You are on page 1of 2

Mga Bugtong:

1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo. Sagot: Buwan 2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. Sagot : Pako 3. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao Sagot: Atis 4. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona Sagot: Bayabas 5. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. Sagot: Saging 6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy 7. May langit, may lupa, May tubig, walang isda. Sagot: Niyog 8. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang laman-loob. Sagot: Alkansiya 9. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: Anino 10. Palda ni Santa Maria. Ang kulay ay iba-iba. Sagot: Bahaghari 11. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: Banig 12. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila. Sagot: Bituin 13. Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-sari Sagot: Sampayan 14. Nagbibigay na'y sinasakal pa Sagot: Bote 15. May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha. Sagot: Kabute 16. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi Sagot: Gagamba

17. Nagtago si pedro nakalabas ang ulo Sagot: Pako 18. Kung kailan pinatay,saka pa humaba ang buhay Sagot: Kandila 19. Magandang prinsesa,nakaupo sa tasa Sagot: Kasoy 20. Hindi akin hindi iyo ari ng lahat ng tao Sagot: Mundo 21. May puno walang bunga,may dahon walang sanga Sagot: Sandok 22. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin Makita Sagot: Tenga 23. Baboy ka sa pulo ang balahibo'y pako Sagot: Langka 24. Dalawang bolang sinulid abot hanggang langit Sagot: mata 25. Buto't balat lumilipad Sagot: Saranggola 26. Lumalakad walang paa lumuluha walang mata Sagot: Bolpen o pluma 27. Dalawang magkaibigan Habulan ng habulan Sagot: Paa 28. Hindi tao, hindi ibon Bumabalik pag itapon. Sagot: Yoyo 29. Mataas kung nakaupo Mababa kung nakatayo. Sagot: Aso 30. Bahay ni Tinyente Nag-iisa ang poste. Sagot: Payong 31. Hayan na, Hayan na Di mo pa makita. Sagot: Hangin 32. Iisa ang pasukan Tatlo ang labasan. Sagot: Damit 33. Eto na si Kaka, bubukabukaka. Sagot: Gunting 34. Isang magandang dalaga Di mabilang ang

mata. Sagot: Mais 35. May langit May lupa May tubig Walang isda. Sagot: Buko 36. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. Sagot: Papaya 37. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: Kampana 38. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit Sagot: Baril 39. Isang balong malalim, Punong-puno ng patalim. Sagot: Bibig 40. Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niyay nakaharap pa Sagot: Balimbing 41. Kung tawagin nilay santo, hindi naman milagroso. Sagot: Santol 42. Nang maliit ay gulok Nang lumaki nay sandok. Sagot: Niyog 43. Nang umalis ay lumilipad Nang dumating ay umuusad. Sagot: Ulan 44. Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato. Sagot: Papaya 45. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. Sagot: Saging 46. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitinbitin. Sagot: Duhat 47. Tiningnan nang tiningnan Bago ito nginitian. Sagot: Mais 48. Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal.

Sagot: Lansones 49. Ang manok kong pula Umakyat sa puno ng sampaka Ng umuwi ay gabi na. Sagot: Araw 50. Isang suman, Magdamag kong tanuran. Sagot: Unan