TAON 91

BILANG 6

LUNES, HULYO 22, 2013

PHILIPPINE COLLEGIAN
ESPESYAL NA ISYU Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

2

LATHALAIN

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013

HULYO 13, 2013, ALA-UNA NG HAPON: Makulimlim ang langit. Sa unang tingin, tila may malakas na ulang dala ang hapon. Ngunit ang banta ng sigwa ay hindi mula sa mga ulap, kundi sa isang pabrika sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City. Magkakapit-bisig ang mga manggagawa ng Pentagon Steel Corporation (Pentagon). Hinihintay nila ang dalawang trak na lulan ang mga produkto ng kumpanya: mga kahon ng pako, turnilyo, kawad at iba pang produktong gawa sa asero. Dali-dali silang tinangkang itaboy ng mga guwardiya ng Pentagon. Hindi nabuwag ang kanilang hanay, ngunit humarurot naman palabas ang unang trak – diretso sa gitgitan ng mga manggagawa at bantay. Sa kaguluhan, nasagasaan ng trak ang isang security guard at malubhang nasaktan ang dalawa pa. Habang tumatakas ang mga trak sa eksena, pinaulanan naman ng mga bato at mga boteng may lamang asido ang mga manggagawa. Bagaman walang tinamaan, bakas sa pagkalusaw at pagkasira ng daan ang nangyaring karahasan. Ganito katindi ang tensyon sa pagitan ng Pentagon, isang pagawaan ng asero, at ng 134 manggagawang iligal na inalis sa trabaho. Tatlong buwan na rin ang kanilang piketlayn, kung saan kalahok si Aman*, 47. Pabrika de peligro Taong 1992 nang unang mamasukan si Aman sa Pentagon bilang wire machine operator. Bago ito, siya’y naging isang kontraktwal na trabahador sa iba’t iba pang pabrika sa Quezon City upang maitaguyod ang asawa’t tatlong anak. Dahil hindi regular ang sahod, kulang na kulang ang pantustos ng kanyang mag-anak, at nalulubog pa si Aman sa utang. Kwento pa niya, gulay at tuyo ang kanilang pagkain araw-araw upang makatipid. Kaya nang may magbukas na trabaho sa Pentagon, na may pangako ng minimum wage, agad niya itong sinunggaban. Walong oras, anim na araw sa isang linggo, kaharap ni Aman ang makinang nagrorolyo ng mga alambre, kung saan ipinapasok niya ang mga bagong hulmang asero ng pabrika. Ang ugong ay nagpapaalalang sa bawat pagsubo nito ng panibagong kawad, isinusugal niya ang kanyang mga daliri. Sa kasamaang palad, dalawang beses na siyang naisahan ng makina. Naputulan na si Aman ng hinlalaki at hinlalato hanggang sa buko sa magkahiwalay na aksidente. Sa parehong pagkakataon, magisa lang siyang nagtungo sa pinakamalapit na ospital, at kinailangan pang bumalik sa Pentagon dahil kulang gon ang ibinigay a nitong halaga para sa gamot. t “Ang sumbat palagi sa amin: maghanap kami ng mas murang ospital. Siyempre sa panahong iyon, ang unang nasa Pen isip mo ay magamot ka agad,” ani Aman. Hindi na bago ang peligro sa Pentagon. Dahil hindi maayos ang bentilasyon sa pagawaan, maraming manggagawa ang hinihimatay o inaatake ng hika. Labis ang init sa loob, kaya madalas na inaalis ng mga manggagawa ang kanilang pang-itaas at nagtsi-tsinelas at shorts na lang. Wala ring ipinamamahaging protective gear ang kumpanya, kahit na mapanganib ang mga makina nito. Gayunman, tinitiis ni Aman ang lahat ng ito para sa buwanang sahod na P11,076. Pero ayon na rin sa pag-aaral ng National Wage and Productivity Commission, kailangan ni Aman ng P28,710, o magtrabaho pa ng doble oras at higit pa, upang mabuhay nang maayos ang kanyang pamilyang may limang kasapi. “Napaka-walang katarungan ng mga nangyayari [sa amin] na kahit 20 years ka na nagtatrabaho, ganoon pa rin ang sitwasyon mo. Mahirap,” daing ni Aman. Tunggalian sa pagawaan Umasa ang mga obrero na magbabago ang pamamalakad ng Pentagon. Sa katunayan, sinubukan nilang magtatag ng isang unyon upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa pamunuan ng pabrika. At ang kanilang magiging sandata: ang Collective Bargaining Agreement (CBA) o ang kasunduan sa pagitan ng mga manggagawa at ng pamunuan. “Ang CBA ang kaluluwa ng unyon kasi diyan naoobliga ng mga manggagawa ang mga kapitalista na magbigay ng mga makatarungang benepisyo at tiyakin ang kapakanan ng lahat,” ani Dulcero Gerodiaz, pambansang tagapangulo ng Association of Democratic Labor Organizations. Sa pamamagitan ng CBA, maaari sanang maipaayos ang bentilasyon ng pagawaan, mabigyan ng karampatang kabayaran ang mga maaaksidenteng manggagawa, at maitaas ang pangkalahatang pamantayan ng kaligtasan. Kaya laking gulat na lamang nina Aman nang malamang mayroon nang unyon noon pang 1979, ngunit hindi isinulong ng umiiral na CBA ang kaligtasan ng mga trabahador, umento sa sahod, at kahit anong leave o bonus. Dahil dito, kinakailangang mapalitan ang liderato ng unyon upang makagawa ng totoong CBA, ani Gerodiaz. Noong 2010, nagsagawa sina Aman ng eleksyon para sa unyon. Ito ang kauna-unahang eleksyon mula noong itinatag ang Pentagon Workers’ Union sa ilalim ng Philippine Trade General Workers’ Organization (PTGWO). Kaya lamang, hindi kinilala ng Department of Labor and Employment, Pentagon, at ng PTGWO ang resulta ng kanilang halalan. Depensa ni Rudy Pascasio, executive board member ng PTGWO, mayroon na kasing naluklok na mga opisyales at maaari lang mapalitan ang liderato at ang CBA kada limang taon. “Eh hindi naman sila nagfile ng certificate for elections sa tamang taon,” aniya. Nasa panig man ng PTGWO ang legalidad ng unyon, makukuha lang nito ang suporta ng mga manggagawa kapag ito ay demokratiko at tunay na nagsusulong ng kanilang interes, ani Gerodiaz. At ngayong hindi muna magagamit ang unyon sa kanilang laban, kailangang makipaglaban sa ibang paraan, dagdag niya. Tuwing break time noong 2012, nagsasagawa ng noise barrage ang mga manggagawa at nagsusuot ng itim na ribbon. Hindi ito nagustuhan ng Pentagon at tuluyang tinanggal sa trabaho ang mga trabahador na sumasama sa mga protesta. “Nagulat na lang kami nang hindi na kami pinapapasok sa gate at sinabing tanggal na kami,” ani Aman. Singtibay ng asero Matapos sibakin sa trabaho sina Aman at 134 pang manggagawa, agad nilang itinayo ang isang piketlayn gamit ang mga pira-pirasong plywood at tarpaulin noong Abril 13 sa harap ng pabrika. Sa mga piling araw, naglulunsad sila ng mga programa upang ihayag ang kanilang mga hinaing sa kumpanya. Dinadaluhan din ito ng mga sumusuportang organisasyon galing sa iba’t ibang sektor, dahilan kaya nananatiling singtibay ng asero ang picket line. “Kaya namin isinusulong ang pakikipaglaban ay para magbago na si Mariano Chan (may-ari ng Pentagon) at ‘yung mga susunod na manggagawa, maayos at disente na ang buhay,” ani Aman. Dahil sa ingay na nalilikha ng kanilang piket, hindi nakapagtatakang gusto itong buwagin ng Pentagon at ng estado. Sa katunayan, idineklara ng National Labor Relations Committee na isang illegal strike ang piketlayn nila Aman. Regular ding nagmamatyag at nagbabanta ang mga pulis at SWAT sa piketlayn kahit nakasaad sa batas na bawal silang lumapit nang 50 metro dito. Kamakailan nga lang, binigyan na ng pamahalaan ng Quezon City ng palugit na hanggang ika-31 ng Hulyo ang kanilang protesta.Gayundin, noong ika-13 ng Hulyo, sinira ng ilang eskirol ang ilang parte ng piketlayn. Malinaw na gagawin ng Pentagon ang lahat upang mapatahimik ang mga manggagawa. Gayunpaman, matatag ang loob ng mga obrero, ayon kay Aman. Saad niya, “Di kami natatakot, tama lang ang ginagawa namin dahil karapatan naming magprotesta.” Nakaumang man ang patuloy na pandarahas ng Pentagon, nakahanda si Aman at kanyang mga kasamahan. Tulad ng aserong kanilang pinapanday, matibay, matatag ang kanilang hanay. ∞ *hindi tunay na pangalan

a w a g g a P s a k La
g an w a gag g n a am g gm n an lab g An
nn Ro ua sh Jo ta is ut Ba

Ph Pa otog r ge de aphs sig :J ir n: As u Ra hle d yG a arc ia

KULTURA

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013
Nawasak ang tuwid na linya ng mga nagra-rali nang magkagitgitan ang mga militanteng grupo at pulis. Pilit na nagpupumiglas ang mga rallyista sa barikadang ihinarang ng mga pulis gamit ang kanilang mga riot shield. Unipormado ang mga kapulisan, naka-helmet, may dala-dalang batuta, at sa ‘di kalayuan, nakaabang ang mga truck ng bumbero. Tumindi ang tensyon nang may naghagis ng teargas mula sa kung saan. Kasunod nito ang pagpapaulan ng bato at mga basag na bote. Kinagabihan, laman ng balita sa telebisyon ang naganap na riot sa pagitan ng mga pulis at militanteng mga grupo. Batid sa mga anggulo ng kamera ang sadyang paglalarawan sa mga aktibista bilang magulo at marahas— malayo sa tunay na kuwentong tila nakaligtaang mapagtuunan ng pansin ng lente. Head-count Isang araw bago ilunsad ang rali, abala na ang iba’t ibang organisasyon sa paghahanda ng kanilang props para sa gaganaping mobilisasyon sa Batasan. Muling paaalalahanan ng mga lider ang kanilang mga miyembro na magsuot ng pulang shirt at huwag kalimutan ang mga banner at plakard na pinagpuyatang gawin ng lahat sa nakaraang gabi. Alas siyete kinabukasan, nasa kitaan na ang ilang mga magrarali na hinihintay na lamang ang pagdating ng iba pang mga organisasyon para magmartsa sa mas malawak na hanay ng mga raliyista. Malawak at mahaba ang mga hanay, lalo na sa mga malaking pagtitipong tulad ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo. Karaniwang makikita sa hanay ang mga organisasyon mula sa iba’t ibang sektor—mga magsasaka, manggagawa, estudyante, kababaihan, kaguruan at marami pang iba. Mayaman man o mahirap, iisa ang boses ng lahat ng kalahok sa rali. Liban sa mga plakard na nagsusumigaw ng iba’t ibang panawagan ng mga mamamayan, puhunan ng mga nagrarali ang lakas ng kanilang boses sa pagsigaw ng mga chant, mensahe ng mga panawagan, at ilang pasaring sa gobyerno. Gayundin ang pagpalakpak, pagtaas ng kamao, sabay-sabay na pagtakbo pasulong, pag-awit habang naglalakad, at minsan pa nga ay biruan at tawanan. Martsa Bago magsimula ang martsa, nakasalansan na ang mga grupong kalahok sa martsa, sampu-sampu bawat hanay para magkasya sa kalahati ng kalsada. May popular na pagtingin ang marami tungkol sa rali—maingay ang mga nagrarali at dahilan pa ng mabagal na pag-usad ng trapiko. Gawain daw ito ng mga aktibistang walang respeto sa sarili at sa kanyang kapwa. “Totoong may dalang abala [ang rali], ngunit ang halaga nito ay hindi lamang para sa mga nagrarali, kabilang din sa ipinaglalaban ang interes ng mga taong nagrereklamo dito,” ani Alvin Nabago, miyembro ng Center for Nationalist Studies, na taon-taong dumadalo sa SONA ng Bayan mula noong 2007. Dagdag pa rito ang pagiging instrumento nito sa pagpaparating ng mga panawagan ng mga mamamayan at upang basagin na rin ang katahimikang nagkukubli sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino. May sinusunod na iskema ang rali batay sa pagkakasunod-sunod ng mga grupo at organisasyon. Laging nasa unahan ang mga magsasaka, pinakamalaking sektor sa bansa. Kasunod nito ang mga manggagawa hanggang sa pinakamaliit na yunit na

