You are on page 1of 5

SINOCENTRISMO

Ang sinosentrismo ang kaugalian at paniniwalang ang Tsina ang gitna ng buong daigdig
at na ang mga Tsino ang higit na nakatataas na lahi. Isa itong uri ng etnosentrismo.

Sinosentrismong pampulitika. Sa politika, ang sinosentrismo ay isang konsepto ng


ugnayang internasyonal na inadopta ng mga dinastiya ng Tsina sa kanilang mga ugnayan sa
ibang mga bansa, partikular na sa silangang Asya. Sa ilalim ng konseptong ito, tanging ang Tsina
lamang ang karapat-dapat na matawag na “estado” at tinatagurian ang mga iba’t-ibang mga
sambayanan bilang mga barbaro. Kinilala bilang mas mabababang uri ang mga bansang
Monggolya, Korea, Japan, Vietnam, at Tibet, o ’di kaya bilang mga napapasailalim sa Tsina.
Kinilala ang mga ugnayan sa pagitan ng Tsina at ng mga bansang ito bilang isang relasyong
tributaryo kung saan nag-alay-tributo ang mga bansang ito sa Emperador na Tsino.Sa ilalim ng
eskemang ito ng ugnayang internasyonal, ang Tsina lamang ang nagkaroon ng Emperador o
huangdi (皇帝), na Anak ng Langit; mga hari o wang (王) lamang ang mayroon ng ibang mga
bansa. Ang paggamit ng mga Hapon ng katawagang Emperador o tennō (天皇) ay isang
pagsasataob ng prinsipyong ito. Mahalagang punahin na tinutukoy pa rin ng mga Koreano ang
Emperador ng Japan bilang Hari, sang-ayon sa tradisyonal na gamit Tsino.Nagwakas ang
panahon ng sinosentrismo sa ugnayang internasyonal noong ika-19 dantaon kung kailan naging
isang semikolonya ang Tsina ng iba’t ibang mga bansang Europeo. Ito ang kung kailan natalo
ang Tsina sa Digmaang Sino-Hapon at nawalay sa kanila ang Korea bilang tributaryo. Noong
ika-20 dantaon inadopta ng Tsina ang kanluraning konsepto ng mga pantay at malalayang
estado.Maaaring sabihin ng ilan na hindi naman talaga inabandona nang lubos ng Tsina ang
kanilang mga lumang idea ng sinosentrismo. Ginawa ng bagong-tatag na RPT (Republikang
Popular ng Tsina) na ilangkap ang Tibet at Xinjiang sa kanilang pambansang territoryo.
Nakatakas lamang ang Monggolya dahil sa pagiging protektoradong Ruso nito.Naipakita rin ang
mga elementong sinosentrista sa mga kamakailan lamang ugnayan ng Tsina sa Korea at Japan.
Sinosentrismong pangkultura. Sa sentidong pangkultura, tumutukoy ang sinosentrismo sa
kaugaliang tingnan ang ibang mga bansa o sambayanan bilang mga inapong pangkultura lamang
ng Tsina. Dahil sa pagkataglay ng Tsina ng higit na mas mahabang kasaysayan kaysa sa mga
karatig bansa at dahil malawak ang paghiram ng mga bansang ito sa modelong Tsino sa
maaagang bahagi ng kanilang mga kasaysayan, hindi maikakaila ang isang sinosentrikong
pananaw sa silangang Asya. Gayumpaman, higit pa dito ang sinosentrismo sa pagkaila nito sa
mga karatig-bansa ng pagkawalang-katulad at pagkabalido ng kanilang mga sariling kultura.
Halimbawa na rito ang pagpapalagay ng isang alamat na Tsino sa pinagmulan ng Japan bilang
isang paninirahang Tsino mula sa dinastiyang Qin, at ang mababang pagturing ng maraming
Tsinong Filipino sa kanilang mga kababayang hindi nagtataglay ng lahing Tsino.Nagdulot ng
iba’t ibang tugon mula sa mga karatig-bansa ang sinosentrismo. Naging isang mapagtatag na
impluwensya sa pagbuo ng mga pambansang identidad ang mga pananaw ng mga ito sa Tsina at
sa nangingibabaw na papel nito. Sa kabila ng pagtutol sa pangingibabaw na Tsino at ng mga
pagsubok sa paggiit ng kanilang sariling identidad, mahalagang punahin na isinagawa ito ng
karamihan sa mga bansa sa loob ng balangkas ng sinosentrismo. Iilan lamang din ang
kumwestyon sa sistemang sinosentrismo
BUDISMO
Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: "ang landas
o batas ng naliwanagan o ng gising") ay isang relihiyon at pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni
Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng
pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-Silangan at Silangang Asya sa sumunod na
dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravāda
(Sanskrit: Sthaviravāda), Mahāyāna, at Vajrayāna (uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang
Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong
tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o
paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting
budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang
espirituwal o diwa ng tao. Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na
pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala
sa Tatlong Alahas (o Three Jewels): ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma
(ang Pagtuturo ng Buddha), at ang Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230
hanggang 500 milyon ang bilang ng mga Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa
mga Budista, ngunit meron ring mga na nasa ibang lupalop ng daigdig.
Paniniwala. Nakatuon ang Budismo sa mga turo ni Siddhartha Gautama o "Buddha", at
minsan ding Gautama Buddha, na isang mangangaral na nabuhay noong sirka 563 BCE
hanggang 483 BCE sa hilagang rehiyon ng Indiya. Nahati rin ang Budhismo sa Budismong
Theravada at Mahayana Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma,
nangangahulugang: "ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising") ay isang relihiyon at
pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil
namuhay noong ika-5 siglo BCE. Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng
Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-
Silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo. Ngayon, nahahati ang Budismo
sa tatlong pangunahing tradisyon: Theravāda (Sanskrit: Sthaviravāda), Mahāyāna, at Vajrayāna
(uri ng Budismo sa Tibet). Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong
mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing
relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa
paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na
kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao. Isang pilosopiya
ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang
relihiyon. Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels):
ang Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat), ang Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha), at ang
Sangha (Pamayanan ng mga Budista). Sinasabing 230 hanggang 500 milyon ang bilang ng mga
Budista sa mundo. Nakatira sa Asya ang karamihan sa mga Budista, ngunit meron ring mga na
nasa ibang lupalop ng daigdig.

HINDUISMO
Ang Hinduisms (Sanskrit: Sanātana Dharma "eternal law")ay isang relihiyon na
nagsimula sa kontinente ng India. Ang salitang Hindu ay nangangahulugang India.


Kasaysayan. Kaakibat sa pundasyon ng sibilisasyon ng Vedic, hindi pa alam kung sino ang
nagpaumpisa nito.[2][3]Sinasabi na ang mga Aryano ang nagpasimula nito at kanilang itinuro sa
Kabihasnang Vedic. Ito ay kinokonsiderang pinakalumang "extant" na relihiyon sa buong
mundo.[4] Ang relihiyong ito ay may mahigit kumulang sa isang bilyong tagasunod kung saan
ang 890 milyon ay nakatira sa India[5] at kinukunsidera ding pangatlo sa pinakamalawak na
relihiyon sa buong mundo, sumusunod lang sa Kristyanismo at Islam. Ang mga bansang may
malaking papulasyon ng Hinduismo ay Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.
Paniniwala.Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”.
Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang
kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang
paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa
paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may
mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas
mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng
mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.Ang
kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang
Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy;
Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at
Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-
kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.

Sistemang Kaste. Ang Sistemang Kaste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa
mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at
mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras
(manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o
mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga
patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga
nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng maduduming trabaho katulad ng paglilinis ng kalsada,
pagkolekta ng basura atbp. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan,
pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa
isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.

ISLAM
Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang
pagtutol. Ito ang tunay na diwa ng Islam. Sa pagsunod sa Allah - (Ang Lumikha) at pagtalima sa
Kanyang mga kautusan, ang Muslim ay nakikiisa sa sandaigdigan na kung saan siya
nananahanan, sapagka’t ang lahat ng bagay sa daigdig ay sumusunod sa kautusan ng Allah.
Isang matibay na katotohanang ang lahat ng bagay sa daigdig ay sumusunod sa isang
panuntunan at di-nababagong batas na kung saan sila sumusunod; ang araw, ang buwan, ang mga
bituin, ang gabi, ang maghapon, ang lupa, ang mga puno, at ang mga hayop; ang lahat ay
sumusuko sa isang panuntunang itinalaga ng Allah sa lahat ng bagay.
Ang pinakalayunin ng Islam ay upang panatilihin ang mga sumusunod:
a) Ang Deen (Panuntunan ng Buhay)
Nagtakda ang Allah ng mga batas at panuntunan, nagpadala ng mga Sugo, at nagpahayag
ng Kanyang mga Aklat upang panatilihin ang Deen, at bantayan ito laban sa anumang
pagbabago, at ialay ang lahat ng pagsamba sa Allah lamang. Kanyang ipinag-utos ang Jihad
(pakikibaka dahil sa Allah) upang panatilihing mangibabaw ang Kanyang Salita, at upang alisin
ang hadlang na nagpipigil sa tao sa pagsamba sa kanilang Rubb.
b) Ang Talino
Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng sumisira sa pag-iisip maging ito ay pagkain, inumin
o anu-paman. Ang Allah ay nagsabi: “Katotohanan, ang alak, sugal, (pagsamba at pag-aalay sa)
diyus-diyusan, at pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng palaso ay mga kasuklam-suklam na
gawain ni Satanas.” [Qur’an, 5:90]
c) Ang Tao
Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng bagay na nakakasira sa tao. Ang tao ay hindi
pinahihin- tulutang saktan ang sarili o magpakamatay. Ang pananakit sa iba ay ipinagbabawal
din, at gayundin ang pagpatay sa iba o pagbibigay ng anumang nakapagpapahina sa katawan ng
iba. Kaya naman ang pagpataw ng parusa sa pagpatay ng kapwa ay itinakda upang ipagtanggol
ang buhay ng tao. Ang pagkitil sa buhay ng kriminal ay higit na mabuti kaysa iligtas ang buhay
niya nang wala na siyang pagkakataon pang pumatay ng iba. Walang katuturan ang pagpapakita
ng habag sa mamamatay-tao, at inaalisan ng awa ang naging biktima. (halimbawa ang pamilya
ng biktima).
d) Ang Ari-arian.
Ang paghahanap-buhay at pagsisikap na magka- roon ng sariling pagkakitaan ay
pinahihintulutan at maging ang pagpapanatili sa mga ito. Ang pagwaldas ng yaman at ang labis
na paggugol kahit na sa mga pinahihintulutang bagay ay ipinagbabawal sa Islam. Ang Allah ay
nagsabi:“....At kumain at uminom subali’t huwag mag-aksaya...” Ipinagbabawal sa kaninuman
ang mag-abuso maging sa sariling yaman. Hindi pinahihintulutan ang sinuman na kunin ang ari-
arian ng iba nang walang pahintulot. Ipinagbabawal ang pagkamkam ng ari-arian ng iba. Sa
ganitong kadahilanan kung bakit dapat putulin ang kamay ng isang magnanakaw bilang parusa.
Gayundin naman, ang patubuan ay ipinagbabawal upang iligtas ang ari-arian ng tao laban sa
pagmamalabis at pagsa-samantala.
e) Ang Dangal

Iniingatan ng Islam ang dangal ng tao, at ipinagbabawal ang paninirang-puri o pang-aabuso ng


dangal o karangalan ng iba. Magkagayon, pinanatili ng Islam ang karapatan ng tao upang
ipagtanggol ang kanilang dangal, at gawin itong ligtas. Ang pang-abuso nito ay may nakalaang
kaparusahan.

TAOISMO
Ang Taoismo, mula Tsinong Daojiao 道教 (binibigkas dào (tulong·impormasyon)
jiào (tulong·impormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pang-pilosopiya at pang-
relihiyon na mga tradisyon at kaisipan. Naimpluwensiyahan ang Silangang Asya ng mga
tradisyon na ito sa loob ng dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan
ang salitang 道, Tao (o Dao, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan",
bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at
pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Tao:
pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa
kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wu wei
(aksyon sa pamamagitan ng walang aksyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagka-kusang-
loob.
Ang Pangalang Taoism ay nagmula sa tao, salitang Tsino na ang ibig sabihin “ang daan”.
Naniniwala ang Taoist na pinakamahalagang mamuhay sa natural na pamamaraan. Ang tao ay
dapat umayon sa kalikasan. Ang mga paghihirap, pagdurusa, sakit at problema ng tao ay resulta
ng di pagsunod sa paraan ng kalikasan.
Ang tao ay maihahalintulad sa “isang bagay na walang hugis at porma”. Ang mga
karagatan at ilog ay kinalalagyan. Kaya makapangyarihan ang tao dahil mapagkumbaba ito. Ang
tao rin ang nagbibigay ng pwersa sa lahat ng nilalang.