IPINASA NI: Mieshell Barel Racaza

IPINASA KAY: Dr. Elleine Rose A. Oliva
ASIGNATURA: Filipino 407 – Kontemporaryong Pag-aaral ng Panitikan
Doughnut
Tototot! To..tot! Tototot! (Text) Punta ka sa beach resort. Dali-daling pumunta
sa beach si Ramoel.
“Bakit pinapunta mo ako rito Jessica?”
“Hu…huhu…! Buntis ako kay Wilmer. Natatakot kami baka magalit ang mga
magulang namin. Gusto ko lang na may kausap at ibahagi ang aking
nararamdaman”.
Binigyan ng payo ni Ramoel ang kaibigan. Naliwanagan naman si Jessica.
Makalipas ang ilang oras. Dumating din ang kaibigan ni Jessica. Ibinahagi rin ni
Jessica ang kanyang problema.
“Ramoel, siya pala si Llehseim kaibigan ko”.
“Hi Llehseim!”
“Hello Ramoel!”
Makalipas ang ilang araw niligawan ni Ramoel si Llehseim. Anim na buwan
ang ligawan hanggang isang araw.
Sa Dunkin doughnut. “Ramoel, bilhan mo ako ng dalawang doughnut.”
“Ito na Llehseim, kailan mo ba ibibigay sakin ang matamis mong oo?”
“Basahin mo ang dalawang doughnut na ipinabinili ko Ramoel”.
Natigilan, nagtaka at nag-isip si Ramoel. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Sabi ko basahin mo ang dalawang doughnut”.
“Dalawang bilog lang naman yan Llehseim”.
“Oo nga Ramoel, dalawang bilog yan at diyan mo malalaman ang kasagutan”.
“Bakit sa doughnut? Kakainin lang natin yan Llehseim”.
“Hay naku! Ewan ko sayo!” sabay hawak sa mukha ni Ramoel.
“Ibig sabihin ng dalawang bilog na doughnut, Oo! Ramoel sinasagot na kita”.