Part 2: Great Joy (1:57–2:20

)
July 7, 2013

Introduction

Noong nakaraang Miyerkules ay isinilang ang pangalawang anak namin na si Stephen Lucas. Masaya kaming mag-asawa, obviously. Pati ang mga kapamilya at kamag-anak namin, at kayo rin dito sa church. Masaya naman talaga kapag may bagong miyembro sa pamilya. Masaya kasi regalo ito ng Diyos sa amin. And with this gift from God, you also celebrate with us. We celebrate because we recognize that God is the giver of joy. Pero karaniwang problema natin ay iyon bang nakukuntento na tayo sa "lesser joys" gayong merong "greater joy" ang inilalaan ng Diyos para sa atin. Oo nga't "joy" ang pagkakaroon ng baby, pero lesser joy iyon kumpara sa makikita nating "greater joy" sa kuwento natin ngayon. Mahalaga ito kasi ang mga estudyante masaya na kung makagraduate, ang mga tatay masaya na kung kumita ng malaki para sa pamilya, ang mga nanay masaya na kapag merong "career" at hindi nakakulong lang sa bahay. We

measure our joy by the things we have. Kapag walang pera, walang anak, siyempre may kalungkutan iyan. Pero kung alam mo kung ano o sino ang greater joy na nasa kuwentong pagaaralan natin ngayon, wala ka mang pera o anak, posible pa rin at garantisado ang kagalakan para sa iyo. At kung may pera ka man o may anak, mas maeenjoy mo ang mga blessings na ito na galing sa Diyos. Last week, nakita natin ang pangako ng Diyos kay Zacarias na magkakaroon sila ng anak ni Elizabeth kahit matanda na sila pareho. Tinupad ng Diyos iyon at nagbuntis si Elizabeth. Nakita rin natin ang pangako ng Diyos kay Maria na magbubuntis siya kahit birhen pa siya. Natupad din iyon at nagbuntis siya. Parehong imposible sa tao. Pero tinupad ng Diyos dahil walang imposible sa kanya. Promise fulfilled! Ngayon naman, tingnan natin kung ano ang resulta o epekto sa kanila - at sa Israel at sa atin din - ng mga pangyayaring iyon.

The Story
Sa pagdating ng oras ng panganganak ni Elizabet, nagsilang siya ng isang anak na lalaki. Nakigalak sa kanila pati ang mga kamaganak niya nang mabalitaan kung paanong lubos siyang kinahabagan ng Panginoon. Sa ikawalong araw ng sanggol, dumalo ang mga kapitbahay at kamag-anak nila sa pagtutuli sa kanya. Gusto nilang pangalanan ang bata ng Zacarias tulad ng kanyang ama. Pero sinabi ni Elizabet, "Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya." Sabi nila, "Pero wala namang may ganyang pangalan sa pamilya n'yo." Kaya tinanong nila ang ama sa pamamagitan ng senyas kung ano ang gustong ipangalan sa sanggol. Isinulat niya, "Juan ang pangalan niya." Nagtaka silang lahat. Noon din ay nakapagsalita na si Zacarias at nagpuri sa Diyos. Sabi niya, "Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat dinalaw niya at tinubos ang kanyang bayan. Sinugo niya ang makapangyarihang Tagapagligtas mula sa angkan ni David ayon sa kanyang ipinangako kay Abraham at sa mga propeta noon pa. Napakalaki ng kanyang awa sa atin dahil ipapadala niya ang Tagapagligtas na tulad ng pagsikat ng araw na magbibigayliwanag sa mga nasa kadiliman at gagabay sa atin kung paano mamuhay nang may mabuting relasyon sa Diyos."

Sabi pa niya, "Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos, dahil ihahanda mo ang pagdating ng Panginoon. Ituturo mo sa mga tao kung paano sila maliligtas sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan." Nangilabot ang lahat ng kapitbahay nila, at naging usap-usapan sa buong kabundukan ng Judea ang pangyayaring iyon. Nag-isip sila at nagtanong, "Magiging ano kaya ang batang ito?" Sapagkat malinaw na nakita nilang sumasakanya ang Panginoon. Nang mga panahong iyon, iniutos ng emperador ng Roma ang pagkuha ng sensus sa lahat ng bayang sakop niya. Kaya mula sa Nazaret sa Galilea, isinama ni Jose si Maria (na kapwa mula sa lahi ni David) sa Betlehem para magpalista. Ito ang bayang sinilangan ni David. Habang nasa Betlehem sila, dumating na ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot ng lampin at ihiniga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan. May mga pastol naman na nagbabantay ng kanilang tupa sa isang parang na malapit sa Betlehem. Biglang nagpakita sa kanila ang isang anghel at nagningning sa paligid nila ang nakasisilaw na liwanag ng Panginoon. Natakot sila. Pero sabi ng anghel, "Huwag kayong matakot dahil naparito ako para sabihin sa inyo ang magandang balita na magbibigay ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristo na siyang Panginoon." Pagkatapos nito biglang may nagpakita na napakaraming anghel na sama-samang nagpupuri sa Diyos, "Purihin ang Diyos sa langit! May kapayapaan na sa lupa, sa mga taong kinalulugdan niya." Pagkatapos, dali-dali namang pumunta ang mga pastol sa Betlehem at nakita nga nila sina Maria at Jose at ang sanggol na nasa sabsaban. Ikinuwento ng mga pastol ang sinabi sa kanila ng anghel. Nagtaka ang lahat ng nakarinig nito, pero iningatan ito ni Maria sa kanyang puso, at pinagbulay-bulayan ang lahat ng ito. Pagkatapos ay bumalik naman ang mga pastol na labis ang pagpupuri sa Diyos dahil sa lahat ng nangyari.

The God of Great Joy

Hindi bago ang kuwentong ito sa marami sa atin. It's a familiar Christmas story. Pero mahalaga na ipaalala sa atin na hindi lang ito kuwento - para malibang natin ang mga anak natin, o magbigay-aral o moral lesson sa kanila kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin. Luke was not just concern about history - for imformation or for entertainment. His primary concern is theology. Ganoon din dapat ang concern natin. Dapat tingnan natin kung paano ipinakilala ng Diyos ang sarili niya sa kuwentong ito. Kung mapapansin n'yo ang mood ng kuwento, magsasabi ito ng isang malinaw na bagay tungkol sa Diyos natin. Hindi ba't kapansin-pansin ang masayang "mood" sa kuwentong ito? Nang magsilang si Elizabeth, nakigalak sa kanya ang mga kapitbahay at kamag-anak niya. Nang makapagsalita na si Zacarias pagkatapos mapipi nang siyam na buwan, unang lumabas sa bibig niya ay awit ng pagpupuri sa Diyos. Nagpakita ang anghel sa mga pastol at ibinalita ang "good news of great joy" tungkol sa pagsilang ni Jesus. Laksa-laksang mga anghel ang umawit ng papuri sa Diyos. Ang mga kuwentuhan nila at mga usapan tungkol sa nangyayari, maiimagine n'yo kung anong ngiti ang nasa kanilang mga mukha. Obviously this story is a story of "Great Joy" - because our God himself is a God of great joy. God is greatly faithful. Tulad ng sinabi ng anghel kay Zacarias nine months before, dumating nga ang oras (1:57) ng pagsilang ni Elizabet. Tinutupad ng Diyos ang ipinapangako niya. Hindi lang ng nakaraang siyam na buwan kundi maging libu-libong taon na ang nakakaraan. Malinaw na ito ang nangingibabaw sa kasiyahan ni Zacarias. Na ang ginawa ng Diyos ay katuparan ng kanyang mga sinabi sa pamamagitan ng mga propeta. Na inalala ng Diyos, at hinding-hindi niya kinalimutan, ang pangako, ang kasunduan, ang tipan na kanyang pinagtibay kay Abraham (1:72, 73). Anong pangako iyon? "And I will establish my covenant between me and you and your offspring after you throughout

their generations for an everlasting covenant, to be God to you and to your offspring after you" (Gen 17:7). Pangako ng Diyos ang isang magandang relasyon sa kanya. Ang pagtutuli sa ikawalong araw ay tanda ng pangakong ito ng Diyos (Gen 17:12), kaya nga ipinatuli si Juan sa ikawalong araw (Luke 1:59). Sa pagdating ni Juan, kasunod ang pagdating ng Tagapagligtas na magsasagawa noon. Alam ni Zacarias iyon. Tiyak iyon para sa kanya (ibang iba sa una niyang attitude nang di siya maniwala sa sinabi ng anghel). Sa awit nga niya, puro past tense halos ang ginamit niya (visited, redeemed, raised up, delivered) kasi para sa kanya, garantisado nang mangyayari iyon, walang duda. Alam niyang ang Diyos ay "greatly faithful" - that's why there's great joy. God is greatly merciful. "The Lord had shown great mercy (not just mercy, but great mercy)" to Elizabeth (1:58). Obvious iyan sa mga tao sa paligid nila. And not just to Elizabeth, but to his people. Sabi sa awit ni Zacarias, "He has visited and redeemed his people" (1:68). Na para bang isang tao na dumalaw sa maysakit o sa isang taong nakabilanggo dahil sa awa sa kanyang kahabag-habag na kalagayan. At hindi lang basta dumalaw kundi siya rin ang magpapagaling sa ating sakit na dulot ng kasalanan, siya ang magliligtas sa atin. Bakit niya gagawin iyon? Not because we deserve it. We don't! Verse 78, "Because of the tender mercy of our God." Ang salitang "tender" diyan ay literal na galing sa salitang "bituka" na para bang sinasabing ang awa ng Diyos sa atin ay galing pa sa kailaliman ng kanyang pag-ibig sa atin. This is an expression of "deep-seated personal feeling," implying that "salvation is ultimately an act of God's mercy" (Bock, Luke Vol. 1, BECNT, 191). Ang mga pastol sa may Betlehem, karapat-dapat ba silang unang makabalita sa kapanganakan ni Jesus? Hindi ba't itinuturing silang mababa sa lipunan, marumi, walang pinagaralan? Tapos nang magningning ang "glory" ng Panginoon sa kanila, natakot sila kasi walang tao na posibleng makakita sa kaningningan ng Diyos nang hindi mamamatay. Pero sabi ng anghel, "Fear not, for behold, I bring you good news of great

joy that will be for all the people" (Luke 2:10). Naranasan ni Zacarias at Elizabet, naranasan ng mga pastol ang "great joy" dahil nakita nila na ang Diyos ay "greatly merciful." God is greatly in control. Ang Diyos ang may control ng dila ni Zechariah sa loob ng siyam na buwan. Siya rin ang nagdesisyon na makakapagsalita na siya (Luke 1:64). Nang umawit siya ng papuri sa Diyos, ang mga salitang lumabas sa kanya ay under the control din ng Diyos, "filled (or controlled) by the Holy Spirit (1:67). Nakita ng mga tao na ang kamay ng Panginoon ay nakay Juan (1:66). God is in control of the events of his life. Ang pagpunta ba ni Jose at Maria sa Betlehem ay dahil sa pasya ng emperador tungkol sa sensus (2:1) kaya aksidenteng doon ipinanganak si Jesus? Hindi ba't ang Diyos ang nagtakda, ayon sa Micah 5:2, na sa Betlehem isisilang ang darating na Messiah? At dumating ang oras ng kapanganakan ni Maria, dahil ba sa natural na biological process? Hindi ba't dahil sa pasya ng Diyos: "But when the fullness of time had come, God sent forth his Son, born of woman" (Gal. 4:4). Oh, there is great joy because God is greatly in control. Ikaw naman, bakit ka masaya sa mga blessings na tinatanggap mo? Bakit ka naman malungkot dahil parang kinakapos ka? Masaya ka ba dahil kontrolado mo ang nangyayari sa buhay mo at ang mga gusto mo ang nasusunod? O masaya ka kasi alam mo at nararanasan mo at kinikilala mong ang Diyos natin ay greatly faithful, merciful and in control?

The Child who Brings Great Joy

Para pala maranasan natin ang lubos na kagalakan, dapat kilala natin ang Diyos. Ibig sabihin, dapat meron tayong mabuting relasyon sa Diyos. Ito ngayon ang problema. Dahil sa kasalanan, nawala sa tao ang tunay na kagalakan. Oo nga't akala ng mga tao masaya sila kasi maraming pera, may boyfriend, may malaking pamilya, pero sa puso ng tao mararamdaman niyang may kulang. Kasi nga hiwalay tayo sa Diyos - our true and greatest joy. Kaya mahalaga sa mga Judio ang katotohanan ng "shalom" - na karaniwang salin natin ay

peace o kapayapaan. This is not just the absence of war or conflict, but a sense of wholeness, of completion. Para mangyari iyon, meron dapat bumuo sa sirang relasyon natin sa Diyos. At iyan ang dahilan kung bakit ipinanganak ang sanggol sa sabsaban sa Bethlehem. Siya ang tinutukoy ni Zacarias na "sunrise" who "shall visit us from on high to give light to those who sit in darkness and in the shadow of death, to guide our feet into the way of peace" (1:78-79). Wala nang ibang daan patungo sa tunay na kagalakan kundi sa pamamagitan lamang ni Jesus. Kaya naman nag-awitan ang heavenly choir, "Glory to God in the highest, and on earth peace among those with whom he is pleased!" (2:14 ESV) Oo nga't marami rin ang natuwa sa pagsilang kay Juan, pero hindi sa kanya manggagaling ang "great joy." Alam iyon ni Zechariah, kaya nga sa pasasalamat niya sa Diyos, ang ipinagpasalamat niya unang-una ay hindi si Juan kundi ang pagdating ng Tagapagligtas at si Juan sa relasyon niya sa pagdating ng Tagapagligtas. Sabi ng anghel sa mga pastol, "Fear not, for behold, I bring you good news of great joy that will be for all the people. For unto you is born this day in the city of David a Savior, who is Christ the Lord" (Luke 2:10-11). Limang bagay ang matututunan natin dito tungkol kay Jesus... Jesus is the Christ. Ang "Cristo" ay galing sa Hebreo na "Messiah" o "the Anointed One." Ito iyong itinalaga ng Diyos sa isang partikular na tungkulin tulad ng isang hari. Pero sa paglipas ng panahon, ito ay naging titulo para sa isang Haring darating na galing sa lahi ni David na ipinangako niya kay David, "And your house and your kingdom shall be made sure forever before me. Your throne shall be established forever" (2 Sam. 7:16). Makikita nating magkasama ang ideyang ito sa awit na ito, "Great salvation he brings to his king, and shows steadfast love to his anointed, to David and his offspring forever" (Psa 18:50). Jesus is the King. Kaya nga binanggit ang bayang sinilangan ni David para ipakitang galing siya sa lahi ni David at karapatdapat maupo sa trono bilang Hari.

Jesus is the Savior. John will give people the knowledge of salvation. Jesus himself is our salvation. Oo nga't naghihintay sila ng magpapalaya sa kanila mula sa pamamahala ng mga Romano, pero sa ngayon, hindi muna iyon ang priority. Kundi ang palayain sila at iligtas sa pagkakaalipin sa kamandag at parusa ng kasalanan. Si Jesus lang ang makagagawa noon. Walang sinumang tao ang makapagbibigay solusyon sa napakalaking problema ng tao. Oo nga't tao ang isinilang sa sabsaban, pero hindi lang siya basta tao kundi Diyos mismo. Jesus is the Lord. Siya mismo ang Panginoon. The Lord of lords and the King of kings. He is the Anointed Savior who rules as King of kings and Lord of lords. John's birth was celebrated by relatives and by some people in the community. A heavenly choir sings and celebrates of his birth. Jesus is a Man. Oo nga't mas dakila si Jesus kaysa kay Juan at sa lahat sa atin. Pero pansinin din nating may pagkakatulad tayo sa kanya. Sa halip na sa loob ng palasyo siya ipanganak, sa isang sabsaban na lugar para pakainin ang mga hayop. Sa halip na balabal para sa isang hari, isang lampin tulad ng isinuot din sa ating pagsilang. Siya ay Diyos na nagkatawang tao, hindi lang iyon, kundi nagpakababa na parang isang alipin (Phil. 2:57). Para ano? Para maging tagapamagitan natin sa Diyos, para maibalik tayo sa Diyos, ang ating tunay na kagalakan. Ganyan katindi ang awa ng Diyos sa atin. Jesus is born. Are you born again? God desires to make him known to all. Do you really know him? God is mighty to save. Are you saved by Jesus? Jesus is Lord. Do you follow and submit to him as Lord? Kung kay Jesus lang matatagpuan ang tunay na kagalakan dahil tanging siya lang ang daan para mailapit tayo sa mabuting relasyon sa Diyos, kung hindi mo kinikilala si Jesus na Panginoon at Tagapagligtas, imposible na magkaroon ka ng kagalakan sa buhay. Alam ito ng mga tauhan sa kuwento natin, kaya nga halos lahat ng reactions at responses na makikita natin ay "joyful."

Joyful Responses

Joyful reflection. Mga tatay, siguro sa sobrang kaabalahan natin, nawawalan na tayo ng oras para pagbulayan, pag-isipan, namnamin ang mga bagay na nagbibigay ng kagalakan - ang mga bagay tungkol sa Diyos. Nang makita nilang "Juan" ang pangalang ibinigay ni Zacarias sa bata, anong reaksyon nila? "And they all wondered" (1:63). Pero para kay Zacarias, alam na niya, napag-isipan na niya. Hindi niya masasabi ang mga inawit niya kung hindi siya nagkaroon ng reflection. Nine months na katahimikan para mapag-isipan niya ang significance ng mga mangyayari. There's joyful reflection. Nang ibalita naman ng mga pastol ang narinig nila sa anghel, anong reaksyon ng mga nakarinig? "And all who heard it wondered at what the shepherds told them" (2:18). Pero iba si Maria, alam niya. "But (in contrast) Mary treasured up all these things, pondering them in her heart" (2:19). Na ang mga ipinahayag tungkol sa kanyang anak ay parang isang kayamanang ingat-ingat niya sa kanyang puso, para hindi mawala, pinagbubulay-bulayan. Ibig sabihin, dahil nasa puso ni Maria at nasa isip niya, alam niya kung anong ang "true sense or significance" (sumballo, EDNT) ng mga pangyayaring ito. That's joyful reflection. Mga nanay, abala din naman kayo sa mga gawaing bahay o kaya ay sa trabaho n'yo o kaya ay sa ministry. Kailan ka huling nagreflect sa salita ng Panginoon para sa iyo? Joyful submission. Noong una, hindi naniwala si Zacarias sa sinabi ng anghel. Pero after nine months, napag-isip-isip niya na totoo nga ang salita ng Panginoon, at walang ibang response kundi masayang magpasakop sa kalooban ng Diyos. Nang sabihin ni Elizabet na Juan ang ipapangalan sa anak niya, nagprotesta ang mga kamag-anak kasi hindi naman iyon ang nakagawian nila. Gusto nila Zacarias Jr. ang ipangalan kasi karaniwang galing sa tatay o sa lolo ang pangalan ng panganay noon. Pero hindi man ayon sa nakagawian, basta susunod sila sa kalooban ng Diyos. Sinulat ng ama, "His name is John." Para sa kanya bago pa ipanganak, iyon na ang pangalan niya, kasi Diyos ang nagbigay, siya ang masusunod. Hindi ang pangarap

at plano ng magulang, kundi ang pagkatawag at plano ng Diyos. That's submission. Kaya nga sabi niya sa awit niya na ang layunin ng pagliligtas ng Diyos ay ito: "that we...might serve him...all our days" (1:74, 75). Medyo mahabang panahon ang lumipas para matutunan iyon ni Zacarias. Pero itong mga pastol, pagkasabi pa lang ng anghel tungkol sa kapanganakan ng Mesias at kung saan, naniwala agad, kaya ano? "They went with haste" (2:16). Wala nang tanong, walang pag-aatubili, walang pag-aalinlangan, sunod agad. Tulad din ng reaksiyon ni Zaccheaus nang makita siya ni Jesus sa itaas ng puno at sabihing, "Hurry and come down," "...So he hurried and came down and received him joyfully" (19:5-6). That's joyful submission. Joyful Story-telling. Hindi lang mga kamag-anak nila Zacarias ang nakabalita tungkol kay Juan, pati mga kapitbahay, pati buong Judea at pati sila ay naging masaya rin (1:58). Tulad ng sinabi ng anghel sa kanya, "You will have joy and gladness and many will rejoice at his birth" (1:14). Paano magsasaya ang marami kung hindi naman makakarating sa kanila ang balita? Ang mga pastol ibinalita kina Maria ang sinabi ng anghel. Marami rin ang natuwa. Ang tungkol sa kapanganakan ni Jesus sabi ng anghel ay "good news of great joy that will be for all people" (2:10). Lahat ng tao - mayaman man o mahirap, lahat ng bansa - relihiyoso man o komunista. Paano magiging magandang balita sa kanila iyon kung hindi naman nila maririnig? Kaya nga iyon ang focus ng ministry ni John, para ibalita sa mga tao ang tungkol sa pagdating ni Jesus, para ihanda sila sa pagsisisi. Dahil ang mga tagapagbalitang ito ay nakaranas ng kagalakang nag-uumapaw sa puso nila at hindi nila mapigilang sabihin sa iba na alam nilang hindi makakaranas ng tunay na kagalakan hangga't di nila nakikilala si Jesus. That's joyful Story-telling.

Mga magulang gusto n'yong maging masaya ang anak n'yo? Hindi edukasyon ang ibibigay n'yo, hindi kayamanan, hindi kaginhawaan sa buhay, kundi ang Kuwento kung paanong si Jesus ang tunay na kagalakan nila. Mga kabataan, wag n'yong isiping kayo ang makakapagpaligaya sa mga kaibigan o sa boyfriend o girlfriend n'yo. Wag kung anu-anong kuwenton ang ikuwento n'yo. Tell them the Story of Jesus! Joyful praises. This is the whole point of the story. May great joy para maibalik natin sa Diyos ang papuri na nararapat sa kanya. At galing ito sa pusong nag-uumapaw sa kagalakan hindi dahil obligasyon, hindi dahil tradisyon, kundi dahil we are overflowing with joy. We get the joy, God gets the glory. Si Zechariah, pagkatapos ng siyam na buwang pagkapipi: "He spoke, blessing (eulogeo, "speak well of someone") God" (1:64). "Blessed be the Lord God of Israel, for..." (1:68). Masaya siyang nagpuri sa Diyos. Ang mga anghel? Umaawit sa tuwa: "Glory to God in the highest" (2:14). At sa dulo ng kuwento natin? "And the shepherds returned, glorifying and praising God for all they had heard and seen, as it had been told them" (2:20 ESV). The story of John's birth ends in praising God. The story of Jesus' birth ends in praising God. Because that's the goal of their life's story. That's the goal of our life's story - joyful praises.

God is Our Greater Joy!

Malinaw na makikita natin na meron tayong Diyos na hindi lang nagbibigay ng mga blessings para maenjoy natin. Kundi siya mismo ang ating "great joy." Imposible ang tunay na kagalakan kung malayo ang relasyon natin sa kanya. Kaya isinilang si Jesus para dalhin tayo sa malaking kagalakang iyon. At kung nagtitiwala tayo kay Jesus, nasa atin ang kagalakang iyon, at mag-uumapaw iyon sa pagbubulay-bulay, sa pagsunod sa Diyos, sa pagkukuwento sa iba tungkol kay Jesus, at sa ibayong pagpupuri sa Diyos.

Nasa iyo na ba ang lubos na kagalakang iyon? Kung wala pa, ibig sabihin wala pa sa iyo si Jesus. Lumapit ka sa kanya, wala ka nang makikitang iba na tulad niya. At kung nasa iyo na si Jesus, ibig sabihin, lubos na ang kagalakan ang nasa iyo. Hindi mo makukuha iyon sa maraming pera, o sa malaking pamilya, o sa maginhawang buhay, o sa mataas na edukasyon o reputasyon. Pero bakit masaya kami na dumating si Stephen Lucas sa buhay namin at marami ang nagsasaya din sa inyo sa mga blessings na tinatanggap n'yo? Ito ay dahil panibago na naman itong pagkakataon para higit na makilala namin ang Diyos at maipakilala si Jesus sa aming mga anak. Ito ang pinakamainam na maibibigay namin sa aming mga anak - ang tunay na kagalakan na kay Jesus lang matatagpuan.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful