Tungkol sa Katamaran ng mga

Pilipino
Isa nga daw ito sa mga pananaw mi Jose Rizal isang bantog na
bayani ng Pilipinas. Ginawa niya ito dahil gusto niyang ipakita ang isa sa
suliranin ng Pilipinas noon. Pero ano nga ba talaga ang nilalaman ng ginawa
niyang ito?
Tinawag itong “Damdaming Pambansa” dahil dulot ito ng pagiging
isang bayan. Ang halimbawa ng mga ito ay katulad nalang ng kaunti lang ang
Pilipinong tumututol sa mga hakbang na nakasasama sa bayan. Mahalaga daw
ito dahil ito daw ang magiging susi sa pag-unlad ng bansa.
Para sa akin ang Damdaming Pambansa ay maipapakita kung lahat
ay makikiisa, kung lahat ay magmamahalan sa kahit na anong bagay. Sa tingin
ko din madali lang itong makamit kung lahat ay bibigyang pansin. Sumasangayon din ako sa pananaw ni Rizal na mahalaga itong hubugin kahit pa ngayon
dahil ito ang magiging susi sa pag-unlad ng bansa, ito din ang magbibigay daan
upang magkasama-sama ang mga Pilipino, hindi na magbabalak na pumunta
pa ng ibang bansa ang mga kababayan natin dahil alam nila na maunlad na an
gating kalikasan o lugar. Ngunit madami pa rin ang hadlang sa pag-hubog nito,
isa na sa halimbawa nito ang pangungurakot ng mga Gobyerno, ang kahirapan
ng tao at hindi pagpapatupag ng tamang mga batas. Ngunit hindi dapat
nagpapadala ang mga Pilipino tungkol dito dahil magiging hadlang nanaman ito
sa ating pag-unlad. Para sa akin hindi masasabing tamad ang mga Pilipino
sadyang apektado lang sila ng mga pagbabagong naganap.