Part 12: Great Love (7:36–8:3

)
October 6, 2013

The Story
Inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pinaunlakan naman ni Jesus ang paanyaya niya. Sa bayang iyon, may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan ng babaeng ito na kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo. Kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabango. Lumapit siya sa likuran ni Jesus, sa bandang paanan, umiiyak at tumutulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan ang kanyang paa at binuhusan ng pabango. Nang makita iyon ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya, "Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya sanang masama ang babaeng ito na humihipo sa kanya." Pero alam ni Jesus ang nasa isip niya, kaya sinabi ni Jesus, "Simon, may sasabihin ako sa iyo." Sumagot si Simon, "Ano po iyon, Guro?"

Sinabi ni Jesus, "May isang lalaking inutangan ng dalawang tao. Ang isa'y umutang sa kanya ng 300,000 piso. Ang isa naman ay 30,000 piso. Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad. Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang lalong magmamahal sa nagpatawad sa kanila?" Sumagot si Simon, "Sa palagay ko po, ang may mas malaking utang." "Tama ang sagot mo," sabi ni Jesus. Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, "Tingnan mo ang babaeng ito. Nang pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na ipaghuhugas sa paa ko. Pero ang babaeng ito'y sariling luha ang ipinanghugas sa paa ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito. Hindi mo ako hinalikan bilang pagtanggap, pero siya'y walang tigil sa paghalik sa mga paa ko mula nang dumating ako. Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng pabango ang mga paa ko. Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na malaki din ang tinanggap niyang kapatawaran. Pero ang taong kaunti lang ang tinanggap na kapatawaran ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal."

Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, "Pinatawad na ang mga kasalanan mo." Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, "Sino kaya ito, pati kasalanan ay pinapatawad?" Sinabi ni Jesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."
Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang 12 apostol at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong masamang espiritu, si Juana na asawa ng katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nila Jesus ayon sa kanilang makayanan.

Great Sin

Narito tayo ngayon kasi alam natin na kahit sino pa tayo, ano man ang mga naging karanasan natin, anuman ang background natin o katayuan natin sa lipunan - alam natin na kapag lumapit tayo kay Jesus, we will not, we will never ever be rejected. Ang Panginoong Jesus, kahit sino ang mag-anyaya

sa kanya na kumain o imbitahan niya sa bahay, pinauunlakan niya. Kaya nga napaparatangan siya na "matakaw" at "manginginom" (Luke 7:34), na siyempre hindi naman totoo. Sinasabihan din siya na "friend of tax collectors and sinners!" (v. 34). At iyon nga naman ang totoo. Kasi naparito siya para anyayahan ang lahat na lumapit sa kanya - tingin mo man sa sarili mo ay baon sa kasalanan o hindi masyadong makasalanan - naparito siya para baguhin ang buhay natin. "Yet wisdom is shown to be right by the lives of those who follow it" (v. 35). Bagong buhay - kung lalapit tayo sa kanya paanyaya sa lahat kahit sa mga taong ang akala nila ay matuwid na sila kung ikukumpara nga naman sa mga taong imoral, kriminal, suwail, at mabisyo. Para din sa tulad ng mga Pariseo. Inanyayahan si Jesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pinaunlakan naman ni Jesus ang paanyaya niya (v. 36). Sa kuwento alam na nating ang pangalan nito ay Simon. Pero sa simula hindi pa siya pinakikilala. Binibigyang diin na siya'y Pariseo. Na alam na natin na ito ay grupo ng mga relihiyosong Judio na istrikto sa pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa tradisyon ng kanilang mga ninuno. Na ito yung mga taong feeling nila dahil palagi silang nagsisimba, nananalangin, nagaayuno, nagbibigay sa mahihirap, gumagawa ng mabuti, nagtuturo ng Salita ng Diyos, feeling nila ay matuwid na sila. Na nagiging malapit ang Diyos sa kanila dahil sa mabubuti nilang ginagawa. Kung si Simon ay tulad din ng pag-iisip ng karamihang mga Pariseo, iniiisip niya na ang isang importante at sikat at celebrity-status na tao na tulad ni Jesus ay pauunlakan siya dahil sa taglay niyang kabutihan. Kaya feeling niya, ang mga taong imoral, malaswa, gumagawa ng masama, ay hindi dapat lumapit kay Jesus dahil siya'y banal at hindi mahahawakan ng mga makasalanan. Tulad ng babaeng pumasok sa bahay ni Simon. Sa bayang iyon, may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan (v. 37). Sabi ng ilan, ang babaeng ito ay si Maria Magdalena (8:2). Pero wala namang sinabi sa kuwento kung

sino ang babaeng ito. Walang pangalan.. Basta sinabing ang tingin ng maraming tao sa kanya ay "makasalanan." Ibig sabihin, hayag sa mga tao, obvious, ang lifestyle niya na marumi. Siguro she's a prostitute. O kaya naman isa siyang babae na kung sinu-sinong lalaki ang pinapatulan. O kaya naman isa siyang babae na pumapatol sa kapwa-babae. O kaya naman, may asawa siya pero pumapatol siya sa hindi niya asawa. O kaya naman puro masasamang salita ang lumalabas sa bibig niya. O kaya naman magkasabwat silang mag-asawa sa ilegal na negosyo. Anuman ang background niya, hindi na iyon ang mahalaga sa kuwento. Kundi ang paglapit niya kay Jesus at ang kanyang bagong buhay dahil kay Cristo. Ni hindi nga natin narinig na nagsalita siya. But her actions speak a thousand words. Nabalitaan ng babaeng ito na kumakain si Jesus sa bahay ng Pariseo (v. 37). Kilala na niya si Jesus. Na wala siyang criteria ng mga taong pwedeng lumapit sa kanya. Kahit sino ka pa. Kahit gaano pa karumi o kadilim ang nakaraan mo. Kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabango. Lumapit siya sa likuran ni Jesus, sa bandang paanan (ganoon kasi sila kapag kumakain nakahilig nang kaunti, ang paanan nasa likuran), umiiyak at tumutulo ang luha niya sa paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok, hinalikan ang kanyang paa at binuhusan ng pabango (37-38). Mamaya titingnan natin kung ano ang interpretation ni Jesus sa ginagawang ito ng babae. Pero ngayon pansinin muna natin na hindi ito mabilisang pangyayari, ilang sandali ang lumilipas dito, pero hinahayaan ni Jesus ang babaeng ito na gawin iyon sa kanya. He's not rejecting her. Hindi niya sinasabing "inappropriate" ang actions niya. Hindi niya sinabing, "Huwag mo kong istorbohin. Wala akong panahon sa iyo." Na ito naman ang ineexpect ni Simon na gawin ni Jesus sa babae, na hindi dapat hinayaan iyon ni Jesus na mangyari. Nang makita iyon ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya, "Kung talagang propeta ang taong ito, alam niya sanang masama ang babaeng ito na humihipo sa kanya" (v. 39). Hindi nakikita ni Simon ang pag-iyak ng babae. Hindi niya nakikita

ang paglapit nito kay Jesus. Ang nangingibabaw sa kanya ay ang mga kasalanan ng babae. Ang problema sa kanya hindi lang dahil he's making a judgment doon sa babae. Ang problema sa kanya, he's making a judgment about Jesus. "Kung talagang propeta ang taong ito..." Nag-aalinlangan siya kay Jesus. May expectations siya ng mga dapat gawin ni Jesus. Pero ang totoo, kung ganoon ang iniisip niya, hindi niya talaga kilala si Jesus. Si Jesus kilala niya ang babaeng ito na makasalanan. Si Jesus alam din niya ang nasa isip ni Simon. Kaya sinabi ni Jesus, "Simon, may sasabihin ako sa iyo." Sumagot si Simon, "Ano po iyon, Guro?" (v. 40). May lesson si Jesus para kay Simon at para sa mga katulad niya sa atin na dahil wala tayong malalim na sexual addiction o madilim na nakaraan ay katanggaptanggap na tayo sa Diyos, na tayo lang ang may karapatang lumapit sa kanya. May lesson din si Jesus para sa atin na katulad ng babaeng may label na "makasalanan," na siguro hanggang ngayon ganoon pa rin ang label mo sa sarili mo o tingin ng ibang tao, o dahil sa dami ng kasalanang nagawa mo, nahihiya kang lumapit kay Jesus. Feeling mo ang dumi-dumi mo, feeling mo hindi ka niya tatanggapin. He has a lesson for all of us. And he told this lesson in the form of a parable or a story that illustrates a point.

Great Forgiveness

Sinabi ni Jesus, "May isang lalaking inutangan ng dalawang tao. Ang isa'y umutang sa kanya ng 300,000 piso. Ang isa naman ay 30,000 piso. Nang kapwa sila hindi makabayad, pareho silang pinatawad" (vv. 41-42). Obvious ang mga references ni Jesus sa maikling kuwentong ito. Ang lalaking inutangan ay ang Diyos. Ang dalawang may utang ay sina Simon at ang babaeng makasalanan. Ang may utang ng 300,000 piso (sa literal ay 500 denaryo o katumbas ng suweldo ng karaniwang manggagawa sa loob ng 500 araw) ay ang babae. Ang may utang naman ng 30,000 piso (sa literal ay 50 denaryo, o 50 araw na suweldo) ay si Simon. Ang utang ay pagsasalarawan sa kasalanan. Ibig sabihin, may obligasyon tayo sa Diyos bilang siya ang Lumikha sa atin. Nararapat lang

na sundin natin siya, sambahin, at mamuhay nang may kabanalan tulad niya na banal. Pero sumuway tayo sa iba't ibang paraan, hindi natin siya pinahalagahan. Iyon ang utang natin sa Diyos. May pananagutan tayo. Malaki ang pananagutan natin. Kapag naiintindihan natin kung gaano kabanal ang Diyos, hindi na isyu dito kung sino ang mas makasalanan sa dalawa. Ang pinag-uusapan dito pareho silang may utang. Parehong makasalanan. Lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Rom. 3:23). Akala ni Simon maliit lang ang utang niya sa Diyos. Pero kahit maliit man iyon sa tingin n'ya, hindi rin naman siya makabayad. Walang sinuman sa atin ang makakabayad sa malaking pagkakautang natin sa Diyos. Hindi natin pwedeng sabihin sa kanya na, "Huhulug-hulugan ko na lang po. Unti-unti. Gagawa ako ng mabuti para makabawi." Ni hindi nga natin mababawasan iyon. Bawat araw na lumilipas palaki nang palaki ang utang natin sa Diyos. Alam ng Diyos na hindi natin kaya. Kaya naman pinatawad niya ang utang natin! Napakalaki ng habag at awa ng Diyos sa atin! Ang point ng story na ito ay para marealize ni Simon, para marealize natin kung gaano kalalim ang pagpapatawad ng Diyos. Malalim dahil malalim din ang pagkakabaon natin sa utang na hindi natin kayang iaahon ang sarili natin. Malalim ang pagkakabaon dahil sa lalim ng kabanalan ng Diyos. Pero malalim din ang pag-ibig niya sa atin kaya naman napakalalim ng pagpapatawad niya. Parang iniharap sa atin ang napakakapal, napakahabang listahan ng utang natin sa Diyos at pinunit nang pinung-pino at itinapon sa dagat!
He does not deal with us according to our sins,nor repay us according to our iniquities. For as high as the heavens are above the earth, so great is his steadfast love toward those who fear him; as far as the east is from the west, so far does he remove our transgressions from us (Psa 103:10-12).

