‘GAPô

(at ang isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown)

LUALHATI BAUTISTA
May-akda

Ipinasa Ni: Patricia Ann C. Bulanadi III-Avogadro

I.Pagkilala sa May-akda
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards. Mga akda Kalipunan ng mga maiikling katha Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang: Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento  Desaparesidos Mga sulating pampelikula
     

Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The Screenplay (1998) Bulaklak sa City Jail Hari ng Tundo Dekada '70 Desaparecidos

II.Tema

“Iminulat ng nobelang ito ang pang-aaping ginawa ng mga Amerikano sa mga Pilipinong walang ibang alam gawin kundi ang sundin lamang sila. Sa kabila ng pag-aakala ng mga Pilipinong mabuti silang kaibigan, naipakita dito ang mga naidulot na hindi kanais-nais ng mga kano sa buhay ng mga Pilipino. Kung paano nila dungisan ang pagkatao ng mga Pilipino na akala nilang hindi magbabago at mabubuhay na lamang sa kamangmangan.”

III.Simula A.Tauhan
 Michael Taylor Jr. edad byente, may dilaw na buhok at balahibong kulay pilak, kalahating kano-pinoy  Michael Taylor Sr. kano, tatay ni Mike na hindi kumilala sa kanila ng kanyang Ina  Dolores Nanay ni Mike, Bayarang babae  Magdalena kaibigang matalik ng nanay ni Mike, bayarang babae, maganda , mahilig sa mga stateside goods  Steve kano, nagtatrabaho sa base, mabait, mapagmahal, mayaman  Alipio “Ali” bakla, mapagmahal, mabait, kaibigan nina Mike at Modesto  Richard Halloway kano, tuso, sakim, masama, mapang-api, sinungaling, manggagamit  Igna kasambahay, masama, tuso, sakim, sinungaling, mapang-abuso  Modesto Ama, nagtatrabaho sa base, may dignidad, mabuting tao, kaibigan ni Mike  Jun anak ni Modesto, mapag-mahal sa ama, matalino, masikap,  William Smith Kaibigang tunay ni Modesto, tapat, mabait, hindi mapang-abuso, totoong kaibigan  Irene Asawa ni William, Pilipina, mabuting asawa  Willy Anak nina William at Irene  Johnson kano, mapang-api, mapang-abuso, salbahe  Javier Bartender sa FreedomsPad  Rosalie Bayarang babae

B.Tagpuan
       Bahay ni Alipio Apartment nina Magda at Mike Bahay ni Modesto FreedomPad Mga club Base Beach

C. Suliranin
Pagkakaroon ng Base ng mga Amerikano sa Olongapo Pagdami at Pagkalat ng Prostitusyon Kawalan ng pantay na pagtingin ng mga kano sa mga Pilipino Kawalan ng hustisya pagdating sa mga kasong Pilipino ang biktima laban sa mga kano Pagkalat ng mga stateside food na nakakasama rin bilhin dahil tira-tira na lamang ng mga kano ay pinag-aagawan pa dito sa ating bansa para lamang hindi masayang Pag-papaasa sa maraming kababaihang Pilipino na babalikan ngunit ni anino nila ay hindi na nakababalik at tuluyan ng nililimot ang mga pangokong iniwan dito Pagkakaroon ng mga anak na lalaking walang kinagisnang Ama

