Ang Mag-Anak na Cruz-LIWAYWAY

A. ARCEO

Panimula Ang Mag-anak na Cruz ay isang nobela tungkol sa isang Pilipinong pamilya noong thanks. Ang nobela ay binubuo ng mga maiikling kwento ng mga pangyayari si araw-araw ng pamumuhay ng pamilya Cruz, ngunit ang mga ito ay magkakaungay. Sinusundan ng mga kwento ang mag-asawang Remy at Tinoy, mula sa unang mga taon ng kanilang pagsasama, hanggang sa lumaki’t nag-asawa na ang kanilang mga anak. Si Liwayway A. Arceo ang sumulat ng nobelang ito. Isa siyang magaling na manunulat, editor, at translator. Nanalo siya ng gatimpalang Carlos Palanca noong 162 para sa kanyang maikisng kwento. Siya ay pumanaw noong Disyembre ng 1999. Pagsusuri A) Pamagat: Ang Mag-anak na Cruz B) May-Akda: Liwayway A. Arceo C) Pangunahing Tauhan: Remedios “Remy” Cruz – isang modista na may sariling patahian Katulong na Tauhan: Faustino “Tinoy” Cruz – asawa ni Remy, isang CPA (certified public accountant) Baby Cruz – panganay na anak nina Remy at Tinoy, nagtapos ng Home Economics sa kolehiyo at nagtungo sa Amerika. Doon na siya nakapag-asawa at may dalawang anak. June Cruz – bunsong anak nina Remy at Tinoy, isang nars at nakapangasawa ng isang doktor. Sila ay nabiyayaan ng dalwang anak. Mayroon silang klinika. D) Tunggalian: Tao laban sa tao: Maraming tao ang nakasalamuha ng pamilya Cruz, at magkakaiba ang bawat isa sa kanila. Lahat tayo ay kinakailangang makisama, at ganoon din ang pamilya Cruz. Hindi sa lahat ng pagkakkataon ay gusto nila nag mga tao sa kanilang paligid, gaya ng “kumare” nilang si Nenita. Tao laban sa sarili: Si Remy ay isang tradisyonal na babae, at medyo nahihirapan siyang ipagpalit ang mga dating kagawian para sa mga makabagong paraan. Isa rin siyang ina na nahihirapang pakawalan ang mga anak.

E) Buod: Ang Mag-anak na Cruz ay nagbubukas sa unang mga taon ng pagiging mag-asawa nina Remy at Tinoy, kung saan ay kakalipat lamang nila ng tahanan at sanggol pa lamang ang panganay nila na sa Baby. Muling nagaral si tinoy upang makakuha ng mas maraming oportunidad sa trabaho, at naging matagumpay naman ang patahian ni Remy. Nagkaroon pa sila ng isa pang anak na babaeng pinangalanang June. Guminhawa ang buhay ng pamilya Cruz, at nakapagpatayo na sila ng isang bahay-bakasyunan sa probinsya. Ang kanilang mga anak ay nakapagtapos ng kolehiyo, si Baby ay kumuha ng Home Economics samantalang s June ay naging isang nars. Nagtungo sa Amerika si Baby at doon na nag-asawa, at si June naman ay nakapangasawa ng isang doktor. Naging mapagmahal na lolo at lola sina Remy sa kanilang mga apo. Natapos ang aklat sa pag-alis nina Remy at Tnioy patungong Estados Unidos. F) Pagsusuri: Ang Mag-anak na Cruz ay naglalahad ng mga karanasan at pagbabago na nagaganap sa isang tipikal na pamilya sa Pilipinas. Ang mga sitwassyon si kwento ay maaaring magyari sa kahit sinuman. Ang akda ay may simpleng pamagat dahil simple rin lamang ang kwento. Hindi ito isang buong nobela kunin mga maiikling kwento tungkol sa mga araw-araw na pangyayari si buhay ng mag-anak ng Cruz. Ang may-akda ng aklat ay si Liwayway A. Arceo. Isinulat niya ang aklat bilang tugon sa mga pangayayari sa lipunang Pilipino, lalo na sa mga pamilya. Ipinakita niya nag kahalagahan ng pamilya at ang tamang kumbinasyon ng mga lumang paniniwala ant makabagong paraan. Ang kwento ng Ang Mag-anak na Cruz ay umiikot kay Remedios Cruz o mas kilala sa palayaw na Remy. Siya ay isang modista na nagmamay-ari ng kanyang sariling patahian. Una siyang ipinakilala bilang isang maybahay na lumalabi lamang sa bahay, ngunit malalaman natin na siya ay dating nagtuturo. Dito ay sinasabi na may karera siya dati, ngunit ipinagpalit niya ito para maalagaan ang asawa at sa sanggol na anak na si Baby. Sa mga susunod na kwento ay ipapakita ang pagbabago o pagma-“mature” ni Remy bilang isang asawa, ina, lola, entrepreneur, at kaibigan. Hindi lang sa kanyang mga relasyon sa ibang tao, kundi ang paraan ng pagtanaw niya sa mga kaugalian, gaya ng handa tuwing Bagong Taon. Ngunit may mga bagay na mahirap baguhin para kay Remy, tulad ng mga kaugalian tuwing Mahal na Araw at ang kanyang pagiging “protective” sa kanyang mga anak at mga mahal sa buhay.

Si Faustino Cruz o Tinoy ay isang kawani, ngunit sa pagtutulak ni Remy ay muli siyang nag-aral at nakapagtapos bilang isang CPA o Certified Public Accountant. Isa siyang mabuting ama, asawa, at kaibigan ngunit minsan ay sinusumpong ng mga “mood swings”. Handa siyang tumulong at hindi makahindi sa mga malapit sa kanya, kahit ng sa huli ay napapasama pa siya, gaya ng pagiging guarantor niya sa utang sa bangko ng kasamahang si Pepe, at sa pagiging kontraktor ng kanyang Tata Ponso sa pinapatayo niyang bahay-bakasyunan. Si Tinoy ay magaan ang loob, at siya ang taga-pawi ng kaba at mga agam-agam ni Remy sa mga bagay-bagay, gaya ng paglisan ng anak nila patungong Estados Unidos. May ambisyon siya, at gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang matupad ang mga ambisyong iyon, kaya’t siya ay naging opisyal ng isang bangko. Si Baby ang panganay na anak ng mag-asawang Remy at Tinoy. Sa simula ng aklat ay isa pa lamang siyang sanggol, ngunit nagtataposang kwento na mayroon na siyang sariling pamilya. Si Baby ay isang masunuring anak na babae, ngunit mayroon din siyang sariling pag-iisip at hindi siya natatakot na kumilos upang sundin ang kanyang damdamin. Bilang isang bata, si Baby ay kuntento sa kanilang paraan ng pamumuhay. Hindi siya ang tipo ng bata na mapaghangad. Nasa aklat din ang pagdadalaga ni Baby, ang una niyang parti and unang manliligaw. Ngunit sa huli ay ibang binata ang nakatuluyan ni Baby. Ipinapakita nito na hindi nakukuha ang isang matatag na pagsasama sa isang tignin lamang. Siya ay nagtapos sa kolehiyo, at lakas-loob na nagtungo sa Estados Unidos. Doon ay nag-asawa siya, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Bumalik din siya sa Pilipinas at dito na itinaguyod ang kanyang pamilya. Si June ay ang pangalawa at panghuling anak nina Remy at Tinoy. Malapit sila ng kanyang ate. Si June ang mas maambisyon sa dalawa, ngunit sa aking palagay ay ang mas mahina ang loob. Pinagsumikapan niyang makatapos ng kolehiyo at naging isang nars. Dood niya nakilala ang kanyang unang pag-ibig, at labis siyang nasaktan nang magkasal ito sa ibang babae. Akala niya’a hindi na siya muling iibig pa, ngunit nakilala niya si Fred, isang doktor mula sa mayamang pamilya, na kanyang mapapangasawa. Sa aking pananaw ay may dalawng uri ng tunggalian sa Ang Mag-anak na Cruz. Una ay ang tao laban sa kanyang kapwa. Sa buong aklat ay maraming makikilalang tao ang pamilya Cruz, at bawat isa sa kanila ay may natatanging pag-uugali. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagkakasundo sila. Halimbawa ay ang “kumare” nina Remy at Tinoy na si Nenita. Hindi nila gusto ang pag-uugali nito, kaya’t dinadaan na lang ng mag-asawa sa biro ang mga pagbisita ni Nenita.

Isa pang halimbawa ay ang pagiging kontraktor ng Tata Ponso ni Tinoy sa kanilang ipinatayong bahay. Hindi sang-ayon sina Remy at Tinoy sa pamamalakad ni Tata Ponso, ngunit hindi sila makaimik sa pangambang masaktan ang damdamin ng matanda.