Titser

TitserNiLiwaywayArceoTitserNiLiway wayArceoTitserNiLiwaywayArceoTits erNiLiwaywayArceoTitserNiLiwayway ArceoTitserNiLiwaywayArceoTitserNi LiwaywayArceoTitserNiLiwaywayArc eoTitserNiLiwaywayArceoTitserNiLiw aywayArceoTitserNiLiwaywayArceoTi Titser

tserNiLiwaywayArceoTitserNiLiwayw Ni Liwayway Arceo ayArceoTitserNiLiwaywayArceoTitser NiLiwaywayArceoTitserNiLiwaywayA rceoTitserNiLiwaywayArceoTitserNiLi waywayArceoTitserNiLiwaywayArceo TitserNiLiwaywayArceoTitserNiLiway wayArceoTitserNiLiwaywayArceoTits erNiLiwaywayArceoTitserNiLiwayway ArceoTitserNiLiwaywayArceoTitserNi
Pasig Catholic College High School Department S.Y. 2012 - 2013 Ipinasa ni: Julliemirl Mendoza G-18 III – Diocese of Novaliches Ipinasa kay: G. Victor Umali

PAMAGAT
Ang “Titser” ay may mga pangunahing tauhan na kapwa guro. Ipinapakita sa nobelang ito ang matatag na paninindigan ng mga pangunahing tauhan sa kanilang mga pangarap, pagmamahal at pagpapasiya. Pinakita dito na hindi lang pera o kayamanan ang sukatan ng buhay kundi ang kabutihang nagawa mo sa kapwa at ang paninindigan mo sa mga hangarin mo. Masasalamin sa akda ang pagkadakila ng pagiging isang guro na tinatawag ding – Titser. ipinapakita nito ang tingin sa mga guro sa kasalukuyan ngayon. Bukod pa rito, ang kwento nito ay nagbibigay rin ng isang mahalagang aral na dapat hindi tayo manghusga ng mga tao dahil lamang sa kanilang posisyon sa trabaho.

MAY-AKDA
Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat. Nagsulat siya ng ilang nobela kabilang dito ang Canal de la Reian at Titser. Mayroon din siyang mga koleksiyon ng maiikling kuwento tulad ng "Ang Mag-Anak na Cruz, Mga Maria, Mga Eva at "Maybahay, Anak at iba pa". Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958. Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko. Ilan sa kanyang mga napalunan ay ang Carlos Palanca Memorial Award para sa isang maikling kuwento sa Filipino noong 1962, Gawad CCO for Literature Award noong 1993, honoris causa Doctorate in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991, Catholic Authors Award noong 1990 at Gawad Balagtas Life Achievement for Fiction noong 1998. Ang kanyang huling natanggap ay ang National Centennial Commission Award para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino. Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.

MGA TAUHAN
           Amelita - Ang pangunahing tauhan ng nobela na nagpamalas ng kakaibangkatapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano nanais ng ina para sa kanya. Aling Rosa - Ang tuso at mapang aping ina ni Amelita. Mauro - Katulad ring titser ni Amelita at hindi nagtagal sila ay nagging mag-asawa.Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito upang pasukinang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulunginsa kapwa. Mas priyoridad niya ang pamilya kaysa ibang bagay. Osmundo- Isang mayamang binata na umiibig kay Amelita. Mang Ambo – Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sakanyang ina. Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinaggap si Amelita at itinuring parana ring isang anak Rosalida (Lida) – Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita.Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida atRosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita. Felisa, Norberto at Jose – Kapatid ni Amelita na ayon kay Aling Rosa sila daw ay“may sinasabi”. Si Felisa ay isang OB-Gyne; Si Jose ay isang inhinyerohabang si Norberto naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Letty – Siya ang batang pinalaki sa layaw ng magulang at paboritong apo ni AlingRosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing higit na nakakaangat si Lettysa materyal na bagay subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa kanyang pamilya. Mister Batac – Isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo. Enteng – Dating nakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makaalis.Inutusan siya ni Osmundo na patayin si Mauro subalit hindi niya ginawadahil utang niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapaaral sa anak

MAIKLING BUOD
Bilang isang guro, ang napiling karera ni Amelita, ito ay ikinasama ng loob ni Aling Rosa. Isa pang tinutulan ni Aling Rosa ay ang pagmamahalan ng kanyang anak at si Mauro, isa ring titser. Dahil sa kanyang matinding pagtutol, binalak niyang ipakasal si Amelita kay Osmundo, dati rin niyang manliligaw; ngunit, dahil hindi niya tunay na iniibig si Osmundo, nagpakasal sila ni Mauro at umalis. Umalis si Osmundo papuntang Estados Unidos ngunit bago siya umalis inutusan niya ang kanyang katulong upang patayin si Mauro. Ngunit, alam ng katulong na isang mabait na tao si Mauro kaya hindi niya ito pinatay. Dumating ang panahon na nabuntis si Amelita, ngunit makikita pa rin kay Aling Rosa ang kanyang galit para sa mag-ina. Pinangalanan niya itong, Rosalida. Isang araw, bumalik naman si Osmundo galing ibang bansa. Nagkaroon ng magarang selebrasyon. Noon din ay muling nagtagpo si Mauro, Osmundo at Amelita. Dito rin nakilala ni Osmundo si Rosalida at sila ay nagiging malapit sa isa’t -isa, ngunit tutol si Mauro at Amelita dahil sa tingin nila may masamang balak si Osmundo sa kanilang pamilya. Ngunit sa dulo, bumalik na rin si Osmundo sa Estados Unidos. Samantala, nagkasakit naman si Aling Rosa. Walang anak niya ang nag-alaga sa kanya kung hindi si Amelita. Magmula noon, napag-isip isip ni Aling Rosa na mali ang kanyang mga panghuhusga kay Amelita at sa wakas ay tinanggap na niya ang propesyon at pamilya ni Amelita ng buong buo.

REAKSIYON
Napakaganda ng nais iparating ng nobela. Ipinakita nito na kahit ang ating mga guro ay mga normal na tao rin. Pinakita nito na ang tunay at wagas na pagmamahal ay napakalakas na kahit gaano ito buwagin ng sinuman ay hindi pa rin ito masisira. Natutuwa ako sa wakas ng kuwento dahil napagtanto ni Aling Rosa na mali ang ginawa niyang panghuhusga sa anak niyang si Amelita at nagsisi siya sa kanyang mga maling ginawa. Tinuturuan tayo ng nobela na huwag maging mapanghusga at kilalanin muna ang lahat ng taong dumadating sa ating buhay.

Sanggunian: http://www.scribd.com/doc/20747528/Titser-Ni-Liwayway-Arceo http://tl.arceoliwayway.wikia.com/wiki/Talambuhay_ni_Liwayway_Arceo gygytahuhu.eb2a.com

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful