You are on page 1of 7

Pagsusuri ng Tula

I.

TALAMBUHAY
A. May-akda - Amado Vera Hernandez [ aka Amante Ernani, Herminia de la Riva,
Julio Abril ] Si Amado ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-13 ng Setyembre 1903. Siya’y anak nina Juan Hernandez at Clara Vera. Tinagurian siyang “National Artist in Literature”. Si Amado ay nag-aral sa Gagalangin, Tondo. Sa Manila High School at American Correspondence School sya nagtapos ng pag-aaral ng Bachelor of Arts Degree. Nagsimula niyang tangkilikin ang pagsusulat bilng journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya ng watawat, Pagkakaisa, Mabuhat, Sampaguita at iba pa. nagging kaibigan din niya sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at Deogracias Rosario. Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “Sariling Hardin” sa Pagkakaisa mula 1926-1932, “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan”, at iba pa. siya’y nanalo rin ng maraming bese. Noong 1925 tinagurian siyang “Makata ng Ilaw at Panitik”. “Wala ng Luha”, 1931 nanalo ng 2 Gold Medal; Republic Cultural Heritage Award para sa “Isang Dipang Langit”, 1962; ang NPC-ESSO Journalism Award para sa nobelang “Luha ng Buwaya”, 1963 at marami pa. natanggap niya ang National Artist Prothumously noong 1973 para sa kanyang kontribusyon sa Developtment of Tagalog Prose.

Ritmo/ Indayog 1.Teoryang Pampanitikan III. Talasalitaan Balasik – kalupitan o kabagsikan Tiwalag – nauukol sa pagiging malaya. Uri – tulang salaysay B.II. Tayutay Pagtutulad (Simili) = sintalim ng kidlat ang mata ng tanod = anaki’y atungal ng hayop sa yungib Pagmamalabis (Hayperboli) = sanlibong aninong inilwa ng dilim = sa munting dungawan tanging abot-malas = isang dipang langit Pandiwantao magulangtang Pagwawangis = at ito ang tanging daigdig ko ngayon – bilngguan mandi’y libingan ng buhay (Personipikasyon) = kung minsa’y gabi’y biglang C. ANYO A. Tugma – katinig at patinig D . ungal Asod – wang humpay Pakikilamas – sunud-sunod na pagdakot nat paglamutak ng isang bagay Tanang – tayo na . Tono – paghihimagsik at pagdurusa B. Estropa – kwarteto C. Sukat – lalabindalawahing pantig 2. bitiw Muog – matibay ng taguang bato Atungal – malakas na iyak ng malaking hayop. KAYARIAN A.

Ngunit kung ikukumpara ang istraktura ng paraang pagkakasulat. PAGSUSURI A. . KAHULUGAN  Paraphrasing VI. dahil sa pagtukoy ng kanyang mga pinagdaanan na kanyang inilahad sa loob ng kulungan  Paghahangad ng kalayaan V. Paksa  Buhay sa loob ng kulungan B.IV. ISTILO  Ang istilo ng may-akda ay pangkaraniwan sa iba. samantalang ang pang-2 at pang-4 ay nagbigay ito ng panglimang espasyo. Himig  Pagdurusa. Simbolismo  Puno – pagkakasala  Kuta – kulungan  Dungawan – bintanang rehas  Tanikala – kadena  Birang – itim na panakip sa ulo D. ang una at pang-3 linya sa bawat saknong ay nasa karaniwang ayos. Diwa  Karanasan ng mga kinukulong  Pingadadaan ng mga bilanggo sa araw-araw  Matutong ipaglaban ang iyong karapatan C.

salita.  Poetic Licence   Inilwa – iniluwa Batitis – pagtitiis VIII. BALARILA  Mabisa ba ang paraan ng pag-ugnay-ugnay at pagkasunud-sunod ng mga ideya.spark?aBID=117200&p=3&topicID=14534548 Para sa Ginawang Pagsusuri http://www. ito pa rin ay may nais ipabatid. dahil ang bawat salitang itinuon at makahulugan at nasa tamang kinalalagyan bagaman ang ilang salita’y inuulit. IMPLIKASYON A. Mensahe Pagiging matatag sa bawat pagsubok ng buhay Ipagtanggol ang sariling karapatan Laging magtiwala sa sariling kakayahan Laging manalig sa Diyos IX. Batis ng Kaalaman Para sa Sipi ng Tula http://pinas.scribd.com/forum.activeboard.com/doc/42740115/Pagsusuri-Ng-Isang-Dipang-Langit . talutod at saknong?  Oo.VII.

katawang marupok.Amado Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin. maramot na birang ng pusong may sugat. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod. Sa munting dungawan. balasik ng bantay.Isang Dipang Langit . sigaw ng bilanggo sa katabing moog. punlo. anaki'y atungal ng hayop sa yungib. sa pintong may susi't walang makalapit. damdami'y supil na't mithiin ay supil. aniya'y pagsuko. watawat ng aking pagkapariwara. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato. tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha. lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. . Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. bakal.

habang may Bastilya'y may bayang gaganti. tanang paniniil ay may pagtutuos. mapiit ay tanda ng di pagsuko.Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas. sampu. sa bitayang moog. ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat . Kung minsan. . kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw. kawil ng kadena ang kumakalanding. may naghihingalo. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api. sanlibong aninong iniluwa ng dilim. at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. dalawampu. sa maputlang araw saglit ibibilad.may takas! .at asod ng punlo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon bilangguang mandi'y libingan ng buhay.

. diyan din. sisikat ang gintong araw ng tagumpay. aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha. layang sasalubong ako sa paglaya! Bartolina ng Muntinlupa Abril 22.At bukas.. 1952 .