Part 4: Well Pleased (3:1-38

)
July 28, 2013

The Story
Ang batang si Juan, na anak ni Zacarias, ay lumaki at lumakas sa espiritu. Nanirahan siya sa ilang hanggang sa araw na nagsimula siyang mangaral sa mga Israelita. Nang siya ay 30 taong gulang na, sa panahong si Tiberius ang emperador ng Roma, dumating ang salita ng Diyos kay Juan doon sa ilang. Si Pilato noon ang gobernador ng Judea at si Herodes (Antipas na anak ni Herod the Great) naman ang pinuno sa Galilea. Ang mga punong pari noon ay sina Anas at Caifas. Nilibot ni Juan ang mga lugar sa magkabilang panig ng Ilog ng Jordan. Nangaral siya sa mga tao na kailangan nilang magpabautismo (o magpalubog sa tubig) para ipakitang pinagsisisihan na nila ang kanilang mga kasalanan para mapatawad sila ng Diyos. Sa ginawa niyang ito, natupad ang isinulat ni Propeta Isaiah: "Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang na nagsasabi: 'Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang daraanan! Matatambakan ang mga mababang lugar

at mapapatag ang mga kabundukan. Matutuwid ang mga likulikong daan at maaayos ang mga baku-bakong daan. At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos." Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, "Kayong lahi ng mga ahas! Sino ang nagsabi sa inyo na makakaiwas kayo sa darating na parusa ng Diyos? Kung tunay na nagsisisi kayo sa mga kasalanan n'yo, ipakita n'yo ang bunga nito sa inyong mga gawa. Huwag ninyong isiping maliligtas kayo dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Tandaan n'yo: kahit ang mga batong ito'y magagawa ng Diyos na mga anak ni Abraham. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy." Tinanong siya ng mga tao, "Ano ang dapat naming gawin?" Sumagot si Juan, "Kung meron kayong dalawang damit, ibigay n'yo ang isa sa walang damit. Kung may pagkain kayo, bigyan n'yo ang walang makain. Kayong mga maniningil ng buwis, sumingil kayo nang tama. Kayong mga sundalo, huwag kayong mangingikil. Makuntento kayo." Inakala ng mga tao na baka si Juan ang Cristo (Mesias) na hinihintay nila. Pero sabi ni Juan, "May parating na mas makapangyarihan sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat na maging alipin man lang niya. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at apoy. Ang gagawin niya'y tulad ng paghihiwalay ng mga ipa sa butil ng trigo. Ilalagay niya ang mga trigo sa bodega at ang ipa'y susunugin niya sa apoy na hindi namamatay." Marami pang mga bagay ang ipinangaral ni Juan sa pagpapahayag ng Magandang Balita. Sa kabila noon, ibinilanggo siya ni Herodes dahil napagsabihan siya ni Juan sa kanyang mga kasalanan. Kinasama kasi ni Herodes ang asawa ng kanyang kapatid. Isang araw, bago mabilanggo si Juan, nagpabautismo din si Jesus sa kanya. At habang nananalangin si Jesus, bumukas ang langit, at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu na tulad ng isang kalapati. At may boses mula sa langit na narinig, "Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan." Tatlumpung taon si Jesus nang magsimula siya sa kanyang ministeryo. Akala ng maraming tao ay anak siya ni Jose. Pero ang katunayan, anak siya ni David, anak siya ni Abraham, anak siya ni Adan, Anak siya ng Diyos.

Our Problem
We are desperate to please other people. Lalo na ang tatay at nanay natin. Hindi ba noong bata tayo siyempre gusto natin natutuwa sa atin ang mga magulang natin. Nasasabihan tayo ng magagandang bagay. Gusto natin napapansin tayo, pinaglalaanan tayo ng sapat na atensiyon. Lahat sa atin, natural na people-pleasers tayo. Kung tutuusin wala namang masama kung ganoon ang gusto ng bata, siyempre may needs tayo na dapat tugunan ng mga magulang. Pero isang malaking problema ang pumapasok kapag sa tingin natin o nararamdaman nating hindi natin napiplease ang parents natin. Iyon bang hindi na sila natutuwa sa atin. Iyon bang masabihan kang bobo o tanga, tumatatak sa isip natin iyon. O kaya ay iniwan ka ng tatay mo o palaging wala siya sa bahay mo, ang feeling mo hindi ka karapat-dapat sa oras at atensiyon niya. Anong response natin dun? We project an identity to please other people. Siyempre sa simula itry mo munang maplease ang parents mo. Magpapakagood boy o nice girl ka ngayon. Kasi ang kapatid mo napapansin, ikaw hindi. Susubukan mong maging good student para makuha ang atensiyon nila. Kung hindi pa rin, ang iba nagrerebelde mapansin lang. O ibabaling na sa iba, sa mga kaibigang pumapansin sa kanila. Ang iba dadaanin sa church ministries para marecognize ng ibang tao. We project an identity para mapansin tayo ng ibang tao. Identity na pinili natin o ipinilit sa atin. Ang iba dahil sinabihan silang "bakla" pinangatawanan na. Ang iba sinabihang walang kuwenta, salot ng lipunan, iyon na nga ang naging tatak sa kanya hanggang sa pagtanda. Ang nagiging problema ngayon natin sa buhay ay dahil mali ang pinaghuhugutan natin ng identity natin. We wrongly define our identity. Ito yung kung paano natin ipiniprisenta ang sarili natin sa iba. Para ba maganda ang tingin nila sa atin, para ba maganda ang sasabihin nila tungkol sa atin, para ba maganda ang iisipin nila tungkol sa atin.

We wrongly define our identity by our possessions. Akala natin kapag mas marami tayong pera, mas modern ang mga gadgets natin, o mas magara ang bahay o sasakyan natin, bigatin ang tingin sa atin ng ibang tao. Kaya nga sabi ni Juan sa mga tao, "Kung dalawa ang damit ninyo - ibigay n'yo ang isa sa walang damit. Kung may pagkain kayo at merong iba na walang makain, bigyan n'yo." Mahirap gawin iyon ng isang taong nakakabit ang identity niya sa kung ano ang meron siya. Kung 50,000 pesos ang income mo buwan-buwan, tapos naging 10,000 pesos na lang, feeling mo nabawasan ang galing mo, feeling mo bababa na ang tingin sa iyo ng ibang tao. Ganoon din ang mga tax collectors - kaya sumisingil sila ng sobra-sobra. Pati mga sundalo, feeling nila kulang ang sahod nila, kaya ginagamit nila ang kapangyarihan nila para kikilan ang mga tao. Also, we wrongly define our identity by our position. Oo nga't ang mga tax collectors at mga soldiers ay hindi maganda ang tingin ng mga Judio sa kanila kasi feeling nila ang mga ito ay tuta ng mga Romanong sumasakop sa kanila. Pero para naman sa mga tax collectors na ito, maganda ang position nila kasi nakakabit sila sa mga namumuno. Si Herodes ganoon din, ayaw tuloy makinig kay Juan, ipinakulong pa. Kasi gusto niyang pangatawanan ang position niya. Pero totoo ang sinasabi ni John tungkol sa kanya - kahit ano pa ang position niya - ang kanyang pagkuha sa hipag niya bilang asawa ay isang kasalanan. Hindi lang si Herodes, kundi tayong lahat, ay makasalanan. Kahit na iproject mo ang sarili mo based sa position mo sa kumpanya o sa eskuwelahan o sa simbahan, nananatili ang katotohanang malala ang identity problem natin.

Our Identity Problem
Mahalaga naman talagang maging maayos ang relasyon natin sa ibang tao, lalo na sa pamilya natin. Pero tandaan natin na ang pinakamalaking problema natin ay hindi ang sirang relasyon natin sa ibang tao, kundi ang sirang relasyon natin sa Diyos. At ito rin ang ugat ng sirang relasyon natin sa ibang tao. Ang problema natin ay hindi dahil displeased ang ibang tao sa

atin, kundi dahil displeased ang Diyos sa atin dahil sa kasalanan. Ang goal ng buhay natin ay hindi para ma-please ang ibang tao, kundi ma-please natin ang Diyos. Lahat tayo bumagsak diyan. Ang tunay na pagkakakilanlan natin ay masusukat natin sa kung anong klaseng relasyon ang meron tayo sa Diyos. Sinners. Our identity (apart from Christ) is that we are sinners. Para sa ibang tao, oo nga't alam nilang makasalanan sila, pero no big deal. "Tao lang, ganyan talaga, nagkakasala..." Pero dapat natin marealize na ang totoong identity ng tao nang likhain ng Diyos ay hindi nakakabit sa kasalanan. Nilikha tayo sa kanyang larawan - para tayong maging mga anak niya na susunod sa kanyang mga pamamaraan. Pero ganoon ba ang nangyari? Hindi! That's why it's a big deal. Satan's children. Sabi ni Juan sa mga tao (lahat ng kausap niya, kasama ang mga magpapabautismo at mga relihiyoso): "Mga lahi kayo ng ahas!" Kahit sa panahon natin ngayon, hindi magandang pakinggan ang masabihan kang, "Ahas ka!" Halimbawa, may isang asawa nahuli ang asawa niyang may ibang kinakasamang babae, sasabihin niya sa babae, "Ahas ka!" Kapag naririnig natin ang salitang ahas, pumapasok sa isip natin ang salitang "manloloko" tulad ng ahas sa Garden of Eden na niloko sina Adan at Eba. At dahil tayo'y galing sa lahi nina Adan at Eba na sumunod sa salita ng ahas, tayong lahat ay mga lahi ng ahas. Tulad ni Satanas, niloloko din natin ang Diyos at ang ibang tao kapag nagpapanggap tayo na malinis kahit na marumi ang laman ng puso natin, na matuwid kahit na baluktot ang pag-iisip natin. Kung ang identity mo ay nakakabit kay Satanas, obviously hindi maganda iyan. Separated from God. Ibubuhos ng Diyos ang kanyang galit at sumpa sa ahas at sa mga lahi ng ahas. Sabi din ni Juan sa sermon niya, "Who warned you to flee from the wrath to come?" (3:7). Ibig sabihin, sinasabi niyang napakalaki ng problema ng mga tao. Hindi nila matatakasan ang parusa ng Diyos. Alam niya kung ano ang nasa puso natin. "Even now the axe is laid to the root of the trees. Every tree therefore that does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire"

(3:9). Lahat ng lahi ng ahas, lahat ng punong masama ang ugat kaya hindi namumunga ng mabuti ay itatapon sa apoy na hindi mamamatay. They will not just experience God's displeasure in this life, but God's intense terrifying displeasure in eternity. Ito ang pinakamalaking problema natin. Hiwalay ka sa magulang mo? sa asawa mo? sa trabaho mo? Malaking problema iyan, pero kung hiwalay ka sa Diyos (eternally separated) mas malalang problema iyan.

Our Attempts to Hide
Hindi ba't tulad din tayo ng ating unang mga magulang (Adan at Eba)? Sumuway sila sa utos ng Diyos. Tayo rin. Naniwala at sumunod sila sa sinasabi ni Satanas. Tayo rin. Nahiwalay sila sa Diyos. Tayo rin. At nang marealize nina Adan at Eba na hubo't hubad sila pagkatapos na sila'y magkasala, anong ginawa nila? Kumuha sila ng mga dahon at ipinantakip sa sarili nila. Nagtago sila sa Diyos dahil sa kahihiyan. At hindi ba't ganyan din ang ginagawa natin ngayon? Para hindi makita ng mga tao ang kahubaran natin (yung tunay na pagkatao natin kung ihahayag natin ang mga kasalanan at sakit na nasa puso natin), tinatakpan din natin. Anong ginagamit nating pantakip? Nominalism. Ang iba nag-aakala na komo ang turing nila sa sarili nila ay "Christian" ay makakaligtas na sila. Ang mga Judio, akala nila, komo "anak sila ni Abraham," ligtas na sila. Kaya sabi ni Juan, "Bear fruits in keeping with repentance. And do not begin to say to yourselves, ‘We have Abraham as our father.’ For I tell you, God is able from these stones to raise up children for Abraham" (Luke 3:8). Ang problema dito ay iyong pagsasabi lang na, "Nagsisisi na ako. Christian na ako." Pero wala namang bungang nakikita sa buhay. Fruitlessness is dangerous. Warning ito hindi lang sa mga matatanda, kundi pati sa mga bata at mga kabataan. Christian ang parents mo, pero ikaw ligtas ka ba? Baka ginagawa mo lang pantakip ang mga magulang mo. Ang akala kasi ng marami ang kaligtasan ay nakadepende kung sino ka o ano ang magagawa mo.

Self-righteousness. Sinabihan ni Juan ang mga tao na ibahagi ang damit at pagkain nila sa nangangailangan, na ang mga tax collectors ay sumingil nang tama, ang mga sundalo ay maging tapat at kuntento sa trabaho nila. Hindi ito para sabihing sa pamamagitan noon ay maliligtas sila kundi para sabihing ang tunay na pagsisisi ay may mabuting bunga. Hindi ang bunga ang makapagliligtas sa atin, kundi ang ugat nito. Nasaan ba ang ugat? Nanggagaling ba ito sa pusong nagtitiwala sa Diyos o pusong nagtitiwala sa sarili? Pero kung akala natin sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti ay matatakpan o mababayaran ang mga kasalanan natin, nagkakamali tayo. Sa paningin ng tao, righteous ka, pero sa paningin ng Diyos? Kung ikukumpara sa ibang tao, mukhang mas mabuti ka. Pero kung ikukumpara sa kabanalan ng Diyos? Religious rituals. Maraming nakikinig ng sermon ni Juan. Pero sapat ba ang pakikinig lang? Maraming nagpapabautismo, pero sapat bang mailubog lang sa tubig? Hindi ba't sabi ni Juan, "Akala n'yo ba'y makaliligtas kayo sa parusa ng Diyos?" Kahit pa magpabautismo ka, pero kung pagtatakip lang sa kasalanang nasa puso mo, o pagbabayad ng tambak mong utang sa Diyos, wala ring silbi iyon. Pumapasok ba ang napakinggan hindi lang sa tenga kundi sa puso? Ang bautismo ba ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng puso ng isang tao?

True Repentance
It is not about water baptism. But the truth it signifies - true repentance. Hindi sa nguso, kundi sa puso. Hindi ang bunga, kundi ang ugat. Hindi ang panlabas na ritwal, kundi ang panloob na katotohanan. We assume that we can be saved on our own efforts. Na kaya nating takpan ang kahubaran natin. Pero alam natin sa sarili nating hindi natin kaya. And that's the reason why Jesus came to earth for us, to deal with our sin, to deal with God's displeasure of us. At dumating naman si Juan para ihanda ang pagdating na ito ni Jesus.

Ang pagdating ni Juan ay katuparan ng sinasabi sa Isaiah 40:35. Ipinapakita dito na merong problemang dapat solusyunan, merong sitwasyon na dapat baguhin. Merong balakid sa pagdating ng Mesias at sa pagtanggap natin sa kanya. Ang balakid ay ang kasalanan at ang epekto nito sa atin. Merong mga lambak - mga mabababa, mga naapi, mga nasadlak sa problema - na kailangang ibangon. Merong mga bundok - mga mapagmataas - na kailangang ibaba. Merong liku-likong daan na kailangang ituwid. Merong baku-bakong daan na kailangang patagin. Hindi lang ito para sa mga Judio, para ito sa lahat ng tao, dahil ang kasalanan naman ay problema ng lahat ng tao. Ang pagliligtas ng Diyos - walang iba kundi si Jesus - ay makikita ng lahat ng tao kung mangyayari ang mga ito. Ang kaligtasang ito ay from God's displeasure to God's pleasure. Kaya nga hindi lang judgment ang message ni John, he was also preaching "good news" (3:19) to the people. And this has something to do with repentance. At in line naman ito sa ministeryo ng mga propeta sa Lumang Tipan "and the word of God came to John" (Luke 3:2; tingnan din ang Isaiah 1:1). Siya ang huling propeta bago ang pagdating ni Jesus. Kaya nga ito ang ministeryo ni Juan: "proclaiming a baptism of repentance for the forgiveness of sins" (3:3). Ang bautismo sa tubig ay isang simbolo ng pagsisisi, ng pagtalikod sa kasalanan at pagbabalik loob sa Diyos. Ang orihinal na kahulugan ng salitang ito (bapto) ay ilubog o isawsay. Para bang isang tela ng damit na isasawsaw mo sa dye o dyobos. Kung puti ang tela, isinawsaw mo sa pulang dye, pag-ahon nito iba na ang kulay. So, the essence of baptism (and therefore of repentance) is a change of identity - in leaving our old identity to living our new identity. Confessing our sorrow for our sins. Hindi ito iyong pagsasabi na, "Oo makasalanan ako." Halos lahat naman ng tao aminado diyan. Kundi iyong pagsasabi na ang kasalanan ay pagrerebelde sa Diyos at kinamumuhian niya. Dahil doon, ayaw mo na sa kasalanan. Nalulungkot ka dahil nagrebelde ka sa Diyos.

Confessing our need of forgiveness. Iyon bang sinasabi mong kailangang mapatawad ang kasalanan mo, kailangang malinis ka at mahugasan. Confessing our need of Christ. Iyon bang sinasabi mong hindi mo kayang linisin at baguhin ang sarili mo. "O Jesus, ikaw ang kailangan ko, wala nang iba." Lahat kayo ay kausap ko, hindi lang mga unbelievers. We are all sinners. We all need God's forgiveness. We all need Jesus. Not just for one day, but everyday to eternity.

The Identity of Jesus
Kung tunay ang pagsisisi natin, iiwanan natin ang identity natin dati at yayakapin ang bagong identity na nanggagaling lang sa relasyon natin kay Jesus. Bakit natin kailangan si Jesus? Because of who he is and what he can do for us. Because of his identity. He is... Sovereign Lord. Inakala ng mga tao na si Juan ang Mesiasm pero dali-dali niya itong itinanggi. "I baptize you with water, but he who is mightier than I is coming, the strap of whose sandals I am not worthy to untie" (3:16). Kung ikukumpara kay Jesus, John was a nobody, not even a slave. Because Jesus is mightier, mightiest, the Sovereign Lord of the universe. And because he is almighty, he can turn a nobody into somebody great. Ginawa niya iyan kay Juan kaya sabi niya, "I tell you, among those born of women none is greater than John. Yet the one who is least in the kingdom of God is greater than he" (7:28). Maaaring wala tayong kuwenta sa paningin ng mga tao, pero dahil kay Jesus, we are greater than everyone else. Spirit-Baptizer. Sabi pa ni Juan tungkol sa Messiah, "He will baptize you with the Holy Spirit and with fire" (3:16). Tumutukoy ito sa pagpapadala ni Jesus nang Espiritu matapos na siya'y bumalik sa langit (Acts 2). At ang bautismo sa Espiritu ay tumutukoy sa paglulubog sa atin sa Espiritu, na ang magiging identity na natin ay nakaugat sa Espiritu na sumasaatin. The Spirit - his fire - will purify us from our sins and cleanse our old nature so that we will be like Jesus. Ang bautismong ito sa Espiritu ay higit na mahalaga, higit na

kailangan natin kaysa sa bautismo sa tubig. Mangyayari lamang ito kung makikipag-isa tayo kay Jesus, the Spiritbaptizer. Son of God. Nang mabautismuhan na si Jesus, habang nananalangin siya, "the Holy Spirit descended on him in bodily form, like a dove; and a voice came from heaven, 'You are my beloved Son; with you I am well pleased'" (3:22). Ang pagbaba ng Espiritu ay nagpapatunay na si Jesus nga ang Spirit-baptizer dahil sumasakanya ang Espiritu ng Diyos. Ang boses mula sa langit ay ang Ama na nagsasalita at nagpapatunay hindi lang ng pagiging Diyos ni Jesus kundi ng isang natatanging relasyon sa Ama na meron siya. There's an unbreakable love relationship between the Father and the Son. Lahat ng ginagawa ni Jesus ay kinalulugdan ng Diyos. At kung mapapansin n'yo na pagkatapos nito, sa verses 23-38, ay inilagay ni Luke ang talaan ng mga ninuno ni Jesus hindi lang dahil akala ng maraming tao ay anak siya ni Jose, hindi lang para sabihing galing siya kay David at kay Abraham. Kundi para sabihing galing siya kay Adan, tunay na tao, para sa lahat ng tao, para sa kaligtasan ng lahat. At lalo na para sabihing siya ay "son of Adam, son of God" (v. 38). Hindi si Adan ang son of God, sumuway siya sa Diyos kaya naging lahi siya ng ahas at lahat tayo na sumuway rin sa Diyos. Si Jesus ang tunay na anak ng Diyos, at para tayo rin ay maituring na anak na Diyos, para tayo rin ay kalugdan ng Diyos, para maranasan din natin ang pagmamahal ng Diyos Ama, kailangan natin si Jesus. Sinless "sinner". Ito ang dahilan kung bakit tayong mga makasalanan ay maituturing na matuwid kahit ngayon na nagkakasala pa rin tayo. Dahil kay Jesus na itinuring na makasalanan, bagamat wala siyang kasalanan, para tayo na mga makasalanan ay maituring na matuwid. For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God" (2 Cor. 5:21). Bakit siya nagpabautismo? Hindi ba't ito ay pagpapahayag ng isang tao na siya ay makasalanan at kailangan niya ang pagpapatawad ng Panginoon? Hindi dahil may kasalanan si Jesus, wala siyang

kasalanan, wala kahit isa. Ang dahilan ay upang ipakita na sa kanyang pagparito, ibibilang siya na makasalanan para iligtas tayong mga makasalanan. Jesus embraced our sinful identity to give us a new one - his identity. Pero ito ay nakadepende kung ilalagak mo ang tiwala mo kay Jesus. Kung sasabihin mo sa kanya, "Panginoon, ikaw ang kailangan ko." Kung hindi naman, tulad mo ay isang ipa na ihihiwalay sa butil ng trigo para sunugin sa apoy na hindi namamatay (Luke 3:17).

Our New Identity in Jesus
Pero kung ikaw ay nakay Cristo, you now have a new identity. "Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come" (2 Cor. 5:17). Kung gusto mong ganito ang mangyari sa iyo, kung hanggang ngayon ay di ka pa Cristiano, I invite you to come to Jesus. Iwan mo na ang dati mong pagkatao. At ipakita mo ito sa pagsunod sa tubig ng bautismo. Tulad ng sabi ni Pedro sa mga tao sa araw ng Pentecost, "Repent and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Holy Spirit. For the promise is for you and for your children and for all who are far off, everyone whom the Lord our God calls to himself" (Acts 2:38-39). Kung tayo ay nakay Cristo na, ito na ngayon ang bago nating identity... Servants of the Lord. Tingnan n'yo si Juan. Buong buhay niya nasa ilang, malayo sa mga tao. Ang identity niya wala sa kung sino ang mga kaibigan niya, o kung ano ang kayamanan niya, kundi nandoon sa relasyon niya sa pagdating ni Jesus. Maikling ministeryo lang, nakulong pa, at eventually, mapupugutan ng ulo. Kasi secured siya sa halaga ng identity niya bilang lingkod ng Panginoon. Kahit si Herodes pa ang kausap niya, kahit sabihan niya ang mga tao na "mga lahi ng ahas" hindi niya iniisip kung ano ang sasabihin ng tao sa kanya. Tulad din ni Pablo, "For am I now seeking the approval of man, or of God? Or am I trying to please man? If I were still trying to please man, I would not be a servant of Christ" (Gal. 1:10). Dahil kay

Jesus, siya na ang Panginoon mo, sa kanya ka makikinig, hindi sa sasabihin ng ibang tao. Let him define your identity. Kung magpreach ka ng gospel, huwag mong isipin ang sasabihin nila sa iyo. You are a servant of the Lord. At dahil nakay Cristo tayo, we are the... Spirit’s home. Dahil kay Cristo, bautismado ka sa Espiritu. "Do you not know that you are God's temple and that God's Spirit dwells in you" (1 Cor. 3:16). Kahit sabihin sa iyo ng mga tao na wala kang kuwenta kasi maliit lang kita mo o wala kang trabaho, nasa iyo ang Espiritu ng Diyos. Kahit sabihin sa iyo na mahina ka at wala kang talento, nasa iyo ang Espiritu ng Diyos. At dahil nasa atin ang Espiritu, we are... Saints in the sight of God. Sabi ni Pablo sa mga sinulatan niya, "To all the saints in Christ Jesus who are at Philippi (Phi 1:1); "To the saints and faithful brothers in Christ at Colossae (Col 1:2). Sabi niya sa mga taga Baliwag, "To all the saints in Christ in Baliwag..." Mga santo at santa tayo, mga banal sa paningin ng Diyos, kahit na araw-araw ay nagkakasala pa rin tayo. Bakit? Dahil kay Cristo! Kung sabihin man sa iyo ng mga tao, "Marumi kang babae ka! Wala kang kuwentang asawa! Suwail kang anak! Bakla! Sex addict!" Dahil kay Cristo, sinasabi ng Diyos sa iyo, "Malinis ka." Iyan ang sinasabi ng Diyos sa atin dahil ang turing niya sa atin ay... Sons and daughters of God. "God sent forth his Son...that we might receive adoption as sons. And because you are sons, God has sent the Spirit of his Son into our hearts, crying, 'Abba! Father!' So you are no longer a slave, but a son, and if a son, then an heir through God" (Gal. 4:4-7). "But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God, who were born, not of blood nor of the will of the flesh nor of the will of man, but of God" (John 1:12-13). At dahil ikaw ay anak ng Diyos, tulad ng sabi niya kay Jesus, sinasabi din niya sa iyo, "You are my son, you are my daughter, I love you, I am well pleased with you." Oo nga't maraming beses tayong nadapa, nagkasala, naging tamad sa paglilingkod, natameme sa pagkukuwento tungkol kay Jesus, akala mo disappointed siya sa iyo, akala mo naiinis siya sa iyo,

pero ang sabi niya sa iyo, "I love you." Kahit sabihin ng mga tao sa iyo na ikaw ay anak sa labas, o walang kuwentang anak, sinasabi ng Diyos sa iyo, "Anak, mahal kita." Dahil kay Cristo, hindi na ang kasalanan mo o kasalanan ng iba sa iyo o ang sinasabi ng ibang tao ang magdedefine ng identity mo. May ID ako bilang pastor ng ABCCOP. May ID ako bilang professor sa seminary. May identity ako bilang asawa at ama. May mga tungkuling dapat gampanan. Meron ding mga pagkakamali at pagkukulang sa pagganap ng mga tungkuling iyon. Pero dahil ang pinakamahalagang ID ko ay ang nakay Cristo, I am secured, I am free. Wala akong kailangang patunayan sa ibang tao o sa Diyos. I don't need to perform just to please others. Ganoon din sa bawat isa sa atin. Pakinggan mong sinasabi ngayon sa iyo ng Diyos, "You are my beloved child, with you I am well pleased." Kung gusto mong malaman kung sino ka, kung ano ang identity mo, wag kang makinig sa parents mo, sa teachers mo, sa friends mo. Ang Diyos ang pakinggan mo.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful