You are on page 1of 2

1. INTRODUKSYON Ayon sa website na www.educhoices.

org, Ang edukasyon sa kolehiyo ay makakatulong ng malaki sa pagpaparami ng sahod sa paghahanapbuhay sa hinaharap at pati na rin sa pagpapatupad ng mga pangarap. Subalit, ang pagkokolehiyo ay hindi dapat basta-basta pinapasukan. Mayroong mga iilang bagay na kailangang isipin bago sumabak sa mundo ng pag kokolehiyo. Kaya naman nga ang pagkokolehiyo ay hindi isang biro at ito ay nangangailangan ng masinsinang paghahanda dahil ang kinabukasan na ng isang mag-aaral ang nakasalalay dito. Kaya naman sa pagtuntong ng bawat estudyante sa pagkokolehiyo, maaga palang ay ilang salik na ang kanilang kailangang ikonsidera at pagdesisyunan. Ilan dito ay ang kanilang kukuning kurso, ang unibersidad na kanilang papasukan, ang mga gagastusin tulad ng tuition fee, allowance at marami pang iba. Ngunit bukod sa mga nabanggit, mayroon pang isang napakakaraniwan na bagay na pinagdedesisyunan ng bawat mag-aaral at ito ay ang pagdodormitoryo. Ang dormitoryo ay isang silid-tulugan, isang malaking kwarto na naglalaman ng madaming kama. (Merriam-Webster) May ibat ibang klase ng dormitoryo at ang pagpili nito ay depende sa socioeconomic status na pinagsamang ekonomik at sosyolohikal na kabuuang sukat ng karanasan sa trabaho ng isang tao at ng ekonomik at sosyal na posisyon ng isang indibidwal o isang pamilya kaugnay sa ibang tao base sa kinikita, edukasyon at trabaho (Wikipedia) at sa personal preference o personal na kagustuhan ng mag-aaral. Para sa mga mag-aaral na malalayo ang bahay sa napiling unibersidad ay no choice sila at wala nang patumpik-tumpik pa sa pagdodormitoryo. Pero meron din namang mga malalapit lang ang bahay na pinili rin ang ganitong klase ng pamumuhay dahil sa ibat ibang mga personal na rason. Maaaring pisikal, sosyal at emosyonal na rason ang nagtulak sa kanila upang makapagdesisyon nito at kahit na sabihin nila na para sila ay mas makapag-aral ng maayos, ang rason na ito ay karaniwan lamang at hindi parin maitatago na mayroon pang ibang mga rason sa likod nito na nais mapag-isa isa ng mga mananaliksik. Madaming mabuting epekto ang pagdodormitoryo mapa-pisikal, sosyal, o emosyonal na aspeto. Positibong epekto sa pisikal na aspeto ng estudyante sa paraan tulad ng malapit lang ang tinitirahan nito sa kaniyang unibersidad kaya mas madami ang oras ng iyong pahinga at tulog. Sa sosyal na aspeto naman ay natututo tayong makihalubilo at makisalamuha sa ibat ibang klase ng tao. Emosyonal naman sa paraan na natututo silang maging independent at doon ay nagkakaroon sila ng tiwala sa kanilang mga sarili. Pero para saan ba ang lahat ng ito? Tulad ng nabanggit kanina, ang makapagaral ng maayos ang pinakapayak na rason sa pagdodormitoryo. Mas maayos at maganda ang pag-aaral ng mag-aaral kapag ito ay nagdodormitoryo kumpara sa mga umuuwi ng kanilang bahay o tinatawag ding mga estudyanteng commuters dahil mas kalidad at mas

madami ang involvement ng mag-aaral na nakaka-apekto ng malaki sa student learning o pagkatuto at development (Astin, 1984), pagkakasama-sama ng mga mag-aaral sa akademiko at sosyal na sistema ng kolehiyo. (Tinto, 1975), at ng malaking ugnayan ng student engagement at sa academic success. (for example, Kuh et al., 2008) Kaakibat ng mga mabubuting epekto ng pagdodormitoryo ay mayroon ding mga masasamang epekto dito. Dahil sa modernisasyon ay masasabing iba na talaga ang panahon ngayon na kasabay ng pagbabago ng ating kapaligiran ay siyang pagbabago rin ng mga kabataan. Masasabi ngang malaki ang pinag-kaiba ng mga kabataan noon at ngayon kaya naman ang benepisyo sa oportunidad ng pagdodormitoryo ay madalas nilang naaabuso at nababaliwala, nawawala ang kahalagahan nito. Dumadami rin ang mga distraksyon kaya mapapansin na minsan ay kahit nasa kanila na ang lahat tulad ng maayos na dormitoryo, sapat at high-technology na mga gadgets, kagamitan at pati na rin ang sapat na allowance ay nagkakaroon parin sila ng problema hinggil sa pag-aaral dahil nahihirapan silang magpokus, dahil nababaling ang mga atensyon nila sa ibang mga bagay. At dahil sa mga ganitong senaryo, mga pangkaraniwang pangyayaring napapansin at nakikita natin na nagaganap hindi lamang sa Pilipinas kundi sa magkabilang dako ng mundo, nais naman malaman ng mga mananaliksik ang ibat ibang dahilan at pati na rin ang nakabubuti at nakasasamang epekto ang pagdodormitoryo sa pag-aaral ng mga magaaral ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Angeles University Foundation sa unang taon ng kanilang pag-aaral.

You might also like