You are on page 1of 4

Wika

Makakahigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng


sariling wika, ang ating tanging tanikala.
Malaya na tayong mga Pilpino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap
na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring
pambansang awit at mayroon pang pambansang wika at ito ang ating Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong
ating bansa. Hindi bat natatawag na Malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang
sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman
ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga
bagay-bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa
tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi tatak ng isang bansang malaya. Ang mga
bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa kanilang sariling wika.
Sa wikang Filipino, naipakikilala ang lahing pagka-Pilipino. Larawan ito ng pagiging
matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino.
Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, na kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa
mga pananakop ng mga mapang-aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga
buhay, para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay
ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kayat
kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang
kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang
kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa kung sariling
wika ang ginagamit sa ating bansa!

Pag-ibig, Pagmamahal at pagkabigo Handa ka bang


masaktan?

The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain.
-Jennifer Aniston

Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? At ito ay ng


dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal nang lubusan?
Sa isang relasyon na halos ginagawa mo na ang lahat upang ito ay maging maayos at
magkaroon ng katuparan. Ang bawat pangarap na magkasama ninyong binuo; pangarap
na umaasang baling araw ito ay matutupad, sa pagdating ng tamang panahon. Sa
pakikipagrealasyon sa larangan ng pag-ibig, kaakibat nito ang saya at kaligayahan. Sa
bawat matatamis na mga ngiti ng labi ito ay masasalamin; mga wagas na pagmamahalan
na akala mo ay wala ng katapusan.
Mayroon tayong kasabihan na, The more you love, the more you are prone to have
pain. Ito ay totoo. Dahil kung hindi ka masasaktan, hindi ka rin nagmamahal. Hindi ka
magmamahal, kung hindi ka nasasaktan. Ang bawat matatamis na ngiti; katumbas ay pait.
Ang bawat pagmamahalan ng isang magkarelasyon, hindi maaaring mawala ang isang
pagsubok. Pagsubok kung saan ay sinusukat ang bawat isa. Sinusukat kung hanggang
saan ang hangganan ng pagmamahalan sa bawat isa. Ika nga sabi nila, sa ngalan ng pagibig; hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Pero ang tanong, hanggang saan nga ba
ang kaya mo? Dahil masakit ang masaktan dulot ng pagmamahalan.
Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat mga luha, iyong tipong halos mag-collapse ka na
dahil hirap ka huminga. Para ka ng zombie, dahil nanlalalim na ang iyong mga mata.
Ikaw ba naman ang halos hindi makakain at hindi makatulog, ewan ko lang kung ang
iyong pangarap na diet ay di mo pa makamit.
Andun ang pagkakataong wala ka na sa iyong sarili, muntikan nang maging dahilan na
ikaw ay masagasaan. Hindi mo na namamalayan kung saang pangkalawakan na ang utak
mo naparoon. Iilan lamang iyan sa mga bagay na nakasasama sa atin na epekto ng pagibig; kapag ikaw ay nasaktan o nakaranas ng kabiguan.

Naisip mo na din ba ang sumuko na? Iyong pagkakataong akala mo ay isinumpa ka na ng


tadhana na masaktan o mabigo ng paulit-ulit?
Iyon bang dumarating na sa puntong, Ano ba ang nagawa kong kasalan? May
pagkukulang ba ako?
Ngunit iyong sasagutin ang sarili, Nakasisiguro akong wala akong nagawang masama.
Iyan ang linya ng iba sa atin, ma-pride kuno kung tawagin, iyan ang mga taong hindi
maamin-amin sa kanyang sarili ang kasalanang kanya nang nagawa. Dahil lahat naman
tayo ay nagkakamali at nagkakasala. Ngunit lahat rin ay may pangalawang pagkakataon
upang maitama ang ating mga pagkakamali.
Paminsan, maiisip mo na sinuswerte ka pa rin. Dahil kahit papaano, naranasan mong
magmahal at ang mahalin. Pero ano nga ba ang problema? Ang wagas mong
pagmamahal? O sigurong sadyang malas ka lamang talaga sa larangan ng pag-ibig?
Ikaw naman ay maiinis sa kadahilanang, bakit ikaw pa na mabait at walang
inaagrabyadong tao, ngunit ikaw pa ang kadalasang napagkakaitan ng panahon upang
ikaw ay lubusang lumigaya.
Pero dahil tao ka lamang na gustong makaranas ng wagas at tunay na pagmamahal, ang
gawing makulay ang napakalungkot mong buhay; ito ka ngayon at sumubok na muling
magmahal.
Nakakapagod din, di ba? Subalit lagi mong naiisip na baka siya na nga ang taong sagot
sa iyong mga panalangin. Ang taong mamahalin ka rin ng taos puso at hindi ka
magagawang saktan.
Ang pag-ibig ay isang sugal. Kakailanganing sumugal at buksan ang ating isip sa mga
bagay na maaaring makatulong upang mapayabong ang isang relasyon. Ang pagsusugal
ay maaaring may pagkatalo o maaaring may pagkapanalo, malay natin tayo na pala ang
nanalo sa labang ito. Kapag naman ay natalo, ito ka sa sulok, iniiyak ang lahat ng sakit at
hinagpis.Ngunit mag-iisip at babangong muli para buuin ang sarili na minsan nang
nawasak nang dahil sa pag-ibig.
Dahil sa pagmamahal at ating mga pangarap, kagustuhan nating ayusin ang lahat. Ito ka
at laging umuunawa at umaasa. Umaasa na malampasan lahat ng pagsubok. Darating sa
puntong halos kainin mo na ang iyong sariling pride, pero hindi katangahan ang tawag
roon. Gagawin mo lamang ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin, pero
nagawa mo alang-alang sa ngalan ng pag-ibig sa taong mahal mo.

Pero dumarating ka rin ba sa puntong halos natatakot ka na? Natatakot sa mga ginagawa
mo at sa mga nangyayari? Natatakot ka na baka isang araw, magising ka na namang muli
at magtataka na meron ka na namang kakaibang nararamdaman. Pakiramdam na parang
wala ng iyong sakit at parang balewala na lamang ang lahat. Dahil sa sobrang sakit ng
iyong nararamdaman na sa tuwinang merong hindi pagkakaunawaan. Halos nasasanay ka
na at sasagi na naman sa iyong isip ang mga nakalipas na pangyayari. Kung paano ka
eksaktong nahulog sa patibong ng pag-ibig. Kasabihan nga na hindi sa lahat ng oras,
hawak natin an gating mga puso, sila ay may sariling isip rin na maaring magdikta sa atin
sa pamamagitan n gating emosyon.
Maaari bang puro na lamang pagmamahal ang dapat pairalin? Nang sa gayon ay walang
nasasaktang damdamin? At maaari rin bang pagtagpuin kaowa ang mga taong hindi
kayang manakit ng damdamin? Nang taong mahal niya? Nang sa ganoon, pareho nilang
iingatan ang pagmamahalan nilang dalawa? Iyong parehong nakakaunawa, sa bawat
pagkukulang at pagkakamali ng isat-isa?
Ngunit, siguro nga hindi ito maari. Dahil kailangang maranasan ng bawat relasyon ang
sakit para makamtan nila ang tunay na ligaya at kahalagahan ng bawat isa.
Iyong kaligayahan na dulot ng wagas na pagmamahalan, na hinubog na ng panahon at
hindi na maaaring buwagin ng kahit na anong unos pa ang dumating o kahit na sinong
taong maaaring manira dahil mayroon na itong ugat na malalim na nagpapatibay sa lahat
pagdating ng araw, sa pagdating ng tamang panahon.