You are on page 1of 23

Pangkalahatang Pamagat: Ang KASAL ni

KALAWANG sa Iba’t ibang Pananaw:


Interkoneksyon ng mga Teoryang Pampanitikan
Ni RJ AMPOYOS ASU-CFMS NEW
WASHINGTON, AKLAN, PHILIPPINES

Panimula

Anumang akdang pampanitikan ay


dumadaan sa proseso ng pagbubuo at pagkamit
ng karurukan nito. Taglay nito ang kasikatang
tinatamasa tulad ng mga pulitiko, artista, manlalaro, atleta, lider-estudyante
atbp. Kasikatang yaong mga taong nasa larangan at kalagayang ito lamang
na nabanggit gaya ng pagsulat ng katha ang siyang magtatamasa at
magtataglay dahil sa malawak na pananaw sa eksistens at kagalingan ng
tao.

Kamatayan ang huling hantungan ng tao, pedestal para sa mga


nananagumpay, at KASAL naman sa mga indibidwal na naniniwala sa
kasagraduhan ng pagsasama.

Sinasabing KASAL ang hahantungan ng dalawang nilalang na parehong


naniniwala na ang pagiging being (nilalang) nila o maging ang eksistens nila dito
sa mundong ibabaw ay magreresulta sa isang realistiko at masayang
pagbabahaginan ng masasayang karanasan, matatamis na pag-ibig, di
mapapantayang langit na sila lamang sa disposisyong ito ang nakababatid at
nakararamdam ng kasarapan ng buhay.

Kaya naman, ang pagsusuring ito sa akdang batid ko ang lahat ay


makauugnay, ay walang kiming isinagawa sa kapakanan ng mga mambabasa ng
akda at maging sa pagbibigay-buhay sa likhang-sining na dapat mabigyang
hustisya at putulin ang litid na siyang komukontrol sa nilalaman ng akda upang
tangkilikin at tuklasin ang mga nakatagong misteryo sa buhay ng sumulat ng
akdang ito.

Ang pagtatangkang ito ay isang signales at patunay na ang tao ay walang


humpay sa paghahangad na mabigyang kaganapan at realidad ang mga
senaryong hanggang sa malayang imahinasyon lamang ng mga panday ng
panitikan naglalaro.

Sinikap kong mabigyang hustisya ang lahat na mga nakatagong misteryo


na nalalambungan ng makakapal na ulap ng makahulugang pahayag, salita at
mga simbolismong ginamit ng may-akda gamit ang iba’t ibang teoryang
pampanitikan na sa tingin ko’y taglay ng akdang nabanggit kanina.

1
Nawa’y ang gawaing ito, bilang manunuri, kritiko ng akda, hindi ng lipunan
at daigdig ay magsilbing ningas na nasa gawaing pagsusuri ang kagandahan,
katanyagan at kahalagahan ng isang akdang pampanitikan. At batid kong
aminado kayo sa aking mga tinuran. Minabuti ko pong gawin ang pagsusuring ito
sa isang komprehensibong pagtalakay na hinimay ang pagsusuri sa iba’t ibang
sub-topiko upang mas maunawaang mabuti ang pagsusuring ginawa.
Bukod dito, bumuo din ang may-akda ng isang pangkalahatang pamagat
na hinango ang ideya sa mga tanyag na kritiko na sa tingin ko ay magiging
epektibo upang magkaroon ng identidad ang isinasagawang pagsusuri sa
realistikong pananaw.

Ang Realismo sa Pamagat ng Akda

“For better, for worst, tell death do us part, I love you forever will be
in my heart…..I swear.”

KASAL. Isang katawagang iniuugnay sa mga taong


matapat na nagmamahalan sa isa’t isa. Kagaya ng isang
linyang awit na nasa itaas, ito’y nagpapahayag lamang ng labis
na pagpapahalaga sa taong iniibig. Kalakip ang pangakong
susukat sa kanilang katapatan na walang iba, pagkat IKAW lamang.
Kaugnay ng terminong ito ang isang pananagutang kaakibat na siyang
dapat pakaisipin ng mga taong papasok sa panibagong daigdig na ito. Kalimitang
pinapakahulugan na sagradong okasyon kung saan ang dalawang nilalang ay
haharap sa altar ng Panginoon at doo’y hanggang langit na manunumpa nang
buong puso’t katapatan nga ba? Na ano mang unos ang dumatal ay mananatili
ang higpit ng bigkis ng kanilang pagsasama SA HIRAP MAN O SA GINHAWA.

Ang kasunduang pangkasalan ay isang kontratang pinapasukan


bago magpakasal. Nasasalamin sa kasal ang pag-iibigan ng magsing-irog. Sa
Hudaismo, ang kasunduang pangkasalan ay isang anyo ng sining; mayroon
itong iba't ibang disenyo at isinasabit nang prominente sa bahay ng mag-asawa.
Sa Kristiyanismo, ang kasal ay isang banal na sakramento, kung saan ang
pagpapasya ay sigurado. Ayon sa kasabihan: "Hindi ito tulad ng isang pagkain
na pag ika'y napaso madali mong mailuluwa."

Ang kasal o matrimonyo, bagaman isang kasunduan ng puso, diwa,


at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa
lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao, karaniwan na ng
isang lalaki at babaeng nag-iibigan. Magkakaiba ang anyo ng selebrasyon sa
bawat lugar sa mundo, at kadalasang ayon sa pananampalataya, paniniwala,
lahi at kultura ng mga ikinakasal.

Ayon sa Istrakturalistang pananaw, ang panitikan ay parang WIKA. Ibig


lamang sabihin na ang akda, ay WIKA. Bukod dito, ang kahulugan daw ng isang
teksto ay nasa kamalayang gumagamit sa teksto at hindi sa teksto mismo.

2
Isang tipikal na tradisyon na ang pag-iisang dibdib ng magsing-irog ay
nagaganap sa mga simbahan. Nakaugaliang ang pagtataling-puso ay gagawin
sa harap ng tahanan ng Diyos upang maging saksi sa natatanging araw na ito sa
buhay ng mga taong nais pakawala sa mundong noo’y ginagalawan at galugarin
ang mundong nakalaan upang maranasan ang panibagong simula sa yugto ng
kanilang buhay.

Ngunit sa mga naturalista naman, ang pagpapakasal ay maaaring


maganap alinmang oras, saan mang lugar at anumang panahon. Ayon sa kanila,
ang importante sa okasyong ito ay maisagawa ang panunumpa ng dalawang
nilalawang basta’t mayroon lamang tagpagsagawa ng ritwal, bilang instrumento
ng Panginoon at tagapagbasbas.

Sa mga realista naman, ang pagpapakasal o ang kasal ay dapat ganapin


sa harap ng dambana ng Diyos, ang simbahan upang maging reyal o totoo ang
seremonya. Sa ganitong paraan lamang magiging sagrado at mabisa ang kasal.

Ang pamagat ng akda na “KASAL” ay kasasalaminan lamang ng isang


tradisyong ditto sa ating bansa ay lubos ang pagpapahalaga. Binigyang
kahulugan ang terminong ito ng may-akda ng kwento bilang “di natupad na
pangarap.” Ika nga’y “nagsimula sa isang pangarap, nauwi pa rin ang lahat
bilang isang pangarap. Ang lahat ay pawang laro lamang ng mahiwagang
imahinasyon ng mga tauhan. Walang pagpapahalagang nabanaagan sa mga
tauhang makitid ang utak sa kahalagahan ng tradisyong ito sa matagumpay na
pagsasama.

Sa kabilang dako, isang maliwanag na mensahe sa kwento, na ang


KASAL ay hindi kalimitan isang manipestasyon ng isang magandang
pagsasama. Hindi mapasusubalian na kahit sa mundong ibabaw, isang
katotohanan na ang KASAL ay hindi naman isyu para sa mga taong praktikalidad
ng buhay ang iniisip.

Ipinakita ng may-akda sa pamamagitan ng pamagat na ang pagsasama


ng dalawang nilalang ay maaaring mapagbuklod o mapagsama ng mga papel at
kontrata, sa mas payak ay maikasal kahit na walang lubos na pagtatangi o
pagmamahal sa kapareha na sa tingin ko’y isang kabalintunaan. Anuman ang
sabihin ng mga nakaranas ng ganitong sitwasyon, kahit ipagdildilan man nilang
hindi nila minahal ang taong ipinakasal sa kanila dahil na rin sa “political motives”
ng mga mayayama’t pulitikadong tao sa lipunan, kaya may tinatawag tayong
yaong mga “napilitan at napipilitan” dahil kinakailangang sundin ang utos ng
nakatatanda, hindi pa rin itong isang balidong rason dahil nang minsang kayo’y
pagbuhulin sa pamamagitan ng salita ng Diyos, siya’y itinuring mo na at
tinanggap bilang iyong asawa. Nangangahulugan na minahal mo rin ang tao.
Ang kasunod na lamang ang siyang tutuos upang ipawalang-bisa talaga ang
kasal.

3
Realidad ang KASAL kung kaya naman ay dapat na gawin din itong real.

Siko-Analitikong Pananaw sa
Katauhan ng Awtor/May-akda

Ang pinakamahirap na bahagi sa pagsasagawa ng isang pagsusuri ay


ang basahin ang sikolohiya ng awtor. Isang mahirap na gawain ang pag-arok sa
matayog na pangarap at iniisip ng awtor. Sapagkat ito lamang ang malayang
nakapaglalakbay sa diwang kanyang binuo pati na ang mundong sarili nitong
binuo upang lakbayin.

Sang-ayon sa primaryang simulain ng teoryang Siko-Analitika,


“ekonomiko o pangkabuhayan ang motibo ng lipunan.” Isang patunay na ganito rin
ang layunin ng awtor, si KALAWANG.

Bagamat isang sagisag-panulat lamang ang kanyang dinala sa


pagpapakilala ng kanyang akda, hindi pa rin ito dahilan upang hindi magalugad
ang damdamin at karanasan nito kaugnay sa kanyang buong pagkatao.

Sa kanyang sagisag-panulat na “KALAWANG” makikita o mahihinuha


natin kung anong uri ng tao ito. Katulad ng isang kalawang (rust), ang panahon
at buhay din ng tao ay lumilipas, kinakalawang din. Ngunit isang di-
mapasusubaliang katotohanan na bago kapitan ng kalawang ang isang bakal ay
minsan din itong naging bahagi ng isang kabuuan o pundasyon. Mangyayari
lamang na kapitan ito ng kalawang kung pababayaan o hahayaan na lamang na
alikabukin, ulanan at arawan at maging isang bakal na lilipas sa kanyang
panahon, magretiro.

Kung paghahanguan natin ang analohiyang ito, marahil, isang patunay


lamang ang nabanggit upang sabihin nating ang awtor ay ganito ang nagging
karanasan habang patuloy nitong sinusulsi ang kanyang motibo sa lipunan.
Ngunit ang buhol na kanyang binuo ay hindi sapat upang mapagtibay ang
kanyang sinimulan dahil sa iba’t ibang sitwasyong sosyal at personal kung kaya’t
unti-unting nakakalas ang pagkakatali ng kanyang mga pangarap. Upang
patunayan pa ang mga pahayag na ito, pansinin ang mga sumusunod na
pahayag na sinipi mismo sa akda:

‘YUNG MAHALIN KITA HABAMBUHAY, hindi ko yata iyon pwedeng


ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay pwede ko
pang ipangako sa iyo, kahit papaano.

Dito, masasabi natin na hindi ang tauhan na kanyang binigyang-buhay


ang nagsasalita, hindi rin ang mambabasa, mas lalong hindi na ibang tao, kundi,
malinaw na siya, ang awtor. Ang mga pahayag na ito ay galling mismo sa
kanyang isip sa isang pampilosopikong rason. Ngunit totoo! Ang awtor ang
bumuo, siya ang nag-isip, ito ang nagsulat ibig sabihin siya ang tinutukoy. At

4
hindi pupwedeng hindi ito naging karanasan niya minsan. Suriin natin ang
pahayag, hindi ba’t ito’y isang tuwirang pahayag na yaon lamang mga taong
nakaranas ng mga ito ang siya ring makapagsasabi?

Idagdag pa natin ang pahayag na ito:

“At kahit anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang
ipantapal, kung talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito,
anumang ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata.”

Malinaw sa mga pahayag na ito na ang awtor mismo’y naranasan ang


ganitong sitwasyon. Dahil ang sikolohiya nito maging ang pilosopiyang
masasalamin sa mga linya ng pahayag ay matibay na pruweba na ang
kasawiang ito ay naganap sa tunay na buhay ni KALAWANG.

Repleksyon ng damdamin at karanasan. Ito ang maiuugnay sa akdang


binuo ni KALAWANG. Ang tagapagpahayag ng kanyang iniisip at nadarama ay
sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kathang kalakip ng isang nabaong mithiin
ay talagang isang obrang matatawag. Bukod ditto, minabuti ng awtor ng akda na
hindi dalhin ang tunay na pagkatao upang kahit papaano’y maitago ang ilang
sekretong itinuring na nitong kapatid ng nakaraan. Ito’y mananariwa na lamang
sa kanyang puso’t isipan.

Modernismo sa mga Salita at Pahayag

Sa kasalukuyang panahon, tayoy nabubuhay sa piling ng realidad at


praktikalidad. Naging palasak na sa ating mga panlasa’t pandinig ang terminong
BAGO at MAKABAGO. Ang makabago o bago ay tumutukoy bilang
pangkalahatan, anumang bagay na sumibol o umusbong, kaalaman, paniniwala,
kaugalian, tuntunin, isatratehiya, pahayag at maging salita at wika sa
kasalukuyan. Saklaw nito ang lahat nang nabanggit. Ang ibang manunulat, mga
makata, nobelista at mga kritiko’y tinatawag itong MODERNISMO (New
Critism).

Maraming makata’t manunulat ang sumasandid sa teoryang ito gaya na


lamang halimbawa nina Rolando S. Tinio at Jose F. Lacaba. Ilan lamang sila sa
mga nagpapatrimonya sa teoryang nabanggit.

Ang KASAL ay isa lamang din sa mga akdang kasasalaminan ng mga


pahayag at salitang nakatuon sa Teoryang Modernismo. Ito’y may pagkakatulad
sa Eksistensyalismo. Ngunit may kaibahan talagang taglay ang dalawa sa bawat
isa. Sa Modernismo mapapansin ang paggamit, paglalaro at pag-eeksperimento
sa wika na siyang makikita naman sa akda ni KALAWANG. Pansini ninyo ang
sumusunod na pahayag at mga salita sa ibaba:

5
“Akala nga naming ay masisira ang aming tent sa lakas ng hangin.”

“Ang mga ulap sa ibaba ay parang ragasa ng ilog sa kanilang pagtulog, parang
naka-freeze ang kanilang motion, parang pelikulang pinahihinto ang galaw ng
frame.

“Parang tuyong dahon ang kaluskos ng aming mga Jacket at windbreaker.”

“Hindi pinalalampas ng mga photographer.”

“Tamang-tama ang color temperature”

“nakaka-challenge sa f-stop ng kamera ang speed ng liwanag.”

“Nasa kanilang transience ang kanilang permanence.”

Malinaw sa mga halimbawang ito mula sa akda na ang awtor ay labis-


labis ang pag-eksperimentong ginawa sa pagbuo ng isang pangungusap at ang
pagsasama-sama ng mga salita. Hindi maitatatwa na ang paggamit ng mga
Ingles na salita at pahayag sa pagbubuo ng isang akda ay mapapansin na sa
kasalukuyan kung saan nasa modernong panahon na tayo ngayon. Gayundin
naman, nakabubuo rin ito ng sariling “impact” kumbaga sa mga mambabasa at
sa kabuuan ng katha. Pinatitingkad nito ang dating malamyos at binibigyang-
buhay ang noo’y patay. Ang kaalaman sa pagsasaling-wika (translation) ay isang
pamamaraang hindi natin maitatanggi na dapat nating mabatid. Sa
pagsasakatuparan ng layuning modernisasyon at globalisasyon, kinakailangan
ding sumabay ang mga makata’t manunulat sa agos ng pagbabago, ang
pagiging moderno at kung ano ang “in”.

Samakatuwid, ang awtor ay lumikha ng bagong istilo na angkop sa


modernong mundong kanyang ginagalawan sa pagbuo nito at pagtatagni-tagni
ng mga salita’t pahayag. Malinaw na nag-eksperimento ito ng mga salita upang
mabigyang-diin ang isang bagay na moderno at maging ang isinasalarawang
kaganapan.

Kaugnay sa tuntunin ng pagsasalin, masasabing sinunod naman ng awtor


kung ano ang dapat nitong ilagay o ang siyang angkop na salita. Ang “wind-
breaker, f-stop, freeze, off season climbs, long distance,
canister at corny” ay ilan lamang sa mga salitang masasabi nating hindi
matutumbasan sa Filipino. Kaya sang-ayon akong kailangang manatili sila at
hiramin ito ng tuwiran. Bukod sa mga salitang nabanggit, narito pa ang ilan:

Introspective shades groundsheet weekday stove


Rough road peg mummy cookset tent
Flysheet cut-off mag-sorry biking live-in

6
Tissue paper margarine pagba-bike permanence unload
Ka-batch campsite footpath nakapag-pack
transient Mountaineering group mountain bike

Mayaman ang akda ni KALAWANG sa mga terminolohiyang Ingles.


Ginamit na niya ang “code switching” o ang “pagpapalit-koda” na
siyang ipinalit sa dating katawagang TAGLISH o ENGGALOG. Ang ganitong
klase ng pagpapahayag naman ay nakapupukaw ng interes sa parte ng
mambabasa ng katha na mas basahin pa nang puspusan ang kwento.
Nagbibigay ito ng kakaibang impresyon at istilo, na sa pamamagitan ng pag-swi-
switch mula sa isang wika tungo sa isang wika ay napaiiba nito ang damdamin at
pananaw.
Ngunit ang pagiging di-konsistent ng mga salita ang isang kamalian at
kahinaan ng akda at ng awtor. Mapapansin ito sa mga sumusunod:

“Tamang-tama ang color-temperature.”

Nagbabago-bago ang temperatura ng liwanag.

Sa mga halimbawang ito, hindi ba’t nagging di-konsistent sa paggamit ng


salita ang ating awtor? (batay sa nakasalungguhit na salita) Oo nga’t sa unang
pahayag ay gusto lamang bigyang-diin ng awtor ang isang timpla ng kulay ngunit
ano bang mali kung maging konsistent siya sa paggamit ng salitang
TEMPERATURA na bibaybay at himig Filipino?

Bukod pa dito, may ginamit din siyang mga salita sa kanyang akda na
maaari naming magbigay ng katumbas sa Filipino gaya ng mga halimbawa sa
ibaba:

- ang kanilang motion


- pitong taon na rin naman silang cut-off sa isa’t isa.
- Habang binibomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ng tubig ang
cookset
- Sorry siya nang sorry
- Pamamaalam sa isa’t isa, iyon ang dahilan ng climb na ito.
- Nasa kanilang transience ang kanilang permanence.

Ngayon, sa unang halimbawa, ang motion ay puwede naming tumbasan


ng pagkilos o kilos; ang cut-off ay hiwalay; ang sorry bilang paumanhin; ang
climb ng pag-akyat; at ang transience ng pansamantala at permanence ay
kapanatilihan o pagkapalagian.

At ang malala ay ang di-konsistent na paggamit ng ilang salita kagaya ng


saranggola at guryon. Pansinin:

7
“KAHAPON NG HAPON ay pinunit ng hangin ang
pinalilipad naming saranggola.” (mula sa pahina 4)

“Hindi tulad ng mga guryong pinalilipad ko noong ako’y bata pa na


ako rin ang gumagawa, na lakas-loob kong ipinanlalaban sa iba pang
saranggola, minsan ay natatalo, minsan ay nananalo.”

Dito, mapapansin natin na ang saranggola at guryon na iisa lamang ang


pakahulugan, at ang mali pa ditto ay ginamit ng may-akda ang dalawang salitang
ito sa loob lamang ng isang pahayag. Hindi naman natin matatawag na kaso ito
ng “pag-uulit o redundancy” ngunit ang isyu dito ay ang pagiging konsistent sa
paggamit.

Naulit muli ang sitwasyong ito gaya sa sumusunod sa ibaba:

“Habang binobomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ang


cookset.” (pahina 4)
“Inangat ko ang takip ng maliit na kaldero. Hindi pa rin kumukulo
ang tubig.” (P.8)
“KUMUKULO NA ANG TUBIG. Inalis ko ang kaldero sa stove.”
(pahina 9)

Batay sa mga halimbawang pahayag na nasa itaas, ipinakita ang gamit ng


salitang “cookset” bilang kaldero, na tumbas sa Filipino. Sa maikling salita,
anupa’t ginamit ng awtor ang salitang “cookset” kung dalawang ulit naman
nitong ginamit ang tinutukoy na katawagan sa Filipino? Ito’y isang pruweba na
naglalaro ang awtor sa paggamit sa salita. Ang pagiging moderno ng salita sa
kanyang pananaw ay nakabatay sa ginagamit nitong salitang Ingles. Isang
kabatiran na ang awtor ay malakas ang impluwensya sa kaligirang Ingles.
Masasalamin sa kanyang katha na mahirap sa kanya na hindi makapaglagay ng
mga makabagong termino upang maging mabisa ang pagsasalarawan ng mga
kaganapang nais nitong bigyang-diin sa binuo nitong obra.

Pagdedekonstrak sa mga Magagandang pahayag,


Tayutay at Simbolismong Salamin ng Mayamang
Tradisyon at Kaugalian

Taglay ng kathang KASAL ang mga tradisyong salamin ng buhay at


pamumuhay ng tao sa lipunang humubog sa kanyatao, tagapagsiwalat ng
katotohanan at tagapagsagawa ng pagbabagong-anyo ng lipunan. At ang mga
tradisyong ito ay nakatago sa mga magagandang pahayag, mga tayutay at
simbolismong taglay ng akda. At, iisa lamang ang sandatang ginamit, ang WIKA.

8
Sang-ayon sa pananaw ng teoryang Dekonstruksyon, ang panitikang
pasulat ay produkto ng isang tiyak na may-akda na tagapagdala at tagapag-ingat
ng isang tradisyong pang-intelektwal at pampanitikan. Ang wika ang
tagapagpanday ng kamalayang pansarili at panlipunan. Kung kaya naman wika
rin ang ginamit upang ipahayag ng may-akda ang mensahe, tradisyon at mithiin
sa pamamagitan ng mga tayutay, simbolismo at magagandang pahayag na
kanyang binigyang buhay sa kanyang likhang-sining.

Upang matalos natin ang mga ito, kinakailangan nating edikonstrak ang
mga ito isa-isa.

Simulan natin sa mga Magagandang Pahayag:

“Yung MAHALIN KITA HABAMBUHAY, hindi ko yata ito


puwedeng ipangako sa iyo. Pero ang iyong iisipin kita
habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako ko
sa iyo, kahit papaano.”

Ang pinakamaganda sa lahat ng pahayag na matutunghayan sa kuwento.


Ngunit ang kagandahan ng pahayag na ito ay isang pangkaisipan para sa akin.
Isang estrangherong pahayag sa akin lalo na sa mag-asawa.

Litaw na litaw ang mayamang tradisyon sa lipunan, na ang mag-asawa ay


magbibitaw ng mga pangako sa bawat isa. At anumang pangakong kanilang
bibitawan ay nakatatak sa puso’t isipan ng dalawa. Sa realidad, ang pangako ay
hindi ganito ang takbo. Kakaiba ang pangakong ito, sa pangakong aking naririnig
sa mga ikinakasal. Ano ngayon ang tumatakbo sa isipan ng may akda kung bakit
niya isinulat ang linyang ito? Totoong, maaaring likhang-isip lamang niya ito.
Ngunit pakasuriing mabuti, kung ang pahayag na ito ay sinabi sa kanilang kasal,
hindi ba’t lumalabas na sa simula pa lang ay may mali na sa kanilang pag-iisang
dibdib? Kung kaya ganito niya binitawan ang kanyang pangako? Magkagayun pa
man, anuman ang maaaring dahilan, maaaring tama o mali ang analisasyon, iisa
lang ang ating matatanto. Ang pahayag na ito ay naging mabisa upang ituring na
magandang pahayag “upang akiting paglimian ng mambabasa ang
nakabuong dahilan nito.

Bukod dito, ganito pa niya ipinakilala ang isang paniniwala.

“Pero ano pa ang magagawa ng mga panghihinayang ng


mga buntong-hininga, kung kathang-isip na lang ang
pagmamahal, kung ang iaakalang pagmamahal ng asawa.

Mahinang paniniwala, na may halong pag-aalinlangan. Ganito ang ugali at


paniniwalang matatagpuan sa mga pahayag sa itaas. Paniniwala at ugaling
nagbibigay ng negatibong denotasyon. Paniniwala ng mga taong tingin nila’y
abot na sila ng sukdulan at ugaling mag-alinlangan dahil lamang sa mga hapis at

9
mababaw na sitwasyon. Ganito mag-isip ang tao, lalo na ang mga Pilipino.
Mahilig tayo sa pahabol, pabitin at nagdadalawang- isip na desisyon. Nanatiling
mahina sa kabila ng matinding kagustuhan na pairalin ang walang pagbabago o
di kaya’y dapat walang mabago. Ngunit, nawawalan ng lakas ng loob na isigaw
ito.
Subalit sa kabila ng mga negatibismo sa pahayag, makikita pa rin naman
ang pagkapositibo ng paniniwala at ugali sa pahayag na ito:

“ Pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat na malungkot ang


lahat ng pagtatapos.

Mapapansin din sa mga sumusunod na pahayag ang pagkamakata at


malawak na imahinasyon ng may akda batay sa mga tayutay na binigyang buhay
nito sa akda gaya ng mga sumusunod:

……”di tulad kagabi na may bulong ng unos”.

“Ang mga ulap sa ibaba ay parang ragasa ng ilog sa


kanilang pagtulog, parang naka-freeze ang kanilang motion,
parang sa pelikulang pinahinto ang galaw ng frame”.

“Gumagalaw na rin ang mga ulap, paitaas, pabalik sa


kanilang langit”.

“Kahapon ng hapon, ay pinunit ng hangin ang pinalipad


naming saranggola”.
“Mabilis na namayagpag ang saranggola nang bitawan ko
ito”.

Oo nga, mabilis na namayagpag ang paggamit ng TAYUTAY sa paglalarawan at


pagsasabuhay ng isang likhang sining.

At ang hindi mawawala sa anumang uri ng sulatin, na siyang mahalaga sa


paglagay ng code sa mga nais pakahulugan, ang simbolismo.

Sa akda, apat sa mahahalagang simbolismo ang masasalamin. Ang


kontrata, saranggola, lawin at tuldok. Pawang lahat ay may koneksyon sa
pagsasama; sa isang relasyon, sa buhay, sa isang pagsasama. Ang lahat ng ito
ay may kinalaman sa naging buhay ng may- akda’ kahit hindi man nito aminin,
ngunit ito ang tingin ko.

KONTRATA – “At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong


pagkukunwari ang ipantapal, kung talagang wala na ang pagmamahal,
anuman ang kahulugan nito, anuman ang anyo nito, anuman ang
ekspresyon nito ay totoong tapos na nga ang kontrata. (p.1)

10
SARANGGOLA – “Pero kung siguro kami ang gumawa ng saranggola,
hindi ganoon kadaling pakawalan iyon”. (p.5)

‘Kahit na anong maniobra ang gawin mo sa pisi


kahit na anong pag-ayon at paglaban ang gawin mo sa
hangin, malakas man ito, banayad o mahina, kahit na
anong tibay ng iyong pisi o saranggola. (p. 5-6)

LAWIN – “Naalala ko ang isang lawing namataan namin ni Joanne n’ung


minsang nag-long distance biking kami mula Maynila hanggang Bustos,
Bulacan.

Mayabang subalit tahimik na tahimik ang matayog na lipad ng


lawin. (p. 10)

TULDOK – “Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng


aking bike ay mistulang kawan ng mga tuldok ang daan”.

“Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami


na akong natapos na relasyon na hindi naman talaga nagtapos
sa tuldok. At gusto ko ng tuldukan ang mga bahaging iyon ng
buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi
pala ganoon kadaling mamulot ng mga tuldok.”

Ang mga simbolismong nabanggit ay masasalaming iniugnay lahat ng


may-akda sa modernismong kaisipang namamayani sa panahon ng sumulat.
Malawak na perspektiba ang ipinakita gamit ang mga simbolismong ito upang
maging larawan ng mga umuusbong na tradisyon at makabagong kaisipang
lumulutang. Halimbawa na lamang ng saranggola. Isang tradisyon at ugali ang
makikita rito nang ihambing ang isang relasyon sa isang saranggola. Ngunit kahit
sabihin man nating mga bata lamang ang karamihang naglalaro ng bagay na ito,
may karapatan pa rin, at pupwede pa ring iugnay ng tao ang buhay, karanasan
sa relasyon sa isang saranggola. Napakahirap pakawalan, lalo na’t may
sentimental na halaga para sa tao. Ganito ang nangyayari sa kuwento.

Idagdag pa natin ang kontrata na siyang nagbigay ng napakahirap na


sitwasyon sa kwento. Ang kontrata bilang kasunduan ay isang
napakakumplikadong bagay. Hindi lamang basta-basta ang pumasok sa
kasunduang ito, higit pa doon at ginagawa ito hindi lamang sa berbal na paraan
kundi sa isang pormal, sa paraang pasulat, nangangailangan ng pirma.

Lawin naman ang binigyang-buhay bilang isang simbolo ng kalayaan.


Kalayaang gawin ang lahat ng bagay; piliin ang nagugustuhan. Ngunit ang

11
tauhan ay wala nito. Sa madaling sabi, hindi siya tulad ng lawin. Bali ang
kanyang pakpak. Mahina itong kumampay. Siya’y isang maliit na lawin pa
lamang. Hindi pa handa o sadyang wala talagang kalayaan na magyabang?

At ang huling simbolismong mapapansin sa akda, ang tuldok. Ano ba ang


nasa tuldok? Bakit kinakailangang may tuldok talaga sa isang pangungusap o
pahayag? Kagaya ng gamit nito sa balarila, ang tuldok ay nagsasaad din ng
katapusan. Katapusan sa lahat ng bagay, pangyayari. Sa akda mahirap hagilapin
ang tuldok na hinahanap ng pangunahing tauhan. Nais na nang kapanatagan,
kalayaan, kasiyahan. Isang realisasyon ang nahinuha ng tauhan sa papalapit na
wakas ng akda. Mahirap daw talagang mamulot ng tuldok. Ito’y talagang
pinaglalaanan, hinihintay, ginagawa at higit ay tinatanggap.
Humanistikong Sulyap sa Mala-Romantikong
Katangian ng mga Tauhan ng Akda

Ang tao ang sandigan ng daigdig. Sentro ng daigdig sa madaling


salita. Ito ang pananaw ng teoryang Humanismo. Tungkol sa tao, bilang
pinakamahalagang nilalang nakatuon ang teoryang ito. Samakatwid, sa tao
umiinog ang takbo ng akda. Sa kanya nakapukos kumbaga ang “spotlight”.
Siya ang bida, ang kontrabida at ang iba pang tauhan.

Katulad ng akdang KASAL, sa mga tauhan ng kuwento umiinog ang mga


pangyayari. Sa pamamagitan ng unang panauhan bilang tagapagsalaysay o
punto de bista (point of view) na pamamaraan ng paglalahad, mapapansing
sinikap ng awtor na hindi malihis sa pinapaksa, sa pinag-iikutan ng kanyang
obra.

Kapansin-pansin ang uri ng pagkatao ng mga pangunahing tauhan sa


akda: nina Joanne, Michael at Lizette at siyempre, ang tagapagsalaysay bilang
pangunahing tauhan.

Sa katauhan ng pangunahing tauhan, siya’y isa lamang sa mga amang


matatawag sa isang tahanan, Haligi ng Tahanan. May malaking responsibilidad
na nakaatang sa balikat. May prinsipyo at paninindigan. Ang lahat ng aking
nabanggit ay maaaring taglay din ng mga ama sa daigdig. At bukod sa
nabanggit, siya’y romantiko din. Ang pagkaromantiko ay hindi lamang
masasalamin sa pananalita, kilos at gawi ng isang tao ngunit sa kanyang
pamamaraan din, sa kung ano ang iniisip at nais gawin. Upang patunayan ang
pahayag na ito:

“Kagabi ay nagsawa kami sa panonood ng mga bituin,


mga bituing kumikinang, umaandap-andap, pero alam mong
patay, mga bituing kasisimula mo pa lamang kilalanin ang
kagandahan ay matagal na palang patay.” (p.2)

12
Kahit may himig na panghihinayang ang pahayag, isang patunay pa rin ito
na ang tauhan o ang mga pangunahing tauhan ay nagtataglay ng
pagkaromantikong gawi. Mahirap ang magpakatao, magpakitang-tao. Hindi
bastang gawain lamang ito. Lalo pa kaya kung imbitahan mo ang karelasyon sa
isang pook na gusto mo kung saan lihis naman sa gusto ng isa? Mahirap
magpilitan. Ngunit nagawa ito ng pangunahing tauhan. Ang pagbalik sa isang
lugar na memorable sa bawat isa ay nagpapakita lamang ng pagkaromantiko sa
paraan ng pagsasama. Bukod dito, ang lugar at mga senaryo na mismo ang
nagpapakita at nagpapatunay na isang karomantikuhan ang nabanggit. Bakit
hindi? Isipin na lamang natin. Ang pangyayaring pag-mountain climbing nina
Lizette ay isang pag-uulit sa naging karanasan nila nang sila’y nagsisimulang
mag-ibigan hanggang sa ikasal sila. Bukod pa dito, ang mga ginawa nila gaya ng
pagpapalipad ng saranggola, pagbibisikleta, paglalagay ng tent, pagmamasid ng
mga bituin, paliligo sa batis, pagtanaw sa papalubog at papasikat na araw, ay
isang napakaromantikong senaryo! Hanggang sa huling sandali ng kanilang
pagsasama bilang mag-asawa sa kontrata ay sinikap nilang manatili ang
pagkaromantiko nila sa isa’t isa. At ang layunin ng kanilang pagbalik sa lugar na
yaon ay upang sariwain ang kanilang alaala sa masasaya at isang romantikong
tagpo sa buhay nilang dalawa. Kagaya ng mga pahayag sa ibaba:

“Kwentuhan lang, konting halikan konting dantay ng


katawan at pag-aaral sa emosyon ng bawat isa, sa madaling
salita, pamamaalam sa isa’t isa, iyon ang dahilan ng climb na
ito. “

Sa kani-kanilang dalawa lamang uminog ang takbo ng kwento. Halatang


ang nais palitawin lamang ng may-akda ay ang ituon sa mga tauhan ang takbo
ng kwento. Sa kanila lang dapat magpalipas ang mga mambabasa. Sila ang
“star” ng kwento at wala ng iba pa.

ANG TAGPUAN BILANG SALAMIN NG KAHAPON


AT NGAYON NG MGA TAUHAN

Anumang bagay, pangyayari sa kasalukuyang panahon ay tiyak na may


nakaraan. Maging ang tao bilang rasyunal na nilalang ay hindi matatangging
maging ito man ay may naiwang alaala sa nakaraan. Ang lugar ay isa sa mga
salamin ng lumipas, kasaysayan ng kahapon, tagapagsalaysay ng ngayon,
tagapagpahayag ng mga damdami’t mithiin ng mga taong nanariwa sa
kagandahan ng paligid.

Sa kwento, sa iisang tagpuan lang nangyari ang kwento. Dito, nagsilbing


salamin ng kahapon at sa kasalukuyang panahon ng pangunahing tauhan ang
tagpuan. Isang reduplikasyon o pag-uulit sa pangyayari ang nagtulak sa
kapalaran ng dalawang pangunahing tauhan na simulan ang pag-iibigan at

13
gayundi’y tuldukan ang pagsasama sa iisang lugar din, sa ganoong
memorableng tagpo rin.

“At para ring corny na ang huling araw ng pagsasama


naming ay sa ganitong paraan naming gagawin, kung paanong
sa ganitong sitawsyon din naming sinimulan Joanne ang aming
relasyon.” (p.9)

Malinaw sa sinasabi ng pahayag sa itaas na ang simula ng pag-iibigang


iniukol ng lalaki at ni Joanne sa isa’t isa’y naganap at nagsimula sa ganoong
lugar at mga kaganapan.

Isang matibay at mahirap na papel ang ginagampanan ng tagpuan sa


kwento. Matibay na sanligan ng nakalipas na mga damdami’t karanasan sa mga
pangunahing tauhan. Sa kabilang dako, mahirap din dahil nagsilbing saksi sa
una at ikalawa’y sa iniisip, kilos at damdamin ng mga tauhan.

Bukod dito, nagmistulang tagpag-alala ang tagpuan sa kwento sa mga


dapat limot nang alaala at kaganapan ngunit ito’y hindi matakasan ng mga
tauhan. Pinipilit mang burahin sa alaala ng tagpuan ang mga nakalipas na tagpo,
hindi pa rin nila matatakasan ang reyalidad na sumasaklaw sa tagpuan.
Reyalidad na sila ang gumawa at ang tagpuan lang ang piping saksi.

SA KAMAY NG AWTOR:
PAGTALAKAY SA ESTILONG GINAMIT SA AKDA

Ang kasiningan ng isang obra ay nakasalalay sa mga kamay ng


tagapaglikha. Nakabatay ang kagandahan gamit ang sariling estilong nais
palitawin ng tagapagbuo sa kanyang ubra. Kung kaya naman, “wala raw mas
hihigit na estilo kundi ang sariling estilo lamang din na binuo sa
pamamagitan ng tiwala at paninindigan ng awtor.”

Kagaya na lamang sa estilong namayani sa kada na purong ginamit ng


awtor. Mula sa sariling pananaw at pilosopiya, kung kaya napagpasyahan ng
may-akda na gawing isang kwentong pasalaysay ang akdang “KASAL.”

Maliban dito, mas naging makatotohanan ang paglalahad dahil sa estilong


ang tagapagsalaysay ng ubra nitong binuo ay ang mismong pangunahing tauhan
sa kwento, ang lalaki, na nasa unang panauhan o punto de bistang pananaw ng
pagsasalaysay. Kaya sa mga magbabasa ng katha, mapagkakamalang ang
nagsasalaysay ay walang iba kundi ang awtor ng katha. Paano ba natin
maisasantabi ang nosyong ito kung ang pagsasalaysay ay nasa unang
panauhan? Hindi kaya, isa sa mga estilong nais palabasin ng awtor ay ang
lituhin ang isipan ng kanyang mambabasa? Anuman ang mga katanungang

14
pandiskursong lumilitaw sa ating isipan, ang tiyak ko, sa awtor nagmula ang
kaisipan.

Maliban sa paggamit ng unang panauhan, ang awtor ay gumamit din ng


code-switching upang maging isang natural ang katha na nabubuhay sa
makabagong tradisyon ng pagsulat, kalakaran sa lipuna’t edukasyon.
Mapapansing sumusunod lamang ang may-akda sa tinatawag na “trend” ng
lipuna’t paaralan. At masasabing malakas ang impluwensiya ng kaalamang
Ingles sa may-akda upang gawing estilo sa pagbuo ng katha.

Ginamit din ng may-akda ang “flashbacking” ng mga nakalipas na


pangyayari sa buhay ng mga tauhan.

“Noong isang taon ay muling bumalik buhat sa Canada si Michael,


ang dating boyfriend ni Joanne bago kami magpakasal.” (p.7)

“Kapwa kami noon aplikante ni Joanne…(p. 9)

Batay sa mga pahayag na ito, mapapansin ang estilong “flashbacking” sa


mga panandang Pang-abay na ginamit, ang “Noong isang taon” at Kapwa
kami noon..” Ang paggamit ng mga panandang pang-abay na nabanggit kung
saan nasa uring Pang-abay na Pamanahon ay pagpapatunay lamang na ang
tinutukoy ay ang panahon ng kilos o kaganapan. Mangyari pa’y isang
pagbabalik-gunita sa isang di-makalilimutang pangyayari. Habang patuloy
naman ang nangyayari sa kasalukuyang buhay ng pangunahing tauhan.

Taglay din ng akda ang mayamang paggamit ng mga patayutay na


pahayag, mga pahiwatig at simbolismo upang paglimian ng kanyang mga
mambabasa ang dunggot na pakahulugan nito sa bawat pahayag na tinuturan sa
kanyang akda.

At higit sa mga estilong ginamit ng may-akda upang buhayin ang likhang-


sining na ito (ang KASAL), kapansin-pansin ang paggamit ng sarili nitong estilo
sa pagsimula ng akda, sa pamamagitan ng magandang pahayag.
“Yung MAHALIN KITA HABAMBUHAY, hindi ko yata ito
puwedeng ipangako sa iyo. Pero ang iyong iisipin kita
habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako ko
sa iyo, kahit papaano.”

Sa ganitong pahayag niya ipinakita ang kasiningan at kagandahan ng


pahayag na kasama sa mga estilong nais niyang ibahagi.

KILOS AT GALAW:
SA MGA PANGYAYARI SA AKDA

15
Sa isang akdang kagaya ng maikling kwento, mahihinuha ang kagandahan
ng akda sa nilalaman at sa kwentong inilalahad sa pamamagitan ng mga kilos at
galaw ng mga pangyayari sa akdang binabasa.

Sa KASAL, ay masasabi kong maayos ang pagkakahabi ng mga pangyayari


at mga kilos ng tauhan. Sabihin mang may pagbabalik-gunita sa mga nakalipas,
hindi pa rin ito naging sagabal upang lumihis o ilihis ang pagkakasunod ng mga
kaganapan ayon sa paglalahad ng pangunahing tauhan. Parang nasa proseso ang
pagkakasunod-sunod.
Gaya ng pahayag na ito:

“Bumalik kami ng tent. Kinuha ko ang stove…


Nilagyan ni Joanne ng tubig ang cookset..ipinatong dito ni
Joanne ang cookset…”(p. 6)
“Kumukulo na ang tubig..” (p.9)

Sa pamamagitan ng mga pahayag ng pangunahing tauhan, nakukuha at


nahuhugot ng akda ang damdamin ng mambabasang tapusing basahin ang
kwento. Nakatulong din ang hindi lantarang pagsasalaysay sa mga pangyayari
tungo sa masusi at mapanuring pag-iisip ng mambabasa ng akda.

“Mag-a-unload ako nang mag-a-unload ng mga bagahe ko


sa buhay…” (p. 15)

“‘Napaka-introspective ng pagba-bike.” (p.11)

“May mga bagay na gusto mo lang ikulong sa realidad ng


gunita.” (p.3)

Hanggang sa katapusan ng paglalahad ng pangunahing tauhan, kahit


may kabagalan sa pag-usad ang kwento dahil sa estilong “flashbacking” na
pinagana ng may-akda ay ang galaw pa rin ng kwento ay ayon sa diwang nais
tapusin ng may-akda.

BISANG PAMPANITIKAN:
SA ISIP, DAMDAMIN AT ASAL

Bawat akdang pampanitikan ay may kabisaang taglay sa isip man,


damdamin o di kaya’y sa kaasalan. Maituturing na isang patay na katha ang
isang kwento kung wala man lang itong taglay na kabisaan na ibinabahagi sa
kanyang mambabasa. Sa kwento, sinikap ng may-akda na may umusbong na
kabisaan sa mga nabanggit kanina.

Mahirap basahin ang isipan ng isang tao o ng may-akda sa literal na


pagkaunawa. Taglay ng akdang sinusuri ang kabisaang pangkaisipang nais

16
ibahagi ng katha. Iniharap ng akda na ang pagpasok sa isang relasyon ay “di
katulad ng kaning isinusubo at basta na lamang iluluwa kapag
ikaw’y napaso.” Sa madaling salita, hindi gawang-biro ang pag-aasawa.
Mayroong dapat na isumpa at pagsumpaan at kinakailangang tuparin sa ngalan
ng kontrata at seremonya. Mahirap ang isang relasyong ang isa ay hindi taglay
ang pagmamahal sa katipan. Ang pagdedesisyon ay isa pang nais bigyang diin
ng akda. Ang kasiguraduhan at ang paninindiga’t prinsipyo ay gayundin. Ngunit
sa kabuuan, sa mga nabanggit, mas nangibabaw pa rin ang kaisipang maging
isang tao o kinakailangang magpakatao, na nakauunawa sa sitwasyon,
marunong tumanggap at magparaya alang-alang sa kaligayahan at kapanatagan
ng bawat isa. At hindi ang pagiging makasarili.

“ ..maraming bagay sa mundo ang hindi puwedeng


bigkisin sa mga kontrata ng relasyon..” (p. 1)

“Hindi pa rin naman talaga mahirap intindihin iyon, iyong


paghihiwalay.” (p. 2)

Ang pagkapositibo sa pag-iisip ay binigyang-diin din ng akda. Gaya ng


sinabi ng mga tauhan:

“Maaaring naroon ang pait, hindi mo maiaalis iyon. Pero


hindi ibig sabihin n’on ay dapat na malungkot ang lahat ng
pagtatapos.”

Gayundin naman sa uri ng kaisipang ipinakita ni Lizette na kanyang sinabi


nang magpahayag ang lalaki ng isang pahayag na tanong:

“Sino ang maniniwalang maghihiwalay na nga tayo?”

“Hindi naman kailangang may pinag-awayan para


maghiwalay.” (p. 8)

Bukod sa bisang pangkaisipang nais bigyang-diin ng akda, ang kabisaan sa


damdamin ay mayroon din. Ang kalungkutan at lubos na panghihinayang ay
namayani sa dalawang tauhan ng kwento.
“At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong
pagkukunwari ang ipantapal…..”(p.1)

“Pero ano pa ang magagawa ng mga panghihinayang, ng


mga buntong-hininga, kung kathang-isip lang ang
pagmamahal….” (p.2)

“Kung paanong hindi ganoon kadaling pakawalan ang


isang buhay na alam mong sa inyo nanggaling.” (p. 5)

17
“Kagabi ay umiyak siya. Nagsimula sa impit na paghikbi,
hanggang sa siya’y mapaluha, at ang pag-iyak ay nagging
paghagulgol. Sorry siya nang sorry habang humahagulgol.” (p.
8)

Bakas sa mga pahayag na ito ang labis na kalungkutan at panghihinayang na


nadarama ng dalawang tauhan sa kwento. Nahihirapan din ang kanilang mga
pusong tanggapin na iyon na ang araw ng pagtatapos ng kanilang relasyon, ng
kanilang kontrata. Ngunit sa kabila pa rin naman nito, nangibabaw pa rin ang
ugaling mapagmahal ng mga pangunahing tauhan sa isa’t isa. Hindi sila
nagkunwari bagkus ay naging matapat sa nararamdaman. At hindi rin maitatago
ang kasiyahang dulot ng kanilang pagsasama at ang pagha-hiking.

“yung iisipin kita habambuhay, iyon, tiyak ako, puwede


kong ipangako iyon sa iyo. At ‘yung mamahalin kita
habambuhay, puwede ko na rin sigurong ipangako iyon sa iyo.
Kahit hindi na tayo magkasama.”

‘Ngumiti si Joanne.”

REAKSYON NG TAGASURI SA AKDA


AT MAY-AKDA

Alinmang akda sa unang tingin at pagbasa ng nilalaman nito ay hindi


matutuklasan ang nakapaloob na kahulugan at ang maging ang mga tunay na
damdamin at pahiwatig na taglay ng isang ubra. Ngunit sa paulit-ulit na
pagdungkal sa karunungang taglay nito, mabilis nating nauunawaan ang bawat
himay ng mga kaganapan ng mga pangyayari. Bukod dito’y mabilis nating
natatanggap ang kagandahan ng isang teksto na siya namang namumukod-tangi
sa iba.

Nang aking mabasa ang kwento, ay nauna kong hinusgahan batay sa


pamagat nito, na ang magiging takbo at kalalabasan ay tungkol sa masayang
pag-iibigan ng dalawang nilalang na pinagbuklod ng mga kontrata at ng langit.
Ngunit ang lahat ng aking akala ay humantong sa maling paghusga. Hindi pala
ganoon. Malayo pala sa aking inaakala. Baligtad pala. Maliban dito’y nagbigay
ako ng negatibong impresyon sa may-akda ng kwento. Sino ba naman ang
maiinis kung sagisag-panulat lamang ang dinala nito bilang nagmamay-ari ng
akda at hindi ang tunay na pangalan nito? Paano mo masusuri ang katauhan
niya, (hindi naman sinusuri ang mga kabulukan niya) ang mga naging karanasan
na may malaking kaugnayan sa kwentong kanyang binigyang-buhay sa

18
pamamagitan ng pluma at papel? Napakahirap na gawain. Nakapagpapalito sa
napakaraming isipin sa pagsisimula ng pagsusuri. Dagdagan pa ng dinala nitong
sagisag-panulat na KALAWANG, na sa unang tingi’y sadyang di-magandang
pakinggan. Ngunit sa kabila nito, ang lahat ng aking mga naging unang
persepsyon ay may matimbang na dahilan. At ang lahat ng mali at negatibong
impresyon sa una’y napalitan ng tama, maganda at positibong pananaw sa
sinuring akda at may-akda. Lubos kong naunawaan ang hiwaga na nakapaloob
at bumabalot sa akda at may-akda nito.

Tunay na napakaganda ng kwentong KASAL. Lahat ay tiyak na


makauugnay sa takbo ng kwento at maaantig sa mga kaganapan sa buhay ng
mga pangunahing tauhan. Mangyari pang ika’y makararamdam ng lungkot,
panghihinayang, poot o kasiyahan habang masusing tinutuklas ang pangyayari
sa kwento. Sadyang napapanahon ang paksang binigay ng kwento. Lalo na sa
mga taong nasa isang relasyon o nagbabalak na magkapamilya. Ang ama, ina,
mga magulang at maging ang mga kilalang anak ng lipunan ay makauugnay sa
kwento. Pasalamat sa may-akda at tinalakay nito ang isa sa mga paksang
kinakailangang paglimian ng bawat nilalang, ng isang pamilya.

Bukod sa nabanggit, mapalad ang sinumang makababasa ng akda dahil


sa mayamang karunungang ibinibigay ng kwento sa kanyang mambabasa. Hitik
sa pahiwatig, simbolismo at patayutay na pahayag ang akda na siyang
nagtutulak sa nagbabasa nito na diskubrehin ang nakatagong kahulugan ng
bawat isa na siya namang nagbibigay ng aliw-iw sa kwento. Hindi magiging
kabagot-bagot ang paglalakbay na gagawin sa akda. Hango sa buhay at
karanasan marahil ng may-akda ang bumuo sa akda upang magsilbing aral,
modelo, sanggunian ng sino mang magtatangkang magbasa ng kanyang ubra.

Marami rin akong napulot at natutunan sa akdang ito at maging sa may-


akda na rin mismo. Una sa pagbabalak na pumasok sa isang relasyon. Ikalawa’y
sa kung ano ang dapat na pairalin. Ikatlo’y sa pagdedesisyon, disiplina sa sarili
at katapatan sa kapwa at minamahal. Ikaapat ay ang kaisipang pwede namang
mangyari ang isang paghihiwalay nang may kasiyahang namumutawi sa mga
puso’t katauhan ng dalawang tao. Ikalima at siyang huli, ang pagkapositibo sa
anumang sitwasyon na maaaring maganap. Ang lahat nang ito’y siyang bumuo
sa mga paghuhusgang aking ibibigay nang matapos kung paglimian ang kwento.

Tunay na repleksyon ang akda sa mga kaganapang panlipunan at sosyal.

PAGLALAGOM/KONKLUSYON:
HATOL NG TAGASURI

Bilang paglalagom o konklusyon ng pagsusuring ito ukol sa akdang


binasa at sa may-akda, matapat na ibinibigay ang mga sumusunod:

19
1. Hindi kataka-takang tumanggap ng ikalawang gantimpala ang akda dahil
naman sadyang napakahusay ng pagkakabuo nito.
2. Ang akda ay isang repleksyon at pasulat na imahen lamang ng mga tunay
na pangyayari at sitwasyon sa pagitan ng dalawang nilalang na nasa
isang relasyon.
3. Na hindi maibibigay na garantiya ang isang pasulat na sumpaan at
kontrata ang panghabambuhay na kasiyahan at katatagan ng pagsasama.
4. Na ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi gawang-biro lamang bagkus
ay nangangailangan ng malawak na pang-unawa at katiyakan sa hakbang
na gagawin at kung ano ang kakaharapin pagkatapos.
5. Ang pagbibigay ng kalayaan sa bawat isa ang siyang magdudulot ng
katapatan sa pagsasama at kapanatagan ng loob na siyang tunay na
batayan ng kaisipang makatao.
6. Higit sa mga ito, ang paghihiwalay ay hindi lahat nagtatapos ng malungkot
kundi pwede rin namang masaya ang bawat isa.

REKOMENDASYON
TUNGO SA MAGANDANG BUNGA

Tungo sa ikabubuti at magandang bungang idudulot ng akda sa lahat, ang


mga sumusunod ay taos-pusong inirerekomenda ng tagasuri:

1. Inirerekomenda ng tagasuri sa mga tagabuo ng mga maikling kwento lalo


na sa may-akda na maging konsistent sa mga salitang ginagamit sa akda.
Dahil ang paiba-ibang paggamit ng isang salita na iisa lamang ang
tinutukoy na gamit at kahulugan nito ay magbibigay lamang ng kalituhan
sa kawastuhang gamit ng isang salita sa mga mambabasa.
2. Ang pagbubuo ng isang kwentong hango sa isang kaganapan sa buhay
ng sumulat ay kinakailangang hindi lubusang mailantad sa mga
mambabasa upang maiwasan ang maling persepsyon sa mga
mambabasa ng akda.
3. Tungkol naman sa naging paksa ng kwento, inirerekomenda din ng
tagasuri na mag-obserba sa wastong gamit ng mga bantas at masyadong
pagpapakahulugan.
4. Sa mga guro at estudyante, inirerekomenda ng tagasuri na maging isa
ang teksto sa mga maikling kuwentong tatalakayin sa loob ng klasrum at
kung hindi ma’y maging lunsaran sa isang pagsusuring gagawin gaya nito.

20
5. Magbigay ng mga akdang susuriin na ang paglalahad ay nasa unang
panauhang paglalahad upang masubok ang kritikal at analitikal na
kakayahan ng mga estudyante sa nilalaman ng katha.
6. Ukol naman sa leksyon at nilalaman ng akdang binasa, ipaunawang
mabuti sa mga estudyante at iba pang tao na ang pagpasok sa isang
relasyon ay nangangailangan ng masusing pagdedesisyon at pag-unawa
sa maaring maging responsibilidad sa hinaharap.
7. Higit dito’y palawakin ang interes sa pagbabasa, pagsulat at pagsusuri sa
mga akdang Pilipino na siyang sandigan ng umuunlad na panitikan ng
bansa.

21
BUOD NG AKDANG KASAL

Ang kwento ay nasa a


tauhan sa kwento ang naglalah

“YUNG MAHALIN KITA


ipangako sa iyo. Pero ‘yung ii
ko pang ipangako sa iyo, kahit
tauhan (lalaki) habang sinas
NAgbigay konklusyon ito na h
ang katapusan.

Napagpasyahan nilang
pansamantala ang kanilang m
masasayang araw at upang m
hike. 22
Ang “KASAL” ni KALAWANG sa Iba’t ibang
Pananaw:

Interkoneksyon ng mga Teoryang Pampanitikan

Ni:

RJ A. AMPOYOS

23

You might also like