You are on page 1of 6

UNANG BAHAGI: TAGPO I.

Tenyong: Julia, tingnan ko nga ang binuburdahan mo Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Tenyong: (Hinawakan ang kamay ni Julia) Ang mga daliri bang ito na kay ganda, ay hindi makakayayari ng hindi maganda? Hindi kapanipaniwala. Julia: Huwag mo na akong bolahin, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (Nagtatampo) Ay! Julia: Bakit Tenyong napagod ka ba? Tenyong: (Hindi sasagot) Julia: Masama ka palang mapagod. (Ihahagis ang panyo). Lalo ko pang pagagalitin. Kita mo nga to, pikon! Tenyong: (Pupulutin ang panyo at dala. Pansamantalang titingin sa bastidor na hawak). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako. Hindi ako nagagalit. Julia: Masakit sa akin ang magalit ka. Tenyong: Sapagkat akoy natutuwa at narito, nakikita ko na minarapat mo pang iburda ang pangalan ko dito. Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo itong ipakita sa akin? Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan! Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A - Antonio N - Narciso F - Flores. Julia: Namamali ka! Sa among iyan! Iyan ay iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letray A, N at F? Julia: Oo sapagkat ang A ay among, ang N natin at ang F ay Frayle. Tenyong: Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkol sa mga taong iyat madaling magpapanting ang tainga ko! (Dudukutin ang posporo sa bulsa at nag-aalab na magsalita). Julia: Huwag mong sunugin ang sarili mong pangalan! Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kura nga ito ay nagising ako sa galit at di koi to mapigilan. Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sa ngalan ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Tenyong: Salamat, salamat Juliang poon ko. Julia: Oh Tenyong ng puso ko, Tenyong ng buhay ko. Tenyong: Ang pag-iibigan natin ay tunay na liwanag at di mapapawi paglingap sa ating puso ay mamamalagi. Julia: Dumulog tayo sa paanan ng altar. Tenyong: Asahan mo. TAGPO II. Juana: Julia?! (nagulat sina Julia at Tenyong) Julia, saan mo nilagay ang baro kong makato?! (Lalabas si Lukas) Lukas: Mamang Tenyong! Mamang Tenyong! Tenyong: Napaano ka, Lukas?! Lukas: Dinakip po ang iyong ama ng boluntaryo ng Santa Maria! Tenyong: Saan kaya dinala?!

Lukas: Sa pagkakaalam ko po ay sa Bulacan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, ako poy paroroon muna at susundan si tatang. Juana: Hintay ka sandali at kamiy sasama. Julia, magtapis ka. (Magsisilabas na sina Juana, Julia at Lukas) TAGPO III. Relihiyoso I: Ah si Kapitan Luis! Taga-samin to. Marami siyang tao. Marcelo: Mason po yata among? Relihiyoso I: Kundi man mason, siguro ay filibustero, sapagkat kung sumulat siya ay maraming K. Cabayo K! Marcelo: Hindi po ako kabayo among!

Relihiyoso I: Kami ay aakyat muna sandali sa gobernador at sasabihin namin na pawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila. Putin: Opo among. Mano po among. Salamat po among. (Hindi nagmano si Tenyong at aalis na) TAGPO V. (sabay na naglalakad sina Tenyong at Putin. Nauuna sa paglalakad si Tenyong) Putin: Tenyong! Kay sama mong bata, bakit hindi ka nagmano sa kamay ng among?! Tenyong: Inang, ang mga kamay ng mamamatay ng kapwa ay di dapat manuhan. At huwag po kayong maniniwala na sasabihin niya sa gobernador na si tatang ay pawalan, bagkus pa nga ipagbibilin patayin na ng tuluyan! (Ipapasok si Inggo na nakadapa sa lapag). Putin: Inggo ko!

Relihiyoso I: Hindi ko sinasabing kabayo ka, kundi ang paraan ng pagsulat niya ang kabayo na may K. Masamang tao yan. Mas mabuti kung mamatay na siya. Relihiyoso II: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel at ang Juez de Paz ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Pero hindi sila makakakain! Relihiyoso I: Hindi Pagkain ang tinutikoy naming dito. Ano kung di sila kumain? Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang sinasabi kong rasyon ay ang palo. Maraming palo ang kailangan. TAGPO IV. Relihiyoso I: Kapitana Putin, ngayon ay makikita mo na ang mga tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko na sa alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibilad at ipinagbilin ko na bibigyan nan g mabuting tulugan. Putin: Salamat po among.

Tenyong: Tatang! Julia: Kaawa-awa naman! Tenyong: Oh mahabaging langit! Tatang ititihaya ko po kayo ng hindi mangalay Inggo: Huwag na anak kohindi na maaariluray-luray na ang aking katawantayoy maghihiwalay nang walang pagkakasala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang inang mo! Putin, oh PutinJuana, Juliakayo na lang ang inaasahan kong kakalinga sa kanilaAng kaluluwa koy inihahain ko na kay Bathala. Tenyong: Inang, masdan mo poat masama ang lagay ni tatanginang pagmasdan mot nanghihingalo na...tatangtatang! Putin: Inggo ko! Inggo! Tenyong: Patay na! (Mag-iiyakan)

Tenyong: Diyos na makapangyarihan! Anot iyong ipinagkaloob ang ganitong hirap! Ipaghihiganti kita aking amang. Tagapagsalaysay: Ang dalawang brasoy gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakakaawa. Ang lahat ng itoy gawa ng kura sa Pilipinas siyang naghahaari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali. At doon na sa kanlungan ni Tenyong si Inggoy pumanaw na. TAGPO VII. (Naglalakad si Tenyong) Julia: Tenyong! Tenyong! Tenyong: Julia! Julia: Diyatat matitiis, na Inay lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Diba nalalaman mong sa kanya walang ibang makakaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan? Tenyong: Julia, totoo ang sinabi mo; datapwat sa sarili mong loob, di na si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alangalang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalala ko? Julia: Oo nga Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaeng gaya ko. Tenyong huwag kang umalis! Tenyong: Julia, hindi maaring ako ay pasaparang; hinihintay ako ng mga kapatid. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang. Ang mga inaanak natin ay magising pa sa kalagim lagim na kaalipin. Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Habang nagsasalita si Julia, huhubarin ang suot na kuwintas at isasabit kay Tenyong). Ang larawang itoy aking isasabit sa tapat ng pusoy huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siyay

masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog koy masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat moy aking huhugasan ng masaganang luha sa matay nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia: Puso koy dinadalaw ng malaking hapis. Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Tenyong: Ang ulap Julia koy di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Julia: Tenyong na poon koy kahimanawari. Magliliwayway ulit dilim ay mapapawi. Tenyong: Huwag nang matakot huwag nang mangamba. Akoy tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaaliping ina. Ikaw irog koy aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikawy kalaguyo. (Titigil pansamantala sa pagsasalita at lilingon patalikod) Yayao na ako. Julia: Akoy lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad ng hindi ikamatay. Tenyong: Juliang aking sinta! Julia: Oh, Tenyong ng buhay ko! Tenyong: (Aalis) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). Julia: Tenyong! IKALAWANG BAHAGI: TAGPO VIII. (Sa bahay ni Julia. Nakaupo si Julia) Julia: Monicaaaaaaaa, Monicaaaaaaaa! Monica: (Sa loob) Pooo?!

Julia: Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka Monica: Opo (Lalabas) Tutula/aawit si Julia: Oh, Tenyong niyaring dibdib, Diyata akoy natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis Huling samo, oh Tenyong, Kung iyo nang maibaon Sa malungkot na pantiyon, Dalawin minsan man isang taon. P. Teban: (Pumapalakpak) Mabuti ang dalit mo Juliadatapwat napakalumbay lamang Julia: (Gulat) Patawarin nyo po ako at hindi ko nalalamang kayoy dumatingkahiya-hiya po. P. Teban: Hindi. Hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo? Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Lalabas) P. Teban: (Sa sarili) Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawaMarunong kang pumili Miguel. Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel poy hindi marunong makiusap. (Papasok si Juana). Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among! P. Teban: Ah Juana, kamusta ang buhay? Juana: Mabuti po among. Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo. Miguel: Baka po ako murahin ah! Tadeo: Bakit ka mumurahin? Narrator: Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso Tutol si Julia

kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lucas.

TAGPO IX. Lucas: Magandang araw po! Julia: Lucas! Tuloy ka. Alam mo ba kung nasaan si mamang Tenyong? Lucas: Hindi po. Ngunit kung kailangan niyo talaga ay aking hahanapin siya. Sabihin niyo lang po Julia: Salamat, Lucas. Subalit ang tanging nais ko ay ihatid lamang sa kanya ang sulat na ito. Lucas: Maaasahan niyo pong darating ito sa kanya. Kung wala na po kayong iuutos, akoy aalis na. Julia: Wala na, Lucas. Sanay makabalik ka agad, ibalita mo sa kanila na wala nang Kastila rito, iniwan at sukat itong bayan. TAGPO X Lucas: Tao po! Tao po! Julia: Aba Lucas! Kailan ka dumating? Nakita mo ba siya? Lucas: Kararating lang po. At opo, nabigay ko na ang liham at wala po siyang sagot. Sa oras na sasagot na siya ay bigla namang dumating ang kaaway. Julia: Kung gayoy napapalaban si Tenyong? Naku! Hindi kaya masugatan! Kay laking panganib! Lucas: Pinaalis po ako ni Kapitan Tenyong at baka raw mapahamak pa ko at wala nang makapagbalita sa inyo. Julia: Ano ba ang bilin sa iyo? Lucas: Sabihin ko raw po sa inyo na siyay uuwi na.

Julia: Maaasahan ko kaya? Lucas: Marahil po, maliban lang kung silay magkaroon ng ligamgam. Sige po, aalis na po ako. Julia: Oo, Lucas. Maraming salamat at marami na akong utang sayo.

Julia: Ano itong narinig ko?! Ibig pang pabilisan ang pagsabi ng mabangis na kamatayan! Mga walang awa! Juana: Tatanungin ko po si Julia kung pumapayag siya. (kay Julia) Julia ipinakikiusap ng biyenan mo na sa Sabado na lang daw ang kasal. Julia: Inang, sabihin mo po sa kanila na antabayanan ang araw na napagkasunduan! Bakit po minamadali nila? Juana: Siyanga po naman, maghintay na po tayo.. Tadeo: Miguel, maghintay na! Ikaw ay umuwi na at dumaan kay Fiscal Manuel. Sabihin mo sa kanya na hindi na matutuloy sa Sabado. IKATLONG BAHAGI: Tagapagsalaysay: Nagpatulong si Julia kay Lucas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sila Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpakatiwakal. Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isisigaw ang Hindi po! ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay sa sama ng loob ang kanyang ina. (Habang hinahatid ni Juana si Julia sa pari, si Juliay nakasimangot) Pari: Mga kapatid. Ngayoy masasaksihan nyo ang kasalang Miguel at Julia. Mayroon bang tututol sa kasalang ito? Tenyong: Itigil ang kasal! (Magugulat ang mga tao at magsisitinginan kay Tenyong. Si Tenyong ay lubhang nasugatan at inaalalayan siya ng dalawang heneral) Julia: Tenyong! Heneral: Padre, hayaan nyo po na mangumpisal si Tenyong. Pari: Ano ang iyong huling kahilingan?

Narrator: Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Minsan, habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasay ikakasal na si Julia kay Miguel. Miguel: Ah, narito na po si Tatang? Tadeo: Ano balae, hindi ba nagkakasakit? Juana: Wala naman pong nagkakasakit sa amin. Kamusta naman po kayo? Tadeo: Mabuti, parehas pa rin ng dati. Si Miguel lamang ang palaging sinisinat Si Julia? Juana: Narito po. Julia! Julia! Pumarito ka, tinatanong ka ng magiging biyenan mo. Tadeo: Iha, ibig koy ikaw ang pipili ng damit mong bibilhin.. Julia: (sa sarili) Kay bigat nga naman talaga ng duko ko sa matandang ito, mukha ngang manununog. Tadeo: (to Juana) Balae, mai ibig akong sabihin sa iyo: huwag na nating hintayin pa ang ikadalawamput lima; sa araw ng Sabadong darating ay iraos na natin ang mga bunso.

Tenyong: Padre. Gusto ko pongmaikasal kay Julia. Siya po ang pinakainiirog ko. Tagapagsalaysay: Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Pari: Ngayon napagkasunduan na ng nagmamahalang Tenyong at Julia na ikakasal na. Julia, tinatanggap mo ba si Tenyong bilang iyong kabiyak habambuhay? Julia: (May galak) Opo, padre. Pari: Tenyong, tinatanggap mo ba si Julia bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa? Tenyong: Opo, padre. Pari: Ngayon, binabasbasan ko kayo sa ngalan ng ama, ng anak at ng espiritu santo Sabay sina Julia at Tenyong: Amen! (Maghahawak kamay ang dalawa at mayamayay lumapit si Miguel kay Tenyong.) Miguel: Walang Sugat! (Gayundin, nagbulungan ang lahat ng mga tao na walang sugat) Tagapagsalaysay: Nalaman na lang ng mga tao na gawa-gawa lang ang lahat ng ito ng Heneral at ni Tenyong nung nakita ni Miguel na walang mga natamong sugat si Tenyong. At diyan po nagtatapos ang aming dula-dulaan na Walang Sugat.