IV. Gitna A. Saglit na Kasiglahan
Buhay na buhay ang Olongapo sa tuwing darating ang barkong Amerikano lulan nito ang panibagong pag-asa ng mga babaing naghahangad na gumanda ang buhay kapalit ng pagbibigay aliw nila sa mga kano. Sumisigla din ang kabi-kabilang night club kabilang ang FreedomPad na pinapasukan ni Mike bilang folk-singer. Halakhakan sa bawat sulok ang maririnig sa mga lansangan. Ang magkakaibigang Mike, Modesto at Alipio ang laging laman ng FreedomPad. Sa paguwi naman ni Mike kasama niya sa apartment ang kaibigan ng nanay niya na si Magdalena. Hindi niya ito kasundo dahil siguro sa pagkakahilig nito sa mga produktong kano maging sa mga lalaking kano dahil pangarap nito na makatuntong sa U.S. Muling dumating ang barko ng mga Amerikano kasabay noon ay nakilla si Magda ng kano na minahal niya at minahal din naman siya. Siya si Steve Taylor. Inabutan sila ni Mike sa apartment at ipinakilala naman iyon ni Magda sa kanya. Naging mabuti ang pakikitungo sa kanya ni Steve at nagging magkaibigan pa nga sila. Nawala ng pansamantala ang pagkamuhi niya sa mga kano dahil sa kabutihang ipinapakita ni Steve kay Magda gayundin sa kanya. Labis na ikinatuwa ni Mike at Modesto ng malaman nilang nakatagpo na din si Ali ng lalaking magmamahal sa kanya at sa pamangkin niyang si Jeffrey. Siya naman si Richard Halloway. Nakilala ni Ali si Richard sa Beach at lubos niya itong minahalgayundin si Richard sa kanya at napaka seloso pa nga nito. Naging maayos ang lahat para sa mga nag-iibigan maliban kay Modesto. Ang anak ni Modesto na si Jun ay nagpaalam sakanya na gusto na rin niyang magtrabaho sa Base ngunit hindi niya pinahintulutan ito. Hindi alam ni Modesto na kahit hindi siya pumayag ay kumuha pa rin ito ng pag-susulit at naipasa niya iyon. Wala nang nagawa si Modesto. Hindi sila magkasabay ng pasok kaya hindi naman na lubos na ikinabahala ni Modesto na maikita ng kanyang anak ang mga pang-aaping ginagawa sa kanya ni Johnson. Isang araw tinanong ni Jun si Modesto kung ano ba ang ibig-sabihin ng “yardbird”. Nagalit si Modesto dahil ang akala niya ay kay Jun iyon sinabi ngunit nagkamali siya dahil para sa kaniya iyon. Alam na ng anak niya na api-apihan lang sya ni Johnson bagay na labis na nagpabigat ng kanyang loob.

B. Tunggalian
Tao laban sa Tao  Nang malaman ni Modesto na alam na ng anak niya ang katotohanan tungkol sakanya sa Base, nagging matamlay at seryoso ang dating palabirong si Modesto. Ubos na ang pagtitimpi niya kaya lumaban na at sinuntok si Johnson ng minsan ulit ay tawagin siyang “yardbird” nito.Tinangka naming gumanti ni Johnson ngunit bigo siyang gawin ito at di siya umubra sa mga suntok ni Modesto. Inawat na sila ng mga Pinoy at Kano. May isang Kano ang kumuha ng isang bakal na tubo at inihataw iyon sa ulo ni Modestodahilan kung bakit siya namatay.  Nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nina Richard Halloway at Igna para lang mapakinabangan lang pala ang baklang si Ali. Dahil sa pinagtiwalaan na ni Ali si Richard alam na nito ang pagbukas sa kanyang kaha na taguan niya ng pera at Isang araw nga ay pinagtulungang gulpihin at bugbugin ninia Igna at Richard si Ali. Nakahingi naman ng tulong si Ali kay Mike at agad naming tumugon si Mike. Tao laban sa Sarili  Sa parte ni Mike, nagtatalo sa sarili niyang kaisipan kung ano ang dapat gawin ng makatanggap siya ng tawagmula kay Ali, Tinawag siya ni Javier, ang bartender assign sa FreedomPad noong gabing iyon. Sinabi nito na may naghahanap sa kanya sa telepono ngunit hindi daw nito maintindihan ang sinasabi kaya’t si Mike na ang kumausap dito, ungol lang ang narinig niya pero natiyak niya kaagad na si Ali iyon.Nag-aalala siya ngunit pilit na pinapanatag ang sarili niya. Iniisip niyang walang masamang nangyari kay Ali ngunit bakit hindi niya mapigilan ang sarili na tiyakin anmg kalagayan ni Ali at tama ang naging desisyon niya.  Sa parte naman ni William Smith, ganoon din ang nangyari. Pagtatalo sa isipan niya ang nabuo. Kapwa niya kano ang alam niyang may-sala at kaibigang Pilipino ang biktima. Saan siya dapat kumampi pero mas pinili niya na manindigan sa katotohanan . Kaya lang, dahil sa hindi makatarungang paglilitis ng mga amerikano, Pinabalik na siya sa U.S. upang hindina maging testigi laban kay Johnson.

Tao laban sa Sirkumstansya  Sa parteng ito, mailalarawan ko si Magdalena dahil sa sobrang pagkahilig nito sa mga stateside goods dahil sumasalungat na ito sa mga tradisyunal na mga pagkain ng mga Pilipino. Halos ubusin na niya ang kanyang pera/sweldo para lang makabili ng mga bagay may tatak ng Amerika. Gayundin ang ilang paniniwala na naimpluwensyahan na ng mga Amerikano.  Masasabi ko din na kabilang dito ang nagging kapalaran ni Modesto dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay napilitan na siyang lumaban at ipagtanggol ang srili niyang pagkatao bagay na hindi niya sinubukang gawin noon. Tao laban sa Lipunan  Kabilang dito ang pangyayaring naganap sa buhay ni Mike ng minsan ay inawit niya ang isang awiting may salitang imperyalista at bahagyang naunawaan ng mga kano ngunit nagkatinginan na lamang sila at nagtawanan .  Ang naganap na gulo sa FreedomPad ng dahil sa isang Pilipino na hindi pinapansin ng mga waiter dahil sa inuuna nila ang mga kano kaysa sa mga kapwa nila Pilipino. Nagalit ito at naglabasng kanyang mga himutok ukol sa mga waiter ng club.

C. Kasukdulan
Sa gitna ng kaligayahang tinatamasa ng mga tauhan, Sina Magda, Mike at Steve gayundin nina Ali at Richard Halloway, biglang napawi ang lahat ng iyonng malaman nilang may hindi katanggap-tanggap na nangyari kay Modesto sa Base. Nabalitaan nilang namatay si Modesto sa kamay ng mga kano. Burol na ng muling Makita ni Mike si Modesto. Ang kaawa-awang si Modesto. Naayos man ng mga taga-punenarya halata pa rin at bakas pa rin ang sakit at lupit ng sinapit ni Modesto sa hati ng mukha. Lubos na nagdalamhati ang kaanak at mga kaibigan niya. Si Jun na sobra ang panghihinayang sa sinapit ng kanyang ama. Iniisip kasi niya na kung hindi lang sana niya nabanggit sa ama ang salitang yardbird ay hindi iyon magtatangkang lumaban pa kay Johnson. Sinabihan naman siya ni Mike na tama ang ginawa ng kanyang tatay at naipakita nito na sahuling sandal niya ay may may natira pa siyang dignidad. Labis din ang pagdadalamhati ni Ali sa nabalitaan ngunit hindi siya nakapunta ng burol nito o hindi kaya ay maging libing nang dahil lamang kay Richard Halloway. Katarungan ! yun lamang ang tanging nasa isip ni Mike. Sinabi niya sa pamilya ni Modesto na ilapit sa ating hukuman ang naganap na aksidente . Ngunit ang tanging narinig lamang ni Mike mula sa asawa nito ay “nandyan nalang din naman yan isa pa’y mabubuti naman ang mga kano sa atin”. Bahagyang nanghina si Mike sa narinig. Si Jun naman ay kampante na mabibigyan ng hustisya ang tatay niya saan mang hukuman dahil nangako si William Smith na tetistigo sa kasolaban kay Johnson . Ngubit sa kasamaang palad, nang malaman ng mga hkom ng U.S. agad na pinabalik ng amerika sila William Smith at wala na silang nagawa. Doon na din natuldukan ang kaligayahan ni Ali kasabay ng pagakalibing ni Modesto. Lubos ang pagtitiwala niya kay Richard dahil ni hindi nga siya pinapagastos nito sa tuwing magkasama sila ngunit ang hindi niya alam ay dati ng mgkakilala sina Richard at ang kasambahay niyang si Igna. Ginamit niya si Richard kay Ali dahil alm nito kung gaano na kadesperado si Ali para lang magkaroon ng kikilalaning tatay si Jeffrey. Nilimas ng dalawa ang lahat ng pinag hirapan ni Ali at hindi pa sila nakuntento ginulpi at binugbog pa nila ang baklang si Ali kasabay ng pagpapainom ng pang patulog sa pamangkin nitong si Jeffrey.

Napakalupit ng mga Amerikano. Bababa sila dito sa ating bayan ngunit aalis ng napakadaming pinapaasa. Dadating sila ng walang asawa ngunit uuwi rin dahil sa kanilang pamilya at ang malupit pa dito ay mag-iiwan pa ng mga kababaihang nagdadalang-tao. Ganoon na lamang ba ang tingin nila sa ating mga Pilipino ? pampalipas oros lang ba talaga tayo para sa kanila ? Bagay na nangyari na din kay Magda. Ilang araw ng hindi nakikita ni Mike na pumupunta si Steve sa apartment nila ni Magda bahagya niya ng ipinagtaka iyon ngunit inisip niya na lamang na baka may trabaho itong dapat tapusin. Pagkauwi niya galling sa pagliligtas kay Ali, inihigaya niya ang kanyang patang katawan sa salas at agad naman siyang pinalipat ni Magda sa kanyang kuwarto upang maging mas mainam ang kanyang pagpapahinga. Habang nasa kuwarto na siya nakakidlap lamang siya ngunit nagigising muli. Naririrnig niya na sige pa din ang kaluskos sa labas na alam niya naman na si Magda. Napaisip siya kung may lakad ba ang dalawa. Lumabas na siya ng kuwarto at inalok siya ni Magda na kumain muna subalit kailangan niya ng pumunta sa Freedom Pad para magbigay aliw nanaman sa mga parukyanong kano. Inalok ni Mike na pumunta din doon si Magda ngunit hindi ito sumama. Mula sa kanyang kinauupuan natanaw niya si Steve sa isang sulok na mag-isang umiinom a ang ikinaulat pa nga niya ay wala itong kasamang ibang babae bagy na ikinatuwa niya. Nilapitan niya si Steve at kinamusta ang tungkol sa kanila ni Magdalena. Hindi siya tinignan ni Steve at nagsalita ng nakatingin sa kanyang gitara. Sinabi nit okay Mike na kailangan niya ng umuwi sa Amerika dahil tapos na ang trabaho niya dito sa Pilipinas. Ang inaasahan ni Mike ay ipagpapaalam na nito si Magdalena na isama sa U.S. ngunit nagkamali siya. Nanginig ang buong katawan ni Mike habang nakikinig kay Steve sinabi nitong may asawa at anak siya sa U.S na kailangang balikasn aaminin niya dawn a mahal niya si Magda ngunit buntis daw iyon na mas lalong napapantig sa mga tainga ni Mike. Hindi napigilan ni Mike ang sarili. Ang hawak niyang gitara ang nagging dahilan kung bakit niya napatay si Steve. Pinaghahampas niya iyon sa ulo ni Steve hanggang sa madurog. Dahil na nga siguro sa napaghalo-halo ng sitwasyon na ginawang pananakit simula sa kanya hanggang sa mga kaibigan niy ay hindi na siya nakagtimpi pa at kay Steve niya naibuhos yon lahat.

V.Wakas A.Kakalasan
Naging komplikado ang lahat ng bagay. Ngunit dahil sa mga nangyari doon napayapa na ang lahat. Malaya na si Ali sa mapang-abusong sina Richard at Igna, Wala ng dapat pang kagalitan o kamuhian si Magda dahil patay na ang ama ng kanyang anak. Hindi man nagging maganda ang nangyari kay Modesto natitiyak naman niya na Masaya itong umalis na naipaglaban niya ang pagkatao niya at hindi nagpa-api pang muli kay Johnson. Si William Smith ay ipinadala muling sa Amerika dahil sa mga binalak niyang gawin at naiwan dito sa Pilipinas ang kanyang pamilya. Nagpasya si Magda na mamasyal mag-isa, nag-iisip kung anong maaaring mangyari sa kanyang anak mula ngayon hanggang sa hinaharap.Gustong ipaanggal ni Steve ang bata sa kanyang sinapupunan ngunit hindi siya pumayag sa kagusuhan nito. Kung sinasabi nilang OverPopulated na ang Pilipinas , silang mga kano ang umalis at kung may mga ina man ang pinipilit iapatanggal ang kanilang anak, hindi siya papaya na maging isa doon ang anak niya

B.Katapusan
Nalaman ni Magda ang nangyari kay Mike kaya’t nagpasya siyang bisitahin itong kaagad sa kulungan at dalahan ng pagkain. Nang Makita siya ni Mike , may pagkaawa ang mukha ni Magda sa kanya ngunit mas minabuti na muna niyang sabihin ang totoong nangyari kay Steve. Sinabi niyang Homicide ang kaso ko at napatay ko ang ama niyang batabg dinadala mo . Ang tanging sagot sa kanya ni Magda ay “alam ko” pero hindi na iyon mahalaga para kay Magda. Ipinakiusap ni Mike kay Magda na bumisita sa ospital kay Ali at alagaan na din muna ang pamangkin nitong si Jeffrey habang hindi pa lubusang gumagaling si Ali. Agad naman ang pagsang-ayon ni Magda doon at sinabi pa nga nito na kung papaya si Ali ay iuuwi niya ito sa apartment nila upang mas maalagaan niya itong mabuti. Labis na natuwa si Mike sa kanyang mga narinig. Sa mga sandaling iyon , hindi na sinayang ni magda ang pagkakataon upang itanong kay Mike ang isang bagay. Mike maaari ko bang ipangalan sa iyo ang aking anak at gawin siyang Mike Taylor III ? Isang ngiti ang iginanti ni Mike sa kanya at nag wikang: Habang ibinababa rito ng mga eroplano at barko ang mga dayuhang kano, magpapatuloy ang mga Modesto at William Smith, Kung paanong magpapatuloy din ang mga babaing tulad nila Dolores at Magdalena at mga lalaking tulad nina Michael Senior at Steve, kung kaninong kasalanan mahuhugot at ianak ang mga batang gaya ni Michael Taylor , Junior. -WAKAS-

VI. Mensahe at Komentaryo
Para sa akin, maganda ang kabuuan ng kuwento at nailarawan ang mga pang-yayari noong mga panahong may base pa ang mga Amerikano sa Olongapo. Habang binabasa ko iyon, lumalawak din ang aking imahinasyon dahil sa sapat na impormasyon na naglalarawan sa mga tagpuan at tauhan. Sa umpisa, walang kabuhay-buhay ang mga pangyayari ngunit sa pagdaan pa ng ilan pang kabanata tumitindi ang bawat tagpo at nagbibigay ng mas kaabang-abang na mga pangyayari. Sa palagay ko,dapat nagwakas ang kuwento ng nalutas na ang suliranin ni Mike. Nagwakas kasi ang kuwento ng nasa kulungan si Mike at nagdadalang-tao pa lang si Magda. Mas mainam sana kung nabanggit pa kung ano ang mangyayari sa batang dindala ni Magda at kung paano magkakaroon nanamang muli ng panibagong mukha ng Michael Taylor na iniwan ng kano nilang ama. Hinango ang kuwentong ito batay sa kung ano talaga ang nangyari sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikanong naghahati sa Pilipinas. Nailantad ang mga pang-aapi ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Matatawag na din itong diskriminasyon. May magandang layunin ang kuwentong ito. At isa ako sa mga napahanga ni LUALHATI BAUTISTA dahil sa pagkakalikha ng nobelang ito. 

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful