You are on page 1of 49

Title: FOR THE LOVE OF JEREMIAH Author: Sonia Francesca For: PHR Collections CHAPTER 1 NAPAILING NA LANG si Janeth

habang pinagmamasdan ang performance ng Sentinel band. Maraming bisita ang dumalo para sa celebration ng mga natanggap na paranga l ng banda sa katatapos lang na national music awards. Isinabay na rin doon ang pagkakaroon ng international record deal ng banda. Halos lahat ng mga kilalang tao sa music and recording industry ay nasa kasiyahang iyon sa malawak na bakuran ng Minna Studios, ang rec ord label na may hawak sa naturang banda. Pero hindi lang ang mga parangal na iyon ang isini-celebrate ng mga tao roon nan g gabing iyon. Mas naging highlights pa nga yata ang naging pagpapahayag ng pag-ib ig ng mga band members sa mga babaeng bumihag sa kanilang puso. Kasama roon si Jaycob, ang bassist ng Sentinel, at dapat ay ka-date niya. Pero ang loko, hayun nga at masaya ng nag tatapat sa pagibig nito kay Myla. Kunsabagay, ayos lang iyon sa kanya. Matagal na rin niyang kilala si Jaycob. They dated before, but that s it. Walang romantic thing na nangyari sa kan ila. They really just became friends after their first date. You ll be happy now, Jaycob, sambit niya. Matagal mo ng hinihintay ang pagkakataong ito, so I really wish you happiness. As for her, well, she could find her happiness on her own. Lumingon siya sa paligid. Nandito lang iyon sa paligid-ligid, eh Ah. There you are Nawala na ng tuluyan sa Sentinel ang kanyang atensyon at nalipat sa lalaking pinamakagandang tanawin na yata sa kanyang paningin. Jeremiah Mercado. Heto pa ang isang rason kung bakit sila naging magkaibigan ni Jaycob. Jeremiah w as the Sentinel s local record producer. Nakita niya ang lalaki nang minsan siyang imbita han ni Jaycob sa band rehearsal ng mga ito sa Minna Studios. Mula nang araw na iyon, naging fa scinated na siya sa lalaking padaan-daan sa rehearsal studio para alamin ang lagay ng Sentin el. And then he would silently walked away again. Sa bawat pagkakataong iyon, lagi na lang nakad ikit dito ang atensyon niya hanggang sa mawala na uli ito sa kanyang paningin. Nahalata iyon n i Jaycob kaya lagi na siya nitong niyaya sa mga rehearsal ng banda nila at iyon din marah il ang dahilan kung bakit naging mas matibay ang pagkakaibigan nila. Thanks din, Jaycob, sambit niya habang patuloy na pinagmamasdan si Jeremiah. Nakikipag-usap ito sa ibang mga kapwa nito adik sa pagpo-produce ng musika nang maramdaman marahil nito na may nagmamasid dito. Kaya bago pa man dumating sa kan ya ang tingin nito ay ginandahan na niya ang kanyang ngiti. And when their eyes finally met, she could feel her feet as if its floating on air. Hi there, bati niya rito kahit hindi naman siya nito maririnig. Kumusta ka naman diyan? Hindi ka naman nila masyadong pinauulanan ng kung ano-anong boring na tan ong? Kapag timanad ka ng kausapin sila, nandito lang ako. Isang kindat mo lang at kuk

uwentuhan kita agad about the moon and the stars. Or the birds and the bees Mukha na siyang tanga pero ayos lang. Siya lang naman ang nakakaalam ng kagagaha n niyang iyon sa lihim niyang pagsinta kay Jeremiah kaya ayos lang. Nakita niyang napakunotnoo ito kaya ibinaling na niya sa ibang bagay ang atensyon niya at baka mahuli pa si ya sa ginagawa niya. She wasnt really like this towards a person, especially to a guy. Kay Jeremiah lang. Yes, she likes him. For the mere reason that he was really handsome and he existed in the world she lived in. Mula nang makilala niya ito ay nagkaroon na ng kakaibang kul ay ang mga araw niya. Inspirasyon yata ang tawag sa ganon. Kahit world domination pa ang ib ig sabihin ng dating ni Jeremiah sa kanya, just as long as she could see his handsome and very pleasant face, she was fine with it. Kumuha siya ng inumin mula sa waiter na dumaan sa harap niya. Matapos iyong inum in ay mahina siyang napadighay. I think I m done for tonight, sambit niya. Nasilayan na niya ang lalaki sa kanyang mga pangarap. Makakatulog na siya ng mahimbing nito. Hindi naman kasi siya abusadang tao. Konting tingin lang mula sa kanyang irog, okay na siya. Pero narinig niya ang intro ng isa sa mga paborito niyang ka nta ng Sentinel. Saglit tuloy niyang nakalimutan ang maagang pag-uwi. Swaying her head to the beat of the loud rock music, she moved towards the stage and sang with the band to he r heart s content. What do you wish for, Whose sake are you being hurt for? The dream is like a floa ting emptiness, I close my eyes Hindi na siya gaanong nakapunta sa pinakaharap ng stage para mas maganda sana an g jamming session niya with the Sentinel kasama ng iba pang hibang din sa mga ito at sa magandang-magandang rock music. In this sea where the saffron blooms, The sandstorm becomes a mountain, Far endle ss than even a desert, I wander through time Nakita niya sa kanyang tabi ang ngayon ay kasintahan na ni Jaycob na si Myla kas ama nina Sassa at Julie, ang kasintahan ng vocalist na si Tommy at ng lead guitarist na si Lancer. Hey, I hope you re not mad at me, wika niya kay Myla. Jaycob and I were really just friends. Yung pagtataray ko sa iyo kanina sa powder room nang magkita tayo, drama ko lang iyon. Para magkaroon kayo ng starting point ni Jaycob sa pagkakasundo ninyo. Its okay, magiliw na sagot ng babae. No harm done. Pero kung hindi kami nagkasundo ngayon ni Jaycob, baka inabangan na kita sa labas. Tumawa lang ito sak a siya ipinakilala sa mga kasama nito. This is Janeth, ang babaeng muntik ko ng i-flush sa toilet kanina sa sobrang selos. Ah, so you re the other woman, napapangiting wika ni Sassa nang abutin ang kanyang kamay. Nice to meet you.

Nagpapanggap, pagtatama niya nang tanggapin ang kamay nito. Nagpapanggap na the other woman . Nakipagkamay din sa kanya si Julie. Mabuti na lang at hindi ka naging the extra woman ni Lancer ko. Kung hindi, binitay na kita ng cable wire. Nakitawa lang siya sa mga ito pero sa loob-loob niya, mabuti na nga lang talaga na mabait pa rin sa kanya ang Diyos at ibang lalaki ang kanyang natipuhan. Don t worry, party people. Your men are safe with me. May gusto akong iba. Actually , pakalat-kalat lang siya rito. Kilala namin? Yep. Really. Who is he? Jeremiah. My cousin? Napalingon siya sa nagtanong. It was Hellene, the band s Hitler-like manager. Dala na yata ng nainom niyang alak kaya medyo nilayasan na siya ng kapiranggot na hiya s a kanyang katawan. Hinarap pa kasi niya si Hellene. Hello, Hellene. Hello, Janeth. Mataman siya nitong pinagmasdan. Hinayaan lang niya ito. Kahit paano ay magkakil ala na sila nito dahil nga sa ilang beses na rin niyang pagpunta kapag may practice ang Sentinel. Minsan kasi, kapag hindi ito abala sa pakikipag-usap sa kung sino-sinong event o rganizer at reporters ay nagkakausap na sila nito. I didn t know you had a thing for Jeremiah. Ngumiti lang siya. Hindi ba puwede? May girlfriend na iyon. As long as hindi asawa, libre akong mangarap sa kanya, hindi ba? Sumang-ayon agad ang tatlong babae. All is fair in love and war. I like you already, Janeth. Kung wala lang girlfirend si Jeremiah, mas okay kayong dalawa. Gusto ko kayong yakapin lahat dahil sa mga sinabi ninyong iyan, natatawa niyang wika. Ganyang galante kayo sa panunukso ngayong gabi, sige, tuksuhin nyo pa ako. Nakitawa sa kanya ang tatlong babae habang nakangiting napapailing na lang si He llene. Magpahinga ka na kaya muna sa room doon sa loob, Janeth? suhestiyon nito. Mukhang tinamaan ka na ng alak, eh. Ah. Medyo tipsy na nga ako. Thanks for the concern, Hellene. Pero okay pa naman ako. Alam ko kung kailan hindi ko na kaya. Tumango lang ito. But she could feel she was really a bit concern about her. Kay a ipinakita niya rito na talagang wala naman itong dapat na ipag-alala sa kanya. H umarap uli siya sa stage at naki-jamming at naki-headbang sa Sentinel. This time, kasama na niya sina Myla. The future is on those hands, You need to grab hold of the dream as you can, An undefiled sky that shakes the underground, Across the Sahara, the sun will guide you through May kung anong tila pumitik sa sintido niya at mariin siyang napapikit. Anak ng pating! Hindi nga pala siya dapat naggagagalaw ngayong tipsy na siya. Lalo tuloy siyang nahilo. Kaya pa?

Nagulat pa siya nang marinig ang boses ni Hellene sa kanyang tabi. Ah. Parang tinatawag na nga ako ng kama ko. May kumportableng sofa sa living room ng Minna. Magpahinga ka muna roon hanggang sa mawala ang pagkahilo mo bago ka umuwi. May kung sino itong nilingon. Pakihatid muna si Janeth sa loob. A, Hellene, salamat na lang. Pero Natameme siya nang makita kung sino ang pinakiusapan ni Hellene. Si Jeremiah! Pero tatanggapin ko na rin ang alok mo dahi l medyo masakit talaga ang ulo ko. Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Jeremiah. Ha? Bakit, mataray na agad ang tono ni Hellene. Hindi mo ba kayang mag-asikaso ng babaeng nahihilo? Huwag ka na kasing magreklamo, irog, wika niya sa isip. Fine. Mahahalikan niya si Hellene ng wala sa oras. AYOS LANG ba sa iyo ang lamig ng aircon? Oo. Dahan-dahan pa si Janeth nang mahiga sa malambot na sofa, for added effect sa drama niyang pagkahilo kuno. Salamat. Pasensiya ka na nga pala sa istorbo ha? Hindi ka dapat umiinom kung hindi mo naman kaya. Sige, tatandaan ko iyan. With one eye closed, she took a peek at him standing in f ront of the aircon unit while fumbling with the remote control. Ah, he s also sweet. Talagang tinantiya pa nito ang lamig na makakaya niya kahit s inabi niyang okay na ang temperatura. Hay, kung alam lang niyang ganito ka-sweet ang l alaking ito, dapat ay noon pa siya nagpanggap na lasing. Will you be okay here? tanong nito nang muling bumaling sa kanya. Ahm, I think so. Salamat. Tumango-tango ito saka naglakad na palabas ng silid na iyon. Palihim niya itong hinabol ng tingin. Nice physique, nice height, nice broad shoulders, very nice butt. Siy a man ay tumango-tango na rin habang pinagsasawa ang kanyang mga mata sa kabuuan nito. Na ng tuluyang sumara ang pinto ay nakaplaster na ang ngiti sa kanyang mga labi. And very nice talking to you too, Jeremiah. Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti nang tuluyan niyang ibagsak ang katawan sa sofa at maramdaman ang tila pagpitik na naman sa kanyang sintido. Mukhang matutu luyan siyang magka-headache ngayon, ah. Aw Pinakiramdaman niya ang sarili. Nang kahit paano ay umayos ang nararamdaman niya ay naghanda na siyang umalis. Sa bahay na lang niya siya magpa pahinga nang husto. Tatakas na lang siya palabas ng Minna Studios at nang wala ng magtanong pa sa ka nya. Pero laking gulat niya nang sa pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang palabas n aman sa isa pang silid si Jeremiah. Mabilis siyang nag-dive pabalik sa sofa. Aw Hindi na niya napigilan ang mapahikbi sa kirot ng kanyang sintido dahil na rin sa kagagahan niya. May pa-dive-dive ka pa kasing nalalaman. That hurt, huh. Naramdaman niya ang pagdampi ng masuyong kamay sa kanyang noo. Uminom ka muna ng gamot. Para kahit paano mabawasan ang sakit ng ulo mo. And the next thing she knew, she was being helped got up by none other than the most handsome creature in her eyes. Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa naka

bukas niyang palad ang isang aspirin saka iniabot ang isang baso ng tubig. Iyon pala ang kinu ha nito nang umalis ito sandali. Inumin mo na iyan. Turo nito sa gamot. It will make you feel a little better. Makakatulog ka na ng maayos pagkatapos. Hindi agad siya makakilos dahil sa nararamadamang kalabog sa kanyang dibdib. He was really really nice! And she could actually feel the genuine goodness of his hear t as she continued watching his handsome face. Sa gilid ng center table ito nakaupo haban g nakaharap sa kanya kaya naman kitang-kita niya ang lahat ng anggulo ng mukha nito. Handsome face plus great attitude. Darn. She s doomed. What s your name again? Janeth. Well, Janeth, you can take that aspirin now. Ha? He touched her hand that was holding the tablet and urged it upward. Saka lang n iya nagets ang gusto nitong mangyari. Mabilis niyang nilunok ang gamot. Na bumara yata sa lalamunan niya kaya kinuha agad niya rito ang baso ng tubig at uminom hanggang s a maubos iyon. Pagkatapos ay pinakiramdaman niya ang sariling lalamunan. Ayos na. Ibinalik niya rito ang baso. Salamat Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang nakakatawa dahil napakaganda na ng ng iti nito sa kanya ngayon. Nice to meet you, Janeth. He brushed the side of her mouth with his thumb. I m Jeremiah. I m single ay mali. I m Janeth pala. I know. You just told me. Ah Kumilos ito at may kung anong hinugot sa ilalim ng mesita. Voila! Throw pillow! Inilagay nito iyon sa bandang ulunan niya. Take a rest now, Janeth. Kapag maayos na ang pakiramdam mo paggising mo, ipahahatid na kita agad sa isa sa mga drivers namin dito. Thank you. You re welcome. Iminuwestra nito ang instant unan niya. Sleep. Rest. Wala na. Lusaw na ang puso niyang hilo. I Jeremiah, what s taking you so long? Mula sa pinto ay umepal ang isang bruha. I think she s fine now. Let s not waste the rest of the night with someone who couldn t stay away from liquors. And like any good boyfriend, Jeremiah followed the woman s command. Bad trip. Rest well, Janeth, wika pa nito sa kanya. Huwag ka masyadong gumalaw para hindi ka gaanong mahilo. Oo, salamat. He smiled at her before walking towards the woman who gave her a daggering look. Pinandilatan lang din niya ito. Takutin mong lelong mo. Pero marunong itong gumanti dahil agad nitong ipinulupot sa katawan ni Jeremiah ang mga braso nito. Siyempre, talo siya. Malungkot tuloy siya nang mahiga ng muli sa sofa. Somehow, hindi siya nagbibiro sa nararamdaman niya ngayon. Malungkot talaga siya. CHAPTER 2 NAPAKURAP-KURAP PA si Janeth habang sinasanay ang kanyang mga mata sa liwanag. Nang tuluyang mahimasmasan ay napatitig siya sa kisame. Parang hindi na

man iyon ang kulay ng kisame sa kuwarto niya Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Hindi siya nakauwi ng bahay niya dahil doon na siya sa Minna Studios nakatulog magdamag! Nagmamadali niyang tinanggal ang nakabalot na kumot sa kanya nang maha gip ng tingin niya si Jeremiah. Nakaupo ito sa isa sa mga loveseat doon. Tulog. Habang pinagmamasdan ito ay unti-unti ring nakakalma ang sistema niya. Kahit kasi natut ulog, napakaganda pa rin nitong pagmasdan. Wala na ang suot nitong black denim jacket kagabi at naka-t-shirt na lang ito ng puti at slacks ngayon. He had his arms crossed over his broad chest and still looked like a sleeping prince. Bakit dito siya natutulog Napangisi siya nang ma-realize na kung doon natulog si Jeremiah, ang ibig sabihin ay hindi ito na-harass ng girlfriend nito. Kapag sinus uwerte ka nga naman, ano, Jeremiah? Nakawala ka sa galamay ng nilalang na iyon. Tumayo siya upang maghanda na sa pag-alis nang maramdaman niyang bumagsak sa sahig ang kumot niya. Na ngayon lang niya napansin na jacket pala nito. She pick ed it up and hugged it against her chest as she watched Jeremiah in the most endearing way. N gayon lang kasi siya nakaramdam ng ganitong klase ng pag-aasikaso mula sa isang lalaki. At sa isang lalaki pa na hindi naman niya kamag-anak o kasintahan. Wala pa siyang nagiging boyfrien d kaya hindi niya alam kung paano mag-alaga ang isang boyfriend. Pero ang alam niya, la hat ng babae ay dapat inaalagaan, gaya ng ginawang pag-aalaga sa kanya ni Jeremiah. Na talaga ng binantayan pa siya kahit hindi na kailangan. Really sweet. Napabuntunghininga na lang siya. My Jeremiah She bit her lower lip as she walked towards him. Humulas na yata ang lahat ng kasamaan sa katawan niya nang pagmasdan ito ng ganon kalapit. She gave out anoth er sigh. Parang gusto niyang haplusin ang napakapayapa at napakaguwapo nitong mukha nang mga sandaling iyon, para lang masigurong totoo ang kanyang nakikita. Kaya lang nag-a alala siyagn baka magising ito. Alam pa naman niyang pagod ito dahil sa event kagabi. Kaya ma ingat na lang niyang inilapat sa katawan nito ang jacket na ipinahiram sa kanya. Aalagaan din kita, Jeremiah, bulong niya. Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon. Salamat sa lahat. With one last endearing look, she walked towards the door. Pero hindi pa rin siy a nakatiis na hindi ito tingnan ng tingnan kaya hindi na niya napansin ang naka-di splay na vase sa gilid ng pinto. Nasagi niya iyon at huli na para masalo niya. Daig pa niya ang n akarinig ng pagsabog ng atomic bomb sa ingay na hatid ng pagkabasag niyon. Mabilis niyang ni lingon ang kinaroroonan ni Jeremiah. Thank God hindi pa rin ito nagigising man lang Good morning to you too, Janeth. Sa gulat ay napaurong siya sa pinto. Hindi na niya alam kung anong klaseng ngiti ang ibibigay niya kay Jeremiah na nagising na sa ingay. Ahm, s-sorry about the vase Sinulyapan niya ang mga piraso ng pobreng vase na

natapakan pa niya ngayon. E babayaran ko na lang kung magkano man ang presyo ng pagkakabili mo nito. Pasensiya na Nakita niyang tahimik na tumayo na si Jeremiah at lumapit sa kanya. Nagalit na y ata ito nang tuluyan dahil wala man lang siyang makitang anomang reaksyon sa mukha nito. Nakatayo na ito sa harap niya ngayon. Nang tingnan nito ang durog-durog na vase ay parang gusto niyang maiyak. I m really, really sorry Are you hurt? Ha? Imbes na sumagot ay hinawakan lang siya nito sa braso at hinila palayo sa nabasa g na vase. Did you hurt yourself? I m I m fine. Tumango-tango lang ito pagkatapos ay sinulyapan ang relong pambisig. Dito ka lang . Titingnan ko kung may janitor ng dumating para malinis na ang mga iyan. Baka mab ubog pa tayo sa mga iyan. Ah, Jeremiah. Hindi ka ba nagagalit? Alam mo, okay lang na magalit ka, eh. Sabihin mo lang kung magkano at babayaran ko agad. Two point five million. Bagsak ang panga niya sa presyo. Sinong sira ulo ang gumagawa ng vase na ganun a ng halaga? Janeth, untag nito. Nakangiti na ito ngayon, ang unang reaksyon na nakita niya rit o. I m just kidding. Relax. Breathe. Hmm? Tinapik nito ang braso niya saka lumabas ng silid. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Nagbibiro lang pala ito. Pero ang puso niya, mukhang seryoso na talagan g magpakabaliw sa binata. Bumalik siya sa sofa para kalmahin ang sarili. Dumadagun dong na kasi ang tibok ng kanyang puso. Batid niyang gusto talaga niya ang binata. Nguni t normal ba na maging ganito katindi ang pakiramdam niya? Parang nakakatakot. Dinampot niya ang jacket nito na naiwan sa pinagtulungan nito. Napangiti siya. M aingat niya iyong itinupi saka inamoy-amoy at idinampi-dampi sa kanyang pisngi. The hec k with her fear! She likes him. Period. Hay Jeremiah Biglang bumukas ang pinto. Huling-huli siya ni Jeremiah sa ginagawa niyang panghahalay sa jacket nito. May nakita ka ng janitor? Kaya pasimple na lang niya iyong ibinalik sa upuan saka ngumiti rito. Dead-ma na lang. Dumating na si Mang Ambo. Magkape ka muna. Iniabot nito ang isang mug ng umuusok na kape. Mukhang wala naman itong kakaiban g napansin sa ginawi niya. Thank God. Salamat. Nagpakuha na rin ako ng breakfast mo. Hintayin mo na lang. Hindi ka na dapat nag-abala. Nakakahiya naman sa iyo. Bisita ka ng pinsan ko at ng sira ulong si Jaycob. Natural lang na asikasuhin kit a dahil pinabayaan ka nila.

