You are on page 1of 5

1

TEORYA AT PRAKTIS NG PAGSASALIN

KATUTURAN NG PAGSASALIN • Translation consists in producing in the receptor language the closest natural equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondly in style. Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa’y sa estilo (E. Nida 1959/1966) • Translation may be defined as the replacement of textual material in one language (source language) by equivalent textual material in another language (target language).

Ang pagsasalin ay pagpapalit ng tekstwal na materyal sa isang wika (SL) ng katumbas na tekstwal na materyal sa iba pang wika (TL). (J.C Catford 1965)

Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in another language.

Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika.

(P. Newmark 1977)

Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates the same message as the source language but using the natural grammatical and lexical choices of the receptor language.

Ang pagsasalin ay muling paglalahad sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng mensaheng katulad ng sa simulaang wika ngunit gumagamit ng piling mga tuntuning panggramatika at mga salita ng tumatanggap na wika.

(M. Larson 1984)

Translation is made possible by an equivalence of thought that lies behind its different verbal expressions.

Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal.

Ang isinasalin kung gayon ay ang mga salita upang sa gayong paraan ay mailipat sa pinagsasalinang wika ang diwa ng mensahe mula sa isinasaling wika. nasa kaibuturan nito ang kakayahang linggwistiko ngunit ayon kay Bassnet-McGuire (1980).FILIPINO (Wikang Isinasalin) (Wikang Pinagsasalinan) The beautiful girl. at ito ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayang pampanitikan.2 (T. Diwa at hindi salita ang isinasalin INGLES ---------------------------------. (B. Sinabi niya na sa kabila ng maraming pagsasaling naisagawa na. Hatim at I. Ang semiotics ay agham tungkol sa “signs system or sign structures. . ang pagsasalin ay nasasaklaw ng semiotics. hindi lamang wika ang kasangkot sa proseso ng pagsasalin kundi maging ang malalim na pagkaunawa sa kultura. ang mapanuring pagtanggap sa mga salin. Binigyang diin ni Bassnet-McGuire ang mahigpit na ugnayan ng teorya at praktis ng pagsasalin. sign processes and sign functions” Samakatwid. Kabilang dito ang mga pag-aaral sa mga teorya ng pagsasalin sa iba’t ibang panahon. ang isinasalin ay kahulugan o mensahe mula sa isinalin tungo sa pinagsasalinang wika. Nahahati ito sa apat na pangkalahatang kategorya. Mason 1990) Pansinin na lahat ng katuturan ay bumanggit sa salitang “meaning” o “message” na ang ibig sabihin. ang papel at tungkulin ng pagsasalin sa isang tiyak na panahon. ang pag-unlad ng mga pamamaraan ng pagsasalin. Mabubuo kung gayon ang katuturan ng pagsasalin sa Filipino bilang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin. mahalagang magkaharap at mag-usap ang mga teorisyan at praktisyoner ng pagsasalin para makatulong sa isa’t isa. ang sistematikong pag-aaral tungkol sa proseso ng pagsasalin ay masasabing ‘nasa kasanggulan pa’. ang mga hakbang sa pagpapasalin at pagpapalathala ng mga salin. Ang unang kategorya ay ang Kasaysayan ng Pagsasalin. at pagsusuri sa nga naisagawa ng mga indibidwal na tagasalin. Ang pag-aaral ng pagsasalin ay isang komplikado at malawak na larangan. Dahil maraming suliraning nakakaharap sa pagsasalin. Tagabasa A Tagabasa B Wika ang midyum ng pagsasalin. Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na nagaganap sa loob ng isang kontekstong panlipunan. Savory 1968) • Translation is a communicative process which takes place within a social context. Ang magandang babae.

at nagdagdag pa siya ng mga paliwanag sa mga bahaging malabo. Ito’y tungkol sa teorya at praktis ng pagsasaling pampanitikan. at iba pa. Si Philemon Holland (1552-1637). libretti at pati cinema. Bukod sa paliwanag na ito. Ang pang-apat na kategorya ay Pagsasalin at Poetika. Sa kategorya ring ito papasok ang mga pagtatangkang makabuo ng teorya sa pagsasaling pampanitikan. kahusayan sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin. nagkakaiba sila sa mga pamamaraang pinaiiral sa pagsasalin. Naniniwala naman sina Wyatt (1503-42) at Surey (1517-47). dubbing man o subtitling.3 Ang pangalawang kategorya ay ang Pagsasalin sa Kultura ng Tunguhang Lenggwahe . Kabilang dito ang pagsusuri kung paanong nagkaroon ng impluwensya ang isang teksto. Maraming teorisyan na nagkakaisa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang tagasalin. Sinabi rin ni Dolet na iwasan ng tagasalin ang salita-sa-salitang tumbasan. kabilang na iyong kaugnay ng pagsasalin ng mga tekstong di pampanitikan. ngunit hindi sila nagkakaisa sa teorya. na nagsasabing kailangang ‘mahuli’ ng tagasalin ang diwa ng orihinal. na nagsalin kay Livy. Naniniwala si Dolet na kailangang maunawaan ng tagasalin ang kahulugan ng orihinal na awtor bagama’t may kalayaan siya na linawin ang mga bahaging malabo. kakayahang mahuli ang diwa ng orihinal. kabilang na ang mga problemang nakakaharap sa pagsasalin ng tula. syntagmatic at sintaktik. Mga Teorya ng Pagsasalin Ang unang manunulat na nagbuo ng teorya sa pagsasalin ay ang French humanist na si Etienne Dolet (1509-46) na nilitis at nahatulan ng kamatayan sa pagiging isang erehe dahil sa maling salin ng isa sa mga dayalog ni Plato. na hindi lamang ang kahulugan ng orihinal ang dapat maisalin kundi pati ang epekto at tungkulin nito sa orihinal na mambabasa. na nagpapahiwatig ng di paniniwala sa imortalidad. kapaki-pakinabang sa pagsasalin ang aklat ni Bassnett-McGuire dahil sa pagtalakay sa mga teoryang ibinigay ng mga teorisyan sa iba’t ibang panahon. Dito pumapasok ang mga pagsusuri sa mga problemang nakakaharap sa pagpili ng mga panumbas. ay gumamit ng mga kontemporaryong terminolohiya kaya ang patres et plebs ay naging nobles at commons. leksikal. ang nagsalin kay Homer. awtor o genre sa mga pamanatayang sinusunod sa sistemang linggwistiko ng tunguhang lenggwahe. tekstong pandulaan. tulad ng lubos na pagkaunawa sa paksang isinasalin. na kilala sa kanilang mga salin ng mga tula ng Italyanong makatang si Petrach. Batay ito sa paniniwalang posibleng ilipat ang diwa at tono ng orihinal sa ibang kontekstong kultural sa pamamagitan ng isang tagasalin na singhusay ng orihinal na awtor at may tungkulin at responsabilidad hindi lamang sa kanyang pinaguukulang tagabasa kundi maging sa orihinal na awtor. Kung gayon. morpemiko. . Ganito rin ang ipinahayag ni George Chapman (1559-1634). kabilang ang paghahambing ng mga sangkap na linggwistiko ng simulaaan at tunguhang lenggwahe sa antas na ponemiko. Ang pangatlo ay Pagsasalin at Linggwistika.

na maaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan sa palagay niya’y tama. Quintilian at Jhonson. ang mga paliwanag ni Dryden tungkol kina Horace. ang mga teorya ni Pope tungkol sa pagsasalin kay Homer. ang tekstong SL ang mas mahalaga at ito ang kailangang paglingkuran nang buong katapatan ng tagasalin. ang mga pagsusuri at pahayag ay galing mismo sa mga tagasalin. Sa mahabang panahong saklaw nito. Nagkaroon ito ng sariling bokabularyo at metodolohiya. mahusay sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin. Kay Matthew Arnold (182268). Iminungkahi naman ni Friendrich Scleiermacher (1768-1834) ang paglikha ng isang hiwalay na wikang ng pagsasalin para sa pampanitikang salin lamang. Ang pangalawa ay panahon ng teorya at hermeneutic inquiry – ang pagsasalin ay iniugnay sa mas pangkalahatang teorya ng wika at isipan.4 Para naman kay John Dryden (1631-1700). Idinagdag din ni Dryden na kailangang makatugon ang tagasalin sa ilang krayterya: Kailangang siya ay isa ring makata. at nauunawaan niya ang diwa at katangian ng orihinal na makata bukod sa umaayon siya sa pamantayang pampanulaan ng kanyang sariling panahon. . Jerome. Ang unang panahon ay nagsisimula sa pahayag ni Cicero na di dapat magsalin nang verbum pro verbo at sa pagsuporta ni Horace sa ganito ring ideya. na nagbigay diin din sa estilo ng orihinal at sa pagpapanatiling buhay sa ‘apoy’ ng tula. Sinabi rin I Bassnett-McGuire na may iba’t ibang konsepto ang nangingibabaw tungkol sa pagsasalin sa iba’t ibang panahon. Kabilang sa panahong ito ang mga obserbasyon at polemika ni St. Halos ganito rin ang pananaw ni Alexander Pope (1688-1744). at napakarami pa ring dapat pag-aralan tungkol sa epekto ng iba’t ibang teorya sa proseso mismo ng pagsasalin. may dalawampung taon pagkaraan hanggang sa matalinghagang komentaryo ni Holderlin sa sariling salin niya kay Sophocles noong 1804. nagbabago ang papel at tungkulin ng tagasalin batay sa nagbabagong mga konseptong ito. nang panahong ito pumasok ang structural linguistics at teorya ng komunikasyon sa pag-aaral tungkol sa pagsasalin. Sinabi naman ni Dante Gabriel Rosetti (182882) na kailangang sundan ng tagasalin ang porma at lenggwahe ng orihinal. ang literature tungkol sa teorya at praktis at kasaysayan ng pagsasalin ay nahahati sa apat na panahon bagamat mahirap tukuyin ang aktwal na hangganan ng bawat panahon. atbp. Ang mga bagong direksyon sa pagsasalin ay tinalakay sa dalawang aklat: On Translation na inedit ni Reuben A. may tatlong uri ng salin: (1) metaphrase o salita-sasalitang tumbasan. May mahalagang teksto tungkol sa teorya tulad ng De interpretation recta (c. Ayon naman kay Steiner (1992). Ang pangatlong panahon ay nagsimula sa paglalathala ng mga unang papel tungkol sa machine translation noong mga 1940’s. at (3) imitation o malayang salin. Maraming kournal tungkol sa pagsasalin na nagsimulang lumabas sa panahong ito at ang mga propesyunal na tagasalin ay kasapi na ngayon ng m.” Nagwawakas ang panahong ito sa paglabas ng Essay on the Principles of Translation (1792) ni Alexander Fraser Tytler at ng mapagpasiyang sanaysay ni Friedrich Scleiermacher noong 1813. Ang panahong ito na tinatawag na ni Steiner na “age of philosophic-poetic theory and definition’ ay nagwakas sa pagkalathala ng Sous l’invocation de Saint Jerome ni Valery Larbaud noong 1946. 1420) ni Leonardo Bruni ngunit ang pangunahing katangian ng panahong ito ay “immediaite empirical focus. Brower at inilathala ng Harvard noong 1959 at The Craft and Context of Translation: A Critical Symposium na inedit nina William Arrowsmith at Roger Shattuck para sa University of Texas Press noong 1961. (2) paraphrase o pagsasalin ng kahulugan sa kahulugan.ga samahanang internasyonal. Kabaligtaran naman ito ng paniniwala ni Edward Fitzgerald (1809-63) na “mas mabuti na ang buhay na maya kaysa sa pinatuyong agila” na nangangahulugan ng pagkiling sa isang pumipintig na teksto kaya ang tagasalin ay may layang idagdag sa salin ang sariling ideya.

.5 Ang pang-apat na panahon ay kasabay na umiiral ng pangatlo at nagsimula noong kapapasok ng dekada 60. Ang “pagkatuklas” sa papel ni Walter Benjamin na pinamagatang “Die Aufgabe des Ubersetzers” na unang nalathala noong 1923 at impluwensya nina Heidegger at Hans-Georg Gadamer ay nagpapakita ng pagbalik sa hermeneutic at halos metapisikal na pagsisiyasat sa pagsasalin at interpretasyon.