You are on page 1of 10

Pamaraang Pabuod (Inductive Method)- Ang pamaraang ito ay angkop na

angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng mga tuntunin


o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang pamaraang
ito, kung minsan ay tinatawag na Limang Pormal na Hakbang sa
Pagtuturo, o di kayay ang Herbartian Method sapagkat ipinakilala
ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert.
Pamaraang Pasaklaw (Deductive Method)- Ang pamaraang pasklaw ay
kabaliktaran ng pamaraang pabuod. Samantalang ang pamaraang
pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay
nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng
mga halimbawa.
Pamaraang Patalumpati (Lecture Method)- Pamaraan ng guro sa pagtuturo
upang maghikayat at makuha nang atenssyon ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng malinaw at paglalahad ng pangangatwiran.
Pamaraang Patalakay (Discussion Method)- Ang pamaraang patalakay ay
pamaraan ng guro upang talakayin ang mga paksang pag-aaralan. Isa
din iton pamaraan sa pagpapalitan ng mga ediya at masasabi na ito
ay isang mabisang pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto ng isatisa.
Ang Pamaraang Pabalak (Project Method)- Ang pamaraang ito ay angkop na
angkop gamitin sa pagtuturo ng Edukasyong Panggawain. Angkop din
namang gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may
nilayong magsagawa ng proyekto. (Belves,2001).

Pamaraang Pamahayag (Demonstration Method)- Ginagamit ang pamaraang


ito sa pamamagitan ng pamamahayag ng tinatalakay. Magiging
epektibo lamang ito kung ang pamamahayag ay may katumbas na
pagtalakay.
Pamaraang Pinag-isa (Integrated Method)- Integrasyon o pagsasanib ng mga
kasanayan/lawak

sa

Filipino

(skills

based

integration),

may

pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang


kasanayan sa isang aralin, kung sama-sama o sabayang nalilinang
ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
Ang

Araling

Pagpapahalaga

(Appreciation

Lesson)-

Ang

araling

pagpapahalaga ay pamaraang ginagamit kailanman kung ang layunin


ng guro ay mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng isang
tula, kwento,awitin,tugtugin o anumang likhang-sining gaya ng
pintura o likhang-eskultura (Belves, 2001)
Ang Pamaraang Patuklas (Discover Method)- Ang pamaraang patuklas ay
isang pamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan
ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang mga magaaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi na
basta na lamang tagatanggap ng kung anu-anong mga idinidikta
kanilang mga kaisipan at kaalaman (Belves,2001).

Pamaraang Pasulat (Reporting Method)- Ang pamaraang ito ay pamamaraan


ng guro upang linangin ng mag-aaral sa kanyang kasanayan sa
pagsulat.
Pamaraang Klasiko (Gramar Translation)- Mga mithiin sa Pamaraang Klasiko:
Mabasa ang literature ng target na wika at maisaulo ang mga
tuntuning barirala at talasalitaan ng target na wika. Mga katangian
ng Pamaraang Klasiko: Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika
at bihirang gamitin ang target na wika, Hiniwalay ng ginagawa ang
paglinang ng

mga

talasalitaan. Ang pagbabasa

ng mga

may

kahirapang teksto ay isinagawa nang hindi isinasaalang-alang ang


mga kahandaan ng mga mag-aaral at Kawastuhan sa pagsasalita ang
mahalaga. Inaasaha na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral
mula sa target na wika (Badayos,2008)
Outline Method- Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang
kakayahang

komunikatibo,

replektibo/mapanuring

pag-iisip

at

pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan


ng

mga

babasahin

at

pambansang kaalaman.

teknolohiya

tungo sa

pagkakaroon

ng

Small Group Discussion- Sa estratehiyang ito, Binigyan ng guro ng mga


gawain o katanungan ang bawat na itinalagang grupo sa klase upang
sagutan ang mga ito. Makikita dito ang pagtatanong, pakikinig,
pagtugon, pagpapaliwanag at pagbubuod ng bawat indibidwal sa
grupo.
Direct Instruction Technique- Ang estratehiyang Direct ni Gouin at nanalig
din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay
kailangang katulad din ng pag-aangkin ng unang wika. (Badayos,
2008)
Panel Discussion Technique - Ito ay isang estratehiya na kung saan
nagkakaroon ng talakayan ang isang grupo ng tao sa harapan ng mga
tagapanood at pagkatapos ay bubuo ang mga tagapanood ng mga
mahahalagang katanungan. Ang layunin ng pamaraaang ito ay hindi
lamang tagatalakay ang magkakaroon ng mataling pagkatuto kundi
pati narin ang mga tagapanood.
Story Telling Technique- Giliw na giliw ang mga bata sa pakikinig ng kwento.
Ito ay likas na katangian ng mga ata saan mang dako ng daigdig. Sa
kanila ang kwento ay may panghalina at pang-akit. Kayat madalas na

ginagamit

ito

bilang

pangganyak

sa

iba

pang

mga

gawain.

(Belves,2001).
Reading Technique- Nilalayon ng guro ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral
sa kuwento, ang pagpapahalaga nila sa kwento at ang kanilang
sariling paglalagay. Hindi dapat na maging palaging layunin sa
pagtuturo ng kuwento ang hanapin kung anong aral ang napapaloob
rito. (Belves,2001)
Symposium- Estratehiya upang bigyang impormasyon ang mga tagapakinig,
bigyang tugon ang bawat opinion at binigyang-oras at bigyang diin
ang magiging desisyon sa isalng particular na paksain. Ang guro dito
ang may control sa daloy ng talakayan.
Lecture Discussion Technique- Sa estratehiya ito hindi lamang ang guro.
Madadagdagan ang interes at magsisilbing paganyak sa mag-aaral
para magbigay interaksyon sa pagitan ng guro
Memorization- Sa estratehiya ito nadedebelop ang kakayahan ng mag-aaral sa
pag-alala ng mga pinag-aralan. Magiging aktibo rin ang tatlong lebel
ng memorya na; Sensory Memory, Short Term Memory at ang Long
Term Memory ng mga mag-aaral.

Paggamit ng teksbuk- Isang manwal sa pagtuturo para sa pag-aaral ng isang


paksa. Sa pamamaraang ito ang guro ay bumabase lamang sa
teksbuk kong siya ay nagtuturo. Gayunpaman ginagamit ng guro ang
teksbuk upang isang balidong mapagkukunan ng mga particular na
mga kaalaman para sa kanyang pagtuturo.
Pamaraang Paggawa (Activity Method)- Ang mag-aaral ay makakakuha ng
kaalaman

at

pagiintindi

sa

kanilang

partisipasyon

sa

isang

particular na gawain na ibinigay ng guro.


Cooperative or Group Learning Method o Pagkatuto na Tulong-Tulong- Sa
isang klasrum na kooperatib, hindi pagalingan o paligsahan kaugnay
ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral.
(Badayos 2008).
Series Method- Ay isang pamamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target
na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye
ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang
konsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.(Badayos 2008)
Audio Lingual Method (ALM)- Ang pangunahing katangian ng ALM (Halaw
kina Prator at Celce-Murcia, 1979): Inilalahad sa pamamagitan ng
dayalog ang mga

bagong aralin,

Pangunahing estratehiya

sa

pagkatuto ay ang panggagaya,pagsasaulo ng mga parrirala, at paulitulit na pagsasanay.(Badayos, 2008).


Community Language Learning (CLL)- Sa pamamagitan ito, ang pagkabahala
ay nababawasan dahil sa ang klase ay isang komunidad ng magaaral na laging nag-aalayan sa bawat sandal ng pagkaklase.
(Badayos, 2008).
Suggestopedia- Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov
(1979), isang sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may
kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung
nasa tamang kalagayan sa pagkatuto. (Badayos, 2008)
Silent Way- Ayon kay Gattegno, 1972 naghahawakan sa paniniwalang mabisa
ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang
pagkatuto (Badayos, 2008).
Total Physical Response (TPR) - Ito ay dinebelop ni John Asher (1977), ang
interes niya sa TPR ay nagsimula noong 1960 subalit naging
bukambibig lamang ang pamaraang ito pagkaraan ng humigit
kumulang isang dekada. Ang pamaraang itoy humango sa ilang
kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsabi na ang pagkatuto ay

epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinagaralan.(Badayos, 2008)


Computer-Based-Training Method- Gamit ang kompyuter bilang kagamitang
pampagtuturo. Ang isang makabagong guro ay gumagamit na
kompyuter para maabot ang layunin sa ituturo.
Mind Map- Ang estratehiyang ito ay nakakatulong sa komprehensyon, pagoorganisa ng mga konsepto.
Recitation Technique- Sa estratehiyang ito sinasabing ito ay isang tugunang
pagtatanong at pagsasagot sa pagitan ng guro at estudyante. Ang
guro ang magbibigay ng katanungan na may kaugnay sa paksangaralin at ang estudyante naman ang sasagot.
Interview Technique- Sa estratehiyang ito ang guro ay gagamit ng paraang
pagtataong nang katanungan may kaugnayan ito sa totoong buhay
upang matulungan ang estudyanteng madaling maintindihan at
magagamit niya ang natutunan hindi lamang sa loob ng silid-aralan
gayundin sa kanyang komunidad.
Student Directed- Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa
pag-aaral; nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. (hal.

Pangkalahatang gawain o pagsasanay) nakadaragdag sa pagtitiwala


sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;at kurikulum na may
kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda ang mga kayunin.
Brainstorming-

Layunin

nito

na

matulungan

ang

mga

mag-aaral

na

makagagawa ng orihinal na solusyon sa mga suliranin.


Pagsasatao (Role-Playing)- Ang pamamaraang ito ay inaakalang pinakakawiliwiling lunsaran ng aralin sapagkat ito ay sitwasyong pinakamalapit sa
kalagayan ng tunay na buhay. (Belves, 2001).
Debate- Ang pamaraang debate ay isang isyung maaring pagtalunan at
bigyang kaukulang kasagutan ng mga napapaloob sa isang klase.
Fieldtrip Technique- Ang pamaraang ito ay ang pagpunta sa isang lugar na
labas sa paaralan. Ang layunin ito ay makapagbigay oportunidad sa
mga estudyante na makapunta at makaranas nang bago pa sa kanila
na makatutulong sa karagdagang kaalaman.
Ugnayang Tanong Sagot (UTS)- Binuo ito ni Raphael 1986, upang mapataas
ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga

tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong


pagsusuri ng tanong. (Badayos 2008).
Request (Reciprocal Questioning o Tugunang Pagtatanong) Layunin ng
estratehiyang Requestna linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa
ng mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng
layunin

sa

pagbasa,

at

pag-uugnay

ng

mga

impormasyon.

(Badayos,2008)
GMA (Group Mapping Activity)- Ayon kay Jane Davidson 1892, ay isang
estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pinagunawa o
komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga
ideya at konseptong nakapaloob sa kwento. (Badayos 2008).