3
organisasyon ng mga kabataan. “Along revolutionary class lines yung arrangements. Una talaga ang mangagawa at magsasaka, mga pinakaaping sektor lipunan at pinakaunang tagapagsulong ng pagbabagong panlipunan,” ani Nabago. Samantala hindi naman umano kailangang nasa harapan ng hanay ang mga lider dahil ginagawa lang ito sa tuwing hinihiling ng midya, paliwanag ni Michael Non, kasapi ng League of Filipino Students sa UP Diliman. “Ang nasa harap ay isang linya ng mga taong disiplinado, hindi madaling ma-agitate, at handang protektahan ‘yung mga nasa likod,” dagdag niya. Mayroon ding “spotter” ng pulis upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagrarali, lalo na ng mga kabataang naroon. Upang matiyak na walang mahihiwalay sa hanay, ginagawa ang buddy system, kung saan ang bawat isa ay may kaparehang laging kasama saan man magpunta. Makikita naman ang mga banner at flag sa harap o gilid ng hanay upang iparating sa mga madadaanang mga komunidad ang mga adbokasiyang ipinaglalaban. Hindi man lahat ng tao ay lumalahok sa mga rali—dahil sa takot, kawalan ng panahon o di kaya’y kawalan ng interes—patuloy ang pagrarali ng mga mamamayan hanggang sa pakinggan na ang kanilang mga panawagan. Barikada Isang mahabang lakaran ang pagdadaanan ng mga grupo bago marating ang huling destinasyon ng kanilang rali kung saan gaganapin ang mga pangkulturang pagtatanghal at mga talumpati mula sa mga lider ng bawat sektor. Magbabahagi rin ng mga kwento ang iba’t ibang mga organisasyon. Bubuo ng maliliit na grupo ang mga rallyista at makikinig sa mga Educational Discussions (EDs) na hango sa personal na karanasan ng mga magsasaka, mangggagawa at iba pang sektor na kinabibilangan ng mga dumalo. Kalimitang ibinabahagi ang danas nilang karahasan sa kamay ng kanilang mga amo, mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka, at maging sa militar. Tampok din sa kanilang mga kwento ang kakulangan ng gobyerno sa pagbibigay ng batayang serbisyo. Makikita naman sa pinakaharap ang isang trak na magsisilbing entablado at kung saan magkakaroon ng isang kulturang pagtatanghal sa porma ng awit, tula, o fliptop na nakabatay pa rin sa mga suliraning kinakaharap ng kanilang grupo. Dagdag pa ang pagsasagawa rin ng noise barrage, planking, at effigy burning. Ngunit sa hinaba-haba ng lakad ng mga nagrali, isang malaking trak pa ang kailangan nilang lampasan na sadyang hinarang ng mga pulis na naglagay ng barikada upang pigilan ang pag-abante ng kanilang hanay patungong Batasan kung saan nagtatalumpati ang pangulo. Nasunod man ng mga rallysta ang mga pamantayan upang magkaroon ng pahintulot na makalapit sa Batasan, itinuturing ng mga awtoridad na malaking banta ang mismong ideya ng rali. Tila inaasahan na ng gobyerno ang makatuwirang galit ng taumbayan. Ngunit pilit mang busalan ng gobyerno ang mga mamamayan, tauntaon pa rin ang martsa at SONA ng Bayan—hindi alintana ang pagod, init ng araw, at panganib, lalo’t ang kapalit naman nito ay ang pagkakataong iparating ang kanilang mga panawagan sa Pangulong matagal nang nagbibingibingihan sa sigaw ng taumbayan.

Balangkas ng pag-aklas
Mary Joy T. Capistrano
Photograph : John Keithly Difontorum

4

BALITA

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013

HUWAD NA PAG-UNLAD
Bayang maunlad, ekonomiyang matatag—ito ang larawang ipininta ng pangulo sa kanyang mga talumpati sa nakaraang tatlong taon. Sa likod ng mga retorika ni Aquino sa nakaraang mga SONA, tunay bang may tunay at makabuluhang pagbabagong hatid ang kanyang mga patakarang pang-ekonomiya?

Franz Christian Irorita Kira Chan

Sa gitna

1. Hungkag na pag-unlad 3. Utang pambansa
Taun-taon mang tumataas ang gross domestic product (GDP) ng bansa, walang pagbabago ang dami ng mahihirap na pamilya sa nanatiling halos 3 sa bawat 10 Pilipino ang mahirap. Bahagdan ng populasyon na kumikita ng mas mababa sa P7,821 kada buwan o P260.70 kada araw: Sa kanyang SONA noong nakaraang taon, ipinagmalaki ni Aquino ang $1 bilyong pautang ng Pilipinas sa International Monetary Fund. Sa katotohanan, mula 2010 hanggang kasalukuyan, lalong lumalaki ang kabuuang utang panloob at panlabas ng bansa. Utang panloob Utang panlabas 2010 P2.718 P2 2011 2012 P2.87 P3,47 P2.08 P1.97 P4.95 P5.44

5. Industriya at
ekonomiya
Bagaman agrikultural na bansa, matamlay pa rin ang “pag-unlad” ng pagsasaka at pangingisda kung ihahambing sa iba pang pinagmulan ng 7.8 na pagtaas ng GDP sa unang semestre ng 2012. Agriculture sector Industry sector Services Sector 0.4 percent 3.5 percent 3.9 percent

7. Mining EO
Sa bisa ng Executive Order 79 ni Aquino, ipinagbawal ang pag-apruba sa bagong mga aplikasyon ng pagmimina. Gayunman, malaya pa ring makapagmimina ang 507 korporasyong may nauna nang mining permit, habang pinahihintulutan pa rin nito ang “exploration” sa mga lugar na tinatayang mayaman sa mga mineral.

Muling haharap si Pangulo taumbayan ngayong Lune ng bansa sa kalagitnaan ng 36 sa pinakamahahalagang 36 na buwan ng kanyang p

9. Presyo ng langis
Mula Enero ngayong taon, 16 beses nang tumaas ang presyo ng gasolina, habang 15 beses naman ang sa diesel. Nagkakahalaga ng P11.15 ang itinaas ng presyo ng gasolina at P9.20 naman sa diesel. Mga sanggunian: National Statistics Coordination Board, Social Weather Station, IBON International, Bureau of Agricultural Statistics, PISTON,

2006 28.8

2009 28.6

2012 27.9

8. Presyo ng mga

pangunahing bilihin

2. CCT at kahirapan
Sa kabila ng pagbatikos mula sa iba’t ibang sektoral na organisasyon, panukalang muling palawakin pa ang sakop ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang pangunahing proyekto ni Aquino laban sa kahirapan. Mula 2010 hanggang 2012, P104.65 bilyon na ang nagastos ng gobyerno para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mahigit 3 milyong mahihirap na pamilya sa bansa. “Hindi limos ang kailangan ng maralitang [Pilipino]. Repormang agraryo para sa mga magsasaka at [sapat na] sahod para sa mga manggagawa—dalawa ito sa mga dapat na pangunahing programa [upang] tunay na wakasan ang kahirapan.” – Gloria Arellano, pamabansang pangulo ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap.

Kabuuang P4.72 utang

6. Sa saliw ng Cha-Cha
Bagaman sinabi ng pangulo na wala siyang balak na isulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon, muling isinusulong ng kanyang mga kaalyadong mambabatas ang Charter Change. Pinangangambahang sa ilalim ng mga panukalang amyenda, magkakaroon ng kalayaang magmayari ang mga banyagang korporasyon ng hanggang 100 porsyento ng anumang negosyo sa bansa.

Mula 2010 hanggang 2012, patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin, lalo iyong mga produktong karaniwang binibili ng pinakamahihirap na Pilipino.

Presyo ng ilang pangunahing bilihin, per kilo: 2009 30.7 114 88 86.5 2010 30.8 113 87.5 87.6 2011 31.3 113 101 90.8 2012 32.1 125 108 96

4. Buwis sa alak
at sigarilyo
Simula Enero 2013, nagpataw ng mas malaking buwis ang gobyerno para sa mga produktong alak at sigarilyo bilang bahagi umano ng kampanya nito para sa kalusugan. Tinatayang P33 bilyon ang malilikom ng Bureau of Internal Revenue mula sa mga karagdagang buwis sa unang taon.

Bigas Bangus Galunggong Tilapia

PAMAMAHALA, PAGWAWALANG-BAHALA
Kahit sa aspeto ng maayos, tapat, at mapagkakatiwalaang pamamahala, bigo ang administrasyong Aquino na pasubalian ang mga batikos na “noynoying“ lamang ang gawain ng pangulo.

Peter Burgos

12. Peace talks
Ilang araw bago ang papalapit na SONA ni Aquino, nilagdaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front ang kasunduang hahatiin nang pantay para sa dalawang kampo ang anumang kikitain sa langis, uling, at iba pang fossil fuels na matatagpuan sa panukalang autonomous region ng Bangsamoro sa Mindanao. Samantala, kasalukuyan namang nakabinbin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF). Ayon sa OPAPP, hindi katanggaptanggap ang mga preconditions na inilatag ng NDF para sa ceasefire at pagpapatuloy ng mapayapang negosasyon. Ilan sa mga hiling ng NDF ang pagpapalaya sa mga nakakulong nitong consultants at ang pagwawakas ng Oplan Bayanihan, ang counter-insurgency program ng gobyerno.

13. Automated elections
Liban sa pagkuwestyon sa integridad ng resulta ng halalan noong Mayo 13, halos pawang mga miyembro ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang mga pamilya sa Pilipinas ang mga nagwagi sa eleksyon. Sources: IBON Foundation, Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights

10. Bagong SC ruling sa
Party-List Elections
Maaari nang lumahok ang malalaking partido kahit sa halalan ng party-list, ayon sa bagong desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Party-List System or Republic Act 7941. Ayon sa katas-taasang hukuman, ang partylist elections ay hindi na lamang para sa mga grupong kumakatawan sa mga sektor na marginalized

11. Sabah at West

Philippine Sea

Malaking mga pagsubok sa liderato ni Aquino ang usapin sa Sabah at West Philippine Sea. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring resolusyon ang nasabing mga isyu.

WALANG KALAYAAN
14. Pagpasok ng mga
dayuhang militar
Sa kabila ng panawagang ibasura ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, ipinapanukala ng administrasyon ang muling pagbubukas sa mga base militar sa bansa. Pinangangambahang lalabagin nito hindi lang ang kasarinlan ng Pilipinas kundi maging mga karapatang pantao.

David Immanuel Evardone

16. Politikal na

17. Nakabinbing hustisya
Hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao kabilang sina Jonas Burgos, Karen Empeno, Sherlyn Cadapan at Leonard Co. Malaya pa rin ang dating heneral na si Jovito Palparan, pangunahing suspek sa pagkawala nina Burgos at mga estudyante ng UP na sina Cadapan at Empeno. Samantala, hindi pa nakakasuhan ang mga militar na bumaril sa botanistang si Co nang mapagkamalan siyang rebelde habang nananaliksik sa kagubatan ng Samar.

pamamaslang, pagkabilanggo

19. Cybercrime
Ipinasa ang Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act noong Setyembre 12, 2012. Mariing tinutulan ang ilan sa mga probisyon nito na kumikitil sa kalayaan ng mga mamamayan sa Internet gaya ng online libel at pagbibigay ng kapangyarihan sa gobyernong ipasara ang anumang website. Sources: IBON Foundation, Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights

Tinuldukan ng higit sa 3,000 kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao ang siyam na taong rehimen ni Arroyo— isang administrasyong lihis sa “tuwid na daan” ni Aquino. Gayunman, makikitang patuloy na nadadagdagan ang bilang na ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

15. Militarisasyon
Isang taon lang matapos ipatupad ang Oplan Bayanihan, nakapagtala ng 347 engkwentro sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at militar, pinakamataas sa nakalipas na 10 taon. Dahil sa mga engkwentro at militarisasyon, 30,678 ang kinailangang lumikas mula sa kanilang mga lugar kabilang ang mga “bakwet” ng Quezon.

Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, patuloy ang pagdami ng politikal na pamamaslang, pagdukot at pagtukoy sa mga sibilyan bilang rebelde, ayon sa Karapatan Alliance for Advancement of People’s Rights. Kabilang dito si Ericson Acosta, dating literary editor ng Collegian, na dinakip sa Samar habang nananaliksik. Sinampahan siya ng mga gawa-gawang kaso at ikinulong nang halos dalawang taon.

