmusalin mo doon

NASA FACEBOOK NA ANG REB
-Mark Angeles text back ng kakilala kong aktibista. Updated tayo sa bawat initsang bomba, pagbibistay ng bala, at pagpapatumba ng mga tirano sa Egypt, Tunisia, Yemen, at Libya. Nahaplos natin ang mga mukha ng daang-daang biktima sa bawat nai-share na larawan. Nahabag tayo. Nakiramay. At nakiisa sa pagtarong ng baluktot na gulugod ng buktot. Hindi na palapa ng saging o baitang ng hagdan ang siyang nakakatikim ng tadtad ng itak tuwing nadidismaya sa tiwaling binigyan ng tiwala. Gumagawa tayo ng meme. Nagti-tweet at nagre-retweet hanggang mag-trending. Nasa Facebook na raw ang reb. Or, in ader words, nagagamit na ang Facebook sa pagre-reb. Pagtutol ay hindi masasawata, putulan man ng ilaw o putulan ng dila. Walang lubid ng libelong makaka-hogtie sa pumipiglas na katotohanan, balutin man ng duck tape ang buong katawan.

15

KUNG BAKIT MAY CYBERCRIME LAW
-grobyasmagdiwang Unang-una, kaya may Cybercrime Law ay dahil napikon si Tito Sotto nang siya'y bansagang dakilang kopyador, kahit totoo naman. Pangalawa, kaya may Cybercrime Law sapagkat tungkulin ng mga kawatan nating kinatawan na sagkaan ang ating karapatang batikusin ang pagiging ganid nila't salanggapang. Desidido silang panatilihin tayong habambuhay na mangmang. Wala tayong karapatang alamin at ipabatid ang katotohanan na ang mga katotohanang pilit ipinatitimo sa ating kamalayan ng mga midyang pinatatakbo at pagmamay-ari ng mga naghaharing-uri ay pawang mga bahagi lamang ng isang malaki at sistematikong kalipunan ng mga kasinungalingang ginawa nila upang pangalagaan ang kanilang mga pansariling interes at kayamanan. Pangatlo, kaya may Cybercrime Law ay upang panatilihing bulag, pipi at bingi ang mga mamamayan habang paulit-ulit na ginagahasa ng mga dayuhan ang ating pambansang kasarinlan, habang sila'y halinhinang nagpapakasasa sa 'ting likas na yaman, at habang nililimas ng mga pulitiko ang kaban ng bayan.

16

Pang-apat, kaya may Cybercrime Law ay upang tayo'y pagbawalang tuligsain ang ipinangangalandakang kaunlaran ng pamahalaan na hindi maramdaman ng mga sikmurang kumakalam, ang patuloy nilang pagkakait sa lupa at katarungang malaon nang ipinaglalaban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita, ang patuloy na panduduhagi ng mga kapitalista sa mga manggagawa, ang patuloy na pagsasamantala ng mga kumpanya ng gasolina, ang kaliwa't kanang demolisyon sa mga komunidad ng mga maralita, ang pagsasapribado sa edukasyon at mga pagamutan, ang patuloy na pang-aabuso ng militar sa kanayunan, at ang dumarami pang bilang ng mga aktibistang dinudukot, pinapaslang. Ngunit higit sa lahat, Kaya may Cybercrime Law ay upang pigilan ang dumarami pang bilang ng masang namumulat sa tunay na kalagayan ng ating bayan.

17

LAGYAN MO NG HASHTAG NA #UNLIKE
-piping walang kamay tatlong tulang umaalma sa cybercrime prevention act of 2012. I. kahit nais mong umalma gamit ang birtuwal na mundo kahit na karapatan mo itong matatawag kikimkimin mo na lang ba ito ang pag-alma at pilit ititikom ang bibig ng iyong blog o ng account mo sa facebook at twitter hanggang ang utak mo'y sumabog na sa galit? pero subukan mo kayang gawin kapag online ka na sa internet ilagay mo sa iyong blog o gawing status sa facebook o i-tweet mo sa iyong tweeter pindutin mo lang sa mga tiklado ng keyboard ng iyong kompyuter #CybercrimePreventionActof2012 tapos pindutin mo ang tikladong may nakalagay na enter tapos lagyan mo din ng hashtag

18 #UNLIKE
tapos pindutin mo ang tikladong may nakalagay na enter

kahit makulong ka. marami tayong magkakasama. tutol din ako sa panibago nilang sensura. II. madalas nais mong magmura dahil sa mga pangyayari tulad noong sinapit ng mga tulad ni Stephanie Nicole Ella matapos tamaan ng ligaw na bala iyong tipong ibig mo sanang idalangin sa iyong blog o status o tweet, "Sana sa mga buwakaw na lamang doon sa mga putang ama at putang ina na nasa malakanyang, sa senado, sa kongreso sa AFP at PNP napadpad ang bala." ngunit magdadalawang isip ka kahit nangangati na ang daliri mo sa pag-upload ng mga litrato na bumubulong ng disgusto sa korap na sistema nitong gobyerno kakamutin mo na lamang siguro ang mga kamay na kalyado dahil maaari kang makulong sa ilalim ng cybercrime prevention act of 2012 dinadahas na nga nila ang mga kilos protesta sa mga lansangan pati ang pag-alma sa internet gusto pang rendahan? gusto nilang magtiis na lang tayo kahit pinahihirapan bawal ang pag-alma bawal ang paglaban.

19

ganun na lang? III. may ginuhit na naman silang karatula Republic Act No. 10175: Cybercrime Prevention Act of 2012 nagbabanta sa bawat Pilipino sa internet, "Gugupitin namin ang dilang matatabil. at ang mangangahas rehas ang hihimasin." ay apo! tila ang ibig lamang nilang marinig na ingay ang palakpakan ng mga "like" sa mga buladas nitong tutang si PNoy at ng kanyang mga garapata na nagkalat sa AFP, PNP, kongreso at senado kahit kalakhan sa atin nangangarap magkatotoo na sa araw-araw malamnan ang sikmura at ang isip matuto ang nais lamang nilang ikalat natin iyong magpapasahol sa ating pamimilipit busugin mo ang mga pagtatanong ng bakit bakit dapat tumutol sa kanilang ipinipilit? papayag ka ba sa panibagong anyo ng kanilang mapanupil na sensura? mananahimik ba tayo? tayong mga may dugong mag-aaklas kapag ipinipiit sa tanikala ng pagdurusa at sakit

20

HINDI RAW LARO ANG DAPAT MATUTUNAN NG MGA BATA; DAPAT ATUPAGIN NANG KUMITA
-Mark Angeles Isang maliit na kuwadrong nakapasak sa kuryente, naglalakbay ito sa buong mundo sa isang pitik. Iyong nag-iisang matang hindi maalis ang titig sa katawan ko, hindi malaman kung naulol o bagot, habang isa-isa kong hinuhubad ang aking mga damit, binibihisan ng mga haplos at dampi ng halik ni Totoy na hindi pa tuli kaya hindi maitago ang hiya sa kanyang mga hagikhik. __________ Dapa! Narinig kong sigaw kasabay ng kalabog. Nataranta si Totoy na parang manok na dinakma sa leeg. Nakadapa siya sa akin ay bigla siyang tumayo, dumapang muli. Nakatayo pa rin ang kanyang pitutoy nang hatakin siya ng mga mama. Ayaw dumapa. Nanlalaban. Galit na galit. Samantala, hanggang langit ang pagpapaumanhin ni Totoy na parang may alam sa aming ginagawa na sa akin ay nalingid. Malamig pala ang silid. Hindi ko namamalayan dahil nakapag-iinit ng katawan ang halinghing. __________ Dinala kami ng mga pulis sa mata ng madla. Basang-basa kami ng mga itinapong panghuhusga. Hinanap ko ang iba ko pang mga kasama. May isang iniinterbyu ng isang reporter sa TV, habang nakatalukbong ng tela ang mukha, artista na siya. Hatid nito ay ibang glorya. Hindi tulad ng iisang mata na nakamasid sa aming kahubaran gabi man o umaga.

21

__________ Kalaboso ang inabot namin. Kulong. Nagtago na raw si Pastor. Si Pastor na promotor ng aming komunyon. Hindi na raw baleng nakatakas. Sa timbangan ng batas, kami ang may dungis sa kamay. Kami dapat ang tumanggap ng parusa. Kahit man sa Bibliya, hindi ba, ginigilitan at inaalay ang mga anak ng tupa? Ay, anak ng puta! Talagang anak ng puta!

22

SALAT SA MATATALAS NA SALITA
-noel gomez Halatang mayroong pakialam ang lahat, kumikinang sa pakikinig ang ilan habang ang iba'y nadidismaya sa pagmamasid ng mga bagay-bagay na kaabang-abang at gumagabay sa ating pagyabag. Gustong isiwalat ang tiwalang ibinigay at winawasak ng mga mapang-aping makapangyarihan, ng mga tagpi-tagping tagapaghatid ng balita, ng mga mapangsupil na pulis sa mamamayang mayaman sa katotohanang pinatatahan at sa kalayaang kinakalagan.

23

NANGANGAMOY HANGGANG CYBER WORLD
- Genesis O. Soriano

Wari’y ginapos ang aking pantog upang hindi makaihi Pinilipit ang pwerta upang hindi makadumi. Ginawa nila ito upang hindi isapubliko Ang lahat ng aking nalalaman, ngunit kung maipon ang lahat ng baho sa loob ng katawan at wari’y hindi mapigil Sasabog ang pantog na animo’y rumaragasang alon, Isasambulat nito ang lahat ng baho at alingasaw ng lipunan. Walang makakapigil kahit ikaw na nagsabing Bawal umihi jan sa pader na pinaskilan ng kasuka-suka mong itsura, -malapit na nga pala ang eleksyon Ang pwerta ay maghuhumiyaw, ibubulahaw ang lahat ng tungayaw, Isusuka ang kinikimkim na alingawngaw, hindi mapipigilan, Sasabog ang baho na inyong kinatatakutan

24

ANG IKATLONG TIKIM NG SALITA
-Diosa Fe E. Garcia

Natikman ko ang salita… ng lalaking sumisinta na ang tanging adhika ay umupo’t magpahinga sa dating trono ng reyna. Bumubukadkad ang mga letra sa tuwing naririnig ang labing naglalahad sabay sa pagsugod ng bubuyog sa pukyutan ng kataga. tunay nga, matamis ang salita. Natikman ko ang salita… ng dating kaibigan pambungad ay pasumala at di mawaring emosyon nang siya’y magdada pagkat ako sa kanya’y nagkasala. Tumilamsik ang salita. ...maanghang ang kanyang winika. Pinalunok sa akin ang salita… nabilaukan ako halos di ako makahinga sa pagpasak ng batas sa aking ngala-ngala Ni hindi ako makatakas sa bagong kulungan ng aking salita nawa ito’y makawala.

25

pagkat ang pinakamatamis na salita ay hindi nilalanggam …kundi pinapalaya.

26

C2C

-Mark Angeles Me: peep this Me: FYI TARFU Me: BOHICA Me: TBIB Me: Cybercrime Law Me: BKA Martial Law Me: d 3l33t govt GOLL Me: WNOHGB Me: wants EVRE1 2 STFU Me: liv n FUD Me: till UR FUBAR Me: EOR Me: EOD Me: EOT Me: FAWC Me: >:-( Me: WWYD? Me: AWGTHTGTTA? Me: IANAL Me: but IMHO Me: TANJ Me: FCOL Me: itz N/A Me: N/C Me: 2 :-x Me: TANJ Me: FCOL Me: DTRT Me: (((((person))))) Mga Tala: CTC – Care to Chat? peep this - Hey, listen to this, I've got some interesting news. FYI – For Your Information TARFU - Things Are Really F'd Up :-/ ... perplexed, confused

27

BOHICA - Bend Over, Here It Comes Again TBIB - The Bitch/Bastard Is Back BKA - Better Known As 3l33t - elite GOLL - Got One Long List WNOHGB Where No One Has Gone Before EVRE1 – Everyone STFU - Shut The F* Up FUD - Fear, Uncertainty, and Doubt UR – You Are FUBAR - "Fouled" Up Beyond All Repair / Recognition EOR - End of rant EOD – End of discussion EOT - End Of Thread FAWC - For Anyone Who Cares >:-( - angry WWYD? - What Would You Do? AWGTHTGTTA? - Are We Going To Have To Go Through This Again? IANAL - I'm Am Not A Lawyer but IMHO - In My Humble Opinion TANJ - There Ain't No Justice FCOL - For crying out loud N/A - Not Acceptable N/C - Not cool :-x - keep mouth shut DTRT - Do The Right Thing (((((person))))) = give a virtual hug

28

BSOD

-Mark Funcion Hindi pribadong pag-aari ang internet, Kagaya ng lupa, moda ng produksyon at karunungan ang nagmamay-ari ay sangkatauhan Kaya wag masorpresa kung may magpoprotesta Kaya maghanda na sa #OP Iopen na ang Pandora o LOIC Huwag kalimutang gumamit ng anonymity pack magsisimula na ang DDOS attack Bahain ng nagmamartsa at nagngangagalit na packets ng sambayanan ang malakanyang, ang batasan at senado... Ihanda na din ang deface page at ivandalize ang mga tarangkahan at dingding ng kanilang mga gusali -simbolo ng kanilang kataksilan, kasinungalingan at pagsasamantala Hindi na kailangang hanapin vulnerability (ang sistema ang mismong vulnerable) Hindi na kailangan ng dorks (mga pulitiko at kapitalista yun) Walang kwenta ang anumang security patches at updates dahil ang kailangan ay system upgrade.. Ireformat ang lipunang hindi pantay at puno ng security holes Palitan ng sistemang free at open-source

29

DILIM

- gem karlos aramil I mabibigkas pa kaya pagdaing ng makina, habang pinaliliguan ito ng pawis? masasambit pa kaya pagsakyod ng itinanim na palay habang dinidiligan ito ng dugo? natatanaw ko ang singkad ng nagpupuyos na araw unti-unting nilalamon ng nagkumpulang kadena lalatiguhin ng buaw na panginoon ang mangangahas na kumuwestiyon sa daang inukok at binulok ng kanyang nakalalasong mga pangako. Bakit pilit binubusalan ng dilim panaghoy ng ating pagkasiphayo? II Mahal ko, kahit may latigong nakaamba sa gitna ng kukong itim ng panginoon diwa natin 'di dapat pakitil mga mata nati'y 'di dapat papiring-bugtong ng kahirapan dapat nating sagutin may dilim pa tayong kailangang hawiin! Enero 3, 2012 sa inuupahang bahay, Laguna

30

BIRTWAL ORGANO
-Faye Umagat Mag-ingat sa mga matang hindi nakikita ipasok lamang ang isip sa kahon sa kulungan ay hindi na aahon dahil sa banyo pala ang naturang istasyon Cyber Crime law, isang panibagong tae pilit ipapakain sa ating tingin nila ay erehe sa pagkabaho-baho ng taeng ito kulang ang banyong may walong inidoro Kung sa bawat pagkakataong magmulat tae ang sa atin ay igugulat na papatay sa ginigising kamalayan ano nga bang alam nila sa kalayaan Birtwal organo, ito ay magandang pangalan sa nasabing batas gawa nilang mga bulaan hindi ba't napakadaling pabanguhin ang mga salita? upang madaling tanggapin ng madla Paanong makakasigurong tayo nga ba'y ligtas? kung tahimik itong gumagapang na parang ahas sa bawat pagkakataong mayroon tayong gustong ipabatid May p******inang simbolo sa ati'y ihahatid Dapat lamang tumutol sa inihaing pagkain dahil ang tunay na motibo, tayo ay lasunin ng hindi natin alam wala na tayong pribilehiyo Sa impormasyon at sa lahat ng progresibo. Ngunit kahit ilang p******inang simbolo pa yan ang mga tunay na s*** na ideya ay walang kamatayan Isa sa mga paraan lamang ang birtwal na mundo At and realidad na ito ay hindi abot nitong birtwal organo.

31

CC = CONSTRUCTIVE CRITISICM
-Elena Sebastian Kritisismo, Cybercrime ang tatapos sa 'yo Libelo, 'yan ang ikakaso sa 'yo Aprubado, Noynoy, mabilis ata masyado? Taong bayan, Nganga na lamang sa 'yo. Sotto, Nice one sa E-Libel mo Probisyon, May hidden agenda sa isang 'to. Santiago, Buti at gumana ang charm mo Batas, Wala kang silbi kung panget ang implementasyon Lalaya ang salita, Sa online man o offline ng madla Lilipad ang kaisipan, Na hindi duwag ang sambayanan Bayan kumapit kay Juan, Na supilin ang mapanlinlang na batas!

32

SI JOHNNY, IYONG AKTIBISTA, IYONG HINULI ISANG GABI
-MJ Rafal Mabait pong bata ‘yang si Johnny, mahusay raw sa eskuwela, sabi-sabi. Lalo na sa Math saka History. Lagi rin pong kasama sa top ng klase. Ewan kung bakit nga ba hinuli ng mga mamang diretso ang likod, isang gabi. Wala naman pong bisyo ‘yan maliban sa kompyuter. Dito kasi Sa amin, uso ang Piso Net; maghuhulog ng piso, makakalarga na sa FB O sa mga Dota-dota at iba pa. Pero ‘yan pong si Johnny, iba po ang hilig. 1st college pa lang po iyan, kumukuha ng Sociology, ang mga binabasa, di ko makalahig. May nakita po ako, isang araw, Pinoy Weekly ang nakalagay. Tapos isa pa, PADEPA. Meron ding, PKP ba ‘yun? Saka mga website na panay kamao saka puro pula. Madalas po, pag nakikita ko s’ya, may picture na iniiba, Photoshop tawag doon, di ba? Di ‘yan masalita si Johnny. Wala nga’ng kaibigan na malapit, kaya sa sulok ‘yan palagi. Dito ‘yan palagi sa shop, kaya madalas kong nakakausap. Wala kasi silang kompyuter sa bahay. Uuwi lang kapag tinawag na ni Aling Goria, ‘yung manikurista niyang nanay. Iyong tatay raw ni Johnny, si Mang Andeng, dinukot daw isa gabi, lider daw kasi ‘yun sa mga rali. Tapos, banggit n’ya minsan, baka mahinto na s’ya next sem. ‘Yan e nung magpa-print s’ya Ng mga parang diyaryo ang itsura, tapos ang nakalagay: JUNK CYBERCRIME LAW! Akibista raw ‘yan, kaya ganyan, sabi ni Mang Samuel. Pero iniisip ko, di naman s’ya nanggugulo, Siya nga lang pinakamatino dito sa shop. Lahat ng ‘andito, puro Putangina

33

At Bwakanangina ang nasa bunganga, lalo na kapag naglalaro ng Dota. Opo, bantay lang po Ako rito, galing akong probinsya. Pag gagamit, sa akin po sila nagpapapalit ng barya. Namimiss ko na nga po si Johnny, wala na kasing matino dito sa shop. Walang makausap. Puro mga nakikipag-chat lang. ‘Yung may kausap na porener, tapos nag-iipit ng suso ‘Yung ‘andito, minsan bakla pero madalas ‘yung Ale d’yan sa kanto na ang tawag e Sekretarya: Sekretarya daw ng United Nations. Ay, basta! Basta miss ko na si Johnny, saka yung mga post Niya sa FB. Andami ko kasing natututunan sa kanya, 1st year hayskul lang ako, di ako nakatapos. Kumusta na kaya s’ya? Teka, kaninang umaga ho, may nakitang bangkay dun sa estero. Di na makilala, puro paso, tapos hubad-baro. Parang si Johnny nga e, parang si Johnny, ‘Yung kumukuha ng Sociology, ‘yung aktibista, ‘yung hinuli isang gabi, nung isang gabi.

34

CYBERCRIME LAW
-Delmar Aguilon binubusalan, binubusalan ang bibig ng mamamayan, karapatan sa pagpapahayag ay kanilang pinipigilan nang nang sa ganun kanilang baho ay di matuklasan pinipiringan, pinipiringan ang mata ng mamamayan, mapagmatyag ng taong bayan ay nais nilang pigilan mapagmatyag ng mamamayan ay nais nilang wakasan mapagmatyag ng mamamayan ay nais nilang kontrolin at panghawakan ginagapos, ginagapos kamay ng mamamayan, internet freedom, freedom of expression ay nais nilang pigilan ginagapos, ginagapos kamay ng mamamayan kaya CYBERCRIME LAW agad na nilagdaan, kaya naman ang kongreso,senado, pati abnoy na pangulo lahat sila ngiting aso

35

#OPLANBAYANIHAN
-Rogene A. Gonzales Ser, may tatlong good news po kami para sa inyo alam naming magugustuhan ninyo ito! Ser, unang good news! Nahuli na ho namin yung mga pinapahuli niyo nung isang araw pa! Yung mga post nang post ng reklamo sa FB wall nila! Kulang na lang bumirit sa laki ng mga letra at dami ng tandang-padamdam ang status updates nila na ang mga nag-lilike ay walang iba kundi sila-sila! Laging tungkol sa problema ng mahal na matrikula, no permit no exam, at kung bakit daw may mga Koreano na aali-aligid sa loob ng kanilang mga dormitoryo! Aba'y hindi naman pala mahirap hanapin kung nasaan ang mga walang-hiya dahil kapag gabi ay nagpupulong lagi sa mga bahay ng aktibista o tambayan na may Free Wifi! Yung isa pa nga, dinakip na namin sakto lumabas hatinggabi kahit may Sin Tax Bill nang sinasabi humirit pa rin ng yosi! Nang kumain ng siomai sa may kanto, doon na namin siya pinalibutan aba'y hindi naman pala kayang umimik at hindi man lang kami pinagpawisan! Nung kinuhanan namin ng I.D. ang nakalagay na pangalan, alam niyo ho kung ano? Congressman daw siya! Siya raw si Mong Palatino! Ser, ikalawang good news! Natunton na ho namin nung isang linggo pa, yung mga tweet nang tweet ng talak tungkol sa pagtaas ng presyo ng langis, mababang sahod at ekonomiya niyo raw na laging bumabagsak! Aba'y minsa'y nagre-tweet pa sila ng subersibong The Axel Pinpin Propaganda Machine na kanta sabay-sabay pa nilang shinare sa cyberworld ang mga kataga: "Mabuhay ang hukbong mapagpalaya!" Kaya ayun inabangan namin, pagkatapos ng kanilang rali sa Mendiola

36

nakatakas yung ilan pero marami-rami rin yung aming nakuha yung isa pa nga manggagawa ang pakilala pero mukhang bagets ang porma at nung pinapakanta namin ng Awit ng Pag-asa eh parang kalapati ang huni na namaos yata sa kahihiyaw kanina! Nung tinanong namin kung sino siya, alam niyo ho kung sino? Paulit-ulit niyang binanggit na siya raw si BLKD! Ser, ikatlong good news! Natagpuan na ho namin yung mga edit nang edit ng inyong mukha nung isang buwan pa! Ginawa ba namang naka-iinsultong payaso yung poging picture niyo nung nakaraang SONA at nung isang beses pa eh mabuhok na tsonggo naman kasama si Obama! Sa mismong opisina nila, nahuli namin silang ginagawa ang akto! Balak ba naman lagyan ng sungay ang inyong makinis na noo at kabitan ng pangil ang inyong mga bibig na bigkas ay pawang totoo! Kaya ayun, nanlaban pa ang mga tarantado eh di bugbog sarado! Ewan ko na lang kung kaya ng husay ng art at Photoshop skills nila na baguhin ang ginawa namin sa kanilang mismong mukha: tanggal na mga ngipin, magang mga mata at mga ilong na baliko sa itsurang yun, nagawa pang ngumisi at bumulong nung isa: "May araw rin kayo, mga berdugo!" Nang malaman-laman namin sa research team namin galing ang balita, kasama pala sila sa mga grupong tinatawag na Pixel Offensive at Ang Gerilya! Pero Ser, may isang bad news... Pero minor lang naman. Hindi ho namin alam kung nasaan yung taong pinapa-hunting niyo sa amin nitong taon pang nagdaan yung mahilig magblog tungkol sa digmang bayan, pambansang-demokratikong rebolusyon, seize the initiative daw

37

o kung anuman. Minsan kasi sa sagap ng aming radar at abot ng sinasaklawan, naglolog-in siya bigla sa Sweden, Netherlands o Okinawa, Japan! Minsan naman dito mismo sa Maynila pero mas madalas sa Cordillera o Timog Katagalugan. Basta Ser, don't worry, next time siya'y amin ding matiyetiyempuhan! Pero Ser oo nga pala, update lang, fresh na fresh! May importanteng impormasyon na kaming nakuha tungkol sa kanya! Kaya makinig ho kayong mabuti sa mga susunod kong mga salita, dahil nakuha na namin kung sino nga ba siya talaga! Basta ho sa lahat ng account sa internet, ang pangalan na gamit niya... Opo Ser opo! One hundred percent sure na sure kami rito! Na ang pangalan ng cybercriminal na ito ay walang iba, kundi si Marco Valbuena!

38

SA LOOB NG ROOM 10175

-Ma. Cristina Casimina Literary Writer, Pioneer, Palawan State University Ikalawa ng Oktubre Kakaiba ang araw na iyon. Matapos lagdaan ni sir Ang ikalawang kabanata ng martial law Tahimik ang lahat Pumasok sa klase sa I.T. Sa room 10175 Ang mga screen saver ng mga kompyuter Ay ang dilawang mga tao sa gobyerno Kulay dilaw ang mouse May yellow ribbon ding palamuti Pero hanggang ngayon Dinidinig pa, Sa guidance office Kahit mukhang malabo Kahit magmukha na kaming anino. Maraming patakaran si Ser Subalit ayaw naming masakal Mula sa nakataling pisi Sa aming nagpupumiglas na kamay Mula sa nakapaikot na panyo Sa aming mga maiingay na bibig Ang gusto niyang mangyari Tumahimik lang kami H’wag nang makialam pa Subalit ang totoo Para lang manatili ang bango Sa nakatiwangwang nilang baho.

39

Lumabas kami sa silid 10175 Sinira ang pinto Dahil gusto pa naming sumulong. Gusto pa naming sumulat. Gusto pang magmulat.

40

ALAMBRENG MAY TINIK
-David Michael San Juan Hindi naman naglaho sa mga pulo ang higanteng tanikalang sumasakal sa bayan kong walang angal. Sa kamay ay masakit ang alambreng may tinik, ngunit higit ang pait ng alimpuyong pinatahimik.

41

Criminal Achievement
-Pia Montalban Libelo ang Krimen, Nang i-status ko ang aktuwal na bilang Ng mga bilanggong pulitikal. Sakote ng posas Ang maglike At magtweet. Achievement mong tinawag Nang wala kang makitang tao Sa seldang nagkulong Sa mga Maricon, at Ericson. Alin ang mga dilang dapat pinipilipit? Kaninong mga bungangang dapat na dina-duct tape?

42

TENSYON SA E-LIBEL

-Jade Oliver N. Eleazar Literary Editor, Pioneer, Palawan State University Binuksan ko Sa isang pahinang nagbabaga At mabilis na nagbag Ang mukha ng kaharap ko Tensyon At matinding pagnanais Namuo Sa katawan Kasabay Ng pagkagusto Sa mga imahe At eksena Na nagpatayo At nagpagalit Sa prinsipyo ko. Kaya’t ikinambyo ko Sa lugar na dapat Pagdausan nito At nakisali Sa demonstrasyong Sinimulan Ng mga katulad ko. Sumabog ako Sa mga imahe, Salita, At mga eksena Na natunghayan ko At upang gisingin din At patigasin Ang nagtatamlay-tamlayang Mga prinsipyo Ng mga katulad kong nabubuhay

43

Sa mundong tulad nito, Ipinamahagi ko Ang mga nakita ko Laban sa di-makatarungang pagpigil Sa kalayaang Magpahayag Sa birtwal na sansinukob Kahit kapalit pa nito Ay pagiging criminal ko Basta’t makaraos lang.

44

BLAKAWT

-Ramon Maraneta III Editor-in-Chief, Pioneer, Palawan State University Hindi ba nila alam na kapag madilim, Mas tumatalas ang pandama ng tao? Kaya hindi nila masisisi, Kung bakit mas naging matalim ang mga dila, Naging mapaghimagsik ang mga salita, Naging maingay ang mga tahimik, Nanlisik ang mga mata, Nagrali ang mga diwa, Pumailanlang ang pagtutol, Ng mga tao sa loob ng birtwal na espasyo Noong gabing madilim Na mas pinatingkad ng dilim Ng lagim na dulot Ng itim na tintang Iniselyo sa pagsasabatas Ng mapaniil sa karapatan Ng mamamayang mulat At masang unang tagapagmasid Kritiko sa mga patakarang Hindi pumabor sa panawagan ng bayan. Kaya’t bawat isa, Tanga’y maliliit na kingke* Upang bigyang antilaw Ang pagbagtas sa maling daang Tinuturo niya. Ang lahat ay pabalik, Nag-ibang ruta Kumontra sa daluyon ng pagpapatianod Sinalag ang dilawang propaganda, Ang ingay sa espasyong iyon, Mas lalong pumailanlang, Naglog-out at lumabas sa mundong iyon, At nagsign-in sa totoong daigdig. Upang puksain ng kalayaan Ang huwad na kalayaang

45

Pinaiiral ng iilan. Kinalag ang gapos, Pinatid ang mga kable, Handa na ang lahat, Dahil sumapat na ang oras, Sa pagshut down, Sa tunay na gumagapos sa kalayaan Yumuyurak sa karapatan - ang berdugong pamahalaan. *** At kapag blakawt, marami ang nabubuntis Ngunit sa pagkakataong ito, Nagluluwal ng pakikibaka At rebolusyon. *lampara

46

What's Happening?
-mano Tinatanong ako ng status box ng fb, may ligalig na namumuo sa dibdib: Now typing... Tinag sa mga kasama, for sure mababasa nila at may makakabasa pang iba. Ano ba yan? Ayaw naman gumana ng Post Button. Dating gawi. Kita-kita sa dating tagpuan.

47

Agam-agam ng Cyber Citizen
-Pia Montalban I Bystander, saksi Mastermind, pasimuno Kakuntsaba, kasama-Alin ka dito Tatlong libo’t walong daan, Tatlumpo’t anim na Kaibigan? II Gagaya na lamang ba Sa tatlong pamosong unggoy At magsasawalang kibo Sa nakikita’t nadirinig? Huwag sanang ilista sa tubig: Matalino man daw ang matsing, Napaglalamangan din. III Saksihan Mga paskil na larawan Mga parikala’t pangungusap mga tula’t pahayag Mga sining ng protesta Na inuusal ng wall, tweet, Notes, blog, scribe, at (name it). Tiket ito sa rehas na bakal Ngunit libreng pamasahe Sa walang muwang na mamamayan: Biyaheng pa-Kalayaan.

48

UNTITLED
-Axel Pinpin

Ikatlo ng Oktubre ang itnakdang araw ng implementasyon ng Cybercrime Law

52

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful