Professional Documents
Culture Documents
NILALAMAN
Pahina
Aralin 1 Usul al-Hadith
Ang Sanad
Ang Matn
Aralin 2
Hadith-1: Ang kahalagahan ng paghahanap ng kaalaman sa Islam
10
11
Aralin 3
Hadith-3: Mula sa mga pag-uugali sa Islam
12
13
Aralin 4
Hadith-5: Ang kabutihan nang pagdalaw sa may karamdaman
15
16
Aralin 5
Hadith-7: Ang ilan sa magagandang ugali sa pagbahin
18
19
Aralin 6
Hadith-9: Babala sa pagmamalaki
20
21
Aralin 7
Hadith-11: Ang kabutihan nang pag-aalaala sa Allah
23
Aralin 8
Hadith-12: Ang pagmamahal sa Sugo ng Allah
25
Aralin 9
3
27
28
Aralin 10
Hadith-15: Ang palatandaan ng Nifaq (pagkukunwari)
29
30
Aralin 11
Hadith-17: Ang pagbabawal sa Ghibah
31
32
Aralin 12
34
35
ARALIN - 1
Usul al-Hadith
Ang Hadith sa literal na kahulugan ay ang pagsasabi o pag-uusap, subalit
sa punto ng Islam ito ay kumakatawan sa mga sinabi at ginawa ng Propeta
Muhammad na inulat ng kanyang mga Kasamahan at tinipon sa aklat
ng mga maaalam na sumunod pagkatapos nila. Ang sumusunod ay ang
halimbawa ng Hadith:
Ang Sanad
Ang pinagmulan ng mga tagapag-ulat nang sinabi o ginawa ng Propeta ay
5
Ang Matn
Ang paksa ng Hadith o kung ano ang aktuwal na sinabi o ginawa ng
Propeta ay tinatawag na Matn. Halimbawa, sa nabanggit na Hadith ang
Matn ay: Wala sa inyo ang tunay na mananampalataya hanggat hindi
niya hinahangad sa kanyang kapatid kung ano ang hinahangad niya para
sa kanyang sarili.
At kung anuman ang ipinag-utos sa inyo ng Mensahero sundin ito; at
6
ARALIN - 2
Hadith - 1
:
:
.
Si Mu`awiyah ibn Sufyan kalugdan nawa sila (siya at ang kanyang ama)
ng Allah ay nag-ulat: Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi: Sinuman
na hinangad ng Allah sa kanya ang kabutihan ay ipauunawa sa kanya ang
Pananampalataya (Islam). Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang isang dakilang Sahabi (tagasunod ng Propeta (saw)) na si
Mu`awiyah ibn Abu Sufyan Sakhr ibn Harb Al-Qurashy Al-Umawy na
tinaguriang Ameerul Mumineen. Ipinanganak limang taon bago mahirang
na Sugo si Muhammad . Yumakap sa Islam sa taon ng pagtagumpay. Siya
ay isa sa mga tagasulat ng Sugo at tinangkilik ni Umar sa Sham. Binawian
ng buhay sa buwan ng Rajab, ika-60 ng Hijrie. Kalugdan nawa siya ng Allah
at ang kanyang ama.
Patnubay ng Hadith:
1. Ang kahusayan ng pag-unawa sa Kaalaman sa Islam ng higit sa
anumang mga kaalaman.
2. Katotohanan, ang sinumang hindi umunawa sa Kaalaman sa Islam
ay tunay na napagkaitan ng maraming kabutihan.
3. Ang kaalaman ay nagbibigay ng buhay sa puso at liwanag sa
paningin. Sa pamamagitan ng kaalaman ay masasamba ng isang
Muslim ang kanyang Panginoon ng may tiyak na kaalaman na siyang
mag-aangat ng kanyang antas dito sa mundo at kabilang buhay.
4. Ang katapatan ng Niyyah (layunin) sa paghahanap ng kaalaman ay
isang Ibadah (pagsamba) na ginagantimpalaan.
10
Hadith 2
( :
:
:
:
. )
Iniulat ni Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As kalugdan nawa sila ng Allah
kanyang sinabi na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Nabibilang sa
mga malalaking kasalanan ang pagsasalita ng masama ng isang anak
sa kanyang magulang. Sila ay nagsabi: O Sugo ng Allah! Maaari
bang magsalita ng masama ang isang anak sa kanyang magulang?
Kanyang sinabi: Oo! Ang pagsasalita niya ng masama sa ama ng iba ay
pagsasalita niya ng masama sa kanyang sariling ama, at ang pagsasalita
niya ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita niya ng masama sa kanyang
sariling ina. Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang isang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn `Amr ibn Al-`As ibn
Wail Al-Qurashiy As-Sahamiy kalugdan nawa siya ng Allah naunang
yumakap sa Islam bago ang kanyang amang si `Amr ibn Al-`as kalugdan
nawa siya ng Allah. Lumahok sa karamihan ng mga digmaan ng Propeta
(saw). Siya ay kilala sa pagiging masigasig sa pagsamba at nakapag-ulat
ng maraming mga hadith. Binawian ng buhay noong ika-animnaput limang
taon ng Hijrie kalugdan nawa siya ng Allah.
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pagsasalita ng masama sa magulang ay nabibilang sa mga
malalaking kasalanan.
2. Ang pagsasalita ng masama sa ama ng iba ay pagsasalita ng
masama sa kanyang sariling ama.
3. Ang pagsasalita ng masama sa ina ng iba ay pagsasalita ng masama
sa kanyang sariling ina.
4. Mahalin at igalang ang ating mga magulang dahil ito ay isa sa mga
pangunahing kautusan ng Allah sa atin.
11
ARALIN - 3
Hadith 3
( :
)
.
Si Abu Huraira kalugdan nawa siya ng Allah ay nag-ulat: Ang Propeta
ng Allah (saw) ay nagsabi Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling
Araw ay hindi dapat makasakit ng kanyang kapit-bahay. Sinuman ang
naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay dapat na maging magiliw sa
kanyang panauhin. Sinuman ang naniniwala sa Allah at sa Huling Araw ay
dapat na magsalita lamang ng mga makabubuti o di kaya ay manahimik
na lamang. Isinalaysay nina Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang Nag-ulat:
Siya ang marangal na Sahabi (kasama ng Propeta) Abdulrahman bin Sakhar
Addawsy. Yumakap sa Islam pitong (7) taon matapos ang Hijrah. Matagal
siyang namalagi sa piling ng Propeta (saw). Si Abu Huraira ang una sa
pinakamaraming naiulat na mga Ahadith ng Propeta (saw). Binawian siya
ng buhay limamput pitong (57) taon matapos ang Hijrah.
Kahulugan ng mga Salita:
Salita
Kahulugan
Huling Araw
Araw ng Paghuhukom
Manahimik
Huwag magsalita
Patnubay ng Hadith:
1. Mula sa kapakinabangan ng ating pananampalataya ang magnais ng
anumang bagay na magpapalapit sa bawat isa at magtataguyod ng
pagkakapatiran.
12
3.
4.
5.
6.
Hadith 4
:
( :
. )
Iniulat ni Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah kanyang sinabi
na ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang sinumang mamalimos sa
mga tao upang magparami ng kanyang ipon ay naghahangad ng Jamra
(kapirasong apoy). Nasa tao kung siya ay maghangad ng kapirasong apoy
o magparami ng apoy. Isinalaysay ni Muslim
13
14
ARALIN - 4
Hadith 5
. "
"
Iniulat ni Thawban kalugdan nawa siya ng Allah na ang Sugo ng Allah
ay nagsabi: Ang sinumang dumalaw sa isang may karamdaman ay
mananatili sa loob ng Khurfat ng Paraiso. May nagtanong: O Sugo ng
Allah! Ano ang Khurfat ng Paraiso? Kanyang sinabi: Ang mga halamanan
nito. Isinalaysay ni Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang isang dakilang Sahabi na si Thawban ibn Bujdud na nagpalayaw
ng Abu Abdullah. Isang tagapaglingkod ng Propeta (saw). Nanirahan siya sa
Madinah at nang pumanaw ang Propeta (saw) ay lumipat sa Sham matapos
makilahok sa pagsakop sa Egypt. Pumanaw sa Hims noong ikalimamput
apat na taon ng Hijrie kalugdan nawa siya ng Allah.
Patnubay ng Hadith:
1. Ang kalusugan ay isa sa mga pinakadakilang biyaya ng Allah sa
Kanyang mga alipin. Maari tayong bigyan ng pagsubok ng Allah sa
pamamagitan ng karamdaman.
2. Kabilang sa mga karapatan ng may karamdaman sa kanyang mga
kapatid na Muslim ay ang pagdalaw sa kanya at paulit-ulit ito.
3. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay may gantimpalang makakamit
mula sa Allah.
4. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagaan sa sakit na
kanyang nararamdaman at nagdudulot ito ng kasiglahan para sa
kanya.
5. Ang pagdalaw sa may karamdaman ay nagpapagunita sa taong
malusog na tumatamasa sa biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Allah.
6. Kabilang sa mga dahilan ng pagkakabuklud-buklod ng mga Muslim at
ang paglaganap ng pagmamahal sa pagitan nila ay ang pagpapalitan
ng kanilang pagdalaw sa isat isa lalung-lalo na sa pagdalaw sa may
karamdaman.
15
( :
:
. .)
Si Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah ay nagsabi: Sinabi
ng Sugo ng Allah : Tungkulin ng isang tao na bigyan ng Sadaqah
(kawanggawa) ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Sa bawat
pagsikat ng araw na may napagkasundo ka na dalawang hindi
nagkakaunawaan, ikaw ay nakapagbigay ng Sadaqah. Ang pagtulong
sa isang tao na sumakay sa kanyang hayop o pag-abot ng mga bagay
na kailangan niya ay pagbibigay ng Sadaqah. Ang pagsasalita ng mga
kabutihan sa isang tao ay Sadaqah. Sa bawat hakbang patungong
masjid upang mag-salah ay Sadaqah. Ang pagtanggal sa mga balakid
na makapipinsala sa daanan ay Sadaqah. Isinalaysay nina Bukhari at
Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 3)
Kahulugan ng mga Salita:
Kawanggawa
16
mga balakid
Patnubay ng Hadith:
1. Habag ng Allah sa atin na pinagaan Niya para sa atin ang paggawa
ng mga Kabutihan.
2. Nararapat na pasalamatan ang Allah sa mga biyayang ipinagkaloob
Niya sa atin. Kasama rito ay ang biyaya sa bahagi ng ating katawan
pati na rin ang ating mga pakiramdam.
3. Ang pagtulong sa iba sa paggawa ng kabutihan ay nagpapahiwatig
nang pasasalamat sa Allah na may kaakibat na gantimpala.
4. Tungkulin nating ipagkasundo ang mga di-nagkakaunawaang
magkakapatid, magkakaibigan, magulong nagtatalunan at mga
nagpuputol ng kanilang mga ugnayan.
5. Kabilang sa mga ginagantimpalaan sa isang Muslim at nagiging
kaaya-aya sa kanya sa iba ay ang pakikipag-usap niya sa kanila
nang magagandang pangungusap at mabubuting salita.
6. Bawat hakbang ng isang Muslim patungong Masjid ay nakadaragdag
sa kanyang mga kabutihan at nakapapawi sa kanyang mga kasalanan.
7. Ang pag-alis sa mga balakid na makapipinsala sa tao sa mga
daanan, paaralan at iba pa ay dahilan upang madagdagan ang ating
kabutihan.
17
ARALIN - 5
Hadith 7
: ( :
:
: .
:
. .)
Iniulat ni Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah kanyang
sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: Kapag ang isa sa inyo ay
bumahin, kanyang sabihin: AL-HAMDU LILLAH (ang pagpupuri at
pasasalamat ay sa Allah). At sabihin sa kanya ng kanyang kapatid o
kasamahan: YARHAMUKALLAAH (kahabagan ka nawa ng Allah). At
kapag sinabi sa kanya ang: YARHAMUKALLAAH. Kanyang sabihin:
YAHDEEKUMULLAAH WA YUSLIHU BAALUKUM (patnubayan nawa
kayo ng Allah at ituwid ang inyong kalagayan). Isinalaysay ni Bukhari.
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 3)
Patnubay ng Hadith:
1. Kabilang sa mga katangian ng Pananampalataya nating Haneef (hindi
kumikiling sa huwad na pananampalataya) ay ang pagsasabatas
nito nang pakikipag-ugnay sa pag-aalaala sa Allah sa lahat ng
pagkakataon, kabilang na rito ang pagbahin.
2. Nakabubuti sa bumahin na kanyang purihin at pasalamatan
ang Allah pagkatapos niyang bumahin at kanyang sabihin: (ALHAMDULILLAAH).
3. Kapag narinig ang isang tao na bumahin at nagpuri sa Allah, ipanalangin
niya na siya ay kahabagan, sabihin ang: (YARHAMUKALLAAH).
4. Nakabubuti sa bumahin na kapag narinig niya ang isang nagsabi
sa kanya ng: YARHAMUKALLAH ang sasabihin niya ay:
YAHDEEKUMULLAAHU WA YUSLIHU BAALAKUM.
5. Ang mga panalangin na ito ay nagdudulot ng pagmamahalan at
pagkakabuklud-buklod sa pagitan ng mga Muslim.
18
Hadith 8
BABALA SA PAGKAMAGAGALITIN
( : ( ) : -
. .)
Iniulat ni Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah na may isang
lalaking nagsabi sa Propeta Payuhan mo ako! Siya ay nagsabi: (Huwag
kang magalit). At inulit-ulit niya ito (ang paghingi ng payo). Siya ay
nagsabi: (Huwag kang magalit). - Isinalaysay ni Bukhari
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 3)
Patnubay ng Hadith:
1. Ipinahiwatig ng Hadith ang pagiging masigasig ng mga Sahabah
kalugdan nawa sila ng Allah sa mga payo ng Sugo ng Allah .
2. Ipinagbawal ng Sugo (saw) ang pagiging magagalitin sapagka't ito ay
mula kay Satanas at nagdudulot ng pinsala.
3. Ang Sugo (saw) ay nagbigay ng babala tungkol sa pagiging
magagalitin. Dapat na umiwas ang Muslim na magalit pati na rin ang
mga kadahilanan nito upang di siya masadlak dito.
4. Salungat ng pagiging magagalitin ay ang pagiging mahinahon at
mapagpaumanhin, ang dalawang ito ay naibibilang sa mga kapuripuring katangian ng isang Muslim kayat nararapat na taglayin niya
ang mga katangiang ito.
5. Ipinapayo sa sinumang nagagalit na gawin ang mga sumusunod: 1Magpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang satanas. 2- Banggitin
ang pangalan ng Allah. 3- Magsagawa ng Wudu'. 4- Magpalit ng
puwesto.
19
ARALIN - 6
Hadith - 9
BABALA SA PAGMAMALAKI
( : :
( : e : .)
. .)
Iniulat ni Abdullah ibn Mas`ud kalugdan nawa siya ng Allah kanyang
sinabi: Ang Propeta (saw) ay nagsabi: Hindi makapapasok ng Paraiso
ang sinuman na may gabutil na timbang nang pagmamalaki sa kanyang
puso. Sinabi ng isang lalaki: Subalit nais ng isang tao na maging
maganda ang kanyang kasuutan maging ang kanyang sapin sa paa.
Sinabi niya (saw): Ang Allah ay nagtataglay ng kagandahan at nais Niya
ang mga magagandang bagay, ang pagmamalaki ay ang pagkubli sa
katotohanan at paghamak sa tao. Isinalaysay ni Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang dakilang Sahabi na si Abdullah ibn Mas`ud ibn Ghafil Al-Huzaly,
isa sa mga yumakap sa Islam noong mga unang panahon ng pagkasugo ng
Propeta (saw). Kabilang sa mga dakilang iskolar ng mga Sahabah. Naging
tanyag sa pagiging mahusay sa Fiqh. Nasaksihan niya ang pagsakop sa
Sham at ipinadala siya ni Umar sa Kufah upang turuan ang mga mamamayan
nito sa mga bagay na nauukol sa kanilang pananampalataya. Pagkatapos
nito ay itinalaga siya ni Uthman bilang Gubernador dito. Binawian ng buhay
sa Madinah noong ika tatlumput dalawa ng Hijrie kalugdan nawa siya ng
Allah.
Kahulugan ng mga salita:
gabutil na timbang ng
pagmamalaki
Pagkubli sa katotohanan
20
Katiting na pagmamalaki
Pagtakwil ng katotohanan
dahil sa pagmamataas at
pagmamalaki
Patnubay ng Hadith:
1. Ang babala sa pagmamalaki, pagmamataas, at ang paghamak sa
mga tao.
2. Ang Islam ay pananampalataya ng kalinisan, nararapat sa isang
Muslim na laging malinis sa kanyang kasuutan, sa kanyang katawan,
sa lahat ng kanyang mga kasangkapan tulad ng lamesa, mga bag,
atbp.
3. Nararapat sa isang Muslim na dalisayin ang kanyang puso mula sa
lahat ng pagtitikis, kasakiman, pagmamalaki at panlalait sa ibang tao
upang siya ay maging dalisay sa kanyang panlabas at panloob.
4. Nararapat sa isang Muslim na magbigay-galang at magbigay ng
pagpapahalaga sa mga tao. Igalang ang mga mas-nakatatanda at
maging mabait sa mga mas-nakababata at mahalin sila nang tulad
ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
5. Nararapat sa isang Muslim na tanggapin ang katotohanan, sapagkat
ang pagtakwil nito ay isang uri ng pagmamalaki.
Hadith 10
:
e
( :
. .)
Iniulat ni Umar ibn Abi Salamah kalugdan nawa silang dalawa ng Allah
kanyang sinabi: Noong akoy bata pa at nasa pangangalaga ng Sugo
ng Allah, madalas na palipat-lipat ang aking kamay sa hapag-kainan.
Sinabi sa akin ng Sugo ng Allah: O bata! Banggitin ang Pangalan ng Allah,
kumain sa pamamagitan nang iyong kanang kamay, at kainin lamang ang
alinmang malapit sa iyo. Isinalaysay ni bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang dakilang Sahabi na si Umar ibn Abi Salamah ibn Abdul Asad Almakhzumy kalugdan nawa siya ng Allah siya ay ipinanganak noong ika
dalawang taon ng Hijrie. Inaruga sa pamamahay ng Sugo ng Allah . Ang
nanay niya ay si Ummu Salamah na asawa ng Propeta (saw). Itinalaga
ni Ali ibn Abi Talib kalugdan nawa siya ng Allah bilang Gobernador sa
Bahrain. Binawian ng buhay sa Madinah noong ikawalumpu't tatlo ng Hijrie
kalugdan nawa siya ng Allah.
21
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pagkain at inumin ay isang dakilang biyaya mula sa mga biyaya
ng Allah sa Kanyang mga lingkod. Kayat nararapat na pasalamatan
ang Allah para rito.
2. Karapat-dapat sa isang Muslim bago mag-umpisang kumain ay
magsabi ng: BISMILLAAH (Sa panimula ay ang Pangalan ng Allah).
3. Nararapat sa isang Muslim na kumain sa pamamagitan nang kanyang
kanang kamay. Hawakan ang baso sa pamamagitan nang kanang
kamay kapag siya ay iinom.
4. Kapag ang isang Muslim ay kumakain; kainin lamang ang anumang
nasa malapit sa kanya.
5. Ang paglalaro sa pagkain ay sumasalungat sa pagtanaw ng utangna-loob sa mga biyaya.
6. Tungkulin ng isang Muslim na ituro sa iba ang mga kagandahang
asal sa pagkain at pag-inom.
22
ARALIN - 7
Hadith 11
( : :
. .)
Si Abu Musa Al-Ashary kalugdan nawa siya ng Allah ay nag-sabi:
Sinabi ng Propeta (saw): Ang kahalintulad ng isang nag-aalaala sa
kanyang Panginoon at ng isang hindi nag-aalaala sa kanyang Panginoon
ay katulad ng isang buhay at ng isang patay. Isinalaysay ni Bukhari
Kilalanin ang Nag-ulat:
Siya ang marangal na sahabi (kasama ng Propeta) Abu Musa Abdullah Bin
Qais Al-Ashary. Tumanggap ng Islam sa Makkah at isa sa mga lumikas
patungong Habasha. Naging pinuno ng Basrah nuong kapanahunan ni
Umar (ra) at ng Kufah nuong kapanahunan naman ni Uthman. Nagturo
ng Quran at Fiqh. Isa sa may pinakamagandang tinig sa pagbabasa ng
Quran. Binawian ng buhay noong ika-42 taon makalipas ang Hijrah.
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pag-aalaala sa Allah ay sa pamamagitan ng Al-Tahlil (La
Ilaaha Ilallah), Al-Tahmid (Alhamdulillah), Al-Tasbeh (Subhanallah),
pagbigkas ng Quran at iba pang mga kahalintulad.
2. Ang pagkilala sa kabutihan ng pag-aalaala sa Allah.
3. Ang pag-aalaala sa Allah ay nagiging dahilan nang pagkabuhay ng
puso sa:
a.
b.
c.
23
Talakayin:
1. Ano ang pinagkaiba ng isang nag-aalaala sa Allah at ng isang hindi
nag-aalalala sa Allah?
2. Magbigay ng dalawang pakinabang na makukuha natin sa pagaalaala sa Allah.
3. Magbigay ng mga halimbawa nang pag-aalaala sa Allah.
Takdang-Aralin:
1. Hanapin ang hindi tama sa sumusunod na salaysay:
Si Jamil ay pumasok ng kanilang bahay at nagulat sa kanyang nakita.
Nabasag ng kanyang kapatid ang isa kanilang mga gamit. Sa laki ng
galit ay pinagsalitaan niya nang masama ang kanyang nakababatang
kapatid. Lumabas siya na may galit at humarurot na umalis na hindi
alam kung saan patungo. Nakita siya ng isang kaibigan sa may
tindahan at tinanong kung bakit siya galit. Ikinuwento ni Jamil ang
pangyayari.
2. Lagyan ng Tsek () kung ang pangungusap ay Tama at Ekis (X) kung
ito ay Mali.
24
ARALIN - 8
Hadith 12
( :
. )
Iniulat ni Anas kalugdan nawa siya ng Allah katotohanang ang Sugo
ng Allah ay nagsabi: Hindi magiging mananampalataya ang sinuman
sa inyo hanggat hindi niya ako minamahal nang higit sa kanyang ama,
anak at sa lahat ng tao. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ay ang dakilang Sahabi na si Anas ibn Malik Al-Ansary Al-Khazrajie,
dinala siya ng kanyang ina na si Ummu Sulaim sa Propeta (saw) noong siya
ay sampung taon gulang. At sinabi niya: O Sugo ng Allah! Ito si Anas, isang
batang maglilingkod sa iyo. Kanyang tinanggap si Anas at ipinanalangin
nang ganito: ALLAAHUMMA AKTHIR MAALAHU WA WALADAHU WA
ADKHILHU AL-JANNATA (O Allah! Paramihin Mo ang kanyang kayamanan
at anak; papasukin Mo siya sa Paraiso.) Si Anas ay nakapag-ulat ng
maraming mga Ahadith. Siya ang pinakahuling Sahabi na namatay sa
Al-Basrah sa taon na ikasiyamnaput tatlo ng Hijrie kalugdan nawa siya
ng Allah.
Patnubay ng Hadith:
1. Tungkulin nating mahalin ang Propeta (saw) nang higit pa sa
pagmamahal natin sa ating ama, anak, kahit sinong tao at sa ating
sarili.
2. Ang pagmamahal sa Sugo ay kabilang sa pananampalataya.
3. Ilan sa mga palatandaan ng pagmamahal sa Sugo ng Allah .
a. Ang sundin natin siya sa kanyang mga kautusan, iwasan ang
kanyang mga ipinagbabawal, at paniwalaan ang kanyang mga
naihatid na pahayag.
b. Ang ipanalangin natin siya sa tuwing mababanggit ang kanyang
pangalan na ang mga pagpapala at kapayapaan ng Allah ay
25
maitampok sa kanya.
c. Ang pamarisan natin siya sa kanyang mga pananalita at mga
gawa, at huwag tayong lumabag sa kanyang mga isinabatas.
d. Ang iuna natin ang pagmamahal sa Sugo (saw) kaysa
pagmamahal natin sa iba pang mga nilalang.
26
ARALIN - 9
Hadith 13
:
( :
. .)
Iniulat ni Abdullah ibn `Amr kalugdan nawa silang dalawa ng Allah
kanyang sinabi: Ang Propeta (saw) ay hindi naging Fahish, o kaya ay
naging Mutafahhish. Sa halip siya ay nagsabi: Ang pinakamabuti sa inyo
ay yaong may pinakamahusay na pag-uugali. Isinalaysay ni Bukhari at
Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 2)
Kahulugan ng mga salita:
Fahish
Mutafahhish
Kabutihan ng asal
Patnubay ng Hadith:
1. Ang Sugo ng Allah ang may pinakadakilang pag-uugali sa
sangkatauhan at may pinakamabuting asal.
2. Tungkulin ng isang Muslim ang pamarisan ang Sugo ng Allah kaya't
pairalin niya ang magagandang mga pag-uugali.
3. Ang pinakamabuti sa mga tao ay yaong nagpapairal ng magagandang
mga pag-uugali, tulad ng: mabuting pakikitungo, malumanay na
pananalita, maaliwalas na mukha, pagsusumikap sa paggawa ng
kabutihan, pagpigil sa mga pamiminsala, at pagpapalaganap ng
Salam.
27
( :
.)
:
.
Iniulat ni Imran ibn Husain kalugdan nawa sila ng Allah kanyang
sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang pagkamahiyain ay walang
ibang naidudulot kundi pawang kabutihan. Isinalaysay ni Bukhari at
Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang dakilang Sahabi na si Imran ibn Husain Al-Khuza`iy, siya at ang
kanyang ama ay yumakap sa Islam sa taon ng labanan sa Khaibar. Isa siya
sa mga itinuturing na iskolar mula sa mga Sahabah. Ipinadala siya ni Umar
ibn Al-Khattab kalugdan nawa siya ng Allah sa Basrah upang turuan
ang mga mamamayan nito. Binawian ng buhay noong ika-52 taon ng Hijrie
kalugdan nawa siya ng Allah.
Ang mga kahulugan ng salita:
Ang pagkamahiyain
Patnubay ng Hadith:
1. Ang paghikayat ng Islam sa pagkamahiyain.
2. Ang pagkamahiyain ay nagsisilbing susi sa lahat ng kabutihan
sapagkat ito ay nag-aanyaya sa paggawa ng mga mararangal at
nagbabawal sa paggawa ng salitang masama.
3. Isa sa mga katangian ng Sugo ng Allah ay ang pagkamahiyain.
4. Kabilang sa pagkamahiyain ay ang pag-iwas sa mga nakayayamot
na salita, masasamang salita, panlalait at pagmumura.
28
ARALIN - 9
Hadith 15
( :
. .)
Iniulat ni Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah Katotohanan
ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ang palatandaan ng isang Munafiq
(mapagkunwari) ay tatlo: Kapag siya ay nakikipag-usap - siya ay
nagsisinungaling; kapag siya ay nangako siya ay sumisira sa pangako;
at kapag siya ay pinagkatiwalaan - siya ay nagtataksil. Isinalaysay ni
Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 3)
Kahulugan ng mga salita:
Tatlo
Munafiq
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pagbibigay babala ng Islam sa mga masasamang pag-uugali.
2. Ang Nifaq ay kabilang sa masasamang mga katangian na dapat
iwasan ng isang Muslim.
3. Ang Nifaq ay may mga palatandaan na dapat iwasan. At ang ilan sa
mga ito ay:
a. Ang kasinungalingan sa pananalita.
b. Ang pagsira sa pangako.
c. Ang pagtataksil.
4. Sinuman ang nag-angkin ng isa sa mga katangian ng Munafiq ay
kapopootan ng Allah at ng mga tao.
29
Hadith 16
( :
. .)
Si `Aishah kalugdan nawa siya ng Allah ay nag-ulat: Kailanman ay
hindi nangyaring pinapili ang Sugo ng Allah sa dalawang bagay kundi ang
kanyang pinili ay ang pinakamadalit magaan dito, kung itoy hindi naging
makasalanan. Sapagkat kung itoy makasalanan, siya na ang taong
may kalabisang pangingilag dito. Hindi kailanman naghiganti ang Sugo
ng Allah para sa kanyang sarili dahil sa isang bagay maliban na lamang
kung lapastanganin (sa pamamagitan ng paggawa) ang ipinagbabawal ng
Allah. Sa ganito siya ay maghihiganti alang-alang sa Allah. Isinalaysay ni
Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang isa sa mga tinaguriang Ina ng mga mananampalataya. Ang
makatotohanan na anak na babae ng As-Siddeeq (ang ganap na
makatotohanan) na si Aisha bint Abu Bakar kalugdan nawa silang magama dalawa ng Allah na asawa ng Sugo ng Allah . Siya ay Faqihah
(isang iskolar na may malalim na pag-unawa) at Pantas, siya ay nakapagulat ng maraming mga Ahadith mula sa Sugo ng Allah . Binawian ng buhay
noong ika limampu't pitong taon ng Hijrie kalugdan nawa siya ng Allah.
30
Patnubay ng Hadith:
1. Ang Islam ay pananampalatayang mapagbigay, mapagpasensiya,
mapagpaumanhin at mapagparaya.
2. Kabilang sa mga katangian ng Sugo ng Allah
ay ang
mapagpaumanhin, mapagpasensiya, at matiisin sa mga pasakit at
pagpapahirap. Kayat dapat siyang pamarisan tungkol dito.
3. Ang pagpapasensiya ay hindi pinapapangyari sa mga karapatan ng
Allah, tulad nang pagsang-ayon sa mga ipinagbabawal.
4. Ang mga ipinagbabawal ng Allah, mga hangganang itinakda Niya,
at ang Kanyang mga kautusan ay karapat-dapat dakilain at igalang.
Ipinagbabawal na lapastanganin ang mga ito.
5. Ang isang Muslim na nagpapaumanhin at nagpapasensiya ay
nagkakamit ng dakilang gantimpala mula sa Allah. Makakamit din
niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga tao.
ARALIN - 11
Hadith 17
: .) ( :
( : .
( : : .)
. .)
Iniulat ni Abu Hurairah kalugdan nawa siya ng Allah katotohanang ang
Sugo ng Allah ay nagsabi: Alam ba ninyo kung ano ang Al-Ghibah? Ang
sabi nila: Ang Allah po at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.
Sinabi niya: Ito ay ang pagbanggit mo sa iyong kapatid sa kanyang mga
ikinamumuhi. May nagtanong: Sabihin O Sugo! Paano kung nasa aking
kapatid ang mga pinagsasabi ko? Kanyang sinabi: Kung nasa kanya ang
mga pinagsasabi mo, tunay na siyay iyong siniraan ng puri, at kung wala
sa kanya, tunay na siyay iyong pinaratangan. Isinalaysay ni Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith-3 pahina 78)
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pagiging tungkulin nang paggalang sa dangal ng Muslim.
2. Karapat-dapat sa isang Muslim ang umiwas sa pagbanggit ng mga
kapintasan ng iba kahit pa man itoy nasa kanila.
3. Ang pagbabawal sa Al-Ghibah (paninirang-puri) at sa Al-Buhtan
(pagsisinungaling laban sa puri ng kapwa).
4. Ang Ghibah at ang Buhtan ay isang dahilan na nagsisilbing daan sa
pagkakaroon ng hinanakit, poot at pagkayamot sa pagitan ng mga
Muslim.
5. Tungkulin ng isang Muslim na banggitin ang mga tao ayon sa kanyang
nais na banggitin nila sa kanya.
31
Hadith 18
( :
. )
Iniulat ni Abu Ayyub Al-Ansari kalugdan nawa siya ng Allah
Katotohanang ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Hindi nararapat sa isang
Muslim na magtakwil ng kanyang kapatid (na Muslim) nang humigit sa
tatlong gabi (na walang katanggap-tanggap na Islamikong kadahilanan),
nagkikita silang dalawa ngunit nag-iiwasan sa bawat isa. Ang mas mabuti
sa kanila ay yaong nagsisimula nang pagbati ng Salam. Isinalaysay nina
Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang nag-ulat:
Siya ang dakilang Sahabi na si Khalid ibn Zaid Al-Ansari, nakilahok sa
pagtitipon na tinaguriang Bai`atul Aqabah. Nakibaka sa labanan ng Badr at
ang mga sumunod pa rito. Sa kanya tumuloy ang Propeta (saw) sa Madinah
habang ipinapatayo ang kanyang mga bahay at Masjid. Isa sa mga tagasulat
ng kapahayagan. Nanatiling nakibaka sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah
pagkamatay ng Propeta (saw) hanggang sa siya ay binawian ng buhay sa
mga labanan sa Al-Qustantiniyyah noong ikalimampung taon ng Hijrie
kalugdan nawa siya ng Allah.
Kahulugan ng mga salita:
32
Hindi nararapat
Ipinagbabawal.
magtakwil
Nagsisimula
Patnubay ng Hadith:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pagkakabuklud-buklod at
pagkakabigkis sa pagitan ng mga Muslim.
2. Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na umiwas sa kanyang kapatid
na Muslim at huwag siyang batiin ng Salam nang humigit sa tatlong
araw.
3. Tungkulin ng isang Muslim na lumayo sa anumang mga kadahilanan
na magsisilbing dahilan upang magkaroon ng di-pagkakaunawaan at
pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga Muslim.
4. Kapag iniiwasan ka ng iyong kapatid na Muslim, sikapin mong unahan
siya na batiin ng Salam sapagkat ito ang mas higit na mainam para
sa iyo - sa Allah.
5. Karapat-dapat na pag-ayusin ang pagitan ng mga magkakapatid at
magkakaibigan na may nagaganap na pagtatalo o pagkakawatakwatak sa kanila.
33
ARALIN - 12
Hadith 19
" :
:
. ."
Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari kalugdan nawa siya ng Allah kanyang
sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Ang tanging halimbawa ng
mabuting kasama at ng masamang kaibigan ay katulad ng tagadala ng
Misk (pabango) at ng tagaihip ng Keer (bulusan); sa tagadala ng pabango
ay maaari ka niyang bigyan nito o di kaya ay pagbentahan nito o di kaya
ay makalanghap ka sa kanya ng isang halimuyak. Samantala, sa tagaihip
ng bulusan ay maaaring masunog niya ang iyong damit o di kaya ay
makapagdulot siya ng mabahong amoy. Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang Nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 11)
Kahulugan ng mga salita:
Misk
Keer
Bulusan ng panday.
Patnubay ng Hadith:
1. Ang pagpapahalaga ng Islam sa pangangaral sa mga tao nito kung
ano ang makabubuti para sa kanila rito sa mundo at sa kabilang
buhay.
2. Ang matuwid na kasamahan at mabuting kaibigan ay nakatutulong
sa tao sa mga mabubuting bagay at inilalayo nito sa kasamaan.
3. Ang masamang kaibigan ay nakapagdudulot ng masamang
kalalabasan laban sa kanyang kaibigan sa mga gawain nitong
masasama: Tulad ng pagliban sa Salah, paglapastangan sa
magulang, pamiminsala sa mga tao, paninigarilyo, atbp.
4. Karapat-dapat sa isang Muslim na maging masigasig sa pagpili
ng mabubuting mga kaibigan na may magagandang pag-uugali; at
maging maingat sa mga may masasamang gawain.
34
Hadith 20
:
" :
. ."
Iniulat ni Abu Musa Al-Ashari kalugdan nawa siya ng Allah kanyang
sinabi: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Ang paghingi ng pahintulot ay
tatlo kung itoy ipinahintulot sa iyo, at kung hindi naman ay bumalik ka na
lang." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim.
Kilalanin ang Nag-ulat:
(Tunghayan sa Hadith 11)
Kahulugan ng mga salita:
Ang paghingi ng pahintulot
Tatlo
Patnubay ng Hadith:
1. Ang paghingi ng pahintulot ay mayroong magagandang pag-uugali
na dapat alamin upang maipatupad ng isang Muslim sa kanyang
buhay.
2. Ang ilan sa magagandang pag-uugali sa paghingi ng pahintulot ay
ang pagkatok sa pinto nang tatlong beses, at sa bawat pagkatok ay
dapat na may agwat kahit man lang ilang sandali upang mabigyan ng
pagkakataon ang makaririnig nito sa pagtugon, at walang masama
kung humigit man sa tatlo kapag nakatitiyak siyang hindi naririnig ng
may-ari ng bahay ang kanyang pagkatok.
3. Ito ay kapag ipinahintulot sa tao, at kung hindi nararapat siyang
lumisan nang walang hinanakit dito.
4. Ang paghingi ng pahintulot ay pinangyayari sa pamamagitan nang
pagkatok na maririnig ng nasa loob at hindi sa pamamagitan nang
mga nakabubulabog na ingay; hindi sa pamamagitan ng busina ng
sasakyan, o ng bisikleta, o sa pamamagitan ng malakas na mga
bulyaw, o sa pamamagitan ng walang tigil na pagdiin sa buzzer.
35
36