You are on page 1of 48

i

PED XING: Tulay Tawiran #1


Mayo 2014
Inilathala ng Kilometer 64 Poetry Collective
sa pakikipagtulungan ng
Kilusang Mayo Uno
Para sa mga katanungan, suhestyon at kopya,
maaaring mag-email sa kilometer64@gmail.com
Reserbado ang lahat ng karapatan.
Inilapat ni Stum Casia
Mga litrato mula kay Gee Vargas Trio
Mga Tula para sa Araw
ng Paggawa: Isang
Pagpapahalaga
Elmer Labog
Tagapangulo
Kilusang Mayo Uno
Ikinagagalak naming mga manggagawa ang inisyatiba ng mga
artistat makata ng bayan, sa ilalim ng Kilometer 64 Poetry Collec-
tive, na maglabas ng kalipunan ng mga tulang pumapaksa sa
kalagayan at pakikibaka ng uring manggagawat anakpawis.
Napapanahon ang paglabas ng mga tulang ito sa paggunita ng mga
manggagawa at mamamayan ng daigdig sa ika-126 na Pandaigdi-
gang Araw ng Paggawa. Malaking ambag ang kalipunan ng mga
tulang ito sa higit pang paglalantad sa tumitinding pang-aapit
pagsasamantalang dinaranas ng mga manggagawa bunga ng
pag-igting ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista.
Nagsisilbing daluyan din ang mga tulang ito para maipahayag ang
nagpapatuloy at lumalakas na pakikibaka ng mga manggagawa
para sa pagpapalaya sa uri at bayan.
Ngayong taon, ginugunita ng mga manggagawang Pilipino ang
Araw ng Paggawa sa ilalim ng pahirap, korap at tuta ng Kano na
rehimeng US-Aquino. Sa ilalim ni Noynoy, hindi lang tinanggihan
ang panawagang makabuluhang dagdag-sahod, nagpatupad pa
ng mga patakarang kumaltas sa sahod at nagpako dito sa napaka-
baba. Mismong ideya ng minimum na sahod ang inaatake nito sa
pagtonong bigyan ng opsyon ang mga manggagawa na hindi
tumanggap ng minimum na sahod. Pinatindi rin ang panunupil sa
mga karapatan sa paggagawa at pantao.
Tampok din ngayong Mayo Uno 2014 ang lantarang pagpapakatuta
ni Noynoy sa imperyalismong US. Ibinabalik ang mga base-militar
ng US, gustong payagan ang 100% dayuhang pag-aari ng mga
lupain, negosyo at likas na yaman sa bansa. Masigasig na ibinubu-
kas ng rehimeng US-Aquino ang Pilipinas sa muling okupasyon
ng US.
Ang kalagayang ito ng mga manggagawang Pilipino ay mahusay na
nailarawan sa mga tula sa kalipunang ito. Gayundin ang kanilang
paglaban: Mula sa mga lokal na laban sa kanilang empresa,
hanggang sa paniningil sa kontra-manggagawang rehimen, at sa
kanilang pakikibaka para sa pambansang demokrasya at sosyal-
ismo na babago sa lipunang nagpapahirap at nagsasamantala sa
kanila.
Sa mga tulang ito, makikita ang bukod-tanging halaga at silbi ng
panulaan sa ating pakikibaka. Ang pagsasamantala at pang-aapi
ay mas mahapding mararanasan, taliwas sa pagkamanhid na
ipinapataw ng tuluy-tuloy na pagdanas at ng mismong lipunan.
Gayundin, ang pagnanais sa tunay na pagbabagong panlipunan
ay nagiging mas masidhi rin. Sa gayon, ang kamalayan ay mas
mabilis at maalab na naimumulat. Kapana-panabik ang tanawing
maitatanghal ang mga tulang ito sa harap ng kanilang mga paksa,
sa mga manggagawa at anakpawis mismo!
Nagpapasalamat kaming mga manggagawa sa mga makatang
nag-ambag sa kalipunang ito at sa marami pang makatat artista ng
bayan na patuloy na lumilikha ng sining para sa mga manggagawa
at mamamayan. Umaasa kami na makapag-ambag ito sa higit pang
pagsusulong ng pakikibaka ng mga manggagawa para sa pagpapa-
laya ng uri at bayan.
Mabuhay ang mga artistat manunulat ng bayan!
Mabuhay ang KM64 Collective!
Mabuhay ang uring manggagawa!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang pakikibaka para sa pambansa at panlipunang
paglaya!
Laganap ang bulung-bulungan
Tungkol sa diskontento ng mga manggagawa.
Kung anuman ang balak nilang gawin
Ay hindi pa alam, pero silay di matahimik.
-Gelacio Guillermo
4
5
Kung Nasaan ang Impyerno
-Alexander Martin Remollino
Nagtatanong ka
kung nasaan ang impyerno.
Itanong mo
sa nagtatanim ng marmol
at adobe
na ang tinitirhan
ay tabla at sirang yero.
Itanong mo
sa naglalatag ng palayan
sa ekta-ektaryang lupa
na ang kinakain
ay kulang pa
sa isang aso.
Huwag ako ang tanungin mo.
Sila ang nakaalam
kung nasaan ang impyerno.
6
Mahal na Araw ng Manggagawa
-Rommel Villano
Mahal ang kaltas.
Mahal ang bilihin.
Mahal ang pamasahe.
Mahal ang serbisyo.
Mahal ang matrikula.
Mahal ang Meralco.
Mahal ang krudo.
Ngaunit may mura! Pabulong ang sigaw.
Mura sa nakaupo sa Palasyo.
Mura sa Tuwid na Daan.
Mura sa Pangulong BS Aquino.
7
PUNTA KA SA HR,
HANAPIN MO SI GANITO
-Stum Casia
Oo, nung kapanayamin ninyo ako
Ang sabi ko,
Experience ang habol ko.
Na gusto ko lang matuto.
Na sa sahod ay hindi ako interesado.
Pero Por Dios,
Por Santo.
Hindi ko naman sinabing
Ok lang sa akin ang trabahong kabayo
At below-minimum na sweldo.
8
Ang Rebolusyon sa Tulay Balimbing
-Ernezto Geluz
Araw-araw tuwing sasapit ang ika-lima ng hapon hanggang sa pagsapit ng
ika-pito ng gabi.
Sa kabila ng isang mapapayapang Barangay sa Bayan ng Imus, Lalawigan ng
Kabite.
Nagaganap ang isang malawakang Rebolusyon, Ang Rebulosyon sa Tulay
Balimbing.
Daan-daang mandirigma ang nakikipag-sagupaan, nakikipag-tagisan ng
galing at talino sa kapwa mandirigma araw-araw.
Isang laban na umuubos ng lakas, pawis at luha ng mga taong nakakasaksi
nito.
Makakapal na usok ang bumabalot sa lugar ng digmaan na humahadlang sa
pag-kikitaan ng bawat isang mandirigma at mga saksi.
Malalakas ng ingay ang humahadlang upang magkarinigan at magkaintin-
dihan ang mga indibidwal na nakikipag-digmaan upang mairaos ang buhay
ng kanilang pamilya sa pang-araw-araw.
Isang nakakapagod at isang nakakabahalang rebolusyon ang nagtatapos sa
Tulay Balimbing araw-araw.
At sa mga susunod na araw itoy mauulit at mauulit muli.
Ngunit sa kabila ng lahat, maraming pamilya ang natutulungan ng sukli ng
digmaan.
Ito ay dahil sa mga ama ng tahanan na sumusuong at nakikipag-sapalaran sa
isang malawak at mapanganib na Rebolusyon sa Tulay Balimbing.

Isang pagkilala sa mga mararangal na Tricycle Driver ng Imus, Cavite
9
Walang Salang Bilanggo
-Rey Tamayo, Jr.
Kumawalang pilit ang mga gunitang pumapatay--
At bumasag ng di kawasang lamat ng kawalang malay.
Masdan mo ang karsel na walang dangal,
May manggagawang inapi ng among hangal;
At binilanggo ng tanikalat rehas na bakal.
Ikinulong ng dalisay na kasalanan,
Binista ng krimeng di mapatunayan.
Isinakdal ng mga saksing bulaan,
Pinaratangan ng biktimang bayaran.
Hinatulan ng mahistradong sa peray gahaman,
At sinentensiyahan ng malyeteng utusan.
Preso ng lipunang itinuring na kriminal,
Binansagang salot ng elitistang banal.
Inilugmok ng salang mula sa berdugo,
At ibinaling sa inosenteng tao.
Paos na rin sa pagsigaw ng hustiya,
Binulag na ang mata ng ebidensiya.
At ang mga paay nilumpot inihimlay,
Ginapos din ng kadena ang malayang kamay.
Habang unti-unting binubulok ang hapis na katawan,
Nang hinuhang buhat sa batas lamang ng iilan;
At tanging luhang may dugo ang pinakawawalan.
10
Produktu
- Francis Jordann L. David
Abangan tala king telebisiyon produktung manyaus pansin
karela mepaku ing kekatamung isipan komersyal a magamanung
sali naka
produktung magdalang kebaluan deng aliwa naman kainan
pamorma ampong pampalagu eka man mikakunung sali.
Nanu pang produktu ing agyu mung pisali ban dumoble ing
panakitan
angga man deng pakakalulu.
Bayad kareng obrero mura mu anya buri ra dauwan a mangalakal
ditak a benepisyu kareng obrero kota kailangan yang akua
deni reng produktung buburian tamu ban maging ganap ing
ligaya tamu
produktung ita man kailangan neng kayi dapot sasalwan tala ban
miganap ing ligaya.
Products
- Francis Jordann L. David
We watch them over the TV products atracting our atention
Eyes nailed, convincing us to buy them instantly
Products which ofer knowledge others sell weaknesses others
self improvement and for beauty
We buy them without hesitation.
What other more products can you sell to double your proft at the
expense of the poor.
Cheap labor in the third world countries is taken advantaged by
foreign businessmen
With few benefts the laborers get yet they have quotas to meet,
These are the products that we desire to complete our happiness
products that we sometimes do not even need yet we buy them to
satisfy ourselves.
11
Ng ulan
-Emman Halabaso
Habang pansamantalang namamahinga
ang kanilang yayat na katawan
pinagmamasdan-
pagbagsak ng ulan
sa nanuyong lupang
inalipusta ng pikong
bumibiyak sa kanilang katauhan,
walang nagagawa.

Ngayon ay masaya sila
tulad ng lupa
habang kalaguyo ang ulan
nagtatampisaw sa mga patak
ang diwang hindi na binisita ng pangarap
pangarap na binusalan
ng iilang baryang pinangtatawid
sa kumakalam na sikmura.

At sa mga oras na ito,
sila ang hari ngayon
nakaupo sa trono
ng isang sakong graba
at tablang sumisilong para hindi mabasa
habang ang kanilang kapatas
sinusulit ang ulan
naghihilik pang natutulog
sa sangtuwaryo ng kanyang kasakiman.
Tatay
-Glen Sales
Hinihintay ng anak ang kanyang tatay.
Tulad ng nakasanayan,
Bubuhatin na naman siya ng kanyang tatay
At sasabihing nakawawala ka ng pagod
Sa maghapong pagtratrabaho mula sa tinatayong gusali.
Salamangkero na naman ang tatay
Dahil sa iba't ibang pasalubong
Tulad ng kendi't palobo at tinapay
Na lumalabas sa kanyang bulsa.
Ngunit ngayon, walang tatay na daumating
Sa halip may kung anong sumapi sa kanyang asawa
At pigil ang iyak habang hinahabol ang oras
Taliwas ito sa inaasahan ng anak.
13
tanaga sa amang may sampung pisong
barya
-emmanuel t. barrameda
paggising sa umaga
kinapa kanang bulsa
may sampung pisong barya
at wala nang iba pa
almusal sa lamesa
alikabok at tasa
itlog pangarap kita
para saking pamilya
sa anak na sakitin
pambili ng aspirin
kung mahawat sumpungin
tayo nat manalangin
tartar, anghit at kuto
toothpaste, sabon at shampoo
kung wala na, naku po!
sa ulan na maligo
tanghalian ay asin
noodles ang nakahain
kung maalwan ang piging
minsan toyo at kanin
matrikula at baon
mayron pang dagdag taon
kiluhin na ang karton
junk shop ang job description
sa gabing walang tv
dilim ang sumasaksi
sa sayaw at paghabi
ng pangsampung kalipi
ilaw, tubig at bahay
pokpok na ang panganay
di pa rin makasabay
sa ginhawa ng buhay
siksikan sa higaan
nagdaganang katawan
mayroong panawagan
igpawan, kahirapan
at ikay nangholdap na
dun sa may avenida
tumakbonataranta
sa presinto nadapa
bulsay muling kinapa
may sampung pisong barya
at napapalatak ka
di kakasyang pampyansa
kasya bang sampung ulo?
sa pasahod na sampu
mabini at supremo
ano sa tingin ninyo?
kumalansing ang barya
may luhang kulay pula
supremo ay nagwika
pag-aaklas, kasama
16
Aba!
-Mara Sabado
Kumakayod ako,
naglalakbay sa pagitan
ng dambuhalang mga
bato,
isinasantabi ko
ang ngalit,
sinasamba ko
ang pag-ibig,
nabubulag ako,
tinatangay ng
panahon
ang mga pagkakataon,
ako ang nagtatayo
ng kaunlaran,
ginigiba naman
ng mga gamahan,
dahan-dahan,
nabibingi ako,
paulit-ulit na lamang itong
gobyerno.
At sa pagbigat
ng aking mga paa,
Aba!
Dukha pa rin
tayong nagsasama.
17
Kuliglig
-Ben D.Nillo
Sinisinta ako ng himig
nitong gabi,
pinipilit habulin ang antok
sa pagod,
mula buong araw
na pagkayod
sa trabaho.
Hindi ka Adarna
ng kalikasan,
walang hihimbing
sa himig mo
- Sa pagpikit
may musikang iginigiit
sa tenga ng darita.
Kaunting katahimikan
Paki-usap,
- Nais mapawi ang
lakas at babawi
bukas ang hamak
na obrero.
Caniogan, Pasig City
Nalugi
-Maria Baleriz Liwanag
tinanggalan sila ng dangal
matapos pakinabangan ang
talino at kasanayan
nagsara ang negosyong kanilang
pinapasukan
libu-libo ang nawalan
ng trabaho
ngayon itong magaling
na gobyerno
wala daw magagawang tulong
sa mga obrero
mas nahabag pa sa mga kapitalistang
nalugi diumano
paano nga naman
tutulong sa mga biktima
kasama sila nitong mga kapitalista
sa mamamayan ay nagsasamantala
Dagdag Sahod
-Maria Baleriz Liwanag
Nagtaas ng suweldo.