Kung ganon, ipinaubaya na siya ng tuluyan ni Hellene kay Jeremiah. Talagang mahahalikan niya ang babaeng iyon. Salamat. Wala iyan. Lumapit ito sa loveseat na pinagtulugan nito, dinampot ang jacket na ba sta na lang niya itinapon, saka naupo roon. Kulang na lang ay korona, talagang prins ipe na ang dating nito. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Oo. Nakatulog kasi ako ng maayos. Salamat. Ahm, yung vase Don t worry about it. Katie wanted to throw it away, anyway. Mabuti nga iyan at nan g wala ng pakalat-kalat dito. May dahilan na ako para hindi na maistorbo ng vase n a iyan. His answer was a sheepish grin and a sexy wink. Pakiramdam niya ay lumundag ang puso niya. Sira ulong lalaki. Walang patawad kung mang-akit. E Bahagya pa siyang tumikhim at agad nag-isip ng ibang topic ara wala itong mahalata na malapit na siyang atakihin sa puso sa sobrang lakas ng tibok niyon n gayon. Katie? Yung girlfriend mo? Katie s not my girlfriend. Oye! Hindi ba? Akala ko Hindi talaga? Nakangiti ito nang marahang umiling. No. Itinago na lang niya ang hindi mapigilang ngiti sa paghigop ng kanyang kape at b aka kung ano pa ang isipin nito, mabuking pa siya ng wala sa oras. Salamat talaga sa pag-aasikaso mo sa akin dito, Jeremiah. Makakabawi rin ako sa i yo balang araw. Hindi naman ako naniningil. Kaya nga malapit na yata talaga siyang ma-inlove dito, eh. Tsk! Hay, sana dumami pa ang lahi mo sa mundo, ano? Kinukulang na kasi tayo ng mga tulad mong may mabubut ing puso. Don t patronize me too much, Janeth. Baka masanay ako. You deserve it anyway. Nakakatuwa. Hindi pa siya nasisiraan ng bait sa kabila ng sobrang kasiyahang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ikaw, Jeremiah, nak atulog ka ba ng maayos diyan? Sanay na akong makatulog dito. Usually kasi dito na rin ako talaga natutulog kapa g natatambakan ng trabaho. Pero dapat yata e dito ka sa sofa natulog, hindi ba? Inilapag niya ang tasa ng kap e sa mesita. Nakakahiya naman sa iyo. Inagawan pa kita ng puwesto. Dont worry about it. Sabi ko nga sa iyo, sanay na ako. Kapag inantok ako, kahit s aan makakatulog ako. Masa ka pala, ano? Masa? Masandal lang, tulog na. Ang corneeeh! She grinned and stuck out her tongue. Biro lang. He just matched her grin. Kyuuuut! Nag-ingay na ang cellphone nito. Sumenyas itong sasagutin lang iyon sandali saka tumayo at lumapit sa tabi ng bintanang salamin. Nakatagilid ito sa kanya kaya na kikita pa rin niya ang guwapo nitong mukha. Darn. She just couldn t get enough of that face. Of that man. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang tulad nito? Mabait na,

guwapo pa. Hindi rin matawaran ang ka-sweet-an at pagiging gentleman nito. Ang s uwerte ng magiging girlfriend nito! Puwede kayang siya na lang? Yeah, right, wika niya sa sarili. Ang mga tulad niyan, para lang sa mga matitino. Maganda ka lang, Janeth. Kaya makuntento ka na lang sa pagsilay sa nilalang na i yan. Hindi yata maganda ang pakiramdam niya sa sinabing iyon. Parang nalulungkot siya na nade-depress. Dahil ang tanging lalaking nakapagpabuhay sa hasang niya e hindi p a puwede sa kanya. Tsk! Sino ba kasi ang nagpauso ng kasabihang ang mga lalaking matitino na tulad nito ay hindi puwede sa mga magaganda at sexy na tulad niya? Ewan, sambit na lang niya. Mabait si Jeremiah. Hindi na dapat idinadamay sa kaabnormalan ko sa buhay. Pero kasi kaya lang kasi hay Napansin niya ang pag-ilaw ng sarili niyang cellphone. Inilagay niya iyon sa sil ent mode kagabi para hindi maistorbo sana ang kanyang pag-idlip. Hello Nailayo niya sa kanyang tenga ng wala sa oras ang cellphone niya nagn marinig ang boses ng ama sa kabilang linya. Pambihira kang bata ka! Nasaan ka na, ha? Alam mo bang sobrang nag-alala kami ng Mama mo sa paghahanap sa iyo? Ni hindi ka man lang tumawag para ipaalam kung ano na ang nangyari sa iyo! Pa, relax. Okay lang ako. Sorry kung hindi ako nakatawag sa inyo. Ngayon lang kas i ako nagising At saan ka naman natulog, ha? Huwag kang magsisinungaling, bata ka. Kagagaling lang namin sa condo mo at narito kami ngayon sa opisina mo. Pa, naman. Ang tanda ko na. Kailangan pa bang sinasabi ko ang lahat sa inyo? Natural! Magulang mo kami. Nag-aalala rin kami sa iyo kahit nasa tamang edad ka n a. Agad naman siyang nakunsensiya. Sorry na po. Nakainom kasi ako ng konti kagabi at dito na ako inabutan ng antok sa Minna Studios kaya dito na ako pinatulog ni Jer emiah. Sinong Jeremiah iyan? At bakit kailangang diyan ka pa sa lugar niya natulog? Baki t hindi ka na lang niya inihatid dito sa condo mo o dito sa bahay? Hay naku, sumasakit talaga ang ulo niya sa tatay niyang ito. Minsan tuloy, gusot niyang tanungin ang Diyos kung bakit binigyan siya Nito ng mga magulang na masyadong konserbatibo. Problem? It was Jeremiah. Nakabalik na pala ito. A, wala ito Hello, Janeth. Iyan ba ang Jeremiah na naririnig ko, ha? Ibigay mo sa kanya ang cellphone at kakausapin ko siya ng masinsinan. Pa, mamaya na ako magpapaliwanag pag-uwi ko. Ha? Bye. Love you. Hindi na niya narinig pa ang huling mga sinabi ng ama dahil ini-off na niya ang cellphone saka binalingan si Jeremiah. Tatay ko. Hinahanap na ako kaya kailangan ko ng umalis. Mag-breakfast ka muna. Hindi na. Doon na lang ako sa bahay kakain. Kailangan ko na kasi talagang umalis. Salamat na lang. Sige, Jeremiah. Salamat uli, ha? Sana hindi ka magsawang tumulo ng sa mga nalalasing. I won t, nakangiti pa nitong pangako. Don t worry. May sasakyan ka ba? Kung gusto mo Hindi. Huwag ka ng mag-abala. Tama na ang mga tulong na naibigay mo sa akin.

Lakad-takbo na siya sa pinto. Muli na naman niyang narinig ang pagkadurog ng mga piraso ng nabasag na vase. Alanganing ngiti ang ibinigay niya kay Jeremiah nang lingunin i to. E sorry uli dito, ha? Tumango lang ito. Mag-iingat ka Too late for the warning. Bumukas na ang pinto at tumama sa noo niya iyon. Aw Naku, sorry, Ma m! paumanhin agad ng janitor na kadarating lang. Hindi ko ho alam na may tao pala rito. Okay lang. Tinakpan niya ng kamay ang kanyang noo. Pakiramdam kasi niya ay tutubuan na siya ng bukol anomang oras. Okay lang. Janeth Really, I m okay, Jeremiah. Dont worry. Pero masakit talaga, peste! Itinaas lang niy a ang isang kamay kay Jeremiah. I m fine. No problem. Magpapakuha ako ng cold compress No need. Hinarap na niya ito at ngumiti bilang assurance na ayos lang talaga siya. Kahit ang totoo ay naiiyak na siya sa sakit. Ayos lang talaga ako. Sige, kailanga n ko na talagang umalis. Bye. Mag-iingat ka. Yep. She stepped out of the room and closed the door behind her. Muli niyang inila pat sa kanyang noo ang palad niya habang naglalakad. Aray Janeth. Mabilis niyang inalis ang kamay sa kanyang noo nang marinig ang boses ni Jeremia h. Sumunod pala ito sa kanya. I m really fine You forgot your bag. Hawak na nito ang bag niya. Mukhang okupado masyado ang isip mo, ah. Medyo nga. Kinuha na niya ang bag saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nang bigla siyang mapahinto at nilingon ang binata. Ahm, saan ang daan palabas? He just smiled, walked towards her, took her bag from her and motioned her towar ds the right exit. After you, miss. Flipping her hair slightly, she walked ahead of him with her ego bloated all ove r. She had never appreciated being a woman as much as she did now that Jeremiah was at her side, treating her like a queen. CHAPTER 3 KUMUSTA? Nakangiting mukha nina Julie at Myla ang nabungaran ni Janeth nang mag-angat siy a ng tingin mula sa kanyang computer. Uy, kumusta din? nakangiti niyang bati nang iwan na ang computer at lumabas sa likod ng counter upang kausapin ang mga ito. Paano kayong naligaw dito? Break time namin at naghahanap kami ng makakainan nang makarating kami rito, kuwento ni Julie. Sa iyo pala itong Angel s Caterings? Oo. Saan kayo nagtatrabaho? Diyan sa Northwind Tower, sagot ni Myla. Ngayon lang kami gumala para maghanap ng makakainan dahil nagsasawa na kami sa mga fastfoods doon sa loob. Tum ingintingin ito sa kabuuan ng restaurant niya. Nagsi-serve ba kayo sa walk-in customers? Oo naman. Kapag wala kaming ikini-cater na event, restaurant ang drama nitong lug ar namin. Tinawag niya ang isa sa mga waiter at nagpakuha ng menu. Um-order na lang k ayo.

Sagot ko na iyan. Talaga? Wow, salamat! Ibibida namin kay Jeremiah ang kabaitan mo kapag nagkita kami. Ay, gusto pa ninyo ng miryenda? alok niya sa mga ito. Libre din. Kahit hanggang dinner. O kung gusto ninyo, dito na kayo tumira. Pagkain lang ang habol namin, natatawang wika ni Julie. Hindi kami tatanggi sa libre! segunda ni Myla. Iba talaga ang nagagawa ni Jeremiah sa mga babae, ano, Janeth? Kasi magaganda tayo, pakikisakay na lang niya sa biro ng mga ito. Speaking of Jeremiah, ahm, nakita nyo ba siya? Kumusta na siya? Uuuy! Iba na iyan, ha? tukso ni Julie. Pa-share ng tsika. Ano na ang nangyari sa in yo noong nakaraang gabi? Balita ko, magkasama kayo magdamag ni Jeremiah, ah. Huwaaat?! eksaheradong bulalas ni Myla sabay ngisi. Saang parte ng langit kayo nakarating ni Jeremiah, ha? Hanggang sofa. Muntik na siyang mapahalakhak nang makita ang tila na-freeze na reaksyon ng mga ito. Walang nangyari. Ay, walang kuwenta, wika ni Julie. Mabuting tao si Jeremiah, pagtatanggol naman niya agad. Ay, walang kuwento, si Myla naman. Iiling-iling itong napalatak. Ang hina naman pala ng manok namin. Inalayan na ng palay, hindi pa tinuka. Bakla yata iyon, eh. Isang milyon ang presyo ng mga in-order ninyo. Joke! sabay ngisi ng dalawa at peace-sign. Si Myla ang unang kumabig. Kunsabagay, may katinuan nga si Jeremiah kaysa sa ibang lalaking pagala-gala sa earth. Noong ginawa akong utusan ni Jaycob bago naging kami, si Jeremiah ang mabait na kumausap sa a kin kaya nga hindi ko nagilitan ng leeg ang Jaycob na iyon, eh. Tapos noong party para sa Sentinel, siya ang nag-accommodate sa akin. Wala akong maiko-contribute na kuwento dahil hindi kami gaanong nakapag-usap noon ni Jeremiah, wika ni Julie. Pero nang makilala ko siya pagkatapos maging offi cial ang relasyon namin ni Lancer, I think he s a good man. Yeah tila nahihibang niyang sang-ayon. He s very sweet and a true-blue gentleman. Walang kiyeme kapag tumutulong. With matching smile and everything Napabuntunghininga na lang siya. I miss him Wala, malala na talaga ang isang ito, sambit ni Myla. Kumain na lang tayo. Janeth, matanong ko lang. Mataman siyang tiningnan ni Julie. May gusto ka ba kay Jeremiah? Naman. Tinatanong pa ba iyan? si Myla uli. Hayan at parang Christmas lights na nga ang mga mata mula nang pag-usapan natin si Jeremiah. O, sige. Let me change the question. Janeth, are you inlove with Jeremiah? Napangiti na lang siya. I find Jeremiah sweet and nice. Gusto ko siya, oo. Sino n ga bang babae ang hindi magkakagusto sa isang iyon? Wala kang maipipintas na kahit na ano. But no, I don t think I m inlove with him. I like this feeling, though. Ang sarap lumand i kung siya ang lalandiin ko. Binuntutan pa niya iyon ng tawa. Totoo naman. Gusto niya ang nararamdaman kapag tungkol sa binata ang pinag-uusapan o kung nakakasama niya ito at nakikita. Sa n gayon, wala siyang balak pakawalan ang nararamdamang iyon dahil doon lang nagkakakulay ang w alang lasa niyang buhay single. Kunsabagay, may tama ka rin diyan, kapatid, wika ni Myla na nagsandok na ng pagkain sa plato nito. Not because you like a guy doesnt necessarilly means you re inlove with him.

Wow. English yun ah! kantiyaw ni Julie sabay kurot sa kaibigan. Pa-experience! Go ahead. And make my day. Natatawa na lang siya sa usapan ng mga ito. Masaya siya na naging kaibigan din n iya ang mga ito kahit na nga hindi na kailangan. Wala naman kasi siya talagang kinal aman sa grupo ng mga ito at ng Sentinel bukod sa pagiging former props ni Jaycob. Still, they accepted her. Dahil doon ay nagkaroon din siya ng kaunting insight sa kung ano ang tunay na na gmamahal. Na-curious tuloy siya. Puwedeng magtanong? Paano ninyong nalamang inlove na kayo dun sa mga boyfriend ninyo? Noong nagselos na ako, sagot ng dalawa. Saglit siyang natigilan. Nakaramdam siya ng pagbigat ng kanyang dibdib nang maki ta niyang yakapin ni Katie si Jeremiah doon sa party sa Minna Studios. Pero selos na bang matatawag iyon? Parang hindi naman. Parang dala lang iyon ng nainom niya kaya ku ng ano-ano na lang ang nararamdaman niya nang gabing iyon. Huwag mo na masyadong pag-isipan ang tungkol sa love-love na iyan, wika ni Myla. Malalaman mo ring nagmamahal ka sa sarili mong paraan, kahit hindi ka magtanong. Tama, segunda ni Julie. Nararamdaman kasi iyon. Hindi pinag-iisipan. Parang dapat yata ay hindi na siya nagtanong pa. Heto at tila may kung anong nangungulit tuloy sa sistema niya tungkol kay Jeremiah. Oh, well. Janeth, ikaw ba ang nagluto ng mga ito? turo ni Myla sa mga putahe sa mesa. Grabe, ang sarap. Nakakawala ng ulirat. Oo nga, Janeth. Pang-level one lang ang kakayahan ko sa pagluluto. Pero ikaw, mukhang isa ka ng Iron Chef. Thanks. Pakisabi na rin iyan kay Jeremiah kapag nagkita kayo. Walang hiya talaga siya kahit kailan. Para madagdagan ang pogi-points ko sa kanya. Pero nag-thumbs up lang ang mga ito sa kanya. As long as she like the way she fe lt, mas tama nga sigurong sundin niya ang payo ng dalawang ito. Na huwag na lang pag-isi pan ang mga bagay na dapat ay nararamdaman lang. Mayamaya ay pumailanlang na ang musika ng Sentinel sa kabuuan ng lugar na iyon. Sabay-sabay silang tatlo na naglabas ng cellphone. Natawa pa sila nang ma-realiz e na parepareho pala sila ng ringtone. Mga nagmamahal nga tayo sa Sentinel, sambit ni Julie na saka sinagot ang nag-iinga y na cellphone. O, Lancer, bakit?...oo, kasama ko si Myla pupunta kami riyan? E hindi ba t nagsu-shoot kayo ng bago ninyong music video?...makakaistorbo lang kami aruuuu! Oo na, oo na. Huwag ka ng mambola sige, pupunta na kami diyan mamaya pagkatapos ng trabah o namin okay, bye love you, too ah, wait! Kasama nyo ba si Jeremiah diyan?...wala, masama bang magtanong?...huwag ka ng magselos, may nagpapabati lang kasi sa kany a si Janeth okay, i ll tell her bye, ingat ka rin i ll see you later. Agad nakatanggap ng sangkaterbang panunukso si Julie kay Myla. Na buong puso naman nitong tinanggap. No wonder nakasundo ko ang mga ito. Gusto mong sumama? tanong ni Julie nang makawala sa galamay ng panunukso ni Myla. Saan? Doon sa venue kung saan ginagawa ang bagong music video ng Sentinel. Nami-miss

daw ako ni Lancer ko kaya pinapapunta niya ako roon, kasama itong si Myla. Gusto rin daw makita ni Jaycob ang luka-lukang ito, eh. Ano naman ang gagawin ko dun? Maiinggit lang ako sa inyo. Nandoon daw si Jeremiah. Anong oras ang alis natin? Parang mga pusang gala na nakakita ng isda ang dalawa nang sabay na mapangisi. Ngumisi na rin siya. Teka, ano nga pala ang ginagawa ni Jeremiah roon? Hindi ba t record producer lang siya ng Sentinel? Ang alam ko nagpupunta talaga siya minsan sa mga shooting ng music videos ng banda, sagot ni Myla. Siya rin kasi ang nag-a-approve kung okay ng ilabas sa marke t ang mga music videos. I see. How nice. May personal touch pala ng irog ko ang lahat ng music videos ng Sentinel. Kaya naman pala laging super hit ang mga videos nila kapag inilabas na sa market. May bigla siyang naalala. Ano nga pala ang idadahilan ko kapag nagtanong siya kun g ano ang ginagawa ko roon? Sabihin mo sa ngalan ng pag-ibig. Puwede ba iyon? May iba ka pa bang naiisip na magandang palusot? Saglit siyang nag-isip. Tumango-tango siya nang may pumasok na magandang ideya s a utak niya. Diyan na muna kayo. Nagtungo na siya sa kusina. Gagawa lang ako ng palusot. SA PARKING LOT ng isang luma at abandonadong gusali nakarating sina Janeth, Myla at Julie.Doon daw kasi ang venue ng bagong music video ng Sentinel. Medyo liblib na rin ang lugar kaya siguro wala gaanong tao na nag-uusisa sa mga nangyayari. Kunsabagay, kahit kailan naman ay hindi gumawa ng music video ang Sentinel na normal na makikita sa ibang music video. Iyon nga ang unang nakapang-akit sa mga fans ngayon ng naturang banda. You re here. Sinalubong sila ni Sassa. Good. Akala ko, ako lang ang ipinatawag ni Tommy. Ipinasundo rin pala kayo ng mga boylet ninyo. Nilingon siya nito. O, Janeth , ano iyang dala mo? Itinaas niya ang hawak na tupperware. Palusot. Manliligaw siya kay Jeremiah, pabulong pang imporma rito ni Myla. Meron din kami. Nakangising itinaas din nina Julie at Myla ang mga tupperware na may lamang miryenda. Naisip niyang hindi lang siya ang magdadala ng props para hindi gaanon g mahalata ang pakay niya kay Jeremiah. Kaya pati sina Myla at Julie ay pinagdala niya ng pa lusot na ibibigay sa kasintahan ng mga ito. Iba na talaga ang gifted. Janeth, you have my support, wika ni Sassa. Pahingi rin ako ng props. Binigyan na rin ito ni Myla ng isang tupperware ng miryenda. Sabay-sabay na sila ng humarap sa entrance ng lumang gusali kung saan nagmumula ang isang nakaka-indak na rock music. At kung saan naghihintay ang kani-kanilang mga irog. Ready? tanong niya. Ready! pausong sabayang sagot ng mga ito. Hindi na niya mapigilang mapangiti habang naglalakad patungong venue. She was re ally excited to see Jeremiah. Hay naku, todo na talaga to!

Habang papasok sa venue ay palakas ng palakas ang musika. Hindi na nga niya mapigilang igalaw ang kanyang ulo sa saliw ng trademark music ng Sentinel. Lalo na ang diehard fan talaga ng banda na sina Myla at Sassa. They were even singing the song with the band at the top of their lungs. Kaya tuloy pati sila ni Julie at nakigaya na rin. Rock on! Whey they got to the shooting venue, napatanga na lang silang apat nang makita a ng buhay na buhay na pagtugtog ng Sentinel. The pale lights that was flickering to add effect to the rocking music was just amazing. Pero ang pinaka-the best talagang parte ng music video na iyon ay ang mga miyembro ng banda mismo. Lunod na lunod ang mga ito sa kanilang musika na kung titingnan ay parang hindi totoo. They weren t just a rock band. They were a piece of a beautiful art. No wonder nakatanga na lang ang lahat ng crew na kasama sa produc tion, habang kanya-kanya ng pagpapakita ng total appreciation sa musika at sa Sentinel mismo. Parang gusto niyang maiyak nang sa wakas ay matapos ang tugtog. Everyone was silent, as if af raid to break the lasting effect of the music. Napakislot pa nga sila nang biglang nag-ingay si Raijin sa likod ng drumset nito . We wish you, a Merry Christmas! buong lakas at wala sa tono nitong kanta. We wish you, yeah!A Merry Happy! Yo! We wish yeah Tumama ang isang tila nilamukos na papel sa mukha ng drummer na tinawanan lang nito. Hellene, my labs! Doon lang ang tila natauhan ang mga tao roon dahil nagtawanan na rin ang mga ito . Sira ulo talaga. Napatingin sila sa nagsalita sa kanilang tabi. Si Hellene pala iyon. Kaya hindi na rin nakakapagtaka nang basta na lang iwan ng mga kabanda nito ang kani-kanilang puwe sto para lapitan ang mga kasintahan ng mga ito. At dahil siya lang ang nag-iisang walang boyfriend, instant OP ang drama niya. As in out-of-place. Mga luka-lukang to. Iwan daw ba ako sa ere? Hindi niya alam kung saan babaling kasama ng kanyang pobreng palusot . Left out? Jeremiah was at her side. Jeremiah! Ganon na lang ang lukso ng kanyang puso pagkakita sa lalaking nakatayo na sa kanyang tabi at nakangiti sa kanya. E Napangiti na lang din siya sabay alay ng hawak na tupperware dito. Gusto mo? Ano ba iyan? Palusot, also known as lemon tarts. Pinuwersa niya ang sarili na kumalma dahil kun g hindi ay matutuluyan na siyang masiraan ng bait sa mga pinagsasasabi niya. Napada mi ang gawa ko kaya naisip kong magdala rito para sa iyo. Sa inyo pala. Sina Myla, may dala rin Nilingon niya ang mga kasama niya. Napangiti na lang siya nang makitang abala na ang mga ito ngayon na kumakain kasama ng kani-kanilang mahal. Grabe, hindi man lang nagparamdam ang mga ito, sambit niya. Even so, the couples looked cute. Binalingan niya si Jeremiah nang maramdaman niyang dumampi ang mainit nitong

kamay sa kamay niyang nakahawak sa tupperware upang alalayan siya sa pagbubukas niyon. He picked up one lemon tart and ate it. Hmm. Halos hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Dahil lang sa hawak nito ang kanyang kamay. Well, not really hawak . But then ah, basta! Hawak nito ang kamay niya ! Period! Pinagmasdan na lamang niya ito habang kumakain. At hindi niya akalaing p osible palang makapag-describe ng isang taong magandang panoorin kapag kumakain. He eve n licked the tip of his fingers after finishing the treat. Then he turned to her again. And picked another piece. Pahingi pa, ha? Her heart sang. Para sa iyo lahat ito. Kunin mo na. Talaga? Inisahang subo nito ang hawak na lemon tart saka tinanggap ang tupperware. Wala ng bawian ito, ha? Mapapanis iyan kapag binawi ko. Ikaw ba ang gumawa nito? Isang piraso na naman ng dessert na iyon ang dumiretso sa bibig nito. Masarap kang magluto kung ganon. Bakit ngayon ko lang nalaman iyan? Ito pa ang isang magandang ugali ni Jeremiah. Madaling i-please, hindi pa suplad o. He was treating her like they ve known each other for quite some time now. Very nice indeed. Kailangan mo ng cook? Libre ako. Libre rin kitang ipagluluto. Pakunsuwelo sa naba sag kong vase mo. Hindi mo pa rin nakakalimutan iyon? Hindi, eh. Itinaas nito ang tupperware. Heto, nakabayad ka na. Kaya kalimutan mo na iyon. Okay. We re taking a short break. Gusto mong mag-ikot-ikot na muna habang hindi mo pa makausap sina Sassa? Bakit? Para hindi ka mailang na wala kang ka-partner. Mamaya kapag nag-resume na ang shooting, saka kita pakakawalan. Aw how sweet! Okay lang kaya kung halikan niya ito ngayon? Well, kung ganyang concerned ka sa image ko. Saan tayo? Iminuwestra siya nito sa direksyon ng direktor ng music video. We still haven t finished shooting. Pero may mga nakuhaan kaming scenes. Gusto mong makita? Okay. Kahit bold pa yata ang ipakita nito sa kanyang video, basta kasama niya ito go l ang. Nauna na siyang naglakad sa sobrang excitement niya. Makikita na niya ang later music video ng Sentinel, kasama pa niya si Jeremiah. Sulit ang pagpapakabayani niya nang ara w na iyon! Janeth. Hmm ? Nang lingunin niya ito ay natigilan siya nang halikan siya nito sa kanyang pisngi. Salamat dito, nakangiti nitong tukoy sa hawak na tupperware. Ito naman ang ang naunang naglakad patungo sa kinaroroonan ng direktor. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang nakadampi ang kamay niya sa pisngi na hinalikan n ito. Did he just kiss her? Jeremiah turned to her and gave her that mouth-watering smile of his before he continued to walking towards the director. Parang gusto niyang gumulong-gulong, tumamblingtumbling at kumendeng-kendeng sa sobrang tuwa na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Gusto rin niyang humiyaw kung hindi lang nakakahiya. So she just screamed in her mind.

Yeh! Hinalikan ako ni Jerema-ye! CHAPTER 4 WALANG MASABI si Janeth nang mapanood ang video ng Sentinel kahit hindi pa iyon pulido at na-e-edit nang husto. Ano sa tingin mo? tanong ni Jeremiah sa kanyang tabi. Marami pang kulang, ano? Dapat ay nakukuhaan ang lahat ng anggulo ng banda. And the lights should have be en a lot more paler. Hindi ba? Nagrereklamo ka pa ng lagay na iyan? E kahit ngayon puwedeng-puwede mo ng ilabas iyan sa media. Its that good already, Jeremiah. I don t want it to be good. I want it to be the best, just like the other music vid eos of the Sentinel. Oo nga, tama ka. Nakita niyang napangiti na lang ang direktor. Sumang-ayon ka, kuya. Pinuri ka namin. Tumawa lang ito. Kung hindi ka pa satisfied, Jeremiah, puwede pa nating ayusin an g mga nakikita mong kulang. Sabihin mo lang at akong bahala kumuha ng detalye. Gus to ko uli ng Music Video of the Year award, he-he. Napansin niyang natahimik sa kanyang tabi si Jeremiah kaya nilingon niya ito. Nakatingin lang ito sa kinaroroonan ng mga instrumentong inabandona nina Tommy, tila ba may kung ano itong hinahanap doon. Without looking and still in deep thought, he picked up another piece of lemon tart from the tupperware he hostaged. Ang guwapo ng mama ng ito talaga. Take note, nahalikan pa siya nito. Muli niyang idinampi ang kanyang palad sa pisngi niyang ninakawan nito ng halik. Impit siyan g natawa. Narinig yata siya nito kaya lumingon ito sa kanya. Something wrong? tanong nito. Wala naman. Pa-kiss uli, puwede? May dumi ka sa gilid ng bibig mo. Hmm? May dumi ka sa gilid ng bibig mo, ulit niya saka iminuwestra ang kanyang bibig. Dahan-dahan lang sa pagkain, Jeremiah. Wala namang aagaw sa iyo niyan. Naninigurado lang. He swiped his finger on the side of his mouth and licked his finger. Inay ko po! Inaakit ako! At naaakit ako! Siyanga pala, pasensiya na sa ginawa ko kanina. I couldn t help kissing you. You we re just so cute looking so excited and I felt like I had to kiss your pretty little cheek. Okay lang. Enjoy naman ako, eh. Hindi yata nito inaasahan ang naging sagot niya kaya saglit itong natigilan. Per o agad din itong nakabawi at nakangiting iiling-iling na lang. You really are something, Janeth. Oye! Tumawa na ang direktor na kanina pa nanonod sa kanila. Miss, I like you. Can I co urt you? Just stick to your camera, Dan. Pagkatapos ay hinila siya ni Jeremiah patungo sa kinaroroonan ng mga instrumento ng Sentinel. Pigil na pigil ang kanyang pagngiti habang sumusunod na lang dito. Kanina, kiss. Ngayon naman, holding hands. There is God! Pero binitiwan na nito agad ang kanya ng kamay paglapit nila sa harapan niyon, kaya medyo sumemplang ang pantasya niya. Huwag mong pansinin si Dan. Hindi talaga, mabilis niyang sagot. I mean, hindi ko siya type. Good.

It was her turn to smile. Masaya ito na wala siyang gusto sa tsismoso t malanding direktor nito kaya kahit sandali ay hinayaan niya ang sariling magpatuloy sa kan yang pantasya. Na may gusto ito sa kanya, kahit paano. Wagi ang pakiramdam, sister Do you know how to play these instruments? tanong nito nang damputin ang isang gitara at isuot strap niyon sa katawan nito. He started strumming the guitar. Napatanga na lang siya rito nang marinig ang pamilyar na musika ng Sentinel. He could play Lancer s part really well! Marunong ka ring mag-gitara? Music is my business. Natural lang na dapat ay may alam ako sa bagay na nagpapayaman sa akin. Siyanga naman. She just watched him played with his guitar. Bakit hindi ka sumali sa Sentinel? You play well. And you looked good with that guitar. Kapag nakigulo pa ako kina Tommy, wala ng magpo-produce ng albums nila. Isa pa, mas gusto kong yumaman kaysa tumugtog. Pero hindi ibig sabihin nun ay iniwan ko na ang kinahiligan kong musika. Kapag wala akong ginagawa at hindi naman sila busy sa m ga rehearsals, nakiki-jamming ako sa kanila. Stress-reliever. I played rhythm guita r with them. Minsan, yung drums ni Raijin ang pinakikialaman ko but usuallly Tinapik-tapik nito ang gitara. Its this baby I m working with. Yung mic lang ang hindi ko mapakialaman dahi l sa aming lahat, si Tommy lang ang biniyayaan ng extra talent ng pagkanta. Guwapo, mayaman, mabait, super sweet at ngayon, talented pa! Walang ibang pinatutunguhan ang damdamin niya rito kundi pataas. As in lumi-level up talaga. He continued playing the guitar and she just watched and listened to him. Parang gusto niyang sigawan ang direktor doon para kuhaan ng video si Jeremiah. He was so goo d! Kuhangkuha rin nito ang musika ng Sentinel at ang natural na galaw ng band members kapag tumutugtog. Puwedeng sabihin na ito ang nawawalang miyembro ng banda dahil talag ang magaling nito. And then he turned to her. Hayun na naman ang pagwawala ng puso niya dahil sa pa raan ng pagtingin sa kanya ngayon ni Jeremiah. It was way too different from the way he look at her. Hindi naman sa makapal ang mukha niya. Pero talagang tila siya inaakit ng mga ti ngin nito habang patuloy ito sa pagtugtog ng gitara nito. Parang gusto niyang tumakbo pala yo para lang matakasan ang kagustuhan niyang halikan ito nang mga sandaling iyon. The guy was shamelessly flirting with her! And he looked so darn sexy doing it! Gusto niyang tumili! Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat sa ginawa nito, ka hit na nga nasa harap lang naman niya ito at tumutugtog ng gitara. Pero talagang ang paraan nito ng pagngiti at pagtingin sa kanya, parang wala siyang ibang dapat gawin kundi ang s ambahin ito. Wuuu! Ah lab yu, Jeremiah! Yeah! Hit it mah boy! Ang sexy! Play like that with me and I ll marry you, man. Mula sa grupo nina Tommy nagmula ang tuksuhan at sipulan na iyon. Malalakas na tawanan, palakpakan at tilian din mula sa mga babaeng staffs na kasama sa crew a

ng maririnig. Doon lang niya napansin na nasa kanila na ni Jeremiah ang atensyon ng lahat. He wasn t fazed, though, as he turned to their audience and continued playing his piece. Ang haba ng hair mo, Janeth! tukso ni Myla. Ang sarap mong sabunutan! Panagutan mo si Janeth, Jeremiah! si Sassa naman. Kung hindi, aabangan ka namin sa kanto! Lihim niyang nginisihan ang mga babae. Ah, wasn t it so good to be a woman being serenaded by the love of her life? At mukhang hindi lang siya ang naengganyo sa pagtugtog ni Jeremiah. Dahil lumapi t na sa kanila ang mga miyembro ng Sentinel at nagkanya-kanya na ng puwesto ang mga i to sa kanilang mga instrumento. The band caught up with Jeremiah s play and seconds late r, everyone was up on their feet, enjoying to their heart s content with the band s umi stakable mastery of their craft. Tommy started singing, leaving his guitar to Jeremiah s hands. The days you ve given me add up, The days that have passed, The paths we walked together, Whether our meeting was coincidence, Our fate, just the fact that we ve met, Is a miracle Lumayo siya sa mga ito at pinanood na lang ang pagtugtog ni Jeremiah ilang metro mula sa kinaroroonan ng banda. Ni minsan ay hindi niya nakita ang lalaki na nakipag-j amming sa banda sa tuwing nanonood siya noon ng practice ng mga ito. Ngayon lang. And she never thought their jamming session could be this great! Hindi iyon kasama sa music vi deo na sinoshoot, but what the hell. Everyone was enjoying. Instant concert para sa lahat ng taong naroon. Kahit ang music director ay nakisalo na rin, with his ever-trusted camera. We found the little pleasures in each day, In the slow paths we walked, Our meeti ng is just one small thing In a big world, But even the fact that we ve met, Is a miracl e Jeremiah had his solo. And he played it right in front of her. Hindi siya tanga para palagpasin ang pagkakataong iyon. Ipinulupot niya sa leeg nito ang kanyang mga b raso saka binigyan ito ng madiing halik sa pisngi nito. The women screamed! Jeremiah just smiled at her, satisfied. As if he had finally got what he d been waiting. Bumalik ito sa puwesto nito sa Sentinel saka ipinagpatuloy ang pagtugtog. Even on days when nothing goes right, Just being together cheers me up, And I can forget the bravado and and loneliness, When I m with you, I can be myself, Just st ay with me forever, My beloved Ang puso niya, mukhang nawala na sa kanya. Jeremiah, Sentinel s estrange guitarist , had just took her heart away. I ll be smiling more today than tomorrow, Just being with you makes me feel that wa y, Ten years, a hundred years, a thousand years, Let s just stay together, I love you PAGOD NA? Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Janeth nang makitang papalapit sa kanya si Jeremiah. Galing ito sa direksyon ng venue ng shooting ng music video ng Sentine

