You are on page 1of 15

PAMBANSANG

KALAGAYAN
KABATAAN
NG
SA ILALIM NG
REHIMENG
US-AQUINO
KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 3
Maunlad at maginhawang kinabukasan ito ang hangad ng bawat kabataang
Pilipino.
Gayunpaman, dahil sa mapaniil at mapagsamantalang sistemang panlipunan na
pinatitindi ng mga atake ng mga nagdaang rehimen at ng kasalukuyang rehimeng US-
Aquino sa kabuhayan at karapatan ng mamamayan, malinaw na walang maaliwalas
na kinabukasan ang naghihintay para sa kabataang Pilipino.
Bilang batayang karapatan, ang bawat kabataan ay nakakatamasa ng de-kalidad
at libreng edukasyon sa bansa. Ngunit dahil sa matinding kahirapan at paglalako
ng edukasyon sa bansa, kalakhan ng bilang nila ay naitutulak palabas o hindi
man lamang nakatutuntong ng paaralan. Sa maagang yugto ng kanilang buhay,
binabalikat na nila ang mabibigat na pasanin ng kanilang mga magulang na
manggagawa at magsasaka.

Maliban sa pagkakait ng karapatan sa edukasyon, biktima ang kabataan sa
kanayunan at kalunsuran ng ng kawalan ng lupa, malawakang tanggalan sa trabaho,
mababang pasahod, kawalan ng batayang serbisyo sosyal at panunupil ng
mga karapatang sibil. Ang ilan sa kanilay nasisira ang buhay dahil napipilitang
masangkot sa mga gawaing anti-sosyal dahil sa kawalan ng kabuhayan.
Mas matinding pagkabusabos ang dinaranas ng kabataan sa ilalim ng rehimen ni
Pang. Benigno Aquino III. Matapos niyang tuntungan ang pagkamuhi ng kabataan
at mamamayan sa naunang rehimeng Arroyo at mangako ng tuwid na daan tungo sa
pagbabago, nagpatupad naman siya ng mga polisiyang katulad at mas masahol pa sa
nagdaang rehimen.
Sa kabila ng pagsisikap nito na lumikha ng ilusyon ng pang-ekonomiko, pampulitikal,
at panlipunang pagbabago, nalalantad na katangian ng gobyernong Aquino bilang
tuta ng US, pahirap sa masa at korap, tiwalit bulok ang pamamahala. Walang
patumangga ito sa pagpapatupad ng mga polisiyang nagsisilbi sa dayuhan at iilan at
nagsasamantala sa kabuhayan ng mamamayan.
Pinakamaasahang papet ng US si Aquino na nagtataguyod ng pang-ekonomikong
interes nito, at nagbibigay-katwiran sa agresyon nito sa Asya-Pasipiko. Sa kabilang
banda, kamay na bakal ang inihaharap ni Aquino sa sinumang magtangkang
tumuligsa sa kanyang mga patakaran.
Layunin ng praymer nito na ilahad ang pangkalahatang kalagayan ng kabataang
Pilipino sa loob ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan na pinapasidhi
ng rehimeng US-Aquino. Higit, dapat magamit ang papel na ito sa pagpukaw sa
pinakalawak na hanay ng kabataan at estudyante, kumilos at sumanib sa pambansa
demokratikong pakikibaka ng mamamayan.
PANIMULA
MAHAHALAGANG SANGGUNIAN:
National Statistics Ofce, Estimated Youth Population Ages 15-30 by Region
Philippines 2000-2010
http://www.gmanetwork.com/news/story/255959/news/nation/222-private-
schools-raise-college-tuition-hikes-average-p41-52-per-unit
National average increase in tuition: P36.93 for 2011-2012; P41.52 for 2012-
2013, and P37.45 for 2013-2014. Total is P115.00 increase during the time of
Aquino
Conservative estimate of average tuition increase in NCR is P64.04 based on
2013 data. Multiply this by 3 years, P192.12
http://www.nscb.gov.ph/pressreleases/2012/PR-201206-SS2-01_pov2009.asp
Ibon (January 2013) Yearend 2013: Deepening Crisis and Disillusionment
Economic and Political Brieng
http://www.nscb.gov.ph/ncs/11thNCS/papers/invited%20papers/ips-15/03_
Estimating%20Informal%20Settlers%20in%20the%20Philippines.pdf
Enero 2014, ANAKBAYAN GABAY SA PAGTATALAKAY HINGGIL SA PAG-
TAAS NG PRESYO NG KURYENTE, LANGIS, AT PAMASAHE
LARAWAN NI MACKY MACASPAC, PINOY WEEKLY
6 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 7
I. ANO ANG PANGKABUUANG KALAGAYAN
NG MAMAMAYAN SA ILALIM NG REHIMENG
AQUINO?
W
alang pundamental na pinagkaiba ang pamamahala ni Benigno
Aquino III sa mga nakaraang Pangulo na itinakwil din ng
mamamayan.
Taliwas sa ipinagmamalaking pag-unlad sa ekonomiya sa loob ng nakaraang
tatlong taon, walang-habas na masaker sa kabuhayan ng mamamayan ang
isinasagawa ng administrasyong Aquino. Nakuha pa niyang tawagin na
rising tiger economy ang Pilipinas gayong sa kaibuturan ay humaharap
sa lumalalang kawalan ng trabaho, kagutuman at kahirapan ang milyun-
milyon nating kababayan.
Kung matalas na susuriin ang mga dinuktor na datos ng gobyerno,
makikitang tumaas naman ang bilang ng walang trabaho at naghahanap ng
dagdag-trabaho sa halos 11.8 milyon ngayong taon . Ito ay halos 30% na ng
labor force ng bansa at isa sa pinakamataas sa ating kasaysayan. Ito rin ang
pinakamasahol na tantos ng kawalang trabaho sa buong Asya.
Ayon din sa pag-aaral ng IBON, lubhang maliit sa katotohanan ang sinasabi
ng gobyerno na 23.7 milyong Pilipino lamang naghihirap o kulang sa P52.00
ang panggastos kada araw. Sa katotohanan, kung P100.00 kada araw ang
pagbabatayan, aabot sa 56 milyon ang mahihirap, at tataas pa sa 66 milyon
kung P125.00 ang pagbabatayan .
Ang kalagayang ito ay lalong pinasisidhi ng patuloy na pagsirit ng presyo ng
mga serbisyot mga batayang pangangailangan sa bansa habang di naman
nakasasabay ang sahod ng karaniwang manggagawa. Sa kasalukuyan,
mahigit P1,000 ang daily cost of living para sa isang karaniwang pamilya
habang nakapako naman sa P466.00 ang minimum na sahod sa NCR.
Nakapinto pang magtaas ang presyo ng kuryente, langis, pamasahe sa dyip,
at MRT-LRT.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang demolisyon sa mga maralitang
komunidad ang bigyang-daan ang mga proyektong Public-Private
Partnerships (PPP) ng administrasyon. Sa ilalim ng rehimeng Aquino,
madudugo at mararahas na demolisyon ang ipinatupad tulad kung saan
napakarami ang nasasaktan at namatay.
Walang ring plano ang asyenderong Pangulo na magpatupad ng reporma
sa lupa. Sa katunayan, ayon sa IBON research, pinakamaliit ang bilang ng
naipamahaging lupa sa ilalim ng rehimeng Aquino kumpara sa lahat ng
Pangulo mula nang ipatupad ang CARP. Nasa 14, 942 ektarya kada buwan
lamang ang naipamahagi nito at sa katunayan, 66% nito ay government
lands. Limang taon nang nahuhuli sa skedyul ng pamamahagi ng lupa kung
pagbabatayan ang huwad na batas hinggil sa reporma sa lupa (CARPER)
na ipinasa din nila mismo. Samakatuwid, patuloy na nagpapakasasa ang
malalaking panginoong maylupa sa inangking mga lupain na dapat ay
matagal nang naipamahagi sa magsasaka kabilang na ang Hacienda Luisita.
Lumala ang kahirapan sa kabila ng napakalaking itinaas ng badyet ng
CCT. Sa pagitan ng 2009 at 2012, lumaki ang badyet nito ng 407% o P5
bilyon tungong P39.4 bilyon. Dumami ang bilang ng benepisyaryo nito
ngunit patunay na hindi nito nasosolusyunan ang kahirapan sa bansa.
Sa katunayan, alam ng mga komunidad na pinaglalagakan nito na
pinagmumulan ito ng malawakang korapsyon at ginamit para sa bumili ng
mga boto para sa May 2013 na eleksyon.
Samantala, napulupot si Aquino sa sariling sapot ng kanyang
kasinungalingan sa usapin ng malawakang korapsiyon at katiwalian niya
at kanyang administrasyon. Nalalantad nang husto ang kaniyang pagiging
maka-dayuhan, maka-iilan, korap, at pasista.
Walang ibang nakikinabang sa ipinagmamalaking paglago sa ekonomiya
kundi ang malalaking burgesya komprador, panginoong maylupa, at
dayuhang negosyo. Sa katunayan, tumaas nang halos 36.4 bilyon dolyar ang
net worth ng 40 pinakamayayamang Pilipino mula nang maupo si Aquino
noong 2010 (Figure 2).
Patuloy ang pangingibabaw ng dayuhang negosyo sa ekonomiya. Hawak ng
mga Trans National Corporations (TNC) ang 36% ng pinagsama-samang kita
ng top 1000 corporations (2011). Sa manupaktura, hawak nila ang 67% ng
kabuuang kita (Ibon Foundation).
Ang PPP ni Aquino ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon para
ibayo pa silang magpalaki ng yaman. Pinakamalaki ang pakinabang ng mga
8 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 9
alyado at kaibigan ng pamilyang Aquino (Table 1).
Hinahayaan ng gobyernong Aquino ang garapal na pananamantala ng
pribadong kumpanya sa paniningil ng kuryente at tubig. Sa katunayan,
napakalaki ng paglago ng tubo ng Meralco (8%), Manila Water (26%), at
Maynilad (13%) dahil sa walang tigil na pagtataas ng singil. Sa ngayon,
pinakamataas ang presyo ng kuryente sa Manila at panlima naman ang sa
tubig sa buong Asya.
Nabasag ang propaganda na kung walang korap, walang mahirap, nang
matuklasan ng sambayanan na taglay niya ang pinakamalaking pork barrel
na pinagkukunan ng ibubulsang pondo ng bayan na aabot sa P1.1-P1.3
trilyon. Labis ang pagkamuhi ng sambayanan sa higit pang natuklasan na
garapal na paggamit ng pondo ng bayan upang suhulan ang iba pang opisyal
ng gobyerno na itulak ang impeachment ni CJ Corona sa pamamagitan ng
DAP. Sa inaprubahang badyet para sa 2014, nagkunwaring tinanggal na ang
PDAF ngunit ga-higanteng bahagi pa rin ang inilaan para sa pork barrel ng
mismong Pangulong Aquino.
Dahil sa pagpapatupad ng mga pahirap na polisiya para sa kapakinabangan
ng dayuhan, malalaking negosyantet panginoong maylupa, umaani
ng batikos at protesta ang rehimeng Aquino. Pinatinding paglabag sa
karapatang-pantao, panunupil, at pagpapakatuta sa imperyalistang US ang
sagot nito.
Mas masahol pa sa panahon niya ang paglabag sa karapatang pantao ng
mamamayan. Ayon sa datos ng KARAPATAN, sa unang dalawang buwan
ng 2014, halos isang biktima ng EJK ang naitatala kada linggo. Itinulak
ni Aquino ang pagpapatupad ng Anti-Cybercrime Law na sumusupil sa
malayang pagpapahayag, pagpoprotesta, at pag-oorganisa sa pamamagitan
ng internet.
Samantala, upang patuloy na anihin ang suporta ng US, bigay-laya ito sa
pagpapapasok ng tropang Amerikano sa bansa. Nakatakdang pirmahan ang
kasunduan para sa pagpasok ng mas malaking bilang ng tropang militar ng
US na siyang sasadyain pa ni Barack Obama sa darating na Abril.
Mailalarawan naman ng karanasan ng mga biktima ng nakaraang bagyong
Yolanda ang pagiging pabaya nito sa mamamayan sa panahon ng kalamidad
habang sagad-sagaring korap at garapal sa tubo ng gobyernong Aquino.
Hindi naghanda at walang interes ang gobyerno na Aquino na iligtas ang
mamamayan ng Eastern Visayas mula sa paparating na bagyo. Mas masahol
pa, pagkatapos ng bagyo ay napakabagal ng tulong pangkagipitan sapagkat
abala ang kanyang ahensya kung papaano pagkakakitaan at kukulimbatin
ang mga donasyon mula sa mga nais tumulong. Ipinakalat din nila ang
propagandang tapos na ang panahon ng relief kahit marami sa mga biktima
ay wala pa ring estableng pagkukunan ng makakain sa araw-araw dahil
sabik na sabik na si Aquino at kanyang mga alyadong negosyante na
pagparte-partehin ang pagnenegosyo at kick back sa rehabilitation program
ng gobyerno.
Lahat ng ito ay patunay na walang pundamental na pagkakaiba, bagkus
pinalala pa ng gobyernong Aquino ang pagdurusa at pagkabusabos ng
mamamayan sa ilalim ng bulok na sistema.
10 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 11
II. ANO ANG PARTIKULAR NA KATANGIAN NG
KABATAAN SA LIPUNANG PILIPINO?
Ang mayorya ng populasyon ng bansa ay mga kabataan. Sa pagsusuri
ng datos ng projection ng gobyerno , aabot sa halos 38 milyon mula sa 94
milyong Pilipino ang nasa edad 13-35 na itinuturing nating kabilang sa
sector ng kabataan. Samakatuwid, binubuo nila ang 41% ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas.
Partikular din na katangian ng sektor ng kabataan ang pagiging konsentrado
sa mga paaralan, pagawaan, at komunidad. Ayon sa Commission on Higher
Education (CHED), 10M (25%) ng mga kabataan ay mga estudyante. Habang
13.2M (34.7%) ng mga kabataan naman ay nagtratrabaho. At sa naturang
datos din nakasaad na halos 15.2M (40%) ng mga kabataan ay hindi nag-aaral
at hindi nagtratrabaho.
Mula sa bilang ng mga kabataang nagtratrabaho, 3.9M sa mga ito ay nasa
sektor ng agrikultura. Habang mas malaking bilang ng mga kabataan (5.6M)
ay nasa ibat ibang sangay ng industriya at 3.5M ay nagtratrabaho sa sektor
ng serbisyo.
Samakatuwid, matatagpuan ang kabataan sa ibat ibang sektor ng lipunan,
kayat pangunahin ding biktima ng krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal
na lipunan na ibayong pinasahol ng gobyernong Aquino.
Ang pagtatalakay sa kalagayan ng kabataan at estudyante ay pagtatalakay
din ng kalagayan ng ibat ibang sektor sa lipunang Pilipino. Tulad ng
nararanasan ng mayorya, lubog sila sa kahirapan, dumaranas ng
pagsasamantala, at walang maunlad na kinabukasan sa ilalim ng
kasalukuyang lipunan.
Sa ganitong kalagayan, naghahangad ang kabataan ng panlipunang
pagbabago. Nagiging katangi-tangi ang papel na dapat gampanan ng kabatan
at estudyante sa pagresolba at pagwawakas sa krisis ng lipunang Pilipino.
III. PAANO IPINAGKAKAIT SA KABATAAN ANG
KANYANG BATAYANG INTERES SA ILALIM NG
REHIMENG AQUINO?
A. ANG PAPASAHOL NA KRISIS NG KOMERSYALISADO,
KOLONYAL, AT PASISTANG EDUKASYON
Hindi natatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon pagkat itoy
pinatatakbo bilang mga negosyong pinagkakakitaan nang husto. Pinahi-
hirapan ang mga kabataang estudyante ng taunang pagtaas ng matrikula at
iba pang gastusin, walang-habas na panunupil sa kampus, at ng maka-dayu-
hang oryentasyon ng sistema ng edukasyon.
Dahil sa di maampat na pagtaas ng mga bayarin sa eskuwelahan, papalaki
din ang bilang ng mga di makapag-aral. Ayon sa datos mismo ng gobyerno ,
nasa 10 milyon lamang na kabataan ang nakakapag-aral.
Ayon sa datos ng CHED para sa 2011-2012, 3 sa 4 na kabataang edad 16-22
ang di nakakapasok sa kolehiyo. Ibig sabihin, 3 milyon lamang sa dapat na 12
milyong kabataan ang nakakapasok sa kolehiyo.
Higit sa kalahati o 1.7 milyong estudyante (57.74%) ay nakakonsentra sa
2,247 pribadong pamantasan sa bansa . Sa kabilang banda, nagsisiksikan
naman ang 1.1 milyon (37.09%) ng mga kabataan sa 111 State Colleges and
Universities (SUCs) at may 150,311 naman ang nasa 95 na Local Universities
and Colleges (LUCs) sa bansa (Table 2).
Samantala, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa 6.9 mi-
lyon naman ang naka-enroll sa hayskul, konsentrado ang 5.6 milyon nito sa
7,268 na pampublikong hayskul habang nasa pribado naman ang 1.3 milyon.
May nasa 4.6 milyong edad 12-15 ang hindi nakakapasok sa hayskul (Table
3).
12 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 13
Sa madaling salita, halos nasa 13.6 milyong kabataan ang dapat nasa
mga hayskul at kolehiyo (edad 12-22) ang pinagkaitan ng karapatan sa
edukasyon.
1. KOMERSYALISADO
Ang taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin
ay dulot ng komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng
edukasyon sa kabuuan at sinusuhayan ng matitinding patakaran
ng komersyalisasyon sa ilalim ng gobyernong Aquino. Sa ilalim
ng sistemang ito, ang edukasyon ay hindi karapatan kundi isang
pribilehiyo at negosyo ng iilan at dayuhan.
Sa ilalim ng gobyernong Aquino, ipinatupad ang CHED Memorandum
3 (Series of 2012) na lalong nagpatindi ang garapal na paniningil ng
matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong paaralan. Ginawa
nitong lehitimo ang taun-taong pagtataas ng matrikula, miscellaneous,
at iba pang kuwestyonableng bayarin. Ipinanukala nito na anumang
pagtataas na dumaan sa konsultasyon ay makatarungang singilin.
Sa panahon ng panunungkulan ni Aquino naitala ang pinakamaraming
bilang ng Higher Education Institutions na nagtaas ng matrikula. Sa
katunayan, sa ilalim ni BS Aquino, umabot na sa halos P115.00 ang
itinaas ng tuition kada yunit o katumbas ng P3,450.00 kada semestre o
P6,900.00 hanggang P10,350.00 kada taon para sa mga estudyanteng
kumukuha ng 30 units sa mga pribadong unibersidad at paaralan.
Higit pang mataas ang average para sa mga eskuwelahan sa National
Capital Region (NCR). Tinatayang aabot sa P200.00 ang itinaas kada
yunit sa mga eskuwelahan ng NCR o katumbas ng P6,000.00 kada
semestre o P12,000.00 hanggang P18,000.00 kada taon.
Resulta ito ng patuloy na pagtalima ni Aquino sa mga neoliberal na
polisiya na nagdidikta ng deregulasyon at pribatisasyon ng edukasyon
tulad ng Higher Education Modernization Act of 1997 at ang Education
Act of 1982.
May ibat iba ring mga iskema ng awtomatikong pagtataas ng matrikula.
Halimbawa, hindi na kinakailangang idaan sa konsultasyon ang
pagtataas matrikula sa mga freshmen kaya awtomatiko na itong
tumataas.
Samantala, nasa balangkas din ng komersyalisasyon ang programang
Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER). Sa ilalim nito,
pinatitindi ang kaltas pondo sa SUCs at pag-engganyo ng pribadong
negosyo upang pagkakitaan ang pampublikong edukasyon. Itinutulak
ito sa pamamagitan ng tuition and other fees increase, mga kontrata ng
serbisyo sa pribadong kumpanya, at pagpapagamit ng mga ari-arian ng
mga paaralan para sa negosyong pribado.
Binabalak ipatupad sa masaklaw na paraang ang socialized tuition
system na tiyak na magtataas ng matrikula sa mga SUCs. Kabi-kabila
din ang pagpapataw ng mga bayarin tulad ng miscellaneous fees,
developmental fees, laboratory fees, at marami pang iba.
Hindi na rin ligtas ang mga estudyante ng hayskul sa pagtataas ng
bayarin sa eskuwelahan. Taliwas sa ipinagmamalaki ng gobyerno ni
BS Aquino na libre ang batayang edukasyon sa bansa, sa katotohanay
binabalikat ng mga magulang ang napakaraming iba pang bayarin.
Notoryus ang paniningil sa mga pampublikong hayskul ng mga dagdag
na bayarin tulad ng PTA fee, examination fees, graduation fees, at iba
pa. Aabot din sa P20,000 ang kinakailangang gastusin sa pamasahe, mga
libro at iba pa sa pagpasok sa skwela. Bukod pa ito sa mga nirerequire na
bayarin sa mga workbook, project at iba pa.
Samantala, inaasahang ang implementasyon ng K to 12 ay magdudulot
ng dagdag bayarin sa mga estudyante at magulang. Marami sa mga
pampublikong eskuwelahan ay walang kapasidad na magbigay ng
edukasyong pang-senior highschool (Grades 11 at 12) kayat ipauubaya
ang mga ito sa mga pribadong paaralan na tiyak na garapal na
pagkakakitaan na naman ang mga highschool students. Sa katunayan,
nakatakda nang maglaan ng P13.2 to P19.8 bilyon ang gobyerno na
ibibigay sa pribadong paaralan para pag-aralin sa Senior High ang
ilang estudyante mula sa public. Sa P18,000 kada estudyante, tiyak na
malaki pa ang dagdag na gagastusin ng estudyante dahil garapal din sa
pagtataas ang mga private highschools.
2. KOLONYAL
Kolonyal ang oryentasyon ng edukasyon dahil simulat sapul, nakatuon
ang sistema ng edukasyon sa balangkas ng papaano pakikinabangan
ng dayuhan, partikular ng Estados Unidos, ang likas-yaman, lakas-
paggawa, at buong ekonomiya ng bansa.
Pangunahing tuon ng sistema ng edukasyon ang paglikha ng malaking
bilang ng mura at mapagsasamantalahang lakas-paggawa para sa mga
dayuhan na siyang pangunahing itinutulak ng polisiyang K to 12. Ito
rin ang dahilan bakit todo ang pagsusulong ng mga kursong magbibigay
ng minimum na skills na kailangan at in-demand ayon sa itinakda ng
14 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 15
dayuhang negosyo.
Laman din ng mga patakarang isinusulong ng mga dayuhan ang
pagpapatindi ng komersyalisasyon ng edukasyon sa Pilipinas at sa
buong mundo. Walang ibang ibig pakahulugan ang internationalization
ng sistema ng edukasyon kundi ang pagtalima sa istandard upang
mabilis na mamuhunan at pagkakitaan ng dayuhan ang ating mga
paaralan.
3. PASISTA
Malaki ang pakinabang ng iilan at dayuhan sa ganitong kalakaran.
Aabot ilang bilyon ang tubo ng mga eskuwelahan at negosyante
sa edukasyon dahil sa taun-taong pagtataas ng matrikula at sa
pakikipagtulungan sa mga dayuhang negosyante.
Kaya naman at tinitiyak din nitong nakagapos ang isipan ng kabataan
sa pagiging kimi, sunud-sunuran, o walang pakialam. Para sa mga
namumulat at nagpapasyang kumilos, mapanupil na mga patakaran
naman ang ipinatutupad.
Laganap ang mga patakarang nagkakait ng karapatan na mag-organisa,
magpahayag, kumilos, at isulong ang kapakanan ng kabataan laban sa
anti-estudyanteng mga polisiya. Dagdag pa ang pagkakait ng otonomiya
ng mga konseho at publikasyon, pagtatakda ng iisang standard ng
pananamit at hitsura ng mga estudyante, at malaganap na paniniktik sa
aktibidad ng estudyante sa pamamagitan ng mga CCTV. Kabilang din
dito ang diskriminasyon sa mga LGBT.
B. ANG KABATAAN BILANG BIKTIMA NG BARAT NA
PASAHOD AT PRODUKTONG PANG-EKSPORT
Kabilang sa pwersa ng paggawa ang malaking bilang ng kabataan. Sa tala
ng gobyerno, binubuo ng kabataang edad 15-30 ang 54.8% (15,257,000) ang
kabuuang labor force o pwersa ng lakas paggawa sa bansa.
Kaya naman, pangunahing suliranin ng kabataan ang kawalan ng sapat na
trabaho sa bansa. Ayon sa IBON, pumalo na sa 11.8 milyon ang bilang ng
walang trabaho at naghahanap ng dagdag-trabaho. Ito ay halos 30% na ng
labor force ng bansa at isa sa pinakamataas sa ating kasaysayan. Ito rin ang
pinakamasahol na tantos ng kawalan ng trabaho sa buong Asya.
Upang pagtakpan ang kahiya-hiyang 400,000 nalikhang trabaho sa kabila
ng ipinagmamalaking paglago sa ekonomiya, lubhang pinaliit ng gobyerno
ni Aquino ang bilang ng walang trabaho sa 2.9 milyon sa pamamagitan ng
pagpapalit ng pakahulugan sa unemployed bilang nagtrabaho ng kahit
isang oras sa nakaraang linggo. Ayon sa IBON, 4.5 milyon o 10.6% ang tunay
na tantos ng walang trabaho sa bansa.
Halos kalahati o 48.5% ng mga walang trabaho ay kabataang edad 20-
24. Kapwa nahihirapan ding maghanap ng trabaho ang nasa edad 25-34.
Karagdagang patunay ng kakulangan ng trabaho sa bansa ang datos na
halos 74.9% ng walang trabahoy may mataas na pinag-aralan (nakatapos ng
hayskul, post-hayskul, o kolehiyo).
Walang sapat na trabaho sa ating bansa sapagkat walang nakatindig na mga
empresat industriya. Sa katunayan, maraming kabataan ang napipilitang
mangibang-bansa upang maghanap-buhay at sikaping iangat ang antas
ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Aabot sa halos kalahati (46.2%) ng
manggagawa sa ibang bansa ay kabataang nasa edad 25-34. Ayon sa report
ng International Labor Organization (ILO), nagtatrabaho bilang domestic
helpers ang malaking bilang ng kabataang migrante.
Samantala, labis na pinahihirapan ang mga manggagawa, kung saan
signipikante rin ang bilang ng kabataan, ng sistema ng mababang
pasahod, kontraktwalisasyon, at malawakang tanggalan. Nariyan din ang
kakulangan sa benepisyo at serbisyong panlipunan.
Para sa taong 2013, nasa P456 ang minimum wage sa NCR habang P205 ang
regional minimum wage rate. Kapwa napakababa nito kumpara sa daily cost
of living na nasa P1,033 kada araw.
Di na nga sapat ang sahod, nagpatupad pa ang gobyernong Aquino ng two-
tiered wage system (2TWS) na nagtutulak ng ibayo pang pagpapababa ng
sahod ng mga manggagawa. Sentral na programa ito ni Aquino na nilalaman
ng kanyang Philippine Labor and Employment Plan 2011-2016 (PLEP).
Sa ilalim nito, nagpapataw ng oor wage na nakabatay sa hungkag na
depinisyon ng poverty threshold at average wage. Sa esensiya, papababain
pa nito lalo ang napakaliit nang sahod sa kasalukuyan. Halimbawa,
sa CALABARZON, bababa sa P255 ang minimum na sahod mula sa
kasalukuyang P337 sa implementasyon ng nasabing iskema.
Samantala, naka-ayon naman sa performance o productivity ang
ikalawang bahagdan ng 2TWS. Binibigyang-katuwiran nito ang pang-
aabuso ng manggagawa upang itulak silang kamtin ang targets na itinatakda
ng kanilang employer na litaw na litaw sa mga BPO, garment industry at
pharmaceuticals. Papasidhiin din nito ang kompetisyon sa pagitan ng mga
manggagawa.
C. ANG KABATAAN NA NAKAGAPOS SA PAGKAALIPIN AT
KAWALAN NG LUPA
Higit na malaking bilang ng kabataan ang mga magsasaka o nagmula sa
pamilya ng magsasaka. Sila ang sektor na pinakamahirap sa bansa .
Katulad ng iba pang magsasaka sa kanayunan na aabot sa 75% ng
16 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 17
populasyon, ang kabataang magsasaka ay pangunahing sinasalanta ng
malawakang pangangamkam ng lupa, liberalisasyon ng kalakalan at land
use conversion. Nasa balangkas ito na tumugon sa pangangailangan ng
pandaigdigang pamilihan habang bumabagsak ang lokal na produksyong
pangkonsumo at produksyon ng maliliit na magsasaka.
Sa ilalim ng gobyernong Aquino, nasa 48% lamang ng 1.3 milyong ektaryang
target ang napasailalim sa land reform. Ito ang pinakamaliit na rekord ng
pamamahagi ng lupa kumpara sa nagdaang mga rehimen.
Lantad din ang kawalang interes na bawiin mula sa panginoong may-lupa
ang mga lupain ng mga magsasaka dahil kalakhan ng ipinamahaging lupain
ay pampublikong lupain. 30% lamang ng kabuuang 95% na pribadong
asyenda at plantasyon ang isinailalim sa CARPer na magtatapos na ngayong
Hulyo 2014 Bagaman napatunayan ang kahungkagan ng naturang
programa, napipinto pa ang muling pag-eekstend nito.
Patunay ang kaso ng Hacienda Luisita ng hungkag at mapanlinlang na
reporma sa lupa ng gobyernong Aquino. Tinatakasan nito ang order ng
Supreme Court na ipamahagi ang lupain sa pamamagitan ng tambiolo
system kung saan kabilang ang mga pakawalang benepisyaryo ng
Cojuangco-Aquino. Laganap ang paggamit ng dahas upang patahimikin ang
mga magsasakang patuloy na lumalaban at naglalantad sa kanilang anti-
magsasakang pakana.
Samantala, laganap sa buong bansa ang land-grabbing, land-use conversion,
pagbawi ng mga Certicate of Land Ownership Award (CLOA), Certicates
of Land Trasfer (CLTs) at Emancipation Patents (EPs) at pangunahing pwersa
sa likod nito ay mga Araneta, Ayala at iba pang malalaking panginoong
maylupa.
Laganap ang kahirapan sa kanayunan dahil sa kawalan ng lupa at sa
barat na pasahod sa mga manggagawang-bukid. Karaniwang nasa
P156.81 hanggang P178.43 ang kinikita kada araw ng mga mangggawa sa
agrikultura. Malayung-malayo sa kinakailangan upang mabuhay sila ng
disente.
Nananatiling mailap ang kaunlaran sa buhay ng mga magsasaka dahil nasa
kaibuturan ng programa ni Aquino ang pagpatay sa lokal na produksyon.
Sa katatapos lamang na 9th Ministerial Conference ng World Trade
Organization isa ang Pilipinas sa lumagda sa mga kasunduan ng Trade
Facilitation na naglalayong pabilisin ang proseso at tanggalan ng taripa ang
pagpasok ng mga imported na produktong tulad ng bigas.
Naipasa rin ang Agreement on Agriculture (AoA) sa naturang kumperensya.
Nililimitahan ng kasunduang ito ang subsidyong maaaring ilaan ng mga
mahihirap na bansa sa kanilang agrikultura. Habang walang limitasyon ang
suportang pinansiyal ng mga abantet industriyalisadong bansa sa kanilang
pagsasaka, food production, crop protection, atbp. Samakatwid, nanganganib
ang pagbuhos ng mga imported na produkto sa bansa habang pinapatay ang
kakayanan natin makapagprodyus at makipagkumpetensiya sa kanilang
imported na produkto.
Hindi rin ligtas sa atake ang mamamayang Moro at iba pang pambansang
minorya sa kanayunan na sapilitang inaaagaw ang kanilang lupang ninuno
at winawasak ang kanilang kulturang kinagisnan.
Sa pagtutulak ni Aquino ng PPP, ibayong ipinatutupad ang Mining Act of
1995 at EO 79 na nagbibigay-katuwiran sa pagpapalayas ng mga minorya
sa kanilang lupain ninuno. Sa katunayan, halos kalahati ng 184 mining
applications na inaprubahan ng gobyernong Aquino ay mga lupaing ninuno.
Samantala, nagbubuhos ng tropang militar ang gobyernong Aquino sa
mga lugar kung saan tinitiyak ang mga proyektong dayuhan at maka-
panginoong maylupa. Nagdudulot ito ng malawakang dislokasyon at
paglabag sa karapatang pantao na lalong nagpapalala sa lugmok nang
kalagayan ng magsasaka sa kanayunan.
Ayon sa datos ng KARAPATAN, aabot na sa 38,836 ang sapilitang lumikas
dahil sa militarisasyon sa kanayunan, 9,177 mula sa bilang na ito ay kabilang
sa pambansang minorya. Dahil sa desperasyon ni Aquino sa pagpasok ng
dayunang mamumuhunan, pinagsasanib nito ang pwersang militar ng
estado at ng pribado para protektahan ang interes ng mga namumuhunan.
Laganap ang kaso ng pamamaslang at masaker sa mga magsasaka at
kanilang mga pamilya.
D. PATUNG-PATONG NA PAHIRAP AT PAGKAKAIT SA
BATAYANG SERBISYO
1. DEMOLISYON
Habang nanatiling salat ang oportunidad pangkabuhayan sa
kanayunan, marami sa mga maralita sa kanayunan ang nagpapasyang
tumungo sa siyudad upang sumugal sa paghahanap-buhay. Higit
na pagmamalupit at kasakiman din ang nararanasan ng maralita
sa lungsod dahil sa pagkakait ng batayang karapatan sa pabahay at
seguridad sa lupang panirikan.
Sa huling tala ng National Housing Authority, may 544,609 informal
settler household o 3.3 milyong indibidwal sa NCR pa lamang .
Karamihan sa mga ito ay naninirahan sa tabi ng riles, ilalim ng mga
tulay, nagsisiksikan sa gilid ng mga estero.
Matindi ang panganib ng pagpapalayas at demolisyon sa mga maralitang
lungsod dahil sa programa ng PPP ni Aquino. Pinagsasanib nito ang
dahas ng estado, pribadong sektor, at dayuhang namumuhunan upang
agawin ang mga lupang panirikan at pagtayuan ng mga business
18 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 19
district at iba pang istruktura ng komersyo at kalakalan na tiyak
paghuhuthutan ng katakut-takot na tubo.
Sa kabilang banda, mapanlinlang naman ang mga programang
relokasyon ng NHA at ng gobyerno. Di makatao at binabarat ang mga
relokasyon sapagkat pangunahing proyektong kinukurakot din ito
nila Aquino, kanyang mga kamag-anak, at kaalyado. Tampok ang
pamamakyaw ng New San Jose Builders na pagmamay-ari ng Executive
Secretary ni Aquino sa mga kontrata ng demolisyon at pagtatayo ng
relokasyon.
Dahil sa malaking interes sa kita mula dito, marahas ang pagpapalayas
at demolisyon sa mga komunidad. Sa katunayan, sa ilalim ni Aquino
naitala ang mga pinakamadugong pagpapalayas sa mga maralitang
lungsod mula sa kanilang mga tahanan. Tampok ang kaso ng Corazon de
Jesus, Silverio Compound, Catmon, at San Roque.
2. PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE, PAMASAHE, LANGIS AT
IBA PANG BATAYANG PANGANGAILANGAN.
Kapal-mukhang paulit-ulit na nagbabanta ang Meralco ng malawakang
brownout kapag hindi ito hinayaang magtaas ng singil ng kuryente
matapos na labanan ng mamamayan ang planong dagdag-singil noong
Nobyembre 2013.
Halos P500 ang dagdag sa buwanang singil sa kuryente para sa isang
pamilyang kumukunso ng hindi tatas sa 200 KW/H ang nakatakdang
ipapataw ng MERALCO. Ang palagiang pagtataas ng singil sa kuryente
ay mula sa patakarang deregulasyon at pribatisasyon na niligalisa nang
husto ng Electric Power Industry Act noong 2001 at ipinagpapatuloy
naman ng gobyernong Aquino.
Dahil sa EPIRA, 55% ng suplay ng kuryente sa bansa ay monopolisado
ng iilang korporasyon tulad ng San Miguel Corporation (Cojuangco),
Meralco (Lopez) at kontrolado ng Aboitiz ang mga kooperatiba ng
kuryente sa Visayas at Mindanao kayat malaya nilang naitatakda ang
presyo.
Dagdag pahirap din sa mamamayang ang naka-ambang pagtaas ng singil
sa LRT at MRT. Pansamantalang ipinagpaliban ito ni Aquino sa takot na
masuhayan ang galit ng mga mamamayan na nag-aalimpuyo sa galit
mula sa kabi-kabilang pagtaas. Hindi ibig sabihin na hindi matutuloy
ang pagtaas ang pamasahe. Ang pagtaas ng pamasahe ay gagamitin para
sa pambayad-utang at garantiya sa puhunan ng pribado.
Habang pinapahirapan ng walang-ampat na pagtataas sa presyo ng mga
pribatisadong serbisyo, naglaaan naman si Aquino ng P30 bilyon bilang
regulatory risk guarantee fund na subsidy sa pribadong at dayuhang
mamumuhunan kung sakaling kapusin ang kanilang mga tubo.
Samantala, nagpapatuloy ang palagiang pagtaas ng presyo ng langis,
dahil monopolisado ito ng iilang dayuhang kartel sa langis na kilala
bilang big 3Shell, Caltex at Petron. Monopolisado nila ang suplay ng
langis sa bansa at malayang nakakapagdikta ng presyo nito sa lokal na
merkado. Halos tatlong ulit nila pinapatungan ang presyo ng langis,
kaya napakalaki ng kita ng mga ito.
3. PAG-ABANDONA SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN
Hindi rin ligtas ang serbisyong pangkalusugan mula sa pribadong
pagnenegosyo sa ilalim ni Aquino. Isasailalim sa PPP ang halos 29
pampublikong ospital upang pagkakitaan ng higanteng mga kumpanya.
Kabilang dito ang Philippine Orthopedic Center, Fabella, Jose Reyes, at
marami pang iba.
Ikinakatwiran ni Aquino na mayroon naman umanong PhilHealth,
kaya mananatiling abot-kaya (hindi libre) ang serbisyong
pangkalusugan sa bansa. Gayunpaman, sa taong 2014, tumaas
ang taunang hulog sa PhilHealth mula sa P1,800 tungong P2,400.
Idinadahilan nito na hindi sapat ang badyet na inilaan ni Aquino para
bayaran ang tumataas na singilin sa serbisyong pangkalusugan sa mga
ospital.
E. PAGLABAG SA KARAPATANG SIBIL AT PULITIKAL
Mas masahol at mas matindi ang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng
panunungkulan ng gobyernong Aquino kumpara sa nagdaang mga rehi-
men. Ayon sa KARAPATAN, umabot na sa 152 ang biktima ng extrajudicial
killings, 168 na biktima ng frustrated killings, 18 na enforced disapperances,
358 kaso ng illegal arrests noong pagtatapos ng 2013. Sa unang dalawang
buwan ng 2014, may isang EJK kada linggo sa ilalim ng gobyernong Aquino.
Liban sa brutal na pagpapatahimik at panunupil, ipinatupad din sa ilalim ni
Aquino ang Anti-Cybercrime Law na layuning takutin at patahimikin ang
mga kritiko ng gobyerno at malalaking negosyante. Layunin nitong pigilan
ang paggamit ng kabataan ng internet upang ibayong magmulat, mag-or-
ganisa, at magpakilos.
Kaliwat kanan ang pagbuwag at marahas na dispersal sa mga pagkilos sa
lansangan, mga welga, barikada, at iba pa.
Sa loob ng mga paaralan, laganap din ang atake sa demokratikong karapatan
ng mga estudyante. Mistulang mga garrison ang mga paaralan kung saan
walang karapatan sa pagpapahayag, pagtutol, at pag-oorganisa ang mga
estudyante. Sa ilalim ni Aquino, malayang namamayagpag ang represyon sa
loob ng mga pribado at pampublikong paaralan kahit malinaw na labag ang
mga ito sa konstitusyon.
20 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 21
Samantala, hindi rin ligtas ang kampus sa pamemeste ng militarisasyon. Sa
ilalim ni Aquino, mas naging laganap ang pamamayagpag ng militar sa loob
ng mga institusyong pang-sibilyan tulad ng mga ospital, paaralan, atbp.
Sa huling tala ng KARAPATAN, halos 300,000 indibidwal ang apektado sa
nasabing abuso ng militar. Imbis na maramdaman ang seguridad, takot ang
hinahasik ng detachment militar sa kampus dahil nasasalang sila sa mga
sagupaan, engkwentro, operasyon.
Ginagawa ding institusyon ang kaisipang marahas at mersenaryo ng militar
sa paglalako ng mga kursong ROTC. Pinalalaganap ng ROTC ang korapsiyon,
pyudal na relasyon, at pagiging sunud-sunuran. Ginagamit din ito upang
tiktikan ng mga kadete o opisyal ang kapwa nila estudyante. Sa ganitong
diwa, makinarya din ang ROTC sa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan, at sa
esensiyang tagapagpatupad din ng kontra-terorismo, kontra-insurhensiyang
programang US Coin Guide.
IV. ANO ANG UGAT NG SULIRANIN NG
KABATAAN AT MAMAMAYAN?
N
asasadlak sa walang-kapantay na krisis, matinding kahirapant
kaapihan ang mamamayang Pilipino dahil sa sistema kung saan
kontrolado ng iilang dayuhan at pribadong negosyo ang ekonomiya,
pulitika, at kultura sa ating bansa. Ginagamit nila ang likas na yaman
at lakas-paggawa para sa sarili nilang kapakinabangan habang labis na
pinagsasamantalahan ang kabataan at mamamayan. Ito ay ang sistemang
panlipunan na malakolonyal at malapyudal.
MALAKOLONYAL sapagkat di-tuwiran ang paghahari ng imperyalismong
US sa ekonomiya, pulitika, militar at kultura ng Pilipinas. Lugmok na
ekonomiya ng ating bansa sapagkat ibinunga ito ng deka-dekadang
pagpapatupad ng paatras na patakarang nagsisilbi sa interes ng mga
dayuhan at iilang malalaking negosyo.
MALAPYUDAL naman sapagkat pinananatiling atrasado at monopolisado
ang lupang agrikultural at di nakasasapat-sa-sarili ang ekonomiya upang
patuloy na umasa sa napakamahal na yaring produkto ng dayuhan.
Samantala, lumilikha ng mga barat na hilaw o semi-processed na
produkto, pinararami ang walang trabaho, at pinabababa ang sahod para
pakinabangan ng dayuhan sa kanilang produksyon. Dahil dito, hindi
sumusulong ang ekonomiya, walang batayang industriya, matindi ang
depisito sa kalakalan, lubog sa utang, at laganap ang kahirapan, kagutumant
kaapihan ng mamamayang Pilipino.
Itinataguyod ni Aquino ang ganitong sistema at pinatitindi ang kaapihan
ng mamamamayan. Patunay ng ganitong balangkas ang kaniyang
Philippine Development Plan 2011-2016 na blueprint ng pangkabuuang
programang pang-ekonomiya niya. Pangunahing programa sa ilalim nito
ang pagpapalaganap ng Public-Private Partnership o PPP, pagtutulak ng
liberalisasyon sa kalakalan, at pagpupuspos sa deregulasyon ng presyot
negosyo.
Pagpupuspos lamang ng programang pribatisasyon ang PPP. Layunin
nitong engganyuhin at hikayatin ang dayuhan at lokal na pribadong
mamumuhunan sa mga pampublikong serbisyo. Malawakang inilalako
ang mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, sektor pangkalusugan,
pampublikong trasnportasyon, pabahay, atbp para paghuthutan ng tubo
ng iilan. Katumbas nito ang sapilitang pagpapalayas ng mga maralitang
lungsod, magsasakat mangingisda at pambansang minorya sa kanilang mga
tirahan at lupain para ilaan ito sa pribado.
Winawasak din ng mga polisiya ng liberalisasyon sa kalakalan ni Aquino
ang anumang batayan para sa pag-unlad ng bayan at ang magandang
kinabukasan ng kabataan. Binabansot ang produktong lokal habang
22 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 23
binubuyangyang ang bansa sa pagbaha ng dayuhang produkto. Nakaasa
ang bansa sa kapital ng dayuhan (sa mukha ng mga foreign direct
investments) at pag-eeksport ng mga manggagawa sa layunin na magkaroon
ng sustinidong suplay ng dolyar para gawing artipisyal na istable ang
ekonomiya ng bansa.
Labis na at patung-patong na pahirap naman ang deregulasyon sa presyo ng
mga pinribatisang serbisyo at mga nagosyong ipinapasok sa bansa. Inutil at
walang hakbang na ginagawa ang gobyernong Aquino upang protektahan
ang mamamayan sa labis-labis na paniningil at pag-tubo ng mga dayuhang
kapitalista.
Susi ang ginagampanang papel ni Aquino bilang pinuno ng tutang
gobyerno upang itaguyod ang mga patakarang ayon sa interes ng mga
dayuhang imperyalista at lokal na naghaharing uri na nagpapakasasa sa
yaman ng bansa. Ang makauring diktadura ng imperyalistang US at
ahente nitong malaking burgesya komprador at alyadong panginoong
maylupa ang nagtityak na mapoprotektahan at maitataguyod ang kanilang
interes sa sistema ng produksyon at superistrukturang malakolonyal at
malapyudal na lipunan.
V. ANO ANG SOLUSYON SA PAPATINDING
KRISIS NA NARARANASAN NG KABATAAN AT
MAMAMAYAN?
Ang tunay na gulugod ng anumang ekonomiya ay ang industriya at agri-
kultura sapagkat lumilikha ito ng pinakamahalagang kalakal na kailangan
ng lipunan at tuntungan ng mga serbisyo. Indikasyon din ito ang masiglang
produksyon ng malawakan, pangmatagalan at malalimang pag-unlad.
Ang pagwawagi ng bagong-tipo ng pambansa-demokratikong pakikibaka
na may sosyalistang perspektiba ang solusyon sa krisis ng malakolonyal
at malapyudal na lipunan. Isang pakikibakang naghahangad ng paglaya ng
sambayanang Pilipino sa dayuhan at pyudal na pang-aapit pagsasamantala.
PAMBANSA ito sa saklaw at katangian. Nananawagan ito sa mamamayang
Pilipino sa buong bansa upang ipagwagi ang pagpapalayat pagigiit ng pam-
bansang soberanya upang pabagsakin ang paghahari ng imperyalismong US
sa bansa.
Sa ekonomiya, nangangahulugan ito ng industriyalisasyon at pagtataguyod
ng ekonomiyang nakasasapat-sa-sarili upang kumawala sa pagiging palaasa
sa dayuhan. Kabilang dito ang pagpapaunlad ng lokal na produksyon sa
pamamagitan ng subsidyo at proteksyon.
DEMOKRATIKO ito sapagkat tinutugunan nito ang interes ng pinagsasa-
mantalahang mamamayan na bumubuo ng 99% ng populasyon. Pangu-
nahing programa nito ang paglutas ng suliranin sa lupa ng malawak na
magsasaka upang paunlarin ang lokal na agrikultura, lutasin ang suliranin
sa pagkain, at magkamit ng sarplas na magagamit sa pagtaguyod ng mga
industriya.
Hinahangad din niton itaguyod ang demokratikong kahilingan para sa edu-
kasyon at serbisyong panlipunan, gayundin, ang karapatan ng mamamayan
laban sa pasismo ng estado.
BAGONG TIPO ang ating pambansa-demokratikong pakikibaka, bagamat
maituturing na pagpapatuloy ng Rebolusyon ni Bonifacio noong 1896
sapagkat nasa uring anakpawis (proletaryado at mahigpit na alyadong
magsasaka) ang makauring pamumuno rito. Ito ay pagkilala na ang
uring anakpawis ang siyang pinakadeterminadong ipagtagumpay ang
pambansang demokrasya patungong sosyalismo.
SOSYALISTA ang perspektiba ng ating pambansa-demokratikong pakikiba-
ka. Sa pagtatagumpay ng pambansa-demokratikong pakikibaka agad nating
sisimulan ang sosyalistang rebolusyon at konstruksyon. Ito ang magtitiyak
na hindi na makapanunumbalik ang paghahari ng imperyalismo sa ating
bayan.
24 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 25
VI. ANO ANG MGA MAHAHALAGA AT
KAGYAT NA TUNGKULIN AT NG KABATAAN?
Mahalaga at mapagpasiya ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng maka-
bayan at progresibong kilusang masa upang ibagsak at baguhin ang bulok
na sistemang nagpapahirap sa sambayanan.
Ang panahon ng kabataan ang pinakamahusay na edad sa pakikipagla-
ban. Katangian ng kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pagkilos, ang
kahandaan na tumanggap ng mga bago at rebolusyonaryong ideya at
pamamaraan, ang kapangahasan sa paglaban sa di-makatarungang sistema,
ang kagitingan sa paglahok sa pakikibaka at ang pagnanasang maka-
likha ng maningning na kinabukasan.
Kayat upang ipaglaban ang kaniyang kahilingan at ang interes ng mamama-
yan, kinakailangan ng sama-sama, organisado, at militanteng pagkilos
ng kabataan. Kailangang labanan ng kabataan ang kultura ng kawalang-
pakialam, ng pagkakanya-kanya, ng pagiging kimi, disorganisadot maka-
sarili, at ng pagkalulong sa bulok at dekadenteng gawi na ipinapalaganap
ng naghaharing-uri upang ilayo ang kabataan sa landas ng paglaban. Kung
hindi mag-oorganisa ang kabataan, madali silang madala ng panlalansi,
pananakot at pandarahas ng mga naghahari.
Upang mabaka ang bulok na kulturang ipinapalaganap ng mga naghahari,
kinakailangang mahigpit na isanib ang kilusan ng kabataan sa pakikibaka
ng masang anakpawis. Dapat magpanibagong-hubog ang mga kabataan at
pagsilbihin ang kaniyang pakikibaka sa pakikibaka ng buong sambayanan.
Kung hiwalay sa pakikibaka ng masa, nanganganib na humantong ang mga
pagkilos ng kabataan sa repormismo o di kayay pabugsu-bugsong anarkiya
na sinasamantala ng mga naghahari.
1. HUMALAW SA KARANASAN AT ARAL NG KILUSANG KABATAAN
Dapat humalaw ng aral at inspirasyon ang mga kabataan sa magigiting
na kilusang kabataan sa ating kasaysayan tulad ng Katipunan noong
1890s at ng Kabataang Makabayan noong 1960s.
Magiting na itinaguyod ng Katipunan ni Bonifacio na pangunahing
binubuo at pinamumunuan ng kabataan ang pambansang adhikain para
sa kasarinlan mula sa pananakop ng Kastila. Tumpak nilang ipinakita
ang kawastuhan na tanging sa rebolusyunaryong pakikibaka ng sam-
bayanan at hindi sa reporma makakamit ang inaasam na mahusay na
kinabukasan. Kung hindi lamang nagtaksil ang pangkat nila Aguinaldo
at ipinagkanulo ang rebolusyon, ganap sana ang tagumpay sa paglaya
ng ating bayan noon.
Samantala, sa pagkalipos nito sa diwang makabayan, ipinanata at ipina-
malas ng Kabataang Makabayan (KM) ang pagpapatuloy ng rebolusyon
ni Bonifacio sa ilalim ng Pambansa Demokratikong Pakikibaka. Ipinama-
las nito ang militansiya, talas at dunong upang labanan ang mga salot sa
lipunang Pilipino.
Niyakap ng kasapian ng KM ang diwa at esensiya ng anti-imperyalis-
tang pakikibaka na nakaugat sa aral ng unang kilusang propaganda nila
Rizal at inspiradong pagtagumpayan ang rebolusyon ni
Bonifacio.
Nang itatag ito noong 1964, nalipos ito ng hangarin na wakasan ang
lokal at dayuhang pagsasamantala at nagkaisa sa pakikibaka sa bal-
angkas ng pambansang demokrasya. Parang apoy na naglagablab sa
parang ang bilis at dami ng kasapian unang taon ng pagkakatatag nito
sapat para kilalanin ito bilang isang pambansang organisasyon ng ka-
bataan at estudyante. Hindi lamang kabataang estudyante ang laman ng
kasapian nito, ngunit marami ring kabataang manggagawa ang naging
kasapi ng KM.
Dahil sa isang antas ng lapad at saklaw, nagawa ng KM na makapaglu-
sand ng mga kampanya at aksiyon masa laban sa imperyalismo at lokal
na papet nito. Taong 1968-69 naman nang pumutok ang mga aksiyong
masa sa mga pamantasan sa buong bansa na mariing tutol sa ibat ibang
reaksiyunaryong patakaran sa edukasyon na nagbubunga ng pagtaas ng
matrikula at bulok na serbisyo sa paaralan.
Nang malimbag ang Makibaka para sa Pambansang Demokrasya taong
1967, ito ang tangan ng kasapian ng KM at laman ng kanilang mga ta-
lakayan at umukan. Lalong naglagablab ang diwang palaban at maka-
bayan ng kasapian ito.
Ang kilusang edukasyon ay matibay na pundasyon ng kilusan nang
sumiklab ang Sigwa ng Unang Kwarto noong 1972. Ang antas ng ka-
mulatan ng kasapian ng KM ay sapat para resolbadong tunggaliin nito
ang reaksiyunaryong estado sa pamumuno ni Marcos. Dahil kinilalang
banta sa pampulitikang lakas ng estado, napilitan kumubli sa under-
ground ang KM nang maideklara ang Martial Law. Ginamit naman nila
ang pagkakataon na ito para pasiglahin ang kilusan sa kanayunan, at
marami sa kanila ay sumanib sa rebolusyong agraryo.
Matapos tuldukan ang diktadura ni Marcos mula sa tagumpay ng
paghungos ng libo hanggang daang libong bilang ng mamamayan sa
EDSA, nagpatuloy ang KM sa pakikibaka para sa pambansang demokra-
sya. Ang katatagan ng KM ay kapwa nagmula sa mga tagumpay nito
at maging mga pagkakamali. Hinarap nito ang signipikanteng pagliit
ng kasapian sa panahon ng paglihis ng dekada 80 sa ilusyon na mapag-
tatagumpayan ang pakikibaka sa palagiang aksiyong masa at gasgasang
mga aksiyon.
26 | KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO KALAGAYAN NG KABATAANG PILIPINO | 27
Hindi matatawaran ang paglakas ng KM sa kasalukuyan, pinagdaanan
nito ang kilusang pagwawasto at nagpapatuloy sa pagpapahusay sa
larangan ng politika, ideolohiya at pagpapalawak ng kanyang kasapian.
Matatagpuan ang mga balangay nito sa mga sakahan, pagawaan, sa mga
komunidad, sa mga hayskul at ibat ibang pamantasan.
Nanatiling angkop at napapanahon ang esensiya at diwa ng rebolusyu-
naryong Katipunan at KM. Sumasahol ang krisis ng mala-kolonyal at
mala-pyudal na lipunang Pilipino, habang patuloy itong hinuhuthutan
ng naghihingalong parasitikong Estados Unidos.
Dapat laksang bilang ng kabataan at estudyante ang sumanib sa
pambansa-demokratikong pakikibaka. Tanging sa pagsabak nito sa
pakikibaka ng kanyang sektor at mapagpasyang pagsanib sa pakikibaka
ng masang-anakpawis nagiging matapang, matalas at napapanday ito
bilang isang ganap na pwersa ng pampulitikang pagbabago.
2. PUSPUSAN AT WALANG-IMBOT NA PAGLINGKURAN ANG SAM-
BAYANAN: MAGPUKAW, MAG-ORGANISA, AT MAGPAKILOS!
Sa panimula, kinakailangang pumaloob ang mga kabataan sa mga
organisasyong masa na nagsusulong ng pakikibaka para sa pambansang
demokrasya (PD). Sa ganitong paraan lamang matitipon at masasala-
layan ng kabataan ang kanyang organisadong lakas upang labanan ang
anumang lokal, sektoral, o pambansang usapin.
Sa loob ng mga organisasyong ito mapapalalim ang pag-unawa sa
pambansa-demokratikong pagsusuri at programa. Sa minimum ay
pag-aralan at unawain ang oryentasyon at konstitusyon ng mga organ-
isasyong nagsusulong ng PD. Maaaring palalimin pa ang kaalaman sa
pamamagitan ng pagkuha ng pampulitikang at teoretikal na mga pag-
aaral kabilang na ang pagpapahusay sa panlipunang pagsisiyasat.
Walang silbi ang pampulitikang pag-aaral kung hindi naman ito ga-
gamitin upang mag-oorganisa ng sanlaksang masa ng kabataan. Ang
pampulitikang pag-aaral ay hindi lamang upang patunayan na tayo ay
mas mahusay kaysa sa iba. Ito ay gabay natin para sa epektibong pag-
mumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos ng mga kabataan sa papalaki at
papasaklaw na paraan.
Absoluto ang pangangailangan para sa solido at tuluy-tuloy na lumala-
wak na pambansa-demokratikong organisasyon ng kabataan. Kung mas
Malaki ang mga organisasyon, mas lumalaki ang kapasidad natin na
hikayatin ang mas malaking bilang ng di pa organisadong kabataan sa
ating mga kampanya at mobilisasyon upang labanan ang pagpapahirap
sa mamamayan.
Di rin sapat na lumalaki ang mga organisasyon ng kabataan. Kinakailan-
gang malakas na makibahagi at makipagtulungan sa organisasyon
ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralitang lungsod,
kababaihan, propesyunal, at taong-simbahan. Mahalaga ang kabataan
sa pambansang pagpapalaya ngunit hindi nito kayang ipagtagumpay ito
nang nag-iisa.
a. Dapat pukawin at imulat ang kapwa kabataan at ang mamama-
yan sa ugat ng kanilang mga suliranin at sa kawastuhan ng
pambansa-demokratikong pakikibaka. Dapat matalas na maiguhit
ang ND na pagsusuri sa lahat ng usaping bumabalot sa masa.
Dapat pukawin ang mga kabataan na maging kritikal sa mga
napapanahong isyung pambayan.
b. Dapat asamin ang bugsu-bugsong (wave upon wave) na pagla-
wak ng mga pambansa-demokratikong at pang-masang organ-
isasyon. Dapat palaparin din ang network at na-aalyadong mga
organisasyon at institusyong pang-estudyante na nahahamig sa
balangkas ng pambansa demokrasya. Dapat tanawin ang pagbu-
buo ng lakas-opensibang paglawak ng napamumunuan, naiim-
pluwensiyahan at nahahamig na organisasyon ng estudyante
habang ninyunyutralisa at/o direktang tinutunggali ang mga
kontra-ND.
c. Sentral sa paglawak at pagpapasidhi ng pakikibakang ND ang
regular (antas-habit), at papataas na antas ng pag-aaral ng mga
kurso hinggil sa pambansang demokrasya. Dapat may malinaw
at kongkretong balangkas ng pagpapakuha at pagpapatapos sa
hanay ng kasapian at sa masang nais nating organisahin. Ang
ND pag-aaral ay dapat ituring na sandata, na dapat napapanday
sa mga sustinidong pag-aaral at napapatalas sa paglalapat nito sa
aktwal kampanya at pakikibakang masa.
May-angking lakas, kasiga-sigan at kasiglahan ang kabataan na likas
lamang sa kanya. Nalilipos ito ng hangarin na hindi lamang pansarili,
sapat para siya ay taguriang pag-asa ng bayan. Nag-uumupaw siya sa
mga makabagong ideya, nag-aanak ng mga imbensiyon at inobasyon,
mulat sa mga teorya, at laging bukas sa pagbabago.
Sa kanyang pagkamulat, siya ay nahaharap sa sangandaanang piliin
ang isang rebolusyonaryong landas o magpatianod na lamang sa agos.
Ang kanyang pagpapasya ay katumbas ng kapalaran at kahahantungan
ng lipunang kanyang ginagawalan.
Nababalot ngayon ang kabataan sa isang pamibihirang sitwasyon ng
ligalig. Laganap ang pang-ekonomiko at pampulitikang krisis. Higit
kailanman, hinahamon ang kabataan na mapagpasyang tumindig sa
lugar nito sa pakikibakasa unahan ng mga kilusang protesta, kakapit-
bisig ang malawak na hanay ng masang anakpawis.
Ang Dokumentong ito ay inilabas ng:
Pambansang Himpilan ng ANAKBAYAN
Institute for Nationalist Studies
Abril 2014

You might also like