Kung naiintindihan mo ang lalim ng pagpapatawad ng Diyos, masasagot mo din ang tanong ni Jesus kay Simon, "Ngayon, sa palagay mo, sino sa dalawa ang lalong magmamahal sa nagpatawad sa kanila?" Sumagot si Simon, "Sa palagay ko po,

ang may mas malaking utang." "Tama ang sagot mo," sabi ni Jesus (v. 43). Simpleng-simple ang sagot, hindi na kailangang pag-isipan pang mabuti. Medyo nag-aalinlangan pa sigurong sumagot si Simon dahil alam niyang sapul siya sa lesson na gustong ituro ni Jesus sa kanya. Tama ang theology ni Simon mas malaki ang pag-ibig ng taong nakaranas ng mas malaking pagpapatawad. Pero iyon nga ang problema ni Simon, iyon ang problema ng marami sa atin. Alam natin ang sagot, pero ipinamumuhay ba natin ang sagot? Parang sinasabi ni Jesus ngayon sa kanya, "Simon, you have the right answer. But look at this woman, she's not just thinking of the right answer, she's applying the right answer."

Great Love

Pagkatapos ay nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, "Tingnan mo ang babaeng ito" (v. 43). Ngayon, mahirap na lesson ang ituturo niya kay Simon. Hindi lang getting the right answer or theology. Pero parang sinasabi ni Jesus na tingnan ang babae at imbes na palayuin siya ay siya pa nga ang dapat tularan ni Simon. He thinks that the woman is the greater sinner. But at this point, he needs to realize that he is the greater sinner. Jesus had just transformed a notorious sinner into a great lover. "Nang pumasok ako sa bahay mo, hindi mo ako binigyan ng tubig na ipanghuhugas sa paa ko. Pero ang babaeng ito'y sariling luha ang ipinanghugas sa paa ko at ang buhok pa niya ang ipinunas dito. Hindi mo ako hinalikan bilang pagtanggap, pero siya'y walang tigil sa paghalik sa mga paa ko mula nang dumating ako. Hindi mo pinahiran ng langis ang ulo ko, pero pinahiran niya ng pabango ang mga paa ko" (v. 44-46). Ang sakit lang marinig na akala mo ikaw ang "good example" pero sasabihin sa iyo ni Jesus na hindi ikaw ang "good example" kundi ang taong itinuturing mo na marumi at makasalanan. Tatlong bagay ang tinukoy niya tungkol kay Simon. Una, hindi niya hinugasan ang paa ni Jesus. Marumi kasi ang paa nila noon, maalikabok, wala silang sapatos. Pero hindi naman required si Simon na gawin iyon dahil mga alipin

ang gumagawa noon. Sabi ni Jesus hindi siya hinalikan bilang pagtanggap. Part of their social greeting ang paghalik. Hindi pinahiran ang ulo ni Jesus, para bang maipakita na siya ay isang bisita na dapat bigyan ng karangalan. Hindi naman required si Simon na gawin ang mga bagay na ito. Pero iyon nga ang problema niya, iyon nga ang problema natin. Basta magawa natin kung ano ang mga required sa atin, akala natin "love" na iyon. Hindi komo may naihahanda akong pagkain sa asawa ko, hindi komo nagagawa ko ang mga labahin, ibig sabihin "great love" na iyon. No! Great love is going beyond what is required of you. But expressing what's in your heart that is full of affection and devotion for the one you love. Iyon ang gusto ni Jesus na matutunan natin sa babae. Umiiyak siya, bumabaha ng luha nagpapakita kung gaano siya kasaya na makalapit kay Jesus sa kabila ng laki ng mga kasalanan niya. Lahat ng ginagawa niya dito ay para sa "paa" ni Jesus - pinupunasan, hinahalikan, pinapahiran ng pabango. Parang sinasabi na hindi siya karapat-dapat kay Jesus pero nakahanda siyang magpasakop sa kanya bilang isang alipin. Wala siyang pakialam sa reaksyon ng mga tao. Ang mahalaga sa kanya maipakita, maipahayag ang nararamdaman niya para kay Jesus. Do you love Jesus with a great love? Gaano kalalim ang pag-ibig natin kay Jesus na kahit anong sabihin ng ibang tao, wala na tayong pakialam? Gaano kalalim ang pag-ibig na iyan na kahit sarili natin handa nating ibaba para maipakita lang ito? Aminin natin, we are more like Simon than the woman. I pray, let us pray that God will change our hearts so that we will love him, we will love Jesus with a deeper love. Sana nararamdaman n'yo ngayon iyong desire na nagsasabi sa Panginoon, "Lord, I don't love you deep enough. Lord, tulungan mo akong lumalim ang pag-ibig ko sa iyo." Oo, sasagutin ni Lord ang prayer na iyan. Pero bago mangyari iyon, dapat muna nating marealize kung ano ang connection ng pagpapatawad ng Diyos sa pag-ibig natin sa kanya. Ito ang sinabi niya kay Simon, ito rin ang "memory verse" natin this week...

The Connection

"Kaya sinasabi ko sa iyo na ang malaking pagmamahal na ipinakita niya sa akin ay nagpapatunay na malaki din ang tinanggap niyang kapatawaran. Pero ang taong kaunti lang ang tinanggap na kapatawaran ay kaunti rin ang ipinapakitang pagmamahal" (v. 47). Huwag nating iisipin na ang pagpapatawad ng Diyos ay nakadepende sa pagmamahal natin sa kanya. Pinatawad tayo ng Diyos hindi dahil minahal natin siya, katunayan nga, hindi natin siya minahal nang buong puso. Pinatawad tayo dahil siya ang unang umibig sa atin. Maliwanag ito sa verse 50, sabi niya sa babae, "Your faith has saved you." Hindi pag-ibig sa Diyos ang makapagliligtas sa atin, kundi si Jesus sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya natin sa kanya. Ang pagmamahal natin sa kanya ay bunga o resulta ng naranasan nating pag-ibig niya nang tayo'y patawarin niya at iligtas mula sa ating mga kasalanan. Ang lalim ng pag-ibig natin sa Diyos ay galing sa lalim ng pagpapatawad niya sa atin. Huwag nating iisiping may ibaibang lebel ang pagpapatawad ng Diyos. Si Simon, konti lang ang pagpapatawad ng Diyos. Ang babae, mas malaki ang pagpapatawad ng Diyos. God's forgiveness is always great - sa isang kriminal man o sa isang relihiyoso. Malalim palagi ang pagpapatawad ng Diyos dahil malalim ang pag-ibig niya sa bawat isa sa atin. Ang nagbabago ay ang lebel ng pagtingin natin o pagkilala sa lalim ng pagpapatawad ng Diyos. Kung sa tingin mo ay mababaw lang ang pagpapatawad ng Diyos, mababaw lang din ang pag-ibig mo sa kanya. Kung malalim natin ang pagtingin mo sa pagpapatawad ng Diyos, malalim din at mainit at naglalagablab ang pag-ibig mo sa kanya. Ang lalim ng pag-ibig natin sa Diyos ay galing sa lalim ng pagpapatawad niya sa atin. [Listen to my wife's story on how she experienced this truth.]

Expression of God's Big Time Forgiveness

Ang lalim ng pag-ibig natin sa Diyos ay galing sa lalim ng pagpapatawad niya sa atin. Kung ganoon, gusto ng Diyos na tiyakin tayo, na palagi nating marinig na tayo'y pinatawad na sa lahat ng ating mga kasalanan. Burado na ang utang natin. Wala na tayong kailangang pagtrabahuhan para mapatawad ng Diyos. Hindi na kailangang magperform, magpakitang-tao, magpakitang-gilas, makipagpagalingan. Ganito din ang sabi ni Jesus sa babae. Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa babae, "Pinatawad na ang mga kasalanan mo" (v. 48). Pakinggan mo si Jesus. Huwag mong sabihing, "Hindi ako mapapatawad ng Diyos." Sinasabi niya sa iyo, "Pinatawad ka na." Huwag mong sabihing, "Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko." Pinapatawad ka na nga ng Diyos. Mas marunong ka pa ba sa kanya, mas mataas ka pa ba sa kanya. Tanggapin mo ang katotohanang iyon. Hindi na mawawala sa iyo iyon. Iyon na ang bago mong katayuan ngayon. Kung nasa iyo na nga si Cristo. Kung sumasampalataya ka sa kanya. Hindi ka na sisingilin. Hindi ka na paparusahan. Wala ka nang dapat ipagalala. Marami sa panahon ni Jesus ang hindi makapaniwala sa narinig nila, kasi hindi pa nila lubos na kilala si Jesus. Ang mga kasama niya sa pagkain ay nagtanong sa kanilang sarili, "Sino kaya ito, pati kasalanan ay pinapatawad?" (v. 49). Kilala natin siya. Alam na nating nasa kanya ang awtoridad para magpatawad ng kasalanan. Dahil siya mismo ang Diyos, ang Anak ng Diyos. At dahil siya mismo...pakinggan mong mabuti...ang nagbayad ng malaking utang natin sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang sariling buhay. Wala ka nang dapat ikahiya. Hindi mo na rin dapat pagtakpan ang kahihiyan mong dulot ng itinatago mo pang kasalanan. Inako na ni Jesus ang kasalanan mo. Inako na ni Jesus ang kahihiyan mo. Sa krus. May silbi lang ang ginawa ni Jesus na pagbabayad ng kasalanan mo kung tatanggapin mo. Pero kung sasabihin mo sa kanya na kaya mong bayaran, nasasaiyo iyon. Basta tandaan mo, ang tanging paraan lang para mabayaran mo iyon ay sa pamamagitan ng walang-hanggang pagdurusa mo sa

impiyerno. Pero kung aaminin mo na hindi mo kayang bayaran, at tatanggapin ang ginawa ni Jesus para sa iyo, mararanasan mo din ang naranasan ng babae. Sinabi ni Jesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa" (v. 50). Nandun iyong assurance na may bagong relasyon na tayo sa Diyos. May "peace" na. Wala na ang galit ng Diyos sa atin. Makalalapit na tayo sa kanya. At ipapamuhay natin ang bagong relasyong ito. Sa magandang pakikipagrelasyon din natin sa ibang lalaki at babae, sa asawa, sa anak, sa magulang, sa boss, sa empleyado, sa street children, sa mga strangers, at maging sa mga kaaway natin. We are now free to love them dahil sa laki ng pagpapatawad ng Diyos sa atin.

Expression of Big Time Love for God

Ang lalim ng pag-ibig natin sa Diyos ay galing sa lalim ng pagpapatawad niya sa atin. Kung gayon, ipapakita natin, ipapamuhay natin ang malalim na pag-ibig natin sa Diyos, kay Jesus, sa pamamagitan ng ginawa din ng babae. At hindi ito isolated case. Maraming ibang babae pa ang nakaranas ng ganitong pagpapatawad at pagliligtas ng Diyos, kaya naman malalim din ang ipinapakita nilang pag-ibig kay Jesus. Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Kasama niya ang 12 apostol at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala na pinalaya niya mula sa pitong masamang espiritu, si Juana na asawa ng katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nila Jesus ayon sa kanilang makayanan (8:1-3). Kahit pa tayo'y dating inaalihan ng masamang espiritu, mga alipin ng kasalanan, mahirap man o mayaman, imoral o relihiyoso. Pero bawat isa sa atin ay narinig ang Magandang Balita ng paghahari ng Diyos, na ang Haring ito ay nagpatawad ng ating mga kasalanan sa kanya. Ipakita natin ang pag-ibig na ito hindi lang sa pagsasabi sa kanya ng "I love you," kundi

iyong masigasig na paglilingkod. Mahirap para sa mga babaeng ito ang sumunod at sumuporta sa misyon ni Jesus, mapapabayaan nila ang ilang gawain nila sa bahay at obligasyon sa pamilya. Pero dahil nag-uumapaw ang pag-ibig nila sa Diyos, maglilingkod sila, magbibigay para sa pagmimisyon, kahit nandoon ang sakripisyo, kahit nandoon ang hirap, kahit nandoon ang pag-alipusta ng tao. Para kay Cristo, ibibigay nila ang buhay nila. Dahil sa lalim ng pagpapatawad na naranasan nila. Kaya naman ganoon din kalalim ang pag-ibig nila kay Cristo. How far are you willing to go to show your love for Jesus? Remember, Jesus went as far as death on the cross to show his love for us.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful