You are on page 1of 7

Balagtasan: Dapat Ba O Hindi Dapat Ipatupad ang K+12 Policy sa Pilipinas?

nina Vanessa Lee at Marl Yjuv Toquero Lakandiwa: Magandang umaga mga Binibini at Ginoo, Ako poy nagaagalak makaharap kayo. Isang makabuluhang pagtatalo ating matutunghayan., Pagtatalong pwedeng magbigay liwanag sa ating bayan. Noong umupo bilang bagong pinuno, bilang isang pangulo. Ang napasikat at napakadilaw na Noynoy Aquino. Sari-saring batikos binato sa kanya, Batikos na sadyang minulat ang ating isip at mga mata. Ang K+12 Policy ating paksa, Paksang ukol sa edukasyon ng ating bansa. Ang high school raw ay dagdagan ng dalawang taon, Ang K naman ay para sa kinder institutionalization. Ngayon ating dinggin ang babaeng malakas ang dating, Ang babaeng galing Korea na kinasal sa isang Pilipino, Ang babaeng nangangalan ay Nesa, Na tutupad sa repormang edukasyon. Palakpakan natin siya, Pakinggan at intindihin si Binibing Vanesa. Vanesa: Akoy kinikilala bilang boss ng DepEd, Pilipinong buong buo sa dugo, pusot isipan. Ang pangalan ko ay Vanesa Lee Roque, Narito ako para bigyang tamang pag-unawa ang proyekto ng gobyerno. Isa munang paglilinaw bago po magkagulo ang lahat, Sanay makinig kayo. Ang K+12 project ay platapormang tungo sa pagbabago, Pagbabago para sa ating bansang nangangailangan. Upang ang edukasyon ng Pilipinas ay malinang. The fruit of this change will benefit the next generation, On behalf of the government, I speak to erase the misconceptions.

Yjuv: Salamat sa unang pananalita, Binibining Roque. Ngunit sayoy may kokontra, Ang lalaking to, Ay si Yjuv Toquero. Ginoong galing probinsya, ginoong akibista. Ako po si Yjuv Toquero, Sa usapin ng K+12, tutol ako. Sapagkat ang programang sadyang ay hindi Ang tanging solusyon twina sa edukasyon Problema ng ating bansa. Vanesa: Ang edukasyon ay para sa lahat, Itoy aming tutuparin na tapat Bibigyan pangarap ang bawat Pilipinong bata, Para sa kinabukasang walang problema Tulad ng Europe, East Asia, Amerika at iba pa, Ang total number of years ng primary education ay dapat labindalawa Oras na ng pagbabago, Pilipinas nalang ang inaantay ng mundo Yjuv: Ako poy lumaki sa probinsya, Probinsyang dukha. Nanay ko, tatay ko, magsasaka. Sapat na kita nila, Upang kamiy makatuka. Pagdadagdagan pa ng dalawang taon, Naku! Tuition fee ko! Paghihirap nila madagdagan pa. Isipin mo, ang dalawang taon na iyon, Pwede nang dalawang tao sa kolehiyo ngayon. Ang K+12 ay magastos sa parte ng gobyerno, At lalong mas magastos sa parte ng pamilya ko. Vanesa:

Ang edukasyon ay isang investment. Investment sa mga anak nating magiging doctor, abogado, teacher, nars, pati seargent, Kung ikaw nasasayangan para sa magiging produkto na ang mga magulang din ang makikinabangan, Hwag ka nalang mag-aral! Ang proyektong toy para sa kabubuti ng bansa. Batay sa pag-aaral, lagpak ang Pinas sa Math at Science Dahil kulang sa pagsasanay at aplikasyon mga guro Kailangan i-angat ang Pilipinas! Oo, i-angat natin to! Yjuv: Mga kaibigan, hwag kayong magpabulag sa kaibigan kong duwag! Akoy paniwalaan, na K+12 ay hindi lamang ang solusyon sa edukasyon ng ating bayan. Gobyernoy sanay mas paigtingin, Ang problema sa kaledad ng mga guro natin. Isipin mo to Madame Koreana, Sige mag-aral ka nga mahabang panahon. Ngunit guro mo ay hindi trained at incompetitive, Hahaang K+12 ay di napapanahon! Vanesa: Ano ba silbi ng high school diploma? Bumabata ang ating workforce, nakakahiya naman. Ang bansa ay nangangailangan ng skilled workers! Hindi mga batang nagtratrabaho. They belong to the classrooms studying and exploring the world, At hindi sinasayang ang talino. Maawa naman po tayo sakanila. Ganap na propesyonal, silay hindi pa. Yjuv: Papabulaanan ko yang mga binaggit mo. Akoy babalik sa konsepto ng kalidad ng edukasyon rito. Di mo ba alam na tataas ang drop out rates kapag tinupad ang K+12? Tignan mo, gumawa pa ng mas malaking problema ang policy! Isa pa, alam mo bang kulang ang mga silid, upuan, at eskwelahan? Ang K+12 mo rin ba ay kayang resolbahin ang problema sa kakulangan ng libro O K+12 lang ba ang talaga ay kabaliwan ng gobyerno?

At alam mo binibini, hwag mo na ipagpilitan, K+12, walang silbi yan. Isipin mo, ano nga ba ang problema, Kung bakit sistema ng edukasyon natin sabog sabog na, Korupsyon ang dahilan, wala ng iba! Korupsyon dahil sa kasakiman, At katakawan sa kapangyarihan! Vanesa: Bakit kayay lumalayo ang aking kausap sa pinag-uusapan? Edukasyon ang pinag-uusapan natin dito Hindi ang korupsyon na pinagsasabi mo Ang dami mong alam Maghugas ka na lang ng pinggan! Heto na lang, ipapakita ko sayo kung bakit natin kailangan itupad ang K+12. Di na tumatanggap ng mga Pilipino ang European nation, Dahil sa kababahan ng sistema ng ating edukasyon. Nahihirapan ang mga nanay at tatay kumayod sa ibang bansa. Ang mga Pinoy na matatalino, Nagpapakababat minsay binobobo. Ang mga doktor dito ay nagiging nars lamang, Maging midwife kulang nalang Ang mga guro ay nawawalan ng dignidad At buhay nilay may pait, Sapagkat silay nagpupunas lamang ng mga pwet ng mga batang singkit! Ang mundo ay nagbabago na, Globalisasyon nasa harap na ng lahat, Makibagay, makiuso, sumunod iyon ang dapat Mahirap ang daan tungo sa pagbabago Ngunit magiging maganda din ang bunga nito. Hwag nating isara ang ating kaisipan at tayoy magpakatino, Gumawa tayo ng paraan upang making din sa sinasabi ng gobyerno. Ang edukasyon ay dapat para sa lahat. Baguhin ang sistema, maging internationally competitive, Ito ang dapat. Yjuv:

Mga kaibigan ko inyong natunghayan, Ang debate namin ni binibining Koreana. Ang sakin lang po, Huwag magpapabulag sa mga programang di naman totoong kailangan. K+12 andaming loopholes, andaming problema. Sa K+12 uunlad ba talaga edukasyon sa ating bansa? Pag-isipan natin ng mabuti, kabayan. Lakandiwa: Mga kaibigan, K+12 nga ba ay solusyon Sa problema ng edukasyon? Mga kaibigan, ating isasara ang balagtasan na makabuluhan, Ang balagtasang kailangan.

SIPAG O TALINO Lakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng bayan? Sipag: sipag Talino: talino Lakandiwa: ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya. Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulongtulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di natin masalapi. Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan. Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino. Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit. Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay. Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan. Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y tuloy-tuloy. Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !! Talino: TALINO ANG PUHUNAN !! Sipag: matalino nga tamad naman! Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag. Sipag: sipag.! Talino: talino.! Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y syang

utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!