Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Tayong mga tao ay may kanya-kanyang pagtingin sa ating mga sarili. Dito natin binabase
ang kahalagahan natin sa ating mundong ginagalawan. Kadalasan, ang ating pagtingin sa ating
mga sarili ang nagbibigay sa atin ng hinuha kung ano ang ating kalalabasan sa hinaharap. Ito ay
sa kadahilanan na ang ating pagtingin sa ating mga sarili ay nakakaapekto sa ating mga ginagawa
sa kasalukuyang panahon.
personal na ebalwasyon kung ano ang ating silbi at isang sentral na bagay sa ating silohikal na
pagkatao. Sa madaling salita, ito ay ang ating pananaw sa kung sino at ano ba talaga tayo.
Kadalasan, ang mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ay madaming nagagawa sa buhay.
Ngunit hindi naman ito nangangahulugan na lahat sila ay nagiging matagumpay sa kanilang mga
buhay. Sa kabilang banda, ang mga taong may mabababang tingin sa kanilang sarili ay hindi
nakakatrabaho ng maayos. Nawawalan sila ng pokus sa kanilang mga ginagawa dahil sa bawat
trabaho na kanilang gagawin, pinangungunahan sila ng takot. Saan nagbunga ang ganitong takot?
Ito ay dahil sa kanilang mababang pagtingin sa sarili. Nawawalan sila ng kompiyansa sa sarili na
kaya nilang gawin ang mga trabaho o kahit ano pang aktibidades na pinapagawa sa kanila.
mabubuti at masasamang epekto sa tao. Isa na dito ang mga estudyante. Alam naman natin na
sumasakalaw sa mga epekto ng pagkakaroon ng mababang pagtingin sa sarili ng mga tao lalong
1
Layunin ng Pag-aaral
antas ng UST Kolehiyo ng Narsing sa kanilang sarili. Sakop din ng layunin na mas pagtibayin
ng isang mag-aaral ang kanyang paniniwala sa kanyang mga kakayahan bilang isang indibidwal
tingin sa sarili upang mas mapagbuti nila ang kanilang pagkatao at pakikitungo pa sa pag-aaral
nila at sa ibang tao. Samakatuwid, ang pinaka-pokus ng layunin na ito ay ang makatulong at
Kahalagahan ng Pag-aaral
ng isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili. Ito rin ay maaaring naging isang produkto ng
pakiramdam na ang isang indibidwal ay minamahal o may halaga sa ibang tao o kaya ay ang
pakiramdam na may nagagawang may kabuluhan. Ang pagtingin sa sarli ay maaaring maging
mataas at mababa.
positibong pagtingin sa buhay, may tiwala sa sarili at iniisip na makakaya ang lahat. Ang mga
taong may mataas na pagtingin sa sarili ay kapansing-pansin na mas naaayos ang mga problema
pagtingin sa sarili.
mga problema, kawalan ng tiwala sa sarili at pamomroblema sa mga maliliit na isyu. Madalas
2
ding ang mga may mababang pagtingin sa sarili ay malayo at di masyadong nakikihalubilo sa
mga tao. Sila ay may ugaling madaling sumuko sa isang hamo o takot na gumawa ng mga bagay
na pakiramdam niya ay di niya magagawa. Ito ay maaaring naging bunga ng mga karanasan at
pakiramdam sa sarili na may negatibong epekto sa tingin ng isang indibidwal sa kanyang sarili.
Mahalagang malaman kung ang isang indibidwal ay may mababang pagtingin sa sarili.
Dahil sa ito ay nakaaapekto sa mga araw araw na gawain ng isang indibidwal. Ang pagtukoy ng
mga epekto nito ay makakatulong upang malaman ng isang indibidwal ang kanyang maaaring
gawin na paraan o aksyon upang tumaas pa ang tingin niya sa kanyang sarili. Ang pagtukoy sa
mga epekto nito ay magbubukas sa isip ng isang indibidwal na kailangan niyang pahalagahan
ang tingin niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga paraan na makatutulong sa kanya.
Ito rin ay makatutulong sa pamilya o kaibigan ng isang indibidwal na malaman kung ano
ang kalagayan ng isa upang makatulong din sa pagpapataas ng pagtingin ng isang tao sa kanyang
sarili sa kadahilanang ang mga taong nakapaligid din sa isang tao ay nakaaapekto sa pagtingin ng
ang tingin sa sarili. Napili ang mga mag-aaral mula sa unang baitang ng nasabing kolehiyo
sapagkat sa kanila nakapatong ang isang malaking responsibilidad – iyon ay ang makakuha ng
gradong hindi bababa sa “dos”. Sapagkat itinuturing na salang-sala ang mga estudyanteng
nakakapasok sa naturang kolehiyo at ito rin ay isang kinikilalang institusyon sa buong Pilipinas,
mas malaki ang posibilidad nila na magkaroon ng mababang tingin sa sarili. Mas mataas ang
tensyon sa pagitan ng mga mag-aaral sapagkat kanya-kanyang sikap at abilidad ang ipinapakita
3
ng bawat isa. Dahil dito, hindi maiiwasang may ibang mga maiiwasan o mahuhuli sa
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat
naming bigyan ng definisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit
• Self-esteem - isang kritikal at personal na ebalwasyon kung ano ang ating silbi at
Nangangahulugan nito na ang marka ng isang mag-aaral sa isang kurso ay nasa 87-88 na
porsiyento.
4
KABANATA II
Ayon kay Bettie B. Youngs Ph.D, sa kanyang librong “You & Self-esteem: It’s key to
happiness and success!”, hindi daw tayo magigising sa isang umaga na may mabuti at
kabuuang oras ng iyong buhay. Magkakaroon daw tayo ng kaaya-ayang pagtingin sa sarili sa
Ayon pa kay Youngs, mayroon daw anim na sangkap ang pagtingin sa sarili. (1) “sense
komunidad. Ito ang pag-aalaga natin sa ating mga sarili at alam natin kung ano ang makakabuti
hindi basta-basta mapapababa ang iyong sarili at kaya mong harapin ang iyong mga takot, ikaw
sarili ay nagbibigay ng mabuting sense of individuality. Ang pagtanggap mo sa iyong sarili ang
nagbibigay sa iyo ng rason upang pangalagaan ang ibang tao. Nirerespeto mo ang iyong sarili. At
dahil dun, gusto mo ding respetuhin ka dn ng ibang tao. (4) “sense of belonging”. Sa oras na
nararamdaman mong tanggap ka, gusto ka, at ginagalang ka, sinusuklian mo ito ng tamang
nagtutulungan sa iba’t ibang mga bagay. (5) “ sense of competence”. Alam mo kung ano ang
kaya mong gawin. Alam mo kung ano ang iyong kalakasan at kahinaan. Sa oras na sigurado ka
sa iyong sarili at sa iyong kakayahan, nagbibigay ito ng pakiramdam na ikaw ang may control sa
sarili mong buhay at hindi ang ibang tao. (6) “sense of purpose”. Alam mo kung ano ang iyong
5
Sa oras na makita mo ang iyong sarili na maasahana at palaban, mapagmahal at kamahal-
mahal, responsible at maalaga, mayroon kang tinatawag na “high self-esteem”. Dahil nirerespeto
mo ang iyong sarili, away mong yurakan ng ibang tao ang iyong pagkatao at silbi.
Classroom 3rd edition”, mayroong hierarchy ang pagtingin sa sarili. Ang kadalasang tanong
daw na “kung pwede bang magkaroon ng mababang pagtingin sa sarili sa isang pagkakataon at
mataas naman sa iba?” Mayroong tinatawag na “global self-esteem” si Lawrence. Ito daw ang
na may silbi at walang silbi sa magkaibang bagay. Halimbawa, mababa ang pagtingin sa sarili
natin sa science ngunit mataas naman sa basketball. Hindi ito makakaapekto sa kabuuang
pagtingin sa sarili natin kung iiwasan natin ang mga bagay kung saan mahina. Ngunit kung hindi
natin sila maiiwasan, at madalas tayong napapasama sa ganoong bagay, maari itong makaapekto
sa ating kabuuang pagtingin sa sarili. At kung lagi tayong sumasablay sa mg bagay na importante
sa mga taong importante din sa atin, makakaapekto ito sa kabuuang pagtingin sa sarili.
Group 2002, pinatunayan ng mga mananaliksik na ang mga pagsusulit sa mga paaralan ay
Minister Blair na ang pagkababa ng pagtingin sa sarili bilang pinakamapanirang sanhi at bunga
6
Halos lahat ng pakiramdam at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili ay nagbabago base
sa kanyang pang araw araw na karanasan. Mga gradong nakukuha sa eksam, kung paano ka
ituring ng iyong mga kaibigan, kalagayan ng iyong relasyon sa ibang tao-lahat ay may epekto sa
Para sa mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ang mga normal na problema sa
Samantalang ang may mga mabababang pagtingin naman sa kanilang sarili ay mas matagal ang
Ang ating pagtingin sa ating sarili ay nagdedevelop kung kailan tayo ay gumagawa na ng
ating sariling imahe sa pakikihalubilo sa iba’t ibang tao at sa pang araw araw na karanasan. Ang
ating karanasan nung kabataan ay isang malaking impluwensya sa kung paanonatin tingnan ang
ating sarili ngayon. Habang tayo ay lumalaki ang pakikitungo ng ating pamilya, mga guro, mga
kaibigan at mga taong nasa ating paligid ay isang factor sa kung paano natin nabubuo ang ating
May tatlong “Mukha” ng mababang pagtingin sa sarili. Ito ay ang imposter, rebelde, at
ang “loser”. Ang impostor ay umaarteng masaya at matagumpay subalit may takot sa pagkabigo.
May takot na mahalata na siya ay nagpapanggap lamang. Ang rebelde naman ay nabubuhay na
ang kanilang tingin sa sarili ay laging may kulang. Pinapatunayang ang sinasabi ng ibang tao ay
hindi nakakasakit na nagreresulta sa pagsisi sa ibang tao at hindi pagsunod sa batas. Ang “loser”
sarili at ang pakiramdam na ikaw ay karapat dapat na igalang ng ibang tao at magkaroon ng
magandang buhay. Ang pagtingin sa sarili ay nagreresulta sa respeto sa sarili at sa ibang tao.
7
Kasama ng respeto sa sarili ay ang kakayahang maging produktibo, magkaroon ng tiwala sa
sarili, pagiging matagumpay at pagiging malaya. Respeto sa ibang tao ay kasama ng pagkilala,
at sa pagrespeto ng ibang tao. Kadalasang ito ay ngagsisimula sa panahon ng kabataan, pag tayo
ay nakatatanggap ng papurio kaya naman ay may bagong natutuhan. Samantala ang batang may
magulang na abusado o kaya ay di tinuturing ng tama ang bata ay makakaramdam ito ng awa sa
sarili at iisiping lagging may kulang sa kanya. Bilang mga bata batayan natin ang mga matatanda
kabila ng hindi magandang pakiramdam sa ating sarili at sa pagkakagawa ng mali. Ang pagtingin
natin sa ating sarili na tayo ay dapat mahalin sa kabila ng ating mga pagkukulang. (Bradshaw,
1988)
sa sarili. Ang mababang kumpiyansa sa sarili ay dulot ng mababang pagtingin sa sarili. Ang
iyong pagtingin sa sarili ay nakabase sa kung paano at kung ano ang nakikita mo sa iyong sarili.
Nakasalalay din ang iyong kumiyansa sa sarili sa iyong ginagawa o sa iyong trabaho. Ang
isang tao sa mga negatibong komento ng ibang tao sa kanya. Kung mataas ang tiwala o
kumpiyansa ng isang tao sa kanyang sarili, siya ay magiging masaya, ganado, at lagging may
positibong pananaw sa buhay. Ang kumpiyansa sa sarili ay mahalaga dahil ito ay nakakaapekto
sa kung paano magisip ang isang tao, kung paano ito kumilos at kung paano ito makuhalubilo sa
kanyang kapwa. Kapag mababa ang tingin ng isang tao sa kanyang sarili, nagkakaroon ng mga
8
mabilisang pagsuko sa mga pagsubok sa buhay. Ito din ay may diretang koneksyon sa
nanggaling lamang sa kanilang mga isipan, mahihinuha natin batay sa mga pagsasaliksik na ang
Iba’t ibang mga halimbawa ang nagpapakita ng iba’t ibang mga punto: ayon sa mga
pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili at nakakapagdulot ito ng pagkabalisa sa isang tao
(Assessment Reform Group 2002). Ang Socialist Education Association at ang iba pang mga
organisasyon ang nagsasabi na ang pagbuo ng tiwala ng tao sa kanyang sarili ay pangunahing
tungkulin ng mga paaralan (Hayes 2003; SEA 2003), samantalang pinupunto naman ng National
Institute of Adult and Continuing Education na ang pagkakaroon ng mababang tingin sa sarili ay
paaralan (James 2003). Marami sa mga problemang dinadanas ng mga taong may mababang
tingin sa kanilang sarili ay ang takot sa pagsasalita sa isang grupo o sa harap ng maraming tao;
ang pagtanggap sa mga komento ng ibang tao tungkol sa kanilang mga ginagawa; at ang hamon
Sa umpisa, talagang mahirap na harapin ang katotohanan na ang mga tao, lalo na ang
mga kabataan ay bumababa ang tingin sa sarili nang dahil sa edukasyon. Nagkakaroon sila ng
takot at pangamba dahil sa pagkababa ng kanilang tiwala sa kanilang mga sarili. Nawawala ang
9
kanilang kasiguraduhan na magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Ayon sa New Labour,
“Educational achievement leads to social and individual benefits, including the building of self
esteem.” (Kennedy 1997; DfES 2002). Ayon kay Prime Minister Blair, ang pagkakaroon ng
kaya dapat pinapahalagahang ng sangkatauhan ang pagbibigay karangalan sa isang tao upang
Ayon din sa kasunduan na ginawa ng New Labour, ito ay may ideya ng ‘equal worth’ at
pagtingin sa kanilang mga sarili. Batay sa mga mananaliksik at propesyunal, ang mga
edyukeytors ay dapat atentib sa pagbuo ng aydentiti ng isang tao, na ang edukasyon ang dapat
bumuo ng tiwala sa sarili ng isang tao (Baron et.al. 2000). Nabanggit din na ang pagtuklas sa
maibalik muli ang tiwala sa sarili ng isang tao. Sa senaryong ito, ang mga karanasan, emosyon,
at aydentiti ng isang tao ay mga dapat pagtuunan ng pansin sa paghubog ng pagkatao ng isang
indibidwal.
teyoretikal na dahilan at ang ebidensya para sa impak nito ay kwestiyonable. Ang pagkababa ng
ng mga ideya na may kaugnayan sa “guidance, mentoring, therapy and counseling”. Ang mga
apila kaugnay sa mababang pagtingin sa sarili at pag-unawa sa aydentiti ng isang tao ay may
10
kaugnayan din sa mga dating mithiin para sa edukasyon na mas bigyang halaga ang personal at
sosyal na pagbabago.
KABANATA III
Disenyo ng Pananaliksik
pananaliksik. Hangad ng pag-aaral na ito na ilarawan at suriin ang epekto ng pagkababa ng tingin
Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa unang taon ng
akademiko 2009-2010.
nasabing kolehiyo. Ginamit ng mga mananaliksik ang limang porsyento (5%) ng kabuuang
populasyon ng mga mag-aaral sa unang taon upang irepresenta ang pananaw ng mga mag-aaral
sa unang taon hinggil sa epekto ng kanilang pagtingin sa sarili sa kanilang mga buhay.
11
Talahanayan 1
1-3 13
1-4 17
Kabuuang Dami 30
Kinuha lamang ang nasabing bilang ng mga respondente sapagkat sapat na ito upang
Instrumentong Pampananaliksik
Nangalap rin ng mga datos ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan
at mga informasyon na galing sa internet upang patibayin at gawing malinaw at kaaya-aya ang
pananaliksik na ito.
nasabing kolehiyo subalit sa kasamaang-palad ay hindi napahintulutan ang aming hiling sa hindi
nalamang kadahilanan.
12
Bagkus, binigyang-halaga lamang ng pag-aaral na ito ang mga resulta ng sarbey na isinagawa ng
KABANATA IV
Graf 1
Isa (3%) sa mga respondente ay nasa edad 15. Ang anim (20%) sa mga respondente ay
nasa edad 16. Labing-siyam (64%) naman sa mga respondente ay nasa edad 17. Tatlo (10%) sa
mga respondente ay nasa edad 18. Ang natitirang isa (3%) sa mga respondente ay pawang nasa
13
Graf 2
Sa tatlumpung (30) respondente, isa (3%) ang nagsabing mataas na mataas ang tingin
niya sa kanyang sarili sa kasalukuyan batay sa kanyang sariling pagsusuri. Lima (17%) sa kanila
ang nagsabing mataas ang kanilang pagtingin sa sarili. Labing-dalawa (74%) naman sa mga
respondente ang nagsabing katamtaman lamang ang pagtingin nila sa kanilang sarili,
samantalang isa (3%) lamang ang nagsabing mababa ang tingin niya sa kanyang sarili. Gayundin
naman ang natirang isa (3%) na nagsabing mababang mababa ang pagtingin niya sa sarili.
14
Graf 3
Hinggil naman kung ano ang mga bagay na pinakahigit na nakakaapekto sa pagtingin nila
sa kanilang sarili habang nasa paaralan, dalawampu (40%) ang nagsabing dahil sa marka sa
klase, lima (17%) sa mga respondente ang nagsabing dulot ng pagtingin sa kanila ng kanilang
mga kaklase, dalawa (7%) naman ay dulot ng pakikisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Walo
(26%) naman ang nagsabing higit na nakakaapekto ang abilidad na kaya nilang isipin o gawin sa
pagtingin nila sa sarili. Dalawa (7%) ang nagsabing problema sa labas ng paaralan ang higit na
nakakaapekto, at ang natirang isa (3%) ay nagsabi na may iba pang bagay na higit na
15
Graf 4
Inalam din sa pananaliksik na ito kung gaano nakakaapekto ang mga nasabing bagay sa
Samantala, labing-isa (37%) ang nagsabing apektado sila. Labing-tatlo (43%) sa kanila ang
nagsabing katamtaman lamang ang pagkaapekto, samantalang tatlo (10%) ang nagsabing hindi
naman gaanong nakakaapekto. Ang natirang isa (3%) ay hindi naaapektuhan. Pansinin ang
kasunod na graf:
16
Graf 5
pagtingin sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbubuti agad ng kanilang mga kilos. Lima
(17%) naman ang nagsabing mas lalo pa nilang pinoproblema at iniisip, samantalang pito (23%)
ang binabale-walang bahala na lamang ito. Ang natitirang tatlo (10%) ang nagsabi ng iba pa
nilang pamamaraan, gaya ng pagdarasal, upang harapin ang mga problemang ito. Pansinin ang
kasunod na graf:
17
Graf 6
Anim (20%) sa mga respondente ang nagsabing pinakauna silang lumalapit sa kanilang
mga magulang upang humingi ng payo upang harapin ang kanilang problema ukol sa pagtingin
sa sarili. Dalawa (7%) naman ang nagsabing sa kanilang mga kaklase sila unang pumupunta.
Ayon naman sa labing-walong (60%) respondente, sa kanilang kaibigan sila unang humihingi ng
payo. Ang apat (13%) na natitirang respondente ay sa mga ibang tao unang sumasangguni.
18
Graf 7
KABANATA V
Lagom
Santo Tomas.
19
Konklusyon
Batay sa mga nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod
na kongklusyon:
sarili sa kasalukuyan.
Rekomendasyon
a. Para sa mga guro, nawa’y maging instrument sila upang matulungan ang
kanilang mga estudyente hinggil sa pagtingin nila sa kanilang mga sarili, lalo na
20
c. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral
21
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIHAN
emotions/ feelings/self_esteem.html.
self_esteem.html.
Youngs, Bettie. 1993. You & Self-esteem: It’s key to happiness and success. USA: Jalmar Press
Lawrence, Denise. 2006. Enhancing Self-Esteem in the Classroom. UK: Paul Chapman
Educational Publishing
Perera, Karl. 2003. Self Esteem is the Key to your Happiness and Well-being. http://www.more-
selfesteem.com/self_esteem.htm.
Hayes, Dennis. (Ed.) 2004. The RoutledgeFalmer Guide to Key Debates in Education. New
York: RoutledgeFalmer
Barksdale, L.S. 1972. Building Self-Esteem. Idyllwild, CA: The Barksdale Foundation for
Bradshaw, John. 1988. Healing the Shame that Binds You. Dearfield Beach, Florida: Health
Communications, Inc.
22
APENDIKS A
Masayang pagbati!
Kami po, mga mag-aaral mula sa unang taon ng Narsing ay magbibigay ng maikling
sarbey hinggil sa aming pagsusuri ukol sa Epekto ng Pagkababa ng Pagtingin sa Sarili ng mga
Mag-aaral ng Unang Antas sa Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas.
Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makakuha ng mga datos na
kinakailangan namin sa aming pananaliksik.
Hinihiling lamang po namin na bigyan ninyo sana kami ng kaunti ninyong oras para
sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging
konfidensyal na informasyon ang inyong mga kasagutan.
-Mga Mananaliksik
Direksyon: Punan ng angkop na informasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may
pagpipilian, itiman na lamang ang bilog na tumutugma sa iyong sagot.
Kasarian: ______________________
Edad: ______________________
1. Sa iyong pansariling pagsusuri, gaano kataas ang tingin mo sa iyong sarili ngayon?
O Katamtaman lamang
23
O Marka sa klase O Abilidad na kaya mong isipin/gawin
4. Paano mo hinaharap ang iyong mga problema ukol sa pagtingin mo sa iyong sarili?
O Binabalewalang-bahala na lamang
5. Sino ang pinakauna mong pinupuntahan upang humingi ng payo upang harapin ang iyong
problema ukol sa pagtingin sa iyong sarili?
O Kamag-anak O Kaibigan
24
APENDIKS B
ng Yunit
30 Photocopy Charge Php 0.50 Php 15.00
(Sarbey-Kwestyoneyr)
25 Printing Charge Php. 2.00 Php 50.00
(Kabuuang Pamanahong-Papel)
1 Ring-bound Service Php 50.00 Php 50.00
Kab
25