You are on page 1of 1

Ang Trend Ngayon: Wattpad Ni: David Renz P.

Bonifacio

“Pede bang itanong kung anong oras na?” sabi niya sa akin. “Oras na para mahalin mo ako.” Wala sa sarili kong sinagot ang tanong niya. “HA?” sabi niya. “Ay, sabi ko 5:07 na.” sabay takbo paalis sa sobrang hiya ko. Sinabi ko ba talaga yun? OMG! Di ba, sobrang chess yang scene at mga linyang ito. Hello! Isa lang yan sa mga nakakakilig na linya na kinababaliwan at kinakikiligan ng mga kabataan ngayon. Ang pagbabasa ng e-book o mas kilala sa tawag na Wattpad. Ang Wattpad ay isang mobile e-book application na nagsimula noong oktubre 2006 na pinangunhan ni Ivan Yuen, na siyang founder at CEO ng Wattpad. At noong mga sumunod na taon, unti-unting nakilala ang Wattpad sa iba’t-ibang panig ng mundo, dahil sa mga kwentong ipinublish dito. Sa Wattpad, libre ang lahat, pwede tayo maging manunulat, magbasa ng mga kwento ng ibang manunulat at syempre, makakahanap tayo ng mga bagong kaibigan sa Wattpad community. At kung ang Wattpad ay kilala na sa buong mundo, hindi naman magpapatalo an gang pilipinas pagdating sa pagsusulat at pagbabasa sa Wattpad. Napakadaming kwento na gawa ng mga pilipinong manunulat sa Wattpad, nandiyan ang istoryang ‘Secretly Merried’, akda ni forgottenglimmer na may pinakamataas na bilang ng nagbasa na umabot na sa 15 milyon! At nariyan din ang mga iba pang kwento tulad ng Break The Cassanova’s Heart Operation, Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, Sadist Lover at marami pang iba. Lahat ng kwento sa Wattpad ay may sari-sariling genre o category na tutumpak sa panlasa ng mambabasa. Ang Wattpad ay isang daan ng mga kabataang Pilipino ngayon na maglabas ng talent nito sa pagsulat ng mga babasahin tulad ng Pocket Book pero di na tulad noon na nakalibro pa dahil sa panahon ngayon, ito ay nakalagay na sa internet, di ba high tek na! at sa mga kwento nila, mas marami ang nakakadama nito dahil ang mga gawa nila ay sumasalamin sa kalagayan ngayon ng mga kabataang Pilipino. Yung bang mga kwentong PBB teens ang porma! Di ba relate na relate! At trending pa sa kabataan, kaya sa mga gustong patawanin at pakiligin. Aba! Magbasa na rin kayo ng Wattpad! At siguradong mag-eenjoy kayo dito!