One Million Reasons (The Dagger) by Garnet Heart

One Umaga na naman, at gaya ng kinaugalian ay nakadungaw na naman ang bente-kuwatro anyos na si Terra Olivares sa bintana ng maliit niyang bahay na yari sa papag at marupok na kawayan. Sa anim na buwan ng kanyang pagiisa ay hindi na niya pinaniniwalaan ang mga katagang may bagong umagang darating dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang nabago sa kanyang umaga. Dito sa probinsiyang kinalakhan niya ay wala ng pinagkaabalahan ang mga tao kundi ang pagmasdan ang nakakabagot na kalangitan at makipagtsismisan sa mga kapitbahay. Galit siya sa mga tsismosang mga ito, dahil batid niyang siya ang parating pinag-uusapan ng mga ito. Paano siya hindi pag-uusapan? Sa liblib nilang nayon at sa kabila ng kahirapan ng buhay ay naroon siyang namumuhay senorita. Kumbaga ay siya lamang ang kaisa-isang rosas na nabubuhay sa disyerto dahil lahat ng pagaalaga ay natuon sa kanya. Hindi dahil sa mayaman siya kundi dahil sa ubod siya ng tamad. Kabataan pa lang niya ay sadyang inispoiled siya ng kanyang mga magulang at inalagaan siyang parang isang prinsesa. Bakit? Dahil pangarap ng ina niyang makapasok siya bilang artista. Inasahan nilang iyon ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan. Kakaiba ang ganda ni Terra. Kahit taga-probinsiya siya ay kapansinpansin ang kagandahan niya sa syudad sa tuwing sumasali siya sa mga audition. Hindi man siya gaanong matangkad sa taas na five three ay taglay niya ang mala-anghel na mukha, porselanang kutis at seksing pangangatawan. Kinaiinggitan din ang tuwid at mahaba niyang buhok na umabot hanggang baywang. Kung hindi nga lang dahil sa mga mumurahin niyang damit ay mapagkakamalan siyang isang anak mayaman. ―Hoy, Terra! Yung sinaing mo, nasusunog!‖ Biglang naibalik si Terra sa kasalukuyan. ―Ay, Aling Rosing! Andyan ka pala.‖ ―Yung sinaing mo kako, nasusunog.‖ ―Aay! Yung niluluto ko!!!‖ Dali-dali siyang tumakbo sa kusina, ngunit huli na ang lahat dahil malambot na uling na ang nadatnan niya. ―Haay! Ano ba naman ‗tong buhay na ‗to? Wala na nga akong pera nasunog pa ang kahuli-hulihang kanin!‖ ―Ayan kasi, tumunganga ka pa.‖ Nagulat si Terra. Nasa pintuan na pala si Aling Rosing. ―Mabuti‘t hindi nasunog ‗tong bahay mo. Kung ano ba kasing tinutunganga mo, e may niluluto ka pala?‖

Sumimangot si Terra. ―Aling Rosing naman, may iniisip lang ako kanina.‖ ―Nangangarap ka na naman na makapag-asawa ng prinsipe? Ikaw talaga, bata ka, ganyan na nga ang buhay mo kung anu-ano pang iniisip mo. Ang isipin mo, kung saan ka kukuha ng pambayad mo kay Viring dahil naniningil na siya.‖ Napaupo siya sa silya. ―Sabi ko naman sa kanya sa susunod na buwan na at naghahanap pa ako ng trabaho.‖ ―Ilang buwan mo ng sinasabi ‗yan pero hanggang ngayon wala ka pa ring nahahanapan. E kung nagtanim ka sana ng palay, di malapit mo na sanang anihin.‖ ―Ay, diyos ko!‖ Animo‘y kinilabutan siya sa narinig. ―Mamatay na lang ako sa gutom kaysa magtanim. Paano ako magugustuhan ng prince charming ko kung puro peklat na ako.‖ ―Hoy, Terra. Alalahanin mong patay na ang mga magulang mong kumukunsinti sa‘yo. Kaya kung gusto mong mabuhay, magtrabaho ka. Kung ayaw mo, mag-asawa ka na lang para may magpakain sa‘yo.‖ Sumimangot uli si Terra. Napakasungit talaga nitong si Aling Rosing, ngunit hindi rin niya ito masisi dahil halos ito na ang nagpapakain sa kanya mula ng mamatay ang mga magulang niya. ― Ala, sige iayos mo na ‗yan at doon ka na sa bahay kumain.‖ Nang lumabas na ang matanda ay hindi niya maiwasang bumuntunghininga. Limang buwan na nga ang utang niya kay Viring, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababayaran. Bukod pa roon ay humigit isang libo na rin ang utang niya sa tindahan. Kung minsan ay gusto niyang sisihin ang kanyang mga magulang sa naging kapalaran niya. Walang itinuro ang mga ito sa kanya ni anumang gawaing bahay maliban sa paghugas ng pinggan at pagsaing ng kanin. Hindi rin siya pinag-aral sa kolehiyo dahil hindi raw niya iyon kakailanganin sa pagaartista. Sa halip ay kinuhanan siya ng tutor na magtuturo sa kanya ng pag-arte at pananalita ng english. Hindi niya inakalang maglalahong parang bula ang pangarap na iyon. Hindi pala niya kailanman mapapakinabangan ang natutunan niyang pag-arte at pag-english. Anim na buwan na ang nakaraan ay nahulog sa bangin ang bus na sinasakyan ng kanyang mga magulang. Sariwa pa rin sa isip niya ang kahabaghabag na itsura ng mga ito ng iuwing nakabalot lamang sa isang itim na plastic. Halos madurog ang puso niya ng mga panahong iyon. Galit na galit siya sa kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya nabigyan ng matinong kabaong ang mga magulang niya bago inilibing. Malayo rin ang mga kamaganak niya kaya‘t si Aling Rosing lamang ang tanging tumulong sa kanya. Dalawang araw lamang ang burol at tinabunan na ng lupa ang mga bangkay at tinirikan ng krus na yari sa sanga ng bayabas. Hindi siya papayag na manatiling ganoon na lamang ang puntod ng kanyang mga magulang, at hindi rin siya papayag na mamamatay din siya sa ganoong lagay. Sinabi niya sa sarili niyang gagawin niya ang lahat makaahon lamang siya sa impiyernong buhay niya, subalit hindi pala niya kayang mag-isa.

Dahil hindi siya marunong magtrabaho ay hindi niya alam kung paano niya bubuhayin ang kanyang sarili. Wala ring iniwan ang mga magulang niya sa kanya maliban sa isang magandang dagger na ibinigay ng kanyang ama bilang pangproteksyon sa kanyang sarili. Kaya naman nabuo sa isip niya ang isang pangarap na makatagpo siya ng isang guwapo at mayamang prinsipe na magaahon sa kanya sa hirap. ―Terra.‖ Naunsuming muli ang pag-iilusyon niya ng may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Sumilip siya sa pinto at napakunot-noo ng makita ang isang sosyal na babaeng nakangiti sa kanya. ―Hoy, Tiring. Si Mariana ‗to, ano ba?‖ Napakunot-noo siya, at namukhaan nga niya ang matalik niyang kaibigan. ―Oy, ikaw pala! Pasok.‖ ―Kumusta ka na?‖ bati ni Mariana at umupo sila sa silyang yari sa kawayan. ―Mukhang pumayat ka.‖ ―Paano, wala akong makain. Ikaw, sosyal ka na ngayon, ha. Halos hindi kita namukhaan. Ba‘t ka nagpakulot?‖ Nangiti si Mariana at iwinagayway ang buhok. ―Siyempre, nakapasok akong katulong sa isang mayaman.‖ ―Talaga? Puwede mo ba akong ipasok?‖ ―Hindi, dahil ibang trabaho ang iaalok ko sa‘yo.‖ ―Sure. Ano ba ‗yun?‖ Saglit na nanahimik si Mariana. ―Di ba gusto mong magkapera?‖ ―Sino bang may ayaw? Ano bang trabaho ‗yan?‖ Lumapit sa kanya si Mariana at saka bumulong. ―One hundred thousand ang bayad mo rito kapag tinanggap mo.‖ Tumindig si Terra. ―Huwag mo nga akong biruin. Ipasok mo na lang akong katulong sa pinapasukan mo.‖ ―Hindi ako nagbibiro. May nakilala akong Harold ang pangalan at ipinagtapat niya sa aking kasapi siya sa sindikato.‖ ―Sindikato?‖ Napamulagat siya. ―Di ba masamang tao ang mga ‗yan?‖ ―Makinig ka nga muna.‖ Hinila siya ni Mariana paupo bago nagpatuloy. ―May mahalagang pag-aari ang mga Montero na gusto nilang makuha, pero mahigpit ang guwardiya ng mansyon kaya kailangan nila ng inside job. Tagabigay lang tayo ng impormasyon at one hundred thousand na ang bayad natin.‖ Kahit nakakunut-noo pa rin si Terra ay natutukso na siyang maniwala kay Mariana. Wala siyang nakikitang halong biro sa pananalita nito. ―Anong gagawin ko?‖ Muling bumulong si Mariana. ―Pinapahanap nila ako ng babaeng maaaring bumihag sa puso ni Sir, at ikaw ang naisip ko.‖ ―Ay, diyos ko!‖ napahiyaw si Terra. ―Hindi ako pumapatol sa matanda! Ba‘t di na lang ikaw?‖ ―Psst! Magtigil ka nga.‖ Nawawalan na ng pasensiya si Mariana. ―Hindi matanda si Sir Edgar. Pangalawa, paano siya iibig sa isang katulong?‖

―Ba‘t naman hindi? Marami na akong napanood na ganyan sa mga teleserye.‖ ―Gaga! Huwag mong itulad ang mga pinapanood mong pantasya sa tunay na buhay.‖ Nanahimik si Terra. May katwiran nga naman ito. ―Sa tingin mo ba magugustuhan niya ako?‖ ―Oo naman. Kunwari ka pa. Alam ko namang puring-puri mo ang beauty mo.‖ Ngumiti si Terra. Tumataba talaga ang puso niya sa tuwing binabanggit na maganda siya. ―Kahit na. Baka sadista pa ‗yan ‗no. Maghanap ka na lang ng iba.‖ ―Nakakainis ka naman, eh!‖ Kinamot ni Mariana ang ulo. ―Sige na nga, sasabihin ko na kung bakit ikaw ang naisip ko… Kasi, magaling kang maglockpick. Yun lang naman ang tanging alam mo noong mga bata pa tayo, di ba? Kaya nagkainteres sa‘yo si Vargas dahil yun ang kailangan nila.‖ Napanganga si Terra. Hindi lang pala bilang spy ang alok sa kanya kundi pagnanakaw. Totoong natural na galing talaga niya ang pagbukas ng mga kandado na gamit lamang ang alambre, subalit ginagawa lamang niya iyon kapag may mga kapit-bahay na nakaiwan ng susi sa loob ng bahay. ―Magnanakaw tayo!!!?‖

Two Ni minsan ay hindi naisip ni Terra na kumapit sa patalim para lamang sa pera ngunit ewan ba niya kung bakit kinabukasan ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sariling papunta sa lugar na tinukoy sa kanya ni Mariana. Masikip at mabahong eskinita ang dinaanan nila bago sila nakarating sa isang luma at abandonadong bahay. Natural lang iyong pagtaguan ng mga sindikatong may atraso sa lipunan. May dalawang guwardiyang nakasibilyan ang sumalubong sa kanila, at bago sila pinapasok ay pinagkakapkap pa ang mga gamit nila. Nang makilala ni Terra ang pinunong si Vargas ay lihim siyang kinilabutan. Napakalaki ng katawan nito at mala-gorilya ang pagmumukha. Halos tayuan siya ng balahibo ng pagmasdan siya ni Vargas mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay tumango ito at pinapasok siya sa private office nito. ―Magaling ka raw mag-lockpick?‖ ang pambungad na tanong ni Vargas. ―Yun ang dahilan kaya nagkainteres ako sa‘yo.‖ ―Ah.‖ Nilaro-laro niya ang nanginginig niyang mga daliri. Lubha siyang kinikilabutan sa mga matatalas na tingin ni Vargas. Para siyang tinatamaan ng kidlat sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mga mata. ―Medyo po.‖ ―Sino namang nagturo sa‘yo?‖ ―W-wala po. Ginaya ko lang po minsan ang ginagawa ni tatay kapag kinakandado ni nanay yung cabinet na lagayan ng pagkain. Madali lang naman po.‖

Natawa si Vargas. ―Sa maniwala ka‘t sa hindi, sampung taon na akong magnanakaw, pero hindi ganun kadali sa akin ang maglockpick. Marahil ay natural mong talento iyan. Ibig sabihin ay natural lang na maging magnanakaw ka.‖ ― Po?!‖ Napamulagat si Terra. Hindi kaaya-ayang pakinggan ang sinabing yun ni Vargas. Muling tumawa si Vargas at naglabas ng isang alambre. Ibinigay nito iyon sa kanya at saka ito tumayo‘t ni-lock ang pinto. ―Gusto kong makita kung kaya mo nga. Subukan mong buksan itong doorknob.‖ Dahan-dahang tumayo si Terra at lumuhod sa harapan ng pinto. Nanginginig ang mga daliri niyang ipinasok ang alambre sa maliit na butas. Pinanood naman ni Vargas ang bawat galaw niya. Tumutulo na ang kanyang pawis subalit hindi pa rin niya mabuksan ang saradora. Matigas ang isang ito, hindi gaya ng mga bulok na mga kandadong binubuksan niya. Ngunit kailangang magtagumpay siya dito para pagkatiwalaan siya ni Vargas. Sa wakas, pagkaraan ng limang minuto ay nabuksan din ang doorknob. Tuwang-tuwa naman si Vargas habang siya‘y humihingal at nagpupunas ng pawis. ―Magaling,‖ papuri ni Vargas. ―Kung nakaya mo ‗yan, ibig sabihin ay maaaring makaya mo rin ang mga lock ng mansyon.‖ Hindi umimik si Terra at muli silang umupo. Matagal ng pinakikinabangan ng iba ang talento niyang ito, subalit hindi niya inakalang pagkakakitahan din niya. ―Wala pang nakakakita sa pendant na ‗yun,‖ ani Vargas ng nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap. ―Kahit si Mariana hindi rin niya alam kung nasaan. Walang nakakapasok sa kuwarto ni Montero maliban sa pinagkakatiwalaan niyang matanda.‖ ―Magkunwari na lang po kaya akong katulong para kunwari lilinisan ko yung kuwarto niya?‖ ―Kasasabi ko lang na isang matanda lang ang nakakapasok sa kuwarto ni Montero. Ginawa na sana ‗yan ni Mariana noon pa kung ganoon kadali.‖ Napakagat siya sa labi. ―Baka po kasi pumalpak ako.‖ ―Hindi ba sinabi mo kaninang magaling kang umarte, at marunong kang mag-english. Yun lang naman ang kailangan eh. Yung damit mo, kami ng bahala dun. Kami na ring bahalang gumawa ng paraan para makapasok ka sa mansyon.‖ May biglang naalala si Terra. ―Nanakawin ko lang po ba ang kuwintas? Nabanggit po kasi sa akin ni Mariana na paiibigin ko si Mister Montero.‖ ―Yun ang plano namin kay Mariana noon, pero hindi siya gusto ni Montero. ‗Yan rin ang pangalawang plano natin kapag hindi mo nabukasan ang kuwarto. Sa tingin ko rin mas madali ang trabaho mo kapag nakuha mong damdamin ni Montero, o kahit matipuhan ka lang niya. Maaari mo siyang akitin kung sakali, at malamang papapasukin ka niya sa kuwarto. Kapag tulog na siya saka ka na maghanap.‖

Napayuko si Terra. Napakahirap pala ng magiging papel niya. Walang kasiguraduhan kung magtatagumpay siya, subalit sa halagang isang daang libo ay kakayanin niya ito. ―May isang bagay pa akong ipapagawa sa‘yo. Malaki-laki rin ang kikitahin mo rito. Puwede na ba sa‘yo yung isang milyon?‖ Napamulagat si Terra. Halos sampalin niya ang kanyang pisngi para magising na siya sa kanyang pananaginip. ―Hindi ako nagbibiro,‖ ani Vargas ng makita ang kanyang reaksyon. ―Isang milyon ang ibabayad ko sa‘yo. Payag ka ba?‖ Tulala pa rin si Terra at hindi makapaniwala. Ngunit kung sakaling totoo man ay pagkakataon na niya itong yumaman. Kung may isang milyon siya‘y maaari na niyang mabigyan ng matinong puntod ang kanyang mga magulang at kailanman ay hindi na siya muli pang kakain ng nilagang kamote. ―Huling tanong ko na ito. Payag ka ba, o kay Mariana ko na lang ipapagawa?‖ ―Ha?‖ Hindi niya alam kung ano‘ng trabaho ang ipapagawa sa kanya ni Vargas, ngunit napakalaki ng isang milyon para tanggihan niya. ―Sige, payag ako. Ano po bang gagawin ko.‖ Ngumiti si Vargas. Malademonyo ang ngiti nito. ―Ipapaalala ko lang sa‘yo na kapag umoo ka sa akin, hindi ka na makakaatras pa.‖ Napalibutan ng itim na ulap ang puso niya. May kutob siyang masama ang ipapagawa ng lider ng sindikato, mas masama pa kaysa sa pagnanakaw. ―Simple lang… Papatayin mo lang naman si Edgar Montero.‖

Three ―Ano? Tinanggap mo?!‖ napahiyaw si Mariana at di-mapakaling naglakad-lakad sa masikip na sala ni Terra. ―Ewan ko nga ba kung bakit napa-oo ako. Masyado ata akong nanghinayang sa isang milyon.‖ ―Pero papatay ka dahil lamang sa pera! Hindi ka na ba kinilabutan?‖ Pilit kinalma ni Mariana ang kanyang sarili saka ito umupo sa tapat niya. ―Ulila rin naman akong katulad mo at nangangarap din akong yumaman, pero hindi hanggang sa puntong papatay ako ng tao.‖ ―Malay ko ba kasi na yun pala ang ipapagawa niya. Hindi naman kasi niya sinabi agad. Ikaw ba naman kung suhulan ka ng isang milyon.‖ ―Ayan! Hindi mo pa kasi alam kung anong ipapagawa sa‘yo tinanggap mo na agad. Binanggit lang ang isang milyon hindi mo na ginamit yang utak mo.‖ ―Oo, alam ko matalino ka. Mula grade one tayo ikaw parati ang first honor. Sa hindi ako biniyayaan ng talino ano‘ng magagawa ko?‖ ―Hindi talino ang kailangan mo, konsensiya.‖ ―Eh, di bawiin. Puwede ko namang kausapin uli si Vargas, ah.‖

―Sa akala mo ba makakaurong ka pa ngayon? Ngayong alam mo na lahat ng binabalak nila? Sabi ni Harold malupit daw yang si Vargas. Kapag di mo ginawa ang trabaho mo tsugi ka.‖ Napatingin si Terra sa kaibigan. Noon lang siya kinabahan at noon lang niya naramdaman ang tunay na panganib ng pinasok niya. ―A-anong gagawin ko ngayon?‖ Bumuntung-hininga si Mariana at umupo sa tapat niya. ―…Ewan ko… Hindi ko alam. Pero… bakit raw kailangan mong patayin si Sir Edgar? Akala ko ba nanakawan lang natin siya?‖ Umiling si Terra. ―Hindi ko alam. Pero sa pagkakaintindi ko sa salaysay ni Vargas, may ibang taong kumontak sa kanilang gustong ipapatay si Montero.‖ ―Sino?‖ ―Hindi ko nga alam, eh.‖ Napakunot-noo si Mariana. ―Wala naman akong alam na kalaban ni Sir Edgar. Mabait naman siya. Wala naman siyang kapatid. Mayayaman naman lahat ng mga kamag-anak niya?‖ Hindi umimik si Tera. Wala siyang masabi dahil hindi naman niya kilala ang tinutukoy nilang Edgar Montero. ―Anong gagawin natin ngayon?‖ muli niyang itinanong. Dahan-dahang tumayo si Mariana at dumungaw sa bintana. ―Sa ngayon, gawin na muna natin ang una nating trabaho. Saka na natin pag-iisipan yan kapag nakuha na natin ang kuwintas.‖

Four Pagsikat pa lang ng araw ay nakapuwesto na ang lahat sa labas ng bakod ng mansyon. Matiyagang nagmasid ang mga tauhan ni Vargas hanggang masilayan nilang mag-isang lumabas ang hinihintay nilang tao. Naging ugali na raw ni Edgar Montero ang mamasyal sa bakuran tuwing umaga. ―Ayon si Sir Edgar,‖ mahinang ibinulong ni Mariana. Nagtatago sila noon sa likuran ng mga maliliit na puno. ―Hintayin raw natin senyas ni bosing.‖ Tumango si Terra habang pinagmamasdan ang kanilang biktima. Malayo ang lalaki, ngunit kapansin-pansing matangkad at malaki ang pangangatawan nito. Sumenyas na si Vargas at naghanda na rin si Terra. Huminga muna siya ng malalim at saka siya tumili at tumakbo papalayo. Hinabol siya ni Vargas. Naghabulan sila sa kahabaan ng ilog. Malapit na sila sa dapat nilang titigilan, ngunit wala pa rin siyang makitang dumarating na sasaklolo sa kanya. Ang plano ay kukunin nila ang atensyon ni Edgar, at magkukunwari siyang hinahalay ni Vargas, at si Edgar mismo ang magliligtas sa kanya. Hinihingal na siya. Sa may malaking bato ay doon siya dapat babagsak, subalit a hindi niya inaasahang pangyayari ay natisod siya at nabagok ang ulo niya sa isang nakausling ugat ng malaking puno sa lupa. Umikot ang

paligid niya, at pilitin man niyang dumilat ay unti-unting dumilim ang kanyang paningin. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Paggising na lang niya‘y natagpuan niya ang kanyang sariling nakahiga sa isang malambot na kama sa loob ng isang maluwang na kuwarto. Babangon na sana siya ng bigla niyang maramdaman ang pamimigat ng kanyang ulo. ―Gising ka na?‖ Nagulat siya sa boses na narinig. Nang lingunin niya ito ay lalo pa siyang nagulat ng makita si Mariana. Bigla siyang bumalikwas at napahawak sa nananakit niyang ulo. ―Saan tayo?‖ ―Gaga! Andito tayo sa loob ng mansyon.‖ ―Ha?‖ Unti-unting bumalik ang alaala ni Terra. Nauntog nga pala siya at nawalan ng malay. Ibig sabihin ay nagtagumpay sila sa kabila ng natamong aksidente. ―Sina bosing?‖ ―Nakatakas na sila. Tayo na raw bahala dito.‖ ―Ano bang nangyari? Nahilo ako kanina.‖ Tumawa si Mariana. ―Akala ko nga rin kanina nagkukunwari ka lang, totoo naman palang nawalan ka ng malay. Sakto namang dumating ang mga guwardiya, kasama si Sir Edgar. Si Sir Edgar pa nga mismo ang bumuhat sa‘yo papasok dito.‖ Hindi niya napigilang mapangiti. Napakaromantiko namang isipin ang salaysay ni Mariana. ―May doktor nga pala dito kanina. Wala naman daw damage sa ulo mo. Di bale, wala ka naman ng ibobobo pa eh.‖ Nagsalubong ang mga kilay ni Terra habang pinapanood ang kaibigang tumatawa. Noong mga bata pa man sila ay ganito siya parati tinutukso ni Mariana, kaya lagi silang nag-aaway noon. ―Siya nga pala, may nagpakilala sa akin kanina na Carlos ang pangalan. Binayaran din daw siya ni Vargas para tulungan tayo. Kausapin lang daw natin siya kung gusto nating puntahan si Vargas.‖ ―Katulong din ba dito?‖ ―Driver,‖ sagot ni Mariana bago tumayo. ―Sige, magpahinga ka na muna diyan at may gagawin pa ako. Alam mo bang dito ka pa sa guess room pinadala ni Sir Edgar? Naniwala naman siyang anak ka ng mayaman. Kapag kinausap ka niya, ang sabihin mo wala kang maalala sa nakaraan mo.‖ Bumagsak si Terra sa kama at siya‘y huminga ng malalim. Narito na siya sa loob ng mansyon. Nagsimula na ang kanyang kalbaryo. Hindi niya alam kung ano‘ng mga susunod na mangyayari. Magtatagumpay ba siya o sa kulungan ang bagsak niya? Hindi rin niya alam kung kaya nga ba niyang pumatay kapalit ng isang milyon at ng sarili niyang buhay.

Five ―Hoy, gising!‖

Nabigla si Terra ng may humablot sa kanyang kumot. Ng buksan niya ang kanyang mga mata ay nasilaw siya sa sinag ng araw. Umaga na pala. Halos buong araw siyang nakatulog. Naroon naman si Mariana at inaayos ang higaan niya. ―Gutom na ako.‖ ―Kaya nga kita ginising, eh. Hinihintay ka ni Sir Edgar. Sabay raw kayong mag-almusal.‖ ―Ha?‖ Biglang nagising ang tulog pa niyang dugo. ―Ba‘t naman kami magsasabay? Diyos ko! Ayoko! Baka mahalata niyang hindi ako marunong gumamit ng kutsilyo.‖ Umupo sa tabi niya si Mariana. ―Tinanggap mo ‗tong trabahong ‗to kaya kailangan mong gawin. Paano mo mapapaibig si Sir Edgar kung ayaw mo siyang harapin? Sa tingin ko pa naman type ka niya. Dinalaw ka niya dito kagabi, alam mo ba?‖ ―Ganun?‖ Napangiwi si Terra habang iniimagine na pinapanood siya ng lalaki habang siya‘y natutulog. Marahil ay naglalaway at humihilik pa siya. ―Ba‘t naman hindi mo ako ginising?‖ ―Malay ko ba na darating siya.‖ ―Tapos, anong nangyari?‖ Biglang ngumiti si Mariana at saka siya umupo ng tuwid. ―Dito siya umupo sa tabi mo, tapos tinitigan ka niya ng matagal. Hinaplos-haplos pa niya yung sugat mo sa noo! Halos mahimatay ako sa inggit!‖ Napangiti rin si Terra at lihim na kinilig sa salaysay ni Mariana. Animo‘y napakagandang panaginip ang pangyayaring ‗yun. ―Sigurado ako, may gusto sa‘yo si Sir. Suwerte mo, considering na guwapo pa siya.‖ Napatingin siya sa kaibigan. ―Ano bang iniisip mo, eh, madededbol yun.‖ Naparam ang ngiti ni Mariana at huminga ito ng malalim. ―Ayan kasi. Kung hindi ka mukhang pera masuwerte ka na sana.‖ ―Eh, kung ako kaya ang iligpit ni Vargas? Malay ko ba na wala palang atrasan sa mga sindikato.‖ ―Aminin mo na. Gahaman ka kasi, at bobo pa.‖ Kumulo ang dugo ni Terra. Kulang na lang ay sabunutan niya ang kaibigan. Totoong mahina nga ang utak niya, subalit naiinsulto siya sa tuwing binabanggit ito. Kapwa sila natahimik ng pumasok ang isa pang katulong. ―Gising na pala kayo, ma‘am,‖ nakangiting bati ng katulong at inilapag sa mesa ang dala nitong damit. ―Pinamimigay po ito sa inyo ni Sir Edgar. Naghihintay po siya sa dining room.‖ ―Ah--.‖ Hindi alam ni Terra ang sasabihin. Ito na ang simula ng kanyang pagkukunwari. ―Sige, salamat. Susunod na ako.‖ Paglabas ng katulong ay nagkatinginan sila ni Mariana. ―Nakita mo. Napakabait ng amo ko tapos papatayin mo,‖ ani Mariana at tumayo na para iayos ang mga gamit niya. ―Halika na rito at maligo ka na.‖

Paulit-ulit na tinitigan ni Terra ang sarili sa mahabang salamin. Napakaganda ng suot niyang blouse at miniskirt at kaaya-aya rin ang pagkakaayos ng kanyang buhok. Pakiramdam niya‘y isa talaga siyang prinsesa sa isang palasyo. ―Hoy, bruha! Hinihintay na tayo ni Sir, ano ba?‖ naiinip na wika ni Mariana na kanina pa naghihintay sa may pintuan. Sumimangot si Terra. ―Oo na,‖ aniya at lumabas na sila ng kuwarto. Napakaluwag ng mansyon. Hindi maaalala ni Terra kung ilang pintuan ang dinaanan nila bago sila bumaba ng hagdanan, papunta sa dining room. Pagbukas pa lang ni Mariana sa malaking pinto ay nasilayan na niya ang matipunong lalaking nakatayo sa tabi ng bintana. Ngumiti ito sa kanya. Animo‘y natulala si Terra habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Isang binata pala ang amo ng mansyon, at napakaguwapo nito. Napakaamo ang nagniningning nitong mga mata at matangos ang ilong. Matangkad rin ito at malaki ang pangangatawan. Ito na nga ang pinangarap niyang prinsipe na mapapangasawa niya. ―Sir Edgar, narito na po siya,‖ ani Mariana sa binatang hindi pa rin maalis ang titig sa kanya. ―Maiwan ko na po kayo.‖ ―Salamat, Mariana,‖ sagot ni Edgar. Nang maisara na ni Mariana ang pinto ay tumingin itong muli sa kanya. ―Kumusta ka na?‖ tanong nito. Mababa at malumanay ang pananalita nito. Naramdaman ni Terra ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, ngunit pinigil niya ang kanyang damdamin. Hindi si Edgar ang mapapangasawa niya, dahil ang lalaking ito ay magiging kaawa-awang biktima ng robbery at murder. Ito ang dahilan kaya‘t narito siya ngayon sa mansyong ito. Upang magtagumpay siya ay kailangan niyang labanan ang anumang damdaming makakapagpahina sa kanya. Batid niyang sa oras na umibig siya sa binatang ito ay siya lang ang masasaktan sa bandang huli. ―Is there something wrong?‖ Bigla siyang naibalik sa kasalukuyan. ―Ha? Ano po?‖ Napangiti si Edgar. ―Mukhang may malalim kang iniisip?‖ Umiling si Terra at bago siya nagsalita ay inihanda muna niya ang kanyang sarili. Ngayon niya magagamit ang napag-aralan niyang pag-arte at pag-english. Nagsimula siya sa isang matamis na ngiti. ―I‘m sorry, Sir.‖ Para bang nagningning ang mga mata ni Edgar na animo‘y nabighani sa tamis ng kanyang ngiti. Mukhang umepekto agad ang kanyang pag-arte. ―…Don‘t call me Sir. My name‘s Edgar.‖ Saglit na hindi iya gumalaw iabot ni Edgar ang palad upang kamayan siya. Tinanggap niya iyon at para bang nakuryente ang buo niyang katawan ng maramdaman ang mainit na kamay ng binata. ―Terra—.‖ Napatigil si Terra. Bakit niya nasabi ang tunay niyang pangalan? ―Terra?‖ Tinatanong ang kanyang apeliyedo. Kailangan niyang makapag-isip agad ng sasabihin. ―I… I really don‘t remember anything except my name. Pasensiya na po hindi ko kayo masasagot.‖ Napakunot-noo si Edgar. ―Do you mean that?‖

Tumango siya. ―I am a victim of kidnap and ransom. Nakatakas lang ako at napadpad dito.‖ Sa reaksyon ni Edgar ay parang hindi ito makapaniwala, subalit marahil ay wala itong nakikitang dahilan, at wala sa kanyang anyo, upang pagdudahan siya nito. ―If that‘s the case, you are welcome to stay here as long as you want.‖ Ngumiti si Terra. Nagtagumpay na naman siya. Napakadali palang mauto itong si Edgar. ―Thank you very much for your kindness, at salamat rin pala sa pagliligtas mo sa akin. You are my brave hero.‖ Natawa si Edgar sa tinanggap na papuri. ―It‘s my pleasure to help a beautiful lady. Shall we have breakfast now?‖ Para siyang natutunaw sa tuwing nakangiti at nakatitig sa kanya si Edgar. Mas mahirap palang pigilan ang damdamin kaysa sa inakala niya. Tumango na lang siya at sabay silang nagtungo sa mahabang dining table.

Six ―Ikaw talaga, baka mamaya magdududa sa‘yo si Sir Edgar,‖ naiinis na tinabihan siya ni Mariana sa kama. ―Sa susunod ayus-ayusin mo ang pagkain mo. Para kang gutom na gutom.‖ ―E, talaga naman kasing gutom na ako kanina. Isang araw ba naman akong hindi kumain.‖ ―Gaga! Baka gusto mong mabuking tayo at mapugutan ka ng ulo.‖ Napangiwi si Terra. Tama si Mariana. Sa oras na mabuking sila ay buhay nila ang magiging kapalit. ―Umalis na nga pala si Sir, Edgar.‖ Iniba ni Mariana ang usapan. ―Basta‘t ganitong oras wala na siya, maliban sa Sabado‘t Linggo na pahinga niya. Alas-otso ng gabi darating na siya, kaya‘t imposibleng makadiskarte tayo sa ngayon. Pinakamagandang gawin natin, hintayin nating umalis siya papuntang abroad.‖ ―Parati ba siyang pumupunta sa abroad?‖ ―Mga dalawang beses sa isang buwan siyang pumupunta sa abroad. Kagagaling lang niya noong isang linggo sa London, kaya marahil sa susunod na linggo uli siya aalis.‖ ―Antagal naman niyan. Naiinip na ako dito.‖ ―Hay, naku. Mag-enjoy ka na lang. Masuwerte ka nga buhay prinsesa ka dito samantalang ako katulong. Halika, ituturo ko sa‘yo ang kuwarto niya.‖ Dalawang pinto lang pala ang layo ng kuwarto ni Edgar sa kuwarto niya. Pasimple silang naglakad sa harapan nito at ng wala silang makita ni sinuman sa paligid ay nilapitan ni Terra ang malaking pinto para pag-aralan ang lock nito. Naalala niya kung gaano siya nahirapang buksan ang lock ni Vargas. Sigurado siyang mas mahihirapan pa siya sa hindi pangkaraniwang lock ng pintong ito. ―Halika na may dumarating.‖

Hinila siya ni Mariana at nagtago sila sa likuran ng isang giant vase. Maya-maya‘y nakita niya ang isang matandang babaeng pumasok sa kuwarto ni Edgar. ―Ayan si Ate Dolor,‖ ibinulong ni Mariana. ―Siya ang mayordoma dito, at siya lamang ang nakakapasok sa kuwarto ni Sir.‖ Nang makapasok ang matanda ay isinara din nito uli ang pinto. Saka lang sila lumabas sa pinagtataguan. ―Ano‘ng gagawin niya dun?‖ tanong niya. ―Natural maglilinis. Kung may paraan lang sana para nakawin natin ang susi, tapos na sana ito.‖ ―Ba‘t nga pala hindi natin gawin ‗yun?‖ ―Malapit sa servant‘s quarter ang kuwarto niyan, at hindi nawawalan ng tao doon. Kung may makakita sa akin eh di pagsuspetsahan na ako. Kaya nga kumuha kami ng lockpicker para mas madali.‖ Bumuntung-hininga si Terra. Napakatindi talaga ng security sa kuwarto ni Edgar. Tama nga si Vargas nung sabihin nitong mas mapapadali ang kanyang trabaho kung mahulog ang loob ni Edgar sa kanya. Kung nagkaganoon ay maaari niya itong akitin papunta sa kuwartong iyon. Puri nga lang niya ang nakasalang at hindi niya alam kung kaya niyang isakripisyo iyon. Nang sumunod na araw ay maaga siyang nagtungo sa garden kung saan una niyang nasilayan si Edgar. Kailangan niyang gumawa ng paraan para lalo pa siyang mapalapit sa binata. Wala siyang nadatnan doon ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig siyang paparating na tao. Alam niyang si Edgar na ‗yun kaya‘t kunwari naman ay abala siyang inaamoy ang isang pulang rosas. ―Mahilig ka pala sa bulaklak.‖ Boses nga ni Edgar yun. Kunwari naman ay nagulat siyang nilingon ito. ―Ay! Mister Montero, kayo po pala. Ang ganda po ng garden niyo.‖ Ngumiti rin si Edgar at dahan-dahang lumapit sa kanya. ―Do you like it?‖ ―Yes, of course. Mahilig kasi ako sa bulaklak.‖ Kasinungalingan ang tinuring niyang yun, dahil ang totoo‘y damo lamang sa paningin niya ang mga bulaklak sa paligid. ―You do?‖ ―I love flowers, especially roses,‖ sagot ni Terra. Nagtaka siya ng lumapit si Edgar sa halaman at inusisa isa-isa ang mga rosas. Pinitas nito ang sa tingin nito‘y pinakamaganda at iniabot sa kanya. Nakangiting tinanggap ni Terra ang bulaklak. Romantiko talaga itong si Edgar. Naramdaman uli niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Lalo na ng titigan siya nito sa mata. Parang gusto niyang matunaw. ―This was my mother‘s garden,‖ ani Edgar at naudlot ang kanyang pagmumuni-muni. ―I‘m keeping this to keep her memories alive.‖ Napatingin siya kay Edgar. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa malayo. ―Is she--?‖ Hindi na niya tinuloy ang tanong. Naisip niyang masyadong personal na iyon.

―She died three years ago,‖ sagot ni Edgar at tumingin sa kalangitan. Malamang ay inaalala nito ang pumanaw na ina. ―I‘m sorry,‖ paumanhin ni Terra. Alam niyang nasagi niya ang isang sensitibong parte ng buhay nito. Alam din niya kung gaano ito kasakit dahil dumaan din siya sa ganoong pagsubok. Ngumiti sa kanya si Edgar. ―Halika, ipapasyal kita sa paligid.‖ Humawak siya sa naghihintay na palad ni Edgar at naglakad-lakad sila sa paligid ng mansyon. May nadaanan silang isang fountain, isang bilog na swimming pool, at tennis court. Lahat na yata ng inaasam niyang libangan ay natagpuan niya sa bakuran ni Edgar. ―I like your place,‖ aniya ng magkaharap silang nakaupo sa ilalim ng malagong puno. ―It‘s beautiful.‖ Tumitig lang sa kanya si Edgar. ―Probably as beautiful as yours, that is if you remember anything about your home.‖ ―Let‘s hope so.‖ Tumango si Terra at ng magsalubong ang mga mata nila ni Edgar ay para bang natutunaw siya sa lagkit ng pagkakatitig nito sa kanya. ―I‘m wondering about how old you are.‖ Hindi siya agad makapagdesisyon kung ano‘ng isasagot. ―I‘m twentyfour.‖ Sinabi na niya ang totoo dahil halata naman ito sa itsura niya. ―So may naaalala ka pala about yourself.‖ Napatid ang hininga ni Terra at para bang isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malaking pagkakamali pala ang ginawa niya. Siguradong tatawagin na naman siyang bobo ni Mariana maya‘t-maya lamang. ―If you ask me, I‘m twenty seven.‖ Nakalma si Terra. Sa palagay niya‘y hindi ito binigyang pansin ni Edgar. ―Just three years older?‖ ―Great combination, don‘t you think so?‖ Namula ang kanyang mga pisngi. Alam niyang may kahulugan ang tinuring na yun ni Edgar. ―Sorry,‖ paumanhin agad nito ng mapansin ang kanyang reaksyon. Umupo ito ng tuwid at binuksan ang dalawang pang-itaas na butones ng polo. Mataas na ang araw at mainit na rin ang hangin. Na-conscious si Terra ng makita ang dibdib ni Edgar. Sanay siyang nakakakita ng lalaking walang pang-itaas sa pinanggalingan niyang lugar, subalit kakaiba ang pangangatawan ni Edgar. Kumpara sa mga payat na lalaki sa bukid, makapal at maganda ang hubog ng dibdib nito. Parang gaya ng mga napapanood niyang mga lalaki sa telebisyon. Hindi niya namalayang napangiti siya habang nakatitig sa dibdib nito. Nang makarinig siya ng tunog ng lalamunan ay bigla siyang tumingala at nakita si Edgar na nakatingin pala sa kanya. Agad siyang yumuko kahit batid niyang nahuli na siya nito. Natawa si Edgar ng lalo pa niyang ikinapula. Sinadya nitong buksan ang ilan pang butones ng polo na parang nanunuya. ―Hindi ka ba naiinitan?‖ tanong nito.

Tumingin si Terra sa suot niyang sweater. Naiinitan na rin siya, subalit hindi niya kayang maghubad sa harapan nito, lalo na‘t isang manipis na tank top lamang ang suot niya sa ilalim. ―Let me help you.‖ Bago pa siya makatanggi ay nakaluhod na ito harapan niya. Nang maalis nito ang sweater ay inilatag nito iyon sa damo, at pinagmasdan ang kanyang mukha. Muli siyang yumuko. Hindi niya kayang makipagtitigan kay Edgar, lalo na‘t napakalapit nito sa kanya. Damang-dama niya ang init ng katawan nito. ―Are you alright?‖ tanong ni Edgar at marahan nitong hinawakan ang kanyang baba. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Napakaamo ng titig nito sa kanya. Parang gusto na niyang sumuko. Hindi niya yata kakayaning labanan ang halina nito. Biglang nanginig ang kanyang mga daliri, at malamang ay naramdaman iyon ni Edgar kaya dahan-dahan siya nitong binitiwan at lumayo. Noon lang siya nakahinga ng maluwag. ―Did I scare you?‖ Umiling siya. Pulang-pula pa rin ang kanyang mukha at nanlalamig sa nerbiyos ang kanyang mga daliri. ―I‘m sorry, I didn‘t know--.‖ Hindi alam ni Edgar ang sasabihin. ―I didn‘t mean to scare you.‖ Pilit ang ngiti ni Terra. ―It‘s nothing. I was--.‖ Napatigil siya ng may mapansin siyang kuminang na bagay sa dibdib ni Edgar. Hindi man siya eksperto sa mga alahas ay sigurado siyang tunay na diamond iyon. Wala siyang malay na hinawakan ito. Mabigat at hugis puso ang korte nito at may kung anong pulang bato na nakapaloob sa gitna. Ito na nga ang sinasabi ni Vargas, ang pendant na nagkakahalaga ng isang daang milyones. ―My mother gave it to me.‖ Nagulat si Terra at nabitawan niya ang pendant. ―S-sorry.‖ Nakangiting hinubad ni Edgar ang suot na kuwintas. ―Would you like to try?‖ Bago pa man makapalag si Terra ay isinabit na ni Edgar ang kuwintas sa kanyang leeg. Nakakasakal ang bigat nito. ―Maliban sa garden, ‗yan na lamang ang natitirang alaala ni Mommy,‖ ani Edgar habang pinagmamasdan ang kuwintas sa kanyang leeg. ―You‘re even more beautiful with it.‖ Ngumiti lamang si Terra. Ang totoo‘y gusto na niyang hubarin ang kuwintas ngunit baka ma-offend si Edgar. ―According to my father, that‘s a five hundred year old possession of an English Duke. His daughter inherited it when he passed away. Her name was Lady Wilhelmina Georgiana St. Just… and she was my great grandfather‘s wife.‖ Napanganga si Terra sa salaysay ni Edgar. Isang dugong bughaw pala ang ninuno ni Edgar. ―Maraming nagkakainteres sa kuwintas na ‗yan. Actually, one museum offered me two million dollars pero tinanggihan ko. It‘s been with my family for so long and I cannot afford to lose it.‖

Habang nakikilala ni Terra ang kuwintas ay lalo itong humihigpit sa kanyang leeg. Nang hindi na siya nakatiiis ay hinubad na niya ito at ibinalik kay Edgar. ―Ayoko niyan, baka mawala ko pa.‖ Tumawa si Edgar. ―Hindi ito mawawala unless somebody intentionally takes it.‖ Pakiramdam niya ay pasaring iyon ni Edgar. Ngunit kung totoong may nalalaman na ito ay bakit napakabait pa rin nito sa kanya. Dapat sana ay may mga pulis ng umaresto sa kanya. ―L-lagi mo bang suot ‗yan?‖ Hindi alam niya kung tama nga bang itanong niya iyon ngunit hindi niya napigilan ang kanyang sarili. ―Inside the house, yes,‖ sagot ni Edgar. ―It‘s too risky wearing this outside. My mother warned me of that.‖ Ibig sabihin ay iniiwan ni Edgar ang kuwintas sa kuwarto nito kapag umaalis, at suot-suot nito iyon sa loob ng bahay. Tama ang plano ni Mariana na hintayin na lang nilang umalis papuntang abroad si Edgar saka nila papasukin ang kuwarto nito.

Seven Naging araw-araw ang pagkikita nila ni Edgar sa garden, at sa bawat araw ay napapansin niyang nahuhulog na nga ang loob sa kanya ng binata. Halata ito sa ningning ng mga mata nito at sa mga ngiti nito sa tuwing tumitingin ito sa kanya. Sa loob ng isang linggo ay marahil nakilala na niya ng lubos si Edgar, maging ang ama nitong si Ignacio Montero na lagi nitong bukambibig. Ngunit hindi lang si Edgar ang nakadarama ng ganun, kumakatok na rin ang pag-ibig sa kanyang puso. Masaya siya kapag kausap niya ang binata, ngunit tuwing mag-isa na lang siya‘y nahihirapan ng husto ang loob niya. May isang umagang hindi niya nadatnan si Edgar sa garden. Nagtaka siya kung bakit hindi ito dumating samantalang may usapan silang bawat umaga ay magkikita sila sa garden bago magbreakfast. Makaraan ang kalahating oras ay bumalik na siya sa loob ng bahay, at nagulat na lang siya ng makita si Edgar na seryosong nakikipag-usap sa isang ginoo sa paanan ng hagdanan. Natigil sa pag-uusap ang dalawa ng napansin ng mga ito ang pagdating niya. Nagtaka si Terra ng sumulyap si Edgar sa ginoo bago ngumiti sa kanya. Parang may kahulugan iyon. ―Good morning, Terra. Pasensiya na hindi kita napuntahan sa garden. I have a surprise visitor here.‖ Tumango si Terra at lumapit sa kanila. ―Good morning.‖ ―Meet Attorney Reyes. He‘s a private investigator. I hired him for you.‖ Lihim na kinilabutan si Terra. Hindi niya inakalang may kinuhang imbestigador pala si Edgar. ―Nice to meet you, Attorney.‖ Pilit ang kanyang ngiti ng kamayan siya ng abogado. ―Nice to meet you too. You bloom like the roses in the garden.‖ Nangiti siya sa papuri ni Attorney Reyes. ―Thank you very much.‖

―Anyway, I have to go now. Napadaan lang ako dito sandali. May naghihintay pa sa aking client.‖ Pinanood niyang lumabas ang abogado, at ng wala na ito ay nagkatinginan sila ni Edgar. Napansin niya ang isang suitcase sa paanan nito. ―May pupuntahan ka?‖ Tumango si Edgar at binuhat ang suitcase. ―Could you walk me to the door?‖ Paglabas nila sa main door ay may naghihintay doon na kotse, at si Carlos ang driver nito. Ipinasok muna ni Edgar ang suitcase bago ito muling humarap sa kanya. ―I need to go to the States. Biglaan kasing may tumawag kanina. I‘ll be back maybe after a week or two.‖ Napanganga si Terra at para bang may kumurot sa kanyang puso. Ibig sabihin ay hindi niya masisilayan si Edgar sa loob ng dalawang linggo. ―Don‘t worry.‖ Hinawakan ni Edgar ang kanyang kamay ng marahil ay napansin ang lungkot sa kanyang mga mata. ―It‘s only a short while. Sana, pagbalik ko andito ka pa… I‘ll miss you.‖ Malungkot ang nagingngiti niya. ―I‘ll miss you too.‖ Matagal na hindi umimik si Edgar, nanatili itong nakakatitig sa kanya. ―While I‘m gone, please consider this your home.‖ Nagpaalam na ito. Pinanood niya ang paglayo ng sasakyan hanggang ito‘y nawala sa kanyang paningin. Parang inulan ang kanyang puso. Dalawang linggo. Parang napakatagal ng dalawang linggo. *** Nalungkot siya sa pag-alis ni Edgar, subalit iyon ang hinihintay nilang pagkakataon. Kinagabihan ay hinintay nila ni Mariana ang hating gabi bago sila nagtungo sa master‘s bedroom. Nagmasid si Mariana sa paligid habang si Terra ay sinubukang buksan ang nakalock na pinto. ―Ano ba ‗yan, hindi mo pa ba ‗yan nabubuksan?‖ Nagreklamo na si Mariana. Kanina pa sila doon at natatakot na itong baka may makakita sa kanila. ―Ang hirap kaya nito!‖ galit na sagot ni Terra. Hindi kasi alam ni Mariana kung gaano siya nahihirapan sa lock na iyon. ―Hindi naman ito kagaya ng mga bulok na kandado sa atin. Ikaw kaya kung kaya mo.‖ ―Oo na, oo na. Sige ipagpatuloy mo lang ‗yan.‖ Isang oras pa ang lumipas. Nangangawit na si Mariana a katatayo at panay ang buntung-hininga. Parang gusti uli nitong magreklamo subalit pinipigilan lang nito. ―Mariana.‖ Humihingal na siyang umupo sa sahig. ―Mas madali siguro kung nanakawin na lang natin ang susi. Parang imposible ito.‖ Nag-isip-isip si Mariana at tinabihan siya. ―Ganito na lang. Subukan uli natin bukas ng gabi. Kung hindi mo pa rin mabuksan, pagtulungan nating nakawin ang susi sa matanda.‖ Nang sumunod na gabi ay muli nilang sinubukang buksan ang lock, ngunit inabot na sila ng alas-kuwatro ay hindi pa rin sila nagtatagumpay.

Kailangan na nilang nakawin ang susi. Yun na lamang ang paraan para makapasok sila sa kuwarto ni Edgar. Subalit nabigo rin ang plano nilang nakawin ang susi. Ni hindi sila nakakuha ng pagkakataong makapasok sa kuwarto ni Dolor dahil laging may tao sa paligid, at kung gabi naman ay maaga itong natutulog. Sa pagkainip ay hindi napigilang sabihin ni Terra ito kay Mariana. ―Ano kaya kung buksan ko yung kuwarto niya sa gabi tapos igapos natin siya saka natin nakawin yung susi.‖ ―Gaga! Delikado yun,‖ sagot naman ni Mariana. ―Gusto ni bosing malinis ang trabaho natin. Kapag nagpadalos-dalos tayo, delikado ang lagay natin.‖ ―Ano ng gagawin natin ngayon?‖ ―Subukan uli nating buksan ang pinto ni Sir Edgar. Malay mo baka magtagumpay rin tayo.‖ ―Nakakapagod kasi, eh. Ikaw naman kaya? Baka kaya mo.‖ ―Kung kaya ko di hindi na sana kita tinawag pa. Kaya nga sinama kita dito kasi ikaw lang ang kakilala kong magaling sumungkit.‖

Eight Sampung araw na ang mabilis na lumipas ay wala pa ring magandang kinalabasan ng sakripisyo nila. Anumang oras ay babalik na si Edgar, ngunit hanggang doon pa lang ang nagagawa nila. Marahil ay naiinip na si Vargas sa paghihintay. ―Mariana,‖ ani Terra habang hirap na hirap na sinusungkit ang lock. ―Huli na talaga ‗to. Napapagod na ako. Wala naman yatang katuturan itong ginagawa natin.‖ ―Subukan mo lang baka suwertehin tayo.‖ ―Sabihin na lang kaya natin kay Vargas na hindi natin mabuksan. Baka may iba siyang plano.‖ Napakamot si Mariana sa kanyang batok. ―Sige, huli na ‗to. Kapag—.‖ ―Click!‖ Nagulat silang dalawa ng marinig ang tunog na yun. Hindi sila makapaniwala na sa wakas ay nabuksan na rin ang pinto. Dahan-dahang tumayo si Terra at ng hawakan ang doorknob ay bumukas nga ang pinto. Halos mapasigaw sila sa tuwa. Mabuti na lang at hindi sila sumuko agad. Si Terra ang pumasok sa kuwarto. Si Mariana ay nanatiling nakabantay sa labas. Kinapa ni Terra ang switch sa dingding at ng lumiwanag ang paligid ay namangha siya sa laki at ganda ng kuwarto. Una niyang nasilayan ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding. Nilapitan niya iyon at pinagmasdan ang larawan ng isang magandang babae. Sa ibaba ay nakaukit ang pangalang Flordeliza Montero, ang ina ni Edgar. ―Terra, ano ba? Dalian mo!‖ anas ni Mariana na biglang sumilip sa pinto. Kumilos naman siya agad at naghanap sa paligid. Napansin niya ang

drawer ng mesa sa harap ng malaking salamin. Hindi malayong doon nakatago ang hinahanap niyang kuwintas. Naka-lock ang drawer ng hilain niya kaya‘t lalo pa siyang nakumbinsi na doon nga nakatago ang kuwintas. Kinapa niya ang panungkit sa kanyang bulsa. Kung nakaya niya ang pinto ay mas madali ang drawer na ito. Pagtirik pa lang niya ng alambre sa butas ay nagulantang siya ng umalingawngaw ang isang malakas na tunog, katulad ng tunog ng ambulansya. Tumayo siya at tumingin-tingin sa paligid. Hindi niya matunton ang pinanggagalingan ng tunog. ―Security alarm! Halika na, takbo na tayo!‖ Agad siyang hinila ni Mariana palabas ng kuwarto. Hindi na nila nagawang ilock pa ang pinto dahil naririnig na nila ang mga nagkakagulong tao sa ibaba. Nakahinga sila ng maluwag ng makapasok sila sa kuwarto ni Terra at sinara agad ito ni Mariana. Ilang segundo lang ang lumipas ay may mga yabag na silang narinig na paakyat ng hagdanan. Hinihingal silang umupo sa sahig at sumandal sa dingding. Ipinagdasal nilang sana‘y hindi sila kakatukin. ―Pesteng buhay ‗to!‖ anas ni Mariana makaraan ang mahabang sandali. Bumaba na rin ang tensyon sa labas. ―Sino ba kasing may akalang may security alarm pala doon?‖ Hindi umimik si Terra na hanggang sa sandaling yun ay kagat-kagat pa rin ang nanginginig niyang mga daliri. ―Kahit naman pala akitin mo si Sir Edgar wala ring kuwenta… dahil diyan sa letseng alarm na ‗yan.‖ ―Paano ba nag-alarm ‗yun?‖ tanong ni Terra na hindi lubusang maunawaan ang mga alarm na tinutukoy ni Mariana. ―For secutiry ‗yun. Naactivate yun kapag nagalaw ang pinaglagyan nila.‖ Matagal na nanahimik si Mariana. ―Puntahan kaya natin si Vargas? Baka may iba siyang plano.‖

Nine Hinaplos-haplos ni Vargas ang baba ng marinig ang kabuuan ng salaysay ni Mariana. Nakaupo silang tatlo sa dining table ng hideout. ―Mautak din pala ang Monterong ‗yan.‖ ―So ano pong gagawin namin ngayon?‖ tanong ni Mariana. ―Hindi naman kami marunong mag-deactivate ng alarm.‖ Kay Terra tumingin si Vargas. ―May kasunduan tayo, hindi ba?‖ Nagulat si Terra at halos hindi nakapagsalita. ―Ah—.‖ Biglang bumilis ang kanyang pulso. ―Ganun nga po.‖ ―Since sabi mong suot-suot niya ang kuwintas kapag nasa bahay siya, grab the chance to kill him.‖ Natulala sila ni Mariana. Sa mga nakaraang araw ay nakaligtaan niyang may balak nga pala si Vargas na ipapatay si Edgar. ―B-bakit po ba kasi kailangan pa niyang patayin si Sir Edgar?‖ Si Mariana ang unang nakapagsalita.

―Wala na kayong pakialam doon,‖ mariing sagot ni Vargas. ―Gawin niyo na lang ang trabaho niyo.‖ ―Eh, boss.‖ Nanginginig ang mga labi ni Terra. ― Para po kasing hindi ko kayang pumatay—.‖ ―Nagkasundo na tayo noon, hindi ba?‖ Parang napaso si Terra sa talim ng tingin ni Vargas. Lalo siyang natakot kaya‘t yumuko na lamang siya. ―Huli na para umatras ka pa. Kasabwat ka na namin ngayon kaya‘t kami na lang ang mga kakampi mo. Sa halagang isang milyon, patayin mo si Edgar Montero sa loob ng isang linggo.‖ Napalunok silang dalawa. ―Paano po kung hindi pa siya bumabalik?‖ naglakas loob na itinanong ni Mariana. ―Sige.‖ Kinonsedara ni Vargas ang tanong nito. ―Isang buwan ang palugit ko sa inyo. Napakahabang panahon na ang binibigay ko sa inyo. Kapag nabigo pa kayo, huwag niyo ng itanong kung ano‘ng gagawin ko sa inyo.‖

Ten Mataas na ang araw ng magising si Terra. Pagdilat pa lang niya ay nakita na niya ang naggagandahang mga bulaklak na nakapalamuti sa kanyang kuwarto. Bumangon siya at pinagmasdan ang mga ito. Maganda naman pala ang mga bulaklak na dati-rati ay hindi niya binibigyang halaga. May card siyang nakita sa ibabaw ng mesa. Nakasaulat ang pangalan niya sa envelope, at galing iyon kay Edgar. For the most beautiful girl I’ve ever seen. Thank you for coming into my life. Love, Edgar. Nangiti si Terra. Natutuwa siya, ngunit sa isang sulok ng kanyang puso ay may pagdadalamhati at panghihinayang. Napakaganda sana itong panaginip, ngunit bakit kailangang humantong sa ganito ang pangayayari? ―Ang bait ni Sir Edgar ano?‖ Nabitawan ni Terra ang card at nahulog ito sa sahig. Pinapanood pala siya ni Mariana. Malungkot ang ngiti ni Mariana. Naglaho ang sigla sa mga mata nito. ―Inorder niyang lahat ‗yan para sa‘yo. Napakasuwerte mo.‖ Batid ni Terra na kinokonsensiya siya ni Mariana. Kung may magagawa lang sana siya ay ayaw niyang pumaslang ng sinuman lalong-lalo na si Edgar, ngunit hindi niya kayang isakripisyo ang buhay nilang magkaibigan. ―Dumating na siya kagabi matapos niyang malaman ang nangyari nung isang araw. Natakot nga ako na baka paghinalaan tayo, pero base sa narinig kong usapan kanina, pinalagay nilang may mga taong labas na nakapasok dito sa loob… kaya pinalagyan nila ng alarm ang pinto.‖ Lumapit si Mariana sa kanya. ―Hindi na tayo maaari pang pumasok doon. Wala na rin akong maitutulong. Hawak mo na ngayon ang kapalaran natin.‖ Napalingon si Terra sa kaibigan. Ibig ba nitong sabihin ay mag-isa na lang siya ngayon. ―Huwag mo naman akong iwan.‖

Matagal na nanahimik si Mariana. ―Terra, papatayin mo ba talaga si Sir Edgar?‖ Tinitigan lang niya ang kaibigan, at saka siya tumalikod. Hindi niya alam ang kanyang isasagot. Muli siyang nakadama ng takot. Parang gusto niyang umiyak sa tuwing naiisip niya ang pagpatay kay Edgar. ―Terra?‖ Hinawakan ni Mariana ang balikat niya. Naghihintay ito ng kasagutan. ―H-hindi ko alam… Pag-iisipan ko.‖ Dalawang araw na nagkulong si Terra sa kanyang kuwarto. Ayaw na niyang makita pang muli si Edgar. Kailangan niyang iwasan ito at ng hindi pa lalong umusbong ang tinatago nilang damdamin sa isa‘t-isa. Wala naman sigurong masama kung palilipasin niya ang ilang araw hanggang magkaroon siya ng sapat na tapang para isagawa ang kanyang balak. Sa ikatlong araw ng kanyang pagsasakit-sakitan ay hindi niya akalaing dadalawin siya ni Edgar sa kanyang kuwarto. Pagdilat na lang niya‘y naroon na ito‘t nakaupo sa tabi niya, hinahaplos ang kanyang noo. ―How do you feel now?‖ tanong ni Edgar. ―Mister Montero, kayo pala,‖ aniya at dahan-dahang bumangon. Iniwasan niya ang muling pagkikita nila ni Edgar, subalit ngayong narito na ito sa tabi niya at nakangiti ay para bang pinanabikan niya ito ng husto. ―The least thing you can do for me is call me by my name.‖ Yumuko si Terra. Nabihag na naman siya ng ningning ng mga mata nito. Ito ang siyang sandata ni Edgar na hindi niya malabanan. Hinawakan ni Edgar ang kanyang baba upang tumingin ito sa kanyang mga mata. ―Can I hear you say it?‖ ―Yes… Edgar,‖ namimilipit ang dila niyang sagot. ―That‘s better.‖ Tumawa si Edgar at marahan nitong hinawakan ang gilid ng kanyang mukha. ―How do you feel now?‖ ―I‘m alright, medyo--.‖ Napapikit siya ng maramdaman ang daliri ni Edgar na marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. Nakaramdam siya ng kaaya-ayang init. ―I miss you.‖ Namula si Terra. Iniwasan niya ang malagkit na titig nito. ―Kumusta nga pala ang trip mo sa States?‖ ―Fine,‖ sagot ni Edgar. ―Kailangan ko lang bumalik ng wala sa schedule dahil sa nangyari dito. Are you aware na may nakapasok dito sa mansyon. They broke into my room, and I know just what exactly they were trying to steal.‖ ―A-ano yun?‖ Nagmaang-maangan si Terra. ―The necklace that I told you about.‖ ―Really? Akala ko ba walang nakakaalam dun?‖ ―Yun ngang ipinagtataka ko, kaya nga naisip ko baka isa sa mga kamag-anak ko ang nag-utos nun. Mga angkan lang ng mga Montero ang nakakaalam ng tungkol sa kuwintas na ‗yun.‖ Napanganga si Terra. Mga angkan lamang ba ng Montero? Pero bakit alam ito ni Vargas? Ibig bang sabihin ay kamag-anak nila si Vargas? O hindi

naman kaya may ibang taong nag-utos kay Vargas, at itong tao ring ito ang nagutos na ipapatay si Edgar? ―I hope I‘m not talking to myself.‖ Naantala ang pagmumuni-muni ni Terra. May sinasabi pala si Edgar sa kanya. ―I‘m sorry. What did you say?‖ ―I was asking if you‘d like to go out with me tonight.‖ Napatingin siya sa binata at muling namula ang kanyang pisngi. Seryoso ang mukha nito at naghihintay ng kasagutan. ―…Sure, Mister Montero, I mean, Edgar.‖ Ngumiti si Edgar. ―Thank you. I‘ll wait for you at the hall by six. Will that be alright?‖ Tumango si Terra. Ilang saglit pa silang nagkatitigan bago tumayo si Edgar at nagpaalam. Ng magsara ang pinto ay ibinato niya ang hawak na unan. Naiinis siya sa sarili niya. Kung bakit humihina ang kanyang depensa at kung bakit dinalaw pa siya ni Edgar. Worst, lalabas pa sila mamayang gabi, at silang dalawa lang. *** Alas-onse na ng makauwi sila ng gabing ‗yun. Marami silang pinuntahang magagandang lugar, napakaganda ng pinanood nilang opera, at napakasarap ng pagkain sa restaurant, ngunit hindi nag-enjoy si Terra. Laging sumasagi sa kanyang isip ang nalalapit ng kamatayan ni Edgar. ―Thanks for the wonderful evening,‖ ani Edgar ng nasa tapat na sila ng kanyang kuwarto. ―I just noticed that you seem bored. Are you still sick?‖ Pinilit niyang ngumiti. ―No. May iniisip lang kasi ako.‖ ―Tungkol saan?‖ ―Tungkol sa… About myself, my past.‖ Naglaho ang ngiti ni Edgar. ―Does that mean your heart is still somewhere else?‖ Hindi niya halos maunawaan ang ibig nitong sabihin kaya‘t wala rin siyang naisagot. ―Anyway, Attorney Reyes is still working on that. Don‘t worry.‖ Tumango si Terra. Naparam ang kanyang ngiti ng mapansin niya ang napakalagkit na titig ng binata sa kanya, papalapit ang mga labi nito. Nanlambot ang mga tuhod niya ng maramdaman ang init ng mga labi ni Edgar. Kulang na lang ay mawalan siya ng balance at bumagsak sa sahig. Nangiti si Edgar ng matapos ang halik at nakitang tulala pa rin siya. ―Goodnight,‖ mahina nitong ibinulong at tumalikod na papalayo. Nang nakaalis na ito ay napaluhod siya sa sahig. Pinagsisisihan niya ang gabing ito. Kung sana‘y pinatay na niya si Edgar noong mga nakaraang araw ay hindi sana siya nahihirapan ng ganito ngayon. Pagpanhik niya sa kanyang kuwarto, makaraan ang ilang minuto, ay biglang bumukas ang lamp shade. Napaatras siya, ngunit nakahinga rin siya ng maluwag ng mamukhaan niya si Carlos na nakaupo sa kama. ―Ano‘ng ginagawa mo rito?‖ tanong niya sa lalaki at isinara ang pintuan.

Tumayo si Carlos. ―Pasensiya ka na, Terra. May ipinagbilin lang si bosing.‖ ―Ano yun?‖ ―Nalaman niyang dumating na si Sir Edgar, kaya gusto niya patayin mo na si Edgar ngayon din bago pa siya umalis uli papuntang abroad.‖ ―Akala ko ba isang buwan ang palugit niya?‖ ―Hindi ko alam kung anong napag-usapan niyo pero yun ang bilin niya. Bilis-bilisan mo raw kumilos hangga‘t hindi pa nila tayo pinaghihinalaan. Kapag nagtagal pa tayo dito baka mabisto pa tayo, lalo na‘t pinaiimbestigahan na ni Sir ang trepasser sa kanyang kuwarto.‖ Walang maisagot si Terra. Muli na naman siyang sinakluban ng takot. ―Sige,‖ pamamaalam ni Carlos. ―Kung natapos mo na ang trabaho mo puntahan niyo lang ako sa baba. Isama mo na rin si Mariana at tutulungan ko kayong tumakas.‖ ―Carlos?‖ Tinawag niya ito bago pa makalabas ng back door. ―Ano‘ng gagawin ko? Hindi pa ako nakakapatay ng tao?‖ Bumuntung-hininga si Carlos. Parang naaawa ito sa kanya. ―Bakit ba kasi hindi mo inisip yan ng tanggapin mo ang trabahong ito? Ngayon ka pa nagsisisi? Ngayong huli na ang lahat?‖ Tumulo na ang mga luhang pinipigil ni Terra. ―Hindi ko kasi alam na murder pala ang ipapagawa niya sa akin… Carlos, sumuko na lang kaya tayo. Sabihin natin ang totoo kay Edgar, baka sakaling mapatawad niya tayo.‖ Napamulagat si Carlos. ―Huwag na huwag mong gagawin ‗yan.‖ Halos bantaan siya nito. ―Parang awa mo na, walang trabaho ang asawa ko at pito ang anak ko. Hindi ako maaaring makulong. Si Mariana may kapatid din siyang umaasa sa kanya. Mabuti ikaw mag-isa mo. Paano naman ang mga iiwanan namin?‖ ―P-pero—.‖ Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Naiintindihan niya si Carlos. ―Mangako kang hindi mo gagawin yan dahil kung hindi isusumbong kita kay bosing ngayon din.‖ Tumango siya, at bago umalis si Carlos ay nagpahabol pa ito. ―Siguraduhin mo nga palang suot ni Edgar ang kuwintas kapag pinatay mo siya. Ikaw na ang bahalang dumiskarte.‖ Parang dinudurog ang puso ni Terra ng maiwanan siyang mag-isa. Kalmado pa siya noong pagnanakaw pa lamang ang iniisip nila, ngunit ngayong pagpatay na ang kinakaharap niya ay parang mababaliw na siya. Napakabait ni Edgar sa kanya. Kakayanin man niya itong nakawan ngunit hindi niya ito kayang patayin. Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at may kinuha sa ilalim ng kanyang unan. Pinagmasdan niyang mabuti ang nangingintab na dagger, ang daggger na nagpapaalala sa kanyang ama, at ang dagger din na tatapos sa buhay ni Edgar Montero. Ngayong gabi na niya tatapusin ang kanyang trabaho. Kung patatagalin pa niya ito‘y lalo lang siyang mahihirapan. Hangga‘t hindi pa buo ang umuusbong na damdamin sa kanyang puso ay kailangan na niyang tapusin ito.

Eleven Alas-tres ng madaling araw ay ginapang ni Terra ang dilim papunta sa kuwarto ni Edgar. Inihanda niya ng husto ang kanyang sarili subalit hindi pa rin niya tuluyang maiwaglit ang takot na bumabalot sa kanyang pagkatao. Kumatok siya ng ilang beses sa pinto ngunit walang sumasagot. Ibig sabihin ay wala si Edgar sa kuwarto. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta sa ganitong oras. Kailangan niyang hanapin si Edgar. Ngayong buo na ang kanyang desisyon ay hindi na magbabago ang isip niya. Kung ipagpapabukas pa niya ito ay baka lumambot pang muli ang kanyang damdamin. Bumaba siya ng hagdanan at napansin niyang bukas ang pinto ng library at may ilaw sa loob. Dahan-dahan siyang sumilip. Naroon nga si Edgar. Nakatalikod itong nakaupo sa working table nito. Abala ito sa trabaho kaya‘t hindi siya nito napansin. Ito na ang tamang pagkakataon. Pinakiramdaman niya ang dagger sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumapit sa nakatalikod na binata. Huminto siya, mga dalawang metro ang layo, at ng kapain niyang muli ang dagger ay napansin niyang may anino pala siya sa tapat mismo ni Edgar. Natulala siya, at nakita na lang niyang nakatingin na ito sa kanya. ―S-sorry.‖ Halos hindi makapagsalita siya sa magkahalong kaba, takot, at disappointment. ―Akala ko walang tao rito.‖ Ngumiti si Edgar at tumayo. ―What‘s the matter? Can‘t sleep?‖ Tumango siya. ―Magbabasa sana ako.‖ Lumapit sa kanya si Edgar at tinitigan siyang muli. ―Don‘t you think it‘s too late for that.‖ ―Y-you‘re right,‖ sagot niya. ―Bukas na lang ako magbabasa.‖ Napakunot-noo si Edgar. ―You look restless. Is there something bothering you?‖ Umiling siya ngunit marahil ay napansin ni Edgar ang kanyang panginginig at ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi maikukubling may kinatatakutan siya. Banayad nitong hinawakan ang kanyang mukha para tumingin siya sa mga mata nito. ―Are you okey? Tell me what‘s wrong so I can help you.‖ Gusto nang lumayo ni Terra ngunit kung aatras siya‘y pakakawalan niya ang perpektong pagkakataon. Kailangan niyang mag-isip kung ano‘ng dapat niyang gawin. Nang tumingin siya sa mga mata ni Edgar at nakita ang pag-aalala nito ay nanlambot ang kanyang puso. Sa kahinaan niya‘y parang gusto niyang humagulgol sa iyak. ―Oh, Terra! It‘s okey, I‘m here for you,‖ ani Edgar at niyakap iya ng mahigpit.

Galit si Terra sa kanyang sarili, at galit din siya kay Edgar. Nais niya itong suntukin at tawaging tanga dahil gusto pa siya nitong tulungan sa tangka niyang pagpatay dito. Lalo pang naantig ang kanyang damdamin ng halikan at haplushaplusin ni Edgar ang mahaba niyang buhok. Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya. Parang may giyerang nangyayari sa pagitan ng kanyang puso at isipan. Kinapa niya ang dagger sa kanyang bulsa. Akmang bubunutin na niya ito ng makarinig sila ng nabasag na pinggan sa labas ng library. Kapwa sila napalingon, ngunit maya-maya‘y binalewala ito ni Edgar at tinitigan siya sa mata. ―Don‘t be scared. I promise I‘ll protect you even if it will cost my life.‖ Napayakap siya ng mahigpit sa binata. Hindi niya kayang gawin ang utos ni Vargas. Hindi niya kayang patayin ang isang taong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya. Lalo pang humigpit ang mga bisig ni Edgar sa balingkinitan niyang katawan. Napapikit siya at unti-unting naglaho ang kanyang takot. Pakiramdam niya‘y wala ni anumang kapahamakang makakalapit sa kanya hangga‘t nasa bisig siya ni Edgar. Hindi sinasadya ay napahawak siya sa dibdib ni Edgar at nakapa niya ang pendant na nasa ilalim ng shirt nito. Nagkatinginan silang dalawa. Nanunuyo ang mga mata ni Edgar at papalapit na ang mga labi nito. ―Ed—gar!‖ Muling napapikit si Terra at tinugunan ang halik ni Edgar. Tuluyan na siyang nadakip ng binata. Nakalimot na siya sa mundo. Nakalimutan na rin niya ang masama niyang balak. ―Terra!‖ Napaungol si Edgar at dahan-dahang gumapang ang mga kamay nito sa hubog ng kanyang katawan. May kung anong nagising sa pagkatao ni Terra, isang damdaming hindi niya halos maunawaan. Napakapit siya sa balikat ni Edgar, at ang isang kamay niya‘y dumulas sa dibdib nito. Nang muling maramdaman ni Terra ang pendant ay dahan-dahang umurong ang kanyang palad. Nagulat na lang siya ng hawakan ni Edgar ang palayo niyang kamay at sila‘y muling nagkatitigan. Parang nasa ulap si Terra habang pinagmamasdan ang malagkit at nagniningning na mga mata ng binata. Hindi isang milyon ang kanyang nakita, kundi isang mabanay na apoy ng pagibig. ―I need you, Terra.‖ Napakahina ng bulong ni Edgar at inilapat ang palad niya sa dibdib nito. ―Please stay with me.‖ Nang halikan siyang muli ni Edgar ay nagulat si Terra. Sa panga siya hinalikan ng binata, at napakagat siya sa kanyang labi ng dumulas pababa sa kanyang leeg ang nag-aalab na halik ni Edgar. Napakapit siya sa dibdib nito. Tuluyan na siyang nakalimot. Wala na siyang iba pang maramdaman kundi ang mga nag-aalab na mga labi ni Edgar na sumasakop sa buo niyang pagkatao. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari, ngunit nagtaka na lang siya ng dahan-dahang lumayo si Edgar sa kanya. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay hawak-hawak ni Edgar ang punyal. Napamulagat siya. Hindi niya napansin na nakapa pala nito iyon sa kanyang bulsa.

Takang-taka si Edgar habang tinititigan ang dagger, at kunot-noo itong tumingin sa kanya. ―…Terra?‖ Napaurong siya at muling nagbalik ang takot sa kanyang mukha. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. ―Terra,‖ muling nasambit ni Edgar at lumapit sa kanya. ―Bakit may dala kang--?‖ Kabado si Terra subalit nalalaman niyang kailangan niya itong lusutan, kung hindi ay hindi siya mapapatawad ni Vargas. ―N-natatakot kasi ako. Pakiramdam ko kasi may nagmamasid sa akin, kaya--.‖ ―…Natatakot ka ba na baka makidnap ka uli?‖ Si Edgar na mismo ang gumawa ng palusot niya. Tumango siya para ipakita ang kanyang pagsang-ayon. Ngumiti si Edgar at hindi na nagtaka pa. Ibinalik nito ang dagger sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. ―Listen to me, Terra. As long as you‘re inside this house, I swear that nothing will harm you. Trust me, okey?‖ Muling tumango si Terra. Estupido talaga ang lalaking ito para protektahan ang mismong taong kikitil sa buhay nito. ―I‘ll just fix my things at sasamahan kita sa kuwarto mo,‖ ani Edgar at tumalikod para ayusin ang mga nagkalat na papel sa mesa. Ito na ang pagkakataon ni Terra. Hawak na niya ang punyal at ititirik na lamang niya ito sa likuran ng lalaki. Akala niya‘y magtatagumpay na siya, subalit nanginig ang kanyang mga kamay at hindi siya nakagalaw. Noong pinasok niya ang trabahong ito ay inakala niyang makakaya niya dahil hindi naman niya kakilala ang taong papatayin niya, subalit hindi pala ganoon kadali, lalo na‘t sumisigaw ang kanyang damdamin. Umiibig siya kay Edgar, at alam niyang iniibig din siya nito. Sa panginginig ng kanyang kamay ay nabitawan niya ang dagger. Gulat na lumingon sa kanya si Edgar. ―Terra?‖ Naluluha ang mga mata niyang napatingin kay Edgar. Makaraan ang ilang sandali ay pinulot niya ang dagger at mabilis na tumakbo palabas ng library. ―Terra!‖ Hinabol siya ni Edgar hanggang sa itaas ng hagdanan, at ng makapasok siya sa kanyang kuwarto ay ni-lock niya ang pintuan. Ilang beses na kumatok si Edgar ngunit hindi niya ito pinagbuksan. ―Terra, I hope you‘re alright there. Kung may kailangan ka just come to me, okey?‖ Iyon ang huling narinig niya mula dito. Napaupo siya sa sahig at niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Kasalanan niya kung bakit naging mahina siya. Twelve ―Terra, andito ako.‖ Napalingon si Terra at nakita niya si Mariana na nagtatago sa kusina. Papunta na sana siya sa servants quarter para hanapin ito. Pumasok siya sa kusina, at sinara ni Mariana ang pinto. ―Mariana, kailangan ko ng tulong mo.‖

Nagtaka si Mariana. ―Bakit?‖ ―Mariana, kasalanan ko ito. Nilagay ko sa panganib ang buhay mo, kaya kailangan kong gawin ito.‖ ―Anong gusto mong mangyari? Akong papatay kay Sir Edgar? Diyos ko! Hindi ko kaya!‖ ―Alam ko yun.‖ Pinakalma niya ang kaibigan. ―Sinubukan ko, pero hindi ko talaga kaya. Suko na ako pero iniisip ko kayong dalawa ni Carlos.‖ Suminghot-singhot si Mariana. Hindi napansin ni Terra na umiiyak na pala ito. ―Ang totoo Terra sinadya kong basagin ang pinggan kanina. Akala ko kasi papatayin mo na talaga si Sir Edgar.‖ Nanlaki ang mga mata ni Terra. ―Sira ulo ka ba? Akala ko ba gusto mong mabuhay?‖ ―Naawa ako kay Sir Edgar. Napakabait niya sa atin.‖ Naiyak na rin si Terra. ―Lalo mo naman akong pinapahirapan eh. Namimili lang naman ako sa inyong dalawa kung sino ang bubuhayin ko. Pinili kita dahil matagal na kitang kaibigan. Kahit lagi mo akong tinutukso.‖ Tumama iyon sa puso ni Mariana. ―Binibiro lang naman kita eh. Ang iniisip ko lang naman, ano ba tayo kumpara kay Sir Edgar? Kahit siguro mamatay tayo ni hindi tayo ipagluluksa. Kumbaga mga basura lang tayo sa paligid, pero si Sir Edgar, maraming umaasa sa kanya. Terra,‖ huminga ng malalim si Mariana. ―Ayokong mamatay si Sir Edgar, pero ayaw ko ring makulong.‖ Matagal na nag-isip si Terra habang nakatitig sa mga mata ni Mariana. Hindi naman pala ito ganap na demonyita na gaya ng inakala niya noong mga bata pa sila. ―Bantayan mo si Sir Edgar. Pupuntahan ko si Vargas ngayon.‖ ―Ha?‖ Saglit na natulala si Mariana. ―Ano bang sinasabi mo?‖ Huminga ng malalim siya ng malalim at iniabot ang punyal sa kaibigan. ―Kunin mo ito.‖ Nagulat si Mariana. ―Bakit?‖ ―Protektahan mo ang sarili mo kung sakaling may magtangka sa‘yo. Kapag hindi pa ako bumabalik ng alas otso, ibig sabihin patay na ako. Sabihin mo na rin ang lahat kay Edgar. Magkunwari kang narinig mo lang akong may kausap sa telepono para hindi ka madawit.‖ ―Terra, ano bang sinasabi mo? Ayokong mapahamak ka!‖ Hindi niya ito pinansin at tumalikod na. ―Terra! Terra!‖ Hindi na muli pang lumingon si Terra. Alam niyang natatakot si Mariana sa maaaring mangyari sa kanya, subalit mas nanaisin na niyang mamatay na lamang kaysa pumatay ng tao. ―Bumalik kang buhay, parang awa mo na!‖ Nangiti siyang naluha. Ganun din ang pinagdarasal niya. Kailangan niyang harapin si Vargas. Alang-alang sa mga taong minamahal niya. *** Nanlalamig ang buong katawan ni Terra habang hinihintay niya si Vargas sa sala. Hindi niya alam kung sasang-ayon si Vargas sa opinyon niya

ngunit wala na siyang magagawa pa matapos siyang mabigo sa kanyang pagtatangka. Maaaring patayin siya ngayon mismo ni Vargas. Tumayo siya ng bumukas ang pinto. ―Pasensiya na po sa abala bosing.‖ ―O, ikaw pala,‖ balik ni Vargas na kagigising pa lang at humihikab na umupo sa harapan niya. ―Natapos mo na ba yung pinapagawa ko sa‘yo?‖ Nanginginig ang mga labi ni Terra. ―H-hindi pa po. K-kasi--.‖ ―Hindi ba‘t ang usapan natin ay huwag kang magpapakita rito hangga‘t hindi mo nakukuha ang kuwintas at napapatay si Montero? Ano‘ng ginagawa mo ngayon dito?‖ ―Eh.‖ Lalo siyang nanginig nang makita ang nangingislap na kidlat sa mga mata nito. ―Parati kasi siyang may kasama—.‖ Nagulantang siya ng biglang hampasin ni Vargas ang mesa sa harapan niya. ―Ang sabi ni Carlos ay parati daw kayong magkasama. Ginagawa mo bang trabaho mo o nagpapakasaya ka na sa loob ng mansyon? Sa oras na niloko mo kami ibubulgar ko ang tungkol sa pagkatao mo! Sama-sama kayong makukulong!‖ Napaurong si Terra sa mga nanlilisik na mga mata ni Vargas. Parang gusto siya nitong sakalin. ―Sinubukan ko naman kanina, eh. Pero hindi kasi niya suot yung kuwintas--.‖ Muling hinampas ni Vargas ang mesa. ―Matagal mo na sanang natapos ‗yan kung ginagamit mo yang utak mo. Ilang pagkakataon na bang pinalampas mo? Hihintayin mo pa bang maunahan ka nila?!‖ Napaiyak si Terra sa tindi ng kanyang takot. ―Hindi ko kasi kayang pumatay, kaya kung maaari nanakawin ko na lang yung kuwintas — Huwag!!!‖ Napasigaw si Terra at napaupo sa sahig ng itutok sa kanya ni Vargas ang isang kuwarenta‘y singko. ―Ang usapan natin ay papatayin ko kayo ni Mariana sa oras na mabigo kayo!‖ galit na wika ni Vargas habang papalapit kay Terra. ―Ikaw ang uunahin ko!‖ Sabay na tumili at pumikit si Terra ng itutok ni Vargas sa noo niya ang baril. Akala niya‘y pasasabugin na nito ang kanyang ulo, ngunit makaraan ang ilang saglit ay ibinaba ni Vargas ang baril. Dahan-dahan siyang dumilat at nakita niya si Vargas na kalmadong umupo. Tahimik na nagsindi si Vargas ng sigarilyo, habang si Terra ay pilit na pinatatahimik ang sarili. Hindi pa siya natakot ng ganito sa buong buhay niya. ―Ngayon, susunod ka na ba sa kasunduan, o papatayin na kita ngayon at kukuha na lang ako ng kapalit mo?‖ Tumango si Terra. Ngayong nakita niya kung paano magalit si Vargas ay wala na siyang susuwayin pang utos nito.

Thirteen

Mag-aalas-otso na ng makabalik si Terra sa mansyon. Sa backdoor siya dumaan para walang makahalata sa pagdating niya. Hinanap niya agad si Mariana bago pa nito makausap si Edgar. ―Si Mariana, pinuntahan po niya si Sir sa garden. May mahalaga raw siyang sasabihin,‖ sabi ng nakasalubong niyang katulong. Tumakbo siya kaagad papuntang garden. Sa malayo palang ay natanaw na niya ang dalawang nag-uusap. Ipinagdasal niyang sana‘y hindi siya nahuli ng dating. ―Mariana!‖ napasigaw siya ng makalapit siya sa kanila. Bumilog ang mga mata ni Mariana na nakakita sa kanya, samantalang si Edgar naman ay nagsalubong ang mga kilay. ―Ma‘am Terra!‖ Halatang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. ―May kailangan po kayo?‖ Nagkukunwari pa lang si Mariana. Naunawaan niyang hindi pa nito nasasabi ang lahat kay Edgar. ―Good morning,‖ nakangiting bati ni Edgar na lumapit sa kanila. ―Feeling better than last night?‖ Binalikan niya ito ng ngiti. ―Yes,‖ nahihiya niyang sagot. ―And I‘m sorry about what happened. I was paranoid.‖ Natawa si Edgar. ―So as I thought.‖ Muling nagsalubong ang mga kilay nito na parang may napansin sa kanyang mukha. ―Magdamag ka bang umiyak?‖ tanong nito. Hindi siya at yumuko. Hindi niya ito maipagkakaila. ―Ay, Sir Edgar,‖ mahinahong sabad ni Mariana. ―Marami pa po akong gagawin. Maiwan ko na muna kayo.‖ ―Sure, Mariana. Thanks for the information.‖ Nagulat si Terra sa tinuring ni Edgar. May sinabi nga dito si Mariana. Sumenyas sa kanya si Mariana bago umalis. Naintindihan niyang hihintayin siya nito sa kanyang kuwarto. ―May sinabi sa akin si Mariana kanina.‖ Kinabahan si Terra. Ayaw niyang tumingin kay Edgar dahil marahil ay alam na nito ngayon ang tunay niyang pagkatao. ―May mga nakita raw siyang mga taong umaali-aligid,‖ pagpapatuloy ni Edgar, ―at pinalagay niyang may balak silang pasukin ang mansyon.‖ Napalunok si Terra, ngunit pinagpatuloy pa rin niya ang pagkukunwari. ―Mga magnanakaw ba sila?‖ ―Mabuti kung magnanakaw lang,‖ sagot ni Edgar. ―Paano kung mamamatay tao sila?‖ Parang pasaring ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. Hindi niya mawari kung wala pa talaga itong alam o pinaiikot na siya nito. ―Huwag kang mag-alala,‖ anito na marahil ay nabasa ang takot sa kanyang mga mukha. ―Nothing will harm you as long as I‘m around. I promised you that last night, didn‘t I?‖ Pinilit niyang ngumiti. ―I know that.‖

―I‘ll be hiring more guards para masigurado ang safety niyo dito sa loob.‖ Saglit na huminto si Edgar at naningkit ang mga matang tumingin sa kanya. ―Especially you.‖ Bumilis ang pulso ni Terra. ―You‘re a very caring person. Thank you.‖ ―Just being responsible.‖ Na-conscious siya sa malagkit na tingin nito sa kanya. ―Pasok na muna ako sa loob. I need a shower.‖ Hindi na niya hinintay ang sagot ni Edgar at tumalikod na siya. Nakailang hakbang palang siya palayo ng tawagin siya nito. Huminto siya, subalit hindi siya lumingon. Naramdaman niya itong lumapit sa kanya at banayad siyang hinawakan sa magkabilang braso. ―I will not forget about last night,‖ ibinulong nito sa kanyang buhok. Biglaan ang panginginig niya ng maramdaman ang init ng katawan nito mula sa kanyang likuran. ―I love you, Terra.‖ Biglang lumingon si Terra at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Napakaseryoso ng mukha nitong nakatitig sa kanya, ngunit para sa kanya‘y isang bangungot ang kanyang narinig. Kahit naroon na mismo sa mga mata nito ang katibayan. ―Edgar, don‘t…‖ Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. ―Huwag mo sana akong biruin.‖ Inabot nito ang kanyang kamay at hinila siyang muli palapit. ―I do love you,‖ muli nitong ibinulong habang nakatitig sa kanyang mga mata. ―From the day I rescued you, while you were lying unconscious in my arms… I felt this feeling that I haven‘t felt for so long.‖ Nanginig ang mga labi ni Terra. Noon pa niya naramdaman na may pagtingin sa kanya si Edgar, ngunit ngayong narinig na niya mismo sa bibig nito ay kung bakit ikinatakot niya ito. Para sa kanya‘y wala sila sa tamang pagkakataon para magmahalan. Lalo lang magiging komplikado ang lahat. ―You don‘t mean that.‖ ―Terra.‖ Bumitiw siya sa kamay nito at nagmamadali siyang tumakbo papalayo. Hindi na siya nito hinabol. Naramdaman niyang tahimik lang siya nitong pinagmamasdan habang siya‘y papalayo. Huminga siya ng ilang beses bago siya pumasok ng kuwarto. Hindi dapat malaman ni Mariana ang sinabi sa kanya ni Edgar, baka magdulot lang ito ng mas matindi pang gulo. Pagbukas pa lang niya ng pinto ay sinalubong siya agad ng kaibigan. ―Terra!‖ naluluhang wika ni Mariana at niyakap siya ng mahigpit. ―Akala ko hindi ka na babalik! Takot na takot ako kanina!‖ ―May nasabi ka na ba kay Edgar?‖ agad niya itong tinanong. ―Muntikan ko ng nasabi. Mabuti‘t dumating ka.‖ ―Anong sinabi mo sa kanya?‖ ―Sinabi ko lang na may mga nagtatangkang pasukin ang mansyon, pero hindi ko pa sinabing kasamahan nila tayo.‖ ―Ba‘t naman ganun ang sinabi mo?‖

―Gusto ko kasing dagdagan niya ang guwardiya dito. Natatakot kasi akong baka pasukin tayo nina Vargas. Muntikan ko na ngang sabihin kaninang dinukot ka para ipahanap ka niya eh. Sakto namang dumating ka.‖ ―Mabuti naman kung ganon, pero…‖ Umupo si Terra sa kama at nagisip. ―Dahil doon magdadagdag daw siya ng guwardiya. Mahihirapan na tayo ngayon na--.‖ ―Ha?‖ Nagulat si Mariana at umupo rin sa tabi niya. ―Ibig mong sabihin tuloy pa rin ang trabaho natin? Akala ko ba kinausap mo si bosing?‖ ―Mariana!‖ Lumabas na ang matinding takot na kanina pa niya ikinukubli. ―Kamuntikan na akong patayin ni bosing kanina! Tinutukan niya ako ng baril! Takot na takot ako! Akala ko talaga mamamatay na ako! Mariana, ayoko pang mamatay!‖ Kinilabutan si Mariana sa kanyang sinabi, at para ba itong naawa sa kanya. ―A-ano ng gagawin natin?‖ Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi mapahagulgol. ―Mariana, pasensya ka na pero kailangan natin siyang patayin! Tatlong araw pa ang binigay sa akin ni bosing at huling chance na rin natin ito.‖ Matagal na nanahimik si Mariana. Nang nakapag-isip ito ay tumayo ito at humarap sa salamin. ―Naiintindihan kita. Kung ano‘ng desisyon mo, hindi na ako makikialam pa. Kung may maitutulong ako gagawin ko, huwag lang ako ang kikitil sa buhay ni Sir Edgar.‖ Napatingin si Terra kaibigan. May kakaibang aura na nakita niya sa mga mata nito. Buo ang pasya nitong hindi madungisan ng dugo ang mga kamay. Mula pagkabata pa sila‘y kinainggitan na niya ang talino ni Mariana. Kung hindi lang sana ito mahirap ay nakapagtapos sana ito ng kolehiyo at hindi sana katulong ang binagsakan. Ngayo‘y muli na naman niya itong kinainggitan. Hindi lang pala ito matalino kundi maprinsipyo din. Hindi kagaya niyang isang mahina‘t duwag na ang hangarin lamang ay makapagkamal ng salapi kahit kapalit pa‘y buhay ng pinakamabait na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya.

Fourteen Tumangging sumabay sa lunch at dinner si Terra at nagpapadala na lamang ng pagkain sa kanyang kuwarto. Ayaw niyang humarap uli kay Edgar dahil alam niyang hindi na niya kakayanin pa ang tumitinding pagmamahal niya rito. Ganunpaman ay pinangarap niyang sana‘y dalawin siya nito sa kanyang kuwarto at halikan siya nitong muli. Sa bawat sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata ay wala siyang naaalala kundi ang tamis ng mga halik nito nung nakaraang gabi. Naghintay siya, ngunit hindi ito dumating. Ayaw man niyang aminin, may kumurot sa kanyang puso. Hindi na rin niya napigilan ang sarili. Nagtungo siya kinaumagahan sa garden ngunit wala doon si Edgar. Umasa siyang nahuli lang ito ng gising kaya‘t naghintay siya. Makaraan ang isang oras ay wala pa ring dumating.

Naglakad-lakad siya sa paligid hanggang madaanan niya ang puno kung saan sila naupo noon. Bumalik sa kanyang alaala ang init na naramdaman niya ng ilantad ni Edgar ang dibdib nito. Noon rin niya unang nasilayan ang pendant na iniinteres ni Vargas. May kung anong hangin ang nagdala sa kanya sa pool at nakita niya roon si Edgar na abalang tumutulong sa pag-refill ng tubig. Nilapitan niya ito at nilingon naman siya ng binata. Ngumiti siya. Akala niya‘y ngingitian din siya nito, subalit tinitigan lang siya nito sandali at tumalikod ng muli para kausapin ang hardinerong nasa ibaba ng pool. Napawi ang ngiti niya at para ba siyang napahiya. Galit sa kanya si Edgar, marahil ay dahil sa ginawa niya nung nakalipas na araw sa garden o dahil sa pagtanggi niya sa anyaya nitong sabayan siya sa hapagkainan. Nanibago din siya sa itsura nito. Di gaya ng dati, hindi na ito nakangiti at wala na ring buhay ang mga mata nito Nanatili siyang nakatayo doon ng ilang minuto, at ng hindi pa rin siya nililingon ni Edgar ay minabuti na niyang umalis. Nasaktan siya sa ipinakita ng binata kaya‘t nagliwaliw siyang muli. Natagpuan na lang niya ang kanyang sariling nakatayo sa tabi ng ilog kung saan sila naghabulan ni Vargas bago siya nawalan ng malay. Napatingin siya sa langit at napansin ang mga nagliliparang mga ibon sa kalawakan. Napakapayapa ng lahat. Ang hindi lang payapa ay ang kanyang isip at puso na hanggang sa kasalukuyan ay nasa kainitan pa rin ng hidwaan. ―Mapanganib dito. Bumalik ka na sa loob.‖ Napalingon siya sa narinig na boses. Nakatayo na pala si Edgar sa kanyang likuran, at gaya kanina ay wala pa rin itong emosyon. ―Edgar,‖ mahina niyang nasambit. Bumuntung-hininga si Edgar at dahan-dahang lumapit sa kanya. ―Nagaalala lang ako sa‘yo. Baka kung ano pang mangyari sa‘yo dito.‖ Naluluha siyang tumingin dito. Gusto niyang magalit kung bakit napakabuti nito sa kanya sa kabila ng mga kakaibang ikinikilos niya. ―Let‘s go.‖ Pinagmasdan niya itong papalayo. May gusto siyang sabihin dito ngunit hindi niya alam kung paano. ―Edgar!‖ Hindi na niya napigilan ang kanyang damdamin. Hinabol niya si Edgar at mahigpit siyang yumakap sa likuran nito, sabay ng pagtulo ng kanyang luha. Napatigil ito sa paglalakad na malamang ay nagulat sa kanyang ginawa. Inakala niyang hindi siya iindain ni Edgar, subalit ng marahil ay naramdaman nito ang mainit na luhang tumagos sa likuran nito ay dahan-dahan itong humarap sa kanya at banayad na hinawakan ang kanyang baba. Tumingin siya sa mga mata nito, at binigkas ang mga salitang idinidikta ng kanyang puso. ―I‘m in love with you, Edgar Montero.‖ Nagulat at napamulagat si Edgar. Parang hindi ito makapaniwala sa narinig. ―Terra,‖ ang tanging nasambit nito. ―Mahal na mahal kita!‖

Ilang sandaling tulalang nakatitig lamang sa kanya si Edgar. Buong akala niya‘y mapapahiya na siya, ng bigla siya nitong niyakap ng buong higpit. ―Mahal na mahal din kita, Terra!‖ anito at hinalikan ng ilang beses ang kanyang buhok. Lalo pa siyang naluha at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Iyon na ang pinakamaligayang sandali sa buhay niya. Makaraan ang ilang sandali ay payapa silang nakaupo sa ibabaw ng malaking bato kung saan siya natagpuan noon ni Edgar na walang malay. Sabay nilang pinagmamasdan ang luntiang kapaligiran. ―Ang sarap ng hangin,‖ ani Terra habang pinapakiramdaman ang kalikasan. ―Dito na muna tayo, ha?‖ Natawa si Edgar na nakatitig sa kanya. ―Are you sure you‘re not hungry?‖ Umiling siya at napatingin sa nagniningning na uling mga mata ni Edgar. ―Dito kita nahanapan noon.‖ Nangiti si Terra. Gusto niyang malaman ang buong pangyayari ng araw na iligtas siya ni Edgar. ―Tell me what happened,‖ aniya at sumandal sa balikat nito. Sariwang-sariwa pa rin sa isip ni Edgar ang mga pangyayari. ―I heard a scream, and I ran to see what was going on. I saw a man molesting you, pero nung nakita niya akong parating, tumakbo na siya. Hindi ko na siya hinabol dahil nakita kitang walang malay. I took you in my arms, and you were so pretty and innocent… I fell in love with you on that instant.‖ Nagkatitigan sila, at niyakap niya ito. ―Thank you.‖ ―I should thank you for coming into my life.‖ Ngumiti ito. ―You made me so happy.‖ Tumingin siya sa mga mata ni Edgar at dahan-dahan siya nitong hinalikan. Napapikit siya ng maramdaman ang mga maiinit nitong mga labi nito. Tinugunan niya ang halik at kumapit sa mga balikat nito. Buong puso niyang ipinakita ang pagmamahal niya rito. Napaungol si Edgar at gumapang ang isa nitong kamay sa kanyang batok para diinan pa ang halik. Umabot hanggang sa dulo ng kanyang mga daliri ang init na nililikha ng mga labi nito. Pansamantalang siyang nakalimot sa mundo. Kung anuman ang gumugulo sa kanyang isipan kanina lamang ay nakaligtaan na niya. Tanging ang mainit na halik at yakap ni Edgar na lamang ang kanyang naramdaman. ―Sir Edgar!‖ Sa gulat ay biglang lumayo si Terra at ng lumingon siya‘y nakita ang isa sa mga guwardya ng mansyon. Nagulat din ito sa posisyon nila, subalit ng ngumiti ito ng makahulugan ay napayuko siya sa hiya. ―Pasensiya na po, Sir,‖ anang guwardya. ―Nag-alala lang ako sa inyo, Sir. May nakakita raw na lumabas kayo ni ma‘am Terra, eh, baka--.‖ ―Were fine, Brandon. Nagpapahangin lang kami dito.‖

―Marami po kasing mga pagala-gala rito kaya mas mabuting pumasok na kayo sa loob.‖ ―Sige, susunod na kami.‖ Napansin ni Edgar ang makahulugang ngiti ni Brandon. Nang tumingin ito sa kanya at marahil ay nakita ang pamumula ng kanyang pisngi ay nangiti ito.

Fifteen Maghapon niyang nakasama si Edgar ng araw na yun. Naglaro sila ng tennis at nag-swimming sila kasama ang ilang mga katulong sa bahay. Maraming nakahalata sa malalagkit nilang tinginan at paglalambingan. May naglakas-loob na magtanong at nagulat na lang siya ng umamin si Edgar at ipinagsigawan pa sa lahat na magkasintahan na nga sila. Namula si Terra, lalo na‘t naroon mismo si Mariana. Natutuwa siyang ipinagmamalaki ni Edgar ang namamagitan sa kanila, subalit sa isang sulok ng kanyang damdamin ay naroon ang nagkukubling sakit. Alam niyang hindi na magtatagal ang kasiyahan nilang ito. Ganunpaman ay inilaan niya ang bawat natitira niyang araw na makapiling si Edgar. Sa tuwing umaga, bago ito umalis ay nagtatagpo sila sa garden sa kung saan umusbong ang kanilang pag-ibig. Lumagpas na siya sa palugit ni Vargas, at anumang oras ay maari siyang mamatay. Hindi niya iyon alintana. Mamamatay siyang baon-baon ang pag-ibig ni Edgar. Ilang beses din siyang kinausap nina Mariana at Carlos, nagtatanong ang mga ito kung ano ba talaga ang iniisip niya. Nagwawala na raw si Vargas sa inip at galit. Hindi rin niya ito inalintana. ―Isipin mo naman kami, Terra!‖ minsa‘y naisumbat sa kanya ni Carlos. ―Madadamay kami sa ginagawa mo! Pati kami ngayon binabantaan na ni Vargas!‖ ―Ipapasa ko sa‘yo ang isang milyon,‖ ang luhaan niyang sagot. ―Pero ikaw ang papatay kay Edgar, papayag ka ba?‖ Hindi umimik si Carlos. Malamang ay hindi rin ito kayang patayin ang taong bumubuhay sa pamilya nito. Habang pinapanood niyang lumayo ang driver ay noon siya nakadama ng awa sa matanda. Paano na kaya ang pamilya nito kapag nilusob sila ni Vargas. Paano rin si Mariana? *** Pinunit-punit ni Terra ang maliit na piraso ng papel at saka niya iyon binuhusan sa toilet. Mahirap na kung may ibang taong makabasa nun. Pangatlong banta na iyon ni Vargas. Gusto ng lider ng sindikato ay bukas ng gabi nito makuha ang kuwintas. Bukas rin ng gabi ay naka-schedule na ang pangako ni Edgar na ipasyal siya sa paborito at pag-aari nitong resort. Huminga siya ng malalim at lumabas ng balcony. Halos wala siyang buhay na nakatayo sa doon at nakatingala sa mga bituin sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito, kagaya ng ningning sa mga mata ni Edgar. Bukas

ay maglalaho ang mga ninging na mga ito at hindi na niya kailanman masisilayan pang muli. Animo‘y naiguhit ang larawan ni Edgar sa maliwanag na kalangitan. Lumuluha at punung-puno ng hinanakit ang mga mata nito. Tinatanong siya kung bakit niya nagawang pagtaksilan ang inialay nitong pag-ibig. ―I‘m sorry!‖ naibulong niya sa hangin at gumuhit ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Sixteen ―Ayan, tapos na,‖ ani Mariana ng mailagay ang huling palamuting bulaklak sa nakapusod niyang buhok. Tumayo siya at pinagmasdan ang sarili. Bagay na bagay ang puting bulaklak sa puti rin niyang gown. Binigay ito ni Edgar at pinakiusapan siyang ito ang isuot niya sa gabing iyon. ―Salamat,‖ malungkot niyang tugon. Bumuntung-hininga si Mariana. ―Di ba pangarap mong magsuot ng ganyang damit? Ba‘t malungkot ka?‖ Pinagmasdan ni Terra ang suot na mahabang spaghetti strap na gown. Napakaganda ng hubog nito sa balingkinitan niyang katawan dahil talagang pinasadya ito ni Edgar para sa kanya, subalit wala ni anumang bagay ang makakapagpasaya sa kanya ng mga sandaling iyon. ―Huling gabi mo na ngayon.‖ Nahulaan ni Mariana ang kanyang suliranin. ―Wala ka bang ipapagawa sa akin?‖ Umiling lang siya. Ni hindi man lang siya tumingin kay Mariana bago tumalikod. ―Terra, wala ka bang nakalimutan?‖ Dahan-dahang lumingon si Terra. Natumbok niya ang ibig sabihin ni Mariana – ang punyal na nasa ibabaw ng mesa. Dinampot iyon ni Mariana at iniabot sa kanya. Hindi siya gumalaw. ―Terra, hindi mo ba kukunin ito?‖ Hindi pa rin siya gumalaw at umagos ang luha sa kanyang mga mata. ―Napakahirap palang kalabanin ang isang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa‘yo, Mariana.‖ Halos pabulong siyang nagsasalita. ―Alam kong naiintindihan niyo ako.‖ Hindi umimik si Mariana. Nakatitig lang ito sa kanya. ―Alam ko na sa desisyon kong ito ay malalagay tayong lahat sa peligro. Sinubukan ko. Sinubukan ko talagang patayin siya, pero hindi ko kaya. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa patayin ang isang napakabuting taong kagaya ni Edgar.‖ ―Naiintindihan kita Terra,‖ ani Mariana at hinaplos ang kanyang balikat. ―Kung ako rin siguro ang nasa katayuan mo, ganyan din ang magiging desisyon ko. Iniisip ko lang ang kaligtasan natin. Paano na tayo ngayon nina Carlos? Sa anumang oras maaari nila tayong patayin.‖ Pinahid ni Terra ang luha at tinalikuran ang kaibigan. Saglit siyang nag-isip. ―Sa palagay ko ligtas tayo hangga‘t nasa proteksyon tayo ni Edgar.

Kukumbinsihin ko si Edgar na dumito na muna tayo para hindi tayo mahanapan ni Vargas. Pakisabi rin kay Carlos na lagi siyang mag-iingat. Pagkaraan ng ilang araw, mga dalawang linggo, tatakas tayo. Hangga‘t narito tayo ay hindi tayo titigilan ni Vargas. Baka madamay pa si Edgar sa kaguluhang ito. Ayaw kong may masamang mangyari sa kanya.‖ Umikot siya para tignan si Mariana. Tahimik itong nakikinig sa kanya. Wala ito ni anumang emosyon kaya‘t hindi alam niya kung kumbinsido ito o hindi. ―I‘m sorry, Mariana. Binigo ko kayong lahat.‖ Umiling si Mariana. Pinilit nitong ngumiti kahit naluluha na. Ngayon lang niya ito nakitang nalungkot ng ganito. ―Hinihintay ka na ni Sir Edgar sa ibaba. Puntahan mo na siya.‖ Huminga siya ng malalim at saka siya tumango. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata para matuyo ang kanyang luha. ―Salamat,‖ aniya at lumabas ng pinto. Hindi na niya muli pang nilingon si Mariana. Hindi niya kayang makita ang paghihirap nito na sanhi ng kanyang katangahan. Totoong si Mariana ang nag-udyok sa kanya sa trabahong ito, ngunit kung hindi sana niya agad tinanggap ang isang trabahong hindi pa niya alam ay hindi humantong sa ganito ang lahat. Parang hindi niya mapatawad ang kanyang sarili. ―You‘re very pretty,‖ papuri ni Edgar ng salubungin siya nito sa hagdanan. ―Thank you.‖ Pilit na ngumiti ni Terra. ―You‘re the best looking man I‘ve ever seen too.‖ Tumawa si Edgar at hinawakan siya sa baywang. ―That only means we are perfect for one another.‖ Nanatili siyang nakangiti kahit pakiramdam niya‘y nangangawit na ang kanyang panga sa pagkukuwari. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay parang may umuudyok sa kanyang ipagtapat na ang lahat, subalit kung gagawin niya ito‘y baka palalayasin sila nito. Saan sila magtatago ni Mariana, at paano ang pamilya ni Carlos? ―Shall we go?‖ Binasag ni Edgar ang kanyang pagmumuni-muni. ―Oh! Yes.‖ Hindi napigilan ni Terra na mapalingon sa paligid ng dining hall. Special dinner itong inihanda ni Edgar para lamang sa kanilang dalawa. Isang table lamang ang nasa gitna ng hall, at maraming palamuting mga bulaklak at mga makulay na ilaw. Mapusyaw man ang ilaw ay natanaw niya ang isang bandang tumutugtog sa isang sulok. ―Do you like it?‖ tanong nito sa kanya. Napatingin siya sa kasintahan. Hindi siya makapaniwalang ganito kaespeyal at ka-romantiko ang sorpresa nito sa kanya. Sa galak ay niyakap niya ito ng mahigpit. ―Thank you so much!‖ halos mangiyak-ngiyak niyang nasambit. ―You made me so happy!‖ Hinaplos ni Edgar ang kanyang likuran. ―I wish to make you the happiest woman in the world. I swear you‘ll never regret loving me.‖ Mga salita ng pag-ibig na noo‘y sa telebisyon lamang niya naririnig. Napakasarap pa lang pakinggan ang mga ito.

Para bang may sumampal sa kanyang mukha. Lumalagpas na siya sa dapat niyang kalagyan. Anuman ang gawin niya, mali ang nararamdaman niyang ito. Dahan-dahang binuksan ni Terra ang mga mata. Tama na ang lahat ng mga ito. Habang patuloy na nahuhulog ang loob niya sa binatang ito ay lalo naman niyang pinapahirapan ang kanyang sarili. Marahan niyang itinulak sa dibdib si dibdib at niluwagan naman nito ang mga braso. Nang tumingin ito sa kanya ay nagkunwari siyang nahihiya sa bandang tumutugtog. Ngumiti ito at magkaharap silang umupo sa mesa. May isang waiter na lumapit at iniwan ang isang bote ng wine sa harapan nila. ―This is the finest wine in my hotel,‖ ani Edgar habang nilalagyan ang kanilang baso. ―I hope you like it.‖ Tumango si Terra. Hindi pa siya nakakatikim ng wine subalit alam niyang masarap iyon dahil imported at napakabango. Nang iabot sa kanya ni Edgar ang wine glass ay nagtoss sila at sabay silang uminom. Inakala niyang matamis iyon, ngunit ng malunok na niya ay natikman niya ang kakaibang pait na ninikit sa kanyang lalamunan. Gusto niyang magsuka, subalit pinigilan niya ito dahil alam niyang hindi pangkaraniwan sa isang anak mayaman na hindi umiinom ng wine. ―Is something wrong?‖ Nahalata pa rin nito ang naging expression niya. ―No. Nothing.‖ Hindi nakumbinsi si Edgar. Tinitigan nito ang hawak na baso at ibinaba iyon. ―Sorry, hindi ko alam na hindi ka pala umiinom.‖ Napadilat si Terra. Lahat na yata ng mga kapalpakan niya ay si Edgar na mismo ang siyang nagbibigay dahilan. Gusto na niyang maniwala na tanga talaga ang lalaking ito. ―Care for a dance?‖ Tinanggap niya ang naghihintay nitong palad at nagtungo sila sa dance floor. Pumalibot ang mga kamay ni Edgar sa makitid niyang baywang at humawak naman siya sa mga balikat nito. Napakalumanay ng musika at napakalapit din nila sa isa‘t-isa na para bang niyang mapapikit, ngunit hindi niya maalis ang kanyang tingin sa mga mata nito. Napakalalim ng titig nito sa kanya. ―Edgar?‖ naibulong niya upang wakasan ang nakakabinging katahimikan. ―Hmm?‖ ―…Do you really trust me? Naniniwala ka ba sa lahat ng mga sinabi ko? Hindi ka ba nagdududa?‖ ―No.‖ Natatawang umiling si Edgar. ―May dahilan ba para pagdudahan kita? May nasabi ka bang hindi totoo? Just tell me.‖ ―Stupid!‖ anas niya sa sarili. ―What?‖ ―Ah! Wala!‖ nakangiting balik ni Terra. Hindi niya napigilan ang sariling maibulalas ang mga salitang iyon. ―Terra?‖ ―Hmm?‖

―Masaya ka ba sa piling ko? Sa tingin mo ba may kulang pa na dapat kong punuan?‖ ―Oh, Edgar!‖ Napayakap siya sa binata. ―You‘ve made me the happiest woman in the world at wala na akong hihilingin pa.‖ Hindi na umimik pa si Edgar at hinalikan siya sa labi. Tinugunan naman niya ang halik nito at naramdaman niya ang mga kamay nitong dumudulas pababa sa kanyang likuran. ―E-Edgar.‖ Lumayo siya sa binata at lumingon sa tumutugtog na banda. ―Nakakahiya sa kanila.‖ Ngumiti lang si Edgar at muling lumapit kanya, saka nito marahang hinawakan ang kanyang mukha. ―There‘s something I‘ve been wanting to ask you.‖ Tumingin siya sa mga mata nito. Napakaseryoso nito na para bang kinakabahan. ―Ano yun?‖ Matagal bago nakapagsalita si Edgar. ―Will you marry me, Terra?‖ Napatid ang hininga ni Terra at hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. ―Hindi mo alam ang sinasabi mo!‖ ―…I do, Terra,‖ balik nito. ―And I‘m serious. I want you to be my wife.‖ Humakbang siya palayo. Hindi naman siya nito pinigilan. ―You‘re insane!‖ naibulalas niya at nagmamadaling lumabas ng hall. ―Terra!‖ Narinig niya ang mga tawag ni Edgar subalit hindi siya tumigil sa pagtakbo hanggang nakalabas siya ng hotel. Humihingal na siya ng makarating sa backyard, at doon siya sa ilalim ng malaking puno nagpahinga. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba‘t dapat na magsaya siya at nagpropose na si Edgar? Ngunit bakit narito siyang gulung-gulo ang isip. May naramdaman siyang kaluskos sa kanyang likuran. Sinundan siya ni Edgar. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang lalaking tahimik na nakatayo mga dalawang metro ang layo sa kanya. Walang umimik sa kanila. Akala niya ay walang hangganan ang katahimikang iyon, hanggang lumapit si Edgar sa kinaroroonan niya. ―I‘m sorry.‖ Napakahina ng boses nito, subalit sa katahimikan ng paligid ay malinaw na narinig iyon ni Terra. ―Akala ko tatanggapin mo ang proposal ko.‖ Hindi pa rin makapagsalita si Terra, lalo na‘t nakita niya ang mga maluha-luhang mata nito habang nakatingin sa malayo. Bumuntung-hininga si Edgar at sumandal sa puno. Tumingin ito sa kalangitan bago nagsalita. ―Three years ago, I had a fiance. She was as young and as pretty as you are.‖ Napatingin siya sa binata. Hindi pa nito kailanman nabanggit ang mga bagay na iyon sa kanya. May dati pala itong fiance. ―A week before our wedding, sabay silang nagshopping ni Mommy.‖ Kumurap-kurap si Edgar upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. ―They never came back… Nabangga ang sinasakyan nilang kotse, and they died instantly… I was devastated that I almost lost my sanity.‖

Napanganga si Terra. Hindi niya inakalang may tinatago palang mapait na karanasan si Edgar. Inakala niyang masayang tao ito dahil bukod sa guwapo ay mayaman pa, isang taong wala ng hihilingin pa. Hindi pala ganoon kasimple ang buhay. Kahit pala mga mayaman ay nasasaktan at nalulungkot din. ―For three years, I lived in darkness,‖ pagpapatuloy nito. ―Nilisan ko ang lugar namin dahil ayaw kong nakikitang kinaaawaan ako ng mga kaibigan ko. I put up a lot of businesses, including this hotel, and I worked so hard just so I could forget about the past. But then, kapag nag-iisa na ako, I‘ve always felt so lonely. Parang napakadilim ng mundo. I couldn‘t see a single ray of light.‖ Napahawak si Terra sa kanyang damit. Napakahigpit ng hawak niya na halos tumagos ang mga kuko niya sa tela at makalmot ang kanyang kutis. Ganoon katindi ang galit niya sa kanyang sarili. Ganoon rin katindi ang pagnanasa niyang sabihin na ang totoo, ngunit… ngunit napakaraming dahilan kung bakit hindi puwede. ―But then you came and changed everything.‖ Bahagyang ngumiti si Edgar. ―You gave me a new hope, and I learned to love again.‖ Napatingin si kay Edgar at muling naghari ang katahimikan. Hindi tumingin sa kanya ang binata, nanatili itong nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. ―I was scared,‖ anitong muli. ―Na kung totoo mang may amnesia ka at nagbalik ang memory mo… ay baka iwanan mo ako.‖ Napaurong si Terra. Hanggang sa ngayon pala‘y pinagdududahan pa rin siya ni Edgar. Marahil ay nahalata na nitong hindi talaga siya nakalimot, ngunit hindi lang niya ito binigyang halaga. ―…That‘s why I proposed to you this early.‖ Tumawa si Edgar, ngunit ng tignan niya ito ay may luha sa mga mata nito. Hindi siya makapaniwalang kahit mga lalaki pala ay umiiyak. ―I‘m too selfish to take advantage of your situation, don‘t you think so? But… I can‘t go back to where I came from… I‘d rather die than to be left alone again.‖ May mga namumuo na ring luha sa mga mata ni Terra. Nang hawakan siya ni Edgar sa magkabilang braso ay yumuko siya. Ayaw niyang makita ang mga luhaang mga mata nito dahil baka mapaiyak din siya. ―I know I was too hasty, pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.‖ Saglit itong huminto at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. ―Kahit sino ka pa, at kung ano man ang nakaraan mo, mamahalin pa rin kita.‖ Hindi siya gumalaw si Terra kahit ng lumayo na ito, ngunit ng maiwanan na siyang mag-isa ay naghanap siya ng anumang bagay na maibabato. Nakita niya ang isang malaking bato. Hindi niya naramdaman ang bigat nun ng buhatin niya at inihagis sa direksyong nilakaran ni Edgar. ―Estupido ka talaga! Tanga!!! Ang tanga-tanga mo! Wala kang isip! Umiibig ka sa isang kriminal! Sa isang mukhang pera!!!‖ Napahalgulgol na siya‘t napaluhod sa damuhan. Parang ilog na umaagos ang luha sa kanyang mga mata. ―I don‘t deserve you… You shouldn‘t have loved me. You shouldn‘t have.‖

Hindi alam ni Terra kung gaano na siya katagal nakaupo sa ilalim ng puno. Tumigil na rin siya sa pag-iyak at tulalang nakatingin sa malayo. Buong tapang niyang sinuway ang utos ni Vargas, kaya‘t buong tapang din niyang haharapin ang kanyang kaparusahan. Akala niya‘y walang magluluksa kung sakaling pumanaw man siya, ngunit meron pala. Si Edgar. Paano na ito kung sa pangalawang beses ay mawalan ito ng minamahal? Kakayanin kaya nito?

Seventeen Dahan-dahang binuksan ni Terra ang pintuan ng kuwarto ni Edgar. Malalim na ang gabi at inakala niyang tulog na ito, ngunit nadatnan niya itong nakaupo sa sofa at mag-isang umiinom ng alak. Nakita siya nito, ngunit hindi man lang ito gumalaw. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang siya‘y papalapit. Hindi rin niya mabasa kung ano ang nararamdaman nito. Lumingon siya sa paligid. Maluwang ang kuwartong ni Edgar at may isang maliit na pool sa gitna. Sa tabi ng kinauupuan nitong sofa ay naroon ang isang malaki at magarang kama. Muli siyang tumingin sa binata. Hindi niya alam kung papaano siya mag-uumpisa, lalo na‘t hindi pa rin nagpapakita ng anumang emosyon si Edgar. ―I was scared,‖ nag-aalinlangan niyang panimula habang nakatayo sa harapan nito. ―Kung… magpapakasal tayo, paano kung… may asawa na pala ako? Paano kung may iba pala akong minamahal?‖ Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ni Edgar. Nilagok lang nito ang natitirang laman ng wine glass at muling nilagyan ng alak. Lumapit si Terra sa binata. Kinuha niya ang hawak nitong baso at inilatag sa mesa. Hindi naman nag-react si Edgar at tumingin lamang sa kanya. ―It‘s too late for that,‖ ibinulong niya at marahang umupo sa kandungan nito. ―Can I stay here with you?‖ Tinitigan niya si Edgar, at ng hindi pa rin ito gumalaw ay hinalikan niya ito sa labi. Inulit pa niya ang halik subalit hindi talaga siya tinugunan ng binata. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Hindi siya sumuko. Dahan-dahang gumapang ang mga kamay niya sa dibdib nito at isa-isang inalis ang butones ng suot nitong polo. Hindi pa rin gumalaw si Edgar kahit ng matanggal na niyang lahat ang mga butones at nanginginig ang mga kamay niyang hinaplos-haplos ang dibdib nito. Nang hindi pa rin ito nag-react ay tumayo siya at inilugay ang mahaba niyang buhok. Malinaw na niyang ipinakita ang kanyang motibo, ngunit malinaw ring hindi interesado si Edgar. Namula ang kanyang pisngi na yumuko. ―I‘m sorry,‖ napahiya niyang paumanhin at tumalikod na patungo sa pinto. ―Terra.‖ Sa wakas ay nagsalita na rin si Edgar. Agad niya itong nilingon. ―Nagpunta ka ba rito para akitin ako‘t iiwanan mo rin lang?‖

Naguluhan si Terra. Hindi niya alam ang isasagot hanggang tumayo si Edgar at lumapit sa kanya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa at saka ito tumingin sa binuksan niyang polo. ―Hindi mo ba ito tatanggalin?‖ Napalunok si Terra at nanginginig ang mga kamay niyang hinubad ang polo. Ng maalis niya ang damit ay tumitig siya sa dibdib nito. Natutukso siyang haplusin itong muli. Lumapit pa sa kanya si Edgar hanggang maipit siya sa pintuan. Naconscious siya sa halos magkadikit na nilang katawan subalit wala na siyang tatakbuhan pa. ―Are you sure you want to do this with me?‖ tanong ni Edgar. Tumango siya at lumapit pa ito ng husto. Nadiin ang malambot niyang dibdib sa matigas nitong tiyan. Naamoy niya ang whiskey na ininom nito kanikanina lang. Ayaw niya ang amoy ng alak, subalit ewan ba niya kung bakit napakatamis ng amoy nun ng sandaling iyon. ―Tell me why you‘re doing this,‖ ani Edgar at gumapang ang mga kamay nito sa tagiliran niya. Napapikit siya at kusa na siyang yumakap sa binata. ―Answer me, Terra.‖ Wala man sa matinong pag-iisip si Terra ay sinagot pa rin niya ang tanong. ―Because I want to be your wife.‖ Napatigil si Edgar at bahagyang lumayo para makita ang kanyang mga mata. ―You just said no.‖ Naluluhang ngumiti si Terra. ―Can I say yes now?‖ Napakunot-noo si Edgar. ―Tell me I‘m not dreaming.‖ ―It‘s true. I want to be your wife. Wala na akong pakialam sa nakaraan ko. Ayaw ko ng maalala pa ang mga iyon. All I want is to be with you.‖ Kitang-kita niya kung papaano nagliwanag ang mga mata ni Edgar sa labis na galak na parang hindi pa ito makapaniwala sa narinig. Bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Makaraan ang ilang sandali ay siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. ―I love you, Terra!‖ paulit-ulit nitong daing. ―Hinding-hindi mo pagsisisihan ang gabing ito. I promise you…‖ At ibinaba nito ang zipper ng kanyang gown.

Eighteen Sinubukan ni Terra na kumbinsihin si Edgar na manatili pa sila ng ilang araw sa resort, subalit matigas ang desisyon nito na isang linggo lang sila doon para maasikaso na nito ang kanilang kasal. Kababalik pa lang nila sa mansyon ay inihayag na ni Edgar ang plano nilang pagpapakasal. Naghanda pa ito ng isang salo-salo para ipagdiwang ang kanilang engagement, at sa harapan ng lahat ay inialay nito sa kanya ang isang napakagandang diamond ring. Inggit na inggit sa kanya noon si Mariana. ―Is there something wrong sweetheart?‖

Napansin ni Edgar ang katahimikan niya. Habang ang lahat ay nagkakasayahan, Siya naman ay mag-isang nakatayo sa isang sulok. ―Natutuwa lang ako sa kanila.‖ Pinilit niyang ngumiti habang pinapanood ang mga nagsasayawang mga tao. ―Ang saya-saya nila ngayon. Napakabait mo sa mga katulong mo.‖ Sinundan ni Edgar ang kanyang tingin. ―They deserve some time off. They seem to be rejoicing for our upcoming wedding.‖ Tahimik nilang pinanood ang kasiyahan. Nahalata ni Terra na wala man lang special na panauhin si Edgar. ―Ba‘t nga pala wala kang bisita. Wala ka bang mga kaibigan, o relatives?‖ Napatingin sa kanya si Edgar. ―This is especially for the employees of this mansion. Saka na lang tayo magcelebrate uli kapag naipakilala na kita kay Daddy.‖ ―Ha!‖ Napanganga si Terra. Hindi niya inakalang may balak pala si Edgar na ipakilala siya sa ama nito. ―Excited na si Daddy na makilala ka. Ikaw parati ang tinatanong niya kapag tumatawag siya.‖ Kinagat niya ang dulo ng kanyang daliri. ―Hindi ba siya masungit? Baka hindi niya ako magustuhan.‖ ―Walang inayawan si Daddy na gusto ko,‖ sagot nito at marahang ibinaba ang daliring kinakagat niya. ―Well, I admit that he‘s not really the best father one can have dahil busy siya parati sa mga business niya, but he‘s a very kind man indeed.‖ Gumaan ang loob ni Terra. Kumbinsido na siya sa sinabi ni Edgar. ―Alam na ba niyang ikakasal tayo?‖ ―Sinabi ko na, and I swear he was laughing like crazy. Halos mas excited pa siya kaysa sa akin. Gusto niya puntahan natin siya this Saturday.‖ ―Alam na ba niya ang tungkol sa akin?‖ Hindi agad sumagot si Edgar. ―Partially, yes. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang lahat pero ako ng bahalang mag-explain sa kanya.‖ ―Paano nga pala tayo ikakasal, eh wala naman akong mga personal documents?‖ Napakamot sa noo si Edgar sa mga napakarami niyang tanong. ―Ako ng bahala doon. Anuman ang mangyari, matutuloy ang kasal natin.‖ Sa wakas ay naubusan na siya ng tanong, ngunit hindi sa salita. ―Gagawin mo talaga ang lahat makasal lang tayo, ano?‖ ―Anything to make you mine,‖ sagot ni Edgar at hinawakan siya sa baywang. ―Let‘s talk about that later. Let‘s dance.‖ Nagpalakpakan ang lahat ng umapak sila sa dance floor at ipinatugtog ang isang malumanay na musika. Sa gitna ng kanta ay napatingin si Terra kay Mariana na nakatayo sa isang sulok. Kasama nito si Carlos at nakangiti ang mga itong nanonood sa kanila. Tumango siya sa dalawa. Matagal na panahon na ring hindi niya nakitang ngumiti ang mga ito. Ngayong gabing ito ay pansamantala nilang makakalimutan ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa kanila. Habang

narito sila sa loob ng mansyon ay maaaring ligtas sila, ngunit alam nilang gagawa ng paraan si Vargas para maparusahan sila sa kanilang pagtataksil. Kung minsa‘y iniisip ni Terra na pinapahaba lang nila ang kanilang paghihirap, ngunit wala rin siyang lakas ng loob na magtapat kay Edgar. Natatakot siya. Hindi lamang para kina Mariana at Carlos kundi pati na rin sa kanyang sarili. Natatakot siyang iwanan siya‘t ipagtabuyan ni Edgar sa oras na malaman nito ang totoo. Parang hindi kakayanin ng kanyang damdamin kung nangyari yun, lalo na‘t umiibig na siya ng husto dito. Nineteen ―Dad, I‘d like you to meet my fiance, Terra Olivares,‖ mapagmalaking pakilala sa kanya ni Edgar sa amang sabik na sumalubong sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Terra sa gulat. Paano nalaman ni Edgar ang kanyang apeliyedo? Ibig bang sabihin ay matagal na pala siya nitong nabuking? Ngunit wala naman itong binabanggit sa kanya? Hindi kaya nagkataon lang na tumugma ang kanyang apeliyedo sa naisip nito? ―Iha!‖ Saka lamang siya nakapag-react ng yakapin siya ni Ignacio. Totoo ngang excited ito na makilala siya. ―I‘m so happy to have such a beautiful daughter-in-law.‖ Nahiya siyang ngumiti at tumango. Matangkad at matipuno pa rin si Ignacio kahit ito‘y may edad na. Marahil ay kasingguwapo rin nito si Edgar nung kabataan pa. ―I‘m so glad to meet you, Mister Montero,‖ agot niya. Kung sa harapan ni Edgar ay nakakaya niyang umarte, sa harapan naman ng ama nito ay naiilang siya. ―Don‘t call me Mister Montero,‖ pabirong napangiwi si Ignacio. ―I‘d like you to call me daddy, since daddy rin ang tawag sa akin ng anak ko.‖ ―Y-yes, d-daddy.‖ Parang namimilipit ang kanyang dila. ―That‘s better.‖ Tuwang-tuwang inakbayan siya ni Ignacio. ―Napakasuwerte naman ng anak kong nakatagpo ng katulad mo.‖ ―Salamat po,‖ ani Terra at sumulyap kay Edgar na masayang nanonood sa kanila. Maging si Mariana ay kinikilig na tinatago ang ngiti. ―Kanino pa ba nagmana ang anak mo?‖ biro ni Edgar at tumawa naman ang ama nito. ―Sige, pasok na muna tayo sa loob,‖ anyaya ni Ignacio at nilingon sina Mariana at Carlos na nakatayo sa tabi ng kotse. ―Halina kayo.‖ Akmang bubuhatin na ni Mariana ang suitcase ng biglang lumapit si Edgar. ―Kami na ni Carlos ang bahala diyan Mariana. Samahan mo na lang si Terra sa loob.‖ Nahihiyang lumayo si Mariana at lumapit sa kanya. Nangiti siyang pinapanood ang kasintahan na inilabas ang iba pang mga gamit mula sa kotse. Nang muli siyang tinawag ni Ignacio ay pumanhik na siya ng bahay. ***

Alas-diyes na ng gabi ng matapos ang dinner. Napakasaya palang kausap ni Don Ignacio. Kahit saan man mabaling ang usapan ay marami itong naibabahagi. Nag-alala siya noon na baka tanungin siya nito tungkol sa kanyang pamilya, ngunit himala at hindi man lang ito nabanggit ng matanda. Bumuntung-hininga siya ng napag-isa na siya sa loob ng kuwarto. Masyado siyang napagod sa biyahe kaya‘t kailangan na niyang magpahinga. Umupo siya sa harapan ng salamin at sinuklay ang kanyang buhok. Kailangan pa pala niyang maligo. Pagtayo niya ay may kung anong bagay na tumama sa glass door ng balcony. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Wala siyang nakitang tao. Papasok na sana siya ng mapansin niya ang isang papel na ibinalot sa bato sa kanyang paanan. Pinulot niya ito. Huwag mong isiping nakaligtas ka na dahil sinusundan namin kayo. Ibigay mo sa amin ang kuwintas at palalampasin namin ang kataksilan niyo… Harold. Nabitawan ni Terra ang sulat at halos himatayin siya. Hanggang pala sa lugar na iyon ay nasundan sila nina Vargas. Akala niya‘y sa pagbabakasyon nila ay pansamantala silang mapapayapa, subalit mas lalo pala silang napalapit sa kapahamakan. Hindi gaya ng mansyon ni Edgar, dadalawa lang ang guwardiya ni Ignacio, at walang ibang tao sa bahay kundi ang tatlong katulong. Pinulot niya ang sulat at buong panggigil niyang pinagpupunit iyon hanggang sa magkapira-piraso. Itinapon niya iyon sa waste basket at bumagsak siya paupo sa sofa. Hindi talaga siya titigilan ni Vargas hangga‘t hindi nito nakukuha ang kuwintas. Ilang araw na lang bago sila ikasal ni Edgar. Nakaplano na rin ang pagtakas nila ni Mariana bago pa man dumating ang araw na yun. Parang nakikinita na niya ang kahihiyang sasapitin ng pamilya Montero. Awa ang siyang pangunahing dahilan kung kaya‘t tinanggap niya noon ang proposal ni Edgar. Tumagos sa kanyang puso ang salaysay nito tungkol sa nakaraan nitong kasintahan. Alam niyang hindi rin ito matutuloy dahil hindi rin siya maaaring mabuhay sa kasinungalingan habambuhay. Akala niya‘y matutulungan niya si Edgar na makarecover sa mapait nitong nakaraan, ngunit ngayo‘y alam niyang lalo itong masasaktan sa oras na malaman nito ang kanyang pagbabalat-kayo. ―Honey, tumawag yung designer. Tapos na raw yung wedding gown mo,‖ masayang balita ni Edgar pagbukas pa lang nito ng pinto. Narinig iyon ni Terra, subalit nasa state of shock pa siya para makapagreact. Nanatili siyang nakaupo sa tapat ng salamin at nakatingin sa malayo. ―Honey, are you listening to me? …Terra.‖ Nagulat siya ng maramdaman ang kamay nitong marahang hinawi ang buhok na nakatakip sa kanyang pisngi ―Ikaw pala honey.‖ Ngumiti si Edgar. ―Kanina pa ako rito. Ano bang iniisip mo?‖ ―Ah--.‖ Hindi agad makapag-isip ng rason si Terra. ―Napagod lang siguro ako.‖ Tumayo ito at lumingon sa kama. ―Napagod ka siguro sa biyahe. Come, I‘ll take you to bed.‖

Tinanggihan niya ang palad nitong aalalay sana sa kanya. ―Dito na muna ako. Ayoko pang matulog.‖ Hindi na nagpumilit si Edgar. Umupo ito sa tabi niya at buong pagiingat iya nitong kinandong. Napahawak siya sa leeg nito. ―Gusto mo ba si Daddy?‖ tanong nito. Tumango siya. ―Oo. Mabait siya, at matalino.‖ ―He is,‖ sang-ayon ni Edgar. ―Hindi ko nga lang namana ang katalinuhan niya.‖ Hindi na siya nagsalita pa. Kung sa ibang pagkakataon ay marami pa siyang masasabi, subalit sa sandaling iyon ay gulung-gulo ang isipan niya. Parang nakikini-kinita na niya ang nalalapit na nilang paghihiwalay ni Edgar. Napakasakit pala. ―Yung wedding cake nga pala natin, nakita ko na yung design,‖ ani Edgar habang pinapadulas ang mga daliri sa kanyang buhok. ―Maganda siya at may waterfall pa.‖ Tumango si Terra kahit wala siyang naintindihan sa sinabi ni Edgar. Hindi naman ito inalintana ng binata. ―And yung mga invitation cards, bukas na nila ipapamigay. Sa Lunes naman, darating ang mga relatives natin. Gusto raw nilang makilala ang aking bride. You want to meet them too, don‘t you?‖ Muling naglakbay sa malayo ang isip ni Terra at hindi na niya narinig kung ano pang mga sinabi ni Edgar. Hindi maalis-alis sa isip niya ang nilalaman ng sulat na iyon. ―Aren‘t you even listening, honey?‖ Totoo kaya ang sinulat ni Harold na kapag naibigay niya ang kuwintas sa mga ito ay pababayaan na sila ng mga ito? Subalit papaano naman sila nina Mariana at Carlos? Wala man lang ba silang makukuhang gantimpala? Pero kung kapalit nito‘y kaligtasan nilang tatlo ay di bale na ang isang daang libo naipangako sa bawat isa sa kanila. ―Terra, did you hear me?‖ Nagulat si Terra ng biglang tumaas ang tono ni Edgar. Nawawalan na ito ng pasensiya sa kanya. ―Hindi ka ba interesadong pag-usapan ang wedding preparation? It‘s only two weeks from now.‖ ―Hindi sa ganun, pero…‖ Nagkibit balikat siya. ―May wedding coordinator naman tayo. Bahala na siya. Hindi naman importante ang opinion ko.‖ Napadilat si Edgar. ―It‘s our wedding, Terra. We should make this the best event we can possibly have in our whole life. Interesado ka ba talagang magpakasal sa akin o baka napipilitan ka lang? Sabihin mo na habang maaga pa.‖ Tumayo si Terra at lumayo. Natakot siya sa tingin ni Edgar. Alam niyang pinipigil lang nito ang sariling huwag magalit. ―Nakaplano na ang lahat. Paano pa ako makakaurong?‖ Napatindig si Edgar at lumapit sa kanya. ―What has gotten into you?‖ kunot-noo nitong itinanong. ―You‘re getting into my nerve, Terra.‖

―Wala,‖ agad niyang sagot at lumabas sa balcony. Nagulat na lang siya ng biglang bumagsak ang glass door sa likuran niya. Nang lingunin niya‘y nakatayo doon si Edgar na napakatalim ng mga matang nakatingin sa kanya. Sa takot ay napahakbang siya palikod. ―Ano ba talagang problema mo, Terra!‖ Sumisigaw sa galit si Edgar, para itong isang kulog sa kalawakan. ―Lagi ka na lang ganyan! Everytime I ask you, lagi mong sagot, wala, wala!!! Magsalita ka naman at ng malaman ko kung anong umaandar diyan sa utak mo, dahil ang totoo, hindi na talaga kita maintindihan!!!‖ Nangilabot si Terra sa takot at niyakap niya ang sarili. Hindi pa niya nakikitang nagalit ng ganito si Edgar. Para itong isang mabangis na tigre. ―Wwala naman talaga akong--.‖ ―God damn it, Terra!‖ Malakas na hinampas ni Edgar ang ballustrade sa likuran niya. Napasigaw siya at tinakpan niya ang kanyang mga mata. ―Look at me when I‘m talking to you!‖ Tinapik ni Edgar ang mga kamay niyang na nakatakip sa kanyang mga mata at mahigpit siya nitong hinawakan sa braso. ―Tell me exactly what‘s bothering you para malaman ko kung ano‘ng gagawin ko! You‘re making me look like an idiot!‖ Bigla siyang napaluha sa labis na takot subalit lalo itong ikinagalit ni Edgar. ―For God‘s sake, Terra! Answer me!‖ Pilit kumawala ni Terra sa mahigpit na hawak ni Edgar. Namimilipit na sa sakit ang kanyang mga braso. Nang hindi na siya nakatiis ay lumaban na rin siya. ―Ikaw ang problema ko!‖ Napasigaw siya at itinulak ito sa dibdib. Napaurong si Edgar, at sa isang iglap ay naglaho ang poot nito, lalo na ng makita nito ang bumuluhos na luha sa mga mata niya. ―Napakalaki mong tanga! Bakit ba ganun na lamang ang pagtitiwala mo sa isang taong hindi mo man lang kakilala, and worst, gusto mo pa akong pakasalan? Hindi mo ba naisip na baka niloloko lang kita at baka kayamanan mo lang ang tanging inaasam ko? Naisip mo na ba yun o hindi mo na talaga ginagamit ang utak mo?‖ Para bang hiniwa ng isang matalim na kutsilyo ang puso ni Edgar. Ilang segundo itong tulalang nakatitig sa kanya bago nakapagsalita. ―Just what exactly do you mean?‖ natatakot nitong itinanong. ―I do not deserve you!‖ Humina ang boses niya. ―You‘ve been very kind to me, and I couldn‘t even find a way to pay you back. I have nothing to give you, nothing.‖ Lumuwag ang dibdib ni Edgar. Nang akmang yayakapin siya nito ay bigla siyang lumayo. Takot pa rin siya dito. ―It‘s okey, Terra,‖ anito sa malumanay na tono at dahan-dahan siyang niyakap. ―I‘m sorry! I‘m so sorry I scared you.‖ Nagpatuloy ang pagluha niya sa dibdib ng binata. ―I don‘t deserve you, Edgar. You deserve someone better.‖

―Who else would be better for me than you,‖ sagot ni Edgar. ―Alam mong mahal na mahal kita. Hindi ba mahal mo rin ako? Isn‘t that all that matters?‖ ―I don‘t know. I‘m so confused.‖ ―Terra, don‘t ask me to cancel the wedding!‖ pagmamakaawa ni Edgar at hinigpitan pa ang yakap sa kanya. ―I‘m not going to do that. I‘d rather die if I‘m going to lose you!‖ Kumapit din siya ng mahigpit sa katawan nito. ―I won‘t ask you that. Ayokong ma-cancel ang kasal natin.‖ Napapikit si Edgar at mariing humalik sa kanyang buhok. ―Thank you, honey. The wedding will go on no matter what happens. You know I couldn‘t live without you.‖ Tumingin siya kay Edgar at pinahid nito ang kanyang luha. Umiiyak silang tinatawanan ang isa‘t-isa. ―Don‘t give me that scare again,‖ ani Edgar at niyakap siyang muli. ―I thought I was going to lose you.‖ Hindi nagsalita si Terra. Kumapit siya sa balikat nito at hinalikan ito sa labi.

Twenty ―Terra!‖ Nagulat si Terra ng biglang bumukas ang pinto at humihingal na pumasok si Mariana. Mukhang may nakalap itong masamang balita. Nakaupo siya noon sa harapan ng salamin at sinusuklay ang kanyang buhok. ―Si Carlos, nadakip nina Vargas!‖ ―Ha!‖ Napatayo siya. Bago sila magpatuloy sa pag-uusap ay naisipan niyang isara muna an g pinto. Para ma sigurado pang walang makakarinig sa kanila ay hinila niya si Mariana sa loob ng bathroom. ―Anong nangyari?‖ Hindi pa rin kumakalma si Mariana. ―Inutusan siya kanina ni Sir Edgar na ihatid si Sir Ignancio sa Airport. Pabalik na sana siya dito ng harangin siya sa daanan. Ito yung sulat nila.‖ Nanginginig ang mga kamay ni Terra na binasa ang sulat. Sulat kamay nga iyon ni Vargas. Dumating na nga ang kinatatakutan niya, na balang araw ay maiisahan din sila ni Vargas. ―Papasukin nila tayo mamayang gabi!‖ Napamulagat siyang tumingin a kaibigan. ―Mariana?‖ ―Huwag mo akong tanungin. Hindi ko rin alam kung anong gagawin natin.‖ ―Mas lalo namang hindi ko alam. Ikaw ang may utak sa ating dalawa. Parang awa mo na gumawa ka ng paraan!‖ Napahawak si Mariana sa noo. ―Kailangan nating tumakas. Yayain mo si Edgar na lumabas.‖ ―Paano si Carlos? Baka patayin nila. Natahimik si Mariana. Mukhang nakaligtaan nitong bihag nga pala nina Vargas si Carlos. Hindi naman maaaring pabayaan na lang nila ito.

―Ireport kaya natin sa pulis?‖ ―Huwag!‖ Bayolente ang reaksyon ni Mariana. ―Mapapahamak tayo niyan. Ilang beses ko ng sinabi sa‘yo na ayokong makulong.‖ ―Sarili mo lang kasing iniisip mo, eh!‖ ―Gaga! Kami pa ngayon ang makasarili gayong hindi mo man lang inisip na mapapahamak kami nung nagdesisyon kang huwag mo na lang patayin si Sir Edgar! Kung hindi ka sana sumang-ayon kay Vargas noon hindi sana umabot sa ganito ang lahat!‖ Nagkaharapan ang dalawa, mata sa mata. Kulang na lang ay magsabunutan na sila, ngunit si Mariana rin ang unang lumayo. ―Masuwerte ka‘t mahal ka ni Sir Edgar. Maaaring mapatawad ka niya, pero kami ni Carlos…‖ Bumuntung-hininga si Terra. ―Ang pendant lang naman ang kailangan nila, di ba? Kung ibibigay natin yun baka pakawalan nila si Carlos.‖ ―Nasa‘yo ba ang kuwintas?‖ ―Wala pa, pero kukunin ko sa kanya mamaya.‖ Nanahimik si Mariana, naghihintay na siya‘y magpatuloy. ―Hihintayin ko sila dito. Kailangan niyong umalis ni Edgar.‖ Nagulat si Mariana. ―Hindi ka puwedeng maiwang mag-isa dito!‖ ―Sige na, Mariana. Huwag kang mag-alala.‖ Hinila niya si Mariana at lumabas na sila ng bathroom. ―Pagkatapos nito, maglalayas na tayo. Kapag nakatakas na tayo magpapadala tayo ng sulat kay Edgar. Sasabihin natin sa kanya ang totoo. Lalo lang natin siyang nilalapit sa kapahamakan habang narito tayo.‖ Sumang-ayon si Mariana. Kailangan na talaga nilang lubayan si Edgar sa lalong madaling panahon. *** Huminga-hinga ng ilang beses si Terra bago siya bumaba ng hagdanan. Nadatnan niya sa sala si Edgar na katatapos lamang manood ng TV. ―Honey, hindi ka pa natutulog?‖ nasorpresang tanong ni Edgar ng makita siya nito. ―Hon, parang may gusto akong kainin.‖ Pinalibutan ni Edgar ang kanyang baywang. ―Ano yun at ipagluluto kita.‖ malambing nitong tugon. ―Hindi. Gusto ko bilhan mo ako ng pizza.‖ ―Pizza?‖ Nagsalubong ang kilay ni Edgar. ―Honey naman, napakalayo pa ng bi--.‖ ―Ah, basta. Gusto ko ng pizza.‖ Parang batang sumimangot si Terra. ―O sige.‖ Agad na sumuko si Edgar. ―Dahil gusto mo, ibibigay ko. Hintayin mo ako dito ha?‖ ―Sandali lang.‖ Hinila niya ang kamay nito. ―Baka hindi mo alam yung gusto kong flavor. Isama mo na lang si Mariana.‖ ―Honey, gabing-gabi na! Natutulog na si Mariana. Ano bang flavor ang gusto mo?‖ ―Hindi ko nga alam, eh. Nakalimutan ko. Isama mo na si Mariana kasi siyang nakakaalam nung paborito ko.‖

―Ako ng mag-isa ang pupunta,‖ mariing wika ni Edgar. ―Bilhin ko pa lahat ng flavor para sigurado.‖ ―Ayoko! Basta gigisingin ko si Mariana.‖ Mabilis niyang tinungo ang servant‘s quarter. Hinabol naman siya ni Edgar. ―Terra, don‘t be too harsh to our helpers.‖ Hindi niya ito pinansin at kumatok sa pinto. Alam niyang naghihintay lamang sa loob si Mariana. ―Ay! Kayo pala. Bakit po?‖ nagmaang-maangang tanong ni Mariana pagbukas ng pinto. ―It‘s nothing, Mariana--.‖ ―Mariana, samahan mo naman si Edgar na bumili ng pizza.‖ Pinutol ni Terra ang pananalita ni Edgar. ―Gusto ko yung nasa mall kasi mas masarap ang luto nila roon.‖ ―Sa mall?‖ gulat na naibulalas ni Edgar. ―Aabutin kami ng dalawang oras kapag doon pa kami pupunta.‖ ―Basta doon ang gusto ko!‖ pagmamatigas ni Terra. ―Pupunta ba kayo o hindi?‖ ―Yes, dear,‖ muling sumuko si Edgar. Sa simangot pa lang niya ay alam niyang hindi na ito magrereklamo pa. Parang naninibago ito sa kanya. ―Napakademanding ata ngayon ng sweetheart ko?‖ ―Ayaw mo yata, eh!‖ ―Aalis na nga, eh,‖ sagot ni Edgar at tumingin kay Mariana. ― Tara na Mariana at ng makabalik tayo agad.‖ Nang tumalikod si Edgar ay naluluha ang mga mata ni Mariana na tumingin sa kanya. Lihim nitong pinisil ang kanyang kamay bago nito sinundan si Edgar. ―Edgar!‖ Napalingon si Edgar sa kanya. Papasok na sana ito ng kotse at nasa loob na rin si Mariana. ―Bakit hon?‖ Hindi siya nagsalita at tumakbo palapit dito. Isang mariing halik ang naging tugon niya. Napakahigpit din ng yakap niya sa pangambang baka huli na nilang pagkikita iyon. ―I love you, Edgar!‖ naluluha niyang ibinulong matapos ang mahabang halik. Nagtaka si Edgar sa kakaibang ikinikilos niya. ―I love you too.‖ Muli niya itong hinalikan. Mas mahigpit pa ang pagkakayakap niya dito. ―Mag-iingat ka ha?‖ ―Yes, sweetheart. Balik din kami agad, okey.‖ Hinalikan ni Edgar ang kanyang noo at pumasok na ng kotse. Pagsara pa lang nito sa pinto ay muling nagsalita si Terra. ―I love you so much, Edgar! I mean it.‖ Nagtatakang ngumiti si Edgar. ―I know that… And I love you too. What‘s wrong?‖ ―…Gusto ko lang malaman mo.‖ Natawa si Edgar at inabot ang kamay niya. Marahan nito iyong pinisilpisil. ―I believe you.‖

Sa pangatlong beses ay hinalikan niya itong muli. ―We have to go now. Bye now, sweet. Balik din kami agad, okey?‖ ―Ah, honey,‖ pahabol ni Terra. ―Yung kuwintas nga pala. Iwanan mo.‖ ―Oo nga pala.‖ Hinubad ni Edgar ang kuwintas na nakapaloob sa shirt nito at iniabot sa kanya. ―You may have it. Anyway we‘re getting married.‖ Tumango si Terra at akmang nagkatinginan sila ni Mariana na nasa loob na ng kotse. Hindi nila akalaing ganun lang kadali ipagkakatiwala ni Edgar ang kuwintas. ―Hintayin mo nga pala si Carlos baka parating na yun. Kung wala pa siya ng nine, tawagan mo na lang siya. Baka kung ano ng nangyari dun.‖ Pinaandar na nito ang kotse at kumaway sa kanya. ―Please be safe,‖ naibulong niya sa hangin habang pinapanood ang papalayong kotse. Ng nakalabas na ito ng gate ay huminga siya ng ilang beses. Kailangan niyang maging matatag. Pumasok na siya sa loob ng bahay at pagkatapos maitago ang kuwintas ay umupo siya sa paanan ng hagdanan. Animo‘y napakatagal ng oras, at sa paglipas ng bawat segundo ay lalong bumibilis ang kanyang pulso. Halos hindi na siya makahinga sa takot. Isang oras na ang lumipas. Hindi pa rin dumarating sina Vargas. Sa ilang sandali lang ay babalik na sina Edgar. Kung papasukin man nila Vargas ang bahay ay ipinagdsal niyang sana‘y dumating na ang mga ito, habang wala pa sina Edgar at Mariana. Napatindig siya ng biglang bumukas ang pinto. Pitong kalalakihan ang nagsipasok, lahat ay may hawak na baril. Napaurong siya ng tutukan siya ni Vargas ng baril. Sinenyasan nito ang tatlong pumunta sa servant‘s quarter para patahimikin ang mga katulong. Ang mga iba naman ay umakyat sa hagdanan para maghanap sa bawat silid. ―Inakala mo bang matatakasan mo kami,‖ nangangatal na wika ni Vargas ng maiwanan silang dalawa. ―Tapos na ang maliligayang araw mo, punyeta ka!‖ Patuloy sa pag-urong si Terra hanggang maipit siya sa dingding. Wala na siyang tatakbuhan pa. ―Asan ang pendant?‖ Nagtapang-tapangan si Terra. ―Pakawalan niyo muna si Carlos.‖ Ibinaon ni Vargas ang baril sa kanyang pisngi. Malamig at nakakatakot ang tigas ng bakal na iyon. ―Patay na siya. Kung ayaw mong magaya sa kanya, ibigay mo na ang pendant.‖ Parang dinudurog ng baril ang cheekbones ni Terra. Kahit pilitin niyang hindi umiyak ay hindi niya napigilan ang kanyang luha. Ayaw niyang maniwalang patay na si Carlos. ―Nasa taas.‖ Kinaladkad siya ni Vargas paakyat ng kuwarto, at pagbukas pa lang ng pinto ay itinulak na siya nito papasok. Nadapa siya sa sahig. ―Kunin mo.‖ Hangga‘t maaari sana ay ayaw niyang ibigay ang kuwintas hangga‘t hindi niya nakikita ang kahit bangkay man lamang ni Carlos, ngunit sa takot niya‘y kinuha rin niya iyon sa ilalim ng kanyang unan.

Hinablot ni Vargas ang kuwintas sa mga kamay niya at ganun na lamang ang ngiting tinitigan ito. ―Alam mo ba kung magkano ang halaga nito?‖ ―Wala akong pakialam!‖ agad na sagot ni Terra. ―Nasa‘yo na ang kuwintas kaya‘t umalis na kayo.‖ Natawa si Vargas sa katapangan niya. Ibinulsa nito ang kuwintas at muling lumapit sa kanya. ―Hindi lang itong kuwintas ang pinunta namin dito. Tatapusin na rin namin ang trabahong hindi mo nagawa. Magpaalam ka na sa kasintahan mo dahil ako mismo ang papatay sa kanya.‖ ―Ano bang kasalanan ni Edgar sa‘yo?‖ pasigaw na tanong ni Terra. ―Bakit ba kailangan niyo siyang patayin?‖ ―Boss!‖ Nagulantang ang dalawa ng biglang pumasok ang isang tauhan ni Vargas sa kuwarto. ―Wala si Edgar sa kuwarto niya. Tatlong katulong lang ang nasa ibaba. Wala ng ibang tao dito.‖ Nanlilisik ang mga mata ni Vargas na tumingin sa kanya. Sa galit nito‘y sinapak siya ng malakas sa mukha. Bumagsak siya sa sahig at tumalsik ang dugo sa kanyang bibig. ―Punyeta ka talagang babae ka! Pinaalis mo sila!‖ Umiiyak na hinawakan ni Terra ang kanyang pisngi. Parang gusto niyang sumigaw sa matinding sakit na nararamdaman. ―Asan si Edgar? Asan si Mariana?‖ Nang hindi siya sumagot ay hinatak ni Vargas ang kanyang buhok patayo. Napatili siya sa sakit ngunit hindi nagpakita ng awa ang lider ng sindikato. ―Sabihin mo sa akin kung saan sina Edgar kung ayaw mong pasabugin ko yang utak mo!‖ ―Tama na! Nasasaktan ako!‖ ―Nasaan sina Edgar!!!‖ Parang malakas na kulog ang tindi ng galit ni Vargas. ―P-pinaalis ko sila!‖ Muli siyang sinapak ni Vargas at muli din siyang bumagsak sa sahig. Nauntog pa siya sa paanan ng kama. Panandalian siyang nawalan ng malay, at ng dumilat siya‘y nakatutok na sa kanya ang baril ni Vargas. Mabilis niyang kinapa ang punyal sa kanyang bulsa, ngunit bago pa niya maalis ang casing nito ay pinaputukan na siya ni Vargas. Napasigaw siya at nabitawan ang hawak niyang dagger. Akala niya‘y sabog na nga ang kanyang utak, ngunit ng dumilat siya‘y ang dingding sa likuran pala niya ang tinamaan ni Vargas. ―Sa akala mo ba malalabanan mo ako sa kutsilyong ‗yan,‖ ani Vargas at isinabit sa baywang ang baril. Pinulot nito ang dagger sa sahig at lumuhod sa harapan niya. Itinutok nito ang patalim sa leeg niya. ―Hindi ba‘t kay Edgar mo dapat ito gamitin?‖ Nagulat ang lahat ng makarinig sila ng sasakyang ng mga pulis na paparating. ―Boss, alis na tayo! May mga pulis!‖

Napatingin si Vargas kay Terra at sa kanya nito ibinunton ang pagkadismaya. Muli nitong hinatak ang kanyang buhok. ―Kung hindi sana dahil sa‘yo tapos na ang lahat ng ito!‖ nangangatal ang ngipin nitong wika. ―Inuutusan kita. Patayin mo si Edgar kung hindi ibabaon kitang buhay sa lupa!‖ ―Hindi ko gagawin ‗yan – Huwaaag!!!‖ Napakalakas ng tili niya ng itirik ni Vargas ang patalim sa dingding, sa tabi mismo ng kanyang mukha. Hindi na siya nakapagsalita pa. Labis-labis na ang pangingilabot niya. Umalis na sina Vargas. Naiwanan siya roong tulala at wala sa matinong pag-iisip. Gustuhin man niyang lumuha‘y hindi na niya nagawa. Itong gabing ito ang pinakamalagim na niyang bangungot!

Twenty-One ―Terra! Terra! Speak to me Terra!‖ Unti-unting nagbalik ang ulirat ni Terra ng marinig ang boses ni Edgar. Naroon na pala siya sa labas ng bahay at nakaupo sa loob ng isang van. Nasa harapan na rin niya si Edgar at alalang-alala itong nakatingin sa kanya, nakahawak pa ito sa kanyang balikat. ―Terra, do you hear me?!‖ ―E-edgar,‖ naibulong niya. ―Oh, thank goodness!‖ Mahigpit siya nitong niyakap. ―Who did this to you, for Christ‘s sake?‖ Hindi makapagsalita si Terra. Ni hindi niya maipikit ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang maalala ang kakila-kilabot na pangyayari. Lumayo si Edgar upang tumingin sa kanyang mukha. Hinawakan nito ang namamaga niyang bibig at pisngi. Napangiwi siya sa sakit. ―Are you okey, Terra? What happened?‖ Tumingin siya sa mga mata nito. Awang-awa ito sa kanya at parang sinisisi nito ang sarili sa nangyari. Napansin din niya si Mariana na nakatayo sa likuran ng binata. Umiling si Terra. ―Hindi ko alam. May pumasok na lang na mga kalalakihan. Hindi ko sila kilala.‖ Muli na naman siyang nagsinungaling para mapagtakpan ang kasalanan nila ni Mariana. Niyakap siyang muli ni Edgar ng buong higpit. ―They‘ll pay for this, sweetheart!‖ isinumpa ni Edgar. ―Pagbabayarin ko ang sinumang gumawa sa‘yo nito!‖ *** Humihingal na umupo si Terra sa kama, pawis na pawis. Ilang araw na ang nakaraan mula ng mangyari ang insidenteng yun at bumalik na rin sila sa mansyon ni Edgar, subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin siyang dinadalaw ng bangungot sa bawat sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata. ―Honey.‖ Biglang pumasok si Edgar sa kuwarto at umupo sa tabi niya. Nasa balcony lang pala ito kaya‘t narinig nito ang kanyang sigaw.

―Are you okey? Are you having another nightmare?‖ Tumango lamang si Terra. Niyakap siya ni Edgar at hinaplos-haplos ang kanyang buhok. ―You need to get over that. Wala na tayo doon, we‘re safe here here. Pinapaimbestigahan na rin ni Daddy ang mga salarin. I swear it will never happen again. I would never leave your side either, not especially for a god damn pizza.‖ Ewan ni Terra, ngunit mula ng mangyari ang insidenteng yun ay ganun na lamang ang galit ni Edgar sa pizza. Ito ang pinagbabalingan nito ng sisi sa nangyari sa kanya. ―Si Carlos nga pala, nahanapan na ba?‖ halos araw-araw itong itinatanong ni Terra. Hindi niya maiwasang mag-alala ng husto sa kinasapitan ng driver. Bumuntung-hininga si Edgar. ―They‘re still looking for him. Ginamit nila ang kotseng minamaneho ni Carlos para makapasok sa bahay kaya malamang ay bihag nila siya ngayon o baka…‖ Umiling si Edgar. ―No. Of course he‘s alive. We have to keep looking.‖ Napapikit si Terra. Kung totoong pinatay na nga ni Vargas si Carlos ay saan kaya nila itinapon ang bangkay nito. Nakokonsensiya siya. Malaki sana ang maitutulong niya dito ngunit heto siya‘t takot na takot lumantad. ―Tomorrow will be your last appointment with the doctor. After that, we have to go to the NBI para maisalaysay mo ang nangyari.‖ Ito na nga ba ang iniiwasan ni Terra na mangyari kaya‘t nagsasakitsakitan siya kahit ang totoo‘y nakarecover na siya sa trauma. Nais na rin niyang hubarin ang kanyang maskara subalit natatakot pa rin siya. Hindi lang kay Vargas kundi maging kay Edgar. ―Gusto kong matapos na ito sa lalong madaling panahon, at ng maituloy na natin ang naantala nating kasal.‖ Napatingin siya kay Edgar. Nakalimutan niyang engaged na nga pala sila. Dahil sa mga pangyayari ay nawala ito sa isip niya. Seryoso talaga si Edgar na pakasalan siya anuman ang mangyari.

Twenty-Two ―Hindi ka ba papasok ngayon?‖ tanong ni Terra kay Edgar ng isang umagang nagliliwaliw sila sa garden. Pinayagan na siya nitong lumabas ng bahay, huwag lang sa labas ng bakuran. ―Nag-leave muna ako,‖ balik ni Edgar. ―Aasikasuhin ko na muna ang kaso mo. I don‘t want that to happen to you again that‘s why I wouldn‘t stop until the criminals are caught. And… I want that necklace back.‖ Bumuntung-hininga itong tumingin sa kanya. ―Mamayang hapon nga pala magrereport tayo sa NBI.‖ Napahakbang palikod siya palikod. Seryoso nga talaga si Edgar na iharap siya sa kinauukulan. Talagang gagawin rin nito ang lahat mabawi lamang ang kuwintas.

―Ma‘am Terra!‖ Isang katulong ang nagmamadaling lumapit sa kanila. ―May tawag po kayo.‖ Nagkatinginan sila ni Edgar. Kapwa wala silang idea kung sino ang tumawag sa kanya. ―Baka mga pulis ‗yan,‖ ani Edgar. ―Sagutin mo na. Hintayin kita rito.‖ Tumango si Terra at sinundan ang katulong sa loob ng bahay. Mga pulis kaya o si Vargas? Sinuman sa iniisip niya, natatakot siya. ―Hello.‖ Nanginginig ang mga kamay niyang iniangat ang telepono. ―Terra?‖ Boses lalaki iyon. Parang familiar sa kanya. ―S-sino ‗to?‖ ―Terra, si Carlos ito.‖ ―Ha!!!‖ Tinakpan ni Terra ang kanyang bibig upang hindi siya mapasigaw. Tumingin-tingin muna siya sa paligid para siguaduhing walang taong nakikinig bago siya nagsalita. ―Buhay ka? Asan ka?‖ ―Huwag mo munang sasabihin kahit sino. Nakatakas ako. Nagtatago ako ngayon. Makinig ka sa akin.‖ ―Oo, bakit?‖ ―Terra, nalaman kong may kapatid pala sa labas si Edgar. Jayson ang pangalan nito, at siya ang kumontak kina Vargas para ipapatay si Edgar at siya rin ang nagsabi kay Vargas tungkol sa kuwintas. Ito ang magiging kabayaran nila kung napatay nila si Edgar.‖ Napamulagat si Terra. Saglit siyang hindi nakapagsalita. ―Bakit niya ipapapatay ang kapatid niya?‖ ―Mana ang nakikita kong dahilan nito. Gusto niya sigurong masarili ang mga ari-arian ni Ignacio kaya niya ipinapapatay si Edgar.‖ ―N-nakita mo na ba siya?‖ ―Oo. Nakausap ko siya mismo. Kilalang-kilala ka na rin niya at gusto ka na rin niyang ipapatay. Kumontak siya ng isa pang grupo ng mga sindikato. May balak silang pasukin ang mansyon.‖ ―Ha!‖ Muling nangilabot si Terra. ―Kailan daw?!‖ ―Hindi ko alam. Hindi sinabi sa akin.‖ ―Anong gagawin natin?‖ ―Makinig ka!‖ Kahit sa telepono ay narinig ni Terra ang paghinga ng malalim ni Carlos. ―Kausapin mo si Mariana at tumakas na kayo ngayon din.‖ ―Bakit?‖ ―Kung ayaw niyong ipakulong kayo ni Edgar umalis na kayo. Susuko ako sa pulis maya-maya lamang.‖ ―Ano?!‖ Hindi na yata matitigil si Terra sa pagkagulat. ―Ano bang iniisip mo? Paano ang pamilya mo?‖ ―Bahala na. Nakokonsensiya na ako. Hindi ko kayang manahimik na lamang habang kaya kong iligtas ang buhay ng amo ko. Kaya kung ayaw niyong madamay umalis na kayo diyan.‖ ―Oo, sige--.‖ Biglang naputol ang linya. ―Hello! Hello!‖ Wala ng sumagot. Nagtaka at kinilabutan si Terra. Hindi niya alam kung bakit biglang naputol ang linya. Hindi niya alam kung ano‘ng nangyari kay Carlos.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pinuntahan niya agad si Mariana at kinaladkad niya ito sa kanyang kuwarto. Matapos niyang isalaysay ang lahat ay nagtulungan na silang magbalot. Hindi na kumuha si Mariana ng mga damit dahil baka makita pa ito ng mga kasamahan nito at magtaka. ―Baka naman nahuli nila si Carlos kaya ganun,‖ hula ni Mariana habang isinasara ang isang maliit na suitcase. ―Huwag naman sana,‖ ipinagdasal ni Terra. ―Baka naubusan lang siya ng barya kung sa public phone siya tumawag.‖ ―Huwag tayong magbakasakali,‖ babala ni Mariana. ―Kung may nangyari kay Carlos dapat na nating sabihin ito kay Sir Edgar. Seryoso na ang bagay na ito.‖ Napahinto si Terra. May punto nga si Mariana. Kung nahuli man si Carlos ay dapat nilang ipagpatuloy ang sinimulan nito. Ito na rin ang paraan para makabawi sila sa panloloko nila kay Edgar. ―Mauna ka na kayang tumakas Mariana. Kakausapin ko muna si Edgar.‖ ―Ano?‖ naibulalas ni Mariana. ―Personal mo siyang kakausapin? Alalahanin mong kasalanan mo kung bakit nawala ang kuwintas. Sa palagay mo ba mapapatawad ka niya?‖ ―Maaaring hindi, ngunit sa unang pagkakataon gusto kong gumawa ng tama. Nasa peligro ngayon ang lahat dito sa mansyon. Kung kinakailangang magsakripisyo ako para makatulong gagawin ko.‖ Parang hindi makapaniwala si Mariana sa naging desisyon niya. Kahit man siya‘y nagtataka siya sa sarili. Ngayon lang siya naging ganito katapang. ―Hihintayin kita sa ibaba,‖ sagot ni Mariana. ―Sabay tayong aalis sa bahay na ito. Hindi ako aalis hangga‘t hindi kita kasama.‖

Twenty-Three ―Tapusin mo na muna kaya ang kasal niyo?‖ mungkahi ni Mariana habang nakaupo sila ni Terra sa parlor. Hinihintay na nila noon si Edgar para magtapat. ―Tutal bukas na kayo kukuha ng papel niyo, di ba? Siguro naman hindi ka niya ipapakulong kung kasal na kayo.‖ ―Hindi,‖ matigas na tumanggi si Terra. ―Ngayon na. Kung ipagpapaliban ko pa‘y baka huli na ang lahat.‖ Huminga ng malalim si Mariana. ―Ako kasing natatakot sa‘yo eh.‖ Natahimik ang dalawa ng pumasok si Edgar. Dire-diretso itong lumapit kay Terra. ―Good afternoon, hon.‖ Hinalikan siya ni Edgar sa pisngi at umupo sa tapat niya. ―Pinatawag mo ba ako?‖ ―Ah – oo,‖ sagot ni Terra habang pinaglalaruan ang nanginginig niyang mga daliri. ―By the way, may sasabihin din ako sa‘yo.‖ Lumingon si Edgar kay Mariana. ―Iwanan mo muna kami, Mariana. I need to talk to my wife privately.‖ Kinilabutan si Terra. Makahulugan ang sinabing yun ni Edgar. Dahandahan namang tumayo si Mariana at patagong pinisil ang kanyang kamay.

Nang maisara na ni Mariana ang pinto ay tumingin si Edgar sa kanya. ―Tumawag si daddy kani-kanina lang. May suspect na raw ang NBI.‖ Tumango si Terra. Pilit niyang ikinukubli ang kanyang kaba. ―Terra.‖ Saglit na nanahimik si Edgar at parang nag-iisip kung itutuloy ba nito ang sasabihin. ―Nagtataka lang ako… Yung dagger na nakita kong hawak mo noon, bakit dinala mo pa yun hanggang sa bahay ni Daddy. May kinatatakutan ka ba? Alam mo na ba na mangyayari yun?‖ Halos mapaurong si Terra. Naghinala na nga si Edgar, at marahil ay naliwanagan na ito sa tunay na nangyari. ―I‘m sorry, Terra. Hindi sa pinaghihinalaan kita pero…‖ Bumuntunghininga ito bago nagpatuloy. ―Para kasing may nahahalata na ako sa‘yo. Matagal ko ng napansin na may kakaiba sa‘yo pero hindi ko lang pinansin noon because I was too blinded with my love for you, and last week I was too occupied thinking about Carlos and that necklace, but now that I‘m sane again…‖ Nanginig na ang buong katawan niya. Alam na nga ni Edgar ang lahat. Kahit hindi pa niya ito sinasabi ay may utak din naman ito. ―Oh, what am I saying?‖ Tumayo si Edgar at pilit iwinaksi ang lahat sa isipan. ―I‘m sorry, honey. Marahil nagiging paranoid na ako. I‘ll go get a wine.‖ Bago mabuksan ni Edgar ang pinto ay tumindig siya. Kung ayaw nitong paniwalaan ang katotohanan ay patutunayan niya ito. ―Edgar.‖ Lumingon si Edgar, nagtataka. ―Can you stay a little longer? May mahalaga akong sasabihin sa‘yo.‖ Nagsalubong ang kilay ni Edgar, subalit bumalik din ito sa kinauupuan. ―What is it, hon?‖ Huminga ng ilang beses si Terra para makakuha ng sapat na tapang. ―May – kinalaman ako sa – pagkawala ni Carlos, at sa kuwintas.‖ Natulala si Edgar habang nakatingin sa mga mata niya. ―Don‘t make a story.‖ Mabilis itong tumayo. ―It‘s true!‖ Tumayo rin si Terra. ―Edgar, listen to me!‖ Napahinto si Edgar. Huminga ito ng ilang beses at saka humarap sa kanya. ―You‘re lying!‖ ―My real name‘s Terra Olivares. Galing ako ng probinsiya at anak ng mahirap na magsasaka. Hindi rin totoong may amnesia ako. I came here as a spy--.‖ ―Stop it!!!‖ galit na sigaw ni Edgar. Ayaw pa rin nitong tanggapin ang katotohanan. ―I don‘t need any of these nonsense!‖ ―Pinadala ako dito para nakawin ang kuwintas at patayin ka! Harapharapan na kitang niloloko, at alam kong nahalata mo na ito nung una pa lang, ngunit kung bakit nagbubulag-bulagan ka--.‖ ―Enough!‖ ―It‘s true! Why don‘t you believe me! Ganyan ka na ba talaga katanga?!!‖ ―I said enough!!!‖ Sa galit ni Edgar ay nandilim ang mga mata nito at marahas siyang hinatak sa braso. Halos durugin niya ang kanyang mga buto. Natakot man siya, subalit hindi siya lumaban. Nang marahil ay nahimasmasan ito‘y bigla siya nitong itinulak at parang wala ito sa matinong pag-iisip na

sumandal sa dingding. Wala man itong luha ay kitang-kita ni Terra ang hapdi sa mga mata nito. Naawa siya ng husto kay Edgar. Minsa‘y iniwanan ito ng babaeng minamahal nito, ngayon nama‘y pinagtaksilan ito ng bago nitong minamahal na inakala nitong hihilom sa malalim na sugat na natamo nito sa nakaraan. Lalo lang palang madudurog sa isang milyong piraso ang puso nito. ―Bakit?‖ halos pabulong ang pananalita ni Edgar. Parang nawalan ito ng buhay. ―Bakit hindi mo na lang ako pinatay?!‖ Napaluha si Terra habang pinagmamasdan ang hinanakit sa mga mata nito. ―Hindi ko ginawa… dahil mahal kita.‖ Lalong nagalit si Edgar at hinatak ang buhok niya. Napasigaw siya sa sakit subalit hindi siya nito pinansin. ―Mahal? Pagkatapos mo akong lokohin sasabihin mong mahal mo ako?! Everything we had is nothing but a lie!!!‖ Bumuluhos na ang luha ni Terra. ―No!‖ ―Sabihin mo sa akin, kasama ka ba sa sindikato?‖ ―No! Edgar, yung buhok ko!‖ Biglang binitawan ni Edgar ang buhok niya. ―Then tell me why the hell did you do this!!!‖ ―I did it for a million pesos!‖ agad na sagot ni Terra na ikinagulat naman ni Edgar. ―Kapag napatay kita‘y isang milyon ang ibabayad nila sa akin! At dahil mukhang pera ako‘y tinanggap ko ang alok nila!‖ ―So you‘re willing to kill just for a million pesos!‖ Mabilis na binunot ni Edgar ang punyal sa kanyang bulsa. Nagulat naman si Terra ng makita ito. ―Ito ang dagger mo!‖ Ipinahawak niya ang dagger kay Terra at itinapat sa dibdib nito. ―Sige, patayin mo na ako at ng makuha mo na ang hinahangad mong isang milyon!!!‖ Lalong humagulgol si Terra at hinila niya ang kanyang kamay. Nahulog ang dagger sa sahig. ―I‘m sorry!‖ Namanhid na ang buong katawan ni Edgar. Hindi na ito makaramdam pa. Ang tanging nararamdaman na lamang nito ay ang kirot na bumaon ng malalim sa dibdib nito, mas malalim pa kaysa sa dati. ―This can‘t be,‖ anito sa sarili at halos wala ito sa sariling lumabas ng pintuan. ―I was such a fool… A god damn stupid fool.‖ Napaluhod si Terra sa sahig at nagpatuloy ang pagtulo ng kanyang luha. Awang-awa siya kay Edgar, at galit na galit siya sa kanyang sarili. Dahil sa kasakiman niya ay ganito ang kinahinatnan ng lahat. *** Walang buhay na nagtungo si Terra sa backdoor, kung saan naghihintay si Mariana. Agad itong nagtanong, ngunit para bang wala siyang narinig at dire-diretso sa labas. ―Terra, ano bang sinabi niya?‖ Hinawakan ni Mariana ang braso niya at huminto siya sa paglalakad. ―Terra?‖ ―… Tara na Mariana. Wala na tayong karapatan pang manatili dito.‖ ―Pinapaalis ka ba niya?‖

―Hihintayin ko pa bang sabihin niya? Marunong naman akong makiramdam kahit hindi pa niya sinasabi. Sa tingin mo ba gugustuhin pa niya akong makita?‖ Nanahimik si Mariana. ―Sabi mo sabay tayong aalis. Tara na.‖ Tatalikod na sana siya ngunit napansin niyang walang balak sumunod sa kanya si Mariana. ―Bakit?‖ Bumuntung-hininga si Mariana. ―Dumito na muna ako. Ituturo ko ang hideout nina Vargas. Baka sakaling mailigtas pa nila si Carlos.‖ Nanatiling nakatitig lamang si Terra sa kaibigan. Kung matapang siya‘y mas matapang pala si Mariana. ―Mas mabuti kung manatili ka rin muna dito. Delikado tayo kina Vargas. Baka patayin ka nila.‖ Natawa si Terra. ―Kahit saan naman ako magpunta, delikado ako. Kung hindi si Vargas papatay sa akin, maaaring si Edgar na mismo.‖ ―…Saan mo balak pumunta ngayon?‖ ―Kailangan ko ng umuwi. Baka nag-aalala na sa akin si Aling Rosing.‖ Hinawakan ni Mariana ang kamay niya. ―Pag nadakip sina Vargas at napatawad ako ni Sir Edgar, papasyalan kita, pangako.‖ Tumango si Terra. ―Hihintayin kita.‖ ―Itong mga gamit mo pala.‖ Titnitigan niya ang dalawang suitcase na hawak ni Mariana. ―Pakisauli na lang yan. Wala naman akong pag-aari diyan eh.‖ Ngumiti siya at umalis na. Hindi na sila nagpaalaman pa. Alam niyang pinapanood siya ni Mariana habang siya‘y papalayo ngunit hindi na rin niya ito nilingon. Baka magkaiyakan pa sila. Naisipan niyang mamitas ng bulaklak at kumuha ng stem ng rose sa garden bilang alaala ni Edgar. Doon na rin siya sa main gate dumaan. Hindi na niya kailangan pang tumakas. Kahit makita siya ni Edgar na papaalis ay hindi rin siya nito pipigilan. ―Ma‘am Terra, saan kayo pupunta?‖ tanong ng guard sa kanya ng akmang lalabas na siya ng gate. ―Utos po ni Sir Edgar huwag kayong palabasin.‖ Ngumiti si Terra. ―Noon yun, pero kanina nag-away kami.‖ ―Eh--.‖ ―Magpapahangin lang ako sandali. Babalik din ako.‖ Dahil bata pa‘y madali niyang nakumbinsi ang guwardiya. Sumisigaw ang puso‘t isipan niya ng sandaling magsara ang gate sa kanyang likuran. Parang may humihila sa kanya pabalik. Huminga siya ng malalim at pikit-matang naglakad papalayo. Hindi na siya lumingon pabalik. Nang sandaling iyon ay nagsara ang mundo niya. Wala siyang nakikita o naririnig sa paligid niya. Tanging ang nadudurog niyang puso ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ilusyon lang niya, ngunit may biglang tumawag sa kanyang pangalan. Nang lumingon siya sa bandang kanan ay nasilayan niya si Harold at nakatutok na ang baril nito sa kanya. Bago pa siya nakasigaw ay may kung sinong tumulak sa kanya. Nadapa siya sa lupa at narinig niya ang putok ng

baril. Nang umangat ang kanyang ulo upang makita ang nangyari ay bumagsak ang malaking katawan ni Edgar sa tabi niya. Sinubukan niyang tumili, subalit walang lumabas ni anumang tunog sa kanyang bibig. Napakarami pang sumunod na nangyari sa paligid, nakarinig siya ng mga taong nagsisigawan at nagtatakbuhan, subalit wala na siya sa kanyang sarili ng sandaling yun. Gustuhin man niyang yakapin si Edgar ay hindi na siya nakagalaw dahil namanhid na ang buo niyang katawan. Kahit lumuha‘y hindi na rin niya nagawa. Nakatulala lamang siyang nakatingin sa duguang binata.

Twenty-Four ―Bilin ni Sir Edgar ayaw daw niyang tumanggap ng kahit na sinong bisita,‖ ani Mariana kay Terra na nagpupumilit pumasok sa kuwarto kung saan na-confine si Edgar. ―Lalong-lalo ka na raw.‖ ―Kahit sandali lang. Gusto ko lang malaman ang lagay niya,‖ pagmamakaawa ni Terra. ―Baka magalit siya. Natatakot na rin ako sa kanya. Nagtapat na ako kay Sir Ignacio kaya malamang alam na rin niyang magkasabwat tayo.‖ ―Pinatawad ka naman na ni Sir Ignacio, di ba?‖ ―Iba naman si Sir Edgar?‖ ―…Kailangan ko siyang makita,‖ matigas na desisyon ni Terra at dirediretso sa kuwarto ni Edgar. Hinabol siya ni Mariana at ng buksan nila ang pintuan ay nagulat ang isang lalaking nagbabantay sa pasyente. ―Y-you‘re Terra, right?‖ tanong ng lalaki. Tumango siya at dahan-dahang nilapitan ang pasyente. Wala itong pang-itaas na damit at payapang natutulog. Pinagmasdan niya ito at napansin niya ang bandage na nakapalibot sa baywang nito. Sa tagiliran pala nabaril si Edgar. Naluluha siyang tumitig sa binata. Naghihirap ito ngayon ng dahil sa kanya. Alam niyang ipinag-utos ni Vargas na patayin siya subalit itong si Edgar ay sadyang may sayad sa ulo para iligtas ang isang walang kuwentang katulad niya. Laking pasasalamat na lang niya at nakaligtas ito sa kamatayan. ―Edgar,‖ naibulong ni Terra at dahan-dahang hinaplos ang mukha nito. Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Edgar, at ng makilala siya nito ay bigla nitong tinapik ang kanyang kamay. Nagulat siya. Galit pa rin ito sa kanya. ―Ano‘ng ginagawa mo dito?‖ tanong ni Edgar at pinilit umupo kahit napapangiwi sa sakit. ―Edgar, huwag ka munang gagalaw. Yang sugat mo.‖ ―Huwag mo akong hawakan!‖ Muling tinapik ni Edgar ang kanyang kamay. ―Sabi ko ayoko ng bisita. Ba‘t narito kayo?‖ Nilingon ni Terra si Mariana na kinakabahang nakatayo sa may pintuan. ―Nag-aalala lang naman kami sa‘yo--.‖ ―Hindi ko kailangan ang pag-aalala niyo!‖

Nagulat si Terra. Biglaan ang pagbabago ni Edgar. Para na itong isang tigre ngayon. Maging ang mga mata nito‘y kakila-kilabot na rin. ―Umalis ka na,‖ malumanay na wika ni Edgar. Nasa dulo na ng mga mata ni Terra ang luha. ―Before I go, can you at least say that you forgive me?‖ ―Forgive you!?‖ Biglang uminit ang dugo ni Edgar. Mabilis itong tumayo at mahigpit na hinawakan ang magkabilan niyang braso. Halos mamilipit si Terra sa sakit ngunit hindi siya nagreklamo. ―Did you actually think na mapapatawad kita sa panloloko mo sa akin!? Sa tingin mo ba ganun kadali na tanggapin at kalimutan na lang ang lahat!? Minahal kita! I swear I love you more than my life, at pinagkatiwalaan kita! Pero ano‘ng ginawa mo!? Sinira mo ang pagtitiwala ko! Niloko mo ako dahil sa kasakiman mo! Dahil sa pera you even tried to kill me!!!‖ Mabilis na tumulo ang luha ni Terra habang inaalog ni Edgar ang kanyang katawan. Kulang na lang ay sakalin na siya nito. ―I‘m so sorry!‖ ―Sorry!?‖ Lalong inalog ni Edgar ang balikat niya. ―Do you think you can undo everything by saying sorry!? Maibabalik mo ba ang tiwala ko sa‘yo!? Kung namatay si Carlos, maibabalik mo bang buhay niya!!! And the necklace--!‖ ―Edgar, tama na ‗yan,‖ maingat na sabad ni Sherwin, ang matalik na kaibigan ni Edgar. Biglang nagbalik ang ulirat ni Edgar at ng ma-realize nito ang kabaliwan ay binitawan din siya nito. ―Umalis ka na,‖ mariin nitong utos at ng tumalikod ito ay bigla itong napahawak sa tagiliran. Nakita mismo ni Terra ang masaganang dumugong mabilis na naimantsa sa puting bandage.. ―Edgar, are you okey?‖ tanong ni Sherwin at ng akmang babagsak na si Edgar sa sahig ay sinalo nito ito. Nagulat ang lahat ng magsuka ito ng dugo. ―Oh my god! Tumawag kayo ng doktor!‖ Mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto si Mariana para tumawag ng doktor, samantalang si Terra ay halos mahimatay sa takot at pag-aalala. Kahit alam niyang galit si Edgar ay sinubukan pa rin niyang hawakan ang binata. ―Bitiwan mo ako!‖ sigaw ni Edgar at muli itong nagsuka ng dugo, ngunit hindi pa rin siya nito tinigilan. ―Umalis ka na rito! Ayaw na kitang makita pa! Get out of my life!!!‖ ―Edgar, that‘s enough,‖ panghihinahon ni Sherwin at tumingin kay Terra. ―For Christ‘s sake, umalis ka na Terra. Parang awa mo na!‖ Wala ng nagawa si Terra kundi ang sumunod. Alam niyang kung magtatagal pa siya sa loob ay baka malagay sa peligro ang buhay ni Edgar. Pinahid niya ang kanyang luha at dire-diretsong lumabas ng hospital. Hindi niya inisip kung saan siya tutungo, ang mahalaga lamang sa kanya‘y makalayo na siya sa lugar na yun. ―Terra, iha!‖ Napahinto iya ng masalubong niya si Ignacio. Maayos pa rin ang bati nito sa kanya kahit batid na nito ang kanyang pagkukunwari at panlilinlang sa anak nito. ―Where are you going iha?‖

Umiling si Terra. Hindi niya alam kung paano siya magrereact sa kabaitang ipinapakita ni Ignacio. ―Terra, don‘t leave my son. He needs you,‖ pakiusap ni Ignacio. ―…He wants me out of his life. Ayaw na niya akong makita pa.‖ ―He‘s just confused. I know my son. He‘ll get over this soon.‖ ―Malaki po ang kasalanan ko sa kanya, at sa inyo.‖ Muling lumuha si Terra. ―I‘m so sorry!‖ Hinawakan ni Ignacio ang kanyang kamay. ―It‘s just a matter of necklace. If it‘s about the driver we‘ll find him someday.‖ Ilang sandaling tinitigan ni Terra ang matanda, at tumakbo siyang muli palayo. Mababaw na dahilan lang pala iyon kay Ignacio, ngunit para kay Edgar ay wala itong kapatawaran. Hindi niya alam kung sinundan siya o tinawag siya ni Ignacio. Nagpatuloy siya sa pagtakbo. Importante sa kanya‘y makaalis na siya sa lugar na yun. Pupunta siya sa lugar kung saan hindi na niya maaalala ang lahat ng ito, kung saan walang makakasakit sa kanya.

Twenty-Five Apat na buwan nilisan ni Terra ang kanyang baryo, at napakaraming nangyari sa loob ng maiksing panahon na iyon. Ngayong nakatayo na siya sa harapan ng abandonado niyang bahay ay para bang kaytagal ng panahon ang lumipas. Noo‘y kinamumuhian niya ang lugar na ito, subalit ngayon ay laking pasasalamat niya‘t sa wakas ay nakauwi na siya sa tunay niyang tahanan. Mas mainam na rito, mahirap man ang buhay ay payapa naman ang kanyang isipan. Wala siyang napala ni sentimo sa kanyang pakikipagsapalaran kundi isang mapait na alaala, kaya‘t ngayong nagbalik na siya ay kailangan na niyang magtrabaho para mabuhay. Nagtaka si Aling Rosing sa nakita nitong pagbabago niya mula ng magbalik siya. Maraming katanungan ang kanyang ina-inahan, subalit ni isang salita ay wala siyang isinagot tungkol sa naging buhay niya sa mansyon ng Montero. Sa araw-araw ay naging abala siya sa pamimitas ng mga pananim ni Aling Rosing at sabay silang nagpupunta sa palengke upang ibenta ang mga iyon. Isang bagay na lubos na ikinatuwa ng matanda. Sa araw-araw din ay parati niyang naaalala ang mga taong iniwanan niya. Lagi niyang iniisip kung ano ng kalagayan ng mga ito. Si Carlos, buhay nga ba? Si Mariana, wala pa siyang naririnig na balita dito. Nakulong ba ito o nagpapatuloy sa pagkakatulong? Si Vargas, nahuli na ba sila? At si Edgar? May mga panahong nais niyang magbalik sa mansyon para kumustahin ang lahat, ngunit wala siyang lakas ng loob para harapin ang mga taong niloko niya. Naisip niyang balang araw ay may mga pulis na darating upang dakpin siya, ngunit hanggang a kasalukuyan ay wala pa namang umaabala sa kanya. Marahil ay kinalimutan na siya ni Edgar, maging ang kasalanan niya.

Isang buwan ang mabilis na lumipas, at habang dinidiligan niya ang ngayo‘y nagkakadahon ng stem ng rose na itinanim niya sa harapan ng kanyang bahay ay sinorpresa siya ni Mariana. Tuwang-tuwa silang yumakap sa isa‘t-isa at nagkumustahan. Kung dati-rati ay wala siyang naipamemeryenda sa tuwing dumadalaw si Mariana sa bahay niya, noo‘y may pandesal at butter na siyang iniharap dito. ―Hoy, excuse me. Hindi po ako kumakain ng pandesal, at ayoko ng butter. Baka tumaba ako.‖ ―Che! Porke nakatira ka sa mansyon maarte ka na.‖ ―Biro lang,‖ ani Mariana at pumulot ng isang pandesal. Kapwa sila nanahimik habang naglalagay si Mariana ng butter. ―Terra, si Sir Edgar nga pala.‖ Lihim na nasabik si Terra. Ang totoo‘y kanina pa niya gustong itanong ang kalagayan ni Edgar, subalit natatakot siya sa maaaring kasagutan. ―Kumusta na pala siya.‖ Bumuntung-hininga si Mariana. ―Awang-awa ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa siya nakakarecover. Parati siyang naglalasing. Kung minsan naman nagkukulong siya sa kuwarto niya. Halos hindi pa siya kumakain. Yung mga negosyo niya napapabayaan na rin niya.‖ Muling nagbanta ang mga luha ni Terra. Inakala niyang hindi na niya iiyakan pang muli si Edgar, subalit wala pa rin palang nagbago sa damdamin niya sa binata. ―Terra, bumalik ka na sa mansyon,‖ pagmamakaawa ni Mariana. ―Alam kong ikaw lang ang hinihintay niya.‖ Umiling si Terra at umiwas tumingin sa mata ni Mariana. ―Hindi mo kasi alam kung gaano niya ako kinamumuhian. Kapag nagpakita pa ako‘y baka mapatay niya ako.‖ ―Hindi totoo ‗yan,‖ mariing salungat ni Mariana. ―Ako nga pinatawad niya. Alam mo bang para-parati siya sa kuwarto mo? Ni ayaw niyang magalaw ang mga gamit mo doon. Kung minsan doon pa siya natutulog, at yung dagger na naiwan mo parating nasa tabi niya… Ano pa ba sa tingin mo ang ibig sabihin nun? Mahal na mahal ka pa rin niya.‖ Pinigilan ni Terra ang kabig ng kanyang damdamin. ―Kahit kailan, hindi kami nababagay sa isa‘t-isa. Kahit magkabalikan man kami, isa pa rin akong manloloko at mukhang-pera sa paningin niya. Masyado ng maraming nangyari. Ayoko na. Masaya na ako ngayon.‖ Halos hindi makapagsalita si Mariana. ―Terra, kailangang-kailangan ka ni Sir ngayon. Ikaw lang ang makakapagbalik sa kanya sa dati.‖ ―Makakahanap din yun.‖ Nakanganga si Mariana habang pinapanood siyang nagtitimpla ng juice. ―Si Carlos pala?‖ Biglang naalala ni Terra. Ito ang isang bagay na laging gumugulo sa kanyang isip. ―Nahanapan na ba siya.‖ ―Oo, buhay siya. Pinabalik na rin siya ni Sir Edgar na driver.‖ Napanganga si Terra. Ganoon ba talaga kabait si Edgar? ―Alam na ba niyang kasamahan natin siya?‖

Ibinaba ni Mariana ang kinakain bago nagkuwento. ―Oo. Sumuko siya mismo sa pulis dalawang araw pagkatapos mong umalis. Nagtago lang daw siya kasi pinaghahanap siya ng mga sindikato. Kaya pala biglang naputol yung linya ng telepono noon kasi may nakita raw siyang tauhan ni Vargas.‖ ―Sina Vargas nga pala?‖ Ito naman ang parating kinatatakutan ni Terra. ―Wala na sila sa dati nilang hideout kaya ang hinuli nila yung sinasabi ni Carlos na Jayson. Totoo nga palang kaptid yun ni Edgar sa labas. Umamin din na siyang nagpapapatay kay Edgar, at itinuro pa niya kung saan nagtatago sina Vargas. Ayun, nasa kulungan silang lahat.‖ ―Ano namang reaksyon ni Edgar nung malamang may kapatid pala siya?‖ Nagkibit-balikat si Mariana. ―Parang wala naman na siyang pakiramdam eh. Siguro malungkot pero hindi mahalata dahil matagal na siyang nalulungkot. Si Sir Ignacio naman, ayaw niya itong i-bail kasi baka pagtangkaan daw uli niya si Sir Edgar. Kaya hanggang ngayon nasa kulungan pa rin.‖ Dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Terra. Parang napakagaan ng kanyang loob. ―Ibig sabihin ligtas na ang buhay ni Edgar.‖ ―Buhay rin natin,‖ dagdag ni Mariana. ―Baka nakalimutan mong balak din nila tayong patayin. Hindi lang sila gaanong nakagalaw noon dahil pinaghahanap sila ng mga pulis. Now, we‘re free.‖ Natawa si Terra at para bang sa unang beses makaraan ang ilang buwan ay nakahinga siya ng maluwag. Ngayo‘y malaya na nga sila ni Mariana. Hindi na siya muli pang matatakot na may babaril na naman sa kanya. ―Ayan, juice muna tayo,‖ aniya at inilatag ang isang baso sa harapan ni Mariana.

Twenty-Six Humihingal na inilatag ni Terra ang basket ng mga gulay at prutas sa tabi ng puntod ng nasira niyang ina. Nag-aagawan na ang liwanag at dilim at kagagaling lang niya sa palengke. Malas ang araw na iyon at kakaunti lamang ang kanyang naibenta sa maghapon. Pipikit na sana siya para magdasal ng mahalata niya ang dalawang naglalakihang mga bulaklak sa ulunan ng bawat puntod ng kanyang mga magulang. Nagtaka siya. Wala naman siyang mayamang kamag-anak na makaka-afford ng ganoon kamahal na mga bulaklak. Ipinagkibit-balikat na lang niya ito at nagdasal. Makaraan ang ilang minuto ay naglakad na siya pauwi. Lumubog na ang araw at ayaw niyang gabihin sa daan. ―Terra, saan ka ba nanggaling,‖ ani Aling Rosing na nagmamadaling sumalubong sa kanya. ―Kanina ka pa namin hinahanap.‖ ―Bakit po?‖ ―May bisita ka.‖ ―Terra!‖

Nagulat si Terra ng makita si Mariana na tumatakbo palapit sa kanya. ―Mariana!‖ halos napatili niyang sinambit at niyakap ang kaibigan. ―Antagal mong di dumalaw ah.‖ ―Hay naku! Hindi na yun importante. Halika marami kaming pasalubong sa‘yo,‖ sagot ni Mariana at hinila siya papunta sa kanyang bahay. ―Mariana, ikaw bang naglagay ng mga bulaklak sa puntod ng mga magulang ko?‖ ―Hindi ako. Halika na nga.‖ ―Sandali, mabigat itong dala ko,‖ reklamo ni Terra ngunit hindi siya pinakinggan ni Mariana. ―Ayun ang nagdala.‖ Sinundan ni Terra ang itinuro ni Mariana, at laking gulat niya ng makita si Edgar na nakatayo sa harapan ng kanyang hagdanan, katabi nito ang paso ng rosas na kanyang itinanim. Nalaglag niya ang hawak niyang basket. ―Ako ng bahala diyan, Mariana,‖ ani Edgar ng akmang pupulutin na sana ni Mariana ang basket. Dahan-dahan itong lumapit sa kanila. ―Ah--, opo,‖ ani Mariana at lumayo sa kanila. ―Punta kayo sa bahay mamaya at doon na kayo mag-hapunan ha,‖ bilin ni Aling Rosing at sabay silang umalis ni Mariana. Nang makalayo na ang dalawa ay walang nagawa si Terra kundi ang tumingin kay Edgar na nakatayo na sa harapan niya. Nangingnig ang buo niyang katawan. Parang gusto niyang tumakbo papalayo. ―Kumusta ka na?‖ malumanay na tanong ni Edgar, at ng hindi siya umimik si Terra ay pinagmasdan siya nito pababa. Malamang ay napansin nito ang ilang mga galos sa mga braso niya, bagay na hindi nito nakita noon. ―It‘s hard to believe that a very fine girl like you lives in a place like this. You‘re too fine for a farmer‘s daughter, kaya naman naloko mo ako ng husto noon.‖ Napayuko si Terra. Pinaalala na naman nito ang nakaraan. ―If you remember Attorney Reyes,‖ pagpapatuloy ni Edgar. ―Noon pa niya nasundan itong pinanggalingan mo, pero hindi ko siya pinaniwalaan. Hindi rin ako naniwala sa assurance ng doctor na wala kang amnesia. Ikaw lamang ang tanging pinaniwalaan ko. I don‘t know why I trusted you that much, kahit kung minsa‘y nakakahalata na ako, pinilit pa rin kitang pagtakpan.‖ Sinulyapan niya ang binata. Hindi nito maitatago ang labis na paghihinagpis sa nakaraan, subalit habang nakatitig ito sa kanya ay para bang may umuusbong na ningning sa mga mata nito. Muli itong nagkakaroon ng buhay. Nangiti si Edgar na nakatitig sa kanya. ―I miss you,‖ mahina nitong ibinulong. Nagbadya agad ang mababaw na luha ni Terra, at tumama ang palaso ni kupido sa kanyang puso. Nais niyang yakapin ang binata, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. ―Ba‘t naparito ka?‖ Saglit na nanahimik si Edgar. ―I came here for a million reasons… First, I‘d like to know if you miss me too, and if you ever really loved me, o pagpapanggap nga lang ba ang lahat.‖

Wala mang salitang lumabas sa bibig niya ay isinisigaw na ng kanyang puso ang tunay na pag-ibig niya dito. ―There‘s also the wedding vow that you left behind.‖ Napatingin si Edgar sa kanyang kamay. Hindi na niya nagawang itago ang suot niyang engagement ring. ―But most of all, I‘d like to tell you that I still love you despite of everything. I couldn‘t help it. The harder I try to forget you the more that I‘m losing my will to live. I don‘t want to lose you, Terra. I couldn‘t live without you.‖ Bumagsak na ang mga luha ni Terra, maging si Edgar ay maluha-luha na rin. Naniniwala siya sa sinasabi ni Edgar, subalit hindi siya kailanman karapat-dapat sa ganitong pagmamahal. ―You‘re insane!‖ ―I need you, Terra.‖ Hindi pinansin ni Edgar ang kanyang sinabi. ―Tell me you‘re coming back to me, and this time you‘ll marry me for real.‖ ―And what kind of wife should I be?‖ Pinahid ni Terra ang kanyang luha. ―Paano mo mamahalin ang isang taong nanloko sa‘yo at pinagtangkaan ang buhay mo?‖ Inilabas ni Edgar ang dagger mula sa bulsa nito. Nagulat si Terra ng makita ito. ―Basta‘t nakikita ko ang dagger na ito naaalala ko ang panloloko mo sa akin, but I held on to this, hanggang natutunan kong tanggapin ang lahat. At one time I‘ve lost someone very dear to me, pero hindi ko papayagang mangyari uli yun. I need you… I couldn‘t afford to lose you.‖ Kahit natutunaw na ang puso ni Terra ay umiling pa rin siya. ―You can‘t probably love a criminal, a murderer, a liar! Call me anything, that‘s me.‖ Marahang hinawakan ni Edgar ang baba niya para tumingin siya sa mga mata nito. ―Terra, just tell me if you still love me or not. If you do not I swear I‘d leave right away.‖ Matagal na naghintay ng kasagutan si Edgar, ngunit yumuko lamang siya at di na muling tumingin sa mga mata nito. ―I understand,‖ malungkot na wika ni Edgar at ibinulsa ang maliit na dagger. ―Can I keep this dagger with me?‖ Tumango si Terra at iniwasang magsalubong ang mga mata nila ni Edgar, ngunit ng hawakan nito ang kanyang palad at idinampi ang isang malamig na bagay doon ay tiningala niya ito. Bahagyang ngumiti si Edgar at isinara ang kanyang mga daliri sa bagay na idinampi nito sa kanyang palad. ―Sana, parati mo akong maaalala.‖ Mga ilang segundo siya nitong tinitigan, at para bang napakabigat ng damdamin nitong tumalikod palayo. Dahan-dahang binuksan ni Terra ang kanyang palad, at nagulat siya ng makita ang kuwintas na siyang dahilan ng lahat ng kaguluhan. Nabawi na pala nila ito. Napatingin siya sa papalayong binata at napakalakas na ng sigaw ng nagmamakaawa niyang puso para maipagwalang-bahala pa ito. ―Hindi mo ba bubuhatin ‗tong basket?‖ Bigla siyang nilingon ni Edgar at unti-unting nagliwanag ang mga naluluha nitong mga mata. Nagtitigan sila, at nang hindi na napigilan ni Terra ang nag-uumapaw na damdamin ay tumakbo siya palapit kay Edgar at halos lumipad na yumakap sa leeg nito. ―Mahal na mahal din kita!‖ Napakahigpit ng

yakap niyang umiiyak sa dibdib nito. Ayaw na niyang mawalay pa sa mga bisig nito. Naramdaman niya ang paghaplos ni Edgar sa kanyang buhok. Napatawad na nga siya nito, at ganoon pa rin ang pagmamahal nito sa kanya.

Epilogue ―Do you, Terra, take this man as your lawfully wedded husband, in sickness and in health…‖ Tumingin si Terra sa mala-anghel na mukhang nakangiti sa kanya. Hindi maipaliwanag ang kagalakang nararamdaman niya ng sandaling iyon. Binalik niya ang ngiti bago sumagot. ―I do.‖ Animo‘y nakaraos si Edgar sa nerbiyos ng marinig ang sagot niya. Pinulot na nito ang singsing na hawak ng isang maliit na bata, at laking gulat ni Terra ng makitang may kapares palang singsing ang suot-suot niyang kuwintas. Dahan-dahang isinuot ni Edgar sa kanyang daliri ang singsing. Nanginig pa ang kanyang daliri na malamang ay napansin nito kaya ito ngumiti sa kanya. Ngayo‘y nasa kanya na lahat ng mga alahas ng ina nito. Maliban sa ito‘y napakamahal, kayamanan din ito ng pamilya Montero. Bilang asawa ni Edgar ay responsibilidad na niyang pangalagaan ang kayamang ito. ―I now pronounce you, man and wife.‖ Masayang nagpalakpakan ang mga tao habang iniaangat ni Edgar ang veil na nakatakip sa kanyang mukha at marahan siya nitong hinalikan sa labi. Ng sandaling iyon ay walang pagsisising naramdaman si Terra. Sigurado siyang si Edgar nga talaga ang pinakahihintay niyang lalaking makakapagpabago sa buhay niya. Hindi dahil sa mayaman at guwapo ito, kundi dahil sa tapat na pagmamahalan nila sa isa‘t-isa. ―So how does it feel to be my wife?‖ tanong ni Edgar ng matapos ang halik. Ngumiti si Terra. ―You‘ve just made me the happiest woman in the world. Thank you!‖ ―Psst, don‘t cry,‖ agad na hinawakan ni Edgar ang kanyang mukha ng mapansing naluluha na naman siya. ―You‘ll ruin your make-up.‖ Sabay silang tumawa at tumingin sa mga nagpapalakpakang mga tao. Punung-puno ang simbahan ng oras na yun, at lahat ay nagagalak sa pag-iisang dibdib nila. Hindi makapaniwala si Terra na ganoon kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kaibigan at mga relatives ni Edgar. Maging sina Ignacio at Aling Rosing ay naluluha pang yumakap sa kanilang dalawa. Nang naglalakad na sila palabas ng simbahan ay halos walang katapusan ang pagbati ng mga taong sumasalubong sa kanila. Bawat isa ay masaya nilang pinasalamatan, at inulanan sila ng napakaraming rosas. Hindi maipinta ang kasiyahan nila sa isa‘t-isa ng nakatayo na sila sa tabi ng kotse at handa ng magpaalam sa mga tao. Marahang hinawakan ni Edgar ang magkabilaan niyang braso upang harapin niya ito. ―For one million reasons, I love you.‖

Ngumiti si Terra. Parang gusto niyang tumawa. Naalala niya ang tungkol sa isang milyong naging dahilan ng kanyang pagkukunwari. ―…I didn‘t love you for a million pesos.‖ Napangiti si Edgar. ―I know,‖ sagot nito, at sa gitna ng mga palakpakan at mga camera na nakatutok sa kanila ay hinalikan nito ang asawa… -WAKAS-

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful