You are on page 1of 25

OUTLINE

 Nobela ng Pagkamulat  Pasyon ni Ibarra  Anakistang Bayani  Edukadong Pagbasa  Kritiko-Bilang-Detektib  Tungo sa Bagong-Buhay

M O R P O L O H I YA N G M G A K W E N T O N G - B A YA N AYO N K AY V L A D I M I R P RO P P
1. 2. 3. 4. 5. 6. One of the member of a family absents himself from home. An interdiction is addressed to the hero. The interdiction is violated. The villain makes an attempt at reconnaissance. The villain receives information about his victim. The villain attempts to deceive his victim in order to take possession of him or of his belongings. 7. The victim submits to deception and thereby unwittingly helps his enemy. 8. The villain causes harm or injury to a member of a family. a.One member of a family either lacks something or desires to have something. 9. Misfortune or lack is made known; the hero is approached with request or command; he is allowed to go or he is dispatched. 10.The seeker agrees to or decides upon counteraction. 11.The hero leaves home. 12.The hero is tested, interrogated, attacked, etc., which prepares the way for his receiving either a magical agent or helper. 13.The hero reacts to the actions of the future donor. 14.The hero acquires the use of a magical agent. 16. The hero is transferred, delivered, or led to the whereabouts of an object of search. 17. The hero and the villain join in direct combat. 18. The hero is branded. 19. The villain is defeated. 20. The initial misfortune or lack is liquidated. 21. The hero returns. 22. The hero is pursued. 23. Rescue of the hero from pursuit. 24. The hero, unrecognized, arrives home or in another country. 25. A false hero presents unfounded claims. 26. A difficult task is proposed to the hero. 27. The task is resolved. 28. The hero is recognized. 29. The false hero or villain is exposed. 30. The hero is given a new appearance. 31. The villain is punished. 32. The hero is married and ascends the throne.

NOBELA NG PAGKAMULAT
 Mga ibig balikan ng pagbabalik ni Ibarra
• Matatamis na alaala ng kaniyang kamusmusan • Kasintahan • Simbolikong mga gunitang folkloriko – ang nagisnang kalikasan at katutubong ugali

 Magdulot ng bagong buhay
• Magdulot ng pag-asa sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng edukasyon.

Florante

Ibarra

 Namatay ang ina sa dimaipaliwanag na sakit

 Namatay ang ama – kamatayan ng lupang tinubuan

 Ama’y pinatay ng inakalang kaibigan ni Florante

 Ama’y biktima ng kataksilan at abuso ng kaibigang prayle

Florante at Ibarra

 Kapuwa matatalino at nagtapos sa ibang bansa – pinakamataas na pamantayan ng karunungan sa isang lipunang kolonyal.  Tila isang muslak na kabataan – tanga, walang salimuot, tangay-tangayin ng tadhana, hindi makapag-isip nang labas o lampas sa kanilang pangunahing mithi.  Walang ibang dimension ang pagkatao – katapatan sa nag-iisa niyang katangian ang kaniyang birtud, ang sanhi ng kaniyang pagdaraanang kasawiangpalad at ang susi sa kaniyang pangwakas na tagumpay.

Florante

Ibarra

 Natuto siyang tumingin sa salimuot ng karanasan.

 Tumaas ang kamalayang rebolusyonaryo.

 Natuto siyang huwag magtiwala sa maaaring pakitang-tao lamang.
 Natuto huwag iasa ang buhay sa pananampalataya

 Nakita niya ang sariling katangahan at natanto ang kawalangsilbi ng kaniyang proyektong magtayo ng paaralan.

NOBELA NG PAGKAMULAT
 Florante at Laura :  Edukasyong sikolohikal ang waring garantiya na maaari ng nga siyang maging mabuting pinuno ng Albanya.  Noli Me Tangere :  Edukasyon para ganap na makilala ang katotohanan sa kaniyang bayang sakop ng Espanyol.  Edukasyon ng bumabasa – Espanol man o Filipino – sa kasawiang dinadanas ng Filipinas dahil sa magkatulong na pagmamalabis ng mga Prayle at pagpapabaya ng pamahalaang Espanya.  Isang Salaysay ng Edukasyon  Pagmulat sa realidad ng isang daigdig na kolonyal ng isang edukado nga ngunit mangmang hinggil sa kasinungalingan ng buhay.