Tatlumpung piso.

Subalit mayroong kundisyon
two-gives ang bigayan
parang fve-six, hulugan.
Ang paunang bente pesos
matatanggap sa kalahati ng taon.
Sa Nobyembre ang sampung piso
para sa kabuuhan.

Sa pagitan mayroon ding mga pagtataas
ang matrikula sa paaralan
pati pamasahe, singil sa LPG, kuryente, at langis
ang bilihin hindi din nagpahuli pati tubig.
Itong toll fee nauna nang nakadagdag sa bigat.
Ang presyo ng mga prutas at gulay
sa byahe ng pagtaas madalas din sumasakay.

Apatnaraan limamput anim na piso
ang minimum na sahod ng isang manggagawang Pilipino

Mahigit isang libong piso
ang gastusin sa araw-araw
ng karaniwang pamilyang
binubuo ng anim na katao.

Sa kalagayang ito
ano ang ginagawa ng gobyerno?

Napakadali lang payagan ang pagtaas sa singil at presyo.
Pahirapan sa pagbigay ng dagdag na suweldo.
20
Mga Bayaning 3RD WORLD
-kim erick manalo
Gumigising si Juan
bago pa tuluyang sumikat ang araw
Ililigpit ang pinaghigaan
tapos didiretso sa kusina
na nagsisilbi naring sala
meron o wala mang biskwit
Swerte na kung may kape sa garapon
na pwede pang timplahin
kaso wala na
mainit na tubig at asukal na lang
talu-talo na.
Malapit narin namang sumahod
ilang araw na lang
ika-nga niya
Tangina, tiis-tiis na naman!
Pagpunta sa trabaho
siyay naka-bisekleta
Mahirap magkomyut
may road reblocking na naman sa Edsa
Babawiin na lamang mamaya
ang lakas na nawala
sa binaong maraming kanin
na may kapartner na asin at suka
Simula na ng trabaho
Ang pagal na kamay at mga paay
mas papagurin pa ng pagbubuhat
at paghahalo ng mga semento
na mas lalo pang pabibigatin
kapag naiisip niya kung paano
mabubudget ang kakarampot na sweldo
Titignan niya na lamang ang karatula
ng ginagawa nilang condo
at mapapabulong sa sarili
buti na lang manggagawa ako
at hindi isang gagong pulitiko
sabay balik sa pagtatrabaho.
21
Sila ang gumawa ng mga kalsada
-Piping Walang Kamay
nagpasalamat lamang ba ang mga damuho?
manggagawa ang naghukay ng lupa
naghakot ng mga buhangin
at graba
sila ang naghalo at nagbuhos ng semento
nagpatag ng daan upang makongkreto
tapos maririnig mo?
iba ang bida sa paggawa
ng kalsada
iba ang siyang may dahilan
sa mga talumpati
nila
at makikita mo sa tarpaulin na ginawang
billboard na ata
samantalang gabutil mang pawis
wala silang pinaghirapan
ang meron pa kamo
mga talsik nilang lumalaway
noong magtalumpati ang mga pulpolitiko
sa karangalang
di naman sila ang nagbilad
sa-araw-araw
nagpasalamat ba ang mga damuho?
ang mapapala pa ng mga nagpagal
napakababang suweldo!
22
Mga sangkap ng langis
-Armineonila M.
Mga sahog sa pagluto:
Isang ginagad na diploma
Walong sakong ari-arian
Pitong tasang tinimping luha
Tatlong basong pangarap (dinikdik)
Limang pirasong dignidad (tinadtad)
Sampung kilong pawis (sinala)
Isang kurot ng pagkutya
Mga hakbang sa paggawa:
Tunawin ang galon-galong
kaluluwang nagsakripisyo
para sa pamilya't bayan,
kaluluwang ikinahon
ng globalisasyon
at nanlilisik na pangil
ng kapitalismo
sa kawaling disyerto;
Tustahin ang dating musmos
na hele ng Nanay at Tatay
na nagsibak pa ng panggatong
pangmatrikulang niluto
sa palasyong de-kalawang;
Tunawin, haluin, kayurin
hanggang sa lumapot
ang 'di makatarungan,
ang pag-aalipusta
upang maitayo ang gusali
na'ng siyang hugis ay ganid;
23
Timplahin, lunurin
ang pangakong hindi na
lalayag pa at tatatakan
ang pagkatao ng alyas,
yaong tunog "bayani"
upang hindi malasap
ang pag-alingasaw
ng amoy pang-aalipin;
Paulit-ulit na timplahin,
haluin ng kalyuhing palad
ang pagkauhaw ng iba
sa likidong-yaman at parangal
kahit salat sa bayad
na ginhawang pasalubong;
Sundin ang patakarang ito
nang walang pag-alma
o pagkuwestiyon man lang,
bente-kwatro oras.
Ang Tindero At Estero Sa Tapat Ng KP Tower
-MJ Rafal
sa maghapon, masigasig sa paninibasib
sa kanyang ilong at baga
ang sulak ng bulok na estero. nalulusaw
sa asidikong lusak ang pagtitipon
ng mga styrofoam, plastik, bote, diaper.
kapit-kapit itong nag-iilusyon ng kamatayan.
kumikindat ang butil-butil na mga bulang
tila mga bituin sa grasa ng gabi, multong
nakalutang sa pisngi ng estero-basura
ang bagsik ng singaw-hininga ng pagkabulok.
ngunit wala itong talab sa kanyang paggampan
bilang natatanging tindero ng stereo at teka-tekang
mga abubot sa pangmasang libangan. dito,
sa kanyang buyangyang na paraiso sa anit
ng Divisoria, naitatawid ang libingan
pabalik sa pagkabuhay. kaibigan ang ilog,
ang bulok na alingasaw nitong halimuyak
ng barya-baryang pangarap at pag-usad.
sa maghapon, masigasig sa paninibasib
sa kanyang sentido at kalamnan
ang sugid at pagkalugod sa lugmok na sarili.
sa Divisoria, hinahati sa dalawa ang sangkatauhan:
ang mayroon at ang wala. sa pagitan ng tindero
at estero, umiigpaw ang dalisay na ringal ng paggawa;
sa kabila ng salat na bulsa, sa likod ng gutom
na bukas, sa harap ng nanggigitatang paligid
at sa loob ng pagsisigasig, nabubuhay ang pag-asa.
26
On how to treat people nice and kind
-Jasmin Ado
We were taught
by our parents,
by our teachers,
by our friars,
by our surroundings,
to treat other people
nice and kind

but how?

I am here stuck
in an air-conditioned classroom,
a few textbooks teaching me
how not to end up
like those putrid
protesters
in the streets
wasting their time
under the scorching heat that
I never even bothered
to look at
from my school window
as my teachers teach us
how to treat other people
nice and kind.

but how?

I am here stuck
in my dinner
gorging the franks,
ham and bacons and
quenched by the wine
that was prepared by my yayas
that those destitutes salivate
from the streets
that I never spared
a banknote not
even a penny
as my mum and dad teaches us
from our intricately-designed
table that was made from states
on how to treat other people
nice and kind
but how?
27
I am here stuck
at the father's sermon
as I rest on my knees
with my hand at clasp
as I was taught
that it could help alone
on how to treat people
nice and kind

and there I stood
from the numb blankness,
the before questions
and guilt

as my eyes witnessed
how indulgence
squandered the
consciousness of many
from the television,
newspapers and even
before my windows &
my windshield

We were taught
by our parents,
by our teachers,
by our friars,
by our surroundings,
to treat other people
nice and kind
as we watch ourselves
in streets, slums,
war zones, prisons,
dumpsites and even
in workplaces
drop dead like fies
and watch these abyss
of diferent faces
like trashes
fushed in the
streets

but

there's nothing
that we could do
to alter
somebody's fate.
28
KAPAG MAY PIKET
-Faye Sagun
Kapag may piket---
Tigil ang paggawa,
ulila ang mga makina,
bahaw ang mga pabrika,
Walang produkto.
Walang tubo.
Kapag may piket---
umaalingasaw ang baho
ng mga kapitalistang amo:
panay ang kamot sa ulo,
todo ang kunot ng noo.
Pagkat walang produkto
kaya walang tubo.
Lakas nila'y puhunan
laban sa mga gahaman.
Pawis nila'y testimonya
sa dusa nilang mga manggagawa.
Pagkat tuwing may piket---
Kapit-bisig silang mga manggagawa
kasama ng mga diwang malaya.
29
Men Of Steel
-Stum Casia
May mga bakal na madaling tupiin,
baluktutin, tunawin,
kalawangin,
at itapon sa junksop ni Mang Berting.
Hindi kami ang mga uring iyon-
manggagawa kami ng Pentagon
30
Oda ng mga mananahi sa modang
kapitalista
-Rogene Gonzales
Kami ang nagdadamit sa bawat hubo't hubad
Araw-gabing nagpupuyat sa pagod na sinagad
Nagpapagal sa padyak na ngawit sa rayuma
Nagpupundar sa industriya ng mga tela.
Ngunit kami ang walang maipanamit sa aming musmos
Ang nagtitiis sa maikling kumot tuwing bagsik ng unos
Bumabalabal ng napigtal na garter sa beywang
Gumugunting ng sariling sikmurang kumakalam.
Sinulid kaming humahabi laban sa damdaming kay lamig
Karayom na tutusok sa laman ng mga ganid
Granaheng mag-uusad sa pagtanggal sa mga kalawang
Bakal na siyang magtitimbang sa kaayusan ng yaman.
Kami ang paplantsa sa ginusot na kasaysayan
Ang alab na magtatahi sa katwira't katarungan
Kaaway ng anarkiyang labis na produksyon
Pwersa ng makinaryang nagrerebolusyon!

31
Hinding-Hindi
-Gem Aramil
Lintik ka!
Hindi ikaw ang buong mundo,
Hinding-hindi!
Sumusulpot-sulpot kang tatalbog-talbog ang bilbil sa leeg,
sumisigaw:
"Nauubusan na ako ng pera, bilisan n'yo!
"Bilis!"
At sinisisante mo ang sinumang sasabat-sabat.
Marami na akong nakitang tulad mo--laging nauubusan ng pera.
Naka-BMW at nagpapapogi points sa mga golf course
at sa Hongkong, linggo-linggong nagsho-shopping.
Sumisimba tuwing Linggo at sinasabi sa lahat
kung gaanong kabait kang amo.
Pero tuwing Lunes, nagpuputukan mga ugat mo sa noo kamumu-
ra sa mga tao mo.
Hindi mo kami masisindak!
Lintik ka!
Hindi ikaw ang buong mundo,
Hinding-hindi!
--
Mayo 18, 2013
Pacita, Laguna
32
Huwag Tangisan
(halaw sa tula ni Ralph Chaplin)
-Gem Aramil
Huwag tangisan ang mga pumanaw
na nahimlay sa malamig na lupa-
alabok sa alabok.
Tiwasay at matamis ang inang lupang
kung saan lahat ay patungo;
Huwag tangisan ang mga kasamang na bihag na kailangang
manahan-
puspos ng lakas-
sa loob ng aserong ataul;
inilibing nang buhay.
Ngunit tangisan ang madlang
tinakot, pinaamo't, pinamanhid-
Na nakasasaksi sa dakilang dalamhati,
ngunit hindi pumipiksi.
Alay sa matatapang na manggagawang tumitindig at lumalaban
para sa kanilang karapatan!
Mayo 18, 2013
Pacita, Laguna
33
Batas ng Kapital at Digma
Sa mga Manggagawa ng Coachbag
- P.M.
Ganito ang batas ng Kapital:
Kabisado ng buong katawan
Ang pagtupi't padyak sa makina
Naghahabi ng salansang pera
Male-maleta ng sobrang kita
Sa male-maletang kuwero't katad
Mga nililok sa padrong-sikat:
Pitaka't clutchbag, tampipi't sakong
May tatak: Coach, at daang dolyar
Na tag: lakas paggawang sinipsip
Di para sa aming kabuhayan
Di para sa aming kaunlaran
Kundi pang-rampa sa entablado
Ng hatian ng kapangyarihan.
Ganito ang batas ng Digmaan:
Kabisado ng buong prinsipyo
Ang pagkuyom ng mga kamao
Naghahabi nitong yarda-yardang
Pakikibaka sa labis-labis
Na pang-aapi sa manggagawa
Mga nililok sa rebolusyon:
Panahon pa nina Bonifacio
Tatak: Makabaya't Proletaryo
Ang tag: puspusang pakikibaka
Di lamang sa aming kabuhayan
Di lamang sa aming kaunlaran
Kundi pagwasak nitong sistemang
Nagsisilbi lamang sa iilan.
Kanta Ning Maldang Talapagobra
-Francis Jordann L. David
Magobra ku walong oras ing aldo sumuweldong pekamababang
salud
kulang ing panakitan ku para keng pamilya ku kailangan ing
pamagtipid aldo-aldo
Sabi da sisikan ya ing bansa tamu dakal pa rin utang ampong loans
ining katumbas na ning kapagalan ko ing maging alipan ku.
Mamayad tamung buwis patanan la reng kriminal a libre mung
gagala.
Obligasyon tamu ing malaya ya ing atyu lapa king kabayaran tamu.
Eya akutang ote la makukulong uling pabustan tala king karokan
eyu akutang ot masikan la uling pabustan tamu ing maloloko.
Working Class Song
-Francis Jordann L. David
Im working eight hours a day get paid minimum wage
Its not enough to feed my family we tighten our belt regularly
They say our country is going strong with huge debts and loans
Is this the hard work that I made while patriots make us slaves.
We pay our taxes to feed the murderers and let the criminals be at
large.
Its our job to keep them safe and free, its our job to let them stay
and for us to pay.
Have you ever wondered why theyre not behind bars, because we
let them murder us,
And have you ever wonder why theyre still in control, because we
let ourselves be fooled.
KIBIT
-Ana Corpuz

Lagi kang pinagkikibitan ng balikat.

Maraming dahilan
Hindi nila alam.
Walang magagawa.
Walang pakialam.
Wala kang halaga.

Ikaw naman, manggagawa
Ang kumibit at tumindig.
Ano kayang mangyayari
Sa pasan mong daigdig?

(Pagulungin, basagin at muling pandayin
Ang bagong daigdig na para na sa atin!)
36
SODOMA'T GOMORRA: TIMOG-SILANGANG
ASYA, MGA UNANG TAON NG SIGLO XXI
-Alexander Martin Remollino
I
Sa mga pabrika at opisina at department store at groseri:
araw-araw, kasinghaba ng kalsada
ang pila ng nagbabaka-sakaling sila'y makakuha
ng hanapbuhay.
Araw-araw din, sa bawat pilang ganito,
kasindami lamang
ng mga karatulang naghahayag ng pangalan ng lansangan
ang nakahahanap ng trabaho.
Samantala, sa mga bangketa
ng maraming Quezon Avenue at EDSA-Cubao at Ermita
ng ating bansa,
dumarami gabi-gabi
ang itinitindang buhay na laman ng tao,
buhay na laman ng tao.
II
Sa mga pabrika at opisina at department store at groseri,
ang mga manggagawa't kawani
karaniwa'y sumasahod nang sapat lamang
upang makabalik sa pinapasukan kinabukasan:
nabubuhay upang maghanapbuhay,
hindi naghahanapbuhay upang mabuhay.
At sa maraming lihim na aliwan,
ang isang gabing pagpapalaspag ng laman at dangal
ay maaaring katumbas
ng limang araw na pagbabaluktot ng gulugod
sa mga pabrika at opisina at department store at groseri.
37
III
Ang tao'y di dapat na mabuhay
upang magputa,
di dapat na magputa
upang mabuhay.
Ngunit masdan ang lipunang ito:
lipunang nagbubugaw ng mga tao
lipunang nagbubugaw ng mga tao.
Sa lipunang ito,
pinapatay sa gutom ang mga ayaw magputa
pinapatay sa gutom ang mga ayaw magputa
pinapatay sa gutom ang mga ayaw magputa.
Ito, anang ilang magaling na utak,
ay lipunang di dapat kantihin.
IV
Ngunit sino silang mga pantas sa kaungasan
upang ating pakinggan?
Ang lipunan kung saan kailangang magputa
upang mabuhay,
ang lipunan kung saan mga puta lamang
ang pinapayagang mabuhay
ay dapat na gawing abo,
tulad ng Sodoma't Gomorra.
Sa kapangyarihan
ng pinapag-isang mga diwa at puso at kamay,
ating papulahin ang kalangitan
at papagpaulanin ng apoy
na susunog sa ating Sodoma't Gomorra.
Pagdakila sa Kilusang Paggawa
-Rogene Gonzales
I.
Manggagawa, isinilang sa sinaunang paghulma
sa imperyo ng mga gusali't templo ng mga pari,
bigat ng bigas at bloke'y binuhat sa tonelada
ng bisig na nagpatikas sa rebulto ng mga hari.
Lakas niyoy liwanag sa pagsikat ng umaga,
kamay na kumikinis sa gaspang ng mga bato,
hiningang humahawi at humuhugis sa dambana,
talampakang nagpagara sa lawak ng entablado.
Dugo'y nagpaandar sa daanlibong lagusa't daanan,
haliging sumusukat sa kakayanan ng sangkatauhan
sa paglinang sa bakal sa pusod ng kabundukan,
sa sinsin ng sining ng paglikha sa kairalan.
Mundo kayong katumbas ng pumipintig na puso,
bumubuhay sa larangan ng husay at talino,
amat inang di mabilang ang henerasyong inaruga,
ang inaalay niyong pamanay ugat ng ekonomiya.
II.
Ngunit itinuring kayong pag-aari ng mga gahaman,
tila makinang kinakalawang na sagabal sa pagyaman,
kayong naglangis ng baldeng pawis sa pabrika
ang siya pa ngayong uhaw sa bukas na masagana.
Kapitalista ang umani sa inyong mga sakripisyo,
sa walang-hanggang kagustuhan nila sa luhot tubo,
kalam ng sikmuray tinamnan ng linlang at takot,
makatwirang reklamoy busal at bala ang isinagot.
Anumang hakbang ng pagkamulat sa tanging karanasan
na sadyang nilulugmok sa kolektibong kalagayan,
nililito sa silaw at serye ng panandaliang karangyaan,
halimaw na ipinantatapat sa tibay ng paninindigan.
Makailang ulit nang ibinuwal ang inyong mga kasama,
sa huling hantungan dinala ang panawagang hustisya,
mga dayuhan at lokal na kataksilan ang salaysay
sa magkakambal na dila at armas ng iisang kaaway.
Pilit kayong inihihiwalay nang sariling uriy di makilala,
sa libingan ng sahod ikinakahong magpakasapat na,
ngunit kamatayan ng dakilang adhikaiy di mangyayari,
habang nariyan ang ubod ng pang-aapit pagkamakasarili.

III.
Kayat mamamayang nagnanais umalpas sa hirap
walang ibang pagpipilian kundi tapang ay iharap,
sa diwa ng mga gurot bayaning ambag ang gabay,
sa lalim ng proletaryadong kamalayay magpanday.
Kadilimang itinakda ng mapagsamantalay gapiin
sa alab ng damdaming nagtatakda sa layunin,
sa maso ng produksyong magbubura sa gutom
aalpasan ang kakapusan sa talim ng karit na susulong.
Itoy digmaang magtutuldok sa sistemang nabubulok,
pamunuan ang epiko nang kapital ay madurog,
mga berdugot salarin na naghasik ng lagim sa atin,
nalalapit na ang huling paglilitis sa kanilang pang-aalipin!
IV.
Manggagawa, hiningay susi sa saysay ng salinlahi,
angkinin nang ganap ang lipunang patas ang paggawa,
daigdig ang naghihintay sa tagumpay na maaani
sa kamaong tatangan sa himagsikan ng mga sandata!
Sa laksa-laksang hukbo
itatatag ang pulang industriya
sa ginintuang pangako
ng sambayanang nagpapalaya!