Extrajudicial Killing: 142 Enforced Disappearance: 16 Illegal Arrest: 540 Forced evacuation: 30,678 Indiscriminate firing: 7,012

18. Malayang midya
Nananatiling nakabinbin ang kaso ng Maguindanao massacre sa korte. Pinaslang ang 52 kabilang ang 39 mamamahayag sa tinaguriang pinakamadugong massacre sa bansa noong Nobyembre 2009. Napako rin ang ipinangako ni Aquino na isabatas ang Freedom of Information Bill.

BALITA

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013

5
HANAP BUHAY
kondisyon sa trabaho

a ng unos
20. Mababang pasahod
Nananatiling mababa ang P456 na minimum wage na natatanggap ng mga manggagawa, na wala pang kalahati sa P1,034 na kailangan ng isang pamilya ng anim na miyembro kada araw.

Arra Francia Jul Mar Esteban

22. Kawalan ng trabaho
Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na unemployment rate sa Timog-Silangang Asya noong 2011. Patuloy ding tumataas ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang hindi nakatatanggap ng sapat na kita.

23. Pagpapaalis

25. Marahas na

ong Benigno Aquino III sa es upang ilahad ang kalagayan g kanyang termino. Narito ang g isyung humubog sa unang panunungkulan.

sa trabaho, kontraktwalisasyon

Dumagdag pa sa mga walang trabaho ang mga tinanggal sa trabaho kabilang ang 2,300 regular na empleyado ng Philippine Airlines noong 2011. Papalitan sila ng mga contractual workers na hindi nakatatanggap ng mga benepisyong gaya ng 13th month pay at sick leave.

Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na unemployment rate sa TimogSilangang Asya noong 2011. Patuloy ding tumataas ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang hindi nakatatanggap ng sapat na kita.

t en m oy pl em er nd U

2010 2.9 milyon 2011

oy pl m ne U

24. Marahas na

6.8 milyon (7.3 percent) (19.3 percent) 2.8 milyon (7 percent) (6.9 percent) 7.2 miyon (18.8 percent) 7.3 milyon (19.3 percent) 7.3 milyon (19.2 percent)

t en m

kondisyon sa trabaho

21. Two-tiered wage
Sa kabila ng panawagang P125 dagdagsahod, ipapatupad ng administrasyon ang two-tiered wage system. Sa bagong sistema, magtatakda ng “floor wage” na mas mababa pa sa kasalukuyang minimum wage at ipauubaya sa mga kompanya ang anumang umento sa sahod.

2012* 2.8 milyon

2013* 3.09 miyon

(7.5 percent)

Sa huling tala ng International Labour Organization, 2.3 milyong Pilipino na nasa edad 15-24 ang nakararanas ng marahas na kondisyon sa trabaho at nakatatanggap ng mababang kita. Kabilang dito ang ilan sa mga empleyado ng Pentagon Steel Corporation na tatlong buwan nang nag-pipiket sa harap ng kompanya. Sinibak ang 134 maggawa sa trabaho nang iginiit nila na magkaroon sila ng mga benepisyo.

Taon Bilang ng OFWs
2010 2011 2012 1,644,439 1,850,463 2,083,223

Padala ng OFWs
P1.05 bilyon P1.14 bilyon P1.66 bilyon

Tila napag-iwanan ang mga manggagawang Pilipino sa pag-angat ng ekonomiya sa tatlong taong panunungkulan ni Aquino—dahilan upang bansagan siyang “most anti-worker president” ng Kilusang Mayo Uno.

Sources: Philippine Overseas Employment Authority, National Statistics Office, National Wages and Productivity Commission, IBON Foundation, International Labour Organization

Klidel Rellin Jul Mar Esteban

SERBISYONG NEGOSYO
Hindi maaalintanang maraming pagbabago sa ilalim ni Aquino, partikular sa serbisyong panlipunan. Ngunit batikos ang inaabot ng mga ito dahil sa paglihis sa layuning ilapit ang mga batayang serbiyo sa mga mamamayan.

26. K-12
Ginawang 12 taon ang basic education sa bansa sa ilalim ng K-12. “Sa K-12, tiwala tayong mabibigyang lakas [ang Pilipino] upang mapaunlad, hindi lang ang sarili at pamilya, kundi buong bansa,” ani Aquino. Gyunman, pinangangambahang hihikayatin lang ng K-12 ang mga estudyanteng huwag magpatuloy sa kolehiyo, ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associates. Dalawang taon mula nang ipatupad ang K-12, nananatiling mapunan ang kahilingan ng programa:

27. RPHER
Ipinapatupad naman ang Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER) sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Kabilang dito ang pagpapatupad sa isang generic socialized tuition scheme at ang paghikayat sa mga SUCs na kumalap ng sariling kita. “We are gradually reducing the subsidy to SUCs to [make them] self-sufficient and financially independent [since they] can raise their income and utilize it for programs and projects,” ani Aquino.

29. Universal healthcare
Sa halip na pondohan ang mga pampublikong ospital, ipatutupad ang universal healthcare program o pagsasailim ng lahat ng manggagawa at mahihirap sa PhilHealth. Nasa 38 porsyento lang ng populasyon ang kasapi ng PhilHealth noong unang ihayag ni Aquino ang programa noong 2011.

32. Krisis sa kuryente at
tubig
Maya’t maya ang pagtaas ng presyo ng kuryente at tubig na pinangangasiwaan ng mga pribadong kompanya. Sa Mindanao, nawalan ng kuryente ang mga nakasalalay sa isinapribadong Agus-Pulangi power plants sa Lanao. Sa Maynila naman, huling nagtaas ang singil sa kuryente ng halos P0.25/kWh. Nakatakda rin magtaas ang presyo ng tubig ang dalawang pangunahing water concessionaires sa Metro Manila: P8.58/m3 sa Maynilad at P5.83/m3 sa Manila Water.

34. Kalamidad
Umani ng batikos ang administrasyon sa hindi maayos na paghahanda at pagresponde sa oras ng mga kalamidad. Matapos manalasa ang bagyong Pablo sa Mindanao, hindi ipinamahagi ng DSWD ang nakalaang 10,000 sako ng bigas at iba pang relief goods sa mga nasalanta. Overpriced din ang mga bunkhouse na itinayo ng DSWD. Sources: Coordinating Council of Private Educational Associates , Official Gazatte of the Republic of the Philippines, Department of budget and Management, Department of Social Welfare and Development, Department of Energy

30. Pagka-antala ng RH
Law
Nakabinbin pa rin sa Korte Suprema ang pagpapatupad ng Reproductive Health Law, anim na buwan matapos itong maisabatas noong Disyembre 2012. Layunin ng batas na isulong ang pangangalaga sa reproductive health ng mga mamamayan.

Silid-aralan: 17, 939 Aklat: 31 million Guro: 61, 510

28. Sistemang

pangkalusugan

33. Dagdag-pasahe
Sa unang taon ni Aquino, ipinanukala ang dagdag-pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit. Ipapatupad ang unang P5 dagdag-singil ngayong taon hanggang sa tumaas ito ng P10. Halimbawa, magiging P25 mula sa kasalukuyang P15 ang pasahe sa MRT mula North Avenue hanggang Taft Station.

Isasapribado ang mga pampublikong ospital sa bansa. Mariing tinututulan ang pribatisasyon na nagiging hadlang sa akses ng mga mamamayan sa serbisyong pangkalusugan, ayon sa Health Alliance for Democracy. Sinimulan nang ipatupad ito sa Philippine Orthopedic Center at may 25 iba pang ospital ang nanganganib na maisapribado.

31. Relokasyon
Naglaan ng P60 bilyon ang gobyerno para sa relokasyon ng 500,000 informal settlers. Ililipat sila sa mga malalayo at peligrosong lugar gaya ng Montalban, Rizal na madalas na binabaha.

Julian Inah Anunciacion

LUPA NG PIGHATI
36. Reporma sa asyenda
ng pangulo
Ipinag-utos ng Korte Suprema noong 2012 ang pamamahagi ng 4,915 ektaryang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ng pangulo. Sinimulan ang pamamahagi ng mga lupa nitong Hulyo lamang kung saan 300 pa lang sa 6,296 magsasaka ang nabibigyan ng mga Lot Allocation Certificate. Sources: Department of agrarian Reform (DAR)

35. Reporma sa agraryo
Apat na taon na matapos ipasa ang Republic Act 9700 o ang Comprehensive Agrarian Reform Extension with Reforms (CARPER) noong 2009. Gayunman, aminado ang Department of Agrarian Reform na hindi nito maipamamahagi ang mga lupaing sakop ng CARPER bago tuluyang mapaso ang batas sa Hunyo 2014.

Naging mabagal ang pag-usad ng mga repormang agraryo sa ilalim ng isang pangulong mula sa pamilya ng mga asyendero.

Sukat ng mga lupaing nakatakdang ipamahagi: 1 milyong ektarya Sukat ng naipamahagi nang lupa: 200,000 ektarya Sukat ng hindi pa nipapamahaging lupa: 800,000 ektarya

6

OPINYON

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013

Checkmate
Jerome Tagaro HINDI AKO NAGING MAGALING SA paglalaro ng chess pero sa matagal na panahon, humahanga ako sa aral na hatid ng mga pangunahing prinsipyo ng laro sa buhay. Tatay ko ang unang nagturo sa akin ng paglalaro nito, ngunit pagkatapos ng higit sampung taon, isang beses ko pa lang siya natatalo. Madalas niyang gamitin ang mga konsepto ng chess sa mga talakayan namin tungkol sa pulitika. Hindi nga naman ito nalalayo, dahil kung gagamitin ko ang mga salita niya, nakikita daw sa chess ang pinakasimpleng anyo ng kahit anong taktika o estratehiya. Malaking tulong daw ang kaalaman nito sa pagbuo ng tamang pasya, pagtanaw sa mga suliranin, at iba pa. Wala pang panalo hangga’t hindi natatapos ang laro. Kahit marami ka nang nakukuhang piyesa mula sa kalaban, hindi ibig sabihin nito na nakakalamang ka na sa laro o nananalo ka na. Maraming beses na akong nabiktima ng tatay ko sa pagsasakripisyo niya ng mga pinakamahahalagang piyesa niya upang makalamang sa posisyon ang iba. Kung ilalagay natin sa konteksto ng laro ang mga pangyayari sa administrasyong Aquino, madaling sabihin na panalo na, na umuunlad na ang bansa — ang mistulang paglakas ng ekonomiya, ang pagkasibak ng dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona, ang umano’y pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita sa mga magsasaka, at ang pagsasabatas ng RH law. Tingnan lagi ang mga bagay mula sa pinakamalawak na perspektibo. May mga pagkakataon na ibinabaling ng kalaban ang atensyon mo sa isang bahagi ng chessboard upang makapaglatag ng patibong sa kabilang bahagi. Hamak na piyesa lamang ang mga nabanggit kung titignan ang kabuuan ng mga natitira pang problema ng bansa. Sa pagtanaw sa malawak na perspektibo ng mga bagay, makikita natin na kahit positibo ang karamihang ipinapakita sa atin sa radyo at telebisyon, hindi pa rin tayo nalalapit sa pagbabago at pag-unlad. Hanggang sa ngayon, libo-libong magsasaka pa rin ang walang sariling lupang sinasaka, ilang panukalang batas pa rin tulad ng Freedom of Information Bill ang hindi pa naipapatupad, at patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga kaso ng human rights violations sa bansa. Tulad sa larong chess, hindi pa rin tayo magwawagi kahit gaano man karaming piyesa ang mapatumba natin, hangga’t hindi masusolusyonan ang ugat nito.

Nakakamangha ang laki ng posibleng epekto ng pagkamulat sa kalagayan ng bansa.

May tungkulin ang bawat piyesa sa larong chess. Mahalaga sa larong ito ang pagkakaisa ng bawat piyesa, na hindi lamang pagsalakay ang bawat galaw kung hindi isa ring pagtatanggol sa ibang piyesa. Tiyak na hindi natin mapapatumba ang kalaban kung hindi tayo magtutulungan. May gampanin ang bawat isa sa atin na makibahagi sa pagbabago ng ating bansa, at malaki nang hakbang kahit ang simpleng pakikialam sa mga isyu. Nakakamangha ang laki ng posibleng epekto ng pagkamulat sa kalagayan ng bansa. Gayunman, hindi magiging mabisa ang ating mga hakbang kung wala ang manlalarong makikita ang buong sitwasyon at makakaisip ng paraan upang makamit ang tunay na kaunlaran. Kung hindi ito kayang gampanan ng pamahalaan, walang iba kung hindi tayo ang dapat na humalili sa tungkuling ito. ∞

Sa UP sana, kaso...
Ann “KUYA, UP DILIMAN PO.” Kumalabog ang pintuan ng taxi nang isinarado ko. “Diliman? Siguro palaging madilim doon sa pupuntahan natin,” sagot niya. Tumawa ako ng pilit. Madami ang kanilang nasasabi sa mga bagay-bagay, kaya gustong-gusto kong nakikipag-usap sa mga drayber ng mga pampublikong sasakyan. Pinuna niyang dahil sa dami ng u-turn slots at palipat-lipat ng linya ang mga sasakyan kaya laging trapik. Humingi na rin siya ng pasensya dahil alam niyang mahuhuli na ako sa klase kaya ako sumakay ng taxi. Nakikinig kami ng AM sa radyo at napansin niyang puro patayan na lang ang ibinabalita ng midya. Bakit hindi na lang daw tungkol sa mga batas, para alam ng karamihan ang mga karapatan nila at hindi na sila maloloko ng iba? Lagi akong may nakaabang na kasagutan sa lahat ng sasabihin o tatanungin niya, maliban na lang sa isa: “Magkano ba ang matrikula mo sa UP? Gusto ko sanang pag-aralin doon ang dalagita kong magko-kolehiyo na.” Ipinakita niya sa akin ang larawan ng anak niya na nakapaskil sa dashboard ng sasakyan. Nagningning ang pulang bestidang bumabalot sa balingkinitan niyang katawan, lumutang ang maputi niyang balat, bagsak na bagsak ang mahaba niyang buhok, at may nangingiwing ngiti. Nagtatalo sa isip ko kung patuloy ko na lang bang pupurihin ang panlabas na anyo ng kanyang anak, palitan ang usapan sa kung gaano ka-trapik at siguradong mahuhuli na ako sa klase, o ‘di kaya’y pag-usapan ang love life ng kung sino mang artista’t pulitiko. Lumipas muna ang ilang minuto bago ko sagutin ng maayos ang tanong niya. “P1,000 per unit po ang binabayaran ko bawat semestre.” Depende sa kakayahan ng estudyante ang babayarang tuition, dagdag ko. Inilahad ko kung magkano ang sinisingil sa bawat bracket, at kung hindi pa kayang bayaran, pwedeng mag-apply ng loan. Nanlisik ang tingin ni Kuya sa daan. Tinanong niya kung bakit ang mahal. Paano na lang daw ang mga katulad niya, maaari niya pa kayang pag-aralin ang unica hija niya? Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Dahil alam na alam ko kung gaano kahaba ang pila sa tuwing darating ang enrolment, pati ang pagbabawas ng inilalaang badyet ng gobyerno sa mga pampublikong kolehiyo. Masaklap. “Bakit hinayaan ng mga taga-UP na mangyari ‘yon? Hindi ba kilala ang UP sa pagra-rally kapag hindi na makatao at nilalabag na ang mga karapatan ng mga mamamayan ng administrasyon?” Para akong sinaksak sa puso. Nasaan ba ang “Press the button to eject” na madalas kong makita sa mga upuan sa AS kung kinakailangan mo? Sumampal sa akin ang katotohanang hindi naman talaga nagkakaisa ang mga “Iskolar ng Bayan”. Nang hindi na ako makasagot, sinabi niya na lang na siguro sa PUP niya pag-aaralin ang anak niya kasi P12 per unit lang doon. Baka hindi niya na lang patuluyin sa UP kung sakali naman daw na makapasa. Lumangitngit ang pintuan nang buksan ko. Pagkababa, hindi ko na nilingon si Kuyang Drayber at ang kanyang taxi. Tumakbo na ako papunta sa labas ng silid-aralan, pero mahigit kalahating oras na rin akong huli sa klase. Umupo na lang ako sa koridor ng AS at inabangan ang paglabas ng prof para maipasa ang homework ko. Hindi na nawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Kuya. Ilang bata pa kaya ang magsasabing “sa UP sana ako mag-aaral, kaso...”? ∞

Nasaan ba ang “Press the button to eject” na madalas kong makita sa mga upuan sa AS kung kinakailangan mo?

OPINYON

PHILIPPINE COLLEGIAN

LUNES, HULYO 22, 2013

7

PHILIPPINE COLLEGIAN
2013 - 2014
Punong Patnugot Julian Inah Anunciacion Kapatnugot Victor Gregor Limon Patnugot sa Balita Keith Richard Mariano Patnugot sa Grapiks Ysa Calinawan Tagapamahala ng Pinansiya Gloiza Rufina Plamenco Panauhing Patnugot Piya Constantino Margaret Yarcia Mga Kawani Mary Joy Capistrano Ashley Marie Garcia Kimberly Ann Pauig Jiru Nikko Rada Emmanuel Jerome Tagaro Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales Amelito Jaena Mga Katuwang na Kawani Amelyn Daga Trinidad Gabales Gina Villas Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Online pkule1314@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/philippinecollegian twitter.com/kule1314

Kimberly Pauig

SIPAT
NEWSCAN
DON’T SWIM ALONE, Be part of the first swimming organization in UP! SEA UP Swimming Enthusiast’s Association in UP Vinzon’s Rooftop, July 24, 2013, 6PM Applicant’s Orientation *Food and Drinks will be served

TEXTBACK
CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us pkule1314@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.

See the light? BE THE LIGHT. Let your faith be God’s lamp to bring His promise of life in all its fullness to reality -especially for the poor and oppressed in our society. Join Student Christian Movement of the Philippines! Grand Orientation on July 25, 5 to 7 p.m. @ 2nd floor GG Hall, Church of the Risen Lord. Sign up online: http://bit.ly/join-scmp-upd-ay1314 For more information, contact Ben (09175437138) or leave us a message on scmpinas.upd@gmail.com and facebook.com/scmp.upd “And if you spend yourselves in behalf of the hungry and satisfy the needs of the oppressed, then your light will rise in the darkness and your night will become like the noonday” - Isaiah 58:10 Follow Christ. Love thy Neighbor. Serve the people! PLAYOUT: TIPS AND TRICKS TO IMPROVE YOUR GRAPHIC DESIGN SKILLS! Learn the basic tips & tricks in graphic design. See you this Friday! July 26 | 5:308:30PM | Palma Hall 400 From the UP Artists’ Circle Sorority, USC Mass Media Committee and Committee on Culture and the Arts For more info, contact 09173123241 or 09352312311.

Forum on CONTRACTUALIZATION 4pm, July 24, Wednesday College of Education Training Center Speakers from: - Bukluran ng Manggagawang Pilipino - Digitel Employees Union - Pentagon Workers Union - Philippine Airlines Employees Association *ACLE-required event For more information, contact Alex Castro (0917 872 5396)

Next week’s questions
1. Kung sasali si PNoy sa The Voice, ano ang gusto mong kantahin niya? 2. Anong gusto mong ipangalan sa magiging anak ni Jolina Magdangal-Escueta?

“The territory, if reacquired, will be a boon to future generations of Filipinos.” -Pres. Diosdado Macapagal Understand the truth behind the claim to Sabah and its importance to the National Patrimony of the Philippines. UP Economics Society and Patriots to Recover Sabah Movement bring you THE TRUE MAP OF THE PHILIPPINES A Symposium on the Philippine Sabbah Claim July 24, 2013 5-8 pm UP School of Economics

Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> MESSAGE <space> STUDENT NUMBER <required> NAME and COURSE (optional) and send to:

Non-UP students must indicate any school, organization or sectoral affliation.

0916 739 2684
Congratulations to the new member of the Philippine Collegian! Hans Christian E. Marin
News Writer

WWW.PHILIPPINECOLLEGIAN.ORG

Litanya ng Kabalintunaan
TULUYAN NANG NABASAG ANG ilusyon ng pagbabagong ipinangako ni Benigno Aquino III. Hindi na sapat ang anumang panlilinlang at kasinungalingang pinabubulaanan ng tunay na kalagayan ng taumbayan. Hindi na maikakaila na ang tuwid na daan na bukambibig ni Aquino ay para lamang sa iilan. At dahil higit na mas nakararami ang hindi nakararanas ng kaunlarang ibinibandera ng pangulo, naging kawangis lamang ng kasalukuyang administrasyon ang sinundang rehimen upang sindakin ang taumbayan. Sa tala ng grupong Karapatan, 107 sa kasalukuyang 385 bilanggong pulitikal ang naaresto sa ilalim ng administrasyong Aquino. Taliwas sa ipinangangalandakan nitong pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan, panganib at kapahamakan pa ang bitbit ng programang Oplan Bayanihan na halaw lamang sa programang Oplan Bantay Laya ni Arroyo. Kaugnay ng hindi mabilang na kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang kawalan ng tunay na repormang agraryo. Mula nang maupo sa puwesto, hindi na kinakitaan ng sinseridad ang pangulo sa pagsusulong ng kagyat at makabuluhang reporma sa lupa. Bunga ng kawalan ng sariling lupa sa kanayunan, napipilitan ang maraming Pilipino na tumungo sa kalunsuran upang maghanap ng trabaho. Dahil sa kakulangan naman ng sapat na sahod, napipilitan ang marami na manirahan na lamang sa mga informal settlements kahit na may panganib sa kalusugan at kaligtasan. Nitong mga nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga demolisyon sa Kamaynilaan upang walisin ang mga komunidad na ito na sanhi umano ng polusyon at baha. Ipinagmamalaki ng administrasyon ang mga proyektong relocation site na salat naman sa mga pangunahing pangangailangan katulad ng kuryente, tubig, at akses sa mga batayang serbisyo. Sa ganitong lagay, patunay lamang na hindi ang paglutas sa kahirapan ang pangunahing layunin ni Aquino. Sa halip nagkakasya na lamang siya sa pagbibigay ng limos sa pamamagitan ng conditional cash transfer at sa pagpapalago ng ekonomiyang ang pinakamayayaman lamang ang nakikinabang. Sa pagtaas ng 7.8 bahagdan ng Gross Domestic Product (GDP), inaaasahang ipagmamalaki ito ng administrasyon sa kanyang SONA. Katulad ng mga nakaraan niyang mga talumpati, hindi na katakataka kung isasantabi niya ang mga usaping magsisiwalat ng kanyang mga kabalintunaan. Sa panunungkulan ni Aquino bilang pangulo, lalong umigting ang public-private partnership na siyang nakita ng administrasyon bilang sagot sa kakulangan sa mga subsidiyo ng gobyerno sa batayang serbisyong pangmasa—edukasyon at kalusugan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang komersiyalisasyon ng mga state universities and colleges (SUCs). Maging ang Unibersidad ng Pilipinas, ang pamantasang una dapat sa paninilbihan sa interes ng mga mahihirap na estudyante, ay biktima ng ganitong iskema. Patuloy pa rin ang pagkapit ng UP sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) upang matugunan nito nang tama ang lahat ng pangangailangang pang-edukasyon ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi rin nakaligtas sa PPP kahit ang mga ospital. Bunga nito lalong naging eksklusibo sa mga may kakayahang magbayad ang mga serbisyong pangkalusugan. Pilit na isinusulong ng adminstrasyon ang modernisasyon ng mga pasilidad, samantalang pilit na tinatago ang kawalan ng pantustos sa mga pangunahing serbisyong kailangan ng mamamayang Pilipino. Kasabay ng laksa-laksang pribatisasyon ng mga batayang serbisyo, patuloy din ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin, petrolyo, at serbisyo sa tubig at kuryente. Sa nakaraang buwan lalong ipinakita ni Aquino ang pagpapakatuta ng kanyang administrasyon sa US sa pagbibigay pahintulot nitong manatili ang mga sundalong Amerikano sa mga base ng bansa. Tila pilit na idinadawit ni Aquino ang mga mamamayan sa mapanganib na tunguhin ng Amerika sa rehiyon. Sa muling pag-akyat ni Aquino sa entablado upang ibandera ang mga nagawa ng kanyang administrasyon, kailangang alalahanin na ang tunay na estado ng bansa ay hindi isisiwalat sa loob ng Batasang Pambansa. Ang tunay na kalagayan ng bayan ay isisigaw sa mga lansangan sa iba’t ibang panig ng bansa. ∞

Illustration: Ysa Calinawan

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful