You are on page 1of 13

VOL. 14 NO.

139 MONDAY, JUNE 15, 2015

The best things in life are Libre

11
8

Crazy
Jhenny,
Kapalaran,
atbp.

Lord,
salamat po sa buhay at
pagpapala na patuloy
Nyo pong ibinubuhos
sa amin. Sana poy bumuhos ng higit ang lahat ng pagpapala at
paglalaan sa lahat ng
mga taong nasalanta ng
lindol sa Nepal lalong
higit ang mga batang
naulila upang sila poy
makaahon sa sakunang
kanilang dinanas. Amen
(Jessica Pag-Iwayan)

SAGWAN PA, SIGE, SAGWAN PA


TODO-TODO ang ensayo ng mga kasapi ng Alab Sagwan dragon boat team sa Manila Bay bilang paghahanda nila sa Philippine
National Game na gaganapin sa darating na Agosto.
JOQN BONDOC

Tulong ng mga guro hinihingi


sa laban kontra paninigarilyo
Basahin sa page 2

Wild
World

6
Tiwala
ang
Warriors:
didikdikin
Cavaliers

10

NEWS

2
facebook.
com/inquirerlibre

MONDAY, JUNE 15, 2015

Tulong ng mga guro hinihingi


sa laban kontra paninigarilyo
Ni Jocelyn R. Uy

HINIMOK ng Department of Health


ang mga guro na ipabatid sa mga magaaral nila ang mga panganib ng paninigarilyo ngayong nagbukas na ang mga
klase ngayong buwan ng Hunyo na National No-Smoking Month.
Teachers should
be role models for
their students and
they should remind
the youth of the hazards of smoking, ani
Health Secretary
Janette Garin, tinukoy
FOR HIRING
GENERIKA DRUG STORE

- Pharmacist
- Assistant Pharmacist
Branches: Pureza Sta. Mesa
Manila / Masinag Antipolo
Rodriguez, Rizal
Call us: 209-3579 /
0922-8232350
Email: cleomedics@
gmail.com

ang lumalalang bisyo


lalo na sa kabataan.
Tinukoy ni Garin
ang 2014 first quarter
report ng Social
Weather Stations
kung saan lumabas na
siyam sa 10 o nasa 90

porsyento ng mga
naninigarilyo ang
nagsisindi araw-araw,
humihithit ng 10 stick
kada araw.
Tinukoy din niya
ang 2009 Philippine
Global Adult Tobacco
Survey na nag-ulat na
28.3 porsyento o nasa
17.3 milyon ng populasyong nasa gulang
na 15 taon pataas ang
nalulong na sa bisyo.
Inutusan din ni
Garin ang mga paaralan, partikular ang

mga pamantasan at
dalubhasaan, na
mahigpit na magpatupad ng 100-percent
smoke-free environment.
Ipinagbabawal sa
Republic Act No. 9211,
o Tobacco Regulation
Act of 2003, ang pagbebenta ng produktong tabako sa loob ng
layong 100 metro mula sa paaralan at iba
pang mga lugar na
malimit puntahan ng
mga kabataan.

Alok ng Kentex, tig-P136K kada biktima


S A PAT b a a n g P 1 3 6 , 0 0 0 n a
bayad-pinsala para sa pagkawala
ng isang mahal sa buhay?
Ito ang halagang inalok ng
Kentex Manufacturing Inc. sa mga
kamag-anak ng mga manggagawa
nilang namatay sa malaking
sunog na naganap sa pabrika nila
noong Mayo 13, sinabi ng abogado ng ilang biktima.
Agad ding tinanggihan ng 19
pamilya ang alok na hinain sa
conciliation meeting na ginanap
noong nakaraang linggo, sinabi ni
Remigio Saladero na abogado ng
99 na complainant sa kasong isinampa sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban
sa Kentex.

The lawyer of the Kentex


management told us that there
was no order yet from the labor
department holding them liable
for violations so they would speak
only with those who lost family
members [for] humanitarian reasons, sinabi ni Saladero.
Ayon din sa kay Saladero, nilinaw ng abogado ng Kentex na
ang mga pamilyang tatanggap ng
pag-aayos ay papipirmahin ng
mga release waivers and quitclaims. Sa dokumentong quitclaim, ipahihiwatig ng mga
tatanggap na hindi na nila hahabulin ang Kentex sa anumang kasong isasampa sa Kentex.
Jaymee T. Gamil

Palasyo: Kulang paghahanda sa MERS


I N A M I N n g M a l acaang kahapon na
hindi pa ganap na
handa ang bansa na
tugunan ang mga kaso ng nakamamatay
na Middle East respiratory syndrome, o
MERS, na pumatay na
sa 15 sa 145 kumpirmadong kaso sa South
Korea, ang pinakamataas na outbreak
ng virus sa labas ng
Saudi Arabia.
Ngunit sinabi ng
Palasyo na may necessary awareness and capability ang mga lokal
na opisyal pangkalusugan upang harapin
ang mga emergency

na kaugnay ng MERS.
Giniit ni Presidential
Communications Secretary Herminio Coloma
Jr. na kailangan ng
team effort ng pamahalaan at mga pribadong pasilidad pangkalusugan upang matugunan ang bagong banta sa kalusugan.
Sa panayam ng
Radyo ng Bayan ng
pamahalaan, hinimok
niya ang mga pagamutan na tuwirang
makipag-ugnayan sa
Department of Health
(DOH) kung may
matanggap silang
pasyente ng MERS.
Nakiusap si Colo-

ma sa publiko na follow preventive measures and infection


control protocols, as
well as local health
regulations in their respective areas. Kabilang dito ang wasto at
madalas na paghuhugas ng kamay, pagkakaroon ng sapat na tulog at pagkain ng masusustansyang pagkain. Mahalaga ang
pagkamulat at maagang pagkakabatid.
Natuklasan ang
unang pasyente ng
MERS sa South Korea
noong Mayo 20. Galing siya sa biyahe sa
Saudi Arabia. JEE

Dapat bantayan
kinakain ng
mga kabataan
IPINANUKALA ng Nutritionists-Dietitians Association of the Philippines (NDAP) ang pagtatalaga ng mga nutritionist o dietitian sa
mga kampus upang
bantayan ang mga
pagkain at inuming hinahain ng mga kantinang pampaaaralan at
makapagmungkahi ng
mas malulusog na mapagpipilian.
There should be
an organized monitoring of food served in
school canteens to
make sure the dietary
requirements of students are met, ani
NDAP president Dr.
Adela Jamorabo-Ruiz
sa isang health forum.
Nanawagan naman
ang Department of
Health (DOH) sa mga
yunit ng lokal na pamahalaan na bantayan
ang mga nagtitinda sa
labas ng mga paaralan
upang makaiwas ang
mga mag-aaral sa mga
kontaminadong pagkain. JR Uy

Trapik sa Makati
lalo pa daw lalala
ASAHAN na ang paninikip ng daloy ng trapiko sa Makati City sa
pagsisimula ng pagpapagawa sa proyektong
880-lineal-meter-long
na Senator Gil Puyat
Avenue/Makati Avenue-Paseo de Roxas,
ngayon araw umano,
ayon sa isang source
sa Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni Public
Works Secretary Rogelio Singson na nakikipag-ugnayan sila sa
Metropolitan Manila
Development Authority at sa mga opisyal
ng Makati City para sa
pangangasiwa sa
daloy ng trapiko sa lugar ng proyektong
nagkakahalagang
P1.27 bilyon.
Tina G. Santos

FEATURES

Ang negosyo
kailangang
may 3k
Ni Trisha Andrada, trainee

PINAGDIRIWANG ng Foundation for Sustainable


Society, Inc. (FSSI) ang kanilang ika-20 anibersaryo na may temang Celebrating 20 Years of
Just, Sustainable and Empowered Communities.

Hunyo 2 nang magsagawa


sila ng media launch upang ibahagi ang kanilang pagdiriwang at
ipaliwanag ang kanilang papel sa
mundo ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng isang malikhaing
pagsasadula sa entablado ng
Philippine Educational Theater
Association (PETA) Theater.
Dito, naipakita ng mga artista
kung ano ang ginagawa ng social enterprise para sa mga taong
makikinabang sa mga proyekto
nila at partikular na sa kung
paano nakakatulong ang FSSI.

Ang FSSI ay isang organisayon


na nagsimula noong taong 1995
upang tumulong sa mga Pilipino
na nasa mahihirap na pamayanan upang kumita at
kasabay nito ang pag-aalaga sa
kalikasan. Sinusuportahan nila
ang pagpapaunlad at pananatili
ng maayos na pamayanan sa pamamagitan ng tinatawag na social entrepreneurship.
Ang social entrepreneurship
ay pagnenegosyo na nais lutasin
ang mga suliraning panlipunan
ng ilang lugar sa bansa at nang

umunlad ang mga ito.


Ipinagkakaloob nila ang pagtulong sa pinansyal na aspeto at
pandagdag kaalaman para sa
trabaho ng mga mangagawa.
Simula pa noon ay nakapag-assist na ang grupo ng halos 200
na social enterprises.
Sa pagpapatuloy ng dula, nabanggit ang tinatawag nilang
3Ks na tila dapat isaalang-alang
sa pagnenegosyokita, kapwa
at kalikasan. Nangangahulugan
ito na bukod sa pagkakaroon ng
kita, ay nais din nilang makatulong sa kapwa at maalagaan
ang kalikasan kung saan halos
nanggagaling ang mga produktong binebenta nila.
Sa Pilipinas ay may iilan na
rin na nabuong social enterprises at mga organisasyon para
mga ganitong gawain. Ang FSSI
ay aktibo sa pagtulong sa mga
probinsya ng Sorsogon,
Palawan, Samar, Southern Leyte,
Davao del Sur at South Cotabato kasama din ng iba pang social
enterprises, advocates, social investors at mga organisasyon.
Kasabay ng pagdiriwang nila
ng anibersaryo, may inihandang
mga aktibidad ang FSSI na magaganap sa ibat ibang parte ng
bansa tulad ng trade fair, photo
exhibit, at forum. Hunyo 17-18
ay nasa Davao City ang grupo,
Hunyo 29-Hulyo 5 naman sa Iloilo at Agusto 8-11 sa Quezon City.

Positivenergy palaganapin
Ni Trisha Andrada, trainee
HANDA ka bang magpalaganap
ng positivenergy?
Ito ang layon ng Energizer
Night Race Manila 2015 na magaganap sa darating na Hunyo.
Dagdag pa dito ang donasyon na
nais nilang ipamahagi sa Bantay
Bata 163 para makatulong sa
beneficiaries nito.
Isasagawa ang kauna-unahang open run ng Energizer
Night Race sa Filinvest City, Alabang sa Hunyo 27, Sabado ng
gabi.
Hindi ito simpleng fun run na
alam ng marami. Ayon kay Abigail Katigbak ng ABS-CBN, We
wanted to offer something new,
exciting and fresh to all participants as well as our viewers.
Dahil dito ay nabuo ang konsepto ng kakaibang challenge para
sa fun run.
Sa pagpatak nang alas-7 ng
gabi, bibigyan ang kalahok ng
hamong tumakbo nang halos
tatlong-kilometrong paikot, o
hanggang sa kung saan ang
kaya nila, sa loob ng 120 minuto
o dalawang oras.
Bawat tatlong kilometro na
matatakbo ng bawat runner ay
katumbas ang halagang P100 na
awtomatikong ido-donate sa

Tatlong naghahati-hati
DEAR Emily,
Gulong-gulo ang isip ko dahil
tatlo ang boyfriend ko ngayon.
Ang una sa kanila ay nasa high
school pa lang. Ang ikalawa ay
classmate ko sa college at pareho
kaming first year. Noong isang
buwan, bumalik ang dati kong
boyfriend na limang taon kong
hindi nakita. Nagmamakaawa
siyang tanggapin ko siyang muli.
Siya ang pangatlo ko.
Ang pinakamahal ko sa kanila ay ang pangatlo dahil siguro
siya ang pinakamatagal kong
naging boyfriend. Kailan lang,
pumayag akong mag-sex kami
dahil sinabi niyang talagang
mahal na mahal niya ako.
Pero pagkahatid niya sa
akin sa bahay, ti-next ko siya
para itanong kung kami na uli
ang mag-boyfriend. Nabigla
ako nang sabihin niyang hindi
raw. Parang bumagsak ang
buong mundo ko. Isang buwan
ko na siyang hindi nakikita at
ni hindi rin siya nagte-text o
tumatawag man lang.

EMILYS
CORNER
Emily
A. Marcelo
emarcelo@inquirer.com.ph

Hindi ko ito sinabi sa pangalawa. Gusto ko na rin itong


iwanan pero sinasabi niyang
mahal na mahal daw niya ako
at hindi siya papayag na iwan
ko siya. Pag iniwan ko daw
siya at nalaman niya ang nangyari sa amin ng pangatlo, tiyak
na ipamamalita niya ito para
sirain ang aking pangalan,
gaya ng pagsira niya sa dati
niyang girlfriend.
Ngayon, yong una ay
kasama rin sa problema ko
dahil mahal ko rin siya. Masaya
kami pag kami ay magkasama,
pero wala siya palaging panahon para sa akin. Hindi ko rin
alam kung panakip-butas lang

niya ako dahil kaka break lang


nila ng girlfriend niya.
Lahat sila ay mahal ko at
ayokong iwanan.
Tina
ANO ba ang akala mo sa sarili
mo, Wonder Woman? Wala
akong makitang mahusay sa tatlong boyfriend mo! Yong pangatlo, matapos kang bolahin at
makuha ang gusto niya ay hindi
mo na mahagilap. Paano mo siya
pinayagang bolahin kang mahal
ka niya, ganoong sex lang naman ang gusto niya? Halata ba?
Ikaw na mismo ang nagsabing
nawala na lang siya dahil ni text
mo ay ayaw sagutin.
Yong pangalawa naman ay
sisirain ang pangalan mo kung
hihiwalayan mo siya. Gawain
ba ng matinong tao yan? At
yong una naman ay mukhang
panakip-butas ka lang talaga.
Ang kailangan niyan ay epoxy
glue at hindi ikaw.
Nagsisimula ka pa lang ng college ay parang paligaw na ang

MONDAY, JUNE 15, 2015

landas mo. Wala ka bang ambisyon sa buhay? Napakarami mo


pang makikilalang mahuhusay at
matitinong boyfriend kaysa sa
mga nahihiligan mo ngayon.
Huwag mong sayangin ang panahon mo at huwag kang magmadali. Napakahaba pa ng panahon para sirain mo ang buhay
mo ng kay aga-aga.
Magtapos ka muna ng kurso
mo para merong kang sasandalan mag-isa ka man.
Mukhang sobra ang free time
mo dahil imbes na subsob ka sa
pag-aaral, mga lalaking walang
kwenta at walang maibibigay sa
iyong magandang kinabukasan
ng ang nasa isip mo. Maghintay
ka ng mag-ipagmamalaki mo at
magmamahal sa iyo ng tunay.
Tatlo sinco ng mga walang
kuwentang lalaki sa mundo
ngayon. Hindi mo pa ba nahalata yon sa mga nakilala mo?
Magpadala ng e-mail sa
emarcelo@inquirer.com.ph o
emarcelo629@gmail.com

Bantay Bata upang makatulong


sa kanilang operasyon at
makadagdag sa funds nito.
And embracing the message
of keep on going, we wanted to
give that message to our runners
because this time its going to be
different, ani Katigbak. They
actually get to participate and
contribute every step that they
make and that is an actual contribution, pinaliwanag pa niya.
Bukod sa pagtulong sa
batang beneficiaries, ipinahayag
rin ng Energizer senior brand
manager na si Claire Guevarra
na nais nilang makita ang isang
buong pamilya na sasali sa fun
run. Of course, Energizer encourages family bonding so we
encourage families to join this
event.
Target ng fun run na makapag-donate dito ng aabot ng
isang milyon kayat inaasahang
tatlong libo ang makikilahok
para maipon ang target na pera
sa gabing iyon.
Kasama rin ng Energizer ang
Pep Squad at Runningmate na
may kanya-kanyang trabaho sa
magaganap na event para maging matagumpay ito.
Maaaring magpatala ang mga
nais makilahok sa fun run sa
website na energizer.com.ph
samantalang may onsite registration din sa Reebok Trinoma,
Reebok Megamall, Royal Sporting House Glorietta, RUNNR
BGC at Reebok Filinvest.

MAY panalangin ka bang gusto


mong mabasa ng ibang tao?
Mayroon ka bang dasal na sa
tingin moy makatutulong sa
kapwa mo? Ipadala ito sa Inquirer Libre, at kung itoy
angkop sa mga pamantayan
namin, ilalathala ito.
Maaring nasa Filipino, Ingles
o Taglish ang mga panalangin.
Hindi dapat hihigit sa 350 characters with spaces ang haba ng
panalangin. Ipadala ito sa libre_pdi@inquirer.com.ph o
m a g - l o g o n s a w w w . l ibre.com.ph.

SHOWBUZZ

MONDAY, JUNE 15, 2015

ROMEL M. LALATA, Editor

Wild World

BRYCE Dallace
Howard (right) and
Chris Pratt in
Jurassic World

Review by Vives Anunciacion


Jurassic World
Directed by Colin Trevorrow
Based on characters created by Michael Crichton

UOTING a line from the original, Hold on to


your butts. Twenty-two years after the first
movie, the Park is finally open for businessand the kid in me is generally pleased.
Jurassic World is a fun popcorn-adventure thats half as
thrilling, half as imaginative,
and half as emotionally engaging as Steven Spielbergs originalbut considering how
groundbreaking Jurassic Park
was in 1993, half aint so bad.
When the movie begins, the
dinosaur theme park Jurassic
World has been operational for
a several years already, and visitor attendance is the decline. In
order to attract more visitors
and under instructions from
corporate sponsors, the parks
scientists have developed bigger, meaner and more menacing
dinosaurs. However, as with all
Jurassic movies, Murphys Law
happens.
Accidentally set loose from
its containment cage, the hybrid

Indominus Rex heads straight


for the main park where the visitors are, literally killing every
animal that it comes across
with. The only option remaining
(after Plan A, the asset containment unit and Plan B, the helicopter guns, both dont work) is
for park management to let InGen operatives take over the
mission of killing the monster
using their military-trained velociraptors.
Of course, because its a
Jurassic movie, Plan C also
doesnt work.
Bryce Dallace Howard plays
the stone-hearted park manager
Claire Dearing; Chris Pratt is
the bad-ass velociraptor wrangler/trainor Owen Grady who
gets to save the Park; Ty Simpkins and Nick Robinson play

young brothers Gray and Zach,


who get into trouble because
Jurassic movies always have
kids in life-threatening situations; Vincent DOnofrio plays
the sneaky InGen operative who
gets on everyones nerves, even
the trained raptors; and B.D.
Wong, the only actor from the
original Jurassic Park who appears in JWorld returns as chief
geneticist, Dr. Henry Wu. Bolly-

wood superstar Irrfan Khan


plays businessman Simon Masrani who finances the theme
park, taking over from John
Hammond (Sir Richard Attenborough, who died before filming began.)
The characters are undeveloped caricatures, the acting is
cheesy. According to the director, multiple product placement
is intended to satirize the com-

mercialization of the parkbut


hey, sponsorship is sponsorship,
social commentary or not. The
movies central commentary on
giving what the audience wants
bigger, badder, more teethis
exactly why there is an invented
dinosaur in the movie in the
first place.
But what Jurassic World succeeds on, including the actionpacked mayhem caused by Indominus Rex especially towards
the end, is to pay respect to the
original. Theres even a line in
the film that says, The first
part was legit. Jurassic World
gets its template from that 1993
film when something man-made
takes over what humans
thought they could control, except that everything bad that
was bound to happen happens.
Gray and Zachs arrival on Isla
Nublar, their quiet scape into
the dilapidated original visitors
area, and good-ol T-Rex saving
the day - those are all moments
that would remind audiences
how the original made magic.
I should know, I saw Jurassic
Park in the cinemas 27 times.

Follow INQUIRER
LIBRE on Twitter
@inquirer_libre
DINOSAURS caged inside the Jurassic World park

TY Simpkins (right) and Nick Robinson in Jurassic


World

CHRIS Pratt in Jurassic World

ENJOY

Kapalaran
CAPRICORN

AQUARIUS

CRAZY JHENNY

YYYY

PPP

Umaasa siyang iiwan


mo lahat para sa kanya

Kahit cheap regalo


mo basta unique

Di ka na makatutulog
sa opisina gaya ng dati

YYY

PP

Ang mahalaga,
pinasaya ka niya

Pumunta ka na sa
party para makikain

Madadamay ka sa
away ng iba, tumakbo

YYY

PPP

PISCES

Sagutin mo na pero
makipag-break agad

Ubos na asukal, pati


kape konti na lang

Ang nang-aapak,
maaapakan rin

PP

ARIES

Mas mahirap mahalin


ang pusa kesa aso

YYYY
YY

Mahirap maghigpit ng May allergy ka, aircon


sinturon ang mataba ng opisina ang dahilan

TAURUS

Mas maigi nang


Pangit siya kahit
Huwag titingin sa langit
anong oras mo tingnan mahaba kesa maiksi
habang tumatawid

GEMINI

Mahirap ang umasa


Iiwanan ka niya
lang,
dapat magtrabaho
oras na magutom siya

YY

YY
CANCER

Makuntento na sa date, Kulang allowance sa


dami ng bisyo mo
kahit wala munang love

LEO

Basta pagkain, huwag


Ayaw na niya pero
mong titipirin
nagsisimula ka pa lang

YY
YY
VIRGO

Mag-ingat sa mga
taong seksi

Y
LIBRA

SCORPIO

PPP
Hindi bagay shoes
mo sa outfit mo

PPP
Magsalita ng maayos
para maintindihan

PP
Wow bubblegum!
Didikit sa pwet mo

PPP

Huwag madaliin ang Gusto mong mag-enjoy


pagbilang ng pera pero dami mong maiisip

PPPP

Masakit man, hindi mo Ikaw ang mag-canvas Trip nila shoes mo kaya
ng mga materyales iha-hire ka on the spot
naman ikamamatay

YYYYY

PPPP

Masarap pa sa
halu-halo ang mainlab

Tumulong nang
walang panlalait

Huwag mahiyang
sumama sa group hug

YY

Di na nga cute braces Matuwa ka na sa mga


maliliit na bagay
SAGITTARIUS mo, bad breath ka pa
Love:

Money:

PPPP
Di ka puwedeng
salbahe, mabait ka e
Career:

O
ANO ang mas nakakatakot ngayong Pebrero 2015?
Friday the 13th?
Single the 14th?
No salary the 15th?

UNGGUTERO

MONDAY, JUNE 15, 2015

ALBERT RODRIGUEZ

B.C.U.

10

SPORTS

MONDAY, JUNE 15, 2015

DENNIS U. EROA, Editor

Tiwala ang Warriors:


didikdikin Cavaliers
O

AKLAND, Calif.Dalawang panalo


ang kailangan ng Golden State Warriors upang tapusin ang 40-taon tagtuyot ng prankisa sa titulo.

SUBOK LANG
SINUSUBUKAN ni Jason Deutchman ng KIA Carnival si Jarrid Famous
ng Globalport Batang Pier kagabi sa PBA Governors Cup sa Smart
Araneta Coliseum. Nanaig ang Batang Pier, 102-94.
AUGUST DELA CRUZ

Globalport wins; Ginebra in trouble


By Musong R. Castillo
JARRID Famous scored 30
points and pulled down 37 rebounds yesterday and led Globalport to a 102-94 victory over
KIA Motors in the PBA Governors Cup playoffs at the Smart
Araneta Coliseum last night.
Terrence Romeo backed him
up with 27 points and had crucial baskets in the stretch as the
Batang Pier survived an errorprone performance to win for a
second straight game and rise
to 6-4 on a night Meralco put
Barangay Ginebras impressive
playoff streak in peril.
Andre Emmet sizzled as the
Bolts edged the Gin Kings, 102-99.
Famous 37 rebounds proved
to be the highest by anyone in
30 years since Michael Hackett,
the baby-faced assassin who

helped Ginebra San Miguel to


two championships, pulled
down 45 in the 1985 Third
Conference.
THE SCORES
First Game
GLOBALPORT 102Famous 30,
Romeo 27, Pringle 10, Buenafe 9,
Kramer 9, Krayem 7, Semerad 5,
Mamaril 3, Miranda 2, Hayes 0, Isip
0, Jensen 0
KIA 94NDiaye 29, Dehesa 20,
Webb 15, Chang 11, Bagtasing 8,
Revilla 6, Buensuceso 3, Deutchman
1, Nuyles 1, Thiele 0, Ighalo 0, Alvarez 0, Avenido 0
Quarters: 27-29, 50-47, 76-71, 102-94
Second Game
MERALCO 102Emmett 34,
Dillinger 12, Ando 12, Hugnatan 12,
David 10, Hodge 7, Cortez 6,
Nabong 4, Ildefonso 3, Anthony 2,
Caram 0.
GINEBRA 99Johnson 25, Slaughter 21, Aguilar 18, Mercado 13, Kim
12, Tenorio 10, Urbiztondo 0, Pena
0, Marcelo 0, Brondial 0.
Quarters: 23-28, 50-48, 75-80, 102-99

Naniniwala ang Warriors


natagpuan na nila ang sagot upang ibaon ang Cleveland Cavaliers sa NBA Finals.
Huling nag-kampeon ang
Warriors noong 1974-75 season.
You cant necessarily say
youve gotten over the hurdle
until you win the series, but I
think weve adjusted to it and
were ready for it now, sabi
ni Warriors forward
Draymond Green.
Were ready to take
that jump.
Tuwing nadidiskaril ay malakas
ang resbak ng Warriors. Natalo
ang Golden State sa Games 2 at 3
ng serye. Ito ang ika-anim beses
ngayong season na natalo ng
dalawang sunod ang Warriors
ngunit ang mga sumunod dito ay
16, walo, tatlo, siyam at anim na
sunod-sunod panalo.
Kinuha ng Memphis ang 2-1
agwat bago rumatsada ang
Golden State sa playoffs.
They get a little angry when
they lose a couple in a row and
theyve responded all season
long, wika ni Warriors coach
Steve Kerr. Hopefully we can get

on a nice little run here, too.


Pinapagod ng Warriors ang
mga kalaban. Malaking bagay ang
paglalaro ng Warriors ng maliit
sa 103-82 panalo nila sa Game 4.
Tiyak pabibilisin ng Warriors
ang laro sa Game 5. Pauupuin si
seven-footer Andrew Bogut at
gagamitin si Andre Igoudala.
Ngunit ayaw sabihin ni Kerr
ang kanyang susunod na plano.
Dahil sa mga pagbabago ay
nahirapan sa Warriors sa playoffs si James Harden ng Houston, Tony Allen ng Memphis at
Anthony Davis ng New Orleans.

Naniniwala ang Warriors na


malalim at mahusay ang kanilang koponan.
Every series is like a puzzle.
You just try to figure it out, ani
forward Harrison Barnes.
We usually get to that third
game, for some reason, it lights
a fire under us and we get pretty good stuff coming out, Ban
Bogut said. Im not sure what
it is, but weve got a resilient
group that wants to win.
Balik sa kanilang tahanan ang
Golden State na may markang
47-4 kabilang ang walong panalo
sa 10 laro sa playoffs. AP

Red Lions kampeon


GINUPO ng San Beda Red Lions ang De La Salle Green Archers, 79-53, upang pagharian ang Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa San Juan
Arena. Nanguna si Ryusei Koga sa atake ng numero unong koponan ng
NCAA matapos umiskor ng 18 puntos. Kumawala ang Lions sa third quarter
matapos ibuhos ang 27-11 atake. We just made plays and we made them
miss a lot of shots, sabi ni San Beda coach Jamike Jarin. We concentrated
on [guards] Thomas Torres and Andrei Caracut, because if you look at their
last two to three games, they were shooting the lights out. Dinagdag ni
Pierre Tankoua ang 12 puntos para sa San Beda. Bumandera si Jeron Teng
sa Archers na may 21 puntos samantalang may 10 puntos si Caracut. Mga
Iskor SAN BEDA 79Koga 18, Tankoua 12, Adeogun 11, Dela Cruz 10,
Tongco 8, Sara 6, Mendoza 6, Sorela 6, Mocon 2, Reyes 0, Soberano 0,
Sedillo 0, Presbitero 0, Carlos 0, Abude 0, Abuda 0. DE LA SALLE 53Teng
21, Caracut 10, Torres 8, Perkins 6, Tratter 6, Sargent 2, Go 0, Torralba 0,
Muyang 0, Gob 0, Pascual 0. Quarters: 8-13, 32-26, 59-37, 79-53

SEAG
MATATAPOS na ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore
at nakabitin kung malalampasan ng team Philippines ang
7th overall finish sa Myanmar
Games noong 2013.
Ang masasabing bright note
na performance among National
Sports Associations (NSAs) ay
ang athletics at ang boxing.
Nabasa na rin siguro ninyo
sa mga peryodiko ang exploits
ng ating 10 boksingero sa Singapore Games na nanalo ng 5
golds,3 silvers , 2 bronzes para
sa total na 10 medalya.
Pero nakapagtatakang wala
ang president ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na si Ricky Vargas

IN
HUDDLE
Beth Celis
celishuddle@yahoo.com
upang samahan ang kanyang
mga boxers sa oras ng kanilang
tagumpay.
Sa pagtatanong ng In Huddle
nasa Amerika pala si Vargas
kasama si Abap Chairman Manny V. Pangilinan at marahil ay
napaka-importante ng kanilang
pinuntahan doon para hindi
niya masamahan ang kanyang
mga boxer.

Sa 5 golds na nasungkit ng
boxers na dethrone ng mga Pinoy
boxers ang perennial overall boxing SEAG champ Thailand.
Ang mga nag-deliver na boxer ng gold medals ay sina Josie
Cabuco, Ian Clark Bautista,
Mario Fernandez, Jumir Cantancio at Eumir Marcial.
Ayon kay Abap Secretarygeneral Pato Gregorio, laking
tuwa nina Pangilinan at Vargas
ng mabalitaan ang tagumpay ng
kanilang mga boxers.
Pangarap nina Pangilinan at
Vargas na sa kanilang termino
sa ABAP makamit ng Pilipinas
ang nakapakatagal ng kinauuhawang medalyang ginto ng
Pilipinas sa Olimpiada.

SPORTS

MONDAY, JUNE 15, 2015

11

top model

GOLD MEDALISTS
NAG-UUSAP sina Treat Huey at Denise Dy ng Pilipinas sa mixed doubles final ng SEA Games sa Kallang
Tennis Centre ng Singapore Sports Hub. Binulsa ng PH ang ginto matapos talunin sina
Thais Sonchat Ratiwatana at Peangtarn Plipuech, 7-6 (8-6), 6-4.
RAFFY LERMA

Kampanya ng PH
sa SEAG nabuhay
Ni Marc Anthony Reyes

INGAPORESinipa nina Samuel Morrison at


Pauline Lopez ang mga ginto sa taekwondo
matapos magsipagwagi sina netters Treat

Huey and Denise Dy at


mens keelboat team upang sikatan ng araw ang
kampanya ng Pilipinas
Linggo sa 28th Southeast Asian Games dito.
Dinurog ni Morrison si VietnamesePhan Trung Duc, 1912, sa mens 68 kgs final sa
taekwondo samantalang tinalo
ni Lopez, 19 Phan Thi Thu
Hien, 20-12, sa womens 57
kgs final sa Singapore Expo
Hall 2.
Pinabagsak nina Huey at
Dy sina Thais Sonchat Ratiwatana at Peangtarn Plipuech
sa mixed doubles, 7-6 (8-6),
6-4, upang muling makuha
ang korona na napanalunan
nila noong 2011.
It was great coming out
here to win the gold medal for
the Philippines, sabi ni Huey
sa Kallang Tennis Center. The
crowd support really carried
us out to fight.

Nagtulungan sina Ridgely


Baladares, Rommel Chavez
and Richly Magsanay upang
biguin ng Pilipinas ang Singapore, 1-0 sa keelboat sa National Sailing Center sa East
Coast Parkway.
Umakyat ang hakot ng
bansa sa 29-35-64 ginto-pilaktanso.
Pilak ang kinuha ni Dy
kasama si Katharina Lehnert
sa doubles matapos matalo kina Noppawan Lertcheewakarn
at Varatchaya Wongteancha
ng Thailand, 6-3, 6-4.
Nabigo rin sa mga ginto si
archer Amaya Cojuangco (
womens individual compound) at rower Nestor Cordova (mens single scull).
Natalo kay Malaysian Fatin
Nurferahah Matt Saleeh si
Conjuangco samantalang mas
mabilis si Memo Memo ng Indonesia kay Cordova.
May dalawang tanso ang
archery sa mens team com-

pound at womens team compound. Tanso rin ang kinuha


nina Edgar Ilas at Benjie Tolentino sa mens lightweight
double scull 1,000m ng rowing.
Pumasok sina taekwondo
jins Pauline Lopez at Sam
Morrison sa finals.
Nauna ng nawala sa medal
round ang sikat na pambansang koponan sa womens
volleybal. Wala na ring pagasang maka-medalya ang mga
kababaihan sa basketbol matapos hindi kayanin ang lakas
ng Indonesia.
Hindi umubra ang mga
Pinay sa Vietnam,25-16, 2521, 25-23 noong nakaraang
Sabado sa OCBC Arena Hall.
Nagpakita ng laban ang
Pilipinas sa third set ngunit
hindi bumigay ang mga Vietnamese. Ito ang ikalawang
talo ng mga Pinay sa tatlong
laro.

Name: Chanel Olive Thomas


Hometown: San Antonio,
Nueva Ecija
HINIRANG na 2015 Miss
Philippines Air si Chanel sa
2015 Miss Philippines Earth
pageant noong Mayo 31.
Ayon sa knaya, ito ang
unang patimpalak
kagandahan na nilahukan
niya. Isa siyang freelance
model.
WANNA be on top? Be the
next Libre Top Model. Magemail ng close up at full
body shots sa
libre_pdi@inquirer.com.ph
at isama ang buong
pangalan at kumpletong
contact details. RICHARD REYES

ANG WEATHER FORECAST NGAYONG LINGGO


Monday,
Jun. 15

Sunrise:
5:27 AM
Sunset:
6:27 PM
Avg. High:
36C
Avg. Low:
26C
Max.
Humidity:
(Day)58%

Tuesday,
Jun. 16

Sunrise:
5:27 AM
Sunset:
6:26 PM
Avg. High:
35C
Avg. Low:
26C
Max.
Humidity:
(Day)60%

Wednesday,
Jun. 17

Thursday,
Jun. 18

Friday,
Jun. 19

Sunrise:
5:26 AM
Sunset:
6:26 PM
Avg. High:
36C
Avg. Low:
26C
Max.
Humidity:
(Day)62 %

Sunrise:
5:27 AM
Sunset:
6:27 PM
Avg. High:
33C
Avg. Low:
25C
Max.
Humidity:
(Day)63%

Sunrise:
5:27 AM
Sunset:
6:28 PM
Avg. High:
33C
Avg. Low:
27C
Max.
Humidity:
(Day)65%