You are on page 1of 4

YAKAP SA PUNO

"Anak, baka mahuli ka na. Bumangon ka na d'yan."


Hindi lamang higit sa tatlong ulit nakiusap si Mia para
bumangon mula sa higaan ang anak. Ngayon ang
itinakdang araw ng paaralan para dumalaw sa
bahay-ampunan ang mga estudyante ng Padre
Garcia Day Care Center. Karaniwang ginagawa ang
pagdalaw sa ampunan bago magtapos ang mga
bata.
"Ayoko naman po sumama. Wala naman po ako
gagawin dun," sagot ni Jonathan habang kinukusot
ang mata.
Hinaplos ni Mia ang buhok ni Jonathan kasunod ang
buntong hininga. Alam niyang minsan ay matigas ang
ulo ng anak kaya gusto niyang ipaunawa dito
kalahagahan ng pagbisita sa ampunan. "May
matutunan ka doon anak. Hindi ordinaryong
pamamasyal lang ang gagawin sa bahay-ampunan.
May mga bagay na dapat mong malaman at
maintindihan gaya ng kawang-gawa. Mas mabuting
malaman mo kung bakit may mga taong bukas sa
kawang gawa."
"Kung tutuusin po swerte pa sila kasi may tirahan at
kumukupkop sa kanila hindi tulad ng mga batang nasa
lasangan," katwiran naman ni Jonathan.
Napabuntong hininga muli si Mia. Humigpit ang hawak
ni Mia sa kopya ng mga larawan nila ng kanyang
asawa nang minsan silang dumalaw sa ampunan.
Ipakikita sana niya kay Jonathan kung gaano kasaya
ang mga bata sa tuwing may dumadalaw. "Makinig
ka anak, hindi ordinaryo ang tumira sa bahayampunan. Wala sigurong batang gaya mo ang
pipiliing tumira doon lalo na't nahihirapan kang
bumangon. Subukan mo lang. Masarap makisalamuha
sa gaya nila. Madalas silang nakangiti."
"Sasama po ako kung papasyal tayo sa mall sa
Sabado at bibili ng bagong sapatos para sa kaarawan
ko!" Tatlong araw mula ngayon ay anim taong gulang
na si Jonathan. Matagal na niyang hiling ang bagong
sapatos kaya nais niyang magkaroon nito bilang
regalo.
"Sige. Pero dapat may kwento ka pag-uwi mo dito."
Mabilis na kumilos si Jonathan upang ayusin ang sarili
habang naiwang nakangiti si Mia.
Habang nasa byahe hindi kinakitaan ng interes si
Jonathan sa pupuntahan. Sa isip niya, mas masaya pa
siguro kung mga hayop na lamang sa zoo ang
kanilang dadalawin. Batid niyang mas maswerte siya
kumpara sa mga bata sa ampunan at alam niyang
hindi biro ang lumaking walang magulang.

Maguguluhan lamang ang isip niya dahil pagkatapos


niyang dumalaw ay wala naman siyang
magagawang tulong sapagkat bata lamang din s'ya.
"Jonathan! Handa na ba ang ibibigay mong regalo sa
mga bata?" usisa ng kaklase niyang si Sam. "Laruan
sana ang dala ko pero sabi ni Mama damit na lang
daw para matagal pakikinabangan."
"Mga lumang libro ang dala ko. Mga ginamit nating
libro dati ang ipinadala sa akin ni Mama," sagot naman
ni Jonathan.
"Malapit na tayo! May inihanda daw programa ang
ampunan para sa atin! Sana magkaroon ako ng
bagong kaibigan!
Sinalubong ng isang kanta ang mga estudyante
pagbaba nila ng sinaksakyang bus. Isang programa
ang itinanghal ng mga bata sa ampunan at gayon din
naman ang mga estudyante. Nagkaroon din ng salosalo matapos ay ang bigayan ng mga donasyong
gamit, laruan, damit at libro.
Habang lahat ay nagsasaya, napansin ni Jonathan
mula sa bintana ang isang batang nakayakap sa puno
ng mangga. Hindi niya alam kung pinarurusahan ito
dahil may katagalan na ang pagkakayap nito sa puno
at hindi nakikiisa sa programa. Kumuha ng pagkain si
Jonathan at sinubukang lumapit sa bata. Malamang
gutom na ito.
"Bakit yakap-yakap mo ang puno ng mangga?'
tanong agad ni Jonathan. "Kumain ka na muna."
"Halika! Tulungan mo muna ako!" sigaw naman ng
bata. Hindi man lang nilingon o pinansin ng bata ang
dalang pagkain ni Jonathan.
"Ha? Anong gagawin ko?" pagtataka ni Jonathan.

"Tulungan mo akong yakapin ang puno!"


"Bakit?"
"Basta! Yakapin mo muna bago maubos ang dahon!"

"Titigil ba ang pagbagsak ng dahon kung yayakapin


natin ang puno?" Naituro na sa klase ang life cycle ng
puno at hindi man lamang nasabi ng guro na kasama
sa cycle ang pagyakap sa puno.
"Oo! Sabi ni Mang Ruben parang tao din daw ang
puno at halaman. Bagamat hindi sila marunong
magsalita nararamdaman at naiintindihan nila tayo."

Naintindihan ni Jonathan kung bakit may


pagkakataong kinakantahan at pinupuri ng Mama
niya ang mga alaga nitong katleya. "Sino si Mang
Ruben?"
"Siya ang hardinero dito. Mula noong nagkasakit siya
nawalan ng tagapag-alaga ang puno ng mangga."
"Kailangan pa bang alagaan ang ganitong kalaking
puno?"
"Para mas lumago. Dati may mas malaking puno pa
dito. Tanda ko pa na umuulan noon, isang malakas na
kidlat ang tumama sa puno! Nakakatakot! Iyak nga
ako ng iyak. Sabi ni Mang Ruben kung wala daw ang
malaking puno, ang ampunan ang tatamaan ng
kidlat. Sinalo naman ng punong ito ang nabuwal na
puno. Nanay nito ang tinamaan ng kidlat, nagawang
isakripisyo ang buhay niya para sa anak.
"Nakakatakot nga! Hihigpitan ko pa ang yakap para
tumigil ang pagpatak ng dahon."
"Umiiyak siguro ang puno kaya nanlalagas ang dahon.
Ganitong panahon kasi nawala ang nanay n'ya.
Nakakabilib. Kahit pala puno ay kayang gumawa ng
ganoong bagay."
"Buti na lang nandito ka para alagaan siya! Mahirap
pa naman ang mag-isa. Lalo kapag malakas ang
kulog at kidlat."
"Kaya kailangan natin siyang yakapin para
maramdaman niyang may nagmamahal sa kanya.
Maramdamang hindi siya nag-iisa. Gustong kong
ibigay ang pagmamahal na hindi na niya
maradamanan mula sa magulang. Tulad ko, may
mga dapat akong ipagpasalamat dahil inaruga ako
ng ampunan kahit hindi nila ako kamag-anak. Ang
ampunan na ang pamilya ko at ang punong ito
naman ang kaibigan ko! Utang ko sa kanila ang aking
buhay."
"Siguro nalulungkot siya dahil wala siyang kasamang
puno dito."
"Tatlong araw ko ng niyayakap ang punong ito kaya
hindi ako kasama sa programa. Ako nga pala si
Andoy."
"Ako naman si Jonathan. Hindi ka napapagod sa
ginagawa mo?"
"Pagod? Hindi nakakapagod ang magmahal.
Pagmamahal ang nagpapaikot ng mundo sabi ng
mga madreng dumadalaw dito. Kaya daw umiikot
ang mundo dahil mahal tayo ng Diyos.

May naramdaman si Jonathan sa sinabi ng batang


kausap. Naantig siya sa pagmamahal ng bata sa
puno. Naalala niya ang kanyang mga magulang. Kahit
may katigasan ang kanyang ulo ay hindi napapagod
magmamahal ang mga magulang niya.
Lingid sa kaalaman ng dalawang bata ay nakatanaw
ang pinuno ng ampunan at ang punong guro ng mga
eskwelang dumalaw sa kanilang dalawa. Nakamasid
sila sa kakatwang itsura ng dalawang batang
nakayakap sa puno ng mangga.
"Pagpasensyahan ninyo na po si Andoy kung
pinayakap niya sa puno ang isa sa inyong estudyante.
May kakulitan ang batang iyon pero mabait naman,"
wika ng pinuno ng ampunan.
"Bakit nga po ba niya yakap-yakap ang puno?" usisa
ng guro ni Jonathan.
"Dati may mas malaking puno pa diyan. Nagka-trauma
ang bata sa kidlat na tumama sa mas malaking puno.
Kung wala ang yakap ni Andoy na puno malamang
nabagsakan ang kwarto niya ng malalaking sanga.
Kaya malaki ang pasalamat niya sa punong iyan. Sa
tuwing babagsak ang mga dahon sa puno ng
mangga, natatakot siyang matuyot o mamatay ang
puno kaya palagi niya itong niyayakap."
"Nakakabilib ang batang 'yan!"
Bago umalis ay ibinigay ni Jonathan ang dalang libro
kay Andoy. Bukod sa pwedeng paglibangan ay maari
niyang basahan ng mga kwento ang puno tulad ng
ginagawa ng magulang ni Jonathan sa kanya.
Nakangiting dumating ng bahay si Jonathan. Halos
hindi maitago ng labi niya ang kanyang ngipin sa saya.

"Kamusta naman? Mukhang nag-enjoy ka ah."


Mahigpit na yakap ang salubong ng bata sa ina at
hinalikan pa sa pisngi. "Nakausap ko na ang Papa mo.
Sasamahan ka niya sa pagbili ng sapatos."
"Nagbago na po ang isip ko. Ayoko na po ng sapatos,"
sagot ni Jonathan.
"Ano? May iba ka ng gusto?" nalilitong wika ni Mia.

"Opo. Gusto ko pong mag-alaga ng mangga. At


kapag medyo malaki na ay dadalhin natin sa
ampunan."
Ikinuwento ni Jonathan ang batang nakita niyang
nakayakap sa puno ng mangga. Marami siyang

natutunan tulad ng pagpapahalaga at magmamahal


sa mga nakapaligid sa kanya.

tinulungan ang leon na


nakawala sa lambat.

"Mahal ko kayo ni Papa," pagtatapos ni Jonathan.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat


na sabi ng leon sa
kaibigang daga.

Abot langit ang pasasalamat ni Mia sa sinabi ng anak.


Matapos patuluyin sa kwarto ang bata ay masaya
niyang binalikan ang mga lumang litrato ng lugar na
kanyang pinanggalingan. Ang ampunan.
-wakasAng Pabula ng Ang Daga at ang Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng
isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at
pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon.
Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang
balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang
gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.
Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi
ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na
pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag
mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin
ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa
pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na
nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala
ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga
nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat
ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at
bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at

Mga aral ng pabula:


Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian
ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa
mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.
Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa
ng bagay na lubhang
makabuluhan. wakas......:)
Alamat ng Matsing
Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay
may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si
Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa
taglay na kagandahan.
Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay
napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit
at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang
sarili.
Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa
palasyo! ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita
ng pangit sa palasyo.
Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda
ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng
palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas
upang maging mga alipin at manggagawa.
Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw
sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa.
At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang
maraming maharlikang tao buhat sa ibaaat ibang
kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na
prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang
mapangasawa ng ng prinsesa.
Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela
ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay
tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa
sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at itoy si
Prinsipe Algori.
Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na
animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng
naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa
Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya
na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa
likuran nito.
Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.
Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit
mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang
pinanggalingan mo! ang bulyaw nito. Nabigla ang

lahat sa nasal ng prinsesa.


Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking
mapapangasawa, ang agad na idinugtong nito
sabay turo kay Prinsipe Algori.
Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at
humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga
nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa
harapan ang pangit na prinsipe.
Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw
kitang Makita! ang muling bulyaw ng prinsesa na tila
nandidiri.
Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi
ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang
ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng
iyong ugali, ang wika nito.
Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito
ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay
Prinsipe Algori.
Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na
prinsipe ay ang Diyos pala ng Kakisigan. Bumababa
ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang Diyos
na Kakisigan, at tuluyan nang lumisan.
Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna.
Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si
Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.
Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at
Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na
lamang ang gulat ng lahat.
Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama
sa aking kaharian, ang wika ni Prinsipe Algori.
Anong ibig mong sabihin? ang nagtatakang tanong
ng prinsesa.
Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay
naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang
buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat,
lalo pat bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A
mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong
katawan, at nagkaroon pa ng buntot.
Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala
na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori,
na siya palang Diyos ng mga hayop sagubat. At si
Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa
kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang
pagiging suplada at mapagmataas.
Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat
husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo,
dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na
pagkatao at pag-uugali.