l. Nasa loob pa sina Myla dahil pinapaghintay ang mga ito ng kani-kanilang kasintahan. Nauna na siyang lumabas dahil hindi siya puwedeng magpagabi nang husto at may catering service p a siya bukas. Kahit kailan, hindi ako napagod sa panonood ng concert ng Sentinel, sagot niyang pilit na pinapakalma ang nagwawalang puso. Medyo rattled pa siya sa natuklasang importanteng bagay kanina kaya heto at hind i pa niya alam sa ngayon kung paanong aayusin ang mga reaksyon niya sa binatang ito. Kailangan na muna niyang lumayo at ng makapag-isip siya ng matino. Ngunit kung heto at ina alayan naman siya ng tadhana ng isang makisig na palay , hindi na iyon palalagpasin. Kung wala lang akong trabaho bukas, baka naghintay na rin ako kasama sina Sassa. Ikaw, bakit lumabas ka na? Hindi pa tapos ang shooting, ah. Nagbilin na ako kay Dan. Kaya na niya iyon. After all, he s the director. Kung hind i niya magagawa ng maayos ang trabaho niya, wala siyang Video of the Year award sa MTV AWARDS sa taong ito. Adik sa award ang direktor mong iyon, ano? Sort of. He laughed. Kung aalis ka na, sumabay ka na sa akin. Paalis na rin ako. Kailangan ko pa kasing bumalik ng opisina ngayon. Thank you, Lord! Hindi ko tatanggihan iyan. Good. Dahil hindi rin naman ako papayag na umuwi kang mag-isa. Iminuwestra siya nito sa isang kotse na malapit sa kinatatayuan niya at binuksan ang passenger se at niyon sa kanya. Watch your pretty head, paalala pa nito pagsakay niya. Pagkatapos ay lumipat na ito sa kabila para sumakay sa driver s seat. Nang huminto ito sa harap ng kotse at makipag-usap sa kung sinong istorbo sa cellphone nito. Hind i niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ito. He just gave her one of the be st days of her life. Noong bago niya ito nakilala, akala niya ay ganon na lang ka-plain ang buhay niya. Trabaho, gimik, trabaho, tulog, trabaho, trabaho, trabaho. Iyon lang ang r outine niya. Pero ngayon, habang patuloy siyang nagkakaron ng pagkakataon na makasama si Jeremiah, saka lang niya na-realize na marami pa palang surpresa ang buhay. Kailangan mo lang maging makapal ang mukha at i-grab ang lahat ng oportunidad para sa mga surpresa ng buhay. Coz she was having a freakin good time! Sorry about that, paumanhin pa ni Jeremiah pagpasok nito sa driver s seat. So, saan na kita ihahatid? Sinabi niya rito ang ang address niya. Sigurado kang okay lang na ihatid mo ako? Baka out of way masyado ang bahay mo. Ako naman ang may ang sasakyan. Kaya kahit saan ako makarating, walang problema. Don t worry, okay? Just sit there and relax. I will. Hinugot niya ang seatbelt at inayos iyon sa kanyang katawan. Salamat, ha? Tsaka, pasensiya na rin sa istorbo. As I said, no problem. Minaniobra nito ang sasakyan at ilang sandali pa ay nasa biyahe na sila. Pero ka pansinpansin ang pananahimik nito. Parang biglang nawala ang masayahing Jeremiah na nakasama

niya kanina doon sa shooting venue. At hindi siya mapakali. Ayaw niyang makikita ng may inaalala ang lalaki. Jeremiah, may problema ka ba? Pasensiya na, ha? Bigla ka kasing nanahimik. Kung ako ang pinoproblema mo, tatalon na lang ako sa labas ng kotse mo. She heard him chuckled. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi na niya kailangang tumalon ng sasakyan. Wala iyon. Konting problema lang sa negosyo. Its not something that we can t fix. Hindi lang kasi ako sanay na makita kang ganyan. Parang gusto ko ng tumalon tuloy ng kotse mo. Bakit ba pinag-iinitan mo ang pagtalon sa kotse ko? natatawa nitong tanong. I m fine. And just to make you worry no more, tungkol lang iyon sa hindi na makontro l na music piracy ng Sentinel sa Internet. Iyon ang natanggap kong report mula sa marketing manager ko. Kaya ngayon, closely-guarded kami sa bagong album ng Sentinel na lalabas. Ginaga wa namin ang lahat ng paraan para hindi mabulilyaso ang album launch ng banda. Mas lalo siyang nakahinga ng maluwag. Hindi naman pala talaga gaanong malala ang problema nito. Bakit hindi mo utusan sina Tommy na pakiusapan ang mga fans nila na huwag magdown load sa Internet ng mga kanta nila? You know, para lang support sa kanila. And then, sabay banat ng kapag nagpatuloy ang ganitong mga pangyayari, ikinalulungkot namin g hindi na kami maglalabas pa ng bagong mga kantang kababaliwan ninyo. Ganon. Mahirap ng pakiusapan ang mga tao ngayon. Jeremiah, dito sa Pilipinas, batas ang Sentinel. Hindi mo ba alam kung gaano kala kas ang impluwensya ng mga alaga mong iyon? Kung hindi man mapigilan sa ngayon ang m usic piracy, at least may ginawa na kayong hakbang, hindi ba? All things must start w ith something. Hindi mo pa nga siguro makikita ngayon ang resulta ng gagawin ninyong pagkilos k ung sakali. Pero siguradong magkakaroon iyon ng impact kahit paano. Sentinel was very famous . So why not use that power to make a change? You know, for us to have a better and pirac y-free world. That s all. Thank you. Nagpakawala siya ng buntunghininga. Ang haba ng speech niya. Sana kahit paano makatulong iyon sa problemang iniisip ni Jeremiah. Napangiti siya. Minsan gusto niyang bigyan ng award ang kanyang sarili. Hindi kasi niya naisip na kaya rin pala niya ng magbigay ng mga seryoso at makabuluhang opinyon. Well, sana nga makabuluhan iyon. Janeth? Hmm? That was really nice. Ahm, walang anoman. I m glad may naitulong ako sa iyo kahit paano. Akala ko kasi madaldal lang talaga ako at mga walang kuwenta naman ang mga pinagsasasabi ko. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong mo sa akin dahil sa mga sinabi mong iyon. You just cleared my mind. I feel better now Napatingin siya rito. Saglit naman siya nitong sinulyapan. Pakiramdam niya ay ma y kung anong kumalabit sa puso niya at bigla na lang siyang sinipa ng kakaibang ka ba na iyon sa kanyang dibdib. Kaya tuloy, ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang kanyan g atensyon.

She liked her feelings but at the same time, it sometimes scare her a little. Ne vertheless, enjoy naman siya sa lahat ng nararamdaman niya. At tama lang iyon. Hindi ba? Ah, ewan. Ang gulo. Basta iyon na iyon. Janeth? Yes? May gagawin ka ba sa Sabado? Meron. Bakit? Wala naman. Yayayain sana kitang lumabas. Kaya lang may gagawin ka so next time na lang siguro. Okay. Sa isip niya ay sinabunutan na niya ang sarili. Sayang na pagkakataon. Istorb o talaga sa lovelife ang trabaho, ano? Tumawa lang ito. CHAPTER 5 SABADO. IMBES na naghahanda sana ngayon si Janeth para sa naudlot nilang date ni Jeremiah, heto siya at inaalipin ang kanyang mga alipin. Handa na ba ang lahat? Yes, Ma m! Kapag hindi pa, ano ang gagawin ko sa inyo? Igigiling at gagawing longganisa, Ma m! Very well. Inisa-isang inspeksyon ni Janeth ang labintatlong waiters and waitresse s na nakahilera ngayon sa harap niya. Mula sa pagkakaayos ng butterfly neckties ng mga ito hanggang sa mga pleats ng s uot na uniform, walang nakaligtas sa matalas niyang mga mata. Nang makitang wala nam ang problema sa uniform ng mga ito, tumango na lang siya at isa-isa ng binigyan ng i nstructions ang mga tauhan. Handa na ang lahat para sa pagki-cater sa malaking event na iyon. Okay, team. She gathered her crew and they all formed a circle, reaching out their hands in front of them. Pagkatapos ay sabay-sabay silang sumigaw. One, two, three, jumbo! With laughter and smiles on their faces, isa-isa ng nagtungo ang mga ito sa kani kanilang puwesto. Ang ilan ay inilabas na ang mga pagkain para sa mga bisita na dumating na ilang minuto ang nakakaraan. Siya naman ay nakapuwesto sa isang bahagi ng malaki ng venue na iyon upang obserbahan ang lahat, hawak ang kanyang ever reliable two-way radi o na kunektado sa mga crew niyang may specially designed earphones para sa marinig an g kanyang mga instructions. Dess, kailangan ng water refill ang nasa table thirteen. Luis, umiiyak ang isang flower girl sa table two. See if you can give her a candy. Jenny, maglagay ka ng extra glass for the wine sa table fifteen. Lahat ng makita niyang hindi naaayon sa kanyang metikulosong mga mata ay hindi n iya pinapalagpas. Kunsabagay, para rin naman iyon sa kanilang lahat ng mga crew niya pati na ng mga customers. Janeth, congratulations, wika ni Mayet, ang wedding coordinator naman ng naturang okasyon. Ilang beses na rin nitong kinuha ang serbisyo ng Angle s Catering, ang pag-aari ni yang catering service, sa mga ino-organize nitong mga kasalan kaya kahit paano ay nag

ing magkaibigan na rin sila. As usual, superb na naman ang services ninyo lalo na ang mga pagkain. Well, nothing but the best for my best customers. At tsaka, puwede ba namang kita ng ipahiya? Baka hindi mo na kami kunin sa mga susunod mong wedding events na hahaw akan. Iyan ang gusto ko sa iyo, eh. Takot ka sa akin. Kaya nga gawin mo na kaming exclusive caterer sa mga ino-organize mong okasyon. Hindi ka na mapapahiya sa mga pagkain para sa mga clients mo, takot pa ako sa iy o. Mayet laughed and held out her hand to her. Deal. She just secured a good deal. Iba na talaga ang simpleng the best. Hey, Janeth, have you seen the bestman? Meron ba? Luka-luka ka talaga, natatawa nitong wika. Siyempre meron. Kanina ko pa nga pinag-iinteresan doon pa lang sa simbahan, eh. Yummy. Talagang yummy, ha? Imbes na sumagot ay itinuro lang nito ang isang matangkad at matikas na lalaki n a nakaitim na tuxedo. He was talking to the other groomsmen so he had his back on them. Ano ang yummy diyan? E puro likod lang naman ang nakikita ko. Hintayin mong humarap. Kapag nakita mo ang mukha niyan, hahanap ka ng kanin. Bakit? E kasi lips pa lang, ulam na. Fake iyan. Isang guwapong-guwapong mukha ang pumasok sa isip niya. Jeremiah. Yung kilala ko, anino pa lang ang makita mo, busog ka na. Mas fake iyang sinasabi mo. Samantalang ang lalaking iyon, hayan ang ebidensya. Hintayin mong lumingon dito, siguradong lilipat ka rin ng paniniwala. Nope. Inilibot niyang muli ang paningin sa kabuuan ng venue upang i-tsek ang progress ng kanyang mga crew. Isang lalaki lang ang yummy sa paningin ko. She touched her palm on her cheek, where Jeremiah had kissed her. Pakiramdam niy a ay nag-iinit na ang kanyang mukha nang maalala ang halik na iyon ng binata. Hinding -hindi na yata mawawala pa ang alaalang iyon sa kanyang isip kahit kailan. There was a sat isfied smile forming on her lips when Mayet tugged at her sleeve. Bakit? Look! Mr. Yummy is...looking so yummy. Kung hindi lang malaki ang pakinabang niya rito, talagang lalayasan na niya ito. Istorbo kasi sa kanyang magandang ilusyon. Pero parang gusto niyang bawiin ang kanyang m ga sinabi nang makita ang itinuturo nito. Dahil ngayon ay nakaharap sa kanila ang pinaka-y ummy ng lalaki hindi lang sa kanyang paningin kundi sa paningin na rin ng ibang babae sa okasyong iyon. Jeremiah sambit niya. Kilala mo siya? Ng buong puso. Pakiramdam niya ay isa-isang naglalaho ang mga bagay sa paligid nila at ang tanging natira ay ang imahe ng lalaking iyon. Boyfriend mo? Malapit na. So, hindi kayo? Darating kami sa stage na iyon, bakit ba? Wala naman, nakangisi nitong wika. Naisip ko lang na may pag-asa pala na maging kami. What s his name? Jeremiah? Nice name. Bagay sa kanya. At bagay din sa name ko. Jeremiah and Janeth forever.

Tumawa na lang ito. Suko na ako sa iyo. Sige, ipinauubaya ko na siya sa iyo. Sana maging maligaya uli kayo. Dahil kapag hindi, kami ang magtutuloy ng kaligayahang iyon. Jeremiah and Mayet forever. Ngunit naputol ang kanyang magandang pangarap nang makita ang isang babaeng lumapit dito. Tila ba napakakaswal ng pagkakahapit ng babae sa baywang ni Jeremi ah. At lalo siyang parang binuhusan ng malamig na tubig nang halikan nito sa pisngi ang bina ta na agad ding bumaling dito. Pakiramdam niya ay nanlaki ang kanyang ulo sa nakita. Ay, may dyowa na pala iyang Jeremiah forever mo, Janeth. Ang lungkot naman. Ano na nga ang ang sinabi noon ni Hellene? Na may giflriend na ito? since the wo man wasn t Katie, this was probably the right girlfriend Hellene was talking about. An g lungkot nga Tinapik-tapik pa siya sa balikat ni Mayet. Condolence sa puso mo, bakla. BUSY? Lumukso ang puso ni Janeth nang makita si Jeremiah. Medyo Kung guwapo na ito sa malayo nang makita niya ito kanina, lalo na ngayong nasa h arap na lang niya ito. Kunsabagay, dati na talaga itong walang kapantay sa kaguwapuha n sa kanyang mga mata. Ang ipinagkaiba lang ngayon, eleganteng kaguwapuhan ang dating nito da hil sa suot nitong itim na americana. Pero sa pagkakita rito, hindi rin niya maiwasang maala la ang nasaksihan kanina. Naramdaman na naman niya ang tila pagpiga na iyon sa kanyang puso. Hindi tuloy siya sigurado kung diretso pa ba ang ngiti niya. Kayo ang nag-cater ng event? tanong nito. Oo. The food was delicious. Ngumiti lang uli siya. Salamat. Naiistorbo na ba kita? Bakit mo naman naitanong iyan? Parang hindi ka kasi normal ngayon. I just thought I might be disturbing you or something. Ah ganito lang talaga ako kapag nagtatrabaho. Seryoso. Eksaherado pa siyang nagseryoso ng mukha saka tumawa. Hindi ka ba sanay na makita akong, aherm, mukhan g boss? Hindi. Well, let me show you then. Itinapat niya sa kanyang bibig ang two-radio saka kinu ha ang atensyon ng isa sa kanyang mga crew. Marcus, sit! Nakita niyang kunot-noong napatingin sa kanya ang pobreng waiter. Joke lang. Sige, tuloy lang sa trabaho. You really are crazy, Janeth, naiiling na wika ni Jeremiah sa kanyang tabi. Sanay na ang mga iyan. Gusto mo patalunin ko pa sila sa building? What? Siyempre, joke lang uli iyan. Kahit na nararamdaman niya ang kakaibang pagpitik na iyon sa kanyang puso, hindi pa rin niya magawang tuluyang magtampo rito. Alam niyang wala naman talaga siyang k arapatang magdamdam. Afterall, sino ba siya sa buhay nito? Isa lang naman siyang hamak na humahanga rito. And not because he had treated her special doesn t mean she already owned hi m. And not because he had kissed her on her cheek, doesn t mean he likes her too. A k

iss is just a kiss anyway. So, kilala mo yung bride o yung groom? pag-iiba niya sa topic. The bride. She s my cousin. Ah. Iyon lang ang nakayanan niyang sabihin. Wala na kasi siyang alam na sabihin. Naiistorbo na yata talaga kita. Sige, maiwan na muna kita. Okay. Napalingon ito sa kanya na bahagya pang nakakunot ang noo na tila ba nagulat pa sa kanyang naging sagot. Ngumiti lang siya rito. Jeremiah. Isang magandang babae ang lumapit sa kanila at agad kumapit sa braso ng binata. Ito rin ang babaeng nakita niya kanina na kasama nito kanina. Naglaho ang kanyang ngiti. Nandito ka lang pala. Halika na. Ihahagis na ni Ritzy ang wedding bouquet. Watch me get that thing. And you better get that garter yourself. Hayaan mo na lang silang mag-agawan doon, Lea. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. And sweet mo talaga kahit kailan, Jeremy. I just don t want you to get hurt. I know. Lagi naman, eh. At talagang kailangang sa harap pa niya magdrama ang mga ito? Parang gusto niyan g magreklamo sa mundo. Oo na! Oo na! Bigo na po ako! Hindi na nga maganda ang nararamdaman niya sa nakita kanina, heto at dumisplay p a ang mga ito sa harap niya. Dapat na siguro siyang umalis sa harap ng mga ito. Ha bang patuloy kasi niyang naririnig ang usapan ay mas lalo lang bumibigat ang pagkiramdam niya . Lumilinaw kasi sa isip niyang hindi talaga siya dapat masyadong naging pabaya sa nararamda man niya kay Jeremiah. He was just naturally sweet, gentleman and caring. To all the women. Hindi lang sa kanya. At lalo na sa girlfriend nito. Oh. Friend mo? tukoy sa kanya ng babae. Nagkatinginan sila ni Jeremiah. At hindi niya alam kung ano ang iniisip nito nan g mga sandaling iyon. Nakikita kaya nito ang emosyon sa mukha niya? Gumuhit kasi ang p ag-aalala sa mga mata nito. Kaya siya na ang unang nagsalita. A, oo. Kaibigan niya ako. Inilahad niya sa babae ang kamay niya. I m Janeth. I m Lea. Tinanggap naman nito ang kamay niya. His girlfriend. Mabilis niyang tinanggap ang kamay ni Lea bago pa makapagsalita si Jeremiah. Ah, its nice to meet Jeremiah s Jeremiah s girlfriend. The truth hurts talaga. Pesteng hurt iyan! Magpapaalam na sana siya sa mga ito n ang mapansin niyang nakamasid lang sa kanya si Jeremiah. Huwag mo akong tingnan ng ganyan! wika niya rito sa isip. Makunsensiya ka naman, Dong. Sige, maiwan ko na kayo. Aasikasuhin ko pa ang mga alipin ko, biro niya sabay turo sa kanyang crew. Nice meeting you again, Lea. Nice meeting you, too. By the way, I love the foods. Kapag may in-organize akong event, kayo ang kukunin kong caterer, ha? Sure. Kinuha niya sa bulsa ng suot niyang vest ang always-ready niyang calling card. Heto. Tawagan mo lang ako, anytime.

Nilagpasan na niya ang magkasintahan. She should be happy for securing another c lient. Right? Pero ibang-iba ang pakiramdam niya. What the heck is wrong with me? bulong niya sa sarili. Ano naman kung may girlfriend na siya? Sa guwapo niyang iyon, imposibleng mawalan iyon ng karay na keychain. Isa pa, crush ko lang naman siya, kahit hindi na dapat uso sa isang tulad kong n asa ganitong edad na ang salitang crush . Marahan niyang idinikdik sa kanyang noo hawak na two-wa y radio. Ang corny mo Pero kahit anong gawin talaga niya, hindi niya magawang pilitin ang sarili na ma ibalik ang dating sigla. She just wanted to sit and stared into space. She wanted to be alone with this gnawing feeling inside of her. Ngunit dahil imposible iyon ngayong narito nga si ya sa gitna ng trabaho, ibinuhos na lang niya ang kanyang atensyon sa pag-aasikaso ng dapat asi kasuhin. Inalis na rin niya sa isipan niya ang anomang may kinalaman kay Jeremiah nang araw na i yon. Marcus, Andy, mag-refill kayo ng icetea sa tables ten, eight and twenty. Nagsitayuan na ang ilang mga kalalakihan at kababaihang bisita sa reception na i yon para sa agawan ng bouquet at wedding garter. Dala marahil ng malalim na pag-iisi p ay hindi na niya namalayan na siya man ay napalapit na rin sa area na iyon. Kaya nga laking gulat niya nang sa sumunod na mag-utos siya sa kanyang crew, bulaklak na ang sumalubong sa bibig niya imbes na ang two-way radio. Sa kanya napunta ang wedding bouquet! Nagkatawanan pa ang mga tao habang nagpapalakpakan. Hindi niya alam kung talagan g sinusubok ng tadhana ang tatag niya nang araw na iyon dahil si Jeremiah naman an g nakakuha ng wedding garter. It would have been nice, but the bouquet belongs to someone else. Nilapitan niya si Lea saka ibinigay dito ang bulaklak. Goodluck. Ayaw mo? Sa iyo iyan, eh. Ah thanks. Kinuha nito ang boquet at patakbo ng nagtungo sa kinaroroonan ni Jeremiah. Ewan naman niya kung bakit sinundan pa rin niya ng tingin ang babae. Tuloy ay na kita niya ang binata. Nakamasid ito sa kanya at nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito. Ngumiti lang siya saka binalikan na ang pag-aasikaso sa kanyang mga crew. The bouquet belongs to someone else. And so was Jeremiah. CHAPTER 6 NAKATUNGANGA SA KAWALAN si Janeth sa kanyang opisina nang istorbohin siya ni Marcus. Bakit? May naghahanap sa inyo, Ma m. Sino daw? Bago pa makasagot si Marcus ay nag-unahan ng makasingit ang mga babae niyang tauhan. Halata ang excitement sa mukha ng mga ito. Ma m, dinalaw tayo ng isang anghel! Ng isang napakaguwapong anghel! Gusto ko na nga siyang ipagpatayo ng groto! Grabe, Ma m, ang suwerte ninyo!

Nakausap nyo na siya doon sa event kung saan tayo nag-cater noong nakaraang araw , ngayon naman e dinadalaw na niya kayo rito! Napakunot-noo siya sa pinagsasasabi ng mga ito. Pero nang maalala niya kung sino ang guwapong nakausap niya noong nakaraang araw sa isang wedding reception, biglang siya man ay muntik ng mapatalon sa kanyang kinauupuan. S-si Jeremiah? tanong niya sa mga ito. Iyon ba ang pangalan niya, Ma m? Grabe, bagay na bagay sa kanya. Angel Jeremiah. Ang anghel dela guardia ng buhay ko. Hoy, ilusyunada. Anghel dela guardia ng buhay ko iyon. Pare-pareho kayong mga ilusyunada, singit ni Marcus na halatang asar. Ma m, kayo ho ang gustong makausap nung bisita natin. Mukhang importante. Papapasukin ko ho ba dito? Ahm Bakit ngayon pa siya kinakabahan ng ganito? Naman! Hindi ba t ilang beses na niyang sinanay ang kanyang sarili na alisin na ang anomang nararamdaman sa bi nata? May girlfriend na kasi ito. Hindi na puwede. Pero ngayon, nawalan lang ng silbi ang pagpa-practice niyang iyon dahil narinig lang niya ang pangalan ni Jeremiah, hindi na agad mapa kali ang kanyang puso. Tuliro na agad ang isip niya at hindi na niya alam kung ano ang ga gawin o iisipin. Ma m, ako na lang ang magpapapasok sa kanya dito! Hindi, Ma m! Ako na lang! Hindi! Ako Heh! singhal ni Marcus sa mga ito. Ang iingay ninyo. Bumalik na nga kayo roon sa labas. Hoy! Ikaw na ba ang boss ngayon dito, ha? Oo nga. Si Ma m nga hindi kami sinisigawan. Basta! Bumalik kayo doon sa labas o hahalikan ko kayo! Nagtitilian ang mga babae niyagn tauhan nang magsibalik ang mga ito sa labas. Ang aarte ninyo! Ah, M am. Pase nsiya na. Gusto nyo bang ibitay ko na ang mga iyon o papapasukin ko muna ang bisita ni nyo? Puwede kayang hindi na? Marcus gave her another one of his very puzzled look. Sige, patuluyin mo siya rito. Agad namang sumunod si Marcus. Tumayo siya at pilit na kinundisyon ang sarili. P ati na ang pagpapatahimik sa nagwawala niyang puso. Pambihira talagang buhay to, oo. Kung kelan nasa kasagsagan ka ng pagbabagong buhay, saka pa may darating na Hi. Napaurong siya ng wala sa oras sa kanyang mesa. Aray H-hi. You look wow. Thanks, natatawa nitong sagot. May I come in? Sure. She took a deep breath secretly and let it out gently before turning to him again. Maupo ka. Ahm, napadalaw ka. Teka, paano mong nalaman itong lugar ko? He took out a card from his breast pocket. Calling card niya iyon. I got this fro m Lea. Another batch of invisible dagger hit her heart. Anak ng patis! You re not mad, are you? tanong nito. Bakit naman ako magagalit? Ikaw talaga. Sa gitna ng noo nito siya tumitingin para hindi halatang iniiwasan niya ang mga tingin nito. So, ano nga ang maipaglilingko d ko sa iyo? Hindi mo ako ha-hunting-in sa buong Metro Manila kung mangangamusta ka lang. You re right. Inilapag nito ang calling card sa ibabaw ng kanyang mesa at inikot-iko t

iyon doon sa pamamagitan ng mga daliri nito. Mag-o-organize kami ng press confere nce para sa album launch ng Sentinel. Gusto ko sanang kunin ang serbisyo ninyo to cater t hat event. Okay lang. Kinuha niya ang kanyang organizer, not missing a single spin of his beautiful fingers on her table. Kailan ba ang event na iyon? Last Saturday of this month. Puwede ba kayo? Inilayo na muna niya ang kanyang atensyon sa kamay nito at binigyang-pansin ang mga schedule sa organizer niya. One week kaming walang iki-cater. Libreng-libre kami ng araw na iyon. Okay. That s good. Anong food ba ang gusto mong ihanda namin? Ikaw na ang bahala kung ano ang pupuwede sa mga reporters na laging on the go. Okay. Nilagyan na niya ng schedule ang huling Sabado ng buwan pati na ng ibang detalyeng kailangan niya. Is there anything else? Yeah. Are you mad at me? Napatingin tuloy siya rito nang wala sa oras. And she could swear she felt her h eart leapt out of her chest when she came face to face with the most handsome man she had e ver seen in her life. Napalunok siya. Napakurap. Saka malakas na bumuntunghininga kasunod ng tuluytuloy na pagsasalita. Jeremiah, ano bang tanong iyan? Bakit naman ako magagalit sa iyo? Wala ka namang ginawang kasalanan sa akin. In fact, puro nga kabaitan ang mga ipinapakita mo sa akin. Ang kapal naman ng mukha ko kung magagalit pa ako sa iyo, di ba? Kaya paano mong nas abi na galit ako sa iyo? Ikaw talaga, masyado kang palabiro. Lalo ka lang tuloy naging cute Ops. So, anyway, ang gusto ko lang naman sabihin e hindi ako galit sa iyo. Jeremiah was giving her a surprised and pleased look that she almost wanted to k iss him again.Argh! How could he just do that to her? Yung tipong isang ngiti lang nito, o isang tingin, nagbabago na agad ang takbo ng isip niya. Ang tibok ng puso niya What? tanong niya rito sa wakas. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nothing. Nothing ka diyan. Isinara na niya ang kanyang organizer. Settled na ang schedule. May iba pa bang bumabagabag sa kalooban mo? Pag-usapan natin iyan. He leaned back against his seat, satisfied. Wala na. Akala ko lang may nagawa akong mali kaya nagalit ka sa akin. Noong huli kasi tayong nagkita, parang bigla kang nagbago. Nagbago? kunwa y maang pa niyang tanong. Ako? Tumango ito. Parang bigla mo na lang akong iniwasan. Ang tipid pa ng mga sinasabi mo. Ah. Nandoon kasi ang girlfriend mo. Baka magselos kapag dumikit-dikit ako sa iyo. Ayoko namang ako pa ang maging kontrabida sa lovestory ninyong dalawa. Pang-hero ine lang ang ganda ko. Sige, Janeth, kaya mo iyan. Aja! Isa pa, nagtatrabaho ako nang time na iyon. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagdaldal at pag-uutos sa mga alipin ko. Ganon ba? Although diskumpiyado pa rin ang ekspresyon sa mukha nito, sumangayon na rin ito sa huli. Okay. Naiintindihan ko na ngayon. Don t tell me nagpunta ka lang dito para tanungin kung nagalit nga ba ako sa iyo du n sa reception ng kasal ng pinsan mo.

Well, that and, of course, some business. He flipped the card through his fingers. But I m glad you didn t get mad or anything. Hmm. Pero puwede ba akong mag-suggest? Kaunting suggestion lang naman. About what? About you and me. Halatang nasorpresa ito sa sinabi niya. Kaya mabilis siyang nagsalita. What I mean is, huwag kang masyadong makipaglapit sa akin. O sa ibang b abaeng hindi mo naman talaga girlfriend. Alam mo kasi, madaling mahulog ang loob ng mga babae sa mga mababait na lalaki. Lalo na sa tulad mo. Tulad ko? Oo. Yung guwapo at mabait. Okay lang naman na tumulong ka pero huwag sobra. Baka kasi iba na ang maging tingin ng mga babae sa mga ginagawa mo para sa kanil a. Katulad mo? Hindi niya inaasahan ang direktang tanong nito kaya hindi siya agad nakasagot. Just kidding. Okay, I ll take your word for it. Pero kailangan mong sumam a sa akin ngayon. Bakit? Bilang kapalit sa dinala mong lemon tart noong shooting ng latest video ng Sentin el. Talagang gutom na gutom na ako noon, and you were my saving grace. Kaya gusto ko ng bumawi. Pero hindi mo na kailangang gawin iyan. Hindi naman ako humihingi ng kapalit Kahit na. I insist. Tumayo na ito at lumapit sa puwesto niya. Get up or I ll carry yo u out of this place. Tatayo na po. Napatayo tuloy siya nang wala sa oras. At ngayon ay nasa harapan na siya mismo n i Jeremiah.Since there was just a little space between them, she had to leaned bac k to be able to look up to him. And what a sight it was just to see that face, to know that all she needed to do was to reached up her hand to him and she could touched that handsome face. And the way he looked back at her, she just wanted to forget that it was wrong to entertain tha t kind of feelings for him. Go on, he urged her, as if he knew what she was thinking. At tila nakahanap ng kakampi sa sinabi nitong iyon, pinagbigyan niya ang gustong gawin talaga niya mula nang dumating ito roon. Inilapat niya ang kamay niya sa p isngi nito. Ah such smooth, warm, soft skin Hinawakan nito ang kanyang kamay na marahang humahaplos sa pisngi nito nang hind i nito inilalayo sa pisngi nito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi nito. U nti-unti ring tila nabura ang lahat ng inaalala niya tungkol sa nararamdaman niya rito. At sa wakas ay nagkaroon ng linaw ang lahat sa kanya. Naalala niya ang sinabi ni Myla noon. Na ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi iniisip. So when she stopped thinking, her heart revealed itself to her. What sh e felt for Jeremiah wasn t just a mere crush of a fan to the man of her dreams. Her feelings goes beyo nd the sense of being a lovestruck fool. She was inlove with him. She loves him.

And guess who s fault was that. Janeth. Hmm. I said go on. I did get it on. She was mesmerized with those eyes that seemed to glow by the minute. Parang gus to na lang niyang manatiling nakatitig sa mga matang iyon habang patuloy lang din s iyang pinagmamasdan. You re one crazy girl, wika nito na hindi na naitago pa ang tawa. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyo. You just make me want to laugh everytime. Tama talag a ang desisyon kong tanungin ka ng diretso kung galit ka sa akin. Dahil kung nagkataon , hindi ko na mararanasan ang mga simpleng hirit mo. Okay, that wasn t what she was expecting. But what the heck! She wasn t expecting sh e would realized this either. Hell, she wasn t expecting anything at all! Kaya bahal a ng mabaliw ang mundo sa gulo ng mga sinabi niya! Basta! She was inlove. Aaaah! sigaw niya. Pagkatapos ay tumikhim siya at inayos ang kanyang sarili. I m okay. I m fine. She brushed away the invisible dust on his shoulder. Let s go. Nauna na siya rito dahil kailangan pa niyang makapag-isip ng alibi kung sakaling magtanong ito kung anong kabaliwan ang pinaggagagawa niya. Ngunit hindi pa man l umalapat ang kamay niya sa seradura ng pinto ay bigla na iyong bumukas. Humampas tuloy sa mukha niya ang pinto. Kulang ang salitang mura para masabi niya ang sakit na nararamda man habang hawak ng kanyang mga kamay ang nasaktan niyang mukha. Janeth! Anong nangyayari sa iyo, anak? that was her father s voice. Anong ginawa sa iyo ng lalaking ito, ha? Lucia, tawagan mo si Gen. Ignacio sa Campo Crame. Bilis ! Janeth, are you okay? It was Jeremiah s voice. Let me see. Mariin siyang umiling. Hoy! Huwag mong hawakan ang anak ko! Pa Huwag kang mag-alala, anak! Sisiguraduhin kong makukulong sa bilangguan ang lalaking rapist na iyan! Kung hindi lang masama agn pumatay ng tao, ipina-salvag e na kitang lalaki ka! Tama! Ipapa-salvage na lang kita. How dare you take advantage of my d aughter?! Pa Wala ho akong ginagawang masama kay Janeth. Puwede ho bang dalhin na muna natin siya sa hospital para matingnan ang tama niya? She was hurt. Alam ko iyon! Huwag mo akong turuan kung anong gagawin ko! Nagpatawag na rin ako ng doktor para tingnan siya. Ikaw, dito ka lang at hintayin ang mga dadampot sa iyong militar Ernesto, tama na nga muna iyan! Ang anak na lang natin ang asikasuhin natin. Hijo , kumuha ka ng cube ice at ibalot mo sa malinis na tela. Tanungin mo na lang ang m ga tauhan diyan sa labas kung nasaan ang mga yelo. Bakit mo siya palalabasin? Kapag nakatakas iyan Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasaktan ang anak mo. Kung hindi ka nga naman basta na lang nagbukas ng pinto, hindi sana tinamaan itong si Janeth. Tingnan mo ang nangyari

sa kanya. Hinaplos ng kanyang ina ang noo niya. Oh, my poor baby. Kapag may nangya ri sa anak natin, Ernesto, ikaw ang ipapa-salvage ko! I heard our daughter screamed, halatang defensive ang boses ng ama. Natural lang na mag-panic ako. Ikaw nga ganon din. She turned to her father. Sa kabila ng galit nito, halata ang pamumutla nito dal a marahil ng matinding pag-aalala sa kanya nang marinig siyang sumigaw. Pa sorry E, bakit ka nga ba kasi sumigaw? tanong ng kanyang ina. May ginawa ba sa iyo ang lalaking iyon? Wala. E bakit ka nga sumigaw? Ano ang nangyari? I just fell inlove. Kanino? Inginuso niya si Jeremiah na humahangos na pumasok ng silid. Bigla itong pinitsa rahan sa kuwelyo ng kanyang ama. Hoy, ikaw Pa! Pero wala naman pala siyang dapat na ipag-alala. Dahil pagkatapos pandilatan ang pobreng lalaki ay kinuha lang dito ng kanyang ama ang ipinakuha ng Mama niya. CHAPTER 7 PASENSIYA KA na sa mga magulang ko, ha? Nag-iisang anak kasi ako kaya ganyan ka-OA ang mga iyon. Ayos lang. Sigurado kang hindi mo na kailangang magpunta ng ospital? Wala kang outside wound pero hindi pa rin tayo sigurado kung may internal bleeding ka o wa la. I m fine. Nasa labas na uli ang mga magulang ni Janeth at hinayaan na lang na si Jeremiah na ang mag-asikaso sa kanya. Marahil ay naiintindihan na ng mga ito ang nararamdaman ni ya kaya ipinaubaya na siya, sandali, sa binata. Sa parte naman niya, hindi pa rin niya a kalaing magagawa niyang magtapat agad sa mga magulang niya. Pero doon na nga rin siguro ang patutunguhan niya. Ang umamin hindi lnag sa kanyang sarili kundi pati na rin sa ibang tao ng tungkol sa nararamdaman niya para rito. Inayos niya ang table napkin na pinagbalutan ng mga cube ice para maging cold compress. Wala naman na akong ibang nararamdaman pa, patuloy niya. Don t worry, kapag nakaramdam ako ng kakaiba, ako na mismo ang pupunta ng ospital. Tumango-tango lang ito. He was sitting across her so they were facing each other and she had full view of the man she had fallen inlove with. Do you need anything else? tanong nito. Wala na. Ice cream? Natawa na lang siya. Nabanat tuloy ng wala sa oras ang nadamay sa pagka-torture na mga face muscles niya. Bahagya niya itong sinipa sa binti. Huwag mo akong patawanin. Hindi naman ako nagpapatawa. Nag-aalok lang ako ng makakatulong sa pagpapalubag ng loob mo. Subalit halata sa boses nito na nagbibiro nga ito. Ah, she felt even more better . Ngayong umamin na siyang mahal nga niya ito, parang nawala na lahat ng mga tanong niya s a kung anoanong

bagay. Sa dami ng tanong niya, sagot sa isang tanong lang pala ang kailangan niy a para manahimik na ang panggulo niyang puso. Gusto ko nga ng ice cream, wika niya. Pero saan ka naman kukuha nun? Wala na kaming ice cream dito dahil tuwing may event lang kami umo-order, depende pa iyo n kung may request ang customer. Ang dami mo namang sinabi. Hinayaan mo na lang sana akong sumagot. He took out his cellphone and called someone. Dalhan mo ako rito ng limang galon na ice cream Lima?! Anong gagawin mo sa lima Sssh! Sinenyasan siya nitong huwag ng magsalita. Oo, lima. Any flavor ah, teka. He turned to her. Anong gusto mong flavor? Bakit muna limang galon ang ipinapadala mo rito? Hindi ako ganon katakaw. Alam ko. Yung tatlo, para sa mga tauhan mo rito. At yung isa, para sa mga magulang mo. Para naman lumamig ang ulo nila kahit paano. O, ano na ang gusto mong flavor ? Didn t she say Jeremiah was the sweetest thing? Pigil ang ngiti niya nang senyasan itong lumapit dito. He leaned forward so he could hear her. Ube. And then she gave him a kiss on his cheek. Thank you. Kung nagulat man ito sa ginawa niya, hindi na ito nagtanong pa. Bagkus, nakita n iyang napangiti na lang ito saka ibinigay ang order sa kausap sa kanilang linya. He di dn t leaned back on his seat even after the call ended. Instead, he just rested his elbows on his knees as he turned to her. Does it still hurt? he asked. Tumango lang siya. Patingin nga. Huwag na. Baka nangingitim na, eh. Ano naman kung ganon? Pangit. Imbes na makinig sa kanya ay inabot lang nito ang hawak niyang cold compress. Na inilayo naman niya rito. Naiwan tuloy sa ere ang kamay nito. Sabi sa iyo, huwag na, eh, wika niya. Kapag magaling na saka ko ipapakita sa iyo ang marka ng lakas ng tatay ko. Kapag hindi mo ipinakita sa akin iyan, ipapa-cancel ko ang ice cream na in-order ko. E di ipa-cancel mo. Hindi na nga siya ang babaeng mahal nito, papangit pa ba siya sa mga mata nito? No way. Narinig nila ang pag-iingay ng cellphone nito. He answered it, without movi ng from his position. And without taking his eyes off her. Hindi na tuloy niya alam kung anong tago ang gagawin niya sa kanyang mukha na ma y salpak na cold compress. Hanggang sa maramdaman niyang hinawakan siya nito sa ka nyang braso, tila ba pinapatigil siya sa paglilikot niya. When she turned to him, he g ently took the compress from her hand and watched her face as if he was looking at the most bea utiful thing in the world while still talking over the phone. Muntik ng bumigay ang puso niya at makapagtapat dito ng wala sa oras. When he finished talking, he turned off his phone and put it back in his pocket without breaking eyecontact with her. Wala pa rin siyang balak na ipakita rito ang pinga s ng kanyang mukha kaya tumayo na siya. Pero pinigilan siya nito sa kanyang braso at pinabali k muli sa

kanyang silya. Saka nito hinila palapit sa kanya ang sarili nitong silya at hina wakan siya sa kanyang baba para makita ng husto ang mukha niya. Nasaan ang pangit dito? tanong nito. I don t see any bruises. You re still pretty. And then she felt a warm and soft thing touched her cheek. Napamulat siyang bigl a. Nakangiti na ito nang balingan niya. Bawi, wika nito. Ninakawan mo rin ako ng halik kanina. Bago pa siya makapag-react ay kinuha na nito ang kamay niya saka ibinalik ang co ld compress. Naglakad na ito patungong pinto pagkatapos. Jeremiah! Nilingon siya nito. Yes? Ah yung ice cream? Ipina-cancel ko na. Iyon ang sabi mo, hindi ba? Ang daya Tumawa lang ito bago tuluyang lumabas. Pero wala siyang sama ng loob. Masyado siyang busy sa magandang pangyayari sa buhay niya para pagbigyan pa ang mga tamp o-tampo na iyan. She slumped back on her seat and touched her cheek where Jeremiah had k issed her. And he even called me pretty Dinampot niya ang maliit na salamin sa ibabaw ng kanyang mesa at tiningnan ang kanyang mukha. Ah! impit niyang tili nang makita ang nangingitim ng malaking bahagi sa gilid ng kanyagn nosebridge. Mabilis niyang ib inaba ang salamin, pagkatapos ay natawa na lang siya. Sira ulo ka talaga, Jeremiah! Masaya ang puso niya. And she liked that feeling. Napansin niya ang calling card na pinaglalaruan ng binata kanina. Dinampot niya iyon at pinagmasdan. Salamat sa iyo. Hinalikan pa niya iyon. Nang mapansing may nakasulat sa likod niyon. Sorry. Iyon lang ang nakasulat doon. Kay Jeremiah ba sulat iyon? Malamang. Alangan nama ng si Lea ang mag-sorry sa kanya. Another dose of that loving feeling flooded her. Pasensiya na, Lea, wika niya sa hangin. Hindi ko talaga mapigilang hindi mahalin ang lalaking iyon. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy mo dahil nagmamahal ka rin sa kanya. Wala naman akong balak na agawin siya sa iyo. Basta hayaan mo lang akong mahalin siya. Ayos na iyon. Tutal, wala naman akong ibang paggagamitan na ng pagmamahal na iyon kundi sa kanya lang. She had a satisfied smile on her lips as she held the calling card against her c hest.Ganito pala talaga ang magmahal ng totoo. Lahat, kayang tanggapin. Lahat kayang gawin. Pag-aari man ng iba ang puso ni Jeremiah, hindi naman siguro isang krimen na mahalin din ito dahil hindi naman siya humihingi o umaasa ng kapalit. Wow. Speech! Hija. It was her mother. Your ice cream is here. Ice cream? Akala ko Napangiti na lang uli siya. Jeramiah. Yes. Pumasok ang Mama niya at inilapag sa ibabaw ng table niya ang isang galon ng ube-flavored ice cream. Let me look at your face tsk! Iyang tatay mo talaga. Kakalb uhin ko talaga iyon! Tingnan mo ang ginawa niya sa mukha mo! Gagaling din naman iyan, Ma. Isa pa, maganda pa rin naman ako. Oo naman. Sabi din ni Jeremiah.

Her mother just smiled at her and kissed the top of her head. Jeremiah na naman. Kaya nagwawala ang Papa mo, eh. Mukha kang Jeremiah. Ipinagpapalit mo na raw siya sa iba. Totoo naman. That s my girl. DUDE! NASAAN ka? Napakunot-noo si Janeth nang tingnan ang screen ng kanyang cellphone. Walang nakalagay na pangalan ang numero ng tumatawag sa kanya. Hello. Who s this? Si Myla ng maganda, si Sassa ng Seksi, si Julie ng bonggang-bongga at si Hellene na bagong kasapi ng pederasyon natin! Ano, nasaan ka na? Myla? natatawa na lang niyang tanong. Kagagaling ko lang ng grocery store. Pauwi na ako ngayon ng bahay. Bakit? May maliit na party ngayon dito sa Minna Studios. Lahat ng Sentinel hotness nandi to. Kung magsalita ka, parang hindi lang apat ang miyembro ng Sentinel, ah. Hindi nga. Ayon sa nakikita ng aking mga mata ngayon, lima silang naghahapi-hapi doon sa rehearsing studio. Pumunta ka na rito. Magdala ka uli ng props. Sino siya para tumanggi? From the looks of it, mukhang naroon din si Jeremiah. E, teka, ano naman ang sasabihin ko kung sakaling tanungin ako kung ano ang ginagawa ko riyan? Saglit na nawalan ng ingay sa kabilang linya. Ilang sandali pa, iba na ang boses ng kausap niya. Hello, this is Hellene. Invited ka sa munting celebration ng pagiging officiallyengaged namin ni Raijin. And that s enough excuse for you. Bilisan mo na ng kilos diyan. You re engaged? Oo. May reklamo ka? Wala, ah! Nagulat lang ako well, more on natuwa diyan sa nalaman ko. Congratulations, Hellene! Thank you. Kaya pumunta ka na rito para makumpleto na tayo. Kung hindi, ipapacanc el ko kay Jeremiah ang pagkuha sa catering service ninyo. Pero Just stop asking. Basta pumunta ka na lang dito. Dont forget your props. Lemon ta rt daw. Ha? Wala. Just be here. And then the line was cut before she could say anything Masyado siyang nabilisan sa usapan kaya hindi na siya nakapag-isip kung ano ang ibig sabihin ng huling sinab i ni Hellene. Lemon tart Nagkibit-balikat na lang siya. Mukhang nagustuhan ng mga ito ang lemon tart na una niyang dinalang props sa shooting ng music videos ng Sentinel. Le mon tart it is. Nagmamadali na siyang nagtungo sa Angel s catering. Kailangan niyang matapos sa lalong madaling panahon ang lemon tart na iyon. Maaga pa naman kaya siguro naman ay makakapaghintay ang mga iyon. Papasok na siya ng gate ng establishment niya nang may isang kotseng huminto sa tapat niyon. Isang babae ang nakita niyang umibis mula roon. When the woman took off her shades, agad niya itong nakilala. Si Lea. Janeth! Masaya itong lumapit sa kanya. Kasama ba nito si Jeremiah? Huwag naman sana. She

could take the fact that the two were a couple, pero kahit paano naman ay maruno ng ding magtampo ang puso niya kapag nakikitang naglalambingan ang lalaking mahal niya a t ang babaeng mahal nito. Pero walang Jeremiah na sumunod dito. Nakahinga siya nang ma luwag. Hi! Lea, hi. Ahm, napadalaw ka. Well, I did say na ii-employ ko ang catering services ninyo. May oras ka ba ngayo n? Meron, eh. Ganon ba The woman looked like she would cry any moment. Kaya pinagbigyan niya ito tutal sandali lang naman siguro ang magiging pag-uusap nila. I have time. PUmasok ka mu na at doon na tayo mag-usap. Great! A, hindi mo ba kasama si Jeremiah? Kitang-kita niya ang paglamlam ng maaliwalas na mukha ni Lea sa tanong niya. Per o hindi rin siya sigurado dahil nakangiti naman itong bumaling sa kanya. He s busy. Alam mo naman ang trabaho ng kaibigan mong iyon. Very demanding. Oo nga Mali yata ang naging tanong niya, ah. CHAPTER 8 PANAY NA ANG tawag ni Janeth sa numerong ginamit ni Myla kanina nang tawagan siya. Pero hindi na niya ma-contact pa ang babae. Laging unavailable . Pambihira namang tao iyon, sambit na lang niya habang mabilis na minamaniobra ang sasakyan sa direksyon patungong Minna Studios. Naturingang may cellphone, pinapat ay naman. Napahaba kasi ang usapan nila ni Lea. Bukod kasi sa pagkuha nito sa serbisyo ng catering service niya, napilitan din siyang makinig sa problema nito sa relasyon nila ni Jeremiah. It seemed the couple had been having problems with their relationship. At dahil magkaibigan nga raw sila ni Jeremiah at nakita nitong malapit sila sa isa t isa ay sa kanya ito humingi ng payo. Ayaw sana niyang makialam dahil unang-una, wala naman siyang al am sa relasyon dahil hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Pangalawa she loves Jeremiah herse lf. But seeing the woman cried in front of her, she just couldn t help but felt guilty about it. Mukha namang kahit paano ay nakatulong ang mga sinabi niya dahil maaliwalas na u li ang itsura nito nang umalis ng Angel s Catering kanina. Yun nga lang, dusa ang inabot n iya. Biruin mo, parang binigyan na siya ng pagkakataong mapasakamay ang lalaking mahal niya, hayun at ipinamigay pa niya. Baliw na nga siguro siya. At heto ang mas badtrip, maaga pa nang tawagan siya ni Myla. Ngayon, gabi na ay papunta pa lang siya sa Minna Studios. Ilang beses naman niyang sinubukang tawag an ang cellphone ni Myla pero wala ngang sumasagot. Kaya kahit gabi na, hahabol pa rin siya. Baka sakaling abutin ng gabi ang party ng mga ito. Peste talaga. Sana umabot. Gusto sana niyang magkaroon ng mga munting pagkakataon na makasama si Jeremiah, bago man lang niya ito tuluyang isuko sa babaeng totoong nagmamay-ari rito. Pero

kumusta naman, anong petsa na? Siguradong wala na ang lalaki sa Minna Studios. Gayunpama n, she would still try her luck. Baka sakali, baka lang naman, naroon pa rin ang binata kahit mukhang malabo na iyong mangyari. E di umuwi kung wala na ito roon Aw Napapasinghap siya sa tuwing nakakalimutan niya ang mga paso sa kamay niya na mu la sa paggawa ng lemon tart kapag nasasagi iyon sa manibela ng kotse niya. Ilang sa ndali pa ay nakarating na rin siya sa wakas. Wala ng mga sasakyan sa parking lot. Parang nga yon lang niya naramdaman ang lahat ng pagod niya sa buong maghapon. Napasandal na lang siya sa kinauupuan niya at mariing pumikit. Nang marinig niya ang malakas na pagkatok na iyon sa bintana ng kanyang sasakyan. Malakas siyang napasigaw dahil sa gulat. Bigla tulo y nagising ang buong pagkatao niya. Binuksan niya ang bintana. Manong Guard, naman, eh! Huwag ho ninyo akong tatakutin ng ganon! Pasensiya na, Ma m, napakamot na lang ito sa ulo. May hinihintay ho ba kayo? Napatingin siya sa gusali ng Minna Studios na halos patay na halos lahat ng ilaw . Napabuntunghininga na lang siya. Wala ho. Mukhang nakaalis na silang lahat, eh. Sina Sir Tommy po ba ang tinutukoy ninyo? Oho. Kanina pa nga ho sila nakaalis, Ma m. Lalo lang siyang na-depress. Sige ho, Manong. Salamat na lang ho. Ibinigay niya rito ang isang tupperware ng lemon tart. Paraho may kaulayaw kayo sa pagpupuyat ninyo. Naku, salamat, Ma m. Isasara na lang niya ang bintana ng kotse nang marinig niyang magsalita uli ang guwardiya. Tamang-tama. Paborito ito ni Sir Jeremiah. Mabigyan nga siya nito. Daig pa niya ang lumaklak ng isang drum na energy drinks nang marinig ang pangal an ng binata. Kinuha niya ang natitirang tupperware. Manong, pakibigay na rin ho ito kay Jeremiah kapag nakita nyo siya. Para sa kanya talaga ito, eh. Kayo na lang ho ang magbigay, Ma m. Nandiyan pa ho sa loob si Sir. Mukhang maglalamay na naman ng trabaho. Jeremiah was still there? Bigla siyang nabuhayan ng dugo. Naku, Manong, hulog kayo ng langit! Nagmamadali na siyang nagtungo sa loob ng gusali. Manong, pakibantayan ang kotse ko, ha? Pagbalik ko at walang gasgas iyan, bibigyan kita ng kiss! Natatawa lang na kumaway sa kanya ang guwardiya. Pagpasok ng malawak at deserted na lobby ng Minna Studios, saka lang niya naalalang hindi nga pala niya naitanon g sa guwardiyan kung saan naroon ang binata. Pero mukhang hindi na niya kakailanganin g pang bumalik dahil mula sa kinatatayuan niya ay maririnig ang malamyos na musika ng i sang gitara. Hindi siya maaaring magkamali. Hindi iyon multo. Excited siya na hindi maintindihan na maglakad sa direksyon ng rehearsal studio. Habang papalapit ay mas lalong nagiging malinaw ang tunog ng gitara. Pero nang

luminaw naman ang musika ay tila naintindihan naman ng puso niya ang ipinahihiwa tig niyon. It was a sad music. Unti-unting bumagal ang bawat hakbang niya. Sabi nila , ang musika ang repleksyon ng isang musikero ng kanyang nararamdaman. And he was one hell of musician to bring out such emotion in his music. O kaya naman, iniisip lang nito si Lea, kaya ito ganon kalungkot. Tuluyan na siyang napahinto nang makarating siya sa rehearsal studio. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay matatanaw ang loob niyon dahil sa floor-to-ceiling glass pa nel ng naturang lugar. And she could clearly see Jeremiah seriously plucking his guitar. Hindi n iya nakikita ang mukha nito dahil tila kay layo ng iniisip nito habang tumutugtog. He was probably thinking of Lea. Napayuko na lang siya at napatitig sa hawak na tupperware ng paborito nitong lemon tart. Ayaw niyang makitang malungkot ang bin ata. Pero kahit anong gawin niya, with that kind of heartfelt music, she just couldn t help but be sad herself. Minsan gusto na niyang magtanong kung tama pa ba na mahalin niya ang is ang taong hindi naman siya mahal at hindi maaaring mahalin? Hindi ba t pag-aaksaya lang iyon ng panahon? Ng pagmamahal? Samantalang maraming tao ang puwede mong pagbigyan niyon , na buong-buong tatanggapin. Kaya lang, sa huli ay siya na rin ang sumagot sa kanyang mga tanong. Hindi isang bagay ang pagmamahal na basta mo na lang puwedeng ipamigay o ibahagi sa iba. Puso ang nagpapasya sa kung sino ang pagbibigyan niyon, kaya hindi iyon basta mapapalitan hanggang sa ang puso na rin mismo ang magpasyang kalimutan na ang pagmamahal na iyon. Nakita niya ang likidong pumatak sa ibabaw ng dala niyang tupperware. Shucks! Umiyak na siya ng hindi niya namamalayan. Mabilis niyang pinalis ang kanyang luh a at inayos ang kanyang sarili. Malungkot si Jeremiah dahil sa magulo nitong relasyon. At na ngako siya noon na tutulungan ito sa bawat pagkakataon na kailangan nito ng tulong. Mi nsan nitong nasabi na napapatawa niya ito. Well, ito na ang tamang pagkakataon na magamit ni ya ang talento niyang iyon ng may kabuluhan. She would make Jeremiah happy. She would make the man of her heart be happy agai n. She cleared her throat. Suminghot-singhot din siya dahil sa ginawa niyang pag-iy ak. At mukhang nahihirapan siyang pigilan pa ang kanyang sarili na maluha dahil sa patu loy na pagtugtog ng malungkot na musikang iyon. Kaya kailangan niya ng distraction. Kum uha na lang siya ng isang lemon tart sa tupperware at inisahang subo iyon para kahit pa ano ay malibang niya ang isipan. Pero laking gulat niya nang biglang bumukas ang pinto ng rehearsing studio. Luma bas si Jeremiah, hawak pa rin ang gitara nito at patuloy pa rin sa pagtugtog. Napatanga na lang siya rito. Lalo na nang imbes na kausapin siya ay sumandal lang ito sa hamba ng pinto , itinukod din

nito ang isang paa sa kinasasandalang hamba para maging suporta siguro sa gitara nito. Nag-iba ang musikang tinutugtog nito. At alam niya ang kantang iyon. It was one of Sentinel s rare beautiful lovesongs hidden within a rock music. Pero ngayong isang gitara lang ang tumutugtog, damang-dama niyang lalo ang naturang kanta. Alone, I looked up into the nighttime and I saw a comet, I wanna meet it right th is moment but I can t fly through the sky, If perhaps I got a chane to become a comet , I know I d shoot across the sky and fly away Nakatitig na lang siya rito. Hindi na niya alam kung anong klaseng pagpipigil pa ang gagawi niya para lang hindi maluha. Buwisit naman kasing lalaki ito! Kung kailan nagsisikap siyang takpan ang nararamdaman niya para hindi gaanong mahalata na nasasaktan, s aka pa siya haharanahin ng ganito. Ang sarap sipain. Hindi na tuloy niya malunok-lunok ang l intik na lemon tart na isinalaksak niya sa kanyang bibig. I ll reach for more on this momentary beam of light, I will shine light on your pre sent and tour the sky, If I got the chance to become a comet, I know I d stay by your s ide, for always He wasn t looking at her when he was playing his guitar. Kaya nang sa wakas ay mag angat ito ng tingin, inaasahan na niya ang maaaring maging reaksyon nito. Na maaari si ya nitong pagtawanan dahil tuluyan na niyang hindi napigilan ang pagpatak ng kanyan g mga luha. I must have played incredibly good for you to react like that, wika nito ng hindi pa rin kumikilos sa kinaroroonan nito. She tried to speak. She tried to tell him everything. Her feelings, her fears, h er heartaches. Nasabi naman niya lahat. Hindi nga lang nito naintindihan dahil may pasak ng lemon tart ang bibig niya. Sinadya naman niya iyon. Gusto lang niyang kahit paan o ay mailabas sa harap nito ang lahat ng kinikimkim niya, sa kahit na anong paraan. She finished her piece and swallowed her food. Saka lang siya nakapagsalita ng m atino. Kapag tumawa ka, sasapakin kita, banta niya rito. He didn t. Instead, he just stood up straight, pushed his guitar behind him, close d the distance between them, cupped her face between his palms and brushed away her te ars. Kahit kailan, hindi ko pinagtawanan ang mga babaeng umiiyak, wika nito sa pinakamalambing na boses. Lalo na yung mga nagsasalita ng mga hindi ko naiintindih an. Takot akong makulam. Yeah, right. But he just laughed and smoothered her within the comfort of his hug. Hindi na s iya nito pinakawalan pa kahit na anong gawin niyang pagpupumiglas. Ayaw na kasi niyang ma sanay sa mga kabaitan nito dahil lalo lang siyang nalululong dito. Alam niyang free for a ll ang

magmahal, pero applicable lang yata iyon para sa mga taong wala pang mga keychain s sa buhay. Kaya lang, kung ang may mga sabit naman ay tulad ng isang ito na talaga nga nama ng nakaka-adik ang kabaitan at ka-sweet-an, ano na ang gagawin ng isang pobreng nag mamahal na tulad niya? Bakit ngayon ka lang? narinig niyang tanong nito. Kanina pa kami naghihintay sa iyo rito. Yan, nakita mo na? Paano mo mapipigilan ang sarili mong mahalin ang isang tulad nito? Sorry Madaming hassle sa trabaho. Kung ganon, hindi ka na dapat tumuloy. Gabi na masyado. Ewan ko nga kung bakit pa ako tumuloy. What a stupid thing to do. Naramdaman niyang tumawa ito. Pero mukhang hindi lang ikaw ang nagpakatanga ngayon. Hindi ako tanga. I know. He took a deep sigh. Hindi ko rin alam kung bakit ako naghihintay sa iyo ri to hanggang ngayon. Biglang tila umurong ang mga luha sa tear ducts niya sa narinig. Kung ganon, hin di trabaho ang dahilan kung bakit narito pa ito hanggang ngayon? He was waiting for her! Still waiting for her! Pero sa susunod, huwag ka ng tutuloy sa isang lugar kung masyado ng gabi. Hindi l ahat ng tao, katulad kong may tiyagang maghihintay sa iyo. Ikaw din, sa wakas ay wika niya. Huwag ka na ring maghihintay sa mga taong masyado ng late dumating. Huwag kang mag-alala. Ikaw lang ang tanging hihintayin ko ng ganito katagal. CHAPTER 9 WALA NA. TALO na naman si Janeth. Paano nga ba naman siya mananalo kung ang kalaban niya ay puso niya mismo? Kung ang kalaban niya ay ang pagmamahal niya sa taong karapat-dapat namang mahalin. Naaamoy ko ang lemon tart. Hindi mo pala kinalimutan. Let s get inside. Kanina pa ako nagugutom. Ngunit nanatili lang siya sa kanyang kinatatayuan nang sa wakas ay pakawalan siy a nito. At marahil ay napansin nitong hindi siya nakasunod kaya muli siya nitong binalin gan. Janeth. Hindi ka pa kumakain? I was waiting for you. Bakit? Because I wanted to. Jeremiah He took her hand and gently pulled her inside the studio. Mamaya na tayo mag-usap . I m really hungry what happened to your hands? Nothing. I just had some minor problems in the kitchen earlier. Dahil sa paghahanda ng lemon tart? Kung kanina ay punung-puno ng lambing at kabaitan ang boses nito, ngayon ay halo s mag-isang guhit na ang mga kilay nito. Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang nangyari sa kamay niya. Sa susunod, kapag late ka na sa usapan, huwag ka ng mag-abala pang pumunta. Kung ano-ano lang tuloy ang nasusuungan mong disgrasya.

Its just minor burns. Its still burns. Bakit ba masyado kang concern sa akin ngayon? Imbes na sumagot ay tumayo lang ito. Dito ka lang. Kukunin ko lang ang first aid kid sa opisina ko.O ang mabuti pa, sumama ka na lang. May multo dito. Halos mapatalon siya sa takot sa sinabi nito. Jeremiah! Kaya nga halika na. He loosened her grip on his shirt but instead of letting her go, he just pulled her closer to him and wrapped his other arm over her shoulders. Para multo lang, natatakot ka na. Ikaw kaya ang pagpakitaan ng multo, ewan ko lang kung hindi ka matakot. Sanay na ako. Tagapaypay ko na nga lang sila rito kapag naiinitan ako. Ang yabang nito. Nagbago na naman ang mood nito nang tumawa ito. Siya man ay tila nahawa na rin s a sigla nito. Maybe she could take this moment, this special moment with him, for a while. Habang hindi pa nila kailangang harapin ang reyalidad, hahayaan na muna siguro n iyang maging maligaya naman kahit sandali ang kanyang puso sa piling ng lalaking pinil i nitong mahalin. Nakapag-set na kami ng date para sa gagawing advertising campaign against music piracy, wika nito mayamaya. Pumayag na rin ang ibang local artists na sumali sa ca mpaign kahit walang bayad. Even the movie industry had made a move to stop movie piracy . It s a long shot but, well, its worth trying. That s good news. Salamat sa iyo. Sa akin? Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang nagsaksak sa isip ko na kailangan kong gumawa ng hakbang para matigil na ang pumapatay sa entertainment industry ng bansa. You sa id that everything has to start with something. Ah. She smiled to herself. Natatandaan mo pa pala iyon? I take it my business when it comes to my business. May palagay akong ikaw na ang susunod sa mga yapak ni Bill Gates. He just smiled and opened the door to his office. Madilim doon dahil patay ang m ga ilaw. Pasok, udyok nito. Ano ako, bale? E kung may multo diyan? Lumipat siya sa likuran nito. Baka mamaya may biglang humila sa akin diyan, no? Masyado kang matatakutin. Oo, matatakutin na ako! Kaya ikaw na ang mauna riyan kung gusto mo! Napalatak na lang ito saka binuksan ang ilaw. Laking gulat niya nang ang makita ang maraming lobo na nakadikit na sa kisame ng silid na iyon, may mga nagkalat ding confetti sa sahig at sa isang bahagi ng ng silid ay naroon naka-ayos ang isang mahabang mesa na puno ng mga pagkain. Na ngayon ay puro may mga pingas na. Sa mga sofa at sahig ay naroon at tulog na tulog at magkaka-partner ang mga magkakasintahang sina Tommy at Sassa, Lancer at Jullie, Jaycob at Myla, at Raijin at Hellene. Anong

Huwag kang maingay, bulong ni Jeremiah nang hawakan siya nito ang kanyang kamay at dahan-dahan silang pumasok doon. Pagod sa rehearsal ang mga iyan. Kaya s iguro hindi na nakatiis at tinira na ang mga pagkain dito. Hinintay din nila ako? Well, para sa iyo ang party na ito. Natural maghihintay ang mga iyan ng celebrant . Kaya ba hindi sinasagot ni Myla ang cellphone niya noong tumatawag ako? Ah, no. That was my phone. Siya lang ang pinatawag ko sa iyo para siguradong pupunta ka. I turned off my phone, to add to the surprise. Crazy people. And she just love this surprise. Para sa akin talaga ito? Yes. A thank-you gift from me and the Sentinel. And probably the whole music and movie industry. Kung hindi dahil sa idea mo, hindi kami kikilos ng sama-sama par a labanan ang pinakamatindi naming kaaway sa industriya. Kung hindi dahil sa iyo, baka tuluyan ng mamatay ang entertainment business ng bansa dahil walang nagkukusa na gumawa ng paraan p ara matapos ang problema. Kanya-kanya kasi kami kung kumilos. Hindi namin naisip na parepareho lang naman kaming apektado, kaya dapat lang na magsama-sama kami para sa ikabubu ti ng lahat. Yes, iboboto kita sa susunod na eleksyon. Janeth, gigil nitong sambit. Biro lang naman, natatawa niyang wika. Napakaseryoso mo kasi sa mga sinasabi mo. Nagmukha ka tuloy politician. May balak ka bang kumandidato Janeth. Right. Ano na nga uli ang sinasabi mo? Naasar na nga yata talaga ito kaya ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Pero u matras lang siya para makatakas. Wrong move. Dahil dead end na pala ang kinaroroonan ni ya. Napasandal na siya sa malamig na haligi ng silid na iyon. Nang mapatingin siya k ay Jeremiah ay unti-unting nawala ang ngiti niya. May munting kaba rin siyang nararamdaman n gunit hindi iyon dala ng takot. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, lalo na nang m apatitig siya sa mga mata nito. Ang mga matang iyon na lagi na lang nakangiti sa kanya kahit n a nga nakatingin lang ito sa kanya. Subalit nang mga sandaling iyon, iba ang dating sa kanya ng mga tingin nito. The glint of his eyes were different as well. She couldn t described it but she felt like he was actually trying to lure her towards him. Kagaya ng mga tingin nito n gayon ang tingin na minsan nitong ipinakita sa kanya noong nag-jamming bigla ang Sentinel sa shooting ng music video ng mga ito. Inaakit siya nito! Sinubukan niyang tumakas ngunit iniharang lang nito ang isang braso nito sa kali wa niya. Bumaling siya sa kabila, ganon din ang ginawa nito. Ngayon ay wala na siya ng kawala. He was at the mercy of this wonderful, wonderful man. The man she loves. The man she couldn t have. Pero bago niya tuluyang tanggapin ang katotohanang iyon, gusto niyang subukan an g

tadhana. Sinalubong niya ang mga mata nito. At hinayaang sabihin ng kanyang mga mata ang lahat ng nararamdaman niya. Kung mabasa man nito ang mga iyon, bahala na kung an o ang susunod nitong gagawin. Kung hindi, well, tough luck. Magluluksa na lang siya sa isang tabi siguro. So here it goes. Inilapat niya sa balikat nito ang kanyang mga kamay bilang suporta sa kanyang ba lanse nang tumingkayad siya at halikan ito sa mga labi nito. Hindi siya marunong humal ik dahil ito ang unang pagkakataon niyang humalik ng isang lalaki. Parang gusto niyang maloka na ang first kiss niya ay siya pa ang gumawa ng first move. Pero bahala na. This was he r only chance, and she wouldn t waste this moment. Ngunit mukhang nakikiayon sa kanya ang pagkakataon dahil bago niya tapusin ang halik na iyon ay naramdaman na niyang humapit na sa kanyang beywang ang braso ni to. Habang ang isa nitong kamay ay unti-unting umakyat sa kanyang leeg. She could fe el like he was trying to tip up her head with his hand so she followed. Hah. Mabuti na lang at masunurin siyang bata. Dahil sa pagtingala niya rito ay napilitan siyang bahagyang ibuka a ng kanyang bibig at doon lang din niya naramdaman ang paglalim ng mga halik ni ah sino na nga b a ang humahalik kanino? Hindi na niya alam. Nagkagulo-gulo na ang isip niya dahil sa h alik na iyon. Pero mahalaga pa nga ba kung sino ang humahalik kanino? Hindi na. Ang importante , she was enjoying the hell out of her. It was her very first kiss and yet only af ter a while, she felt like she was already an expert. Heck! Who cares if this was her first kiss or no t? Why was she thinking about technicalities anyway? She should just enjoy this intoxicating, o verwhelming and sexy kiss. A kiss way, way, waaaay better than a kiss on a cheek. Dude, get a room. May mga inosente pa rito. Bigla siyang tila nagising nang marinig ang boses na iyon kaya mabilis siyang humiwalay kay Jeremiah. Nga lang, hindi siya nito hinayaang makatakbo palabas ng silid na iyon. Pinigilan siya nito sa braso kaya nagtago na lang siya sa likuran nito. Na kakahiya! Hulinghuli siyang nakikipaghalikan kay Jeremiah ng mga taong ng mga ibang tao! You should get a room of your own, Tommy, simpleng sagot ni Jeremiah. Hindi naman tulugan itong opisina ko. Hindi rin naman kissing room, singit ni Raijin na agad nakatikim ng lihim na siko mula kay Hellene. Sinabi ko na kasi sa inyo na magsiuwi na kayo. Mabuti na lang pala at naabisuhan ko yung guard na tuloy pa rin ang surpresa natin kay Janeth. Kaibigan na namin si Janeth, wika ni Julie na nakasiksik na kay Lancer. Kaya gusto rin namin siyang i-surprise. Pero mukhang kami ang na-surprise, eh. Parang gusto na niyang lumubog sa kahihiyan nang mga sandaling iyon. Talagang nasaksihan nga ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Jeremiah! Argh! Ano pa ngayo n ang mukhang ihaharap niya sa mga taong ito? Janeth, okay lang iyan, wika ni Jaycob. Yakap nito ang tulog pa ring si Myla. Kami

nga, sa public place pa nagkalat. Nakipag-highfive pa ito kina Tommy, Lancer, at Raijin na lahat ay sa mga public performances ng mga ito nagtapat sa kani-kanilang kasintahan. Sanay na kami diyan, nakangiting wika ni Sassa. He and Tommy were the only ones lucky enough to occupy the sofa. Gawain na rin namin iyan, eh. Hindi ba, Fafa Tom my? Tanungin mo kung gusto pa nila ng demo, wika ni Tommy. Naman to! Konting hiya naman, Tommy, natatawang wika nito saka binulungan ang kasintahan. Mamaya na lang kapag wala ng nakakakita. Hindi na demo iyon. Tuloy ang tuksuhan ng mga ito habang siya ay hindi na talaga mapakali sa kinalal agyan niya. Sa kabila ng mga sinabi ng mga ito, hindi pa rin talaga siya kumportable. Lalo na nga at alam ng lahat na may kasintahan na si Jeremiah. Lumalabas kasi na inaagaw niya a ng lalaki sa girlfriend nito. Okay ka lang diyan? narinig niyang tanong ni Jeremiah. Hindi. You want me to kill them? Ano ka ba? Tumawa lang ito nang pabiro niya itong suntukin sa braso nito. Gusto ko ng umuwi. Naghintay na sila sa iyo ng ganito katagal, ngayon mo pa ba sila iiwan? Napahiya naman siya agad. Pero talagang hindi siya kumportable sa sitwasyon. Kay a sa huling pagkakataon, itinodo na niya ang kapal ng kanyang mukha at hinarap ang mg a ito. Sorry sa paghihintay ninyo sa akin. May may inasikaso pa kasi akong i-importante sa negosyo ko. Pasensiya na talaga sa inyo. Dala mo ba yung lemon tarts? tanong ni Raijin. Oo. Pero naiwan namin doon sa rehearsal studio. Okay. You re forgiven. Napatanga na lang siya sa mga ito. Iyon lang? Nagtawanan lang ang mga ito. Its okay, wika ni Lancer. We understand you. Busy rin naman kami minsan kaya alam namin ang pakiramdam kapag may mga istorbong trabahong biglang dumarating, dugtong ni Jaycob. You re free to go. Isama mo na rin si Jeremiah, si Tommy ulet. Kanina pa kami nangingilo sa pagsesenti niyan, eh. Aliwin mo. Yeah. Sikmuraan mo tapos mag-sorry ka, segunda ng luka-lukang si Sassa. Masaya iyon. Tuturuan nyo pa ng kung ano-ano si Janeth. Hinila na ulet siya ni Jeremiah palabas . Diyan na nga kayo. Mga istorbo. Muli niyang nilingon ang mga ito bago tuluyang makalabas ng silid. Salamat talaga sa inyo at pasensiya na sa paghihintay ng mata gal Parang wala na ring nangyari sa mga sinabi niya dahil tulog na uli ang mga ito. O nagtutulog-tulugan na lang para makaalis na siya at nang hindi na mailang pa. Napangiti na lang siya. Thank you, really. Lalo na sa inyo, Myla, Jullie, Sassa, Hellene. All four girls raised up their hands, as if telling her you re welcome . Kapag nawala na siya sa landas ni Jeremiah, siguradong mami-miss niya ang mga makukulit na babae ng ito. Ah, well. Life must go on. So, okay ka na? tanong ni Jeremiah nang mapag-isa na uli sila sa wakas. Tumango lang siya. May firstaid kit din sa rehearsal studio. Doon na lang natin gamutin i yang sugat mo.

May firstaid kit na pala doon, bakit hinila mo pa ako rito? Silly girl. Paano ka naming masosorpresa kung hindi kita dadalhin sa opisina ko? Let s go. Sumunod na rin siya rito. Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon, kahit saan si ya nito kaladkarin ay sasama siya. That s how much her heart wanted to be with him. T hat s how much she wanted to be by his side always. Kung saan ay puwede nga lang iyon Nagkausap kami ni Lea kanina. Naramdaman niya ang reaksyon nito dahil hawak nito ang kanyang kamay. Gayunpaman, hindi siya nito binitiwan at nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad sa hallway na iyon. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakarating dito ng maaga, patuloy din niya. Umiiyak siya. Sabi niya, nagkakaproblema daw kayo. Nakarating na rin sila sa wakas sa rehearsal studio ng hindi pa rin ito umiimik. He sat her on the chair, took the medicine kit, placed it beside him and opened the tup perware with the lemon tarts on his other side. Sumubo muna ito ng isang buong piraso ng dessert bago inasikaso ang paglilinis ng paso sa kanyang kamay. Jeremiah, nakikinig ka ba? Tumango lang ito. Ang sabi ko, kinausap ako ni Lea. She wanted to fix things between you. And and she wanted me to help her. Napahinto ito sa pag-aasikaso sa kanyang kamay. Nang malunok marahil ng maayos a ng kinakain ay saka lang siya nito hinarap. Do you want to help her? tanong nito. Mahal ka niya, Jeremiah. Ikaw, mahal mo ba ako? Tameme siya sa tanong nito. Bakit bigla siyang napasok sa usapan? Well, Janeth? Do you love me? Hindi siya makasagot. Of course she wanted to say yes , pero paano si Lea? Paano an g relasyon ng mga ito? Hindi niya kayang sirain iyon. Lalo na at nakita niya ang p angungulila sa mga mata nito nang makita niya ito kanina habang tumutugtog ng gitara nito. Some how, it seemed like he still loves Lea too. No matter how much he was being good to her. Ah, that must be it. He was just being good to her. Aray. No, sagot niya nang hindi ito tinitingnan. I don t love you. Okay. wika nito nang asikasuhin na ang galos niya. I ll talk to Lea tonight. Pagkahatid ko sa iyo sa bahay mo. CHAPTER 10 MARAMI NG TAO sa venue ng press conference para sa ire-release na bagong album ng Sentinel. Karamihan ay mga reporters ng iba t ibang pahayagan at music magazine s. Subalit kahit abala si Janeth sa pag-aasikaso sa mga tauhan, hindi pa rin niya maiwasang hanapin sa mga naroon ang nag-iisang lalaking gusto niyang makita nang mga sandaling iyon. She d been frustrated with herself for the last couple of days. Gusto niyang bawii n ang mga sinabi kay Jeremiah nang huli silang magkausap nito. Pero wala ng silbi iyon ngayon. Tuluyan na itong lumayo sa kanya. Janeth. Ang naggagandahang mga babae sa buhay ng Sentinel ang nalingunan niyang palapit sa

kanya. How she wished she could be one of these lucky women. Yung masaya sa pilin g ng mga lalaking minahal ng mga ito. Kumusta? bati ni Myla paglapit. Akala ko kailangan ka pa naming batuhin ng plato para lang lingunin mo kami, eh. What? We ve been calling you, sagot ni Julie. Pero mukhang malayo ang isip mo kaya hindi mo kami naririnig. May problema ba? tanong ni Sassa. Kahit sa malayo kasi halata ang madilim mong aura, friend. Ganon ba ako ka-transparent? Well, kaming tatlo lang naman ang nakahalata, sagot ni Julie. At yung mga nakatabi naming reporters kanina. Pati na rin pala yung mga tauhan mo. Konti lang kami. She knew Julie was just kidding. Pero ang malaman na nahalata ng tatlong ito ang nararamdaman niya Sorry, sambit na lang niya. Huwag na lang ninyo akong pansinin. We can t, wika ni Sassa. Distracted kami sa itsura mo, eh. Hindi namin maatim na ang saya-saya namin tapos ikaw e nagmumukmok dito. Ano ba talaga ang problema, Janeth? tanong ni Myla. Si Jeremiah iyan, ano? Siya lang naman kasi ang tanging nakakapagbigay sa iyo ng ganyang expression. Not to mention na iba rin ang mood ng isang iyon nitong mga nakaraang araw, dugtong ni Julie. Masyado siyang naging mabait. Alam mo bang nang hingin ko sa ka nya ang Minna Studios, sinabi ba naman niyang medyo matatagalan daw ang pagli-liquify ng assets ng kumpanya niya. At kung okay lang ba na maghintay ako ng ilang buwan. Goodness! N asisiraan na siya ng bait! Baka naman nagbibiro lang iyon. Hiningan ko siya ng isang milyon, singit ni Myla. He gave me a blank cheque. Impit siyang napasinghap nang harapin ito. Did you No. Sinubukan ko lang naman siya dahil sa kuwento ni Julie tungkol sa pang-aarbor niya sa Minna Studios. Tinapik nito ang bulsa. I still have that blank cheque Myla! I m kidding. Pinunit ko na iyon, matagal na. Anyway, Janeth, you have to do something about Jeremiah, wika ni Sassa. Pati si Hellene napapraning na sa pinsan niyang iyon. Baka magising na lang tayo isang a raw e taong grasa na si Jeremiah. Janeth. Hinarap siya ni Julie. Anong nangyari sa pagitan ninyo ni Jeremiah, ha? Bak it biglang bigla e parang nawalan ng gana sa lahat ng bagay ang isang iyon. Umiwas siya ng tingin sa mga ito. Baka hindi pa rin sila nagkakasundo ni Lea. Who the hell is Lea? His girlfriend. He doesn t have a girlfriend. He does. I talked to her. She she even asked to help her make up with Jeremiah. Ay, ang engot, sambit ni Myla. Kaya naman pala ganon na lang ang pagsisintimyento ng lolo natin. Binasted na ng bruhang ito. Hindi ko siya binasted. In the first place, hindi namna siya nanligaw. Sus, kailangan pa ba ng pormal na panliligaw? Ang tatanda nyo na. Dapat common sense na lang ang ginagamit nyo. Sorry, tao lang, asar niyang wika at nilayasan na ang mga ito. Ilang araw ng bugbog-sarado ang kunsensiya niya. Tama ng torture iyon. Hindi na niya kailangan ng mga magsasabi sa kanya kung gaano siyang naging tanga nang pakawala n niya si Jeremiah. Sumandal lang siya sa isang bahagi ng venue na hindi pansinin ng mga tao at pinagmasdan ang kabuuan ng paligid. Maayos namang tumatakbo ang lahat. Maaasahan

talaga ang mga tauhan niya. Kaya siguro ay puwede na muna siyang umeskapo para mapag-is a sandali. Naninikip na kasi ang dibdib niya sa emosyong nararamdaman niya. Ngunit sa pagbaling niya upang lumabas muna sandali ay bumangga naman siya sa katawan ng kung sino. Sorry She caught that familiar spicy male scent. Napatingala siya sa taong umaalalay na sa mga balikat niya ngayon. Sinalubong siya ng guwapong mukha ni Jeremiah. Hi. Y-you re here? Obviously. Daig pa niya ang sinibat ng ilang dart sa puso sa tono nito. Tuluyan na ba itong nagalit sa kanya? Mag-iingat ka. Iyon lang at iniwan na siya nito. She could feel her heart reaching out to him as he walked away. She wanted to ca ll out to him. To call his name. To once again see those beautiful eyes of his looking gently at her. To hear him say her name again. To hear his laughter and to see his smile. Jeremiah! she called out. He didn t stop. Nagtuloy-tuloy lang ito sa grupo ng mga reporters na naghihintay sa pagdating ng Sentinel. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingala upang pigilan ang pagb agsak ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi siya puwedeng umiyak ngayon. Maraming tao at kailangan pa niyang magtrabaho. Pero lintik! Ang sakit-sakit na ng nararamdaman ng puso niya. Kaya ko to, kumbinsi niya sa sarili. Kaya ko to. Humarap siya sa kinasasandalang pader. Kaya mo iyan, Janeth. Kayanin mo. Kung ayaw mong magmukhang katawa-tawa sa harap ng maraming tao. Bigo ka na nga, hahayaan mo pa bang mapagkamalan kang bal iw? Come on, girl. Fight your feeling. Kasalanan mo naman iyan kaya tanggapin mo. Effective naman ang pakikipag-usap niya sa pader dahil ilang sandali pa ay tuyo ng muli ang mga mata niya. She tried to smile. Kaya na rin niyang ngumiti, kahit peke. M akaka-survive siya ngayon. Binalikan niya ang pagmamando sa mga tauhan nang dumating na sa wakas ang mga miyembro ng Sentinel. Ariel, may mga bagong dating na reporters sa table thirteen, wika niya sa walkie talkie. Asikasuhin nyo agad ni Dennis iyon. Lisa, someone s getting your attention on your right. Go check it out. Tuloy-tuloy siya sa pagkilos. Nang hindi makuntento ay tumulong na rin siya sa pagdadala ng mga pagkain at inumin sa mga bisita. Ilang beses niyang nahagip ng tingin ang kinaroroonan nina Sassa. They were just watching her with apologetic looks on th eir faces. Naawa naman siya sa mga ito. Mukhang na-guilty sa naging reaksyon niya kanina ka ya nilapitan niya ang mga ito. Sorry, wika niya. Na-carried away lang ako kanina. I hope we re still friends. Oo naman, sagot ni Sassa. Sorry din sa pangungulit namin sa iyo. Pakisampal na lang si Myla. Pakisipa si Julie, wika ni Myla. Pakisabunot si Myla, wika naman ni Julie. Hey, pinagtutulungan nyo na naman ako, ha? Palibhasa ang gang ko ngayon. Nagawa na rin niyang makitawa sa mga ito. Yep, she ll be fine. May gusto pa ba

kayong kainin?Para maipakuha ko na sa mga tauhan ko. Lemon tarts, meron ba? Meron. Especial request iyon ni Jeremi Napahinto siya sa pagbanggit ng pangalan ng binata. Ngayong na-recognize na naman ng puso niya ang existence ng taong minamahal, dag sa na naman ang emosyon niya. Kinailangan pa tuloy niyang ilang beses na bumuntungh ininga para lang maibsan ang nararamdaman. Kung hindi mo na kaya, puwede mo namang sabihin sa kanya. Binalingan niya si Hellene na nakalapit na pala sa kanila. Hellene Hi. H-hi. Sinulyapan nito ang kinaroroonan ni Jeremiah. Nakaupo na ito sa mahabang table a t nasa magkabilang panig ang tig-dalawang miyembro ng Sentinel. On going na pala a ng press conference. When you really love someone, patuloy nito. You just have to let it out. Set your heart free. Let yourself breathe. I can t. Why the hell not? Because I already told him I don t love him. And he already had a girlfriend. Ayoko ng makigulo sa relasyon nila. Magugulo lang ang isang relasyon kung ang isa sa magsing-irog na iyon e may feeli ng sa panggulo. Hindi yata niya naintindihan iyon, ah. Did you ask him about his feel ings? I can t do that! Malakas siyang napa-aray nang paluin siya ni Sassa sa puwetan. Aw! Puro ka I can t , wika nito. Puwede bang subukan mo namang mag-I can? For a change? Baka sakali, magbago rin ang isip ni Kupido at saglit niyang makalimutan kung gaano katigas ang ulo mo at hayaan ka na rin sa wakas na magkaroon ng chance sa taong mahal mo. Iniharap na siya ni Hellene sa direksyon ng press conference. Umpisa na ng tanung an. Go. Ask Jeremiah. About what? Anything. Itinulak na siya nito hanggang sa makarating sila kumpol ng mga nagtatanong na reporters habang sa likuran nila ay naririnig pa niya ang pagtsi-cheer nina Sass a. Napatitig siya kay Jeremiah na nakatingin lang sa tablecloth at tila ba kay lalim ng iniisip. Jeremiah Nakita niyang inagaw ni Hellene ang mikropono sa isa sa mga reporter at isinalpa k iyon sa kanya. Sumenyas ito at nakita niyang napangisi ang kasintahan nitong si Raiji n. Yes, Hellene dear? Luko-luko! Hindi ako! impit na wika ni Hellene. Magsalita ka na, Janeth. Now na. E Ah, Janeth, si Raijin ulet. Mas lalong naging kapansin-pansin ang nakakaloko niton g ngiti. What is your question? And who do you want to ask? Jeremiah. Nag-angat ng mukha si Jeremiah at diretso sa kanya ang tingin nito. Dumagundong ang kabog ng dibdib niya. Wala pa ring nagbabago. She still loves this wonderful, wo

nderful man. Kinuha nito ang mikroponong iniabot ng katabi nitong si Tommy. Yes? That tone again. Do you hate me? Nabaling sa kanya ang atensyon ng mga reporters na naroon. Na-curious din siguro ang mga ito sa tanong niyang wala namang kinalaman sa press conference na iyon. She blocked them out of her system and focused her everything to the man who sti ll owned her heart. Do you hate me? ulet niya. No. Kung ganon bakit ganyan kalamig ang pakikitungo mo sa akin? Ano sa palagay mo? He really hates her! Hindi ko alam. Bakit nga ba? Matagal muna siya nitong pinagmasdan bago nagsalita. Ipinaubaya mo ako sa ibang babae at sinabi mong wala kang nararamdaman sa akin. What do you think i would f eel? I dunno Well, I feel awful. I really thought there was something special going on between us. Yun pala, nangangarap lang ako ng gising. Ayaw niyang umasa. Ayaw niyang mag-isip na naman ng mga magagandang bagay at pagkatapos ay masaktan lang. Ngunit nang mga sandaling iyon, sa mga narinig mula rito, hindi niya maiwasang hindi umasa. Ano ba ang pinapangarap mo? tanong niya. Hindi ano kundi sino. Tinitigan siya nito. Ikaw iyon, Janeth. Ikaw ang pinapangarap ko. Anak ng kulaba! Tumatambling ang puso niya! Umugong ang tahimik na tuksuhan sa mga naroon. Mula sa likuran niya ay naririnig naman niya ang palakpakan na siguradong galing sa grupo nina Sassa. Ever since that night when I watched you sleep at my office, I ve been dreaming of you, patuloy ni Jeremiah. Dreaming and hoping that one day you would be mine. Jeremiah Ginawa ko na ang lahat ng mga puwede kong magawa para makuha ko ang atensyon mo. Nagpatulong pa nga ako sa Sentinel at sa mga girlfriends nila. Pero mukhang hindi iyon sapat. In the end, you were still out of my reach. You were still just a part of my beautiful dream. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Totoo ba ang mga iyon? But you have a girlfriend. Lea s not my girlfriend. Pero ang sabi niya Its not true. Naging magkasintahan kami, oo. Pero natapos na iyon bago pa man tay o nagkakilala. Bago pa man kita makita sa recording studio. Nakikipagbalikan si Le a. Pero imposible na iyon kung may ibang babae ng nagmamay-ari ng puso ko. Unfortunately , inayawan mo naman iyon. Dinig na dinig niya ang pagbubulungan ng mga tsismoso at tsismosang reporters. M eron pa ngang lantarang nagpapakita ng disappointment sa kanya. Hindi na lang niya pi nansin ang mga ito. Jeremiah was confessing to her, for goodness sake! Meron pa bang mas importante s a kanya nang mga sandaling iyon? Hindi kita inayawan. Akala ko lang kasi kayo pa rin ni Lea kaya hinayaan ko kayo.

Wala ka naman kasing sinasabi. You never ask. Paano kong itatanong ang ganong klase ng bagay? Nakakahiya kaya iyon. Kung ikaw nga mahal mo na pala ako e hindi ka pa rin nagsasalita sa akin, ako pa kaya. Bab ae ako. Hindi na ito nagsalita. Bagkus ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Siya n aman ay nagwawala na ang tibok ng puso. Kating-kati na ang mga paa niya na lapitan ito a t yakapin. Puwede rin halikan. Kaya lang, sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya, parang b awal pa siyang lumapit. There was still that air of aloofness in him that made her reluctant of coming to him. Then, I will ask you again, Janeth. Tumayo na ito at nag-umpisang maglakad patungo sa kanya. Do you love? Because, you know He was now standing right in front of her. I love you. At kapag sinabi mo ulet na hindi mo ako mahal, pagkatapos ng mga narin ig ko sa iyon, malulungkot na talaga ako. Ibibigay mo na nang tuluyan ang Minna Studios at ang blank cheque na iyon? Napakunot-noo ito. Myla and Julie just told me. And I probably would. Kung ganon, sorry na lang sila. Dahil mananatili sa iyo ang mga iyon. Looking deep into his eyes, she finally let go of her heart. I m sorry I lied to you. Hindi toto o na hindi kita minahal. Sinabi ko lang iyon dahil nga kay Lea. Dahil akala ko siya pa rin ang m ahal mo. Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang guwapo nitong mukha. Ang mukha ng lalaki ng minahal niya ng husto. I m sorry if I hurt you. You should be. Sorry na nga, eh. Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Hindi pa ba obvious? Ayoko ng obvious. Gusto ko ng lantarang sagot. O, sige Huwag dito. Maraming asungot. Ipinasa nito kay Hellene ang mga mikropono nila. Thanks. Holding her hand tight, he pulled her out of the conference room while everyone was cheering for them. Napapangiti na lang siya. Nagagawa na niyang mapangiti ngayon . Sino ba ang hindi, kung kasama mo ang taong mahal mo? Akala niya ay lalayas sila ng gusali. Laking gulat niya nang sa pagliko nila sa unang kanto ay basta na lang siya nito hinila sa isang sulok at siniil ng halik. Hindi na siya nakapalag. O mas tamang sabihing hindi na siya pumalag, at tinanggap na lang ang mga halik nito at tinugon nang buong puso. Kung magrereklamo pa nga naman siya, ewan na lang niya. Maarte na siya. Pareho nilang habol ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. And she couldn t help laughing. Anong nakakatawa? tanong nito. Wala. Natatawa lang ako. Nasisiraan ka na naman ng bait, mahal. He gave her another deep kiss. I love you, Janeth. I love you more, Jeremiah. Pasensiya na kung nahirapan ka nang husto sa kababawan ko. But believe me, bago pa man ako makatulog sa opisina mo, sa tingin ko minaha

l nakita. Yung mga pasulyap-sulyap ko sa iyo sa tuwing sisilip ka sa rehearsal studio noong binibitbit pa ako roon ni Jaycob. Actually sumasama lang ako sa kanya roon para lang makita ka , eh Naputol ang ano pa mang sasabihin niya nang halikan siya nitong muli. Shut up and just kiss me. Pero marami pa akong gustong sabihin. Marami pa ring pagkakataon para sabihin iyan. Sa ngayon He wrapped his arms around her and snugged cozily against her soft body as his lips once again sough t hers. Just shut up and kiss me. Okay po. With that, she happily obliged. THE END PHR

You might also like