PASYON NI IBARRA
 Sa panahon ng pagka-Martir lumilitaw ang iisang larawan ng tauhang Kristo  Si Kawawa  Uring pinanggalingan  Kapansanan  Kalagayan sa pamilya  laging siyang tahimik, masunurin, mapagtiis, payak ang damit at pamumuhay, magalang, matulungin at mapagmahal sa kapwa  Sa isang banda, latak pa rin ito ng sinaunang pagtingin ng tao bilang nilalang at “laruan ng mga bathala”  Griyego-Romano : Mga Olimpo lamang ang may sariling isip at sarisaring lunggati

Pangaral ni Thomas Á Kempis

“ Ang totoong pag-unawa at mapagkumbabang pagtaya sa sarili ang pinakamatas at pinakamahalagang aral sa lahat. Huwag isipin ang sariling kapakanan, ngunit isiping lagi ang kabutihan at katangian ng iba ang pinakamataas na karunungan at katuparan bilang isang tao. Kahit makita mo ang isang tao na hayagang gumagawa ng masama, o tinutupad ang isang maruming layunin, huwag mong isaalang-alang na dahil doon ay nakahihigit ka sa kaniya, sapagkat hindi mo alam kung hanggang kailan ka mananatili sa isang estado ng pagpapala. Mahina tayong lahat; huwag mong isaalang-alang ang kahit na sino na higit na mahina kaysa iyo.”

Pasyon ni Kristo
 Upang tubusin ang sangkatauhan  Tauhang walang lalim  Dumating sa lupa upang sundin ang kaniyang tadhana  Bathalang nakatakdang mamamatay upang muling mabuhay  Hindi suliranin ang muling-pagkabuhay pagkaraan ng kamatayan o ang pag-akyat sa Langit pagkaraan ng buhay na banal sa lupa.  Higit na mabigat ay ang pagpasan ng Krus ng buhay.  Di-matingkalang sakripisyo upang makamit ang gantimpala pagkaraang mamatay.  Nagpakita ng tapang at tatag upang yakapin ang dalita.  Modelo ng pagpapakababa at pag-ibig sa kapwa sukdulang magdusa

Pasyon ni Ibarra

 Upang magdulot na bagong buhay sa San Diego  Itinuring ng kritiko na isang tuod, karikatura,walang-buhay at kulang sa pagkakatawang-tao  Bagong Kristo sa paningin ng taumbayan at lalo na sa mga Katipunero.  Sa pamamagitan ng buong-buo’t walang-bahid ng alinlangang pagkopya sa larawan ni Kristo sa pasyon at senakulo, malinaw niyang naitanghal ang diKristiyanong asal ng mga itinuturing na tagapagpalaganap ng Mabuting Balita.  pangunahing parirala ng paglalantad ni Rizal laban sa “soberania monacal” bilang cancer sa Kristiyanong Filipinas.  Pagbaril kay Ibarra sa lawa – natapos ang pagpapako at paggpatay ng mga prayle sa Bagong Kristo.

PASYON NI IBARRA
 Ipinanganak si Kristong Ibarra sa isang piging.  Nagsimula ang Noli ng gabi at nagwakas sa umaga ng Pasko; isang panahunang tila katumbas din ng pagsisimula sa kamatayan (Araw ng mga Patay) at nagtapos sa kapanganakan ng Dakilang Manunubos

ANARKISTANG BAYANI
Ika-23 funsiyon ni Propp
 Dito, dalawang uri ang makilala 1. pagdating sa tahanan, at titira ang bayani sa isang tila artesano (panday, sastre, sapatero, atbp.), maglilingkod bilang aprentis; (2) darating siya sa korte ng isang hari, at maglilingkod bilang kusinero o utusan. 2. darating siya sa korte ng isang hari, at maglilingkod bilang kusinero o utusan

Simoun

 Konsorte’t tagapayo ng gobyernador-heneral  isang “banyaga sa sariling bayan”  Nagbabalik na Ibarra bilang isang mapusok at mapaghiganting bathala  Taglay ang poot na naipon sa dibdib noong una niyang pagbabalik sa Filipinas  Kakila-kilabot na bisyo na ikinatigatig ni Basilio  Ang laganap at walang-awang pagpuksa sa lahat ng “masamang” elemento ng lumang kaausan – paghahari ng prayle, sugapang pinunong-bayan at abusadong kawani’t guwardiya sibil.  Pagpuksa sa ibang inosente ngunit tagapag-ingat ng katangiang nagiging hadlang sa pangkalahatang pagsulong ng mundo.

ANARKISTANG BAYANI
“Ang lahat ng mga Indio, Mestiso, Tsino, Espanyol, ang lahat na matagpuang walang tapang, walang lakas ng loob… Kailangang baguhin ang lahi! Magsisilang lamang ng mga duwag na ama at ano ang saysay ng pagkawasak kung muling magtatayo sa mga bulok na materyales?”  Kailangang isakripisyo kahit ang “duwag na ama” at “libong sawimpalad” upang matiyak na bago at walang bahid ng nakaraang mga sakit at depekto ang makaliligtas sa pagwasak at ang isisilang na salinlahi’t lipunang Filipino.

EDUKADONG PAGBASA
Kabanata 22 ng El Filibusterismo Nagkaroon ng tinginang makahulugan, kindatan, bulalasan ng mga alinlangan, ng pagpapatunay, mga putol-putol na pahayag. “Parang konde ng Montecristo,” pansin ng isang babaeng nagmamalaki sa pagbasa ng panitikan. “O ang sipsip sa Casa Real!” dagdag ng tagahanga ng babae at nagseselos na kay Simoun.” Si Simoun nga ba ang Konde de Montecristo?

Uri ng Edukasyong Pampanitikan ng Ilustrado

 Higit na nahihilig ang edukadong Filipino sa pagnamnam ng aklat at panitikang Kanluranin  Kanluranin ang ginagamit na pamantayan sa pagsukat ng isang akda ng Filipino  Renato Constantino –”mis-edukasyon” o mal-edukasyon ng mga Filipino nitong ika-20 siglo.  Ang mga mas-edukadong ito ang malimit na hindi magkukusang “lumingon” sa katutubong batis.  Masamang ugali ng mga edukado.  Ugaling ipagparangalan ang nabasa at napag-aralan sa anumang munting pagkakataon.

EDUKADONG PAGBASA

Mahahalata sa pag-ulit ngayon ng mga kritiko sa naturang pagtutulad ang layuning manghamak at maliitin ang pagiging bulnerable ni Rizal sa “impluwensiya” ng isang popular na nobelistang Pranses.

KRI TI KO -BI LANG -DETEKTI B
 Si Friedrich Schiller nagbalik bilang si Karl Moor – isang konde.  Die Räuber (Ang mga Tulisan)  Franz, ang kapatid, na nainggit ay lumikha ng lalang upang siya ay itakwil  Naging pinuno ng isang kilabot na pangkat ng tulisan  Nagbalik upang tiyakin kung bakit siya itinakwil ng sariling ama  Nagbalik upang alamin ang kalagayan ng kasintahang si Amalia  Inabuso ng kaniyang mga alagad ang kanilang panunulisan  Sa dulo’y nais magsisi lalo na nang malamang namatay ang ama  Napakamatay dahil sa usig ng budhi ni Franz

Simoun at Karl

 Kapuwa walang-awa bukod s kapuwa pinakikilos ng masulak sa silakbo ng damdamin upang isagawaang anumang pumasok sa isip lalo’t magpapatunay iyon ng suklam sa kairalan at mag-ambag sa pagkawasak ng kinamumuhiang lipunan.  Kapwa di-tulad ng Konde de Montecristo na maputla at nasusubhan ng pasyong Kristiyano ang pusok at dahas.  Maihahanay sa mga bayaning hitik sa himagsikan at nasa dilim – Satanas ni Milton o Brutus ni Shakespeare

KRI TI KO -BI LANG -DETEKTI B
Isang bitag ang pahiwatig na iniumang para sa atin ni Rizal sa pamamagitan ng pahayag ng babaeng nakabasa sa nobela ni Dumas. Isang bitag na humahamon at sumusumpa sa mga kritiko na tulad ng babae ay nais ipagmalaki ang erudisyon at “pagbasa ng panitikan.” Isang malalim na bitag hanggang dumating ang panahon na tanggapin natin ang limitasyon ng kritisismo sa harap ng tekstong pampanitikan, lalo na ang kahungkagan ng isang uri ng krisismong nasisiyahan na kapag tumugma ang binasa sa nabasa’t napag-aralan.

TUNGO SA BAGONG-BUHAY
Ibarra
 Umiwas sa apoy o dahas – pagbabago sa mapayapa at ligtas na paraan  Apolineo- sapat ng hinahon, dunong at katwiran upang isagawa ang diwa ng Repormismo  Nagbalik na may-alay na karunungan para sa bayan

Simoun
 Paglalaro ng “apoy” – apoy ng himagsikan  Dionisyako – pusok at walanghunos-diling sigasig upang magpasambulat ng himagsik  Nagbalik na may paing alahas ng korupsiyon at maitim na kaloobang maghasik ng poot at himagsik

Pagkamatay Simoun

 Pinangingibabaw ang poot laban sa moral (at Kristiyano) na optimismong “higit na nadadalisay ang katangian ng tao sa bawat pagdurusa.  Isang masiglang pagdiriwang sa kamatayan ang Dionisyako, ang kamatayan bilang kalayaan mula sa mga tanikalang kumbensiyon at pag-aalinlangan, sapagkat may pananalig ito sa bagong-buhay at tila-fenix na pagbangon mula sa abo ng matanda at dapat palitang buhay.  Para kay Nietzche, naiiba o higit na trahiko ang pasyong Dionisyako sapagkat may tapang at lakas ng loob itong kilalanin ang anumang pait ng buhay at higit na mapanlikha ang ironikong pagdiriwang sa kamatayan sapagkat umaasa sa isang muling pagsilang.

TUNGO SA BAGONG-BUHAY
 Mambabasang sakop: natuto mula sa mga limitasyon at pagkakamali nina Ibarra at Simoun.  Mambabasang mananakop: wasto ang basa ng mga prayle at angkop na ipabitay nila si Rizal sapagkat subersibo’t laban sa kanilang kolonyalistang interes.  Si Bonifacio: sintesis ng tesis na si Ibarra at antistesis na si Simoun.  Ikatlong Nobela: Himagsikang Filipino ng 1896